Rules of Love (UNDER EDITING)

By ricamae_porkss

3K 141 4

Amoureux Series #2 I once ask myself, what love is? What can i get out of it? Dulce Villalobos is a kind of g... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40

Chapter 39

46 3 0
By ricamae_porkss

Chapter 39

"Hindi padin ba umuuwi si Carol?" I keep on asking Mau pero katulad kanina ay tumitinggin ito sa akin tapos hihinga nang malalim na para bang ayaw niya talagang sabihin ko ano ba talaga ang nangyari sa kaibigan namin.

"Dulce, alam ko na nag aalala ka syempre kaibigan natin yon pero I assure she's fine, nag unwind lang yon kaya hindi natin siya ma contact pero babalik din yon like what she always does" Tinapik pa niya ang balikat ko bago nag patuloy sa ginagawa niya.

Nong isang buwan pa kasi bumalik si Clyde sa trabaho kaya naman pag sabado ay wala akong kasama at naiisipan ko na lang tumambay dito sa restaurant niya o kaya sa coffee shop ni Julliana, kong saan na lang ako maabutan nang pag tambay.

Our wedding that we've been planning for so long has been delayed again, ang rason naman ngayon ay dahil kay Ate Doline. Hindi naman ako nag rereklamo, katulad naman nang palagi kong sinasabi sa kanila wala na sa akin ang mag intay nang ilang linggo o buwan para sa kasal basta safe kaming lahat okay na ako.

Hindi din naman siya actually delayed nag uusap lang kaming dalawa about sa location nang weddding kasi originally gusto namin doon sa nasugbu, doon sa simbahan na pinuntahan namin noon kong saan kami nag kasal kasalan but because of the situation of his family nag iisip kami na baka dito na lang sa Manila maganap ang kasal.

It's a shame na hindi namin magagawa sa mismong lugar na yon ang kasal namin if ever talaga e push namin yong Manila pero we can always repeat our vows when the time is right naman sa lugar na yon kaya hindi naman ako sobrang nanghihinayang.

Hindi ko nga din alam kong itutuloy ko pa ba ang kasal na to dahil bigla namang hindi ma contact si Carol, ang alam ko lang may kinalaman ang mga nasa balita kaya hindi na naman siya ma contact. Simula nang mag artista siya meron mga pagkakataon na nangyayari talaga to, yon bigla biglang siyang mawawala, no traces at wala man lang pasabi tapos bigla bigla na lang babalik na para bang walang nagaganap na gulo sa mundo niya.

I know that it is her way to escape the toxic world she's in, but I just can't help but to get worried, bumalik na nga si Nina tapos siya naman ngayon ang nawawala I just hope na hindi ito katulad noon na halos ilang buwan siyang hindi ma contact.

Ngayon naalala ko ay may balak nga pala akong dalawin si Ceshiah, walang may alam na nakocontact ko siya. Hindi sa dahil gusto ko talagang itago kundi dahil yon ang gusto niya.

"Ah Mau una na pala ako naalala ko may gagawin pa pala ako, please text me if Carol contacts you, okay?"

"I will, I promise mag iingat ka ha"  We hug each other bago ako tuluyan nang lumbas nang resturant niya, dala ko ang dati kong kotse at yon ang ginamit ko para makarating kong na saan si Ceshiah.

Hindi naman gaano kalayo kaya nakarating ako tapos wala pang traffic, pag ka park ko ay agad na ako naglakad at sumakay na nang elevator. Kinakabahan ako kasi mamaya baka maka salubong ko si Eli somewhere here siguradong hindi niya ako tatantanan nang tanong at hindi ko alam kong hanggang kailan ko kakayaning mag sinungaling.

Nang makarating na ako sa tamang floor ay tumingin muna ako sa kanan at kaliwa bago ako dumiretsong naglakad, pag pasok ko ay nakita ko na naman ang isang view na tuwing dadalaw ako ay nakikita ko. Lumapit ako sa kanya at tinapik tapik ang kanyang balikat.

"I saw Eli earlier, wala pa lang siyang alam sa mga nangyayari" Bungad niya sa akin na hindi ko na naman talaga ikinagulat, malaki nga ang hospital na to pero doctor siya kaya sooner or later maari niya din talagang malaman ang lahat lahat nang to.

