Pahimakas (BeCka)

By wwiittyyccuuttiiee

1K 90 29

One Shot More

Pahimakas

1K 90 29
By wwiittyyccuuttiiee

ERICKA JOYCE SIBUG

"Hi"

Malamlam ang mata na tiningnan niya ko. Napangiti na lang ako para kahit papaano maitago ko ang sakit na nararamdaman ko.

"How's your feeling?" I sincerely asked.

Hindi ako bulag para hindi makita ang pagdaloy ng sakit sa mga mata niya. Kahit pa ngumiti siya sa'kin ngayon, alam na alam ko kung ano ang totoong nararamdaman niya.

Katulad ko, nasasaktan din siya.

"Nakaalis na ba sila?" pag-iiba niya sa usapan.

Napahinga na lang ako ng malalim at saka tuluyang lumapit sa kanya, umupo sa edge ng kama niya at seryosong nakatingin sa kanya.

"Hindi pa po, papaalis pa lang nila." I reached for her hand. "Gusto mo bang bumaba? Kain tayo."

But she just shooked her head. "I'm not hungry." she smiled at me. "Gusto kong lumabas Ecka."

Natigilan ako. Sunod-sunod din ang paglunok na nagawa ko. Ramdam na ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Malamig sa labas. Malalim narin ang gabi." I took a deep breath. "Delikado para sayo ang lumabas pa."

She held my hand, caressing my palm. "Please Ecka." pagsusumamong sambit niya. "Ayaw kong dito na lang sa kwartong 'to mamata-..."

"Wag mong ituloy." I cut her off. "Ayaw kong marinig ang susunod mong sasabihin." dagdag ko pa.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, bagkus mariin lang siyang nakatitig sa'kin na para bang kinakabisado niya ang mukha ko.

Napahinga na lang tuloy ako ng malalim. "Ikukuha lang kita ng maiinom. Pagbalik ko dito, lalabas na tayo." marahan ko pang dinampian ng halik ang noo niya.

Tipid ang ngiting ginawad niya sa'kin. "Salamat"

Wala ng salitang namutawi sa'kin at agad ko na siyang iniwan do'n. Pigil-pigil ang sariling hindi ako mapaiyak ng makalabas ako ng kwartong kinauupahan niya.

Hinagod ko ang buhok ko gamit ang palad ko habang pilit na kinakalma ang sistema ko.

"Ecka?"

Napatuwid ako ng pagkakatayo ng makita siya. "Hey, Abby."

Ngumiti siya sa'kin. "Kamusta si Belle? Tulog na ba siya?"

I sighed. "Hindi pa." mahinang sagot ko sapat lang para marinig niya. "Actually gusto niyang lumabas." pagpapatuloy ko.

Hindi agad siya naka-imik. Seryoso lang ang tingin niya sa'kin. Pero di kalaunan ay pinili niyang ngumiti sa'kin. "Tara sa baba."

Hindi na ko umangal. Inakbayan narin niya kasi ako at sabay naming tinahak ang daan patungo sa sala, kung nasaan ang iba.

"Oh Ecka, kamusta si Belle?" Lara asked.

Sa hindi malamang dahilan, binalot ng kaba ang dibdib ko. Naiyukom ko tuloy ang kamao ko dahil do'n.

I gulped hard. "Gusto niyang lumabas." sambit ko dahilan para magsitahimikan silang lahat at ituon ang atensyon sa'kin.

Napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko. "Gustong lumabas ni Belle."

"Lumabas?" kahit hindi ko lingunin ang nagmamay-ari ng boses na yon, kilalang-kilala ko na agad kung sino siya. "Gustong lumabas ni Belle? E diba, delikado para sa kanya ang lumabas ngayon? Lalo na't mahi-.."

"Sela" pagpigil sa kanya ng asawa.

Natahimik ang paligid. Tanging ingay na nagmumula sa mga bata ang maririnig namin ngayon. Walang nagtangkang magsalita sa'min.

"Ahm, ehem." lahat pa kami natuon ang pansin kay Lang dahil sa pagtikhim niya. "Look Obring oh, may dumaang anghel."

