Loved Behind the Sun

By PecheaL

664 24 1

A girl with a simple dream. Who has been living with a chronic illness. Her life was changed when she entered... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 06

27 1 0
By PecheaL


Abala ako sa pagbabasa ng mga dokumento sa opisina ng biglang pumasok si Valentina at may nilapag na invitation.

"Kanino galing?" Tanong ko at pagbukas ko ng inivitation ay birthday celebration pala ng Papa ni Skylar, its his 50th birthday at imbitado kaming buong pamilya. Siguradong engrande ang party na 'to, sa makalawa na pala siya gaganapin wala pa ko isusuot.

"Mukhang sosyalin po ang party na yan Maam ah, may isusuot na po ba kayo?" Tanong ni Valentina at umiling naman ako.

"Huwag daw po kayo mag alala sa susuotin niyo sabi po ng Mom mo, bukas daw po may pupuntahan kayong boutique doon daw po kayo mamimili ng susuotin niyong dalawa para sa party," Aniya kaya tumango na lamang ako.

Bigla naman tumunog ang phone ko at nakitang si Alexie ang nag text.

Alexie:

Are you free today?

Me:

Kind of, why?

Alexie:

Can we have lunch? I'll pick you up at your office

Napatingin ako sa orasan at lunch time na nga.

Me:

Sure, I'll be waiting.

Alexie:

On my way, see yah!

"Valentina mag lu-lunch kami ni Alexie sa labas. Call me pag may emergency dito okay?" I reminded her.

"Date po ba yan Maam? Alam mo Maam feeling ko talaga type ka ni Mr. Demanuca, hindi ka naman niya yayayain kumain sa labas kung hindi diba?" Pagpuna niya at inirapan ko naman siya.

"It's not a date Valentina, he just asked me for lunch anong malisya 'don?" Sagot ko.

"Ganyan po kaya pumorma ang mga lalaki pag tipo nila yung girl, sa una aayain ka kumain sa labas tapos po bigla ka nalang nila tatanungin kung pwede ka ba ligawan. Hindi niyo po ba 'yon napagdaanan kay Sir No-" Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay tinikom na niya ang kanyang bibig. Kahit hindi niya natapos ang sasabihin ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Mag lunch ka narin Valentina. Susunduin daw ako ni Alexei dito, hihintayin ko nalang siya," Pag iba ko ng usapan at tumango na lamang siya at kaagad lumabas ng opisina.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Valentina, ayoko mag assume pero what if her assumptions are right? Baka naman nagiging friendly lang talaga sakin si Alexie. Hindi naman purkit niyayaya niya ko kumain sa labas ay pinopormahan na niya ko kaagad.

Ilang minuto ang lumipas ay may kumatok na sa pinto at at bumungad sakin si Alexie na ang lawak kaagad ngiti ng makita ako. Nginitian ko na lamang siya pabalik at tumayo na.

"You look gorgeous as always Zole," Pagpuri niya sakin dahilan para mag init nanaman ang pisngi ko.

"S..Salamat, saan nga pala tayo kakain?" Tanong ko habang pasakay kami ng elevator.

"May bagong bukas na restaurant malapit dito, gusto ko bisitahin kaya naisipan ko na isama ka na," Aniya.

"Bakit ako? Wala ka bang ibang mayaya bukod sakin?" Tanong ko at medyo natawa naman siya.

"Why not? We're not just co workers, we're friends too right?" Sagot niya.

"Tsk, whatever"

Pagkarating namin sa parking lot ay kinuha niya na ang susi ng kanyang kotse at pinatunog ito. Sports car ang sasakyan niya as expected, I mean his rich at nasa itsura naman niya na mahilig siya sa sports car. He opened the door on the passenger side para makasakay ako sa loob, pagkapasok ko ay sinara niya ito kaagad at umikot na siya para makasakay naman sa drivers seat.

Pinaandar na niya ang makina ng kotse pero nagtaka ako dahil hindi niya pa ito pinapatakbo. Napatingin siya sakin at nagulat ako ng dahan dahan siya lumalapit sakin at ako naman ay dahan dahan din lumalayo.

Inabot naman niya ang seatbelt sa gilid ko at isinukbit ang seatbelt sa akin, nakalimutan ko pala mag seatbelt. He chuckled at nagsuot narin siya ng seatbelt.