"Isn't it better kong malalaman niya? Ikaw narin ang nag sabi kahit noon pa man pinipilit ko na siya na mag sabi sa amin ayaw niya lang talaga" Binitawan ko ang pagkakahawak sa kanyang balikat at pumunta sa gilid para ipaggayat siya nang mansanas.

Natatawa na lang ako kapag naiisip ko na kahit kailan naman hindi ko siya naka close, meron time na nag usap kami and such but never in mind na sumagi na hahantong kami sa ganito.

I used to adore him a lot kasi kahit loko loko siya mataas ang grade niya, wala kang ibang masasabi sa kanya kundi ang kahanginan niya. I think I got a crush on him before? Pero hindi naman sobra kasi napalitan agad yon nang pag kagusto ko kay Clyde.

After peeling him a whole apple ay agad ko yong iniabot sa kanya, ayaw niya pang kainin kaya lang pinilit ko siya. Sobra na ngang araw araw siya dito tapos hindi pa siya kakain.

Ako ang pumalit sa kanyang pwesto, tinitigan ko lang ang pagkaganda gandang mukha nang kaibigan ko bago ko hinawakan ang kamay niya.

"I'm getting married and so is Eli. I never ever once imagine na sa ating mag kakaibigan ako ang mauunang ikasal, akala ko si Mau o si Carol pero tingnan mo nga naman kong paano nag laro ang tadhana" Hinaplos ko lang nang hinaplos ang kanyang kamay bago tumingin ulit sa kanyang mapuputlang mukha.

"Killian is getting taller everyday sa puntong to hindi na ako magtataka kapag natangkaran niya ako, he's very jolly and smart. Na kwento ko na ba sayo na nag top siya sa batch niya? He did that kahit halos isang daang estudyante ang kalaban niya and to be honest naiiyak ako sa sobrang pag ka proud sa kanya, jeez I'm basically his mother too. Nakita ko siyang lumaki" Hindi ako umiyak dahil ayoko, she just needs to hear all the good stuff and that's what I'm trying to say to her always whenever I'm visiting.

"I hope after all of this hindi ka na mag tago sa amin, sana hayaan mo din yong iba nating kaibigan na pumasok ulit sa buhay mo. Sana hindi ka na matakot na makaabala sa iba kasi hindi ka naman abala eh, pamilya mo kami kahit noon kaya please stop avoiding us and let us in, okay?" I talk to her as if sasagot siya sa mga sinasabi ko, napapangiti na lang ako nang mapait eh kapag nakatinggin ako sa kanya.

Hindi katulad nang mga nakaraang dalaw ay hindi ako masyadong nag tagal dahil umaga ang duty ni Eli at delikado dahil baka makita niya ako at isa pa may schedule ako ngayon sa school, humihingi kasi ako nang leave para sa kasal namin ni Clyde if ever na matuloy siya dito sa Manila, I think the Batangas wedding will just remain as a dream for the both of us for now.

I hop in my car and immediately drove it papunta sa school, baka kasi maabutan ako nang traffic ayaw pa man din nang principal sa mga late comers. Sa totoo lang nong isang buwan pa talaga dapat ako mag leave kaya lang napaka daming problema sa paligid kaya hindi ko na naasikaso, ngayon linggo lang ako nang ka oras buti na lang talaga at mabait yong principal at talaga namang hinayaan na pumunta ako ngayon araw.

Good thing God is nice to me at wala akong naabutang traffic, nakarating ako nang maaga at matiwasay sa school so that I can talk to the principal na once and for all. Medyo madami din kasi talaga akong agenda after this kaya gusto ko talaga na tuluyan na akong makapag file nang leave.

Nang maiparada ko na ang kotse ko ay agad na akong naglakad, pag dating sa hallway ay hindi ko naiwasan na maalala ang mga panahon na naninibago pa ako sa trabaho na to, panahon na kabang kaba ako nang marinig ang mga yabag at maliliit na boses nang mga bata na aking tuturuan.

Actually another reason kong bakit medyo natagalan din ako sa pag file nang leave ay dahil pinagiisipan ko kong mag reresign na ba ako at doon na lang sa Batangas mag turo, the only reason lang naman kaya nag turo ako dito sa Manila ay dahil ayaw ko nang mag alala nang mag alala si Papa. Kong papipiliin naman ako mas gusto ko talagang manirahan sa probinsiya.

