Susi Of Tirad Pass

Door GorgeousJam92

4K 215 31

"History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. An... Meer

Simula
PAHINA 1
PAHINA 3
PAHINA 4
PAHINA 5
PAHINA 6
PAHINA 7
PAHINA 8
PAHINA 9
PAHINA 10
PAHINA 11
PAHINA 12
PAHINA 13
PAHINA 14
PAHINA 15
VOLUME 2 PAHINA 16
PAHINA 17
PAHINA 18
PAHINA 19
PAHINA 20
PAHINA 21
PAHINA 22
PAHINA 23
PAHINA 24
PAHINA 25
PAHINA 26
PAHINA 27
PAHINA 28
PAHINA 29
PAHINA 30
Gregorio Del Pilar I
Gregorio Del Pilar II
Gregorio Del Pilar III
Gregorio Del Pilar IV
Gregorio Del Pilar V
WAKAS

PAHINA 2

189 14 1
Door GorgeousJam92

#SOTPKakaibangMundo

AMANDA's POV

NAPADILAT ang bilugan kong mga mata nang may maamoy akong hindi kaaya-ayang usok. What's that? Binalak kong umupo kaya lang ay mahina pa ang katawan ko. Ano bang nangyari sa akin?

Naramdaman ko rin ang noo ko na parang mabigat, kaya naman ay kinapa ko ito at napakunot ang noo ko nang may nahawakang dahon. Hindi lang basta-bastang dahon, halamang gamot.

"Sandali, Binibini. Hindi pa malakas ang iyong katawan. Huwag mong pilitiin ang iyong sarili," mahinahomg sabi ng isang lalaki sa tabi ko.

Nakasuot siya ng coat and tie na brown. Brown din ang suot niyang pantalon at naka-black leather shoes. Mayroon siyang suot na salamin sa mata, sign na ito na malabo ang kaniyang mata at nakasuot din siya ng sumbrero. Wow naman bakit parang ang formal ng attire niya?

"Sandali rin. Sino ka ba?" Tatayo sana ako ngunit napahiga rin ako dahil sa mabigat pa ang ulo ko. "Aray! Sakit ng ulo ko ah!" Reklamo ko.

"Binibini, huwag mo nang ipilit pa lalo't hindi mo pa talaga kaya. Bakit hindi ka muna magpahinga?"

"Bakit hindi ka rin muna magpakilala?" Pambabara ko at inirapan siya. "Tsaka, tigil-tigilan mo nga ako sa kaka-Binibini mo! Ang corny mo! Sabihin mo na lang din kung bakit ako nandito!"

Kumunot ang noo niya. Hala ang cute! Pero di ako magpapadala sa ganiyan, jusmiyo! "Corny? Siya nga pala, ako si Joven Hernando, ang iyong lingkod."

"Anong lingkod ka diyan? Nasaan ako?!" Sigaw ko sa kaniya kasi kahit cute siya, nakakainis na siya. 'Yung pananalita niya, 'yung mga tingin niya, yung pagiging mabait niya. Lahat na!

"Anong ingay ito? Amanda! Tila ba'y hindi ka babae sa iyong pananalita. Ikaw nga'y kumalma," sabi naman nung matandang girl na may hawak na kaldero. Nang tumingin siya sa mata ko ay nanlaki ang mga mata ko dahil familiar siya.

"Confirm! Ikaw 'yung matandang tinulungan ko hindi ba? 'Yung nahimatay sa daan po?!" Kahit pasigaw ang pagkakasabi ko no'n ay ginawa ko itong magalang.

"Confirm?" Sabat ni Joven, nakakunot pa rin ang noo niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakakaaburido na siya.

"Oo, Hija. Ako nga. Maligayang pagdating sa taong 1898. Hayaan mo akong pormal na magpakilala sa'yo."

"Ha? 1898?" Napalingon ako sa paligid ko at halos mahimatay na ako sa gulat nang mapansing mukhang sinauna nga ang bahay na ito. Kawayan lang ito at maliit lang talaga. Parang... bahay-kubo? "Eme niyo po, Nay! Baka nasa probinsya lang tayo ah? 1898? Hindi po ako bata para mauto."

"Eme?"

"Ano ba? Nanggigigil na ako sa'yong Hoben ka!" Dinuro ko siya. Napaatras si Joven sa akin at hindi na napalingon. Nakatayo kasi silang dalawa ni Nanay at nagkataon namang naiinis na ako sa patanong-tanong niya. Tanga ba siya?

"Joven, sige na't magtungo ka na sa iyong paroroonan, ako na ang bahala sa kaniya," mahinahong sabi ni Nanay habang nakatingin kay Hoben. Tiningnan naman ako ni Joven bago tumango sa matanda at tuluyang umalis.

