Miss Psychopath

By Kyle-Here

11 2 1

Just Read. More

First and Last Chapter.

11 2 1
By Kyle-Here


"Aemie anak kakain na! Malalate ka nyan ang bagal mo kumilos." Sigaw ng mama ni Aemie sa kanya.
"Nandyan na!" Sagot nya.
Nang matapos syang kumain, nagpa alam sya sa kanyang mama para pumunta sa school.
Grade 1 palang si Aemie. Mag isa syang pumapasok sa school dahil malapit lang naman ang paaralan.
Nang makarating sya sa paaralan nila, May humarang sa kanya at hinila ang bag nya dahilan upang masira ang bag nya.
Kinuha na lamang nya ang nalaglag na bag at tumuloy na sa loob ng silid aralan niya.
Tumabi sya sa mga kaibigan nya at nanahimik lang sa gilid.
Ang mga kaibigan nya ay nagdadaldalan sa kanyang tabi.

Si Aemie ay laging biktima ng mga bully.
Ang mga kaibigan nya ay hindi totoo sa kanya. Dumidikit lamang ang mga ito dahil alam nilang mayaman si Aemie.
Kasama nya ito hanggang sa umabot sila ng high school.
Hindi na nya kaklase ang mga ito ngunit nasa iisang paaralan parin sila.
Tahimik lamang si Aemie, hindi sya lumalaban kapag binubully sya.
Naranasan nyang matapunan ng pagkain sa loob ng canteen, saktan kapag uwian, ingudngod sa putik at marami pang iba.
Lagi syang pinag iinitan ng grupo ni Andrei.
Si Andrei ang pinaka mayabang sa school nila. Lagi nyang biktima ay si Aemie. Kasama ni Andrei ang mga kaibigan na sila Althea, Balong, Miles, at Troy. Laging magkakasama ang mga ito.
Isang araw, mag isa lang si Aemie at nakasalubong nya ang grupo ni Andrei.
Liliko sana sya para maiwasan nya ang mga ito ngunit huli na at nakita na sya ng mga ito  agad syang hinawakan ni Balong at Troy. Wala na syang nagawa dahil hindi na sya maka galaw.
Pinunit ni Althea ang kanyang uniform at sinakal naman sya ni Miles. Habang ginagawa ito, ay nagtatawanan pa ang magbabarkada.
Sinuntok naman sya ni Andrei dahilan upang manghina sya.
Nang magsawa na ang mga ito sa kanya, ay iniwan na lamang ito sa gilid habang hinang hina.
Umuwi ng bahay si Aemie habang hinang hina.
Nang maka uwi sya, sinalubong sya ng kanyang yaya at automatic na may dala itong gamot sa mga sugat nya.
Matagal nang sinasabi ng yaya nya na isumbong na nya ito sa mga magulang nya upang mahinto na ang dinaranas nyang hirap. Ngunit ayaw ni Aemie pumayag.
Kinuha nya ang dala ng kanyang yaya at umakyat na sa kanyang kwarto.
"Kahit sabihin mo wala rin silang pake alam." Yan ang katagang iniwan nya sa kanyang yaya bago sya tuluyang umakyat sa silid nya.

Lumipas ang mga araw na umuuwi si Aemie ng may pasa. Hirap na hirap na ito sa kanyang dinaranas. Gusto man nyang magsumbong ngunit, alam nya rin naman na hindi sya pakikinggan ng kanyang mga magulang nya.
Mas pinipili nya na lamang na manahimik at tiisin ang mga sugat at pasa sa katawan. Alam nya rin sa sarili nya na ginagamit lamang sya ng mga kaibigan nya.
Nung una ay umiiyak ito gabi gabi ngunit di nagtagal, nasanay na ito at tila walang emosyong nararamdaman.

Isang araw, gabi na sya naka uwi dahil sa dami nyang ginawa. Habang pauwi, nasalubong nya ang grupo nila Andrei. May dala ang ilan sa kanila ng tali. Biglang may sumulpot sa likod nya at tinakpan sya ng panyo at nawalan na ng malay.

