My Everything In His Past (2n...

By VR_Athena

67.1K 5.9K 2.2K

"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything." More

Mood Board
Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Author's Note
Chapter 19
Artwork
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Author's Note
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
Chapter 57
Chapter 58
Author's Note
Chapter 59
Chapter 60
Wattpad Filipino Block Party: 2022
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Past Life (WarLyn's Special Chapter)
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Teaser for "My Sin In His Past" (Pedro)
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Author's Note
Chapter 74
Teaser for "My Sin In His Past" (Victoria)
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Author's Note
Author's Note
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Update Question
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Character Inspiration
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
ON-HOLD
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Epilogue
Special Chapter 1: WarLyn's Teaser
Special Chapter 2
Story Playlist

Chapter 17

569 57 23
By VR_Athena

Napatingin sa ibaba si Apple Pie at pinagmasdan ang natutulog na porma ni Yohan na nasa kaniyang kandungan. He just asked her to caress his hair and he already fell asleep in a matter of seconds. Halatang inaantok na talaga at tulog ang hinahanap. Ang hindi niya lang maintindihan ay bakit kailangan pa nitong pumunta sa kaniya para makatulog.

Normal lang ba ito sa mag-jowa?

Wala naman siyang karanasan sa pagbo-boyfriend kaya naman hindi niya alam kung normal ba ang pagiging clingy ni Yohan sa kaniya, ngunit aaminin niya na gustong-gusto niya iyon. Hindi  siya sanay na may taong laging nakadikit sa kaniya. Hindi niya nasubukan ang magkaroon ng pamilya kaya naman naninibago talaga siya sa lahat. 

Malakas na lamang siyang napabuntung-hininga bago inabot ang cellphone na inilapag niya kanina noong tumawag si Yohan na nasa gate daw ito. Napili na lang niyang magbasa sa Wattpad habang hinihintay itong magising muli. Hindi rin naman siya makakagalaw dahil sa kaniya nakahiga ang lalake. 

Truthfully ay akala niya na ilang minuto lang o baka isang oras lang ang itutulog ni Yohan ngunit dumating na lang ang tanghali ay tulog pa rin ito. Ayaw niya sana itong gisingin at bibili na lang sana ng pangtanghalian sa labas para may makain ito paggising, pero ang higpit ng yakap nito sa kaniya. Alam niyang kung saka-sakaling ihihiwalay niya ang pagkakayakap nito sa kaniya ay tiyak na magigising ito. Kaya naman ay wala siyang ibang choice kundi gisingin ito. Simula pa naman kaninang 8 AM ang tulog nito at malapit ng mag-12 o'clock ngayon.

"Yohan." She gently tugged on his t-shirt because she still felt a little bit of shyness around him. Nang mapansin na hindi pa rin ito nagigising sa pagtawag niya dito ay kaniya namang yinugyog ng malakas ang braso nito. "Yohan, gising na."

"Hmm . . ." he murmured before hugging her more tightly. He just snuggled closer to her and went back to sleep.

Siya naman ay pagod na napabuntung-hininga bago sinubukan itong gisingin muli. "Yohan . . . gising na. Tanghali na." He didn't even move and just ignored her attempts to wake him up. "Gutom na ako," dagdag niyang bulong at maggi-give up na sana sa paggising dito ngunit biglang tumayo ang lalake at papungay-pungay pang tumingin sa kaniya.

"Gutom ka na?" he asked, and she shyly nodded. 

"Come on. Let's eat out," aya nito habang kinukusot-kusot pa ang mata. Halatang gusto pang matulog ngunit mukhang nag-iba ang isip dahil sa sinabi niya. 

"Ok lang naman kahit dito ka na lang. Bibili na lang ako ng pagkain," saad niya dito ngunit umiling-iling lamang si Yohan habang tumatayo. 

