A Martial's Query (Saint Seri...

By gereyzi

24.2K 1.1K 789

6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'mald... More

A Martial's Query
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 14

453 29 23
By gereyzi

Chapter 14
Happier

"Liah, this is so easy!" may patutya na sabi sa akin ni Mildred- kaibigan ni Chano dito sa tindahan ng isda sa palengke.

Napapahiya akong tumango at sinunod ang ginawa nya.

I'm currently here in Tita Traise's fish store. May sakit ang anak nya at wala naman si Chano para humalili sa kanya dito kaya nag-volunteer na ako. Tita called me kasi, hindi pala alam na naka-alis na si Chano. It's been two weeks since he left. Everything's smooth naman. Wala lang din talaga akong magawa dahil kasama naman sa training sila Bianca. Ang kambal nama'y hiniram ni Daddy.

"Ouch!" daing ko nang mahiwa ang dulong daliri ko ng kutsilyo na panglinis ng isda.

"Tsk! Bakit kasi pumunta ka pa rito? Hindi ka naman pala marunong!" galit na sabi sa akin ni Mildred at kaagad akong dinaluhan.

Kanila Mildred ang palengke, hindi ko lang gets kung bakit nagtatrabaho pa sya dito. They're rich kaya!

"I just want to help," I shrugged. Napangiti ako nang makitang hinuhugasan niya ang daliri ko sa gripo na katapat namin.

"You just want to help? Paano kapag nakita ka ng ama mo rito? Buong palengke ay madadamay-"

"Chill, Mildred. Nagsabi ako sa daddy ko," pigil ko sa katarayan nya. Inirapan nya ako bago muling bumalik sa ginagawa.

"Kailan ba kasal nyo ni Chano, ha?" biglang lingon ulit sa akin ni Mildred makalipas ang ilang sandali.

"After siguro ng graduation ko? I don't know," I shrugged. "Why?"

Kunot noo akong tinitigan ni Mildred. May nilingon sya sa gilid bago ako muling binalingan. "Wala naman. It's just that... protect your relationship with him at all cost, Liah."

"Yeah," I agreed. "Alam kong mahirap mag maintain ng relationship -"

"Hindi lang yan, Liah," putol sa akin ni Mildred. Hinigit niya ako palapit sakanya kaya nagulat ako. "Chantal's family is rich rich. Ilang beses na yatang pumunta ang magulang non dito."

"Ha? Bakit?" takang-taka kong tanong.

Mukhang uncomfortable si Mildred nang lingunin niya ang paligid. Mas lumapit siya sa akin. "Si Aling Traise ang pinipilit nila na pakiusapan si Chano na bumalik kay Chantal."

"Ha? Bakit? Akala ko ba ayos na si Chantal at Chano-"

"May mental disorder yata si Chantal," bulong ni Mildred. "Grabe daw ang atake noon kapag naiisip daw na break na sila ni Chano."

"And?" usisa ko.

"I'm pretty sure igi-guilty trip ka ng magulang no'n soon. They think you'll give him up-"

"Sorry, wala akong konsensya," bigla kong layo kay Mildred. Nakita kong ngumisi siya at tumango.

"Halata naman," she agreed. Natawa na lang ako at ipinagpatuloy ang trabaho.

Bahagya pa rin naman akong natigilan dahil doon. Hindi ko maiwasang mamroblema dahil sa dami ng taong dapat kong problemahin, tapos... wala pa si Chano.

"Wow!"

Mula sa paglilinis ng isda ay muli akong natigilan nang may marinig akong pamilyar na boses. Kunot noo kong nilingon si Jan at ang grupo nya. Maarte syang naglakad palapit sa aking pwesto habang nakangiti.

"Practicing?" she asked, mocking.

"What do you mean?" tanong ko. Nakita kong lalapitan na dapat ako ni Mildred pero kaagad ko syang inilingan kaya wala syang nagawa.

Ayaw ko syang madamay.

"This. Selling?" ngumiti ulit si Jan at sinundot pa ang isda kaya mabilis kong inalis ang kamay nya sa kanyang kabastusan.

"Pwede bang umalis na kayo-"

"Why? Natatakot kang malaman nila na ang pinaghahandaan mo ay ang future mo?" she asked again with a playful smile. Inilibot pa nya ang kanyang paningin dahil tinitingnan na kami ng ilang napapadaan sa aming pwesto.

"She's afraid that they might know na isa syang..." sabi ng isa sa kasama ni Jan. Nagtinginan sila at sabay-sabay na sinabing, "Ampon!"

