Danielle
Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang cafeteria ni Miss Dela Vega. I told her I'm hungry kaya inaya ko sya papunta doon. Kakatapos lang namin maglakad lakad sa sa Univ, pareho kaming walang masyadong nagustuhan na booth. Tsaka madami din tao kaya hindi ko na sya inaya masyado kung saan.
"Ma'am anong order mo po?" I asked her when we reached the cafeteria.
"Pizza and fries" sagot nya sakin at tumango naman ako.
I fall in line dahil medyo mahaba ang pila. Madaming estudyante ngayon dito. Sa sobrang dami, ang ingay na tuloy. Nababagot akong tumingin sa relo. Half past hour ko na palang kasama si ma'am. Kumusta na kaya yung game nila Hans? I'll try to make it mamaya. Sana hindi pa tapos.
Tumingin ako kay Blaire na nasa upuan at nakatingin sa cellphone nya. I'm happy that she seems enjoying my company. Hindi na din sya mukhang binagsakan ng mundo. Naging maaliwalas na ang kanyang mukha. Sana naman pagkatiwalaan nya akong pagsabihan ng problema nya. Feeling ko kasi ang bigat bigat lagi ng dinadala nya araw araw.
I slightly smile when her eyes met mine, she only raised a brow at umirap. Napangiti ulit ako, she's really something.
Pagkatapos kong mag order ay agad akong umupo. May mangilan ngilan na nakikita akong napapatingin samin at pagkatapos ay magbubulong bulungan. Tss, hindi na lang pakialaman ang mga sarili e.
"Ma'am nuod tayo game pwede?" Hopeful kong tanong sa katapat ko na nagsimula ng kumain.Tumingin sya sakin saglit at umiling. "e bakit?"
"I have a lot things to do Halverson"
"What things? Maybe I can help" Ano bang things? Checking quizzes and exams ba tinutukoy nya? Kayang kaya ko yun gawin.
"Just stuff. I can handle. Ikaw na lang manuod" sagot nya
"Okay but can I come?"
Wala din naman akong gagawin na, tinatamad din naman akong maglilibot sa school. Ayoko din umuwi, gusto ko sya muna makasama pa.
"Akala ko manunuod ka?" Cold nyang tanong at sumubo ng pizza. Nakakatatlo na sya agad wow.
"Favorite mo ang pizza?" Tanong ko sa kanya. She nodded at me and smirked. Wesh, that was kinda hot.
"Pupuntahan ko lang sana mga kaibigan ko. May laro si Hans baka magalit yun kapag hindi ako nagsuporta" referring sa tanong nya kanina. Gusto ko lang sana magpakita kahit saglit para alam nyang andun ako.
"Oh oka--
"Danii you're here omg!"
Sigaw ng isang babae mula sa likod ko. Hindi pa nga ako nakakalingon sumulpot na agad ito sa harap ko. It's Haven.
"Hi Dani" she said while smiling. I just nodded at her "can I sit?"
I looked at Miss Dela Vega asking if it's okay with her that Haven sitting with us pero tanging irap lang ang natanggap ko. So anong meaning nun? Err "yeah?" Medyo patanong ko pang sagot kay Haven. Hindi ko alam kung oo or sinusumpong na naman sya ng katarayan.
Masaya syang umupo sa tabi ko. I can feel someone's stare kaya tumingin ulit ako kay ma'am. She's giving me a death glare. Napalunok ako. Is she mad again?
"Hello Prof, andito din pala kayo" pagbati ni Haven sa katapat ko na masama na naman ang itsura.
Hindi sya pinansin ni ma'am kaya napatingin sakin si Haven. She move closer to me at bumulong "Parang galit si Professor Dela Vega. Okay ba talagang naupo ako dito?"
Ramdam ko ang sama ng tingin ng babae sa harap ko kaya bigla akong napalayo kay Haven. Ang lapit nya kasi "Its okay don't worry" mahinang sagot ko sa kanya.
"Okay then" she happily answered. I looked at Blaire again and she's busy with her phone na.
Maya maya pa ay nagvibrate yung phone ko. It's Megan, inaaya ako para samahan daw sya mamaya. Umuo agad ako at ibinalik yung phone sa bulsa. Bibili na naman siguro yun ng libro. She's a bookworm too. But she's more into romance stories. Kaya minsan nag aaway kami kung anong mas magandang genre e. She said romance is the best, she believed in love so much to the point na pati yung nababasa nya sa libro inaapply na nya sa sarili nya. Kaya ayun hanggang ngayon wala syang nagugustuhan. Wala daw kasing mga spark yung mga nagkakagusto sa kanya. She's hopeless romantic. Yung pag iisip nya sa love sobra kaya hindi maabot about yung standard nya.
"Dani?"
Tumingin ako kay Haven "Nagbabasa ka ba ng newspaper sa school?"
Naguguluhan naman akong tumango sa kanya. "Why?"
"So nababasa mo din yung entertainment section?" She asked again kaya tumango ulit ako.
I felt someone pinched my legs kaya agad akong napatingin sa taong nasa harap ko na ngayon ay nasa tabi ko na pala. At kailan nya pa nausog yung upuan nya? Tumingin ako dito ng nagtataka pero umirap lang sya at tumingin ulit sa phone nya. She's being weird again.
"I do" sagot ko kay Haven.
