Filming Love

By pink_opal_27

8.2K 446 1.1K

Can you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with... More

Cam 001: Shine
Cam 002: Pony
Cam 003: Five Years
Cam 004: Miracle
Cam 005: Stars
Cam 006: Betrayal
Cam 007: Background
Cam 008: Waiting
Cam 009: Caldereta
Cam 010: Onscreen
Cam 011: Lovechild
Cam 012: Tears
Cam 013: Surface
Cam 014: Surprise
Cam 015: Eggs
Cam 016: Game
Cam 017: Care
Cam 018: Again
Cam 019: Crossover
Cam 020: Dad
Cam 021: Mission
Cam 022: Back
Cam 023: Shadow
Cam 024: Author
Cam 025: Bestfriend
Cam 026: Start
Cam 027: Give
Cam 028: Sorry
Cam 029: Station
Cam 030: Bettina
Cam 032: Merge
Cam 033: Drowned
Cam 034: Reunited
Cam 035: Happy
Cam 036: Family
Cam 037: Alarm
Cam 038: Opportunity
Cam 039: Big Night
Cam 040: Tired
Cam 041: Post
Cam 042: Wrath
Cam 043: Scope
Cam 044: Exercise
Cam 045: Fifth
Cam 046: Two
Cam 047: Bond
Cam 048: End
Cam 049: Ate
Cam 050: Final
Filming Love: A Love that is Yet to be Filmed

Cam 031: Villain

150 6 10
By pink_opal_27

Ken's POV

"Brent tama na!" naririnig ko ang pahiyaw na sigaw ni Rita mula sa bintana na kinasasandalan ko. Ang pader sa tabi nito ang tangi kong harang para hindi nila ako mapansin.



Nadudurog ang puso ko sa naririnig ko. Bandang huli ay sinikap ko nang sumilip mula sa posisyon ko.



"Bakit pa ako sayo maaawa? Matagal mo na pala akong niloloko. May paplano-plano ka pang nalalaman diyan pero si Ken pa rin naman talaga ang gusto mong iligtas. Nagpakatanga na naman ako sa mga kasinungalingan mo!"



Anong ibig niyang sabihin? Tungkol ba ito sa narinig ko sa bahay nila noon? Para sa akin kaya nagsusunud-sunuran si Rita sa kahit anumang sabihin ni Brent sa kanya?



Hayooooop ka Brent!



Pilit na iniiwasan ni Rita ang bawat hampas na pinapakawalan ni Brent. I can't imagine Rita having this kind of life behind the camera.



Hindi na tama ito. Kailangan ko nang kumilos.



Nakaisip ako ng strategy.



Narinig ko na lamang na tumunog ang telepono ni Brent. Okay nagwork ang plano ko. Sino ba namang makakahindi kapag trabaho mo na ang tumatawag sayo lalo na't napakahalaga ng pera pagdating sa lalaking ito.



Kailangan kong maging maingat. Every move and every action count.







Rita's POV



Nakakarinig ako ng kaluskos sa may gilid ng bintana namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ito, I mean sino pala ito.



"Chow, anong ginagawa mo dito?" pabulong kong banggit dahil alam kong hindi pa masyado nakakalayo si Brent.



"Shhhh" tugon niya habang isinisiksik ang sarili sa bintana upang makapasok sa kwarto.



"Paano ka nakarating diyan?"



"Dumaan ako sa fire exit. Nakita kong may access pala yun sa bintana mo kaya tumuloy na ako."



"Hoy ang kitid ng daan na yun."



"Choi, ano ba yung nakita ko?" pag-iiba niya ng usapan.



"Kung anuman ang nakita mo, pwede ba kalimutan mo na lang. Umalis ka na dito please. Baka maabutan ka pa ni Brent dito" pagmamakaawa ko.



"Choi" paglapit niya sa akin sabay hawak sa mga kamay ko at pisnging may bahid ng kaunting dugo dulot ng pagkakasampal, "Anong buhay ito?"



"Chow, please. Umalis ka na. Pag inabutan ka ni Brent, mapapatay ka talaga nun"



"No hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama. Halika na habang may pagkakataon pa"



Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahatak niya, "No hindi ako sasama sayo. Dito lang ako kay Brent"



"Ritaaaa???" bahagyang tumaas ang boses niya. Nangingilid na rin ang luha sa mga mata ko.



"Tell me, yung mga pasa mo bang nakita ko sa ospital, yung mga gasgas mo sa braso last month, yung pag-ika-ika mo sa paglalakad last week, si Brent ang dahilan diba?"



"Ano naman kung siya? Asawa ko siya Ken. Pwede ba umalis ka na lang please. Nakikiusap ako sayo" pilit ko siyang tinutulak pabalik sa bintana kung saan siya pumasok pero nagmamatigas ito.



"Choi, please sumama ka na sa akin. Hindi gawain ng isang asawa ang saktan ang wife niya."



"Wala ka namang alam sa pag-aasawa kaya please lang wag mo na akong sermunan. Umalis ka na please"



Ayaw pa rin niya akong lubayan. Hanggang maya-maya ay narinig ko nang may naglalakad na pabalik sa unit namin.



"Si Brent!" bulalas ko habang natataranta.



"Ken! Magtago ka na lang dito sa cabinet" sabay hila sa kanya patungo sa clothes cabinet ko sa kwarto, "Please lang wag kang lilikha ng kahit anumang ingay." pagwawarn ko sa kanya.



"Ikaw? Paano ka?" pabulong niyang tanong habang pilit na isinisiksik ang sarili sa mga damit kong nakahang. Sumenyas lamang akong manahimik siya.



Pagbukas pa lang ng pinto ay nakita ko na naman ang nanlilisik niyang mga mata.



"May ibang tao ba dito?"



"W-wala. A-ako lang"



"Bakit pinagpapawisan ka diyan?"



"H-hindi ka ba pagpapawisan sa mga pinaggagagawa mo sa akin kanina pa?" pinipilit kong magsalita nang maayos pero hindi ko magawa. Hindi ako natatakot para sa sarili ko pero para kay Ken. Alam ko kung gaano kalaki ang galit sa kanya ni Brent.



Muli niya akong itinulak against the couch. Ang sakit na talaga ng katawan ko.



"Parang awa mo na Brent. Please quota ka na sa akin ngayong araw. Tama na"



Pilit niya akong pinahiga sa couch at pilit na inaalisan ako ng damit. Kahit anong pigil ko ay nawawalan na rin ako ng lakas para labanan pa siya.



"Tama na please" pagmamakaawa ko.



"Hagupit o sex?"



"Pareho naman yang pahirap sa akin. Ikaw na lang mamili" walang gana kong sabi habang patuloy lang ako sa pag-iyak. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa may cabinet ko at naaaninag ko ang pagsilip ni Ken. Sorry, ayokong makita mo ito. Napapapikit ako sa pilit na ginagawa sa akin ni Brent.



Hanggang sa nakita kong gumalaw ang pintuan ng cabinet ko.



Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan nang lumabas si Ken.



Nang maramdaman ni Brent na may ingay sa may likuran niya ay lumingon ito pero bago pa man tuluyang lumingon ito ay nahampas na siya ni Ken ng vase sa ulo, dahilan para mapahiga ito sa carpet ng sala.







Ken's POV



Agad kong pinuntahan si Rita na kasalukuyan pa ring nanginginig at gulat sa nakita niyang ginawa ko.



Sinara ko ang kanyang damit at inalalayan para makatayo. Dahil sa mga bugbog nito ay nahihirapan itong maglakad. Ang kaninang pag-akay ko ay naging pagbuhat na sa kanya dahil tila ay frozen pa rin ang katawan nito.



"Choi, okay ka lang? Wag ka nang mag-alala. Tatakas kita dito"



Dahan-dahan kaming naglakad palabas ng unit. Maingat kaming wag masagi ang nakahandusay na si Brent at baka gising pa pala ito.



Naging mabilis ako sa pagbuhat kay Rita pababa sa parking lot.



Bubuksan ko na sana ang sasakyan ko nang mapagtanto kong naiwan ko yata ang susi ko sa taas.



Ugh, of all times, bakit ngayon ko pa nalimutan ang susi ko.



"Choi, okay lang ba? Iwan muna kita dito. Babalik din ako agad. Kunin ko lang nang mabilisan yung susi kong naiwan sa unit"



Nakatulala pa rin ito. Naghehesitate pa rin akong iwan siya sa ganitong kalagayan but I have no choice. Mas lalo kaming hindi makakaalis dito.









Pagdating sa floor ng unit niya, pagbukas na pagbukas ng elevator ay mukha ni Brent ang tumambad sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan ako. Agad kong isinara ang pintuan ng elevator at pinindot mula ang pababa ng parking lot.



Pinilit niyang ipasok ang kanyang katawan sa pintuan ng elevator pero nagawa ko siyang sipain palabas. Marahil ay medyo mahina pa ito.



Kinakabahan ako na baka maunahan ako ni Brent sa pagbaba. Sana, sana sira yung ibang elevator. Please lang po. Lord, nagmamakaawa po ako sa inyo.



Paglabas sa parking lot ay todo pasalamat ako dahil wala si Brent.



Agad akong tumakbo patungo sa direksyo kung saan ko iniwan si Rita. Nakahinga ako nang maluwag.















"Rita!"















Napalingon ako. Hindi ako yung taong tumawag sa akin. It was Brent na bumaba gamit ang isang tila tagong elevator.



Kumaripas ako nang takbo papunta kay Rita at maingat ko itong ipinasan sa aking likuran.



Agad akong tumakbo palabas ng condo. Hindi ko alam kung saan papunta basta ang importante ay makalayo kami kay Brent -- mailayo ko si Rita sa demonyong iyon.



Napunta kami sa makapal na damuhan. Hindi ko alam kung nasaan ito.



Madilim na rin ang paligid at wala na rin akong naririnig na yabag. Hindi na sa amin nakasunod si Brent.



Ang galing talaga ng adrenaline rush. Hindi ko akalain na makakatakbo ako nang mabilis habang buhat-buhat si Rita na hindi ko naman kaya noon.



May naaninag akong mumunting kubo sa di kalayuan. Wala itong ilaw pero may mga maliliit na tila mga bumbilyang nakapaligid sa kubo na siyang nagbibigay ng kaunting liwanag rito.



Bakit parang familiar ito?



(At sana familiar din po sa inyo, my dear readers hehe)







Napagpasiyahan kong dalhin muna doon si Rita at nang makapagpahinga rin ako.







Paglapit namin, ang mga tila mumunting bumbilya sa malayo ay mga nagkumpulan palang mga alitaptap. Tila ba ay nasisiyahan silang may dumating rito na mga tao dahil animo'y nagsasayawan sila.





Pagpasok ng kubo ay may nakita akong isang single bed. Sa tabi nito ay may lampshade. Kung may lampshade dito, malamang may kuryente.



Tama nga ako. Ginamit ko ang phone ko para ilawan ang loob ng kubo. Nakakita ako ng switch ng ilaw. Agad ko itong binuksan at nagulat ako sa tumambad sa akin.



Inikot-ikot ko ang aking paningin. Napakaganda ng loob ng kubong ito pero sa labas ay parang isang napakasimpleng kubo lang.



Bakit ang ayos-ayos ng mga gamit dito kung wala namang nakatira dito?



Kumpleto ang loob ng kubo. Ang kaninang inakala kong higaan ay isang mahabang couch pala. Sala ito ng kubo. Kumpleto rin ito ng dining room, kitchen, banyo. Marami ring furnitures at mga appliances.



Nakakamangha pero nakakapagtaka rin. Sino ba ang titira dito sa gitna ng damuhan, malayo sa kabihasnan? Parang ayaw magpakita sa mga tao or may pinagtataguan? Hindi kaya may mga rebelde sa paligid?



Napalabas tuloy ako ng kubo dahil sa kung anu-anong tumatakbo sa isip ko. Wala naman akong nakitang tao sa labas. Tanging tunog lang ng mga panggabing kulisap ang naririnig ko at mga ilaw sa pwet ng mga nagsasayawang mga alitaptap ang naaaninag ko.



Muli akong pumasok sa loob. Wala pa ring malay si Rita.



Sinubukan ko siyang gisingin pero walang nangyari. Tiningnan ko naman ang paghinga niya, mukhang okay naman. Napagod lang sa bugbog at gulat sa mga nangyari ngayong gabi.



Pinagmasdan ko ang kabuuan nito. Naaawa ako sa mga braso niyang napintahan na ng mga pasa. Yung mga brasong sobra kong pinakakaiingatan noon na wag sanang magkapasa dahil matagal bago mawala ay heto, punung-puno. Buti na lamang kinakaya ng foundation sa set.



Tumayo ako upang sumilip sa mga cabinet. Mga pambabaeng damit nga pero lahat pambahay yata kasi halos mga big sized t-shirts ang nandito. Iginala ko pa ang aking paningin at may nakita akong brown na box sa ilalim ng side table sa gilid ng couch na pinaghihigaan ni Rita.



Hindi naman siguro magagalit ang may-ari pag sinilip ko ito no?



Maingat kong kinuha ang box para hindi ko magising si Rita. Pagbukas ko ay puro picture frames ang nasa loob nito. Isa-isa kong inilabas ang mga ito. Kumunot ang noo ko. 















Bakit nandito ang mga ito?

----------

😡❤


Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 244 10
sa dami daming nagkagusto sakin kahit isa man lang wala akong nararamdaman o nagugustuhan...o manhid lang bah ako dahil sa nakaraan ko...
66.8K 4.7K 46
ផ្តើមចេញពីអ្នកបម្រើក្នុងភូមិគ្រឹះលោកគហបតីក្លាយខ្លួនជាសំណព្វចិត្តលោកគហបតីសង្ហារត្រឹមមួយពព្រិចភ្នែកតើស្នេហារវាងអ្នកពីរនិងទៅជាយ៉ាងណាបើចង់ដឹងចុចអានទៅ🤭🤍
169K 2.6K 36
#YOU FORGOT THAT IT'S CONTRACT MARRIAGE#YOU ARE NOT MY HUSBAND# #I AM STILL YOUR HUSBAND Y/N AND NOW I WILL DO EVERYTHING WITH YOU LIKE A REAL HUSBAN...
31.2K 422 73
"I'm sorry, I just... remembered something," she muttered as her fingers traced the scars on her throat. He placed his hands on her shoulders before...