Ang Aswang Sa Poblacion San J...

By Alexis_Seguera

18.1K 912 87

Lugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar n... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 26

335 17 1
By Alexis_Seguera

Chapter 26

Pagkatapos ng nangyaring yon ay wala naring naging problema sa amin ni Hades, araw araw kaming lumalabas, kumakain at pumupunta sa kung saan. Nitong nakaraang araw rin ay ini-enjoy namin ang piling ng isa't-isa. Napakasaya ko ng mga araw na iyon sapagkat parang kami lang dalawa ang tao sa mundo at wala ng inaalala pang iba.

Nakakatuwa lang dahil parang sasabog sa tuwa ang puso ko. Nito ring nakaraan ay mas lalo kong makilala si Hades na siya ring nagpahulog sa akin ng husto dito. Marami akong nalamang mga bagay tungkol sa kanya. Pero kahit ganon ay meron paring takot na namayani dito sa puso ko.

Natatakot na baka matapos ang mga maliligayang araw kong ito. Natatakot ako sa magiging balik nito dahil hindi naman araw araw ay palagi tayong masaya dahil dadarating at darating ang mga araw na tayo ay magdudusa. Masamang mag-isip ng mga ganitong bagay pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Nito ring kasing nakaraan ay parang may nararamdaman akong kakaiba. Yun yung tipo na parang may nakatingin sa akin. Katulad nalang ng pakiramdam ko noong kaarawan ni Hades, pakiramdam ko ay may palaging nakabantay sa kilos ko, pero ang mas ipinagtataka ko lang ay nararamdaman ko lang yon sa tuwing aalis si Hades sa tabi ko.

Bawat kilos ko ay ilang na ilang ako, at palagi rin akong nababalisa, hindi ako mapakali sa isang tabi dahil nakakapanindig balahibo ang mga tingin na ipinupukol sa akin ng kung sino man ang may gawa nito. Isang araw nga noong inutusan nagwawalis ako sa likod ng bahay namin kung saan makikita ang nagyayabungang gubat sa amin.

~~~~~

Alas singko ng hapon ng maisipan kong magwalis sa likod ng bahay namin. Nakakatamad rin kasing maupo at mahiga nalang dahil tinapos ko na kanina umaga ang mga kailangan at dapat kong gawin sa araw na ito. Tamang tama naman dahil nasilip ko kanina na masyadong marumi at mayabong na ang mga damo dito sa likod bahay.

Kinuha ko na ang mga kailangan ko sa paglilinis at dumiretso na ako sa likod ng bahay namin. Pinagbubunot ko ang mga damo at pinangwawalis ang mga tuyong dahon na nahulog mula sa mga punong narito.

" Kapag hindi ko nilinis ang likod ngayon baka pamahayan na ito ng ahas dahil sa kapal ng mga ligaw na damo " bulong ko sa sarili ko

Napatingin ako sa pinaglinisan ko at wala sa sariling napangiti dahil mas maayos na ang itsura nito kumpara kanina. Tumingin ako sa langit at napapikit habang dinarama ang sariwang hangin na nanggagaling sa mga puno. Ang saya talaga sa probinsya dahil ang hangin dito ay napakasariwa hindi tulad ng sa Manila na puro usok ng sasakyan at pabrika ang maaamoy mo. Nakaka-relax rin tingnan ang mga maberdeng paligid at nakakagaan sa pakiramdam.

Tuluyan nang nalusaw ang mga ngiti ko at unti unting napalitan ng pagtataka ng may marinig akong parang may umapak sa natuyong dahon hindi kalayuan mula sa kinauupuan ko. Mas lalo pa akong nagtaka ng gumalaw ang mga talahib. Wala namang hangin kaya paano gagalaw yon?

Maliban nalang kung may hayop na gumalaw don diba? Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa may natanaw akong anino. Nagulat nalang ako ng unti unti itong gumalaw at akmang lalapit sa akin.

" Art! Nandito si Hades "  sigaw ni nanay kaya napalingon ako dito

Nakita kong nakatanaw ito sa akin habang mula sa pintuan ng kusina namin. Ibinalik ko muli ang tingin ko sa harap ko ng makitang wala doon ang aninong yon.

" Opo! Nandiyan na! " Sigaw ko pabalik habang hindi parin inaalis ang tingin sa harapan ko

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at

pinunasan ang kaunting butil ng pawis sa noo ko, gamit ang likuran bahagi ng kamay ko. Bago tuluyang lisanin ang likod bahay namin at tinitigan ko pang muli ang lugar kung saan ko nakita ang anino.

Pero walang kahit ano mang bakas nito. Hindi kaya ay namamalik mata lang ako? Baka naman dahil sa pagod kaya nakakakita ako ng kung ano-ano! Umiling nalang ako at pumasok na sa loob ng bahay.