Paggising nya, nasa kagubatan na sya at tanging mga lampara lang ang ilaw.
Naka tali ang kamay nya at mga paa.
Nang iangat nya ang ulo nya, nakita nya ang mga kaibigan ni Andrei at si Andrei mismo.
Lumapit ang mga ito sa kanya.

Hinawakan ni Andrei ang mukha nya at pinagmasdan nya ito. "Maganda ka pala Aemie."
Lumayo ito sa kanya at umupo. Lumapit ang dalawang babae at pinagpupunit ang damit ni Aemie.
Nang mapagod ang dalawa, sumunod naman sila Troy at Balong. Hinalikan sya ni Troy sa kamay pataas sa kanyang braso.
Hinihipo naman ni Balong ang kanyang binti. Nagpupumiglas si Aemie. Pinipilit syang alisin ang tali ngunit masyado itong mahigpit.
Nang magsawa ang dalawa sa kaka halik at kakahipo, ipinasok sya sa isang silid kasama si Andrei.
Alam na ni Aemie ang mangyayari kaya naman, mas nilakasan nya pa ang pagpupumiglas at paghiyaw.
Kahit gaano pa kalakas ang sigaw nya ay wala paring saklolo ang dumadating.
Sa kwartong yun, doon naganap ang madilim na bangungot ni Aemie.
Matapos gawin ang nais sa kanya, ikinulong sya sa bahay na yun at iniwan.
Isinara ang lahat ng maaring daanan.
Mag isa na lamang si Aemie at iyak ng iyak.
Gumawa sya ng paraan upang makatakas.
Nang makatakas sya, agad syang umuwi.

Nang maka uwi sya ay gulat na gulat ang kanyang yaya at kinuhaan sya agad ng saplot nito.
Hindi na hinintay ni Aemie ang kanyang yaya at, umakyat na sya agad sa kanyang silid, at nagkulong doon. Ilang araw syang nagkulong doon at hinahatiran na lamang sya ng kanyang yaya ng pagkain.
Hindi sya kinulit ng kanyang yaya dahil ang akala nya ay binugbog lamang sya ulit.

Maka lipas ang ilang linggo, umalis si Aemie sa kanilang tahanan ng bandang alas dose ng gabi. Nagtungo ito sa tahanan ni Troy.
Nakita nyang mahimbing na natutulog si Troy.
Hindi nya mapigilang hindi umiyak. Matapos ng ginawa sa kanya ay kayang kaya pa nito matulog ng mahimbing. Kaya naman, lalong nagalit si Aemie ay lumapit sya dito at diretsong sinaksak sa leeg. Naghihingalong nagmamaka awa si Troy ngunit galit at kalungkutan lamang ang makikita sa mata ni Aemie. Walang emosyon si Aemie habang pinahihirapan ang lalaki. Nang mabagot sya, tinuluyan na nya si Troy. Sinaksak nya ito sa puso. Nang masigurong patay na ito, umalis na sya at pumunta naman sa bahay nila Miles.

Nang makarating sya sa bahay ni Miles, wala ito sa kanyang higaan. May narinig itong daloy ng tubig sa cr at pumunta sya doon.
Nakita nyang naliligo ang babae.
Lumapit sya dito at hiniwa ang binti nito dahilan upang mapa upo ito.
Nagtititili ito ngunit naka lock ang ang cr. Hindi maka pasok ang mga yaya ng babae.
Naririndi si Aemie sa sigaw ni Miles kaya naman hiniwa nya ang lalamunan nito.
Nang mabubuksan na ang pinto, tinuluyan na ni Aemie si Miles at umalis na ito. Dunaan sya sa maliit na bintana sa cr.

KINABUKASAN

Nasa isang coffee shop si Aemie nang mapanuod nya sa balita ang mga bangkay nila Troy at Miles. Parang wala lang ito sa kanya at pinapanuod nya pa ito.

