I Broke that Devil's Heart

MYSILVY tarafından

20.6K 855 29

Bella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, exc... Daha Fazla

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Epilogue

Chapter 19

276 13 0
MYSILVY tarafından

LEILA MARQUEZ




Dahil sa nag-text si Kayden kay Bella, no choice ako ngayon kundi ang mag-isang mag-lunch. Bwisit. After na dumating si Kayden, napapadalas na akong mag-isang maglunch. Yes, wala na akong ibang friends na maituturing bukod kay Bella at sige i-damay na rin 'yung mayabang na Lewis na 'yon. Sila lang ang kasama ko at wala na. Malamang, wala naman nang ibang matinong kasama bukod sa kanila. Halos karaniwan kasi ng mga tao rito ay mga nagsisimula na sa 'b' bitches at bastards. Isama na rin ang pagiging bulok nila.



Bumili muna ako ng pagkain ko bago umupo na sa isang table sa gilid at doon pumuwesto. Inilabas ko na rin ang aking laptop para i-finalize ang manuscript ko. Nagsimula na akong mag-type habang kumakain na rin. Talagang pinaghandaan ko ang story na 'to no'ng summer pa after kong nalaman na own story ang magiging play namin ngayong year.



Habang abala ako sa pagta-type bigla akong napatigil nang may marinig ako. It's weird, kahit hindi ko naman masyadong naririnig siyang tumawa, kilala ko na kaagad ang tawang demonyong 'yon. Napalingon ako sa bandang kanan ko kung saan naroon naka-upo ang dalawang naglalandiang tao. Si mr. Suarez na 'yon at si Mira. Dalawa lang sila ngayon at wala si Lorraine. Ugh. Napa-irap na lang ako sa hangin. Iba rin ang moron na 'yon, kung magpalit ng babae parang nagpapalit lang ng damit e. Bigla tuloy akong na-curious kung hanggang kailan sila nung bitch na 'yon.


Whatever.



Itinuloy ko na lang ang ginagawa ko and right after 30 minutes ay natanaw ko kaagad si Bella na papasok sa entrance kasama sina Kayden at Rosie. Umupo sila sa spot din kung nasan ang moron at si Bella naman ay agad na bumili ng pagkain ng mga 'to. 



Pagkatapos nang makuha at maibigay ni Bella ang mga order nila ay agad ko na siyang kinawayan. "Bella!" tawag ko sa kaniya.





Agad naman niya akong nilingon kaya sinenyasan ko siyang lumapit sa 'kin. Medyo nag-alanganin pa siya kung lalapit pero dahil sa mukha namang busy na ang apat sa kani-kanilang mundo, lumapit na siya sa 'kin.



"Ano 'yon?" tanong niya. Itinuro ko 'yung upuan sa gilid niya rin.



"Umupo ka na 't kumain. Huwag kang magpagutom, Bella." Hindi naman na siya kumontra at umupo na. Inilabas niya na rin ang kaniyang baon at nagsimulang kumain pero nakaka-ilang subo pa lang siya nang mapatunganga siya sa kaniyang kinakain.




"Bella," tawag ko sa kaniya. "Ui, Bella."



"H-huh?" parang lutang niyang sabi.



"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko na ikinatango niya naman.


"Oo naman," ngumiting sagot niya at itinuloy ulit ang pagkain. Mukhang hindi. Ngayon ko lang siya nakitang ganitong sobrang lalim ng iniisip. Kasalanan 'to nung gagong Kayden na 'yon e! Napalingon ako sa kanila at medyo nagulat pa ako nang maabutang nakatingin na pala ito kay Bella.




Aba, aba. At ano ang tini-tingin-tingin niya kay Bella?!



Akala ko kung pina-plano nitong utusan si Bella pero nung napansin nitong  nakatingin ako sa kaniya ay iniwas na lang nito ang tingin sabay balik kay Rosie.


Psh.



Saktong maga-ala-una nang hapon ay natapos ko na rin ang revision ko ng manuscript ko bago kami pumunta sa classroom. God, I really hope na makuha 'tong sa 'kin.





***



"Sige. Kita na lang tayo bukas," sabi ko kay Bella at hinalikan siya sa pisngi.
"Ingat!" paalam niya.




