My Alien Soulmate (boyxboy) [...

By Badorita

690K 20.5K 615

Si Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyan... More

My Alien Soulmate
Prologue
Chapter One (The Selected One)
Chapter Two (Unidentified Follower Of abby)
Chapter Three (The Encounter)
Chapter Four (Mission Accomplished)
Chapter Five (Dreams or Reality)
Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)
Chapter Seven (A Narrow Escape)
Chapter Eight (Mysterious Man in the Dark)
Chapter Nine (The Outrageous Alpha)
Chapter Ten (Same-sex Reproduction)
Chapter Eleven (A Mess Mind)
Chapter Twelve ( The Philetor and the Kleinos)
Chapter Thirteen (Unintentional Kiss)
Chapter Fourteen (The Beginning of Everything)
Chapter Fifteen (Romance begins in unexpected ways)
Chapter Sixteen (Two Old Friend)
Special Chapter (Valentine's Edition)
Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)
Chapter Eighteen (Back to Earth)
Chapter Nineteen (Best friends are the best)
Chapter Twenty (Despedida Part One)
Chapter Twenty-One (Despedida Part Two)
Chapter Twenty-Two (Complex Equation of Love)
Chapter Twenty-Three (Love in the time of cholera)
Chapter Twenty-Four (Love goes through a bit of a rough patch)
Chapter Twenty-Five (Wear your heart on your sleeve)
Chapter Twenty-Six (Absence make the heart grow fonder)
Chapter Twenty-Seven (Sweet Smile Sweet Kisses)
Chapter Twenty-Eight (The love of two destined soul)
Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)
Chapter Thirty (Something is coming)
Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)
Chapter Thirty-Two (First Trimester)
Chapter Thirty-Three (Vertigo of Love)
Chapter Thirty-Four (Congratulations)
Chapter Thirty-Five (Patrem Philcan's Confession)
Chapter Thirty-Six (Sometimes knowledge is disgusting)
Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)
Chapter Thirty-Eight (Secret Mission)
Chapter Thirty-Nine (Emergence of Clue)
Chapter Forty (The Battle of White and Red)
Special Chapter (A Tribute for the Graduates)
Chapter Forty-One (Abby versus Philcan)
Chapter Forty-Two (Serendipity of Love)
Chapter Forty-Three (First Move)
Chapter Forty-Four (Round One)
Chapter Forty-Five (Recrudescence)
Chapter Forty-Six (Old friend)
Chapter Forty-Seven (The Battle Plan)
Chapter Fifty (Goodbye is not the end)
Epilogue
Author's Note

Chapter Forty-Eight (Xenica War II Part 1)

7.6K 208 1
By Badorita

"Today. Today...At the edge of our hope, at the end of our time, we have chosen not only to believe in ourselves, but in each other. Today there is not a man nor woman in here that shall stand alone. Not today. Today we face the monsters that are at our door and bring the fight to them! Today, we are *canceling* the apocalypse!"

Stacker Pentecost, Pacific Rim

_____

Location: Purva, Old Headquarter Entrance Sector

Kadiliman. Iyon ang una mong mapapansin sa sarcina ng Purva.

"On position Sir!"

"Copy,"

Nasa kabilang panig sila samantalang nasa kabila naman ang hukbo ng kanyang Patrem. Napapaligiran nila ang lumang headquarter ng Purva.

Hindi niya lubos maisip na ganito na pala karami ang monstrum dito sa Purva, base sa observation nila sobrang amak ng mga monstrum na ito. Nakaprogram ang lahat ng kilos ng mga ito sa cerebrum sa loob ng lumang headquarter kailangan nilang wasakin ang nagsisilbing cerebral cortex ng mga ito.

Isa lang ang heat signature na nadetect nilang nag-ooperate sa loob ng headquarter. Hindi siya p'wedeng magkamali, iyon ang Gammang nais makuha si Abby.

Tiim bagang siyang naghihintay ng signal na galing sa ground force commander.