Malakas ang pagkakasabi nila noon at nagtawanan pa kaya mas nakakuha kami ng atensyon. Kaagad na kumulo ang dugo ko dahil doon pero pinilit kong kumalma.

Hindi pagganti ang sagot sa lahat.

"Di ba, Liah, ampon ka? Isa kang abandonado na tao na walang ginawa kundi gawing coping mechanism ay ang pagtataray?" Jan asked again. Muli syang lumapit sa akin, hinawakan nya ang collar ng damit ko. Binitawan din nya iyon matapos gawin at hinarap ulit ang mga tao. I saw how others point their camera to me.

"Alam kong kilala nating lahat si Great Ameliah!" sigaw ni Jan. "Great Pretender Ameliah!" nagulat ako doon lalo na nang itaob niya ang lalagyan ng isda sa akin. I was frozen at that.

"What the heck is your problem? Bakit ba ako ang pinag-iinitan mo?" mariin kong tanong at hinigit sa braso si Jan. Halatang nagulat sya sa ginawa ko pero nakabawi rin agad.

"Why not?" she smirked. "Ang unfair naman siguro kung sinasamba ka ng lahat kahit isa ka naman talang peke!" she added.

Malakas kong itinulak si Jan dahil doon.

"Papa, yang mga yan!"

Hindi natuloy ang akmang paglapit sa akin ni Jan nang may dumating na grupo ng kalalakihan, kasama ni Mildred.

"Anong problema rito?" tanong ng papa ni Mildred.

"See you, Great Ameliah!" paalam ni Jan at mabilis na umalis kasama ang mga kaibigan na tawa nang tawa sa akin.

"Ayan, ang dumi na tuloy! Dapat kasi lumaban ka, e!" ani Mildred bago ako higitin paalis ng palengke.

"O, ito, isuot mo!" galit pa ring sabi ni Mildred nang makarating kami sa bahay nila. Malaki iyon pero simple lang.

"Salamat, Mildred."

"Sabihin mo kay Chano, ito, ha?" nag-aalala nyang sabi kaya tumango ako. "I'm pretty sure na tutulungan ka no'n," she added.

"Totoo naman mga sinabi nila," mahina kong sagot. Natigilan si Mildred at taas-kilay na namewang sa aking harapan.

"Okay, and so? Kelan pa naging big deal ang pagiging ampon? At least may nag-alaga sa'yo!" she spit out. Tumango ako.

"Alam ko naman yan," malumanay akong ngumiti. "It's just that... they think I'm perfect, some think I have this bad side and all that, kaya pilit akong hinahanapan ng butas para maging bullied nila."

Bumuntong hininga si Mildred at tumango. "Wala akong masasabi dyan dahil wala naman ako sa kalagayan mo. Sorry."

"Ayos lang," agap ko. "Enough na yung pagiging nandon mo kanina."

Matapos ang paglilinis ko ng katawan sa bahay nila Mildred ay dumiretso na ako sa bahay nila Dad... only to find out that he's gone kaya si Mommy ang nag-aalaga sa mga bata.

"Mukhang ayaw nila sayo," bulong nya nang makita na nilingon ko ang dalawa na ngayo'y kalaro si Bella.

"Mom, let us go home," lakas loob kong sabi.

Kinakabahan na ako sa totoo lang. Pakiramdam ko'y padagdag nang padagdag ang alalahanin ko habang tumatagal.

"Oh my, Ameliah," malambing na sabi ni Mommy. Akmang may sasabihin pa sya nang biglang dumating si Serpent at dumiretso sa akin.

"Ate, ano 'to?" tila galit niyang tanong. He then showed me his phone. "Bakit hindi mo sabihin 'to sa asawa mo?" he added.

"Not asawa yet, anak," agap ni Mommy. Sinimaan sya ng tingin ni Pento.

"Mommy, quit acting like a child for once!" pasigaw nyang sabi kay Mommy saka ako hinigit sa kamay. "Kids!" tawag pa nya sa dalawang bata na gulat din namang sumunod.

"Nanay, what's happening?" nagtatakang tanong ni South nang makarating kami sa bahay. I smiled at her.

"Punta muna kayo sa room nyo," utos ko. Nagkatinginan pa ang kambal bago sumunod.

"Call Chano, Ate!" frustrated na sabi ni Serpent. Tumango ako at hinagilap ang aking cellphone. "You're trending, Ate! With three hundred thousand of tweets!"

"What?" gulat na gulat kong tanong.

"Wag mo na tingnan! Just call your fucking husband!" sigaw ni Pento. Mas nagulat ako dahil mukha talaga syang seryoso kaya tumango ako at kumilos na.