"You should've just reminded me to wear seatbelt, marunong naman ako," I said.

"Ano bang iniisip mong gagawin ko sayo? Are you expecting a kiss from me Zole?" Tanong niya at napansin kong bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"The nerve of you, of course not! Magmaneho ka na nga nagugutom na ko," Sagot ko at pinagkrus pa ang dalawang braso ko, tumingin na lamang ako sa side window dahil naiirita na ko sa tingin niyang nakakaloko.

Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa restaurant na pagkakainan namin. Mukhang bagong bukas nga ang restaurant dahil mukhang bagong gawa pa lamang ito, marami rin tao sa loob. Walk in ba kami or nag pa reserved na siya?

Lalabas na sana ako ng kotse pero bigla niya ko pinigilan at kaagad lumabas ng kotse, pinagbuksan niya ko ng pinto. Mukhang gentleman talaga ang lalaking 'to.

"Good morning po Maam and Sir, any reservations po?" Tanong ng isang babae, tingin ko siya ang Manager ng restaurant.

"Yes, reservation for two under Mr. Demanuca," Sagot ni Alexie. Chineck nong babae ang record niya.

"This way po Maam and Sir," She guided us on the reserved table and being a gentleman ay hinila pa ni Alexie ang upuan na uupuan ko saka rin siya umupo sa tapat ko. Binigyan na din kami ng menu at nagsimula na kami mamili ng kakainin.

"What do you want to order?" Tanong niya.

"I'll have the carbonara pasta and mango juice sa drinks, ikaw?" Tanong ko.

"Hmm, I'll get the pesto pasta and pineapple juice for drinks," Sagot niya.

Sumenyas na siya ng waiter na kukuha ng order namin and he ordered our foods.

"Your food will be served in 10 minutes po," Sabi ng waiter at kaagad ng umalis.

"How's work? Feeling stressed?" Pangangamusta niya at umiling naman ako.

"Hindi naman, the company is doing well kaya hindi ako nasi-stress. How about you? Mukhang ikaw ata ang stress ah?" I asked back and he chuckled.

"Of course not, our company is doing great as well so bakit ako masi-stress? Kaya nga may oras pa ko yayain ka kumain ngayon diba?" He answered at umirap na lamang ako.

After 10 minutes ay dumating na nga ang pagkain namin. Kaagad naman namin 'yon tinikman at masasabi kong masarap ang carbonara nila, feeling ko kukulangin pa ko sa inorder ko pero baka tuksuhin pa ko ng lalaking 'to na ang takaw ko tsaka diet din ako ngayon.

"Zole..." Tawag niya sakin at napatingin naman ako sakanya. He suddenly wiped the side of my lips with his thumb finger na ikinagulat ko at mas nanlaki ang mata ko ng tinikman niya pa yung sauce na nasa daliri niya.

"Masarap din yung carbonara nila ah, kaya pala mukhang sarap na sarap ka," He said at nagpatuloy sa pagkain.

"Could you stop doing that? Pwede mo namang sabihin nalang hindi yung ginugulat mo ko lagi," I scolded at tumawa naman siya.

"Nagugulat nga ba or kinikilig?" He asked at nanlaki nanaman ang mata ko.

"Tsk, ako? Kikiligin sayo? Feelingero ka noh?" I sarcastically asked.

"Your blushing everytime I do that sudden gestures, isn't not enough proof for me to think na kinikilig ka?" Sagot niya. Napahawak naman ako sa pisngi ko.

"I..It's normal! Naka blush on ako kaya namumula talaga pisngi ko tsaka side effects ng sakit ko 'yon for your information," Depensa ko at tinawanan naman niya ang pagdadahilan ko.

"Okay I believe you, finish your food or gusto mo subuan pa kita?" Alok niya at sinamaan ko na siya ng tingin at sumubo ulit ng pasta.

Pagkatapos naming kumain ay binayaran na niya ang kinain naming pagkain. Ako na dapat ang magbabayad ng kinain ko pero pinigilan niya ko.

"Its my treat Zole, you can treat me next time if you want," He said at inabot na sa waiter ang card niya.