"Ikaw din." At doon na kami naghiwalay, ako sa club ko habang siya ay para umuwi. Dahil sa may i-tu-tutor pa ako, nagpa-excuse ako sa club president namin at ibinigay ang soft copy ng aking manuscript. Sunod ay dumiretso na rin ako sa library, past 4:00 na kasi and I hope nandoon na 'yung moron na 'yon.



Himala at meron nga. Nakabusangot siya habang nakaupo sa isang spot sa gilid, halatang inip na inip na.



"Bakit ang tagal mo?!" inis na tanong niya no'ng nakalapit na ako.



Inilapag ko na ang aking bag at mga dala-dalang libro saka umupo sa upuang tapat niya. "Ngayon alam mo nang feeling ng pinaghihintay? Mas malala pa nga ginawa mo kahapon sa 'kin," pigil inis kong sagot, "tsaka 10 minutes lang akong late, bwisit ka."





Napasandal siya sa kaniyang upuan. "Para malaman mong panget ka, may date pa ako mamaya kaya kailangang matapos 'to kaagad," sabi niya habang dinuro-duro pa ang lamesahan.


Napatawa ako. "Date? Huwag mong sabihing si Mira 'yan?"


"At anong tinatawa mo d'yan?"


"Wala! Masaya lang ako para sa inyo." Inangat ko ang aking magkabilaang hintuturo sabay ipinagdikit ito. "Ang moron at bitch. Akalain mo 'yon, kayo unang magpapatunay na may forever," hagalpak ko na mas ikinainis niya.



"Sumosobra ka nang panget ka!" gusto niya sigurong isigaw 'yon pero dahil sa may konting utak pala siya at alam niyang nasa library kami, diniin niya lang.



Napaseryoso ako at tumikhim. "Okay, let's start." Binuklat ko na 'yung libro ng Math and we started the discussion. I talk and talk and talk pero ang shuta, panay ang tingin at type lang sa phone?!



"Hoy, nakikinig ka ba?" iritang tanong ko. Naka-ilang segundo pa siyang nag-type bago nakasagot.


"Oo. Tuloy mo lang," sabi niya habang nakatingin pa rin sa phone niya.



Napabuntong-hininga ako. Punyeta. Tumayo ako at sa mabilis na galaw ng kamay ay naagaw ko ang phone niya.




"Hoy! Akin na 'yan!" napataas boses na sabi niya at tumayo para agawin sana sa 'kin 'yung phone pero nailayo ko kaagad. "Isa! Ibalik mo 'yan sa 'kin!"





"Shh!" biglang sabi ng librarian na nakatayo malapit sa mga bookshelves at may hawak na mga libro.



"A-ah, sorry mam," paumanhin kaagad nung moron saka tinignan ako ng pagkasama-sama.




Nginisihan ko siya at napa-upo. "Confiscated ang phone mo kaya kung gusto mong makuha, sagutin mo ng maayos 'yang activity d'yan sa libro."




"At sino ka ba para mang-confiscate? Ibalik mo 'yan kung ayaw mong lumipad 'tong libro sa mukha mo."



Ha! Wow. Nagawa pa akong pagbantaan.



Inilabas ko ang aking phone at nag-dial. "Kung ayaw mong makinig sa 'kin, sige. Mag-one-on-one kayo ni mam." Pipindutin ko na sana ang call sa screen ng phone ko nang nagtaas-kamay siya kaagad ng mga kamay.




"Oo na! Sasagutin ko na! Sumbungera." Pinulot na niya ang kaniyang ballpen at nagsimulang magsulat. Anong akala niya, 'di ko narinig 'yung huling sabi niya kahit bulong lang? Bwiset.



Anyway, sumbong lang pala talaga ang kailangan niya e at least sa ganoong paraan ako magkakaroon ng kontrol sa kaniya. Napatingin ako sa phone niya dahil naka-open pa rin screen nito. Ohh. So, ka-text niya si Mira. Sinimulan ko nang i-scroll saka binasa ang messages nito. Mga sweetness chuchu nila ang mga nabasa ko.




"Pfft!" Napatawa ako bigla dahilan kaya kunot–noong nilingon niya ako. "Gummy bear? Anong klaseng endearment 'to? Lame."





Nakita ko namang bahagya siyang namula sa hiya. "Bakit mo binabasa 'yang messages ko?! Alam mo bang invasion of privacy na 'yan?!" galit na sabi niya, iniiwasang sumigaw.





