Lucid Dream

By alyloony

14M 573K 277K

Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood... More

Intro
First Dream
Second Dream
Third Dream
Fourth Dream
Fifth Dream
Sixth Dream
Eighth Dream
Ninth Dream
Tenth Dream
Eleventh Dream
Twelfth Dream
Thirteenth Dream
Fourteenth Dream
Fifteenth Dream
Sixteenth Dream
Seventeenth Dream
Eighteenth Dream
Nineteenth Dream
Final Dream
Dream Goddess (Bonus Chapter)

Seventh Dream

605K 25.8K 14.6K
By alyloony

Seventh Dream

Pinatay ko ang alarm ng phone ko at bumangon sa kama. Nag-unat ako.

Ang sakit ng katawan ko. Gusto ko pa ulit humiga at matulog. Feeling ko pagod na pagod ako. Epekto ata 'to ng pagta-travel namin ni Caleb sa iba't-ibang panaginip. Lalo na doon sa may pink door. Tumakbo pa naman ako doon dahil sa babaeng multo.

Habang inaayos ko ang pinaghigaan ko ay iniisip ko si Caleb. Nandoon siya sa loob ng kwartong may asul na pinto. Sa loob ng panaginip ko. Pero malamang, madilim doon ngayon. Walang ilaw. Wala siyang makita.

Naalala ko bigla 'yung naramdaman ko nung mapunta ako sa madilim na kwartong 'yun. Nakakatakot. Hindi ako makakilos. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko kayang mag-stay sa ganoong lugar nang matagal. Pero si Caleb, naghihintay siya roon. Hinihintay niya ako.

Napabuntong hininga ako. Maiintindihan ko kung pagbalik ko, wala na siya. Alam kong hindi naman siya permanenteng maglalagi sa panaginip ko.

Ewan. Medyo nakakalungkot.

Ay naku, umagang-umaga, nag e-emo ako. Makapag-ayos na nga lang!

Bumangon na ako, naligo at naghanda para sa school. Pagbaba ko naman, nakita ko nang halos katatapos lang maghain ni Nanay ng almusal at si Kuya naman eh nakaupo na doon pero mukhang antok na antok pa rin.

"Angelique, ang dugyot mo tingnan!" sabi ni Kuya sa akin.

"Huh? Kakaligo ko lang."

"Oo nga. Pero naglagay ka ba kahit pulbos man lang sa mukha? Mag-ayos ka nga!"

Sinimangutan ko lang siya. Lagi na lang niyang pinupuna ang itsura ko.

Umupo ako sa tapat niya at napansin kong medyo makintab ang labi niya na akala mo eh kumain ng lechon.

"Kuya, naka-lipgloss ka ba?"

"Bakit? May problema ka?!"

"Kuya! Construction site ang pupuntahan mo at hindi bar! Ang landi mo talaga! At saan mo nakuha 'yang lipgloss na 'yan ha?"

"Bigay ni Benjie!" sabi niya. Si Benjie ay 'yung kaibigan ni Kuya na may-ari ng isang maliit na salon. "At ikaw, 'wag mo akong pakialaman. Ikaw dyan ang may boobs pero mas marunong pa akong mag-ayos sa'yo."

"Kayong magkapatid kayo, nagbabangayan na naman kayo!" sabi ni nanay nang makalabas sa kusina at may dalang isang pinggan ng sardinas.

"Nay, naka-lipgloss ka rin?!"

"Eh naku, 'yang kuya mo, pinagpilitan na lagyan ako!"

Tiningnan ko si kuya. "Ikaw gusto mo rin?" tanong niya sa akin.

"Ayoko!!!"

Nagtawanan naman si Nanay at Kuya. Natawa na rin ako.

Tama nga siguro si Caleb. Hindi lahat ng bagay sa reality ko ay pangit. Nagagawa ko pa ring tumawa kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Maaga na naman akong umalis ng bahay. Pagkakain ng almusal, nagsipilyo na ako agad at lumayas bago pa ako mapilit ni kuya na maglagay ng lipgloss.

Isa pa, mas dobleng bagal ang paglalakad ko ngayon dahil may dala-dala akong one whole illustration board. Project na ipapasa ko ngayon. Naisip ko nang mag tricycle kaya lang sayang sa pamasahe. Kaya namang lakarin eh.

Patawid na sana ako sa high way nang may biglang may humintong kulay puting kotse sa harapan ko. Bumukas ang bintana nung kotse at nakita ko ang gwapong pagmumukha ni Owen na nakangiti sa akin.