"Sino po ba siya? Bakit parang wala siyang alam?!" Inunahan ko nang magalit si Nanay dahil baka pagalitan niya ako sa kabastusang taglay na ipinakita ko kay Joven. Hindi ko talaga siya nanay ah? Nanay lang ang tawag ko kasi... feeling close ako!

"Amanda, huwag kang magsasalita ng ganiyan sa iyong kapwa. Mali ang iyong pakikitungo sa kaniya," seryosong sabi niya at bumuntong-hininga.

"Siya nga po pala, bakit niyo ako kilala? Hindi naman po tayo magkakilala ah? Ang alam ko lang po, ikaw 'yung tinulungan ko at bukod doon ay wala na."

Tumango-tango ang matanda sa akin. "Oo, alam ko. Hayaan mo na muna kasi akong magpakilala bago ka dumaldal!" Paninita niya.

Napahawak naman ako sa dibdib ko. At kailan pa ako naging madaldal? Hindi naman ako madaldal hindi ba? Tahimik lang kaya ako sa isang tabi at madalas pa akong ma-award-an ng most behave sa klase.

"Ako si Inang Katarina, gaya ng aking pakilala sa iyo, isa akong manghuhula. Bukod doon ay manggagamot at mananahi rin ako," napangiti siya. Ang dami naman niyang ginagawa. Sabagay, ako rin naman nagmumulti-tasking para mabuhay. "Kilala kita dahil ikaw ang nakatadhana."

"Nakatadhanang ano po?" Kinakabahan ako dahil baka ang sinasabi niya ay nakatadhanang mamatay. 'Wag naman sana. Yes, I am living a lifeless life but I want to live. I am striving because I want to be a succesful woman.

"Nakatadhanang maging tagapagligtas sa digmaang ito," nakangiting sabi ni Inang Katarina. Tumango pa siya ng dalawang beses at pinunasan niya ang luhang namumui sa mga mata niya.

"Po?!" Malakas na tanong ko habang nanlalaki ang mga mata ko. "Ay, nagkakamali po kayo. Hindi pa ako ganap na nurse kaya wala pa akong magagawa dito. Isa pa, baka makasuhan ako kapag may ginamot ako wala pa po akong certificate at lisensiya."

"Diyos ko, hindi ko akalaing ganito ka ka-inosente. Karapat-dapat ka ngang maging tagapangalaga ng susi," nakangiti pa siya. "Anak, hindi mo man alam ngunit mayroon kang kapangyarihan. Nasa iyong mga kamay ang susi. Nakikita ko iyon sa iyong mga mata. Maaari kang manggamot kahit na wala kang kahit na anong mga gamit."

Natawa ako sa sinabi kaya naman nawala ang ngiti niya. "Naku, pasensiya na ho. No offense po ah? Pero 'di po ako naniniwala. I believe po kasi na to see is to believe so kapag hindi ko pa po nakikita hindi pa ako maniniwala kasi--"

"Kung gayon ay bakit hindi mo subukan?" Nakangiti niyang sabi habang nakahawak na sa aking kamay. "Hija, paalalahanan muli kita. Narito ka sa taong 1898 at ibang-iba ito sa panahon mo ngayon kung saan ay malayang kang nakapapaglakad-lakad sa gabi. Nawa'y lagi kang mag-iingat."

"Hindi ko pa rin ho naiintindihan. Paano ako napunta sa taong ito?" Nanghihinang sabi ko kasi parang nanaginip na ako or worse, binabangungot na ako. Ayoko nang ganito.

"Dinala kita rito upang iligtas sa kapahamakan ang mga kababayan natin. Higit sa lahat ay si Heneral Gregorio."

"Sinong Gregorio?"

"Hindi mo nakikilala si Gregorio? Gregorio Del Pilar ang batang heneral? Pamilyar ka ba sa Tirad Pass?"

Napaisip ako sa mga sinabi niya. Napatango ako nang maisip kong pamilyar nga, ngunit hindi ko talaga kilala si Gregorio.

"Pero 'di ko talaga kilala si Gregorio. Pasensiya na Inang ah? Hindi kasi talaga ako nag-aaral sa history. Medicine po ang passion ko," sabi ko.

Napabuntong-hininga siya. "Kung gayon ay nakakalungkot naman dahil ang isang bayaning si Gregorio Del Pilar ay binuwis ang kaniyang buhay upang makalaya ang bansa ngunit mayroong katulad mo na hindi na siya kinikilala."

Napahawak muli ako sa dibdib ko at napataas ang kanang kilay. "Ouch ha! Kanina ka pa Inang! Hindi na mahalaga 'yon. Gusto ko nang alamin kung paano ako makakaalis dito."