"Sorry, sorry, naka-open kasi kaya 'di ko sadyang nabasa."




"Akin na!" Sinubukan niyang agawin ulit pero inilayo ko kaagad.



"Op! Op! 'Di ka pa tapos d'yan!" pigil ko, "sorry na nga! 'Di ko na babasahin!" Binigyan niya pa ako ng masamang tingin bago bumalik na rin sa ginagawa niya.



Pinanood ko lang siyang mag-solve at nakita kong iba-iba ang pinaggagawa-gawa niya kaya may pasensyang inulit ko ulit 'yung explanation ko kanina. Mabuti na lang at medyo nakukuha niya naman.



"Nga pala, anong pangalan mo pala?" tanong ko. How bad of me, ngayon ko lang natandaang 'di ko nga pala alam pangalan niya. Apilyedo lang.




"'Di mo na kailangang malaman," masungit na sagot niya habang nakatingin sa worksheet niya.


Okay...


"Sige. Ganito kasi 'yan mr. Moron, magkaroon—


"Josh," putol niya sa 'kin.



"Huh?"


Tumingin na siya sa 'kin. "'Yon 'yung pangalan ko kaya huwag mo akong tawagin ng kung ano-ano."



Letse, ayaw niya rin pala e.




"Tatawagin kitang Josh at... tawagin mo akong Leila okay?" Hindi siya sumagot kaya napatikhim ako. "Gusto mo bang makapagtapos ng Junior high na may at least mataas na grade?"



"Oo, malamang."




Napa-clap ako ng kamay. "Ayon! So, pareho lang tayo. Hate mo ako at hate rin kita, pero dahil may same tayong goals...." Inalok ko ang aking kamay. "Bati tayo every tutorials. Ano, deal?" ngiti kong tanong.





Tinignan niya ang kamay ko tapos ako, sa kamay ko ulit tapos ako. Bumagsak ang aking ngiti nang hinawi niya lang 'yung kamay ko. Ang tarantado talaga!




"Deal," sabi niya na ikinatigil ko.


"Talaga?"


"Oo nga."


Agad na bumalik ang aking ngiti. "E 'di malinaw na! Ayan, mag-aral ka ng mabuti para 'di ka maging liability ng bansa natin, okay?"



Napakunot siya ng noo. "Ang dami mong sinasabi. Paano 'to i-solve?" inis na tanong niya. At dahil sa good mood ako, nakangiti kong tinuruan siya. Slow learner siya, pramis. Naka-dalawang beses akong explain at ilang examples bago niya na-gets.




Fifteen minutes bago mag-five ay pina-dismiss ko na siya. May date kasi kaya sige. Halata namang excited siya dahil ka-shoot-shoot lang siya ng mga gamit niya then, viola. Diretsong nag-martsa paalis.




"Bukas ulit ha!" habol na sabi ko. Inayos ko na ang aking mga gamit at umalis na rin pagkatapos.




Napabuntong-hininga ako at napahilot ng batok, medyo sumasakit e.



"Hoy! Asan 'yung whore mong kaibigan?"



Napatigil ako nang may nagsalita sa likuran ko kaya napalingon ako at do'n nakita si Kayden. Kunot na kunot ang noo nitong papalapit sa 'kin.



"Ha? 'Di ko alam kung sinong tinutukoy mo," simpleng sagot ko.


"Si Bella, asan siya?"


"Ba't 'di mo i-text?"


"Hindi nga siya sumasagot."




Napabuka ang aking bibig. "Ahh, may bagong work pala siya ngayon sa isang laundry shop. 'Di niya ba nasabi sa 'yo?" tanong ko.




Mariin siyang napapikit na halatang mas nainis. I guess, 'di 'yon sinabi ni Bella sa kaniya. Hindi na siya nagsalita at nilagpasan na lang ako paalis. Sus, malamang mas naging busy si Bella para mabayadan niya ang utang sa 'yo.




Napa-isip ako bigla. Paano kaya kung pahiramin ko si Bella ng pera ko?





*****

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

20.4K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
8.2K 589 30
"I want you to replace me, let's switch Jezille." -Jazille Thorn (This is On-going story) Date Started: April 9, 2021 Date Ended:
636K 39.8K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
3.6M 89.9K 46
[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at certified playboy na si Arkhe Alvarez. S...