"Are you going to walk all the way to school while carrying that thing?" tanong niya sa akin.

Tumango ako. Binuksan naman niya ang pinto ng kotse niya.

"Hop in!"

"Ay... naku, wag na, Owen. Nakakahiya naman. Kaya ko na."

"Ano ka ba?! Iisa lang naman ang way natin. Tara na!"

"O-Okay!"

Tumabi ako kay Owen sa backseat ng kotse. Pagsakay ko, napansin ko na may babaeng maganda sa passenger's seat sa harap at sa driver's seat naman ay isang matandang lalaki na sa tingin ko eh driver ng pamilya nila.

"Ate ko nga pala, si Ate Olivia. Ate Oli, si Angelique, friend ko."

Nilingon ako ng ate niya at nginitian.

"Hi Angelique!"

Natigilan ako bigla nang makita ko ang mukha niya. Natigilan din siya nang makita niya ako.

"Wait, you look so familiar. Have we met before?" tanong niya sa akin.

Umiling ako agad, "h-hindi po. Ngayon lang po."

"Oh. Siguro kamukha mo lang."

Ibinalik na niya ang tingin niya sa harap.

Si Ate Olivia—sa kanya 'yung panaginip na napuntahan namin ni Caleb kagabi! 'Yung hinahabol ng multo. 'Yung nilandi ni Caleb. Buti hindi niya masyadong naalala kung saan niya ako nakita!

"Ano pala 'to?" tanong sa akin ni Owen habang tinitingnan 'yung illustration board na hawak ko.

"Ah project.."

"Mapa ng Pilipinas? Ikaw ang nagdrawing?"

Nginitian ko siya at tumango ako.

"Ang ganda ah! Ang galing mo naman!" ngiting-ngiti niyang sabi habang nakatingin doon sa project ko na parang namamangha.

Ibinalik niya sa akin ang tingin niya atsaka niya inabot ang project ko, "ang talented mo pala, Angelique."

Napangiti lang ako. Hindi ko alam kung ano'ng ire-react ko. Hindi talaga ako sanay na pinupuri ako.

Pero ang sarap pala sa feeling. Lalo na dahil si Owen pa ang pumuri sa akin.

"By the way, Angelique, are you free this afternoon?"

"Ah... pagkatapos ng klase? Bakit?"

"Wala naman. Sportsfest namin sa school. Eh may laban kami ng basketball. Baka gusto mong manood kasama mga friends mo?"

"S-sige!" mabilis kong pagpayag.

"Great! Mamaya ah? Aasahan ko kayo?"

"S-sige! Okay lang sa akin. Tsaka Friday naman eh, wala naman kaming gagawin after class."

Syempre, palalagpasin ko pa ba ang pagkakataong 'to? Hindi!

Minsan lang mangyari sa akin ang mga ganitong bagay!

Nang makarating kami sa parking ng school nila, binuhat ni Owen ang illustration board para sa akin hanggang sa makarating kami sa school ko.

Kaya pagpasok ko ng classroom, hindi na maalis ang ngiti sa labi ko. Niyaya ko na rin sina Amanda at Lilian na manuod ng laban nina Owen. Agad namang pumayag 'yung dalawa.

Buong klase akong hindi mapakali. Excited ako eh.

Ngayon ko lang mapapanood si Owen na maglaro ng basketball. Kailangan ko nang ihanda ang boses ko dahil for sure mapapaos ako nito mamaya kaka-cheer.

Nang mag-dismiss na ang last subject teacher namin, agad kaming nagpuntang tatlo sa school nina Owen na katapat lang ng eskwelahan namin.

"Excited, Angelique? Hindi mo man lang kami pinag-retouch ni Lilian!" sabi ni Amanda.

"Eh 15 minutes na lang before 4:00 pm! Baka hindi natin maumpisahan ang game!"

"Relax ka lang, Angelique. Hindi mag-uumpisa nang on time 'yan! Pustahan tayo!"

Binagalan ko ang paglalakad pero itinago ko ang inis. Excited na akong makita si Owen eh!

Nang makarating kami sa gate ng school nila, nagulat ako nang makita kong nakatayo doon si Owen at mukhang hinihintay kami.

"Hi," nakangiti niyang bati sa amin.

"H-hi!" sabi ko naman at nag-wave ako. Ganun din sina Amanda at Lilian.

"Let's go?"

"Tara!" excited na sabi ni Lilian. Natawa naman kami nina Amanda.

