Devil's GAME

By MaybelAbutar

46.1K 2.4K 299

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... More

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 4

1K 60 9
By MaybelAbutar

Naumid ang dila ni Hurricane ng bumakas ang galit sa itsura ng kaharap na lalaki. Kahit ganoon, hindi pa rin maikakaila ang angking kakisigan nito na kapansin-pansin sa simpleng black shirt. Hindi niya napagtuunan ng pansin ang itsura nito ng gabing iyon pero ngayon masasabi niyang lihim siyang humanga sa physical na anyo ng lalaki. Buong buhay niya, si Thunder at Clyde lang ang mga lalaking nakakasama niya. 

"Thief."

Gosh! Sinabihan na siyang magnanakaw pero natuwa pa siya na tila isang magandang awitin ang sinabi nito.

'Really, Hurricane? Get back to yourself!' saway niya sa sarili.

Tumikhim muna siya at ibinalik ang compose ng sarili. Masyado siyang nadala sa itsura ng lalaki. Nakalimutan niyang may kasalanan nga pala siya rito. Sa totoo lang, marami naman siyang kasalanan kaya lang parang nakokonsensya siya ngayon at hindi niya alam kung bakit. 

"Mr. Whoever you are..." simula niya, "I don't have any intentions to get this," Pinakita niya ang singsing na hindi niya maalis sa daliri. Mas dumilim ang itsura nito ng makita ang singsing, "You see, hindi siya maalis."

"Give me your hand,"

"What?" gulat niyang tanong. Parang iba yata ang pakahulugan niya sa sinabi nito.

"I'll cut your hand to get the ring,"

Bigla namang itinago ni Hurricane ang kamay sa kanyang likuran lalo na ng humakbang palapit ang lalaki.

"Wait!" pigil niya na nagpatigil dito, "Wala ka bang ibang way diyan? You know, hindi ko naman type ang singsing na ito. Napaka-ordinary kaya kusa ko itong ibibigay sa'yo in a normal way."

"I don't consider any opinion from a thief but I'm giving you an option. It's either you cut your own hand or I'll cut your throat,"

Tumaas ang isang kilay ni Hurricane sa sinabi nito.

"I don't consider any options from stranger," Panggagaya niya sa paraan ng pagkakasabi nito with the same authority and intensity. "But I'll take that as a challenge." Dugtong niya

Hindi ito nagsalita. Nanatili lang ang tingin nito sa kanya at ganoon din siya. Inihanda niya ang sarili kung may gagawin ito laban sa kanya. Kung pagmamasdan normal lang ang pagkakatayo nila habang nakatitig sa isa't-isa, ngunit alam ni Hurricane na pareho silang alerto at nakikiramdam. 

Marami siyang natutunan noon sa kanyang trainings. Kapag sigurado kang lamang ang iyong lakas sa kalaban unahan mo sa pagsugod. Kapag sigurado kang lamang ang kalaban, paunahin mo siyang sumugod at pag-aralan ang kanyang mga kilos. Ngunit kung sigurado kang pareho kayo ng lakas, makiramdam ka. Pakiramdaman mo kung sino ang unang sumugod saka mo sabayan. Alam niyang ganoon din ang ginagawa ng lalaki. 

"Primo!"

Naghiwalay ang tingin nila sa isa't-isa ng marinig ang boses ng isang babae. Lumabas iyon sa katabing silid ni Supremo. Lumapit ito sa lalaki at kinawit ang kamay sa braso nito.

"Kilala mo ba siya?" Muling tanong ng babae sa lalaki habang nakatingin sa kanya. 

Naramdaman ni Hurricane ang pagbaba ng aura sa pagitan nila ng lalaki.

"No." Siya na ang sumagot sa tanong ng babae bago talikuran ang dalawa.

Wala rin pa lang silbi ang plano niyang pagtatago sa Mafia Lord na iyon dahil narito rin ang lalaki. Kung sana nalaman niya ng mas maaga, nakauwi na sana siya at kasalukuyang ginagawa ang tungkulin sa kanilang bansa.

Malas naman oh!

...

... 

... 

Sinundan ng tingin ni Primo ang papalayong babae. Naramdaman naman niyang inalis ni Lassy ang kamay na nakahawak sa kanyang braso na palagi nitong ginagawa kapag may nakitang babae sa paligid niya. Nakasanayan na niya ang pagka-protective nito. 

Lassy is one of his defenders and a childhood friend. 

"The diamond ring thief is really here," Sambit nito habang nakatingin din sa papalayong babae. 