"First day natin ngayon. I want to at least make this special. Bihis ka na. Hihintayin kita sa labas," he said before walking towards the door. Binuksan na nito ang pintuan ngunit bago pa ito makalabas ay huminto ito doon at tumingin sa kaniya "Langga . . . the next time I'm here, please wear a bra. I can clearly see the outline of your nipples." Napatigalgal naman siya hanggang sa marinig ang pagsarado ng pintuan. Tila ba nagising siya at mabilis na tiningnan ang kaniyang t-shirt. 

"Putragis! Naka-white t-shirt ako!" panic niyang saad habang naghahanap ng maipangtatakip sa kaniyang taas. Dali-dali niyang kinuha ang towel at pinulupot iyon sa katawan. 

Matapos iyon ay nanghihina siyang napaupo sa sahig at tinakpan ang mukha. Alam niyang namumula na siya ngayon dahil sa hiya. Hindi niya napansin na bakat na pala ang dibdib niya sa t-shirt niya dahil sanay na siya na ganuon ang suot dito sa boarding house. Never pa naman siyang nagkabisita na lalake dito kaya naman hindi rin niya nai-consider na baka nga ay halata masyado ang nipples niya.

"Ang bobo mo Apple Pie!" kastigo niya habang binabatukan ang sarili. Ilang minuto rin ang ginugol niya sa pangangaway sa tangang self niya bago siya nakapagbihis at lumabas na ng kwarto niya. Hindi nga niya alam kung paano niya haharapin si Yohan dahil sa nangyari kanina. 

Dumiretso siya ng lakad sa may gate at nakita na naghihintay na doon si Yohan. He was talking to one of his teammate na mukhang napadaan rin dito. She gathered enough courage to walk to him and just accept the fact that whatever happened earlier was already done. Hindi naman niya pwedeng i-hypnotize si Yohan na kalimutan ang nipples niya.

Nahihiya siyang tumabi dito at mukhang napansin nito kaagad ang pagdating niya dahil wala itong pasabing umakbay habang kausap pa rin ang kaibigan. He did it so casually that any passerbys would think that they were already a couple for a long time. 

"Gray, una na kami. Nagugutom na girlfriend ko," paalam ni Yohan sa kaibigan.

"So totoo nga talaga sinend ni Luis sa GC natin, Captain," shocked na komento ni Gray habang pabaling-baling ang tingin sa kanilang dalawa ni Yohan.

"GC? Ano?" naguguluhan namang tanong ni Yohan sa kaibigan.

"Binalita ni Luis sa GC natin na may girlfriend ka na daw, Captain," sagot nito. Agad namang dinukot ni Yohan ang cellphone na nasa bulsa nito at chineck kung totoo ba ang sinasabi ni Gray. She saw him smile while scrolling through his phone and that made her curious as to what they were talking about in their group chat.

Binalik naman ni Yohan ang cellphone nito sa bulsa at ginabayan na siya papunta sa sasakyan nitong naka-park sa harapan ng boarding house niya. Tinulungan siya nitong makapasok at naglakad na papunta sa may driver's seat, ngunit bago pa ito sumakay ay tumigil muna ito at tinawag muli si Gray.

"Abo!" he called and his friend look back at him. "Sabihin mo sa GC natin na mali ang balita ni Luis." Agad naman siyang napalingon dito at nakaramdam ng lungkot.

Kinakahiya ba niya ako?

Mukhang naguguluhan rin si Gray sa sinabi ni Yohan dahil napakunot ang noo nito. "Ha? Bakit Captain?"

Nakangiti si Yohan ng pagkalawak-lawak bago muling sinagot ang ka-teammate."Sabihin mo mali ang balita niya na girlfriend ko si Apple Pie, dahil hindi ko lang siya girlfriend . . . asawa ko siya." 

Agad naman siyang namula dahil sa narinig at napaiwas ng tingin nang tuluyan ng pumasok si Yohan sa sasakyan. Nahagip pa niya ang mukha ni Gray na parang masusuka sa sinabi ng Captain nito ngunit mukhang sinunod pa rin nito ang utos ng lalake dahil nakita niya itong nagtitipa sa cellphone nito.

Si Yohan naman ay parang tangang nakangisi habang pinapaandar ang sasakyan. "Saan mo gustong kumain?" he asked while beaming happily at her. Siya naman ay namumulang napaiwas muli ng tingin sa lalake.

Homaygad! Nai-inlove ako lalo sa lalakeng ito!

"Langga?" tawag muli sa kaniya ni Yohan at hinawakan ang kamay niya ngunit napaigtad siya papalayo dito. Mukhang hindi naman nito nagustuhan ang ginawa niya dahil napakunot ang noo nito at para bang nag-360° ang mood. "Galit ka?"

"Hi-Hindi . . . Hindi!" agad niyang ika. "Take-out na lang tayo. May gusto sana akong subukan," pag-iiba niya sa topic na mukhang gumana naman dahil bumalik ang ngiti sa mga labi ni Yohan

"What do you want? I'll buy it for you," eager nitong sabi sabay halik sa kamay niya.

Why does he look like a puppy?!

Napakagat naman siya sa ibabang labi niya upang mapigilan ang tili at kahit na nahihirapan ay sinagot ito. "Uhmm . . . Gusto ko sanang i-try yung parang bibili tayo ng iba't-ibang pagkain sa iba't-ibang fast food drive thru."

Tumango-tango si Yohan na mukhang naintindihan ang sinasabi niya bago biglaang nag-lean papalapit sa kaniya at nagnakaw ng halik. "I love you, langga," he whispered before going back to his seat and started the engine.

Siya naman ay naiwang tahimik doon at pinipilit pa ring i-process ang nangyari. Buong biyahe ay ganuon lamang siya at paminsan-minsan ay mabibigla dahil ipinapatong ni Yohan ang kamay nito sa may bandang tuhod niya. Kapag kailangan naman nito ang dalawang kamay sa pagda-drive ay iaalis nito ang kamay ng ilang minuto tapos ibabalik kaagad. 

They ended up buying one bucket of chicken joy and two large fries in Jollibee, chicken nuggets in McDonalds, chao fan in Chowking and lasagna in Greenwich. Kinain nila iyon sa sasakyan nito at nag-usap lang. She was so awkward around him, but Yohan was so . . . clingy? Iyon ata ang tamang word sa ugali nito ngayon sa kaniya. Hindi siya sanay at hindi niya alam kung kaya ba niyang masanay.

Matapos nilang kumain ay nagtanong naman si Yohan kung saan sila pupunta. He was letting her have the full reins over what they were gonna do today. "Saan tayo pupunta ngayon?"

"Hmm . . . supermarket siguro?" she suggested.

"Why? Do you wanna buy something?"

"Magluluto sana ako ng adobo para dalhin sa inyo. 'Diba doon tayo magdi-dinner?"

"You don't need to bring anything. Maraming pagkain sa bahay," wika ni Yohan ngunit inilingan niya lang ito.

"Ipapakilala mo ako sa kuya mo 'diba? Kakahiya naman na wala akong dala. First impression matters the most ika nga ng iba," paliwanag niya dito. Mukhang pinag-isipan muna iyon ni Yohan bago sumang-ayon sa kaniya.

"Ok. I have to buy some stuff too," he agreed before turning the car in the direction of the supermarket. Mabilis lang silang nakarating dahil hindi naman iyon kalayuan sa kung saan sila nag-park para kumain. Hindi rin sila nahirapan maghanap ng parking space dahil walang gaanong tao ngayon. 

Agad naman siyang dumiretso sa supermarket ngunit bigla siyang hinawakan ni Yohan sa braso upang tumigil. Nilingon niya ito na may pagtataka sa mukha. "Bakit?"