I was so lost with that thought na hindi ko na namalayan na nasa harapan na agad ako nag office nang principal, kumatok lang ako bago ako tuluyan nang pumasok.

"Teacher Dulce, hi... it's good to see you again have a seat" Umupo ako sa sofa at umupo naman ito sa kaharap nitong one seater couch, tumawag lang siya sa secretary niya na ikuha kami nang maiinom bago ulit niya ibinalik ang kanyang buong atensyon sa akin.

"I saw this coming, but I really don't expect this early" She stated that made me look at her confusedly, I mean I've been hinting her about me doing a month leave for my wedding so hindi ko in expect na magugulat ko pa siya.

"You look shock, I get why, you may be wondering what I'm saying right?" Tumango ako sa kanya kaya naman ngumiti ulit ito bago ulit nag patuloy sa pagsasalita.

"From the very beginning I can see that you're not applying here for good, you just want this opportunity as your escape so when you see it you grab it immediately. You are a very very good person and teacher, Dulce. You know how to make your student happy while studying, enjoying while learning and that is what I have been looking for ever since I became the principal of the school, I hate to say this, but I don't want to let you go but I need to. I hope after this you will find the happiness that you've been looking for, that you deserve" Ngumiti ito ulit bago tumayo at nag lahad nang kamay sa akin.

"Thank you for you letting me see how true you are as a teacher, we will see each other again, I really hope so" Hindi ko na napigilan pa na mapayakap sa principal. The words that she said to me is the word I needed to hear. That is the last pieces of words that keeping me for doing what I feel and think what will makes me happy.

Madami akong mga desisyon na pinagsisihan ko pero ang desisyon na mag apply dito ay hinding hindi ko ata pagsisihan, hindi siya katulad nang school sa Batangas but the way they treated me iba talaga, I never felt so alone because they treat each and every one as family. This school is a one big family indeed.

We talk for a little bit bago na ako tuluyang lumabas, dumaan lang ako saglit sa faculty para kunin ang mga natitira ko pang gamit. I'm pretty sure smiling now looks weird because I just lose a job but who cares, hindi natin alam kailan tayo mamatay so gawin na ang mga bagay na tunay na mag papasaya sa atin.

Inilagay ko na ang gamit ko sa likodan nang kotse bago sumakay na nang tuluyan. Sa sobrang saya ko ay napapakanta na lang ako habang nag mamaneho, hindi tuloy ako makapag antay na masabi na kay Clyde ang lahat nang to ramdam ko din naman na gusto niya na sa Batangas kami tumira hindi lang siguro siya makahanap nang tyempo para sabihin sa akin o kaya iniisip niya na baka mas gusto ko dito sa Manila.

Living in Manila is fun I really enjoyed it, but Manila is only my escape, nanirahan lang ako dito kasi hindi ko kaya na manatili sa lugar kong saan kinuha sa akin ang anak ko, kong saan ako nawalan nang ina, nang minamahal.

All of that tragedy covers all the happy memories I had in that place na wala na akong choice kundi umalis. Itinanggi ko na lang sa sarili ko na ang tanging dahilan bakit agad nila ako napapayag na sa Manila tumira ay dahil ayaw ko na mag alala pa sila sa akin pero ang totoo ayaw ko nang mag overthink nang mag overthink, masaktan nang masaktan sa lugar kong saan hindi dapat ako nakakaranas nang ganon. Even though madaming nangyari hindi maganda sa akin sa lugar na yon ayaw ko padin na tuluyan na akong matakot.

All my thought faded when my phone suddenly rangs, iginilid ko muna ang sasakyan ko at tiningnan kong sino yon at nang makita na si Clyde yon ay masaya ko iyong sinagot.

"Where are you, sweetheart? Nang galing ako sa restaurant ni Mau wala ka daw at umalis na?" I almost forgot na may lakad nga pala kami ngayon sabi ko din sa kanya kanina ay sa kanya ako sasabay at mag aantay na lang ako sa kanya sa restaurant ni Mau.

"O my god I'm really sorry dumaan pa kasi ako nang school, nandiyan ka pa ba or nauna kana?"