Hindi maintindihan ni Aemie ang kanyang nararamdaman. May parte sa kanya na naginhawaan sya sa ginawa nya at may parte naman sa loob nya na nakukulangan pa sya sa ginawa nya. Wala sa loob nya ang pagsisisi.
Nagpa gala gala lang si Aemie sa mall buong araw at kumain. Naghihintay sumapit ang gabi.

Habang ang mga kaibigan nya naman ay gulat na gulat sa balitang narinig nila.
May ediya silang si Aemie ang gumawa nun ngunit hindi sila sigurado, kaya mas pinili na lamang nila manahinik.

Nang sumapit na ang alas dose, pumunta si Aemie sa bahay ni Althea.
Nakita nya itong may kausap.
At sinasabi nya na natatakot sya dahil baka mamaya ay mangyari din sa kanya ang nangyari sa dalawa nyang kasama.
Nang maibaba nya ang tawag, tumayo sya at nilock ang pintuan. Napa ngisi si Aemie dahil napadali ang kanyang gagawin.

Dahan dahang lumapit si Aemie kay Althea at hinawakan nya ito sa bibig at agad na hiniwa ang lalamunan nito upang hindi maka sigaw. Naka gloves si Aemie kaya kahit hawakan nya ang kanyang biktima ay ayus lang, dahil walang finger print na maiiwan.
Nang masiguro nya na hindi na ito makaka sigaw binato nya si Althea at tumama ang likod nito sa dulo ng lamesa. Nagdudugo na ang hiwa ni Althea at namimilipit na din sya sa sakit.
Lumapit si Aemie at tinignan ang kamay ni Althea na napaka ganda.
Nang magsawa syang titigan ito, hiniwa nya ito isa isa.
Hiniwa nya ng napaka rami ang balat ng babae. Galit ang nababakas sa mukha ni Aemie.
Tinuluyan na nya ang babae at umalis na.

Habang papunta si Aemie sa bahay ni Balong, hindi parin sya nasisiyahan sa pagka matay ng tatlo. Tila bang kulang na kulang pa ang kanyang ginawa.

Nang makarating sya sa bahay ni Balong, nakita nyang may kasama ang lalaki. Merong dalawang babae ang nakikipag lampungan sa kanya.

Tinawagan nya ang number ni Balong at nagpanggap na may emergency.
Sinabi nya na nasa hospital si Althea at nag aagaw buhay.
Matapos nya itong tawagan, tinapon nya ang cellphone at inabangan nya ito sa madilim na madadaanan ni Balong.

Nang ma aninag nya ang sasakyan ng lalaki, binaril nya ang gulong at sumalpuk ang lalaki sa pader.
Walang nakatira sa parteng yun at malalayo ang mga bahay.
Nilapitan nya ang sasakyan at nakitang may malay pa ang lalaki.
Binuhusan nya ang mukha ng lalaki ng muriatic acid at napa sigaw naman ito sa sakit.

Hinawakan ni Aemie ang buhok ni balong at inangat ang ulo nito.
Ginilitan nya ang lalaki sa leeg at sinugat ang sunog na mukha ng lalaki.
Habang ginagawa nya yun, naalala nya ang panghahalay sa kanya kaya naman sinaksak nya ng maraming beses ang lalaki sa dibdib. Halos hindi na makilala ang lalaki sa itsura nito.
Nang wala nang buhay ang lalaki, pinasabog na nya ang sasakyan at tuluyan na syang lumayo sa lugar.

Nang sumapit ang umaga, ganun ulit ang kanyang ginawa. Nag ikot ikot sa mga mall at kumain. Nakikita nya din sa balita ang mga pinatay nya. Tila napaka laking misteryo sa kanila ang pagka matay ng mga ito. Nahihirapan silang matukoy kung sino ang pumatay sa mga ito dahil walang bakas ang naiwan.

Nang sumapit na ulit ang alas dose ng gabi, nagtungo na sya agad sa bahay ng kanyang huking biktima.