"Siraulo ka." Brei replied. "Wala kana talagang slot sa langit panigurado."

Doon lang napuno ng tawanan ang paligid. Hindi ko naman maiwasang hindi sila pagmasdan isa-isa.

Simula ng makilala ko si Belle, naging magkakilala na kami. Legit no erase period padlock. Emz.

"Ang mais mo Lang. Manahimik ka na nga lang dyan." pambabara naman sa kanya ni Shekinah.

"Pangit mo ka-bonding Bonitah. Palibhasa malamig ang pasko mo ngayon." ganti naman nitong isa. "Anong pakiramdam ng pinagpalit sa pangarap?"

Napanganga ako. Anak ng tinapa. Ang pasmado jusko.

"Ewan ko, ano bang pakiramdam Lara?" taas kilay na sagot ni Sheki. "Diba, pinagpalit ka rin naman sa pangarap?"

"At least ako binalikan." matapang na sagot ni Layar. "E ikaw? Sure ka bang babalikan ka ni De Leon?"

"Kapag hindi bumalik sa'kin si Alice, babalian kita ng buto." barumbadong sagot naman ni Sheki. "Ipapalaklak ko din sayo lahat ng anesthesia para tuluyan ka ng maging bato, walang pakiramdam." she added.

Pasalit-salit ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nagtatagisan sila ng tingin ngayon. Napailing na lang ako.

"Oh ikalma niyo mga babaita. Ang lamig-lamig ngayon tapos ang iinit ng ulo niyo." pagsaway ni Marsela.

Literal na napakamot ako sa noo ko at pasimpleng sinilip si Abby na patawa-tawa lang ngayon.

"Diba lalabas kayo ni Belle?" Sela asked.

Tumango ako. "Ah oo."

She nodded slowly. "Sige, aalis na lang kami pag nakabalik na kayo dito."

Napangiti ako. Akmang sasagot na sana ako para magpasalamat nang magsalita naman si Sheki.

"Ingatan mo ang kaibigan namin Sibug." she seriously said. "Sa inyong dalawa na lang ang natitirang oras."

Tanging pagngiti lang ang tinugon ko sa kanila bago ko sila tinalikuran. Mabibigat ang hakbang na ginawa ko patungo sa kwartong kinauupahan ng taong mahal ko.

At katulad ng lagi kong ginagawa, matatamis na ngiti ang ginagawad ko sa kanya sa tuwing nakikita ko siya.

"Hi"

She smiled back. "Okay na, nakapag jacket na ko." mahinang sambit niya.

Napakagat na lang ako sa labi ko bago siya tuluyang lapitan. Marahan ko ding dinampian siya ng halik sa noo.

"Tara na?"

She nodded at me, with a smile. Kumuha naman ako ang isang blanket. May idea na kasi ako kung saan kami pupunta ngayong gabi.

Matamis na ngiti pa ang ginawad ko sa kanya at walang pag-aatubiling binuhat ko siya para maiupo sa wheel chair niya. Siniguro ko pang maayos ang pwesto niya bago kami tuluyang lumabas ng kwartong ito.

Mga nakakaunawang tingin ng mga kaibigan niya ang nabungaran namin sa sala. Naiiyak pa nga si Marsela na yumakap sa asawa niya. Napangiti na lang ako.

Sweet e. Naol.

"Saan mo gusto pumunta Madam?" tanong ko sa kanya pagkalabas na pagkalabas namin.

"Sa park." she simply said.

Tumango na lang ako, sabi na nga ba.

Mabuti na lang talaga at makapal ang jacket na suot niya ngayon. Ang lamig e, ang lakas din ng hangin.

"Kamusta pala talyer mo?" she suddenly asked.

Ngumiti ako. "Okay naman. Maayos naman pamamalakad ni Tatay." sinulyapan ko pa siya. "Wala ka dapat ikapag-alala don. Iniingatan nila ang talyer." dagdag ko pa.

Bahagya pang kumunot ang noo ko nang marinig ko ang mahinang paghagikhik niya.

"What's funny Belle?" kunot noong tanong ko.

She just shooked her head. "Wala naman. Bigla ko lang kasi naalala kung paano ko nagawang basagin yung salamin ng kotse ko para lang makalandi sayo." natatawang sambit niya.

