Unexpected (Salazar Series #5...

By Joyanglicious

13.7K 456 64

Date Started: November 01, 2021. Date Ended: January 19, 2022. - Sienna Dawn Conley mabait at mapagbigay. Lum... More

Unexpected (Salazar Series #5)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Message to my yannies<3

Kabanata 5

340 15 5
By Joyanglicious

“That asshole!” inis na sabi ni Aria nang magkita kami sa cafeteria. Kakatapos lang ng klase nami at medyo mainit nga ang ulo niya. Halos araw-araw na lang ata ay ganito siya. Hindi ko alam kung bakit ba sobrang init ng ulo niya my Caiden. Caiden seems good. Mabait naman siya at hindi siya katulad ng mga lalaking nakikita ko na mayabang.

“Order na tayo,” sabi ko sa kaniya. Tumingin sa akin ang pinsan ko at parang nahimasmasan ata.

“Right,” aniya at nag-order na nga kami ng kakainin namin. Hindi siya omorder ng rice, pasta at milk tea lang ang sa kaniya. Samantalang steak, fried rice at milk tea ang akin.

Nang makahanap kami ng pwesto ay agad na din kaming umupo doon. Hindi ko pa nakikita sila Yosef at mukhang abala din ata sila ni Mikaela.

Tinanggal ko ang salamin ko para makakain na kami. Medyo okay na naman si Aria pero hindi pa din maiiwasan ang pagrarant niya tungkol kay Caiden.

“Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Hindi ko naman sinasabi na tulongan niya ako ah,” inis na sabi niya sa akin.

“Mabait lang talaga siguro siya,” sabi ko.

“No! Hindi no! Bwiset na lalaking iyon. Ang init talaga ng ulo ko sa kaniya. Bakit kaya ang daming nagkakagusto sa kaniya e’ ang yabang naman niya!” iritang sabi ni Aria sa akin.

Nakikinig lang ako sa kaniya habang patuloy ang pagrarant niya. Abala din naman ang lahat ng studyante sa pagkain at sa mga pinag-uusapan nila. Hindi naman din malakas ang boses ni Aria kaya mabuti na lang at hindi sa amin natutuon ang pansin nila pero halata naman na naiinis siya dahil sa tono ng boses at sa mga ekspresiyon niya ngayon.

“Hindi naman siya mayabang,” sabi ko pa. Kumunot ang noo no Aria sa akin. Uminom ako sa milk tea ko at bumaling ulit sa kaniya.

“Omg ka Sienna! Ano bang sinabi sa iyo ng mga kupal na iyon at ang bait mo sa kanila. Alam ko namang mabait ka pero wag sa kanila! Mga masasama ugali nun!” Iiling na sabi ng pinsan ko sa akin.

“Wala naman,” sabi ko sa kaniya at umiling. “Ah..feeling ko lang,” dagdag ko pa.

“Mali ang feeling mo,” sabi niya sa akin. “Basta! Sobrang naiinis talaga ako. Alam mo marinig ko pa lang pangalan niya, kumukulo na dugo ko!” inis niya pang sabi sa akin.

“He’s nice naman sa ‘yo diba?” Tanong ko sa kaniya. Kasi kapag napapaaway o may mga babaeng humaharang kay Aria ay laging nandiyan si Caiden para sa kaniya.

“No! Pangit na iyon. Akala mo talaga tinutulongan ako eh,” sabi niya at umirap pa. Hindi na lang ako nagsalita at sakto naman na may ilang mga pamilyar na boses ang nagsalita at dumaan sa gilid namin. Kahit na wala akong salamin ay alam kong sila Yosef iyon.

Nang tumingin ako doon ay nakita ko nga si Yosef at si Mikaela. Nakahawak siya sa braso ni Yosef at dikit na dikit doon. Nagkatinginan kami ni Yosef nang maupo na siya doon sa kabilang table. May sinasabi sa kaniya si Mikaela at mukhang hindi naman iyon pinapakinggan ni Yosef dahil nakatingin siya sa gawi ko. Siguro may dumi ako sa mukha? Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumaling sa pinsan ko na mukhang lalo pa atang nainis ngayon dahil sa presensiya ng limang lalaki.

“May dumi ba ako sa mukha?” Mahinang sabi ko sa pinsan ko. Bumaling sa akin si Aria na nakakunot ang noo.

“What?” aniya pero agad ding umiling sa akin. “Wala naman, bakit?” sabi niya.

“Tumitingin si Yosef sa akin…baka may dumi ako..sa m-mukha,” sabi ko sa kaniya. Kita ko ang pagkunot ng noo niya at tumaas ang kilay pagkatapos ay tumingin sa gawi nila Yosef.

“Ang gagong ‘yon!” inis na sabi niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Bakit kaya?