~~~~~

Hindi lang isang beses sa akin nangyari yon kaya nakakasiguro akong hindi na ako  namamalikmata lang. Parang dati lang, noong muling umapak ang mga paa ko sa Poblacion, ganitong ganito rin ang naramdaman ko non. Yung pakiramdam na may nakatingin sayo at parang ayaw kang lubayan ng tingin nito.

Hindi kaya ang aninong nakikita ko ay nagmula rin sa albularyong nakasalubong namin non? Pati rin ang mga matang nakatingin sa akin? Hindi ako sigurado pero isa lang ang nasa isip ko.

Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang kailangan nito sa akin, at bakit niya parin ako ginugulo. Alam kong gusto niyang layuan ko si Hades, pero bakit gagawin ko naman yon? Walang dahilan para layuan ko ang taong iniibig ko.

Oo, marahil ay may itinatago siya sa aking sekreto pero nangako naman siya na sasabihin niya rin sa akin yon. Isa pa, malaki ang tiwala ko kay Hades.

" Art! Bumaba ka nga muna rito " napatda naman ako mula sa kinauupuan ko ng marinig ang boses ni Nanay

Dali dali naman akong bumaba dahil kanina niya pa ako tinatawag pero wala ako sa sarili.

" Nay? " Sabi ko ng makababa ako. Pero wala namang tao sa sala namin

" Dito ako! " Sigaw ni Nanay mula sa kusina kaya doon na ako dumiretso

" Bakit po? " Bungad na tanong ko rito ng makapasok ako

" May ginagawa ka ba? " Tanong nito habang abala sa kung anong hinahalo nito

" Wala po " habang sinisilip ang hinahalo nito

" Puwede bang ikaw nalang ang bumili sa mga kulang na rekados nitong Kaldereta? Hindi kasi puwede si Audrey dahil may ginagawa siya " sabi nito

" Sige po, ano po ba ang mga kailangan niyo? " Pumayag na ako dahil wala naman akong ginagawa

" Heto at ililista ko na, nga pala kunin mo narin kay Aling Karmen yung ipinapamigay niyang karne ng baka nakalimutan ko kasi kaninang daanan " si Aling Karmen yung mama ni Trisha

Trisha, kamusta na kaya yon? Mga ilang araw ko na ring hindi siya nakikita, kapag kasi dadaanan namin ni Hades yung bahay nila ay palaging itong wala.

" Magpahatid ka nalang sa Tito mo para mabilis kang makauwi " sabi pa nito at ibinigay sa akin ang listahan

" Opo, magbibihis lang ako Nay "

" O siya bilisan mo at nang matapos na itong niluluto ko " nagpaalam na ako at umakyat sa kuwarto ko para makapagbihis na

Hinanap ko si Tito dahil magpapahatid ako. Nang makasakay ako ng tricycle ay natanaw ko hindi kalayuan ang bahay nila Trisha. Tamang tama dahil yayain ko siyang sumama sa akin sa palengke, kukunin ko narin yung ipinabibigay na karne ng mama niya.

" Tito puwede niyo po bang ihinto muna ang Tricycle? " Bahagyang sigaw ko rito. Inihinto naman nito ang tricycle kaya bumama na ako.

" TAO PO! " sigaw ko. Bumukas naman ang pintuan ng bahay nila at nakita kong lumabas si Aling Karmen dito. Lumapit ito mula sa kinatatayuan ko at binuksan ang gate nila.