"I'm still here but if you're driving na doon na lang tayo mag kita"

"Okay, I'll be quick promise"

"Take your time sweetheart and please drive safely, hmmm.... ano nga palang food want mo? Nasa drive thru ako nang jollibee"

"Just get me coke float and fries"

"Yeah, I love you drive safely"

"I will, I love you too" I hang up the phone and started the engine of my car and drove papunta sa botique nang wedding organizer namin. Hindi naman siya kalayuan makakarating ako doon within ten minutes if wala masyadong traffic, how I wish wala talaga kasi manlalambot yong mga fries ko na ipinabili kay Clyde. Nakalimutan ko kasi na kumain sa restaurant ni Mau kanina kaya ngayon gutom na gutom na talaga ako.

I'm halfway to my destination nang biglang nag traffic kaya ang ten minutes na dapat na byahe ko ay naging twenty minutes kaya naman pag kababa ko at pagkakita na pagkakita ko kay Clyde ay naka simangot na ako dahil siguradong lumamig na talaga ang fries ko.

Sinalubong niya ako nang halik sa pisngi bago iniabot sa akin ang fries ko.

"Medyo lumamig na yan but I swear I really try my best para hindi" He looks like a scared puppy na takot mapagalitan nang amo kaya naman hindi ko napigilan na halikan siya sa labi.

Ang plano dadampian ko lang pero hinigit niya ako sa batok at pinalalim ang halik syempre marupok ako edi tumugon ako. Grabe naman si Clyde nasa parking lot kaya kami!

The kiss become more aggressive hanggang sa siya na mismo ang humiwalay, huminga ako nang malalim dahil naubusan ata ako nang hininga sa ginawa naming halik ni Clyde.

"I think hindi ka na naman galit? Did the kiss lessen it?" Hindi ako makapaniwalang napa tinggin sa kanya, saan ba niya natutunan tong mga banat banat niya sa akin nagugulat na lang talaga ako sa kanya pag ganyan siya.

"Tell me honestly palagi ba kayong mag ka video call ni Terran? Like session on how to flirt? For your information Mr. Reyes hindi na kinakaya nang puso ko yang mga paganyan ganyan mo ha" He just shrugged and held my hand para makapasok na kami sa loob.

Pag kapasok namin ay nasalubong namin agad yong isa sa mga staff at sinabihan kami na pumasok muna pero nag insist si Clyde na maupo muna kami sa coffee table sa gilid at kainin muna yong pagkain na take out niya, well mas maganda nga kase siguradong hindi na to talaga masarap mamaya.

Inalalayan niya akong umupo bago naming sinimulang kainin ang mga binili niya, medyo madami nga to dahil sabi niya hindi padin talaga siya nakain nag alala kasi siya na baka naiinip ako sa restaurant ni Mau kaya hindi na niya naisip na kumain muna agaran na daw siyang nag maneho papunta doon.

"Hey, do you talk with Terran this past few weeks?" I was about to drink the soda when he asks me that question, at first, I thought he was just asking dahil nabanggit ko kanina si Terran but when I saw his eyes I just knew he was really serious.

"Not so often as we talk before, he decided to take the project in Poland, why?" I wipe my mouth and then continued to eat while waiting for his answer.

"Nothing, it's just that ang weird niyang kausap ngayon. Alam mo yong parang wala siya sa wisyo ganon? Tinawagan ko kase siya kahapon itatanong ko sana kong anong paborito mong luto nang shrimps sinagot ba naman sa akin sopas" Hindi ko napigilang matawa dahil sa sinabi niya, I don't think may problema si Terran ganon lang naman siya palagi, may mas kwenta pa ngang kausap minsan si Killian kesa sa kanya.