“Bakit? May problema ba?” Tanong ko sa kaniya. Bumaling siya ulit sa akin at nakita kong nando’n pa din ang inis sa kaniyang mukha.

“Don’t mind him Sienna. Wala siyang kwenta,” aniya. Umawang ang bibig ko sa sinabi niya pero hindi na din ako nagsalita. Napatingin ulit ako sa kabilang table at nakitang nakatingin pa din sa akin si Yosef. Umiwas na lang ulit ako ng tingin sa kaniya at nagpatuloy na sa pagkain.

Nasa library ako at nagbabasa ng ilang libro. Aria is still in her class, mukhang mamaya pa iyon matatapos kaya nagstay na lang muna ako dito sa library para magbasa. Kunti lang ang tao dito, siguro ay nasa cafeteria or nasa gym ang iba.

Nagtext ako kay Aria na nasa library ako. Hindi pa naman siya nagrereply kaya nagpatuloy na lang ulit ako sa pagbabasa. Tumigil ako saglit dahil tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Aria na iyon pero hindi pala. Notification lang sa Facebook. Hinubad ko muna ang salamin ko at pinunasan iyon para makapagbasa ako ng maayos.

“Can I sit here?” Napatingin ako sa nagsalita at kumunot ang noo ko. Sinuot ko ang salamin ko at nakita si Yosef na may dalang dalawang makapal na libro.

Napatingin ako sa ibang pwesto at nakitang bakante naman ang ilan kaya bakit dito siya uupo sa tabi ko?

“Ah…sure,” sabi ko sa kaniya. Naupo na nga siya at nilapag ang dalawang libro sa table. Hindi tuloy ako makapokus dahil sa kaniya.

“What are you reading?” He asked.

“Fiction,” sabi ko sa kaniya. Tumango ulit siya sa akin. Bakit kaya dito siya naupo? May kailangan kaya siya? Nasaan ang fiance niya?

Hindi na siya nagsalita kaya tahimik na lang kaming nagbasa. Medyo okay na naman dahil parang komportable naman siyang kasama dito. Minsan ay nararamdaman ko ang pagtingin niya sa akin pero hindi ko na lang iyon pinapansin.

Hala?! Wait lang. Hindi ko naintindihan ‘yung binabasa ko. Bakit naman sabi niya nasa bahay lang siya tas biglang pagbasa ko ulit nasa mall na siya?! Hindi ko na maintindihan binabasa ko. Ano ba ‘yan?

Sinara ko na lang muna ang libro ko dahil mukhang hindi ko talaga maiintindihan ang lahat ng iyon kung pipilitin ko ang sarili kong basahin ang lahat ng iyon. Hindi ako makapagpokus ngayon. Okay naman ako kanina pero bakit bigla atang nag-iba ang pakiramdam ko ngayon.

Napatingin ako kay Yosef na seryosong nagbabasa sa kaniyang libro. Napatingin pa ako sa may pintoan nang bumukas iyon. May ilang babae na pumasok at mukhang na kay Yosef ang kanilang atensiyon dahil kulang na lang ay madapa ang ilan dahil sa kakatitig nila kay Yosef na tahimik na nagbabasa ngayon. Kumunot ang noo ko nang makitang tumingin sa akin ang isang babae at tinaasan pa ako ng kilay. Bakit kaya?

“Malabo mata mo?” Napatingin ako sa lalaki nang tanongin niya ako nun.

“Oo…” sabi ko sa kaniya. Nanatili ang tingin niya sa akin. “Kapag sa malayo na hindi ko na masyadong makilala kung sino iyon at hindi ko na din mabasa kung anong nakasulat,” dagdag ko pa.

“Hmmm..that’s why,” he said.

“Kaya nakasuot ako ng salamin para malinaw ang paningin ko,” I said. He didn’t talk. His eyes remained at me while I avoided his eyes.

“Yeah. I see but no glasses suits you more,” hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niyang iyon. Totoo kaya?

“T-Talaga?” I asked him. Si Aria pa lang ang nagsabi sa akin ng ganun at first time din na sabihan ako ng lalaking ganun at si Yosef pa talaga.

“Yeah, you’re pretty,” aniya. Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa kaniya. Parang gusto naman niyang bawiin ‘yung sinabi niya sa akin ngayon.

Mas lalo lang kumunot ang noo ko nang namula ang kaniyang tenga at umiwas na siya ng tingin sa akin. Hala? May allergy kaya siya? Bakit namumula na siya ngayon. Medyo nataranta ako kaya nagsalita na ako.

“May allergy ka? Dalhin na kita sa clinic,” sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at tila binabasa ang mata ko.

