Malayah

By itskavii

2.1K 300 566

Isang tagna. Mula sa balon ni Tala ay bumaba ang isang pangitain sa lupa. Sa ika-anim na beses na tangkaing a... More

Malayah
PROLOGO
1. Ang Pagkawala ni Apulatu
2. Ang Kapre sa Balete
3. Ang Mapa
4. Si Mariang Sinukuan
5. Sa Lumang Bahay
6. Ang Tiyanak
7. Kay Mariang Karamot
8. Si Agua
9. Huwad
10. Ang Panlilinlang
11. Sa Tugot
12. Ilang Ilang
13. Engkanto
14. Hiling
15. Ang Ginintuang Kabibe
16. Si Angalo
17. Ang Ikalawang Hiyas
18. Si Aran
19. Sa Makitan
20. Ang Araw
21. Sa Daluti
22. Mga Tadhanang Magkakadikit
23. Anong Tadhana
24. 'Di Kasiguraduhan
25. Sa Dagat Kung Saan Nagsimula
26. Ang Mahiwagang Sandata
27. Si Linsana
28. Adhikaing Maging Babaylan
29. Pagkagayuma
30. Sa Pagkamatay ng Ibon
31. Si Dalikmata
32. Ang Pagpula ng Paruparo
33. Sa Talibon, Bohol
35. Ama
36. Ang Itim na Hiyas
37. Kay Daragang Magayon
38. Isang Sugal
39. Ang Kakaibang Pwersa
40. Si Panganoron
41. Mula Sa Akin At Para Sa'yo
42. Umiibig
43. Si Pagtuga
44. Ang Kasal
45. Isang Sumpa
46. Himala
47. Isang Panaginip
48. Si Magayon
49. Mga Tikbalang
50. Portal
51. Ang Tagna
52. Batis Ng Katotohanan
53. Isang Dayo
54. Dalangin
55. Ina
56. Anino

34. Ang Susi Upang Mapakawalan.

31 5 15
By itskavii

Nang marinig ni Aran ang plano ni Malayah ay isang bagay lamang ang pumasok sa kanyang isipan. Isa itong kahibangan.

Huli sa nais ni Aran ang muling makita ang kanyang ama. Ngunit sa napag-usapan nilang plano ay mukhang wala na siyang magagawa pa.

Nais niyang tumutol ngunit siya rin naman ang nagsuhestyon nito. Bakit tila ngayon ay pinagsisisihan na niya ito?

Nabalik ang ulirat ni Aran sa reyalidad nang mapansin si Liway na nakatitig sa kanya mula sa labas ng bintana ng kanyang kwarto. Tila napakalawak ng espasyo ng kanilang lupa sapagkat hanggang ngayon ay nagwawalis pa rin ito.

"M-May problema ba?" Pilit itinago ni Aran ang bahagyang kaba sapagkat sa kanyang isip ay may bumubulong na isang manananggal ang kanyang kausap.

Nguniti si Liway at umiling. Tila ang boses sa utak ni Aran ay umatras sapagkat kung isa ngang manananggal ang kanyang kausap ay tiyak na ito ang pinakamaganda.

"Kanina ka pa kasi nakatulala dyaan sa harap ng bintana mo," saad nito at nagpatuloy sa pagwawalis. Nang maipon ang mga kalat sa isang lugar ay lumapit ito kay Aran. "Anong iniisip mo?"

Tinitigan ito ni Aran at tila sinusuri. Kung ihahalintulad sa isang manananggal, ang kaanyuan ni Liway ay maamo. Napailing si Aran dahilan upang magtaka rito ang dalaga. Kaagad siyang tumikhim upang iayos ang sarili. Hindi magandang makahalata ang kausap na alam niya ang pagiging manananggal nito.

"Iniisip ko ang aking ama."

"Ang iyong ama," ulit ni Liway at tumango-tango. "Siguro ay mahaba ang paglalakbay ninyong apat kung kaya't nangungulila ka na sa iyong ama at sa sarili mong tahanan." Isinandal nito ang baba sa dulo ng mahabang walis na hawak. "Tiyak akong sabik ka nang makauwi sa inyo..."

Mayroong kakaiba sa mga mata ng dalaga. Tila ba nagluluksa ito sa isang trahedyang hindi pa nangyayari. Ngunit hindi iyon kaagad napansin ni Aran sapagkat kaagad siyang tumawa sa tinuran nito.

"Ang totoo niyan, lumayas ako sa amin." Wika ni Aran na ikinaguho ng imahinasyon ng isang mabuting anak sa isipan ni Liway.

