TPS 9:
#factfromlastchapter:
fav ko yung i' am little teapot/ so si Ren pa rin talag ang gusto nyo,
#unedited
.................................................................
“You look pale,” pansin ni Ren sa kapatid habang naglalakad sila pabalik sa function hall, after he introduced her to his friends ay umalis naman ito, gusto lang din naman niyang ipakilala si Ran sa mga kaibigan niya para kapag pumasok na siya sa school ito rin ang magiging mga kaibigan niya.
On top of that, iba din ang pakiramdam ni Ren kay Dexter, kanina pa kasi ito nakatitig sa kanyang kapatid, habang nagsasayaw ito kanina, napansin niyang masinsinan ang pag-uusap ng mga ito. May nakita pa siyang inaabot sa kanyang kapatid. Gusto niyang malaman kung ano iyon at kung bakit.
“Gusto mong umuwi na?” he suggest
“Ha?” napansin ni Ren na bukod sa suot nitong kwintas kanina may isa pang nakasabit doon na ang pendant ay hinahawakan ni Ran. Ganoon ba yun kaimportante? Mukhang may dapat silang pag-usapan ni Dexter, hindi niya ito palalampasin kahit pa kaibigan niya ito
“Yeah, I wanna go home,” hindi na rin nagtry magtanong si Ren. He knew that her sister will get annoyed.
………………………………………………………….
“What?” kanina pa nakatitig ang tatlo kay Yuan na mukhang tanga lang na nakangiti habang tinititigan ang shot glass nito. Wala namang amusing doon, ang isip nito at nandoon pa rin sa debut na natapos na an hour ago. Tambay sila ngayon sa bar na pag-aari ng kuya ni Jackson.
“Wala ka talagang napiling ibang kanta talagang yung nursery rhyme na “I am a little teapot? Akala ko pa naman pinaghandaan mo?” panunukso ni Bono, nakatago silang tatlo kanina, matiyagang nakamatyag sa kung sino man ang dumating, dahil hindi nga naisayaw ni Yuan si Ran sa mismong party kahit man daw sa labas, basta hindi matatapos ang araw na ito. Muntikan na nilang kidnapin sandali si Ran, buti na lang hindi na humantong sa punto na gagamit sila ng dahas ,ito na mismo ang lumabas. Muntikan na silang maihi sa katatawa ng marinig ang choice of song ni Yuan, sino nga kasi ang hindi alam ang kanta nay un? Kung araw araw mo itong kakantahin sa school noong bata ka pa. Na-touch naman sila ng marinig ang dahilan nila. Romantiko talaga ang baliw na stalker nilang kaibigan, pero hindi nila palalampasin iyon para hindi ito maasar. After all doon lang naman sila babawi sa mga pabor na ginagawa nila para dito. Hindi naman mahal ang bayad, ang makita lang nila itong umuusok ang ilong sa inis ay sapat na.
“Bakit hindi nyo baa lam ang kanta na yun? I’m a little tea pot, “ ang-umpisa na itong mag hum, mukhang talo sila dahil meron pa itong I am a little tea pot syndrome.
“I’ve heard na mag-aaral din siya sa university namin,” well trusted ang source ni Topher, kaya naman nag marinig ito malapad na ngumiti si Yuan.
“wag mong angkinin na inyo lang…dahil doon na rin ako papasok, and my college life will be exciting as I can imagine,” Yuan offer for a toast, sa isipin na makikita niya na si Ran sa araw araw ay nagdadala ng kakaibang kilig at pag-asa sa kanya. He is lucky dahil ang lahat ay umaayon sa kanyang plano. Ang kailangan niya lang gawin ay hilahin si Ran pabagsak sa lugar kung saan naman siya matagal ng nahulog.
He will make everything for her to like him and love him eventually. Kahit pa ilagay niya ito sa pedestal. Wala siyang pakialam sa ugali nito at kung ano pa ang ipakita nito sa kanya, not even her twin Ren, hindi siya natatakot dito, he can tell tha he has his own issues, at sasamantalahin niya yun para mapalapit kay Ran. Ang nakikita niya lang na harang sa kanyang daan ay ang nakasayaw ni Ran, yung asungot na kaibigan ni Ren na mukhaang bampira sa sobrang puti. He looks at Ran the way he looks at her, mas intense nga lang sa kanya.