"May bibilhin muna ako doon sa may mga appliances. Mauna ka na munang mag-grocery. Take whatever you want. I'll pay for it," ika nito at hinalikan siya sa noo bago naglakad na papunta sa appliances section. Siya naman ay nagpipigil ng ngisi habang hinahawakan ang parte ng kaniyang noo na hinalikan nito. 

Ghad! Ang hirap talaga maging maganda!

Dahil sa kilig ay para tuloy siyang tanga habang kumukuha ng cart. Kahit nga habang naglalakad siya sa kada aisle ay nakangisi pa rin siya at pinagtitinginan na ng iba pang mga shoppers. Kamuntikan na nga niyang malagpasan ang mga bibilhin sana niya at ilang ulit rin siyang nagpaikot-ikot dahil nakakalimutan niya ang mga aisles na nadaanan na niya. Habang namimili ay naisipan niyang kumuha na rin ng mga chichirya na pwede nilang kainin ni Yohan mamaya habang bumibyahe sila papunta sa bahay nito. Sinabi naman ng lalake na ito daw ang magbabayad kaya susulitin na niya. 

Nang makuha na niya ang lahat ng kailangan niya para sa pagluto ng adobo plus ang mga chips na kinuha niya kanina ay agad na siyang dumiretso sa may counter. Mukhang natagalan si Yohan sa kung ano ang binibili nito kaya siya na lang ang magbabayad para dito. Nakapila na nga sana siya sa may Counter 3 nang bigla niyang makita si Yohan na papalapit sa kaniya.

"Bakit ka natagalan?" tanong niya dito habang nakatingin sa mga plastic na dala-dala nito. Marami iyon at pawang malalaki kaya naman mas dumoble ang curiosity niya. 

"Ang taas ng pila doon," paliwanag nito sabay abot sa kaniya sa card nito. "Pay all of that using this. Hihintayin kita sa may exit." She nodded before watching him walk a few steps back. Hindi nga pala ito pwedeng pumasok doon dahil may dala itong gamit. 

Buti na lang ay mabilis-bilis ang cashier na nasa counter na pinilahan niya dahil ilang minuto lang ay natapos na ito sa kaniya. Since kakaunti lang naman ang binili niya ay hindi naman iyon mabigat. She walked towards Yohan and gave his card back while still looking at the stuff that he was holding.

"Para saan ang mga iyan?" curious niyang tanong habang tinuturo ang mga dala nito. Yohan suddenly took the plastic of groceries that she was holding and carried it for her too.

"Para sa kwarto mo," sagot nito sa kaniya habang pinipigilan siya sa pagkuhang muli ng plastic ng pinamili niya.

"Ha?" naguguluhan niyang tanong. 

"Nagtingin-tingin ako sa kwarto mo. Ang raming gamit na wala ka," he said before leading her to walk. Siya naman ay parang timang na nakatitig dito habang naglalakad. Nang makabawi ay mabilis niyang tiningnan ang mga dala nito. He bought humidifier, shoe shelf, reading lamp, laundry hamper, bed table and he even has a mini A/C.

"Tsk . . . 'Di ko mahanap yung ibang gusto kong bilhin," bulong nito na mas nagpanganga sa kaniya.

Hindi ata boyfriend ang nakuha ko, sugar daddy pala.

Continue Reading

You'll Also Like

307K 6.6K 53
Meet Zebren Blare, one of the richest people in there area of Nispero. He will be the heir to their businesses, he lost his mother early and his fath...
1M 15.8K 10
[ENGLISH]---[NOT A STORY]--- If you wanted to know what does a guy really feel then READ THIS !
1.9M 38.9K 43
In just a second, I became G-Dragon's girlfriend. Well.. unofficially that is. [Just for the ship. No bashing pls] [Warning: lots & lots of pagka-Je...
168K 10.4K 48
Wattys 2022 Shortlister "You are forever and always be my saviour. The love of my life. My guiding star in this dark world." Book Cover Illustration...