" Magandang hapon po Aling Karmen " bati ko rito at kinuha ang kanan nito kamay para magmano

" Kaawaan ka nawa ng diyos, napadalaw ka? Nasaan nga pala yung Nanay mo? Sabi ko sa kanya kunin niya dito yung ipinabibigay kong karne pero hindi pumunta " sabi nito

" Ah! Hehe opo, pinapakuha niya nga po sa akin, nakalimutan niya raw po kasing kunin kanina " magalang na sabi ko rito " Nasaan nga po pala si Trisha? " Tanong ko dito

" Nasa loob, sandali at tatawagin ko, pasok ka muna " at mas nilakihan pa ang pagkakabukas ng gate nila

" Naku hindi na po, kasama ko rin po kasi yung tito ko " sabay turo kay Tito parang may tinignan sa kung saan

Bumaling lang ito sa amin ng batiin ito ni Aling Karmen na siyang sinuklian naman nito ang ngiti at tango.

Ilang sandali pa ang lumipas at hindi na ako napilit pa ni Aling Karmen na pumasok sa bahay nila kaya tinawag nalang nito si Trisha.

Napatingin naman ako dito ng makita itong nakasimangot na nakatingin sa akin. Huminto ito sa harapan ko pinag-cross ang mga braso nito sa dibdib niya.

" Anong ginagawa mo dito? " Mataray na sabi nito sa akin na siyang ikinatawa ko

" B-bakit? Bawal bang b-bisitahin ang beast friend ko? " Natatawang sabi ko

Kumunot saglit ang noo nito at itunuro ako gamit ang hintuturo nito. Gigil na gigil itong nakatingin sa akin at nagsasalubong na ang kilay nito.

" Bisitahin!!! Sa nagdaang araw ngayon mo lang ako binisita!! Nagkajowa ka lang kinalimutan mo na ako! Aba! Aba! Hindi maganda ma'h friend! " Gigil na sabi nito

" Gagi! Binisita kaya kita! Pero nasaan ka? Wala! Sabi ni Aling Karmen kasama mo raw si Xyfer! Baka naman kayo na, tapos hindi ko man lang sinasabi sa akin " nakataas kilay ring sabi ko

Ang kaninang nanggigigil na mukha nito ay biglang namula. Sa totoo lang mukha na siyang kamatis. Kumunot ang noo ko dahil sa naging reaksyon niya.

" Kayo na ba? " Tanong ko pa

" Hindi pa, hihihi " kinikilig na sabi nito

" Hindi pa? So ibig sabihin may pag-asang maging kayo? Nanliligaw na ba? "

" Oo " napailing nalang ako dahil sa sinabi nito. Hindi naman sa tutol ako, pero sadyang nagulat lang ako dahil noong nakaraan pa ay nag-aaway sila, tapos ngayon nagliligawan na. Haaay! Pag-ibig nga naman

" Kailan ba siya nanligaw sayo? Tsaka kailan mo sasagutin? "

" Noong birthday ni baby Hades mo, tsaka shhh! Huwag kang maingay kasi sasagutin ko rin siya bukas, omohghod! Eggxoyted na akoooo " parang bulate itong binudburan ng asin dahil ito mapakali sa kinatatayuan nito.

Napahilot ako sa noo ko dahil sa inasta nito.

" Nga pala, bakit ka dumalaw sa akin? Na miss mo ako no? Yieeee---" sinundot nito ang tagiliran ko "---enebe! Keneleg eke " sabay hawi ng buhok nito papunta sa tenga niya at nag finger heart " Na mish rin kita " napatampal ako ng noo dahil dito

" Bakit kita ma-mi-miss? Tsaka pumunta lang ako dito dahil magpapasama ako sayo sa palengke " dahil sa sinabi ko ay sumama ang tingin nito sa akin na siyang ikinangisi ko

Akmang magsasalita na ito ng makita ko si Aling Karmen na may dalang tupperware. Iyon na siguro yung ipinabibigay niya kay nanay.

" Oh Art! Ito nga pala, ibigay mo sa nanay mo " malugod ko naman itong tinanggap at nagpasalamat

" Salamat po " ngumiti lang ito sa akin at nagpaalam na papasok na sa bahay

" Halika ka na Trisha, punta na tayong palengke para mabili ko na agad yung pinapabili ni Nanay sa akin para may oras pa tayong gumala " sabi ko rito

Pero parang wala sa akin ang atensyon nito dahil nakatingin ito sa may malayo habang kunot ang noo. Tinignan ko ang tinitignan nito pero wala naman akong nakitang kakaiba.

