His Royal Mistress (On Going)

By Lady_Empress03

7.8K 363 32

"Ako ay ikaw, Ikaw ay ako sa magkaibang lugar at magkaibang panahon" Ano ang gagawin mo kung sa isang iglap b... More

Author's Note
Simula
KABANATA I: CHEN YUE
KABANATA II: HER DECISION
KABANATA III: MEETING HIM
KABANATA V: HIS REACTION
KABANATA VI: PREMONITION
KABANATA VII: THE WEDDING NIGHT
KABANATA VIII: MEANING
KABANATA IX: HIS ROYAL CONSORT (part 1)
KABANATA X: HIS ROYAL CONSORT (part ii)
KABANATA XI: OBSTACLES
KABANATA XII: THE UNEXPECTED
KABANATA XIII: CONFIDANT
KABANATA XIV: THE TWO PERSONA
KABANATA XV: HE'S BACK
KABANATA XVI: THE BANQUET (part 1)
KABANATA XVII: THE BANQUET (part ii)
KABANATA XVIII: THE BANQUET (part iii)
KABANATA XIX: A MOTHER'S WISH
KABANATA XX: COMMOTION
KABANATA XXI:
KABANATA XXII

KABANATA IV: THE ANSWERS TO HER QUESTIONS

474 25 1
By Lady_Empress03

Hindi makapaniwala si Selene sa lahat ng kanyang nalaman. Hindi niya alam kung aatras na ba siya o ano sapagkat ang mga nalaman niya tungkol kina Yue at Prinsipe Zhi Cheng ay talaga namang nakakahiya hindi niya inasahan na may ganoong ugali pala si Chen Yue bagay na kahit yata ang ina nito ay walang kaalam alam at tanging ang nakatatandang kapatid lamang niya ang nakakaalam sa tunay nitong ugali, that behind her innocent and angelic face there is a two faced little tigress hiding. Just like the one in her nightmares before.

Pilit niyang pinanatiling kalmado ang sarili at nagpatay malisya na lamang sapagkat hindi siya maaring magkamali at mapahiya lalo na at isang prinsipe ang kaharap niya ngayon at hindi ang basagulerong lalaking naka away noon Yue sa hardin Sho noong minsang isinama siya ng kanyang nakatatandang kapatid roon.

Lihim namang napangisi si Prinsipe Zhi Cheng ng makita ang dalaga hindi niya inasahan na dinami rami ng mga babae sa Imperyo ay ang babaeng humamon at nakapag patumba pa sa kanya ang kanyang mapapangasawa. At kung kanina ay wala siyang interes sa dalaga pwes ngayon nakuha na nito ang kanyang simpatya at nais pa niya na makilala pa ito ng lubos.

"Xiaoyue kinagagalak ko na sawakas ay nagkita na tayong muli"

Ako hindi, hindi kita gustong makita.

Hindi malaman ni Selene kung siya ba o si Yue ang may ayaw na makita ang prinsipe subalit sa isiping maaring mababago niya ang kapalaran ni Yue kung sakaling magagawa niyang mapaamo ang prinsipe ay labis na niyang ikatutuwa.

Kung ito ang paraan para mabuhay tayong dalawa ng matiwasay gagawin ko ito kahit pa ayaw mo.

"Muli? Nagkita na kayo noon kamahalan?"

Takhang tanong naman ng ama ni Yue at hindi makapaniwalang tiningna siya nito na para bang napaka laking kasalanan na naman ng kanyang ginagawa.

"Hmm. Minsan na kaming nagkita noon sa hardin ng Sho kasama si Yunji, hindi ba binibini?"

Kita sa mga mata ng binata ang pang-aasar at talaga namang sinusubukan nito ang kanyang pasensiya at sinasadya nito kung bibigay ba siya. Pero ang hindi siya papayag doon sa pagkakataong iyon siya ang maamo at mabait si Lady Chen. Hindi siya nagpakita ng ano mang emosyon kahit pa sa kaloob looban ay gustong gusto na niyang atakihin ang binata subalit kailangan niyang habaan ang pasensiya upang hindi siya mapagalitan at maparusahan ng kanyang ama.