"Ano? Bakit ka naman lumayas?"

Nagkubit-balikat si Aran, hindi ito nais tugunin. Ngunit tila desidido si Liway na malaman ang sagot.

"Ayoko roon."

"Ayaw mo?"

Prenteng tumango si Aran. "Oo, ayaw ko."

Makikita ang pagkunot sa noo ni Liway. "Ganon ganon na lamang iyon? Dahil ayaw mo ay maaari ka nang umalis? Hindi mo ba naisip na mayroon kang responsibilidad sa pamilyang iyon at nararapat kang manatili?"

Napatulala si Aran sa mga sinambit ng dalaga. Tila ba may iba itong tinutukoy higit sa paglayas ni Aran. Kaagad na umiwas ng tingin si Liway nang mapansin ang pagtitig niya. At doon ay napagtanto ni Aran na ang tinutukoy ng dalaga sa mga iyon ay ang sarili nito.

"Nasa tamang edad na ako upang magdesisyon para sa sarili ko. Nasa tamang edad na ako upang malaman ang tama at mali. At natitiyak ko na ang desisyon kong paglisan ay ang tamang gawin." Pinagmasdan ni Aran ang magiging reaksyon ng dalaga. "Kung hindi ko kayang iligtas sa pagkabulok ang mga kasama kong bulaklak, nararapat na kahit ang sarili ko man lamang ay maisalba ko."

Tatlong katok ang tumunog mula sa pinto ng kwarto ni Aran. Nginitian niya si Liway bago magpaalam. At sa pagtalikod na iyon ay hindi nasaksihan ni Aran ang kakaibang pagbabago sa ekspresyon ng dalaga.

Hindi nasaksihan ni Aran ang epekto ng kanyang mga salita kay Liway at sa mga susunod na desisyon nitong gagawin.

--

Nang pumatak ang alas-kwarto ng hapon ay kaagad na tumayo si Malayah mula sa pagkakaupo sa kama. Oras na upang simulan ang plano. Wala mang kasiguraduhan si Malayah kung ano ang ihahatid sa kanila ng gabi ay walang takot siyang lumabas ng kwarto at sinabi sa sarili na magiging maayos din ang lahat.

Naglakad siya sa pasilyo patungo sa kwarto ni Aran. Nang makarating sa harap ng pinto ay tila nag-aalangan si Malayah na katukin ito. Ngunit kalaunan ay kanya ring ginawa.

Bumukas ang pinto at lumabas si Aran nang hindi sinasalubong ng tingin ang dalaga.

"Sigurado ka bang gagawin mo ito?" Tanong ni Malayah at kaagad namang tumango si Aran. Napabuntong hininga ang dalaga nang maglakad palayo ang binata nang hindi man lamang siya sinulyapan.

Nagtungo sila sa sala ng bahay. Naroon ay nakaupo sa isang sofa sina Lakan at Sagani. Nang makarating ay tumango sila sa isa't-isa at tahimik na naghintay roon.

Ang sabi ni Luz ay mamaya pa raw ala-sais uuwi ang kanyang Tiyang Nene, ang may-ari ng bahay na tinutuluyan ngayon ng apat.

Ala-sais ay ang simula ng pagpatak ng dilim.

Hindi na kailangan pang ipaliwanag ng mahihinang pagbungisngis ni Luz ang ibig sabihin nito. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung ngayong gabi ay hindi na nila kailangang lumipad paalis para maghanap ng bibiktimahin? Naroon na ang kanilang hapunan... nasa loob ng kanilang bahay.

Nang pumatak ang ala-singko ng hapon ay nagkatinginan sina Aran at Malayah at tumango sa isa't-isa. Ang unang hakbang ay tapos na.

Ngunit naalarma ang lahat nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang hapong-hapo na si Liway.

Pagtataka ang sumilay sa mga mukha ng apat sapagkat hindi nila inaasahan ang pagbalik nito. Hindi ito kasama sa plano.

Alas kwatro imedya ay nagpaalam sina Luz at Liway sa apat at sinabing susunduin ang kanilang Tiyang Nene sa bayan. Matapos iyon ay silang apat na lamang ang naroon sa bahay. Sarado na ang karinderya at wala nang mga bata ang naglilisawan sa kalye.

Ang pagkahapo ni Liway ay tila ba senyales ng patakbo niyang pagbalik mula sa kanyang pinanggalingan. Mariing napatitig dito si Malayah at gayon din si Liway sa kanya.