Sinundan namin si Owen papunta sa basketball gym nila.

"Ang ganda ng school nila 'no?" bulong ni Lilian sa amin.

Tumango lang ako. Wala sa paligid ng school ang atensyon ko kundi na kay Owen.

Naka-varsity jacket siya ngayon. Ang athletic ng dating niya. Ang aliwalas din ng istura niya ngayon.

Pinaupo kami ni Owen sa bandang harap na bleachers, kung saan kitang-kita talaga namin ang mga naglalaro.

"Girls, enjoy the game. Cheer niyo kami ah?"

"Oo naman! Nakahanda na ang boses namin dito!" masiglang sagot ni Amanda.

"Good luck!" sabi ko kay Owen.

"Thanks!"

Nag-wave siya sa amin at umalis na. Mayamaya lang eh nakita ko na siya sa may court at kasama ang mga ka-team niya. Nakapagpalit na rin siya ng jersey nila.

Ba't ang gwapo-gwapo niya? Nakakainis. Alam kong isang lingon niya lang dito, mahuhuli na niya akong titig na titig sa kanya. Pero hindi ko magawang mag-iwas ng tingin.

Ang sarap niyang titigan eh.

Biglang napalingon si Owen dito sa kinalulugaran ko at nginitian niya ako. Biglang nag-init ang mukha ko.

Ay fishball! Eto na nga ba ang sinasabi ko!

"Naiinitan ba kayong dalawa?" dinig kong tanong ni Lilian.

"Hindi naman. Naka-aircon naman dito sa gym nila," sagot ko sa kanya.

"Ah... namumula kasi ang mukha niyong dalawa."

Napatingin ako kay Amanda. Ang pula nga rin ng mukha niya.

Hindi kaya...?

"Magsisimula na sila!!" sabi ni Lilian.

At tama nga, magsisimula na ang game. Kasama sa limang players si Owen.

"Ang gwapo nung naka-jersey na number 4!" sabi sa akin ni Lilian habang tinuturo ang isang lalaking matangkad at moreno. "In love na ako sa kanya!"

"Agad-agad, Lilian?!" sabi naman ni Amanda. "Ang bilis ah!"

"Gwapo eh!"

Nag-jump ball na sila kaso sayang lang at napunta sa kalaban 'yung bola. Mabilis naman naka-rebound ang team ni Owen at sila ang unang naka score.

Sigaw kami nang sigaw at cheer nang cheer sa team nila. Close fight eh. Madaling nakakabawi 'yung kabilang team.

Pero hindi ko ine-expect na kaya ko pang magtititili ng malakas at magwala na parang walang bukas nang mapunta kay Owen ang bola.

Three points shot ang ginawa niya. Pasok. Napatayo kaming tatlo nina Lilian habang nagchi-cheer.

Lumingon si Owen sa pwesto namin at nakita kong kumindat siya sa akin.

Biglang nanlambot ang tuhod ko.

God, ang sarap sa feeling!

~*~

"Hinawakan niya 'yung bola, tapos pumwesto siya. Sabay talon ng mataas!" sabi ko at inihagis ko sa ere ang bola na hawak ko. Hindi tumama sa ring.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Caleb.

"Tapos napatayo kami nina Lilian at isinigaw ko ang name niya. Tumingin siya sa direksyon ko at kinindatan niya ako!" masigla kong sabi.

Ikinukwento ko kasi kay Caleb ang mga nangyari kanina. Nandito kami ngayon sa park na nasa panaginip ko. May maliit na basketball court dito at ini-re-replay ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Tatlo kayong magkakatabi nun. Sigurado kang ikaw ang kinindatan niya?"

"Kanino pa ba? Sa akin siya close eh! Ako ang tumawag sa kanya!"

"Baka naman 'yung nasa likuran mo ang kinindatan niya o 'yung nasa harapan mo."

Sinimangutan ko si Caleb. "Ikaw, lagi mong sinasabi sa akin na ang ganda ng reality ko! Ngayong nakikita ko na ang ganda ng reality ko, nagpapaka-nega ka naman!"

Tumayo si Caleb mula sa bench na kinauupuan niya at lumapit siya sa akin habang nakangisi.

"Joke lang! Ikaw naman. Ayoko lang lumandi ka kaagad kasi high school ka pa lang. Mamaya niyan mabuntis ka nang maaga."

Hinampas ko nang mahina ang braso niya.