"Tama kayo kamahalan matagal na nga nang huli tayong magkita, kaya naman nagagalak din akong makita kang muli"

Natutuwa man ang prinsipe sa kanilang pag-uusap ni Yue subalit nakaramdam na naman siya ng kakaiba sa kanyang katawan na tila ba nawawalan na ng bisa ang gamot na kanyang ininom bago siya magtungo doon. Gamot na kanyang ginagamit upang mapahina ang epekto ng kanyang sakit.

Napaka bilis naman yata?

"At siya po pala naririto na si Xiaoyue nais kong pag-usapan na ang detalye ng aming kasal nang sa gayon ay makapili na ng masuwerteng araw kung kailan iyon gaganapin, may nais kabang hingin na pabor para sa kasal natin?"

"Wala naman kamahalan, maayos sa akin ano man ang mapag-uusapan ninyo nina ama"

Natural kasi wala naman na akong pagpipilian

"Kung ganoon Duke Chen kayo na lamang ang kakausapin ko maari ninyo nang pagpahingahin si Lady Chen"

Ani ng Prinsipe at kahit pa hindi nito sabihin ay hindi nakaiwas sa mapanuring mga mata ni Selene ang kakaiba sa kanya, hindi tulad kanina ay naging mabigat ang paghinga at pananalita nito. Tila hindi rin mapakali at may dinadamdam itong kakaiba sa katawan kaya ninais alamin iyon subalit wala na siyang pagkakataon.

Ihinatid siya ng kanyang ina palabas ng bulwagang iyon kung saan naghihitay si Ming Lan at pagkakita niya dito ay agad niyang naalala ang kanyang osmanthus cake at bigla ulit siyang natakam dito.

"Ming Lan yung osmanthus cake nasaan nagugutom na ako"

"Naisip ko nang yan agad ang hahanapin ninyo kaya tayo na sa inyong silid itinabi ko doon ang pagkain kanina niyo nais na kainin"

Nakangiting sabi ng tagapag lingkod kaya masaya silang nagtungo sa kanyang silid subalit nadismaya siya nang makitang kinakain na ng isang hindi inaasahang bisita ang kanyang masarap at inaasam asam na pagkain.

"Yunji-gege!" (Gege means big brother)

Sigaw niya dito kaya napalingon agad si Chen Yunji dito. Sinamaan naman niya ito ng tingin sa pagkat halos maubos na nito ang kanyang osmanthus cakes. "Alam mo bang hindi ko natitikman ang mga yan? Tapos argh. nakakairita ka!"

"Kalma nakakagutom kayang hintayin kayo mahal na Consort"

Sarkastikong sagot nito na hindi niya ikinatuwa. "Tumigil ka nga hindi pa ako ikinakasal kaya hindi pa ako consort"

"Alam ko subalit doon din naman pupunta yun hindi ba magiging princess consort ka na Prinsipe Zhi Cheng kaya naman magpakabait ka na dahil sinasabi ko na iyo ngayon pa lang mainitin ang ulo ng isang yun at wala pang babae ang nagtagal sa kanya kaya umayos ka"

Babala ni Yunji sa kapatid. Dahil higit kanino man ay si Yue lamang talaga ang kapatid na kanyang iniingatan. At sa ugali nito natutiyak niyang hindi sila magkakasundo ng kaibigang prinsipe. "Matagal ko nang naisip yun kalma ka lang, at ano nga palang ipinunta mo dito sigurado naman akong hindi ang osmanthus cakes ko ang dahilan sapagkat kung tutuusin ay di hamak na mas masarap naman ang mga luto ni Roxue-jiě jie kesa sa mga yan"

Pag-iiba nito sa usapan. "Tama ka, nandito ako para bisitahin ka lalo pa at nalaman ko ang nangyari sa pagitan ninyo ni Xi'er"

"Maayos ako wag kang mag-alala sa akin alam ko ang ginagawa ko"

"Sana nga, sana ay hindi mo pagsisisihan yan kapag nakakaala ka nang muli" hindi niya naintidiha ang mga huling binanggit nito subalit parang may kinalaman iyon sa mga alaala. "A-ano yun Yuji-gege?"