*****

Location: Purva, Old Headquarter Inside Sector

Bilang isang ambush unit. Kailangan nilang mauna sa lahat ng bagay. Sila ang nagsisilbing tagasilid ng impormasyon sa gitna ng labanan.

Nasa loob na siya ng lumang headquarter kasama ang kanyang unit. Ang kanyang unit ay binubuo ng mga miyembro na may iba't ibang katangian tulad ng invisibility, can walk through walls and shape shifter na hindi basta basta madedetect ng kahit na sino, katulad niya mabilis siyang kumilos mahirap para sa isang kalaban ang makita sila on the spot. Kaya ang kanilang unit ang nakatalaga para sa infiltration plan.

"HQ, we're in,"

"Copy that, wait for our signal,"

"Roger,"

*****

Location: Uttara, Command Center

Nakaposisyon na lahat ng mga unit. Kitang kita nila sa napakalaking monitor ang bawat signature sign ng mga units. Tanging signal na lang na manggagaling sa kanilang nasa Ops ang hinihintay ng mga ito.

"Listen everyone! Tayo ang nagsisilbing mata at tainga ng lahat ng pwersa na inyong nakikita sa monitor na 'yan! Lahat ng impormasiyon na matatanggap natin at lahat ng impormasiyon na sasabihin natin ay kailangang tugma, tiyak at eksakto, nakasalaylay sa atin ang kahihinatnan ng laban, brace yourselves!"

"Yes sir!"

"Then connect me to all the the commanders of each unit!"

"Go head Sir, you're connected,"

"Vulcan, Fortuna!"

*****

Location: Purva, Old Headquarter Secured Room-Cerebrum

"Let the war begin," ngumiti siya. Nalaman na niya agad ang gagawing paglusob ng mga Uttaraian kaya naman ipinahanda na sa kanila ang iba't ibang monstrum na ngayon ay nakakalat na sa iba't ibang bahagi ng Purva.

"Magaling nga kayo sa pagstrategize subalit we have the numbers, maisasakatuparan na namin ang mga plano bago kayo makalapit dito sa cerebrum," ito kasi ang nagsisilbing utak ng mga monstrum na hindi tamed at karamihan ng mga iyon ay nasa battlefield. Ito ang mga monstrum na hindi nakakagalaw at their own free-will kaya napaka-destructible ng mga ito.

"I AM THE CAPTAIN OF THIS FLEET!" sigaw niya kasabay ng pagtawa ng malakas.

*****

Location: Purva, Old Headquarter Back Sector

"Sisimulan ko ang unang atake, hintayin niyo ang hudyat ko!"

"Yes Sir!"

Nag-ipon siya ng lakas, itinaas niya ang kanyang dalawang kamay para bumuo ng isang napakalakas na kidlat. Maririnig na sa buong Purva ang kulog at makikita ang pamumuo ng mga makakapal na ulap. Sa isang iglap ay nagpakawala siya ng malalaking kidlat sa iba't ibang parte sa paligid ng lumang headquarter sa Purva. Biglang nagkaroon ng mga ungol sa likod na bahagi ng headquarter.

Ngayon ay nakikita na nila ang paglusob ng mga monstrum papunta sa kinaroroonan nila, mabilis silang natagpuan ng mga ito.

"Ngayon na!" sigaw niya.

Nagsipagtalunan na ang mga skilled beta sa kanilang unit papunta sa mga monstrum.

Tinanguan niya si Cronus para ipaalam dito na gawin na nito ang plano.

Mabilis na nawala si Cronus at nakita niya na lamang na bumagsak na ang isang monstrum.

Makikita sa paligid ang labanan ng mga skilled beta at mga monstrum. Nagliparan na ang mga laser light, iba't ibang kagamitan sa pakikipagdigma at mga natural elements na kakayahan ng mga betang may special ability.

Makikita naman sa taas ang mga sasakyang panghimpapawid na ginagamit sa pakikidigma. Naaabot ng mga galamay ng monstrum ang iba sa mga sasakyan sa taas, mabilis din ang mga kilos ng mga monstrum. Subalit hindi nila inaasahan na may lalabas na mga monstrum na may kakayahang lumipad.

*****

Location: Purva, Old Headquarter Entrance Sector

"Alpha Philcan!" tawag sa kanya ng isang beta, nasa himpapawid silang lima para labanan ang mga monstrum na may kakayahang lumipad.

Nakita niyang bumuo ito ng isang iron ball, binalutan niya ng apoy ang mga iyon, kinontrol nito ang mga iron fire ball at direktang inasinta ang papalapit sa kanilang monstrum.

"Configuration B" pahayag niya. Mabilis ang pagkilos ng limang beta. Siya ang nasa unahan kapag nasa configuration B sila, dalawa ang nasa likod niya at tatlo naman ang nasa likod na dalawang beta. Ang limang betang ito ang sumusuporta sa kakayahan niya para mas lalo pang mapalakas iyon. Katulad niya special element ability user din ang mga ito.

Sinubukan niyang magpakawala ng mga fireball at wind blade. Kailangan na niyang makalapit sa building kung saan naroon ang Gammang kumonkontrol sa mga monstrum. "Let's do this!"

"Yes Alpha!"

Mabilis silang inaatake ng sampung monstrum. Gumawa siya ng water laser para patayin ang humaharang na monstrum. Subalit nakakailag din ang mga ito. Nagpakawala ang isang beta ng mist para hindi sila makita ng mga monstrum.

"Kailangan kong bumaba para makapunta sa loob ng headquarter, nahihirapan ako rito sa taas, ang ibang beta na lang ang bahala rito, sumakay na lang kayo sa IAR3312R," utos niya.

Tumango ang mga beta, "Disperse!" Bigla na lang lumipad ang mga ito sa iba't ibang direksiyon, nang makasakay na ang mga ito sa sasakyang panghimpapawid ng Uttara. Nagmadali siyang bumaba.

Makikita sa baba ang mga nakahandusay ng mga beta at mga wala ng buhay. Marami na rin ang napapatay na mga monstrum. Kailangan hindi siya madala sa mga nakikita. Isa itong guerra kailangang hindi niya pairalin ang kanyang emosiyon.

"HQ, I'm going in,"

*****

Location: Uttara, Command Center

Hindi nila inaasahan na may mga monstrum palang lumilipad. Ganunpaman handa sila sa bagay na iyon, marami na ang nasusugatan sa labanan pero hindi pa rin mabuwag ang mga monstrum na nakaharang sa lumang headquarter ng Purva.

"Cerus, Philcan is going in,"

"Copy that,"

"4th Squad of Front Line Unit, Philcan needs cover,"

"Yes Sir,"

Naalis ang kanyang paningin sa monitor ng tawagin siya ng isang beta sa hanay ng mga nakaupo sa kanyang harapan.

"Sir we have a problem, may mga monstrum po na papalapit sa battlefield kung nasaan po nakikipaglaban ang unit ni Alpha Vulcan at Alpha Philcan,"

Isa sa mga plano ng kalaban ang surprise attack habang nakikipaglaban na ang mga unit sa battlefield. A simple trick and a powerful one but not to him.

"Connect me to Support Unit,"

"Connected Sir,"

"Hyperion, may mga papalapit na monstrum sa battlefield, kayo ng bahala sa mga lalapit,"

"Roger!"

Sa labanan lahat nang pwedeng maging possibleng taktika ay kailangan may katumbas din na isa ring taktika na tatalo sa nauna.

*****

Location: Uttara, Secured Facility- Evacuation Center, Building 1

Sa mga sandaling ito, alam niyang nagsisimula na ang guerra. Lahat ng mga walang kakayahan at walang alam sa pakikidigma ay narito lahat sa secured facility.

"Vlex, ano bang nangyari? Bakit ka malungkot diyan? Kung inaalala mo ang kapatid mo magiging maayos siya," hinawakan siya sa balikat ni Farria.

Tumango lang siya. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Cerus. Bakit naman siya nagkakaganito?, wala namang masama sa ginawa ni Cerus sa kanya, tama naman talaga ito, bakit nga ba siya pumunta pa sa tanggapan nito?

Huminga siya ng malalim. Kung ayaw nitong makinig sa kanya bahala na ito basta ang alam niya may hindi tama sa mga nangyayari. Siya na lang ang aalam kung ano ang bagay na 'yon. Mabilis siyang tumayo. Ihahanda niya ang kanyang mga gamit.

"Vlex, anong gagawin mo?"

"Farria, makinig ka, tatakas ako rito para pumunta sa labanan, ikaw na ang bahala sa pagdistract sa mga beta guard,"

Nanlaki ang mga mata nito,"Pero Vlex..,"

Hindi niya na pinatapos ang sasabihin nito, "Nakapagdesisyon na ako, panahon na siguro para magamit ko naman ang lahat ng itinuro sa akin ng aking ama bilang isang secret agent,"

"Vlex alam kong si Beta Cerus ang dahilan ng pagkakaganyan mo, huwag mo naman sanang ihalo ang personal mong nararamdaman sa mga desisyon mo, ikaw ang mapapahamak sa ginagawa mo eh,"

"Hindi ko ito ginagawa para sa kanya, ginagawa ko ito para sa Uttara, kaya kung ayaw mo akong tulungan, maiintindihan ko 'yon, sige!"

"Sandali," pinigilan siya nito, "Tutulungan kita sa isang kondisyon," tumaas ang kilay niya, "Don't compromise your cover,"

"Deal,"

*****

Location: Purva, Old Headquarter Inside Sector

Papunta na si Philcan dito sa loob. Konti lang ang umaaligid na mga monstrum dito sa loob, tapos na nilang ilagay lahat ng cameras, heat signature lang kasi ang kayang makita ng mga taga HQ sa loob, ngayon nga ay magkakaroon na sila ng access.

"F1 and F2, abangan niyo si Philcan sa labas,"

"Copy Sir!"

"F3, kaya mo bang makapasok sa loob ng cerebrum?"

"Hindi kaya ng kapangyarihan ko Sir mukhang may nakabalot na force field na nagboblock sa mga materialized matter,"

"Okay, standby,"

"Sir," tawag sa kanya ng isang beta. Mukhang nakita sila ng isang monstrum.

Tinanguan niya ang beta, mabilis itong naging invisible at sa isang iglap bumagsak na ang monstrum. Nasira ang bahaging iyon ng mamatay ang monstrum.

"Nalaman na ng kalaban na nandito tayo, units prepare yourselves to fight,"

"F3 and F5, subukan niyong wasakin ang force field na bumabalot sa cerebrum,"

"F6 and F4, follow me, patayin na natin lahat ng mga monstrum na umaaligid dito sa loob,"

"Yes Sir!"

*****

Location: Uttara, Command Center

"Tell me the status of each unit,"

"Alpha Philcan's Unit is immobilizing the entrance sector Sir!"

"Alpha Vulcan's Unit as well Sir!"

"Angus' Unit find difficulty in destroying the aerial monstrum Sir!"

"Hyperion's Unit is continuously preventing the monstrum who wants to enter the battlefield Sir!"

Matapos marinig ang lahat ng status ng mga unit. Mabilis siyang nag-isip ng paraan.

"Magpadala ng mga beta sa aerial Unit na manggagaling sa unit ng dalawang Alpha,"

"Sending your message Sir"

"Tell the medical unit to scatter their team all over the Purva, gamutin lahat ng mga sugatan,"

"Medical Unit already received the message Sir!"

Mukhang umaayon na lahat ng mga nangyayari sa panig nila. Kapag nagtuloy-tuloy ang ganito, magiging kontrolado na nila ang guerra. Naputol ang kanyang pag-iisip ng tumunog ang alarm ng security sa boundaries ng Uttara. Ibig sabihin lamang...