"Buntis agad? Kinilig lang sa crush, lumandi na agad? For your information, sa mundo namin, normal lang sa mga taong ka-edaran ko ang kiligin at magka-crush 'no. Siguro dahil never ka pang nagka-crush kaya ka ganyan makapagsalita."

"Oy! Grabe ka ha! Nagka-crush na ako!"

"Weh? Kanino?"

"Kay... kay..." napakunot ang noo ni Caleb.

"Wala kang maisip na pangalan?"

"Kay Dream Goddess!" sabi niya. "Maganda siya, mabait, at magaling na prinsesa. Crush ko siya!"

"Dream Goddess?"

"Yes. Prinsesa Celeste ang pangalan niya. Isa siya sa mga guardians ng Tala at nasa kanya ang pinakamahirap na trabaho dahil siya ang nagpo-produce ng shield para protektahan ang Tala at ang mga panaginip ng tao. Siya rin ang guardian ng star stone kung saan nagmumula ang liwanag na kinukuha at inilalaglag ng mga elves at faeries sa lake para maging isang panaginip. Pagka nakuha 'yun ng masasamang loob, mapapahamak ang lahat ng mga taong nananaginip. "

"T-teka, may masasamang loob dito sa mundo ng mga panaginip?!"

"Sila ang mga dark faes."

"Ibig sabihin, sila 'yung may gawa ng mga bad dreams? 'Yung katulad ng mga panaginip doon sa pink door? 'Yung mga nightmares?"

Umiling si Caleb, "no. Galing din sa Tala ang mga panaginip na 'yun. Ginawa ang mga bad dreams para maging balance ang panaginip ng mga tao. Na hindi sa lahat ng pagkakataon eh laging masaya ang nangyayari. Parang sa totoong buhay lang. Pero 'yung mga dark faes, sila 'yung dahilan ng mga bangungot. Hindi lang basta masamang panaginip ang idinudulot nila kundi kinukuha rin nila ang kaluluwa ng mismong nananaginip. At magagawa nila 'yun pagka nakuha nila ang ball of light dream."

"Nakakatakot naman pala. Ibig sabihin, kahit kaming mga naglu-lucid dream ay manganganib na rin pag nakuha ng mga dark faes ang star stone?"

"Oo. Dahil hindi natin alam kung ano ang pwedeng gawin ng mga dark faes. Pero sa ngayon, nananahimik ang mga dark faes. Hindi sila nagtatangkang magnakaw ng mga bola ng panaginip para gawing bangungot."

"Baka natakot sila kay Dream Goddess?"

"O pwedeng may iba silang pinaplano..."

Natigilan ako bigla.

Akala ko 'yung panaginip ko na ang pinaka-safe na lugar na pwede kong puntahan. Pero hindi ko akalaing may mga ganito palang nangyayari. Na pwede rin pala akong mapahamak dito.

"Hey, Angelique," naramdaman ko ang kamay ni Caleb sa balikat ko. "Don't worry. Malalakas ang mga guardians ng Tala at hindi nila papayagan na may gawing masama ang mga dark faes. Tiwala lang. Tsaka malakas din si Dream Goddess. Nagawa nga niyang ipatapon ang isa sa pinakamalakas na High elf sa mundo kung saan walang mahika eh. Basta nandito si Dream Goddess, walang mangyayari sa atin."

Napangiti ako, "kaya pala crush mo si Dream Goddess. Kahanga-hanga kasi siya."

"Oo naman! Selos ka 'no?"

Hinampas ko si Caleb sa braso, "at ba't ako, magseselos, aber?"

"Kasi crush mo 'ko?"

Tumawa ako nang malakas, "assuming mo, pre!"

Napangiti si Caleb habang iiling-iling. Natigilan naman ako bigla at napalunok.

Anong meron sa ngiti niya at naapektuhan ako?!

"Angelique.."

"B-bakit?"

"Unti-unti ka na bang nagiging masaya sa reality mo? Dahil kay Owen?"

"Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Wala lang. Gusto ko lang malaman."

"O-oo, ang saya ko lately dahil sa kanya."

Tumango si Caleb at tumingin siya sa kalangitan.

"Caleb?"

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin at nginitian niya uli ako.

'Yung ngiti niyang maganda at genuine na nakakaapekto sa akin.

"I'm glad Angelique."

"H-ha?"

"I'm glad na nagiging masaya ka na sa reality mo...kahit si Owen pa ang dahilan nito.

Continue Reading

You'll Also Like

5.6M 182K 22
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran n...
56.2M 2.2M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
97.6M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...