Ang bilis 'no? Parang ang bilis kong tanggapin ang sitwasyon. Para kasing panaginip lang 'to at ang cause ay ang labis na pagpapakapagod. Tama! Napagod lang siguro ako sa convenience store!

"Sa oras na mailigtas mo si Gregorio Del Pilar sa kaniyang kamatayan ay makakabalik ka na sa iyong pinanggalingan," seryosong sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. Tumango naman ako na para bang madali lang ang pinapagawa niya.

"Paano naman po kapag namatay siya?"

"Mabibigo ka sa iyong misyon. Hindi ako nakatitiyak kung makakabalik ka pa o hindi na," seryosong sabi niya at inilapag na ang kalderong hawak niya sa lamesa at kinuha na ang telang nasa loob nito. Mainit na tubug pala ito na mayroong tela na para bang face towel.

"Po? Bakit naman hindi na?"

"Anak, depende iyan sa hatol sa iyo. Kung naging mabuti ka bang tagapangalaga ng susi ng buhay. Kaya naman sana'y maging mabuti kang tao at maging mabuti ang iyong mga gawa. Iligtas mo ang mga nangangailangan." Sinimulan na niyang punasan ang noo ko. Aawatin ko nga sana siya kaya lang ay nagsimula na siya at parang seryoso siya sa topic namin.

Napakamot ako sa gilid ulo ko. In case na totoo 'to? Mahirap pala 'tong napasok kong gulo. Ano ba kasing susi na 'yan at bakit na sa akin pa? Wala naman akong kwentang tao. I am just me. A working-student girl who lives alone. Nothing special. But why me?

"Huwag kang mag-alala, Hija. Mayroong gantimpala sa oras na iyong maligtas si Gregorio Del Pilar."

"Ano po 'yun?"

Seryosong tumingin siya sa aking mata at tinigil niya ang pagpupunas sa mukha ko. Ngumiti siya bago magsalita. "Mahal mo ang iyong ina, hindi ba? Ano kaya kung dalhin kita sa taong namatay siya at ililigtas mo siya mula roon? Nasa iyo ang susi ng buhay, anak. Hindi mo lang alam noon. Ngayong alam mo na, bibigyan kita ng pagkakataong maligtas ang iyong ina, basta't maging matagumpay ka lang."

-

Dahil sa kapalit na sinabi ni Inang Katarina, hiniling ko na hindi ito panahinip. Three days na rin ang lumipas at sa tingin ko, I am definitely stuck in the year 1898. Nakailang gising at tulog na ako pero nandito pa rin ako. Takot din akong lumabas kasi baka may masalubong akong Amerikano. Mahirap na. Hindi pa nga ako nakakapagsimula sa misyon ko, mamatay na agad ako.

Kasalukuyan akong nagpupunas ng lamesa dahil kakatapos lang namin mag-agahan ni Inang Katarina. Nakakahiya naman kung si Inang Katarina na lang ang kikilos dito gayong libre kain na nga ako.

Ano ba 'yan? Bakit ang lalim ko na rin magsalita? Nahawa na yata kay Inang Katarina. By the way, iniisip ko pa rin kung talaga bang nakakagamot ako? Gaya nga ng motto in life ko, to see is to believe. So dapat makita ko mismo na nakakagaling 'tong mga kamay ko.

Binitawan ko ang basahang hawak ko at pinagmasdan ko ang kamay ko. Talaga bang nakakagamot 'to sa liit nito? Oo nga 'no? Ang liit ng kamay ko tapos medyo mahaba 'yung daliri ko. Naalala ko tuloy si Daddy, sinabi niya na pang-prinsesa ang kamay ko. Napangiwi tuloy ako.

"Binibini, kumusta ang iyong pakiramdam?" Napataas ang dalawang balikat ko dahil sa biglaang pagsasalita ng tao sa labas. Taas kilay akong tumingin sa bagong dating. Si Joven pala.

"Okay naman na'ko. Sorry pala sa unang pagkikita natin, nahurt ko siguro 'yung feelings mo," nakangiti kong sabi. Binaba ko na ang taas ng kilay ko dahil nahiya ako sa kaniya. I am so attitude girl!

"Paumanhin ngunit hindi ko maintindihan ang ilan sa mga salitang nasabi mo. Kung maaari sana'y gamitin mo na lamang ng buo ang ating wika," nakangiting sabi niya.

"Paumanhin kasi... pano ba 'to? Nahurt? Ah, nasaktan! Oo! Nasaktan kita dahil sa sinabi ko kaya sorry o pasensya na," matamis na ngumiti ako sa kaniya habang nagbiblink pa ang mga mata ko. Natawa siya sa ginawa ko.