“I want to ask another favor,” kuha niya sa atensyon ng tatlo na may pinag-uusapan.
“Pwede ba day off muna kami sa mga utos? I cancelled may date dahil sayo alam mo ba? Makunsensya ka naman,” paninisi ni Jackson,
“Para kang di kaibigan niyan eh, “Si Bono,” magkano ba kapalit?” malokong sunod tanong naman nito, nasapak tuloy ni Dexter sa sinabi.
“Sige, tandaan nyo yan, kapag kayo ang may kailangan,” pangungunsensya ni Yuan dito, “maliit na bagay lang naman,” muling nagtinginan ang tatlo.
“Sige, ano ba yon,” suko na ang mga ito, hindi talaga mahindian ang utos ni Yuan. Malaking ngisi ang naging sukli doon ni Yuan.
“I want to fine out about my enemies whereabouts, diba sa isang school lang kayo?” Tumango ang tatlo.
“Okey kayang kaya ni Bono yan.” Si Jackson na tinapik pa sa balikat si Bon,
“Bakit ako lang?” reklamo nito
“Kasi ikaw ang pinaka-charsimatic sa lahat,” sagot ni Topher kaya huminto na ito sa pagrereklamo, iba talaga ang dulot kapag napupuri ito.
“Well kung ganyan talaga, asset ko yan, wala tayong magagawa,” sabi na nito na nagbubuhat na ng bangko, nagsensyasan na lang ang tatlo.
………………………………………………..
“Rise and up!” tuluyan ng nagising si Ran ng hawiin ni Clem ang kurtina para pumasok ang sinag ng araw sa loob ng kanyang kwarto.
“Morning mom,” she greeted, lumapit naman ang ina at tumabi sa kanyang kama.
“How’s your feeling? Now that your 18?” she asked, napakunot ng noo si Ran, aside from they let her go to college…wala na siyang masabi na ibang pakiramdam.
“Nothing change mom, just like yesterday when I was just 17,” her mom smiled at tap her head.
“you never know, “ napatingin ito sa kanyang leeg, niyuko na rin ang tinitignan nito.
“Nice necklace? Gift?” tanong nito na nagpakaba sa kanya, sasabihin niya ba kung kanino iyon galing? Alam niyang di nito mapipigilan na mang-usisa, at once na sinabi niya sa ina, malalaman at malalaman ng kanyang daddy maging ni Ren, but she can’t lie to her. Not on her mom.
“It was-“
“Ate you’re awake!” bigla na lang sumulpot ang pawisan na si Rojan, naka jumper na maong ito, with a red t shirt underneath, nakasumbero rin ito ng kulay red, nahinto sila dahil agad itong lumapit sa kanya.
“Hey young man, pawisan ka na,”hinila ito ni Clem para pawisan ang basing likod.
“Mom, I had a major discovery!” tuwang balita nito,
“What is that again?” di mapigilan ni Clem na kurutin ito sa pisngi…iba kasi ang dating sa kanila ng “discovery “ na linya nito..at lahat iyon may kinalaman sa mga bagay na gumagalaw.
“I want ate to meed Cleopatra, “ Rojan cheered, nagkatinginan sina Ran at Clem, the last thing they knew, hinihila na ni Rojan si Ran papunta sa garden kahit nakapantulog lang ito.
“Ate close your eyes first,” utos pa nito sa kanya, hindi naman mahindian ni Ran ang kapatid kaya naman masasabi niya na siya ang paborito nito. she can attend to all his scheme. “Saka lean closer,” dinala siya ni Ron sa lugar ng mga sunflower, “Open your eyes na,”
Nang idinilat niya ang kanyang mga mata, kaharap na niya ang isang cocoon..