Bago pa siya nakasagot, lumabas ang apat pa niyang defenders na kasama sa ship. 

"We found her," Sambit ni Manzo.

"Nakita rin namin siya," Pahayag ni Lassy. "What's the plan, Primo?" Tanong nito sa kanya. 

"Ryz and Orio..." Naging alerto naman ang dalawa ng banggitin niya ang pangalan ng mga ito. "Did you find her informations?" 

"No data, Primo." Sagot ni Orio, "Maybe she's one of the gangster wanna be dahil walang data about her sa kahit anong Mafia sa mundo."

"Hindi rin siya isang underling. Maaaring solo gangster ang babaeng 'yon," Dugtong ni Ryz. 

Ryz and Orio serve as his eye when it comes to technology. 

"I saw her with Drevon," Nabaling ang tingin ni Primo kay Onix ng magsalita ito. 

"Onix is right. Nakita namin silang magkasama kanina habang nangyayari ang Devil's trial. Mukhang malapit sila sa isa't-isa." Sang-ayon ni Manzo. 

"Kung malapit ang dalawa, maaari rin na magkakilala lang sila. She's not part of Labeirg familia and I guarantee to it." Seryosong sabi ni Ryz. 

Labeirg familia is Drevon's Mafia, the second familia after them. Their ultimate rival in power, pero walang magagawa ang Labeirg familia kundi sumunod sa leading Mafia which is them. 

Sapat na ang narinig ngayon ni Primo mula sa mga kasama. 

"Continue your task and don't forget the two things we need here." Matigas niyang utos. 

"Affirmative Supremo!" Sabay-sabay na sagot ng lima. 

Tumingin si Supremo sa harapan ng pintuan ng babaeng isa sa kailangan nila sa lugar na ito. Napangisi siya habang nakatitig sa pangalan nito. 

'You don't know who you're messing with, Rica.' 

... 

... 

...

Napahinto si Hurricane ng makarating siya sa bungad ng restaurant. Dinaig pa nito ang isang exclusive restaurant na alam niya. She can't explain the exact details pero nakuha ng interior design ang atensyon niya. She gives a big clap sa nagdisenyo ng lugar.

Pagpasok ni Hurricane, namukhaan niya ang ibang kalahok na kumakain. Iyong iba matamlay at halatang wala sa kaharap na pagkain ang atensyon. Iyong iba naman ay halatang nag-eenjoy. May mga napatingin sa kanya habang papalapit siya sa counter pero deadma lang siya.

Tinaas niya ang kamay para kunin ang atensyon ng lalaking naroon.

"Excuse me!" Tawag niya sa lalaki.

Nakangiti naman itong lumingon.

"Yes ma'am?"

"Can you give me..."

"I'm sorry ma'am..." Kumunot ang noo ni Hurricane, "... This place is a self service."

Hindi naman siya makapaniwalang nakatingin sa lalaki. The place looks so good but poor service.

"Here ma'am," Mas lalo naman siyang nagtaka ng ibigay nito ang dalawang tennis ball, "You need to pick your meal using this balls."

Tumalim ang tingin ni Hurricane. Pakiramdam niya pinaglalaruan lang siya nito.

"Where's the meal?" seryoso niyang tanong. Nagbabadya na namang maubos ang kanyang pasensya.

"Look up ma'am," Itinuturo nito ang taas.

Kulang na lang malaglag ang panga ni Hurricane ng makita ang mga nakasabit na pagkain sa ceiling.

"Pinagloloko mo ba ako?" Naiinis niyang tanong sa lalaki, "Paano ko malalaman kung iyon nga ang gusto kong pagkain?"

"The foods above are artificial ma'am. We will serve your picked foods once your done to choose." Kalmado nitong paliwanag.

"Ang daming arte! Just give me any available foods there." utos niya.

"I'm sorry ma'am. It's our protocol. You need to bounce the ball from the floor up to the ceiling. Whatever food is hit by the ball will be yours."

Biglang pumasok sa kanyang isip ang sinabi ni Captain Jack, kailangan paghirapan ang kanilang pangangailangan. 

Sa sobrang inis ni Hurricane, malakas niyang pinatalbog ang hawak na bola sa sahig. Hindi niya tiningnan kung alin ang dapat patamaan kaya mas lalo siyang nainis kung ano ang kanyang nakuha. 

"Here's your order Ma'am," Nakangiting sabi ng lalaki.

Padabog niyang kinuha ang tray na may lamang isang biscuit at bottled water. Bullsh't talaga. Inilagay pa sa tray huh! 