"W-wala ah siya nga pala eto mga pasalubong ko para sa'yo naisip agad kita nang makita ko yan habang namimili kami Roxue kanina."


Bigla namang nagliwanag ang mga mata ni Selene sa nakita ang paborito niyang lychee at matagal tagal na rin noong huli siyang makakain niyon. Pero hindi pa rin maalis sa kanyang isipan na tila ba may itinatago sila sa kanya. Kaya napabuntong hininga na lamang siya at inipon ang lahat ng lakas ng loob upang makakuha ng ano magiging palatandaan niya upang mabago ang hinaharap nila ni Yue.

"Magdahan dahan ka nga! At isa pa mag-kwento ka, sabihin mo sa akin ang tunay na dahilan kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"

"Hindi mo wala akong sasabihin na kahit na ano, ang hiling ko lang sana ay sagutin masagot mo ang mga katanungan ko Yunji-gege, malapit tayo ng dalwa kaya naman umaasa ako na sasagutin mo ang mga tanong ko dahil ikaw lang ang tanging inaasahan kong sasagutin ako tapat at totoo"

Lakas loob niyang turan. Na ikinabigla ni Yunji alam kasi nito kung kailan naglalambing at kung kailan seryoso ang kanyang kapatid at sa kasong ito kahit na itanggi pa niya ay malalaman at malalaman din iyon ng kanyang kapatid sa ugali nito maaring gumawa ito ng bagay na masmalala at ikapapahamak niya.

"Sasagutin kita ng maayos depende sa mga tanong mo"

"Pwede ba, alam kong may itinatago kayong lahat sa akin kaya kung maari, Yunji-gege..."

Pakiusap ng dalaga at alam ni Yunji kung ano ang kapahamakang naghihintay kung sakaling magsalita siya, subalit alam din niya na kahit wala siyang sabihin na kahit ano ay lalabas at lalabas pa rin namang katotohanang pilit nilang ipinagkakait sa kapatid. Kung kaya napabuntong hininga na lamang siya at ibinigay ang isang kasagutang alam niyang hinihiling ni Yue.

"Kung nasa sa'yo ang talaarawan masasagot mo ang lahat ng katanungan at isa pa pangalagaan mo ang bulaklak na iyon, lalo na at mas mahalaga pa sa buhay mo ang halaga niyon"

Lalo tuloy siyang naguluhan sa mga sabing iyon ng kanyang kapatid, hindi na niya maintindihan ang lahat. Everything is more complicated than she expected on Selene's thought.

"Pero—"

"Sa ngayon ang mga bagay na iyon lang ang masasabi ko, Yue'er piliin mo ang lahat ng iyong pagkakatiwalaan wag kang magpapaloko sapagkat maraming mas tuso pa sa iyo ang nagbabalak na makuha ang makapangyarihang bulaklak"

His words stunned her. Ano bang problema itong pinasok ko?

Continue Reading

You'll Also Like

42.7K 1.1K 33
^ω^ "Teka na-reincernaite ako bilang anak ni D-duke Formentero??As in Duke Formentero dun s-sa paborito kong story sa novela. Papano nangyari yon eh...
El Fili Project By bruh

Historical Fiction

3.7M 7K 44
A Project in Filipino ♥♥♥ (c) to http://angelfilibusterismo.blogspot.com/ <--- sa website po na ito ako kumuha ng karamihan sa impormasyon, madaming...
592K 34.3K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
733K 4.6K 1
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...