" Trisha! " Muling tawag ko pa dito

Tumingin ito sa akin at nagtatakang tumingin

" Bakit? "

Gusto kong siyang sabunutan pero hindi puwede dahil may hawak akong tupperware kaya inirapan ko nalang ito.

" Ang sabi ko, magpaalam ka na sa Nanay mo at sasamahan mo ako sa palengke, tsaka ano ba yang tinitignan mo? " Tanong ko

" Ahh, kahit hindi na ako magpaalam kay Nanay okay lang, alam naman niyang kasama mo ako, tsaka parang nakita ko kasi si Tata Seno " saad nito at tumingin ulit sa tinitignan niya kanina

Tata Seno? Yung sikat na albularyo dito sa amin?

" At parang sayo siya nakatingin kanina " seryoso naman itong bumaling sa akin " Ang sama rin ng titig nito sayo Art, masama ang pakiramdam ko sa Albularyong yon "

Nanlamig naman ako dahil sa sinabi nito. Kung ganon tama nga ang hinala ko, siya yung palaging nagmamatyag sa akin.

" Hayaan mo na baka namamalimata ka lang " sabi ko at inaya na itong sumakay ng tricycle

Tahimik lang kami ang binabagtas ang daan papuntang palengke. Gulong gulo na ako sa mga nangyayari sa akin. Siya rin ba yung tinitignan ni Tito kanina? Ano ba talaga ang problema ng albularyong yon at ayaw niya akong lubayan!?

Ano bang pakialam niya kung ayaw kung lumayo kay Hades? Bakit ako yung pinapalayo niya? Kung may galit siya sa mga Vallderama siya yung lumayo at hindi ako. Sa totoo lang ay nagsisimula na akong mainis sa albularyong yon.

Nang makarating kami sa palengke ay sinabihan ko si Tito na hintayin nalang kami dahil mabilis lang naman yung gagawin namin. Kinuha ko ang lishanan sa bulsa ng suot kong jeans at binasa ang mga nakasulat don.

Hinanap namin ng kaibigan ko ang mga pinabibili ni Nanay. Hindi naman kami nagtagal at natapos na kami mula sa pamimili. Sinabihan ko si Trisha na humanap siya ng karinderya dahil dito nalang kami kakain. Dahil mamasyal pa kami mamaya.

Hindi ko man aminin ay alam kong namimi-miss ko ang kaibigan ko, lalo't dalawang araw nalang ang itatagal ko dito sa Poblacion dahil babalik na akong Manila. Malapit na kasing matapos ang isang buwan na hiningi kong leave sa boss namin.

Gusto ko pa sanang gawin nalang dalawang buwan pero hindi na puwede dahil kailangan na ako sa trabaho, duda rin kasi akong papayagan ako ng boss ko. Hindi ko parin pala nakakausap si Hades tungkol sa pagbalik ko sa trabaho. Ni minsan rin kasi ay hindi ko pa nababanggit sa kanya ang balik ko sa Manila.

Di bale at tatawagan ko nalang siya mamaya. Pinuntahan ko si Tito doon sa pinarkingan niya ng tricycle at nakitang nakikipag-usap ito sa mga kakilala niya.

" Tito " tawag ko rito

Bumaling naman ito akin " Oh Art! Nandito ka na pala aalis na ba tayo? Saan na si Trisha? " Tanong nito

" Ahh hindi po muna kasi kami uuwi dahil mag-gagala po muna kami ng kaibigan ko, puwede po bang kayo nalang magbigay nitong mga pinapabili ni Nanay sa kanya? Pakisabi narin po na baka mamaya pa ako makakauwi " nahihiyang sabi ko

" Ganon ba? O siya at sasabihin ko yon sa Nanay mo, akin na yung pinamili mo " ibinigay ko naman ang cellophane na naglalaman ng mga pinamili ko

" Salamat po Tito " sabay ngiti dito

" Walang ano man " balik na sabi nito

Tumalikod na ako mula dito at akmang hahakbang na paalis ng tawagin muli ako nito

" Bakit po? " At humarap dito, ilang segundo pa ito munang hindi nagsalita. Kinabahan tuloy ako dahil seryoso ang ibinibigay nitong ekspresyon sa akin.