Nakasalubong pa niya ang tingin ni Supremo at kasama nitong babae. Balewala niyang nilagpasan ang dalawa at naghanap ng mauupuan. 

... 

"Now I'm sure that their eyes are on you," 

Umangat ang tingin ni Hurricane ng marinig ang boses ni Drevon. Umupo ito sa bakanteng upuan kaharap niya. 

"Who?" Nagtataka niyang tanong pero ang kanyang tingin ay nakatuon sa dala nitong pagkain. 

"The head of this game?"

"Why?"

Nagkibit-balikat ito, "Maybe you got their attention."

"How?"

Kunot noo itong tumingin sa kanya.

"Look at them," Itinuturo nito ang kasalukuyang umoorder ng pagkain.

Nag-init kaagad ang ulo ni Hurricane ng ibigay agad ng lalaking kausap niya kanina ang pagkain ni Supremo at kasama nitong babae.

"Bullsh't talaga! Ginagalit talaga nila ako!" Nanggigil niyang sabi.

"Relax. Ito kumain ka na lang," Natatawa nitong sabi at iniabot sa kanya ang iba nitong pagkain, "What do you want me call you?" Tanong ni Drevon.

"Rica," Maikli niyang sagot bago tinanggap ang ibinigay nitong pagkain.

"You trusted me easily," Namamangha nitong sabi habang nakatingin sa sunod-sunod niyang pagsubo.

Nilunok niya muna ang na sa bibig bago nagsalita.

"Kung mamamatay ako ngayon, at least busog."

Malakas itong tumawa na nakaagaw pansin sa ibang naroon.

"I want to like you if you're single. Too bad you're married."

Biglang nasamid si Hurricane sa sinabi nito. Agad naman siyang binigyan ni Drevon ng tubig. Mabilis siyang uminom at hinaplos pa ang sariling dibdib.

"Pakiulit nga ng sinabi mo!" sambit niya sa lalaki.

"I want to like you?"

"Hindi, 'yung huli." aniya. 

"That you're married?"

"Paano mo nasabi?" Taas kilay niyang tanong. 

Itinuturo nito ang suot niyang singsing.

"That's a symbol of marriage," Balewala nitong sagot. 

"What? No!" Malakas niyang tanggi. 

Paano naging wedding ring ang singsing na nakuha niya sa mansyon ni Supremo? Imposible naman no'n. 

Ngumiti naman ang lalaki sa kanya.

"Does it mean you're still available?"

"No!" Mas mabilis niyang sagot.

Ayaw niyang magkaroon ng kahit anong koneksyon sa mga tao sa barkong ito. Kailangan niyang mag-ingat lalo pa't kahina-hinala ang paglapit ng lalaking ito sa kanya.

"Hi! Pwedeng maki-share? Puno na kasi ang ibang tables."

Lumipat ang tingin ni Hurricane sa babaeng nagsalita pero mabilis din siyang umiwas ng makasalubong ang tingin ni Supremo.

"You need to ask her permission. Siya ang nauna rito, nakiupo lang ako." Nakangiting sabi ni Drevon.

"It's not mine kaya pwede ninyong gamitin." sagot naman niya.

"Thank you," Sambit ng babae. "By the way, I'm Lassy and he's Primo." Pakilala nito pag-upo sa kanyang katabi. Tumabi naman si Primo kay Drevon.

"She's Rica and you already know me," Sambit naman ni Drevon.

Wala siyang pakialam kahit magkakilala ang mga ito. Bahala silang mag-usap diyan. Basta kakain na lang siya. 

"Nice to meet you," Masayang sabi ni Lassy.

Ano kayang kinatutuwa nito? In the end naman isa sa kanila ang mamamatay dito or maybe silang lahat.

"So, Rica what are you doing..."

"Eating." mabilis niyang sagot.

Alam niyang hindi iyon ang gusto nitong itanong pero wala siyang plano sagutin ang itatanong nito.

Narinig ni Hurricane ang tawa ni Drevon kaya masama niya itong tiningnan.

"Sorry, natawa lang ako sa obvious mong sagot." Sambit nito.

Inirapan niya ito pero nagawi ang kanyang tingin sa katabi nitong lalaki na tahimik na kumakain. Pero hindi iyon ang nakakuha sa kanyang pansin kundi ang bagay sa daliri nito.

"Oh my gosh!" Eksaherada niyang sabi at mabilis na itinago ang kamay sa ilalim ng mesa.