“Ate, magiging butterfly siya sooner, I name her Cleopatra,” ngiting ngiti ito habaang nakamasid sa bagong alaga nito. Napapailing na lang siya. Iba talaga ang fascination ni Rojan sa mga pets, lalo na sa mga gumagapang, kaya hindi na rin siya magtataka kung sa susunod magpabili ito ng snake para maging alaga. Hinahanda niya na rin ang sarili when that time comes. Ayaw niya kasi sa mga ito kaya lang hindi niya masabi sa bunso. Nagpaaya na rin naman ito sa loob pero kinausap pa ang cocoon na babalikan daw ito.
Napatayo si Ran at napatigil, napalingon siya sa paligid dahil pakiramdam niya may mga matang nakatingin sa kanya. Creepy.
………………
“Alison,” tawag ni Ran dito, kanina pa kasi ito walang imik, very unusual, nasa bahay nila ito, kasama niya magbukas ng mga regalo.
“Bakit?” tanong nito na inaabala ang sarili sa cellphone nito. hindi siya naiinggit minsan lang kay Ran, kahit nandito na ang lahat, kung tutuusin kasi mas maswerte siya…pero kagabi, yung tagpo kagabi, hindi niya mapaigilan na hilingin na sana siya na lang ito. Para sana siya nalamang ang kasayaw ni Dexter, sana kanya na lang ang debut nay un,pero hindi naman niya pangarap ang atensyon ng lahat. Gusto niya lang ng atensyon ni Dexter, lagi na lang ganito ang kanyang posisyon, lagi lamang nakatingin, laging nakaabang sa pagkakataon na imposible naman na mangyari.
“Maganda bang mag-aral sa university nyo?” ito ang tanong na bumabagabag sa kanya. Excited siya sa isipin na iyon, pero malaking takot din ang kasama nito. paano niya pakikiharapan ang maraming tao? Paano siya makikibagay? Paano kung malaman nila ang kanyang kakulangan? Kakaawaan ba siya? Pagtatawanan? Pagsasamantalahan?
Pinilit ni Ali na ngumiti. Walang kasalanan si Ran, nasa kanya ang problema dahil nagiging makasarili siya at mapaghangad. Kailangan niyang makuntento sa kung ano lang ang kanyang ibigay ng kanyang mga magulang.
“Masaya na mahirap, stressful pero exciting, ganoon, maraming ka taong makikilala, maraming happenings…” hindi manhid si Ran para hindi maramdaman ang problema nito, kinuha niya sa bulsa ang kwintas nito na binigay sa kanya ng kasayaw kagabi.hindi nga lang niya maalala kung ano ang pangalan. She sucks at names.
“He returned it to me last night, hindi ko na nasabi sa kanya na hindi naman talaga yan sa akin, sana siya na lang ang nagsoli sayo.” Kinuha ni Ali ang kwintas sa mga kamay ni Ran, regalo ito ni Ran sa kanya noon na itinapon ni Ran sa fountain to get to her.
“I don’t remember his name,” she crossed her arms, gusto niya rin sabihin na idea ni Ren na isayaw siya ng mga kaibigan nito na wala naman siyang natandaan.
“Dexter” Alison replied
“Whatever, if you like him do your moves,” Hindi talaga siya sanay sa mga ganitong pagpapayo.ang alam niya lang wala siyang gusto sa lalaking maputi nay un. She wanted to call him names, kaya lang baka ikagalit ni Ali kaya pinigil niya ang sarili. Tumayo na siya dahil nakaramdam siya ng pagod. She gave instructions to the maid para itabi ang mga regaling nabuksana at hindi pa.
Paakyat na siya ng tawagin siya muli ni Ali,
“Why?”
“Wala ka talagang naramdaman o na feel noong magkasayaw kayo kagabi?” she’s jealous and she can tell that wanted assurance.
Kinapa niya ang kanyang pakiramdamam, Wala nga siyang maalala sa sayaw matapos nilang magsayaw ni Rojan…after that,
“I remembered dancing in a nursery song,” sagot niya dito bago tuluyang umakyat. Hinayaan niya na ito na mag-isip.
………………