"Wala iyon, huwag mo akong intindihin. Alam ko kung saan ka nanggaling at alam ko rin na ikaw ay nahirapan kaya naman hindi nakakapagtaka kung ika'y nagulat sa ating unang pagkikita--"

"Sandali!" Tinapat ko ang index finger ko sa bibig niya at napataas ang kilay ko. Nanlaki naman ang mga mata niya sa ginawa ko. "Alam mo kung saan ako nanggaling? As in alam mong mula ako sa hinaharap?"

"Oo? Tinalakay sa akin ni Inang--"

"Edi knows mo na ako raw 'yung may hawak ng susi chorva na 'yan?"

"Ano ang iyong sinasabi? Basta't oo, alam kong ikaw ay mula sa hinaharap at ikaw ang may hawak ng susi ng buhay--"

"Boss, pa'no nangyari 'yon? Parang ang imposible?" Hindi ko napigilang mapataas 'yung voice ko. Not that I'm angry, nagulat lang talaga ako. "Imposible na ngang nandito ako sa past at mas lalong imposible na nakakagaling ako ng mga may sakit."

"Uhm, Binibini?" Napaatras siya sa akin at nagsimulang maglakad patungo sa upuan at inilapag niya ang hawak niyang camera ba 'yun? Camera nga. Makalumang version lang. "Ilang araw ka na rito ngunit tila'y hindi ka pa naniniwala. Ganito, walang imposible. Narito ka sa nakaraan sapagkat hinanap ka ni Inang Katarina upang mailigtas ang mga dapat iligtas. Kung bakit nasa sa'yo ang susi ng buhay ay hindi ko nalalaman ang dahilan, basta't ikaw ang napili ng susing iyan."

Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa explanation niya. Mas gumulo ang mundo at utak ko dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Ganito na lang din. Ako kasi, naniwala ako sa kasabihang "to see is to believe" o ayan itatranslate ko ah? Kapag nakita mo, doon ka na maniwala. Gets? Kuha mo?" Pinandidilatan ko siya ng mata na para bang sinasabing maniwala siya dahil kung hindi lagot siya sa'kun.

Ang lucky me naman ng taong 'to! May translator pa! Miss universe ang peg?

Napatango siya kahit alanganin ang tingin niya. Para bang no choice siya kaya umoo na lang. "Therefore, hindi ako naniniwala na nasa akin talaga kung hindi ko pa talaga nakikita."

"Kung gayon, anong nais mong mangyari, Binibini?" Seryoso ang mga mata niya na para bang inaalam niya kung ano 'yung nasa isip ko.

Noong isang araw ko pa talaga ito iniisip. Wala lang akong maisip na taong gagamitin. Ayoko kay Inang Katarina, mahirap na at baka madisgrasya.

Naisip ko lang na dapat mayroong isang mapahamak, tapos gagamutin ko. In that way, malalaman ko talaga na nakakagamot ba talaga ako o chinacharot lang ako ni Inang Katarina. Kasi 'di ba? Kahit super bait niya sa'kin, ang hirap pa rin magtiwala. Lalo na sa stranger na gaya niya. Stranger na nga siya, strange pa siya. Kakaiba kasi talaga si Inang gaya ng mundong itey.

"Patawarin mo ako sa gagawin ko Joven," diretsong sabi ko at pumunta sa lababo. Kinuha ko ang kutsilyo. Nanginginig ako habang hawak-hawak ko ito. Desidido na akong sasaksakin si Joven.

Hindi papatayin ah? Magkaiba 'yon. Balak ko naman siyang pagalingin or gamutin lalo na ako raw 'yung may hawak ng susi ng buhay eme nila. In case na hindi pala truth, edi wow. Edi deads 'tong si Joven makikiramay na lang ako. Tapos ako, edi kulong.

"B-binibini? A-ano ang iyong binabalak na gawin?" Pinilit niyang ngumiti para siguro kumalma muna ako at huwag gawin ang binabalak ko. "Hindi mo ako maaaring paslangin-- AHH!"

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at diretso ko siyang sinaksak sa sikmura niya. Tinanggal ko rin agad para hindi ako mahirapang gamutin siya.

"B-binibini..." sabi niya bago malagutan ng hininga.

#

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

33.6K 2K 42
Sina Keesha, Lucy, Lucas, Joash at Wize ay ang magkakaibigang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang sem na lang... isang sem na lang at maka...
6.2K 178 31
"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."
15.4K 798 36
『Galilee has been dreaming about this man in a historic place and time since she was 18. It was vivid dreams and it's like really happened. That mys...
1.1M 4.3K 69
Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang...