The Mafia Boss' Wife

By Peonie_Pie

725 67 6

Beauty, brains and brawn? Kakambal ng mga yan ang pangalang Zhannie Myr! Kaya nga lang, dehado 'to sa pangal... More

Prologue
Chapter 2 - Mr. de Vill
Chapter 3 - Second encounter
Chapter 4 - Troubled Preggy
Chapter 5 - Deal NO Deal
Chapter 6 - We're Married?!
Chapter 7 - First Dinner
Chapter 8 - Bestfriend?
Chapter 9 - Start of something?
Chapter 10 - Make-up Pasta
Chapter 11 - Gone and... Gun?!
Chapter 12 - Eagle & Swords
Chapter 13 - Mrs. de Vill
Chapter 14 - Bloody night
Chapter 15 - Breathe of Air
Chapter 16 - 'Her' (Part I)
Chapter 16 - 'Her' (Part II)
Chapter 17 - 3 Shots
Chapter 18 - Foggianas
Chapter 19 - Hospital

Chapter 1 - Enter Zhannie

87 3 0
By Peonie_Pie

[Zhannie Myr's POV]


Sabi nila, "Love isn't something that you find, it's something that finds you". So ano? Ginu-good time lang ako ng tadhana all this time?

Ilang lalaki na ba ang dumating sa buhay ko't iniyakan ko ng bonggang-bongga? lima? anim? pito? Jusko! Wala na ba talagang matinong lalaki sa mundo?!

"Thought you went home already, nandito ka lang pala." I heard a man's voice behind my back, umupo na rin siya sa tabi ko.

"Hindi, nandun ako sa banyo. Kaluluwa ko lang 'to." Inirapan ko siya kaya narinig ko ang mahina niyang tawa.

Uminom siya ng wine sa basong hawak niya bago nagsalita.

"'San nga pala date mo?" Umasim na naman ang mukha ko nang mapagtantong pinagloloko na naman ako ng lalaking 'to. "Akala ko ba-" Hindi ko na siya pinatapos sa pang-iinis niya.

"Magmamadre na talaga ako Jax!" Bulyaw ko sabay tungo sa counter, narinig ko na naman ang halakhak niyang nang-iinis nang mapagtanto niya kung ano na namang nangyari sa lovelife ko.

"Ilang beses mo na yan sinabi 'yang linyang yan Zhan, 'di mo 'ko maloloko! Hahahaha!" Kainis talaga 'tong lalaking 'to. Porque't masaya na siya't lahat-lahat, mang-iinis na siya?! Aba naman!

Ba't ko ba 'to naging kaibigan-este, kapatid ang kulugong 'to?

Yes po, opo! Kapatid ko po 'tong lalaking 'to. We're step siblings. His mom and my dad married years ago, elementary palang kami 'non. He's two years older than me, and before we became siblings, we were bestfriends.

Naramdaman ko ang pag-akbay niya sakin kaya napairap akong tumingin sa kanya.

"Cheer up Sis! Kakakasal ko pa naman, ngayon mo pa talaga trip mag drama? Tsk tsk." May pa-iling-iling pa siyang nalalaman "Ang pangit mo pa naman magdrama!"

Siniko ko siya sa tagiliran kaya napadaing siya ng mahina kaya sinamaan niya 'ko ng tingin, inirapan ko nalang din.

"Kung 'di 'ko lang alam na magkapatid kayo, talagang nagseselos na 'ko." Inirapan ko ang babaeng bagong dating na naka puting gown.

Tumayo naman ang mokong at ngumiti sa asawa niya't pinalibot ang kamay sa bewang ng babae.

Hinalikan din siya ng babae, kaya napairap na naman ako.

'Sa harap ko pa talaga kayo maglalandian?! Mamaya ka talaga Jax!'

"Where's my brother, Z?" Tanong niya habang naka angkla sa kapatid ko.

"Hanapan ba ako ng nawawalang kabayo?! Heller, malay ko ba't kung 'san lupalop tumakbo ang dakila mong kapatid."

Tawa at halakhak lang talaga ang malaking naambag ng mokong 'to sa mundo. Sinamaan ko siya ng tingin para maghunos-dili.

"Okay, okay" Sambit niya habang nakataas ang dalawang kamay nang makita akong masamang nakatingin sa kaniya at tumikhim, "Hayaan mo na, love. Nag mo-move on pa kasi yan... ulit" Unti-unting nagbago ang mukha ng asawa niya nang makuha ang sinabi ni Jax.

"Oh my!" 'Di ko talaga gusto 'tung babaeng fishlips na 'to, kaya napairap na naman ako.

Kapatid niya kasi ang lalaking kabayong naging recent boyfriend ko. Pag nalaman ko talagang pagtataksilan niya ang kapatid kong mokong gaya ng ginawa ng kapatid niyang mukhang kabayo, naku! Makakakita talaga siya ng dyosang pinaglihi kay satanas!

Pinagdasal ko talagang hindi ko makita yung kabayong 'yon sa kasal nila, pero hindi ko rin mabilang kung ilang beses ko na siya minura nung makita kong dinala niya ang babae niya as if walang nangyari. The nerve! Buti nalang talaga mas maganda pa 'ko dun eh. Tsk tsk.

"Whatever" I mumbled under my breathe at tumayo na. Tinapik ko ang balikat ni Jax telling him implicitly na mauuna na ako, alam niya naman na red flag sakin yang asawa niya, baka mahasikan ko pa ng lagim, kasal pa naman nila.

Nakikita ko namang mahal na mahal niya ang kapatid ko, pero ewan. Kahit kung nagsisimula pa lang sila, may kung ano sa kanya na 'di ko maipinta. Woman's instinct siguro? Or talagang ampalaya lang siguro ako? Ang astig din naman kasi nung kapatid niya! Nagdala pa ng babae at gumawa ng milagro, sa mismong hotel na pag-aari ko pa! Hindi pa nahiya at may pa video-video pa! Jusko!

The audacity of that horse-faced shit!

I saw my dad and Tita Morgana - my stepmom, talking with high personality people in the business world. My dad saw me, and so I signaled him that I'll be going ahead of them, he raised his wine glass at tumango, nakita ko ring nginitian ako ni Tita habang naka angkla sa kamay ni Dad, kaya't nagpatuloy na akong humakbang palabas.

I was getting my car keys in my Glam Gold Rhinestone Clutch when I felt a sudden impact on my side, good thing I was able to grab something before I hit the floor.

The man who just bumped me didn't even look back for a millisecond and just said "Sorry" at nagmamadaling naglakad papasok sa hotel kung saan nagaganap ang reception nila Jax.

When I was able to digest what happened, agad akong napaayos ng tayo at naramdaman ang init ng ulo ko. "You... Son of a bitch!" I let out a frustrated sigh while looking at the direction where that hell of a stranger disappear.

"Excuse me" I heard someone behind me kaya lumingon ako.

For a second, it was like I was caught in an enchantment as my hazel brown eyes met a pair of misty gray colored eyes. Am I looking at a God? His face was finely chiseled, with his long nose, well-defined jawline, and stubbles.

"My arm." Tiningnan ko siya na parang nalilito dahil sa sinabi niya, then he raised his eyebrow and looked at my hand na nakahawak sa kanyang braso. 'Saka ko lang napagtanto ang ginawa ko kaya agad kong tinaggal ang kamay ko.

"I'm so-" hindi niya 'ko pinatapos sa sasabihin ko nang umalis na lang siya bigla.

Napataas naman ako ng kilay at napahagod sa right shoulder kong nabangga.

'Gwapo nga, walang manners naman. Tsk!'

Tumalikod na rin ako patungo sa kotse at nag drive papuntang condo na pagmamay-ari ng pinsan ko.

Nang makarating sa lobby, I immediately went in front of an elevator and waited for it to open. Siguro naunang umuwi si insan, 'di ko na rin kasi siya nakita sa reception kanina eh.

Since I graduated, I chose to do things independently kaya kumuha ako ng sariling condo unit gamit ang sariling perang naipon ko. I mean, Dad and Tita were really hands on sa mga kompanyang pag-aari nila, pati rin sa pamilya namin.

Hindi ito yung unang condong kinuha ko, may units ako sa iba't-ibang lugar para pag may mga business trips na out of town, hindi na hassle magpabook. And besides, it's not that bad kasi nga sa 'pinsan' ko to, sa side ni Tita Morgana, at ito rin ang pinakamalapit sa venue ng reception ng kapatid ko.

I never felt any bad blood between Tita and me because she really treated me as her own kid. I never knew my mom kaya siya ang tumayong mother figure ko. I just wanted to find my own path, and work with my own strength and capabilities. Agree naman sila, pero paminsan-minsan kinukulit nila ako.

While waiting for the elevator door to open, I felt someone beside me. Naramdaman ko naman ang tingin niya sakin mula ulo hanggang paa. I didn't want to bother myself to look at her sana kaso narinig ko siyang nagsalita.

"Who would've thought that I'd be crossing paths with the ever-ferocious Ms. Z." May pangungutyang sambit niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

It then dawned to me kung sino 'tong malanding palaka sa tabi ko. Palaka kasi naka green siya pero hindi bagay sa complexity ng skin niya kaya nagmukha tuloy siyang froglet. Tsk!

I rolled my eyes at her as a reply and looked straight.

Narinig ko siyang mahinang tumawa bago nag salita, "Ganun talaga basta virgin... pikon"

Nagpantig naman ang tenga ko nang marinig ang bulong niya. Kung 'di ba naman siya isa't kalahating tanga? bubulong-bulong pa, e maririnig din naman. Shunga te?

Saktong bumukas din naman ang elevator kaya agad akong pumasok. Papasok din sana siya pero tinaasan ko siya ng kilay.

"I'd rather be a virgin forever than a slut that can't read. Should I send you back to grade school? This is a private elevator... Bitch"

Yung mukha niya? Ayun namumula-mula na, halatang nanggigigil. Pag ako wala sa mood, wag kasing magulo.

Lintek na palakang 'yon!





Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...