Nakita nyang naghahanda ang lalaki at tila may pupuntahan.
Mag isa lamang sya sa kanyang bahay dahil, matagal na syang itinakwil ng kanyang magulang dahil sa basura nyang ugali.
Malayo din ang bahay nya mula sa mga kapit bahay nya.
Pumasok sya sa mismong entrance.
At dumaan din sya sa mismong pinto.
Hindi na sya natatakot makilala at mahuli sya.
Ni lock ni Aemie ang pintuan upang hindi makatakas ang lalaki.

Umupo sya sa malaking sofa at hinintay na magawi doon ang lalaki.

Nang magawi doon ang lalaki, nagulat ito dahil hindi nya inaasahan na makikita nya ang babae sa kanyang tahanan.
Tumayo si Aemie at dahan dahang lumapit sa lalaki.
Habang si Andrei naman ay dahan dahang umaatras.
Napa ngisi si Aemie dahil nakikita nya ang takot sa mukha ni Andrei.
Nais nyang marinig ang sigaw ng paghihirap ni Andrei. Naiisip pa lamang nya ito ay nasisiyahan na sya.
Inilabas ni Aemie ang baril at binaril ang lalaki sa dalawang binti upang hindi ito makatakas.
Napa hiyaw ang lalaki sa sakit.
Napa pikit naman si Aemie sa kanyang naririnig. Lumulundag sa tuwa ang kanyang puso habang naririnig na nahihirapan ang lalaki.
Lumapit sya dito at hiniwa ang lalaki sa mukha. Lalo itong napa sigaw at napa ngisi naman si Aemie.
Sinaksak nya ang lalaki ng madaming beses sa iba't ibang parte ng katawan nito.
Dumadanak na ang dugo sa paligid at tila nakukulangan parin si Aemie.
Lumapit si Aemie at pinutol ang mga daliri sa paa ni Andrei.
Hiniwa nya rin ang labi ni Andrei na nakapag pahirap sa pag sigaw ni Andrei.
Nang sugat sugat na ang buong katawan ng lalaki, napa iling si Aemie at sinaksak sa mata si Andrei.
Pinutol nya din ang isang paa ng lalaki.

Tutuluyan na sana sya ni Aemie ng may pumasok sa isip nya.
Hiniwa nya ang tiyan ng lalaki at hinila ang mga laman loob ng lalaki.
Kumuha sya sa bulsa nya ng muriatic acid at ibinuhos ito sa laman loob ni Andrei.
Bago umalis, sinaksan nya pa ang lalaki sa dibdib.

Umalis na sya sa lugar at pumunta sya sa isang bridge.
Sumampa sya doon at umiyak ng umiyak.

"Simula nung bata ako hanggang ngayun ay naka ranas ako ng paghihirap. Hindi ko alam kung bakit ko ito napag dadaanan. Kahit kaylan ay hindi ako naging pasaway o kahit nang away ng kapwa. Kahit inaapi ako, mas pinili ko nanlamang manahimik. Pero hindi ko inaasahang hahantong sa isang napaka dilim na bangungot ang buhay ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hirap na hirap na ako. Alam kong masama ang ginawa ko pero nang dahil dun, feeling ko kahit papano ay naipagtanggol ko ang sarili ko. Mabuhay man ako sa mundong ito, wala na ring saysay. Sana sa susunod kong buhay hindi na ganito ka hirap." Pumikit si Aemie at hinayaang malaglag ang sarili sa ilog.
Nalunod sya at tuluyan nang namatay.

The End

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 199 1
Sa dami nang ating pinagkapareho, dito rin ba, magka-tugma tayo?
3.5K 28 11
When🐶(Aiah) has a 0 body count but one day it change because of her bff 🦊(mikha)
38.1K 2.9K 81
What if bigla mong maisakay ang ex mo bilang customer sa isang ride-hailing service? 02/19/2024 - 03/16/2024
4.6M 158K 48
Paano kapag pinagbigyan ni tadhana na mapalapit ka sa tao na sobra mong iniidolo?