Marahil ay nakikilala na siya nito. Marahil ay napagtanto na ng mga manananggal na hindi lamang mga hapunan ang naligaw sa kanilang lugar bagkus ay ang matagal na nilang hinahanap.

Mabilis ang pagkabog ng dibdib ni Malayah. Hindi pa ito ang oras. Ang inaasahan nilang dumating ay mga halimaw--saktong ala-sais. Ngunit tila hindi makapaghintay ang mga ito at kaagad silang sinalubong.

Pinakiramdaman ni Malayah ang paligid. Tiyak na kasama ni Liway ang mga kalahi niya. Ngunit tila ang dalaga lamang ang naroon. At ang winika nito ay lalo pang nagpagulo sa kanyang isipan.

"Umalis na kayo. Parating na sila!"

--

Batid ni Liway na walang kaalam-alam si Aran kung sino ba talaga siya. At alam din niya na ang tinutukoy ng binata ay ang sarili nito. Ngunit bakit tila sa bawat salita'y may kumukurot sa kanyang 'di pangkaraniwang puso.

Matagal na nitong nais kumawala sa loob ni Liway ngunit hindi niya lamang alam kung paano bubuksan ang pinto.

At ngayon, tila ang estrangherong kanina'y nakaharap at ang mga salita nito lamang pala ang may dala ng susi.

"Kung hindi ko kayang iligtas sa pagkabulok ang mga kasama kong bulaklak, nararapat na kahit ang sarili ko man lamang ay maisalba ko."

Mahilig si Liway sa mga metapora. Madalas siyang nag-uubos ng oras para lamang maintindihan ang nakatagong kaguluhan ng mga ito. At tila dahil sa matagal na pag-eensayo, madali niyang naintindihan ang kay Aran.

"Tiyak na matutuwa si Tiyang Nene nito!" Bulalas ni Luz na dahilan upang magbalik ang atensyon ni Liway sa kanya.

Tahimik lamang siyang tumango at nagpatuloy sa paglalakad. Nagsimula silang umakyat sa liblib na bundok. Napansin ni Liway ang kunot-noong pagsulyap sa kanya ni Luz.

"Bakit parang ang tahimik mo ata ngayon, Liway?"

"Bakit? Ano ba ang dapat kong sabihin?"

Hindi iyon isang biro ngunit napahagikhik sa tawa si Luz. Marahil ay sadyang mababaw lamang ang kaligayahan nito.

"Baliw ka talaga!"

Nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang sa marating ang isang kweba sa gitna ng bundok. Napabuntong hininga si Liway bago tuluyang humakbang papasok dito.

Hindi mailarawan ni Liway kung gaano niya kinaaayawan ang pagpunta sa lugar na ito. At hindi niya rin naman ito masabi o maipakita sapagkat ang kinamumuhiang iyon ay ang sarili niyang lahi.

Ilang beses na ring hiniling ni Liway na hindi sana siya nabibilang sa mga ito. Ngunit walang silbi ang mga hiling na iyon. Sa bawat paggising ay isa pa rin siyang manananggal at kabilang sa lahi ng kadiliman.

Sa pagpasok ay sinalubong silang dalawa ng ingay at hindi mapakaling mga kalahi.

"May problema ba?" Nagtataka niyang tanong sa isa sa mga ito.

"Liway!" Gulat na usal nito na tila ba ngayon lang napagtanto na kaharap na pala ang talaga. "Narito na pala kayo! May magandang balita ang Tinalaga!"

Ang Tinalaga. Ito ay ang pinakamataas na antas sa mga manananggal sapagkat ito ang pinakamalapit sa kanilang panginiong si Sitan. Kumpara sa mga karaniwang manananggal ay may malakas itong itim na mahika at may kakayahang makaramdam sa anino ng karimlan.

Noon ay isang pangarap sa mga manananggal ang makuha ang posisyon ng Tinalaga. Ngunit simula nang muling magparamdak ang anino ng karimlan ay naging isa na itong sumpa.

Sapagkat sa bawat pagkakataon na magparamdam ito at hindi nila mapagtagumpayang matagpuan ay ang Tinalaga ang parating umaako ng parusa. Kamatayan.

Sa pagkarinig lamang ng salitang 'Tinalaga' ay batid na ni Liway kung tungkol saan ang magandang balitang iyon. Ngunit hindi siya umaasang tunay ngang maganda ito sapagkat ang huling beses na marinig niya ito ay ang kaganapan bago lamang mamatay ang nakaraang Tinalaga.