"What do you think about the poem na sinusulat sayo?" Yung poem, speaking of the sender. Shit wait I suddenly remember something --
"Yes Danielle, binigay yan kanina ni Haven Patterson. Yung head ng cheerleading team" Holy, sya nga? Sya yung nagsusulat sakin ng poem?
"Ikaw yung nagbibigay nun?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. She only smiled and nodded.
Oh. I didn't know what to say. Tumango tango na lang ako. Ano ba dapat sabihin ko? That I was actually expecting someone?
"Nagustuhan mo ba?"
"Yeah. Thank you" I simply answered. I hope hindi sya maoffend sa sinasagot ko. Hindi ko lang talaga alam ang mararamdaman at sasabihin. Hays, but it seems okay naman dahil nakangiti padin sya.
Nagtataka akong lumingon ulit kay ma'am, cause for the second time she pinched me again. What the heck, ang sakit nya kumurot! Bago nya pa maalis yung kamay nya ay agad ko itong hinuli sa ilalim ng lamesa.
Sinamaan ko sya ng tingin pero inirapan nya lang ako. Ano bang trip nya at kinukurot nya ako?
Pinipilit nya na alisin yung kamay nya sa hawak ko pero mas lalo ko itong hinigpitan. I smirked at her at tinaasan sya ng kilay. Nakakarami ka na ha
I continue to eat using my left hand. I'm holding her hand using my right kaya kahit mahirap kumain gamit yung kabila okay lang. Alteast I gotta hold her.
She didn't tried na alisin na yung kamay nya kaya napangiti ako ng lihim. Haven is eating kaya natahimik na din sya sa pagkausap sakin. While Miss Dela Vega is currently looking at her phone again. Naubos na nya yung limang slice ng pizza kaya siguro hindi na kumakain. Ang takaw nya din pala.
"Halverson!" Shoot.
Hades is here too. Kumakaway sya sakin habang nakangiti.
He immediately sat down sa tapat ni Haven at ngumiti sakin. "Hi Dani, hi Haven, Hi Prof" pagbati nya saming tatlo
Haven smiled at him and I only nodded. Si Blaire naman as usual walang pakialam. Feeling ko talaga may galit tong si ma'am kay Hades. Kasi si Haven atleast tinignan nya kanina, pero itong si Hades hindi nya man lang pinansin.
"Gaganda naman ng mga kasama ko. Inggit yung ibang lalaki tignan nyo" natatawang sabi nya. "Nga pala Dani, tapos mo na yun book? I'm here to give you the next one"
Inilabas nya sa bag nya yung libro at nilagay sa tapat ko. Kinuha ko naman yung bag ko para kunin sana yung libro dun. Ang kaso hindi ko alam kung pano bubuksan yung bag ko. I can't open my bag just by using one hand.
Tinanggal ko na muna yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya. But before I could touch my bag ay nakuha na nya ang kamay ko at hinawakan ulit ito. She even intertwined it sa ilalim ng mesa. Oh my gosh. Anong ginagawa nya?
Miss Dela Vega only gave me her blank stare at ibinalik ulit sa phone yung attention nya. Pano ko to mabubuksan?
"Hades, hindi pa pala ako tapos. Maybe you can give it tomorrow" napakamot ako ng ulo.
"Okay lang Dani, no worries." He answered at tumingin kay ma'am. He's staring at her, don't tell me type nya si Miss Dela Vega? No way!
"Dani, manliligaw mo ba si Hades?" Nabaling ang antensyon ko kay Haven na bumulong sakin.
Ramdam ko ang pag higpit ng hawak ni ma'am sa kamay ko. "No" What the. Ang haba ng mga kuko nya tumutusok sa kamay ko.
"Ahh akala ko kasi" tanging sagot nya.
Tumingin ako ulit kay ma'am. I tried to type using my other hand.
Danielle J. Halverson
Ma'am
Tazannah DelaVega
??
Danielle J. Halverson
Bakit moko kinukurot kanina pa? 🥺
Tazannah DelaVega
Some leeches out there
Danielle J. Halverson
eh? I don't see one.
Tazannah DelaVega
Don't listen, just read the tittle.
Danielle J. Halverson
What's this?
Tazannah DelaVega
Baka malandi
Danielle J.Halverson
Diko gets Blaire ☹️
Tazannah DelaVega
May lalake na nga, may babae pa.
Ikaw na Halverson
Danielle J. Halverson
Hala ka, wala ako nyan!
You're the first one kaya na sinabihan kong I like you.
Tazannah DelaVega
Whatever.
Danielle J. Halverson
Wait nga ma'am. Are you--
I bit my lip and look at the person next to me. Napatingin din sya sakin kaya naramdaman ko na naman ang mga rambulan sa tyan ko. Inirapan na naman nya ako.
Are you jealous?
Tazannah DelaVega
Of course...
In your dreams 😡
I cant help but to chuckled. She's so cute!
I tilted my head when I hear some gasped. Nakatingin sakin yung dalawa at nakatulala. Napatingin din ako sa iba, ganun din yung reaction nila. Oh gosh, napalakas ba tawa ko?
Tazannah DelaVega
Stop laughing stupid!
You're gaining attention!
Magrereply na sana ako ng biglang tumayo yung katabi ko sa kanan at lumapit sakin.
"Let's go Halverson. Baka hindi ako makapagpigil" she whispered at agad akong hinila palabas.