"Why?" Nagtatakang tanong ni Drevon.

Kunot noo namang nakatingin si Lassy sa kanya pero alanganin siyang ngumiti ng magtama ang tingin nila ni Primo. 

"N-nothing," nakaiwas niyang sagot pero muli siyang napatingin sa kanang kamay ni Primo.

Sinundan ni Drevon ang kanyang paningin.

"Oh, I see. He's your husband." Balewala nitong sabi. 

"No!" malakas niyang tanggi.

"But you have the same ring," Pagpupumilit nito.

Gustong-gusto na niyang supalpalan ang bibig ni Drevon dahil sa walang preno nitong bibig pero hindi niya nagawa ng malakas na tumunog ang natumbang upuan ni Lassy. Walang sabi-sabi itong umalis sa kanilang mesa at dumiretso sa labas.

Umiwas naman ng tingin si Hurricane ng makasalubong ang walang emosyong mata ni Primo. Sumunod din ito sa pag-alis ng babae. 

"LQ?" Tanong ni Drevon.

"Itikom mo nga 'yang bibig mo! Nagka-LQ tuloy sila dahil sa'yo!" Paninisi niya sa lalaki.

"Paano nangyari na sila ang may LQ ng asawa mo? Mistress niya?"

"Haist, ewan ko sa'yo!" Naiinis niyang sabi sa lalaki.

Nawalan tuloy siya ng gana kumain kaya tumayo siya at planong bumalik sa kanyang silid pero napatigil siya sa kakaibang tunog na naririnig sa lugar.

"What is that?" Nagtataka niyang tanong.

It's like the sound of a huge bell.

"Oh, sh't! It's a warning. We need to get out of here!" Mabilis na tumayo si Drevon at hinila siya palabas ng restaurant. Ngunit hindi pa sila nakakalabas ng biglang umulan ng thumbtacks sa buong lugar.

"Sh't!" Magkasabay nilang sabi ni Drevon at sabay din nilang ginawang shield ang mesa sa malapit. "Hindi ba sila pwedeng magpahinga?" Muling sabi ni Hurricane ng makitang may gumagapang na mga ahas sa sahig. Tila alam ng mga ahas kung paano umiwas sa mga umuulang thumbtacks dahil maswerteng hindi sila tinatamaan. 

Kinuha ni Hurricane ang isang stainless tray at siyang ginamit panghampas sa mga ahas na nagtatangkang lumapit sa kanya. Walang tigil naman ang pag-ulan ng thumbtacks sa lugar. May mga sumisigaw dahil sa mga ahas pero gumagawa naman ng paraan para isalba ang kanilang mga buhay. Ngayon niya napatunayan na hindi pangkaraniwang tao ang mga naroon dahil sa liksing pinapakita ng lahat sa pag-iwas sa umuulang thumbtacks. 

Nakaisip naman si Hurricane ng paraan. Pinatumba niya ang mga lamesa para maipit ang mga ahas sa sahig. Maliksi naman niyang ginamit ang tray upang hindi tamaan ng umuulan na thumbtacks habang tumutulay sa ibabaw ng tumbang mesa. Nakalapit siya sa kusina na kanyang sadya. Wala ng tao roon ng buksan niya ang pintuan.

Napangisi naman siya ng makita agad ang kailangan sa loob. Mabilis niyang nilapitan ang tangke ng gas at pinaluwag ang pihitan niyon. Pagkatapos binuksan niya ang stove at mabilis na lumabas.

"Kung ayaw niyong matusta kasama ng mga pesteng ahas na 'yan, lumabas kayo ngayon din!" Sigaw niya. 

Alam ni Hurricane na kayang gumawa ng paraan ng mga naroon para isalba ang mga sarili. Samantalang hindi na siya dumiretso sa mismong pintuan. Tumalon na lang siya sa bintanang naroon at tumakbo palayo ngunit hindi niya napansin ang paglitaw ng isang tao sa kanyang harapan. Sumalpok siya rito at magkasabay silang natumba bago niya narinig ang malakas na pagsabog sa pinanggalingan restaurant.

...

...

...

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Continue Reading

You'll Also Like

82.2K 1.9K 38
Its just a moonless night when I met him,helpless and dying due to blood loss from his gun shot wounds. I took care of him until he's body is fully h...
197K 8.2K 16
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
5K 97 10
A loving, obedient son to her mother, the Flademian Queen. A Perfect Prince. The Future King
1.1K 99 15
Her name was Rose. Lia Rose. - @2021