“Wala,” aniya at umiwas na ulit ng tingin pero namumula pa din ang kaniyang tenga. Ano kayang kinain niya at nagkaganito siya ngayon? Baka mamaya ay mamula na ang buong katawan niya!

“Are you sure? Namumula ka na po talaga…” sabi ko sa kaniya. Kinakabahan na ako kasi hindi pa nawawala ang pagpula ng tenga niya.

“I’m okay Sienna,” he said. Hindi pa siya makatingin sa akin at mukhang gusto na niyang umalis.

“Ano bang nakain mo? Namumula na ang tenga mo po,” sabi ko pa sa kaniya.

“I don’t have allergies Sien,” aniya. Napatigil ako sa sinabi niya. Pero bakit kaya siya namumula? At saka parang pinagpapawisan na siya, eh may aircon naman dito sa library ah.

“Oh, okay.” Tumango ako pero nanatili pa din ang tingin ko sa kaniya.

Nabaling ang tingin ko sa pumasok sa library at agad na nakita sila Troy. Mukhang may hinahanap pero nang makita ako ay agad din silang lumapit sa akin.

“Yosef? Anyare sa ‘yo?” Kunot noong tanong ni Caiden. Hindi nagsalita si Yosef at namumula pa din ang kaniyang tenga.

“Nothing…” mahinang sabi niya.

“Bakit? May—” hindi na natuloy ni Zymon ang sasabihin niya dahil bigla nang tumayo si Yosef.

“I’ll go first,” aniya at tumingin sa akin. Tumigil pa siya pero agad ding nagmadali palabas ng library.

“Gagong ‘yon. Magpapahanap na naman.” Kinamot ni Troy ang kaniyang ulo habang nakatingin sa labas.

“He’s shy,” ani Zymon at nagkibit-balikat.

Shy? Bakit naman?

“Grabe ang sakit ng ulo ko,” reklamo ni Aria sa akin. Nasa field kami at nanonood sa ibang mga nagpapractice. Wala na kaming klase at nagstay na lang muna kami dito sa campus.

“Bakit?” Tanong ko sa kaniya at uminom sa iced coffee ko.

“Ang daming quiz kanina e’ tapos nagbigay pa ng panibagong activity ‘yung prof. namin. Hindi ata uso sa kaniya ang salitang pahinga. Kami lang ‘to oh,” aniya at hinawakan pa ang kaniyang dibdib.

“You should rest,” sabi ko sa kaniya.

“Mabuti na lang walang pasok bukas. Matutulog ako buong araw!” sabi niya pa.

“Troy tama na, baka umiyak na si Caiden eh.” Napatingin kami ni Aria sa biglang nagsalita. I saw the Salazar cousins.

“Shut up Cae,” inis na sabi ni Caiden sa pinsan. Nagtawanan sila dahil doon.

“Ang ingay naman,” sabi ni Aria at umirap sa kawalan. Hindi ata kami nakita ng mga lalaki dahil nanatili silang nakatayo at mukhang nag-aasaran.

“Ang sungit ah, sumbong kita eh,” sabi pa ni Troy.

“Fuck you Troy. Sumbong din kita kay Venn,” sabi ni Caiden at ngumisi kay Troy. Natigilan naman ang lalaki at hindi na lang nagsalita kaya mas lalong natawa ang magpipinsan.

“Takot ampota,” ani Zymon at tumawa pa.

“Let’s si—” Napatigil sa pagsasalita si Yosef nang magtama ang paningin namin. Agad namang napatingin sa kaniya ang mga pinsan niya at tumingin din sa akin.

“He’s looking at you,” ani Aria sa akin.

Nakita ko ang pagsiko ni Caelus kay Yosef at napangiti lang sila Troy. Bakit kaya?

“Upo na tayo,” aya ni Troy at palakad na sana papunta sa pwesto namin pero natigil dahil may biglang sumulpot at yumakap kay Yosef. Nakita ko din ang mabilis na paghalik ng babae sa labi ni Yosef at nang lumingon ito ay nakita kong si Mikaela iyon.

“Uh-oh…” ani Troy at nagpabalik-balik ang tingin sa akin at sa pinsan niyang kayakap ang fiance nito.

Continue Reading

You'll Also Like

664K 22.6K 43
Khalil Slovein Zaldariaga is not a typical cold and snob campus crush. A legit ace player of basketball. He was reigning the MVP title for years. He...
1.1M 24K 52
Rule #3: Do what it takes to rule the game. Everyone sees Elisse Amelia Gallego as the perfect and beautiful princess of the Gallego family. Mula sa...
306K 8.7K 42
Wyorck series #2 I first saw him in our wedding, waiting in the aisle.
951K 33.7K 43
Status: COMPLETED Kayeziel Harselia Brizuela is a daughter of a two multi-billionaire business persons, a heiress of a top company and corporation, a...