"Wag mo na yong isipin, he's fine I can guarantee you that. Ganon kang talaga siya kapag komportable na siya sa tao, I'm glad to know na nag kasundo na kayo samantalang dati palagi mo siyang iniirapan"

"You can't blame me, he's good looking, kind and funny at isa pa close siya sayo anytime pwede kang mag kagusto sa kanya edi olats na agad ako hindi pa ako nag uumpisa"

"We are not that close kaya non, nakakausap ko lang yon kase palagi siyang kadaldalan ni Eli and during those time wala naman akong pake sa paligid ko hindi ko lang talaga maiwasan na hindi siya kausapin kase mag mumukha naman siyang tanga na salita nang salita tapos ako parang poste lang sa harapan niya"

"Figured, but still, I can't deny the fact that isa siya sa pinaka malaki kong kaagaw sayo non" Hindi ko naiwasang mapatinggin sa kanya, kaagaw? Eh wala namang nagkakagusto sa akin non at isa pa kahit meron wala naman kase talaga akong pake kong hindi nga ako napasale sa CAT at nakilala si Clyde baka hanggang ngayon single pa ako at wala pang kabalak balak mag asawa.

Siya lang naman nakapag palabas nang romantic feelings sa katawan ko.

Pinagtalunan pa namin yong topic nayon hanggang sa natapos na kaming kumain, itinapon lang namin yong mga kalat bago niya ulit hinawakan ang kamay ko at naglakad na kami papasok sa opisina nong wedding organizer namin.

Pag pasok pa lang ay bumungad na sa akin ang iilang mga gown na sila mismo ang nag design if I'm not mistaken ito yong mga talaga umabot sa ibang bansa ang labanan dahil sa ganda at uniqueness nang design.

Ngumiti ito sa aming dalawa at pinaupo kami sa sofa sa gilid nang lamesa niya, naupo kami doon at siya naman sa harapan. Hindi siya agad nagsalita, she was busy finding the right folder para sa wedding namin, in demand din kasi tong wedding organizer na to and mostly mga artista talaga ang kliyente, si Carol nga lang nag suggest sa amin eh at kong hindi din dahil sa koneksiyon niya ay baka hindi pa kami makakakuha nang slot for her.

"Found it! Sorry nag kahalo halo kasi to kanina dahil may natapunan yong staff ko na isang folder, by the way wala na namang masyadong needed na e revise about sa details since napag usapan na naman natin yan sa last meeting natin ang reason na lang kong bakit ko kayo pinapunta ay para ifinalize yong mga natitira like cake, cater and such lalo nat nag last minute change kayo nang venue" She open the folder at ipinakita sa amin ang magiging design sa bagong venue at bagong simbahan.

"The new church was bigger than the first one, so we adjusted things like quantity ng mga tela, tables, utensils and of course the flowers, mas dinamihan namin since want niyo talaga na medyo nature and garden vibes, is it okay naman diba? Or may want pa kayong e padagdag sa details?" Pareho naming tiningnan yong mga nabagong details about sa church and venue and so far wala naman na akong masabing kakaiba kase sobrang perfect niya, I mean nong isang linggo lang namin siya nasabihan na magbabago kami nang church and venue nang reception pero pulido na lahat nang revision na mangyayari sa kasal.

"We're good about the revision actually this is perfect thank you so much" Bigkas ni Clyde habang hindi padin makapaniwalang nakatinggin sa folder na nasa kanyang harapan.

"No worries, nang sinabi ko na ibibigay ko sa inyo ang dream wedding niyo ay nag commit na ako doon at all extent kaya if ever may need ipadagdag, ipabago just let me know and I'm on it immediately" Tumango kami at nag usap pa nang mga iilang pa naming kailangan asikasuhin katulad nang last fitting and last tasting nang cake na mangyayari bukas, medyo rush na yon kasi in two weeks kasal na namin syempre kailangan pulido na ilang araw bago ang kasal.

Nag pasalamat kami nang paulit ulit bago tuluyan nang lumabas nang boutique, nakasandal ang aking ulo sa balikat niya habang binabaybay namin ang daan pabalik sa kotse niya. Mag kahawak padin ang kamay namin, siguro kong may makakakita sa amin ay kong ano ano nang sasabihin sa amin katulad nang pda and such, ang landi lang kasi naming dalawa this past few weeks.

"Where do you wanna go next?"

"Paris then Amsterdam and so on"

"What? I mean you want to travel right now?" Natawa ako sa sinabi niya kaya hindi ko napigilang pingutin ang kanyang ilong.

"Of course not silly, what I mean is that after our wedding let's travel, kahit for three to four months lang. Let's enjoy life muna"

"We can do that but why suddenly? Akala ko ba after honeymoon gusto mo na agad mag turo?"