Miski ako napangiti narin. Nakakainis 'yong ginawa niya noon, pero aminado ako iyon ang pinaka memorable na nangyaring sa'kin.

"Araw-araw mainit ang ulo mo noon, sa sobrang init pwede ng pagkuluan ng tubig." pang-aasar pa niya.

Nakangiting umiling lang ako. "Talaga ba Ysabelle?" kunwari pikon, pero deep inside kinikilig. Tss.

"Kung hindi ko nahihimigan 'yang pagngiti mo, maniniwala na talaga kong galit kana." sagot pa niya.

Napatawa naman ako. "Ang daldal mo talaga kahit kailan. Nandito na tayo. Quiet na."

Hindi naman na siya nagsalita pa at tumahimik na nga lang. Naghanap lang ako ng maayos na pupwestuhan namin bago ko nilatag itong kumot na dala ko.

"Halika, dito tayo maupo." saad ko.

Nakangiting tumango lang naman siya sa'kin. Kaya ang ginawa ko, puno ng pag-iingat na binuhat ko siya para maiupo dito sa kumot na nilatag ko.

Napahinga pa nga ako ng malalim ng tuluyan narin akong sa may bandang likod niya. Matamis na ngiti pa ang kumawala sa labi ko ng dahan-dahan siyang sumandal sa'kin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Halo-halo e. Masaya ako kasi kasama ko siya, malungkot ako dahil sa sitwasyon niya, at natatakot ako dahil alam kong ito na ang huli.

Huling araw na makakasama ko siya.

Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang kamay niya. Bahagya kong pinisil-pisil ang palad niya.

"Ecka"

Napalunok. "Hmm? Yes po?"

"Thank you." puno ng sinseridad na sambit niya.

Napangiti na lang ako at mas piniling yakapin siya. "Anything for you Belle." I give a peck in her temple.

Pasimple kong nilibot ang tingin dito sa lugar. May mangilan-ngilan kaming kasama dito, meron mga mag-anak na katulad namin, nakaupo sa nakalatag na kumot. Mukhang dito rin nila sasalubungin ang pasko.

"Natatandaan mo pa ba kung kailan 'yong unang beses na nag 'I love you' ka sa'kin?" she asked out of nowhere.

Bahagyang kumunot ang noo ko pero di kalaunan ay ngumiti rin. "Oo naman."

Bakit ko kakalimutan 'yong araw na napikot niya ko?

------------------------------------

"Let's play!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako nakikipag laro sa isip bata." malamig na tugon ko. "Kaya kung pwede lang, umalis ka sa dinaraanan ko dahil nagmamadali ako."

Pero ang bwisit na 'to, nagawa pa kong tawanan ngayon. Kung ipukpok ko kaya sa ulo niya itong tools na hawak ko? Kaiyamot ah.

"Let's play Ecka." she insist. "Promise, kapag nanalo ka, titigilan na kita."

Automatic na tumaas ang kilay ko. Hindi paba sapat itong pakikitungo ko sa kanya para tigilan na niya ko? Hindi ba niya nahahalata na hindi naman ako interesado sa kanya?

Ang manhid ah.

"Please? Last na 'to." pagsusumamo pa niya.

Napairap ako. Inis na binaba ko itong mga dala ko at matapang na hinarap siya. "Spill"

Her eyes widened. Halatang nagulat sa sinabi ko. "Okay okay." she cleared her throat. "Kapag napasabi kita ng 'I love you' within 30 seconds, sa'kin kana. "

Napangisi naman ako. "Hindi pa tayo nagsisimula, alam kong talo kana." alam kong ang yabang ko, pero hayaan niyo na.

Malakas ang kutob ko na mananalo ako dito.

Pero dahil nga pinanganak siyang malakas ang fighting spirit, nginisian din niya ko. "Wag kang pakasiguro mahal ko." then she winked at me.

Gusto kong masuka. Ang ganda niya sana, kaso nakakainit ng ulo lang. "My time is gold Miss. Kaya wag mo ng sayangin. Let's start na."

She just giggled. "Okay, excited kang mapasakin ah."