"Sir there are multiple intruders all over the perimeter! Quantifying how many, Thousands of heat signature Sir! This is impossible!"

"Focus on the heat signature in the middle that is now entering the south gate," mabilis ang ginagawang paglusob ng mga ito.

Nakita nila ang papalusob na mga monstrum sa Uttara, nasa boundary na ito ng South Gate. Ngunit ang nakakagulat, pinamumunuan ito ng Gamma na sa pag-aakala nila ay nasa Purva.

"Connect me to the Ambush Unit now!"

"Yes Sir!"

"Cerus, anong status mo?"

"Nasa labas na kami ng cerebrum at nailagay na rin namin sa bawat sulok ng building ang mga cameras, you have eyes now all over the place except for the secured room which is surrounded by a force field, kailangan lang namin wasakin ang force field na bumabalot sa cerebrum, konting panahon pa ang kailangan namin dahil nalocate na kami ng kalaban, kailangan muna naming ubusin ang mga umaaligid na monstrum dito,"

"Sir kung mahahack natin ang computer sa loob ng secured room magkakaroon na tayo ng access sa loob," sabi ng isang beta sa Ops.

"Hindi natin magagawa iyon dahil binoblock lahat ng signal na nangagaling sa labas," sabi naman ng isang beta.

"Tama, pero dahil sa marami ng nakalagay na mga camera sa lahat ng sulok ng building we can send signal simultaneously, hindi iyon mabablock lahat, kahit isang signal lang ang makapasok sa loob, mabilis na nating mahahack iyon,"

"Can you do that?"

"Yes Sir!"

"Okay! Do it and make it quick! Connect me to Zion,"

"Come in," narinig niyang sabi ni Zion.

"Zion, the Gamma is coming your way prepare your Units, protect the headquarter!"

"Roger!"

Mukhang nagsimula na rin gumalaw ang kalaban at ang pinakauna nilang aatakihin ay ang nagsisilbing utak sa pwersa ng Uttara. Subalit iniisip pa rin niya kung bakit nandito ang Gamma sino ang naroon sa Purva, hindi maaaring magkamali ang heat signature na nadedetect nila sa loob ng secured room.

Kailangan niyang balikan ang lahat ng mga pangyayari. Mukhang may nakaligtaan siya. Malalim niyang inisip ang bawat anggulo ng guerra. Nabasag lamang iyon ng magsalita ang kanyang tauhan..

"Sir we're in, nahack na namin ang loob ng secured room,"

"Very good, focus on the heat signature," iyon lang kasi ang nag-iisa sa kwartong iyon.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Mukhang namalikmata siya, ang Gamma na nag-ooperate sa computer ay kahawig ng Gamma na ngayon ay nakikipaglaban sa unit ni Zion.

"Connect me to the commander of each unit!"

"Connected,"

"Listen commanders of each unit, this is important, dalawa ang kalaban natin ang isa ay narito na sa Uttara, Zion's Unit ang pumipigil sa mga umaatake rito, changed of plan, Frontline Unit and Back-up Unit kailangan niyo nang magregroup, lahat ng mga nasa second squad at third squad ng group niyo ay magmadaling pumunta rito sa Uttara,"

"Roger!"

Lahat kasi ng naiwan dito sa Uttara ay karamihan magaling sa defensive attack kaya kakailanganin nila ng magagaling sa offensive attack.

*****

Location: Uttara, Secret Passage

Mabilis lang niyang nilisan ang evacuation facility sa tulong ni Farria nang hindi napapansin ng mga beta guard. Sanay na siya sa ganitong gawain kaya nga sila ang napili ni Alpha Alican na tagteam ni Farria dahil sa kanilang galing sa pag-iimbestiga at pagiging isa sa mga magagaling na secret agent ng Advance Scientific Research and Discovery Department.

"Vlex, naririnig mo ba ako?!"

"Oo, huwag kang sumigaw, nabibingi ako," naka-earbuds kasi siya at kinakausap ito. Nakalayo na siya sa evacuation facility at papalabas na siya sa North gate ng Uttara.

"Hanggang dito na lang aabutin ng signal ko, baka hindi na kita macontact, interrupted kasi lahat ng signal at kinababahala ko pa baka marecognize ang signal natin,"

"Okay, Salamat Farria,"

"Okay, Mag-iingat ka,"

Nang marating niya ang dulo ng gate naramdaman niya ang kakaibang air temperature. Nandito na sa Uttara ang mga monstrum. Pano nangyari iyon? Agad siyang nagtago. Nagsisipagtalunan na sa iba't ibang sulok ang mga skilled beta ng Uttara para salubungin ang mga papalapit sa gate.

"Shit." Mabilis niyang pinindot ang bangle niya para makita ang location map ng Uttara. Kitang kita niya ang maraming red point na papalapit sa bawat gate ng Uttara, nakita rin niyang nakalapit na sa South Gate ang iba subalit nakastandby ang mga ito. Ibig sabihin lamang noon ay nakikipaglaban ang mga nasa South Gate.

Narinig niya na lang ang pagsigaw ng mga skilled beta. Narito na ang mga monstrum. "Kailangan kong makaalis sa lugar na ito," mabilis ang kanyang pagkilos, hindi na siya mapapansin dahil nagliparan na ang mga IAR3312R kasabay ng paglipad din ng mga monstrum.

"Nangyari na ang kinatatakutan ko," kailangan niyang pumunta sa headquarter. Kailangan niyang macontact ang kanyang kapatid, babalaan niya ito sa mga nangyayari.

Narating niya ang Asticus. Nagtaka siya ng makita ang isang napakalaking monstrum na nakatayo lamang sa harap ng headquarter. Paanong mabilis itong nakarating sa labas ng headquarter hindi ba ito nadetect ng mga taga Ops ng HQ? Impossible iyon. Anong nangyayari? Alam niya sa mga oras na ito ay wala pang nakakalapit sa Headquarter dahil pinipigilan na ang mga ito habang nasa gate pa lang. Napansin niya ang lalaking nakatalikod na may hawak na stick. Natatakpan ito ng monstrum kanina kaya hindi niya agad nakita. Sino ang lalaking ito? Naglakad ito papunta sa loob ng headquarter, nakasunod lang ang monstrum dito.

Masama ang kutob niya, sinundan niya ang lalaki.

*****

Location: Uttara, South Gate

Marami na ang nanghihina sa mga tauhan niya. Malalakas ang monstrum na kinakaharap nila ngayon. Napansin niya habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang mga ito. Hindi basta basta ito napapabagsak ng ilang tira lang.

"Units disperse!"

"Yes Sir!"

Bumwelo muna siya saka sinuntok ng napalakas ang lupa. Nagkaroon ng napakalakas na lindol at bigla na lang nahulog ang mga monstrum sa papaguhong lupa.

"Now!"

Pinaulanan ng mga tira ng IAR3312R ang mga monstrum na nahulog.

Nabawasan ang mga nasa surface na mga monstrum dahil sa ginawa niya ngunit marami pa rin ang mga ito.

"Sir, tumatakas po ang Gamma!"

"Squad 3 follow me!"

"Yes Sir!"

Hindi niya hahayaang makalapit ito sa headquarter.

"Sir! Papunta po siya sa headquarter,"

"Pigilan sila!"

"Yes Sir!"

Alam ng mga ito na naroon si Abby.

*****

Location: Purva, Battlefield

Papaubos na ang mga monstrum na nakaharang sa kanila subalit madami pa rin ang nagkalat sa Purva, napasok na rin ng karamihang beta ang lumang headquarter, naroon na rin sila Philcan sa loob. Tanging cerebrum na lang ang kailangang pasukin para ma-shutdown na ito upang mapuksa na ang mga monstrum sa iba't ibang parte ng labanan.

"Ako ng bahala sa lahat ng mga monstrum na 'yan," ginamitan niya ng gravitational force ang mga natitirang monstrum sa hanay nila. Kapansin pansin ang mabilis na pagkawasak at pagsabog ng mga monstrum. Hindi nito kinaya ang bigat ng force na pinapakawalan niya.

"Vulcan," pagsulpot ni Cronus sa tabi niya, "nailagay ko na lahat ng explosives sa paligid, ready to detonate,"

"Okay,"

"Kailangan na nating pasukin ang cerebrum, tayo na!"

"Roger!"

Mabilis nilang tinungo ang loob ng lumang headquarter. Naabutan nila doon ang team ni Cerus at maging si Philcan.

"Hanggang ngayon ba ay hindi niyo pa rin mapasok ang loob ng cerebrum?"

"May force field na bumabalot at walang may kakayahang makapasok kahit na anong materialized matter," paliwanag ni Philcan.

Lumapit siya sa pintuan, hinawakan niya ito. Isang magnetic force field.

"Umurong kayo,"

Hinigop niya ang magnetic force field na bumabalot sa cerebrum. Ginamit niya ang pangatlo niyang katangian bilang isang Alpha, kaya niyang humigop ng anumang force sa universe.

Umurong siya ng konti, "Ngayon na!" mabilis na nabuksan ang pinto at nakita nila ang Gamma na mukhang hinihintay na sila dahil nakatayo na ito paharap sa pinto.

"You found me," nakangisi ito.

*****

Location: Uttara, Command Center

"Sir may nagpapadala po ng signal sa atin,"

"Saan galing?"

"Malapit lang po ang radius, sa baba lang po ng command center,"

"Locate it!"

"I'm on it Sir!"

Nakita nila sa monitor ang isang lalaking nakasalamin na may hawak na stick kasabay ang isang monstrum.

"Sino ka?" sambit niya. Pamilyar ang mukha nito pero hindi niya matandaan.

"Sir?" mukhang nagtaka ang mga nasa Ops sa kanyang pagkagulat.

"Kumusta na Orion?" anang lalaki. "Hindi mo na ba ako nakikilala? May regalo pa naman ako sayo,"

"Sir! May target frequency po akong nasasagap!"

"Nice to see you again Orion," bigla na lang nawala ito.

"Sir! Sir! Tinatarget tayo, may dalawang nuclear missile na papalapit sa command center!"

Kailangan niyang ibalik ang kanyang katinuan, hindi dapat siya mawala sa concentration kahit nalaman na niya ang totoong may pakana ng lahat pero napapaisip pa rin siya, hindi pa rin niya kasi matukoy kung sino ang lalaking iyon. Hindi na siya nagtaka kung bakit mabilis itong nakalapit sa HQ, mukhang kabisado na nito ang mga secret passage sa Uttara.

"Ilang minuto bago makarating ang missile rito?"

"5 mins Sir!"

Kaya niyang pigilan ang mga missile pero mahihirapan siyang gawin iyon dahil dalawa ito, walang natitirang malakas dito maliban sa kanila ng kanyang anak, kakailanganin niya si Zion subalit napakadelekado ng gagawin nila. Kokontakin niya muna sila Vulcan para ipaalam ang lahat ng natuklasan nila.

"Connect me to Vulcan,"

"Yes Sir!"

*****

Location: Purva, Old Headquarter inside Secured Room-Cerebrum

"Yound found me,"

Mabilis niya sanang aatakihin ang Gamma subalit pinigilan siya ni Cerus. Kanina pa niya gustong sunugin ang lapastangang ito. Pinagmamasdan ng kanyang Patrem ang paligid ng kwarto. Makikita roon ang iba't ibang monitor katulad ng sa HQ nasusubaybayan rin pala nito ang nangyayari. Makikita roon ang labanan sa iba't ibang parte ng Purva maging sa Uttara tulad ng report na dumating sa kanila kanina.

"Cronus," utos ng kanyang Patrem.

"Opps. Baka nakakalimutan niyong nasa teritoryo ko kayo," may itinaas itong controller. Mukhang isa iyong detonator. "Isang maling galaw niyo lang sasabog ang buong building na ito,"

Inaasahan na nila ito. Isang suicidal attempt ang mangyayari kapag nacorner ito kaya naman..

"Sinong tinakot mo?" galit na sabi niya.

"Aba matapang talaga ang mga Alpha pero hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo, hindi...anong nangyayari? Hindi maaari.." mukhang nararamdaman na nito ang epekto ng ginawa nila.

Pagpasok pa lamang nila kanina ay handa na sila..

"Hindi na makakagalaw ang katawan mo ngayon dahil nalanghap mo na ang particle dust na mag-i-i-stabilize sayo,"

"Alpha Philcan, hindi pangkaraniwan ang kanyang katawan, mukhang metal form ang structure ng katawan niya, kailangan kong gamitan ng kapangyarihan ko para tuluyan siyang hindi makagalaw, kaya niyang i-restraint ang nasa loob ng katawan niya," sabi ng isang beta na may kakayahang kontrolin ang buhangin.

Mabilis na nakuha ni Cerus ang controller sa kamay nito.

"Shutdown the system," utos ng kanyang Patrem.

"Yes Alpha!" mabilis na kumilos ang mga beta kasama sila Cerus at Patruus Cronus.

"Bilib na talaga ako sa kakayahan ng mga taga-Uttara, tama kayo hindi nga ako isang pangkaraniwang Xygus dahil isa akong MetaXygus," magkaharap na sila ng Gamma ngayon.

"Kahit ano ka pa, wala akong pakialam, ang lakas ng loob mong pagbantaan ang mga mahal ko sa buhay!" sinakal niya ito. Naramdaman niya ang lamig sa leeg nito. Metal nga ang katawan nito.

Ngumisi ito, "Those who love too much lose everything,"

"Vulcan!" Nabaling ang atensiyon niya sa monitor. Nakaconnect na sila sa HQ. Makikita doon si Patruus Orion. "Umalis na kayo diyan! Bumalik na kayo rito! Nandito ang totoong kalaban! Diversion lamang ang ginawa nila!"

"Anong ibig mong sabihin?" biglang lumapit ang kanyang Patrem sa monitor.

"Ipapaliwanag ko sa inyo habang pabalik kayo rito, pipigilan ko muna ang missile na papunta rito sa command center!"

"Missile?!"

"Wala na akong panahon! Magmadali na kayo,"

"Anong balak niyo?" tanong niya sa Gamma.

"I told you, our plan is to capture your mate,"

"That's not going to happen," gumawa siya ng maliit na fire ball at ipinasubo niya sa Gamma. Sumigaw ito ng napakalakas. Mayamaya ay matutunaw na lang ito.

"Halika na Philcan!" utos ng kanyang Patrem. "Cronus ikaw na ang bahala rito, stick to the plan, pababalikin ko na ang karamihan ng pwersa sa Uttara,"

"Alright,"

"Fortuna Patrem, mag-iingat ka," sabi ni Cerus. Sasabay na rin kasi ito sa kanila.

"You too,"

Kailangan niyang magmadali habang hindi pa nalalaman ng mga ito ang totoong lokasyon ni Abby.

Continue Reading

You'll Also Like

62.1K 2.1K 43
(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Paano kaya kung may isang tao na nakakakita kung sino ang nagsisinungaling at hindi, gusto mo ba syang maging kaibiga...
144K 8.5K 39
Puti ang kulay na naglalarawan kay Joshua. Mabuting binata, matalino at isang sakristan na kinagigiliwan ng lahat Itim ang kulay na naglalarawan kay...
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

611K 39K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
69.4K 2.5K 24
Si Jiro, lumaking walang magulang at namumuhay kasama ang lolo at lola nya. Normal ang payak nyang buhay hanggang sa dumating ang nagpapakilala nyang...