"Nasaan na ngayon ang anino?"

Tila bahagyang nabigla ang kausap sa kanyang sinabi ngunit napagtanto na marahil ay kaagad nang naintindihan ni Liway ang magandang balitang kanyang tinutukoy.

"Naroon sa inyong bahay!"

Naistatwa sa kinatatayuan si Liway. Sa bahay?

"Talaga ba?" Hindi makapaniwalang saad ni Luz at napapalakpak. "Akalain mo nga naman! Akala ko'y hapunan lamang ang nabingwit namin!" Napahagikhik ito ng tawa at nang mahimasmasan ay bahagyang tinunggo ang braso ng kausap. "Baka naman. Sa aming bahay matatagpuan ang itinakda," sambit niya at itinaas-baba ang mga kilay.

"Naku, tiyak na may gantimpala kayo sa panginoong Sitan!" Bulalas ng kausap. "Sayang nga lang at hindi kayo dumalo sa huling pagtitipon. Kung dumalo kayo ay nabatid niyo sana nang maaga ang ngalan ng itinakda. Marahil ay naidala ninyo rito kaagad ang itinakda. Siguradong mas malaki ang matatanggap nimyo kung nagkataon."

"Oh? Alam niyo na ang ngalan, matagal na?"

Tumango ang kausap ni Luz. "Ang pagkaaktanda ko'y Malayah."

"Malayah?" Napasapo si Luz sa kanyang noo. "Si Malayah!" Napailing-iling si Luz dahil sa panghihinayang. Kung alam niya lamang sana na ang dalaga ang kanilang hinahanap ay kinaladkad na niya ito patungo sa kweba noong matapak pa lamang ito sa kanilang lugar. "Pero 'di bale. May gantimpala pa rin kami dahil sa amin siya makukuha."

"Ngunit iyon ay kung makukuha na nga natin siya sa wakas."

Napairap si Luz at nagpamewang. "Aba, syempre naman! Hindi ba, Liway?" Liningon niya ang pinsan ngunit wala na ito sa kaninang kinaroroonan. "Oh, 'asan na iyon?"

"Baka nauna na sa loob. Halika na!" Tugon ng kausap at hinitak si Luz patungo sa bulwagan ng kweba.

Hindi nila alam ay wala roon si Liway. Sapagkat sa mga sandaling iyon ay nagmamadali na siyang bumaba ng bundok at makauwi. Hindi niya alintana ang mga sanga na tumatama sa kanyang braso at ang mga pagkatalisod na gumagasgas sa kanyang tuhod. Tagaktak man ang pawis ay hindi niya ito magawang punasan sapagkat ang buong lakas at atensyon ay tinutuon niya sa pagtakbo.

Hindi alam ni Liway kung bakit hinahanap ng panginoong Sitan ang itinakda. Maski ang ibang mga kalahi ay hindi rin. Ngunit kung si Malayah nga ang itinakda, ang natitiyak lamang ni Liway ay panganib at kaguluhan ang mangyayari sa oras na mapasakamay ito ni Sitan.

Ngayon ay tila tuluyan nang nakaalis mula sa loob ni Liway ang matagal nang kumakawala rito.

Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang nagtatakang mga mukha ng apat na bisita. Pinagmasdan niya ang mga ito at napatigil kay Aran. Tama ka. Hindi ko nais manatili kung kaya't aalis ako. At gagawin ko iyon sa oras na maitakas ko na kayo rito.

Napatitig din siya kay Malayah. Kung totoo man na ito ang itinakda, isang karangalan para kay Liway na masilayan ito.

Napailing siya sa sarili upang iwaksi ang mga nasa isipan. Mula sa kanyang hingal na boses ay kanyang isinigaw, "Umalis na kayo. Parating na sila!"

Hindi na niya hinintay ang mga ito ja batuhin siya ng tanong. "Kuhanin ninyo ang mga gamit ninyo. Madali!"

Walang nagawa ang apat kung hindi ang sumunod sa kanyang sinabi. Nang matapos ay kaagad niya itong hinitak papalabas. "Sumunod lang kayo sa akin."

Nag-aalangang nagkatinginan ang apat ngunit 'di kalauna'y sumunod din. Dinala ni Liway ang mga ito sa mataong bayan. Madalas ang pagmamasid niya sa langit at binabantayan ang araw. Sapagkat sa oras na lumubog ito ay tiyak na darating na sila.

"Ano bang nagyayari, Liway?" Si Lakan ang nagwika.