Umirap akong muli. Ang kapal talaga ng mukha niya. Lakas ng apog amp. Hilig magbuhat ng sariling bangko.

"Okay game na." tumikhim pa at seryosong tinuon ang pansin sa'kin. "What's your name?"

My brows furrowed. Seriously? "Ecka"

She nodded slowly. "Ilan ang dwarfs ni Cinderella?"

Napairap ako sa loob-loob ko. Nakikipag gaguhan ata ang babaeng ito. "Hindi si Cinderella 'yon. Si Snow White yon, at pito ang dwarfs niya."

Kala niya ha. Anong akala niya sa'kin? Kahapon lang pinanganak?

Nakakainis. Mas lalo akong naiinis sa laki ng ngisi niya ngayon. "Sinong nakatuluyan ni Laura sa Nobelang Florante at Laura?"

Napangiti ako. "Adolfo."

"Bakit binaril si Lapu-lapu sa Bagumbayan?"

Sa pagkakataong 'to, inirapan ko ulit siya. "E kung ikaw kaya barilin ko sa Bagumbayan?"

She just laughed at me. "Nagbibiro lang. Masyado ka namang seryoso." natatawang sambit pa niya. "Ito last na." she cleared her throat.

"Sabihin mo ang ganda mo Belle." nakangising dagdag niya.

Napakamot ako sa ulo ko. "Ang ganda ko Belle."

Nanlaki ang mata niya, literal. Hindi pa siya nakuntento tinuro pa ko. Napatuwid tuloy ako ng pagkakatayo. Anong nangyari?

"Oha! Panalo ako!" may kalakasang saad niya.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Panalo?" sabog ba siya? "Wala naman akong sinabing 'I Love You', so pano ka mananalo?"

Pero wala akong nakuhang sagot sa kanya, bagkus mariin lang siyang nakatingin sa'kin habang malaki ang pagkakangisi.

Doon lang nag sink in sa utak ko ang kalokohang ginawa ko.

Anak ng tokwa talaga.

"Hindi naman counted yon diba?" kabadong tanong ko. "Hindi counted 'yon Belle."

But she just laughed at me. "From now on baby, you're mine." she pinched my cheek. "Mine only."

I gulped hard. Naloko na!

------------------------------------

"You tricked me." kunware masama ang loob na saad ko.

Tinawanan naman niya ko habang marahan niyang pinipisil ang pisngi ko. "Buti na lang madami akong pakulo noon." she kissed the tip of my nose. "Kung hindi mo siguro ako nakilala malamang sa malamang boring ang buhay mo."

Kukurutin ko sana siya kaso naalala ko, masamang idea pala yon. Kaya sa huli nanggigil na niyakap ko na lang siya.

"Ang kapal mo. Buti na lang maganda ka." I chuckled. "Natatakpan ng kagandahan mo ang pagiging makapal mo."

Ako ang nakatanggap ng kurot sa braso e. Hindi naman masyadong masakit pero napangiwi parin ako. Maarte ako e, ba't ba!

"Ang lakas mo mang-asar ah. Wag mo kong ginaganyan kasi wala ka ng makikitang katulad ko 'no." oh diba, ang galing magbuhat ng sariling bangko.

Ngumisi ako. "Hay, salamat naman." pang-aasar ko pa.

Tiningnan niya ko. 'Yung tingin na handa ng pumatay ng tao. Pero imbes na matakot, napatawa na lang ako. Ang cute niya e. Nakakagigil.

"Sasampigahin na talaga kita Ericka sinasabi ko sayo." pananakot pa niya.

I laughed again. "Joke lang." marahan ko siyang dinampian ng halik sa noo niya. "I love you Belle."

Hindi naman ganon kadilim dito sa pwesto namin kaya kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya.

Gusto kong maiyak, pero mas pinili kong ngitian siya ng matamis.

Nanginginig pa ang kamay kong kinuha ang kamay niya para dampian ng halik. "I'm always talked to God, Belle. Walang araw na hindi ko hiniling sa kanya na kung pupwede baguhin niya ang kapalaran mo, nating dalawa." tuluyan ng bumagsak ang luha ko.