Inismiran ko na lamang siya at pinagkrus ang dalawang braso ko. Nang maibalik na sakanya ang card ay tumayo na kami para makalabas na sa restaurant.

"Gusto mo mag drive thru sa starbucks? On the way naman pabalik sa office niyo," Alok niya pero umiling ako.

"You can go if you want pero hindi ako oorder, masama kasi sakin sumobra sa caffeine," I said kaya tumango nalang siya at pinag buksan ako ulit ng pinto sa kotse.

"Hindi narin ako oorder baka mainggit ka lang," Sagot niya kaya natawa ako. Sumakay narin siya sa drivers seat at pinaandar na ang makina ng kotse, bago ko pa man makalimutan ay sinukbit ko na ang seatbelt sa aking sarili bago pa niya gawin muli ang ginawa niya kanina.

"Mabuti naman at naalala mo ng mag seatbelt," Pagpuna niya habang sinusukbit narin niya ang kanyang seatbelt sa sarili. I sarcastically laugh at him sabay irap. Pinaandar na niya ang kotse at hinayaan ko na lang siya magmaneho habang ako ay abala sa pag so-scroll sa instagram sa phone ko.

"We should follow each other on instagram, my username is @lexie_08. What's yours?" Tanong niya at napatingin naman ako sakanya habang nakataas ang kilay ko.

"At bakit kita ifofollow? I'm not interested on your pictures so why bother?" Sarkastiko kong sagot at tinawanan nanaman niya ko.

"What about me? I'm interested at your pictures, maghahanap sana ako ng ipang lo-lockscreen ko sa phone," Aniya kaya nanlaki ang mata ko.

"At bakit mo gagawing lockscreen ang picture ko? Your creeping me out Alexie," I said dahilan para mas lalo siyang humalakhak ng tawa.

"Why not? Your pretty, kung maiistress ako sa trabaho tignan ko lang yang maganda mong mukha tanggal na stress ko,"

Ayan nanaman siya sa mga hirit niya. Kung maririnig lang ngayon ni Valentina ang sinasabi niya ngayon sigurado ako bibigyan niya ito ng malisya.

"Green light na, eyes on the road." I reminded him. Napailing nalang siya habang nakangiti at pinaandar muli ang kotse. Nakarating na kami sa office.

"Papasok ka pa ba sa loob?" Tanong ko at umiling na siya.

"May meeting pa kasi ako, kailangan ko ng bumalik. Take care Zole," Paalam niya kaya tumango ako. Bago ako bumaba ng kotse ay napabuntong hininga ako.

"My username is ZoleLou_06." I said bago tuluyang bumaba ng kotse at sinara ang pinto.

"Welcome back Maam! How's your lunch po with Mr. Demanuca?" Pangangamusta sakin ni Valentina pagkabalik ko ng opisina. Umupo ako agad sa swivel chair.

"Its okay, I guess. Wala ba kong meeting ngayon?" Tanong ko. Tinignan naman niya ang hawak niyang tablet.

"Wala naman po Maam, pwede na po kayo umuwi kung gusto niyo para po maaga kayo makapag pahinga," Alok niya pero umiling ako.

"Dadaan nalang muna ko sa factory." Sagot ko at tumayo muli. Nagpalit na ko ng rubber boots dahil 'yon ang paalala sakin ni Nolan.

"Sasamahan ko na po kayo-"

"Hindi na kaya ko naman pumunta mag isa 'don," Pagpigil ko sakanya kaya tumango na lamang siya.

Sumakay muli ako ng elevator heading down sa factory namin. Nakikita ko ang sarili ko sa pintuan ng elevator at hindi bagay ang dress na suot ko sa rubber boots pero wala akong magagawa, I'd rather look like this kesa madisgrasya pa.

Pagbukas ng pinto ay kaagad akong lumabas mula sa elevator. I was greeted by the employees na nadadaanan ko.

"Good afternoon po Maam! May ipapagawa po ba kayo?" Tanong sakin ng isa naming empleyado. I smiled at him at umiling.

"Nothing, gusto ko lang kamustahin ang production. How's everything here?" Tanong ko.

"Maayos naman po Maam, tsaka andito rin po pala si Sir Nolan. Nandoon po siya sa makinang nasira noong isang araw, siya na po mismo nag check kung maayos na po talaga at wala ng babagsak ulit na mga bote," Aniya na ikinagulat ko. Nandito si Nolan?