" B-bakit p-po Tito? M-may p-problema po ba? " Muling tanong ko

" Mag-iingat ka Art " hindi parin maalis ang seryoso nitong ekspresyon " Hangga't maaari ay huwag kayong pagagabi ng kaibigan mo, ~ dahil hindi maganda ang kutob ko sa matandang yon " hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi nito dahil parang ibinulong lang niya ito

" Po? "

" Art, noong una ay hindi ko lang ito pinapansin dahil baka nagkataon lang, pero ngayon sigurado na akong siya talaga ang palagi kong nakikitang nakamasid sayo mula sa malayo, matagal ko na itong napapasin simula noong dumating ka dito sa Poblacion pero pinababayaan ko lang " sabi po

" Ano pong sinasabi niyo? " Tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin, ayaw lang talagang tanggapin ng sistema ko.

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita " Nito kasing nakaraan ay madalas ko siyang makitang nakatingin sayo, sa bawat ginagawa at galaw mo ay parang nakamatyag siya, isang beses habang naglilinis ako ng tricycle ay nakita ko siyang nakatingin sa bintana ng kuwarto mo. Nang akmang sisitahin ko ito ay bigla itong lumingon sa akin at walang sabing umalis "

" Hindi lang iyon dahil pagkatapos ng senaryong yon ay mas napadalas pa ang pagkakakita ko sa kanya, katulad na lamang noong nahuli ko siya sa likod ng puno at nakitang nakatingin sayo habang nagwawalis ka sa bakuran, sinabihan ko siyang tigilan niya ang ginagawa niya dahil nakakabastos na ang ginawa. Tumango lang ito sa akin at umalis " kunot parin ang noo ni Tito habang nagku-kwento

" B-baka naman po n-nagkataon lang yon " sabi ko

" Hindi Art, noong sinabi ko sa kanya na tigilan ka niya ay hindi ko na muli itong nakita pa pero kanina lang doon sa bahay nila Karmen ay nakita ko siya muling nakatingin sa iyo---" tinignan naman ako ni Tito diretso sa mga mata ko "---masamang tingin na ang ipinupukol niya sayo Art, masama ang kutob ko sa matandang yon, kaya hangga't maaari ang huwag kang maglalakad mag-isa, sikapin mong palagi kang may makasama, huwag ka ring magpapagabi sa daan kung sakali."

" Sinabi ko narin sa Tatay mo ang mga nakikita kong ito, maging siya ay nababahala na sa seguridad mo " nag-aalalang sabi nito

" Huwag po kayong mag-alala Tito, mag-iingat po ako tsaka hindi kami magpapagabi mamaya sa pag-uwi " ngumiti ako dito para siguraduhing maayos lang ako, kahit sa kaloob looban ko at nanginginig na ako sa takot.

" Mas mabuti pa siguro magpasundo ka nalang kay Hades mamaya, para hindi ka na mahirapan pang humanap ng masasakyan mamaya o di kaya ay tawagan mo ako ng masundo ko kayo ng kaibigan mo " suhesyon pa nito

" Sige po, magpapasundo nalang kami kay Hades mamaya para hindi na kayo mag-alala pa " at ngumiti ng malawak dito.

" Oh siya sige, balikan mo na ang kaibigan mo at baka nag-iinip na sa kakahintay sayo yon, aalis na ako Art mag kayo, lalo na ikaw "

"Opo, ingat po sa pagmamaneho " hindi na ito nagsalita pa tumango nalang sa akin bago pina-andar ang makita ng tricycle.

Nawala naman ang ngiti ko ng umalis na ang tricycle ni Tito. Hindi niya sinabi sa akin kung sino ang palaging nakikita niyang nakamasid sa akin pero SIYA lang naman ang alam kong gagawa non. Walang iba kundi ang pinaka-magaling RAW na albularyo dito sa Poblacion, Si Tata Seno.



















Continue Reading

You'll Also Like

33.2K 1.3K 11
Oc female Jackson x Hermes x Apollo x Ares
134K 3.7K 25
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
1.7M 110K 25
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
41.2K 2.4K 22
𝐁𝐨𝐨𝐤 # 𝟏 𝐨𝐟 𝐓𝐡𝐞 𝐑𝐚𝐚𝐳 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬. Love or betrayal? Consumption of betrayals. Internal betrayal? Yes! Will they be overcome? Or W...