"Ang mga manananggal. Hinanap nila kayo kung kaya't kailangan ninyong lumayo. Lalo ka na, Malayah."

"Ngunit paano mo nalaman ang mga iyan?" Tanong naman ni Aran.

Napalunok si Liway at inilibot ng tingin ang mataong palengke upang iwasan ang tingin ng nga kasama. "Isa ako sa kanila."

Muli niyang hinarap ang mga ito, sinusuri ang magiging reaksyon. Ngunit tila walang pagkagulat ang mababakas sa kanilang nga mukha. "Ngunit hindi iyon ang mahalaga ngayon. Susubukan ko silang guluhin. Kayo ay manatili lamang dito. Hindi sila aatake sa maraming tao."

At bago pa man makasang-ayon o makatugon ang mga kasama ay tuluyang nang naglakad paalis si Liway.

--

Palihim na nakisiksik si Liway sa nagkukumpulang mga kalahi. Ang kaguluhan ay tila ba nagbigay-daan upang hindi mapansin ninuman ang kanyang pagkawala. At nang makarating sa unahan ay nakita niya ang Tinalaga na nakaluhod sa harap ng mahiwagang kawa, nagmamakaawa.

"Pakiusap, panginoong Sitan. Huwag ninyo akong papaslangin. Hahanapin namin siya, pakiusap. Pakiusap..."

Halos humagulhol na ang pinuno ng nga manananggal ngunit ang pigura sa usok at tahimik lamang itong pinagmamasdan. Muli, sila'y nabigo na matagpuan ang itinakda. Pagdating sa bahay na tinutuluyan nito ay wala silang nakitang kahit sino.

"Pakiusap, mahaba pa ang gabi. Tiyak na hindi pa siya nakakalayo. Bigyan ninyo ako ng isa apng pagkakataon..."

Mga mahinang pagsang-ayon ang ibinigay ng mga kalahing manananggal.

"Pakiusap--"

"Tahimik." Lahat ay siya ngang tumahimik. Isang salita ngunit ang mga balahibo ng mga manananggal na naroroo'y nagsitaasan na. Nakakatawa't ang kinatatakutan ng mga mortal ay lubos ang takot sa mga sandaling iyon.

"Tiyak na hindi nagkataon na narito sa lugar ninyo ang itinakda." Walang sinuman ang nagtangkang tumugon sa sinambit ng itim na pigura. Sa maikling panahon ay muling binalot ng katahimikan ang kweba. "Siguradong mayroon siya at ang kanyang mga kasama na pakay rito."

Napapitlag ang mga mananaggal nang biglang tumawa ang diyos ng Kasanaan. "At tila alam ko ang pakay na iyon."

"Panginoon, kung ganoon po ay sabihin ninyo sa amin ang kanilang pakay at nang maunahan namin sila sa kanilang destinasyon. Nang sa gayon ay tuluyan na naming madakip ang itinakda."

Napapikit ang Tinalaga at tila nais bawiin ang sinabi. Sa mga ganoong sitwasyon ay mas mainam ang manahimik na lamang. Ngunit nais talaga niyang makakuha ng pangalawang pagkakataon.

"Hindi."

Napasubsob sa lupa ang Tinalaga dahil sa takot. Nagsimula siyang humikbi muli sapagkat alam niyang sa sandlaing iyon ay magsisimula nang humapdi ang kanyang mga balat na tila ba nasusunog at ang pagdurusa'y matatapos lamang sa sandaling maging abo ang buo niyang katawan.

At iyon nga ang nangyari.

Napaiwas ng tingin ang ilang mga manananggal habang ang iba naman ay napapikit. Hindi na iba sa kanila ang ganoong pangyayari ngunit ang ideyang maaaring sila na ang naroon sa susunod ay tila pinipilipit sila sa pangamba.

Matapos ang ilang sandali ng katahimikan ay muling nagsalita ang diyos na si Sitan mula sa kanyang pigura sa usok.

"Wala kayong gagawin kung hindi ang maghintay. Sapagkat ang pakay nila rito... ay ang ngayo'y maghahanap sa kanila."

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 64.4K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
47.7K 1.8K 52
Ashley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to...
68K 2.1K 45
(COMPLETED)✔ Have you ever wondered if someone is keeping a secret from you? Have you ever had a complicated life? Hetheria Academy, a school for pri...
230K 8.9K 46
Sa mundo ng mahika, mga halimaw at kapangyarihan. Paano mabubuhay ang isang normal na tao na nagmula sa isang ordinaryong mundo? Hindi niya inaasahan...