Nagdadalawang isip ako kung pupunta pa ba ko doon para makita siya or hindi na. Baka naman isipin niyang ang sama ko namang boss para hindi kitain ang nag aayos ng makina namin. I should atleast said my thanks towards him.

Napabuntong hininga ako at hinarap muli ang empleyadong kinakausap ko.

"Nasaan siya? Ihatid mo ko sakanya," I said. Napatango naman ang empleyado at naglakad na kami papunta kung nasaan si Nolan. Habang naglalakad kami ay namumuo nanaman ang kaba sa dibdib ko.

"Jojo! Nasaan si Sir Nolan? Gusto siya makausap ni Maam Zole," Tawag niya sa isa niyang katrabaho na abala sa paglalagay ng bote sa mga crate.

"Nasa taas at tinitignan kung maayos na talaga yung makina. Matatapos narin po ata siya 'don Maam,  hintayin niyo na lang po siya bumaba dito," Sagot ni Jojo kaya tumango na lamang ako.

"Upo muna kayo Maam, alam po naming mabilis kayo mangalay" Pag alok sakin ni Jojo ng upuan kaya ngumiti ako at nagpasalamat. Kaagad naman ako umupo at tinignan ang  mga empleyadong abala sa kani kanilang trabaho.

"Maam ito po tubig, baka po mauhaw kayo," Alok sakin ng isang babaeng empleyado kaya nginitian ko siya at tinanggap ang isang bote ng tubig na inalok niya.

"Salamat." I simply said at ininom kaagad ang tubig dahil medyo nauuhaw na nga ko.

"Oh Sir Nolan! Maayos na po ba yung makina?" Narinig ko si Jojo na may kinakausap na isang matangkad na lalaking naka topless ngayon. Kaagad ako napaiwas ng tingin ng makitang si Nolan ang naka topless. Kausap niya si Jojo habang nagpupunas ng pawis niya.

"Nandito nga po pala ngayon si Maam Zole, gusto daw niya po kayo makausap. Asan na nga ba si Maam? Ayun po oh Sir mukhang hinihintay nga po kayo," Pagturo sakin ni Jojo. Lumingon ako sa gawi nila at nginitian sila pareho, pilit pinapakalma ang sarili dahil naiilang akong nakikitang walang saplot sa harap ko ang isang Nolan Gianni Colleymore.

Huminga ako ng malalim at tumayo na mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sakanila. Hindi nakatingin sakin si Nolan hanggang sa tuluyan akong makalapit.

"Good afternoon Mr. Colleymore, dumaan lang sana ako dito sa factory para icheck ang production, I'm not informed that your also here," I explained at sa pagkakataon na 'yon ay tinignan na niya ko.

"I'm sorry if I didn't informed you. Sanay na kasi ako dumadaan dito bigla to check the machines. Don't worry, I'll inform you next time." He said coldly. Mainit dito sa factory pero parang nilalamig ako bigla ngayon sa lamig ng boses niya.

"N..No it's okay kahit hindi mo na ko iupdate. Gusto ko lang din magpasalamat dahil nakikita kong sinisiguro mo talagang maayos ang mga makina namin dito," Pasasalamat ko.

"Can I drink your water? Nauuhaw na ko," Bigla niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko. Aalma na sana ako pero kinuha na niya ang bote mula sa kamay ko at kaagad ininom 'yon. Napaawang din ang bibig ko sa gulat. Naubos niya ang tubig sa bote. Pwede naman siya magpakuha ng tubig diba? Bakit yung tubig ko pa!?

Napataas naman ang kilay niya ng makita ang reaksiyon ko.

"What? We've kissed a lot of times before Zole. Don't make it a big deal." Sagot niya at naglakad na palayo.

"By the way, stop calling me by my surname, just call me Nolan like before." He reminded at tuluyan na ko tinalikuran.

Continue Reading

You'll Also Like

368K 17.7K 53
[ Iskwala Series #1 ]
502K 5.9K 44
When Royse's parents died, all the responsibilities of his siblings and their business were left to him. He never had a chance to mourn his parents'...
281K 5.2K 29
Duke & Izza