"Gusto ko naman talaga pero naisip ko maikli lang ang buhay and I need to make the best out of it, and this is me doing that. We face so many hardship in life Clyde at a young age we were torn into our family's problem and even lead us to broke each other's heart, we lost contact and fall in love again but god challenge us again nang kinuha niya ang anak natin and those things made me realize hindi ka habang buhay nasa tabihan ko at ganon din ako sayo, dadating ang panahon na mamatay ang isa sa atin at maiiwan ang isa at gusto ko kapag nangyari yon at least nagawa na natin lahat nang gusto nating gawin, na meron tayong napakadaming memorya na dadalhin hanggang langit, that is what I want Clyde" He look straight in to my eyes and kiss my forehead so gently na ramdam na ramdam ko lahat nang pagmamahal niya para sa akin.

"Okay, well travel the world together, I don't care kahit hindi na tayo umuwi as long as I'm with you kontento na ako. The moment I laid my eyes to you alam ko na habang buhay na akong naka commit sayo, na ikaw na yong babaeng kailangan at mamahalin ko nang buong buo and I never regret falling deeply to you, Clementine, never. You are the love I'm willing to experience kahit ilang ulit because your love is my everything. You're my solace Clementine and I love you very very much na minsan pakiramdam ko tumitibok na lang ang puso ko para sayo"

"And I love you very much to my Commander. Thank you for manipulating me to enter CAT kasi kong hindi mo yon ginawa baka hindi tayo tuluyang nahulog sa isa't isa, baka hindi natin minahal ang isat isa at baka ni kailanman hindi nag tagpo ang mga buhay natin. That would be very sad kong nangyari kaya thank you for coming into my life even though you force it haha" Patuloy ko siyang inasar kaya naman paulit ulit niya din akong pinipingot dahil sa kakulitan ko. Kahit naman ilang beses ko yang asarin hindi naman yan magagalit sa akin, ni hindi ko nga matandaan kong may pagkakataon na nagalit siya sa akin.

Palagi niya lang talaga akong naiintindihan, at kong nahihirapan na siya yon padin ang gagawin niya iintindihin niya ako nang iintindihin kahit pati siya nasasaktan na.

That's how selfless he was especially to the person he really loves the most, alam ko na hindi na namin to pinaguusapan pero I wonder if may koneksyon pa siya sa nanay ko after all she really did treat Clyde as her son and so is Clyde to her.

Ever since we broke up and eventually see each other again I never heard anything about her, I want to ask him, but I just don't know where to start hanggang sa nakalimutan ko na.

Malaki ang naging tampo at galit ko sa kanya pero ayaw ko nang mag tanim nang galit sa kahit kanino kasi ako lang naman yong nahihirapan. And if ever, I want her to reunite with Clyde if ever gusto din ni Clyde kahit kumustahan lang hindi naman na needed na bumalik talaga siya nang tuluyan sa buhay niya kasi syempre nandiyan na si Tita Lydia and the fact na hindi talaga sila in good terms ni Tito.

Sa totoo lang din gusto ko din siyang maka usap ulit, once and for all gusto kong malinawan bakit niya nagawa yon, what is her reason na to the point na nagawa niya kaming iwan, question like that but that's it hanggang don na lang. Ayaw ko nang nag tanim nang galit dahil hindi na ako farmer but it doesn't mean napatawad ko na siya at handa na akong bumalik siya sa buhay ko. Hindi yata ako magiging handa doon because he was more Clyde's mother than a mother for me.

I don't think kaya ko siyang e acknowledged as my mother because to be honest she never been my mother, hanggang papel na lang yon.

Not that I'm jealous or something pero alam ko na mas mahal niya bilang anak si Clyde kesa sa amin ni Vergel na tunay niyang anak, alam ko na may dahilan siya bakit niya nagawa ang lahat nang ginawa niya but the amount of explanation can't heal and let me forget anything that I and my family specially Papa experience.

So if ever na mag cross pa muli ang aming landas she will remain as Clyde's loving and caring step mother for me. Kahit don man lang naging mabuti siyang ina.

With that thought I never really imagine that day would come, I mean meeting the person who gave life to me and eventually kill me for the reason only she can benefits.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...