"Hindi ko kaya." I sobbed. "Hindi ko kaya na m-mawala ka."

Ramdam na ramdam ko ang lamig ng kamay niya ng hawakan niya ang pisngi ko. "Kailangan." she smiled at me. "Kailangan mong kayanin Ecka."

Nanghihinang napayuko na lamang ako. Pilit kong pinipigilan ang sariling wag lalo maiyak nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko para iharap sa kanya.

"Mahal kita Ecka." she lovingly said. "At ang mahalin mo, ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko." katulad ko, unti-unti naring pumatak ang luha niya. "Ayaw kitang pakawalan, pero sa pagkakataong ito kailangan."

Mariin kong naipikit ang mata ko. Walang kabig ng dibdib na hinila ko siya papalapit sa'kin para halikan. Mainit na halik laban sa malamig na panahon, at takot na nararamdaman ko ngayon.

"Don't give up Ecka." habol hiningang sambit niya. "Don't give up on your dreams, even without me."

Paulit-ulit akong napailing sa kanya. "No please, I can't."

Ang isiping mawawala na siya sa'kin, hindi ko na kakayanin.

Pero kahit panay ang agos ng luha niya, nagawa parin niya kong ngitian ng matamis. "Promise me one thing Ecka." she paused and breath hardly. "Open your heart for someone else."

Natigalgal ako. Tanging paghikbi lang ang nagawa ko, bago siya marahang hinila papalapit sa'kin para yakapin ng mahigpit.

Namayani ang katahimikan sa'ming dalawa. Kahit papaano rin, kumalma na ang sistema ko.

"Naniniwala kaba sa angels Ecka?" may kahinaang tanong niya.

Tumango naman ako. "Yes." I kissed her temple. "I mean, look at you."

Mahinang pagtawa lang naman ang tinugon niya sa'kin. "Ang harot mo. Mamamatay na ko't lahat-lahat ang harot mo parin."

Literal na napairap ako. Bakit ba ang dali-dali para sa kanya na sabihin ang katagang 'yon? Nakakaiyamot.

"Ang lamig 'no Mahal ko, buti na lang kumukulo dugo ko sayo." pambabara ko naman sa kanya.

"Pakuluin pa natin lalo, bilis." pagsakay niya naman sa biro ko.

May kahinaang pinisil ko na lang ang braso niya at mas piniling tumahimik at sabayan siya sa pagtitig sa buwan.

"Ecka"

Nahigit ko ng malalim ang paghinga ko. May iba kasi. May iba sa boses niya. Lalo lang akong nakaramdam ng kaba nang maramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko.

"Ecka" she almost whispered.

I gulped hard. "Hmm? Belle?"

She buried her face in my neck. "I love you." tila nahihirapang sambit niya.

Hindi ko napigilan ang sarili at tuluyan na kong napaluhang muli. Sunod-sunod ang ang paglunok na nagawa ko para kahit papaano mapigilan ko ang paghikbi ko.

"Babe? Don't close your eyes, the angels can w-wait." garalgal kong sambit.

Pero bigo ako. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Tuluyan na kong napahagulgol ng tuluyan na niyang bitawan ang braso ko.

Mahigit na yakap ang binigay ko sa kanya.

"B-belle" I breath hardly. "Bakit  ang bilis naman ata?"

Tanging malamig na simoy ng hangin lang ang tumugon sa'kin. Nanginginig ang labing dinampi ko iyon sa noo niya habang patuloy na rumaragasa ang luha ko.

Masakit. Sobrang sakit.

Pakiramdam ko, namatay din ako.

Bakit naman? Bakit naman si Belle pa? Bakit ang babaeng mahal ko pa?

At sa huling pagkakataon, niyakap ko ulit siya ng mahigpit.

"P-pahimakas Mahal ko."








-------------------------------------------

Unedited....

Continue Reading

You'll Also Like

905K 38.3K 80
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
9.6K 310 53
"Love means never having to say your sorry"-love rain ost.
860K 45.6K 32
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Jungkook's ) daughter Mishel...
19.1K 433 66
Ran, a trainer from Unova who seek to become a Pokémon League Champion finally start his journey to claim it at Kalos Region, along with his friend...