As his order, I dialed Chano's number. Walang sumasagot dahil sigurado akong busy sya ngayon.

"He's not answering..." kabado kong sabi. Ilang malulutong na mura pa ang narinig ko mula kay Serpent bago siya tumango.

"Just... just go to your room. Wag ka munang pumasok bukas," aniya. Nagtataka akong lumapit sa kanya.

"Is there a chaos? Big chaos?" tanong ko. Mas bumigat ang pakiramdam ko nang hindi ako sinagot ni Serpent. Niyakap lang nya ako.

"Please, be prepared. You'll get through this," aniya.

Wala akong alam kaya tumango na lang ako at nagpaalam na pupunta nang kwarto. Nang makapasok ako sa kwarto ay kaagad kong kinuha ang aking cellphone. Binuksan ko ang aking account at halos mag-lag ang aking cellphone dahil sa dami ng notification. I viewed some of the post.

And yes, Jan exposed me. Good for her.

Pinatay ko ang aking cellphone matapos kong tingnan ang ilan sa posts. Yung iba super offensive pero... huhupa naman 'to, di ba? Di ba?

Huhupa naman yung mga edited pictures nila, right? Yung mga edited pictures nila na pinagmukha akong bold star? I'll have peace naman soon ulit, di ba? All I have to do is continue my life. Ganoon naman ang buhay ngayon.

'Liah, the fake one.'

'She's using everyone around her.'

'She actually deserves to die. Para naman mapayapa na si Chano. LMAO'

Ganyan lang naman yung posts nila, e. Huhupa rin yan.

Matapos ang araw na iyon ay akala ko may klase kinabukasan. Hindi ko na ulit binuksan pa ang cellphone ko dahil sa takot na baka may makita na naman ako. Actually, relieved din ako kasi... at least wala akong gagawin. I'll have a time for the two.

Well... that's what I thought.

"Nanay, no!"

Nanginginig kong pinanood ang pagluha ni South habang pilit silang binubuhat ng mga katulong ni Mommy palabas ng bahay.

"Nanay, you promised us you'll be with us forever!" galit na galit na sigaw ni North. "You traitor! You liar!"

Actually... wala akong maramdaman, e. Pakiramdam ko nakalutang ako habang yung totoong mundo ko ay unti-unti nang nagugunaw. Hindi ko alam ang nangyayari. Bakit ganon? Parang ang bilis?

"I'll prohibit Serpent to come here. Iwas issue rin," ani Mommy na ngayo'y may bubble gum pa at akala mo'y walang nangyayari.

"Mom, why are you doing this?" kalmado at naguguluhan kong tanong. She smiled.

"Simple, hija," she replied in her sweetest voice. "I want you gone here. I want you so far far away from us."

"You'll never see me leaving then," I smiled at her. Bumuntong hininga ako. "Pakialagaan yung dalawa, ha? Saka si Dad, wag mo pasalihin sa gulong ginagawa mo."

Umamba akong aakyat na sa hagdan nang matigilan ako sa sinabi ni Mommy.

"Si Chano, huwag mo kausapin, ha?" she said. Nilingon niya ako at nginisian. "If you really love this place, love this till you can. I'll make sure you're leaving it with full of hate in your heart."

Nang mawala si Mommy ay natulala na lang ako. Naupo ako sa hagdan at nangalumbaba na nilingon ang mansyon na ngayo'y madilim at sobrang tahimik. Pinipilit kong may maramdaman na bigat sa akin pero wala akong maramdaman. I don't even know what to feel.

Bumuntong hininga ako at muling inilibot ang aking paningin. I started biting my nails while tapping my feet on the stairs.

The following days were the most boring days of my life. Nakailang uwi yata si Chano pero never kaming nagkita dahil busy sya sa pagpapauli uli dito at sa Japan. I'm busy too. Busy thinking kung paano makakaiwas sa bullies. Putang ina. Umuuwi rin si Chano sa bahay namin, hindi na lang ako nagpapakita. Baka akala nya ay na kila Mommy ako at busy.

Nakakahiya kasi kung makikita nya akong talunan. Baka sabihin nyang hindi nya ako pinalaking ganto.

Sa halos isang linggo na lumipas akala ko wala akong mararamdaman, pero mali. Unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa galit na unti-unting numumuo sa akin

"Leave me alone," una ko na kay Jan nang makita kong mauupo sya sa tapat ng inuupuan ko rito sa cafeteria. Another hell week.

"Aww, ayaw mo na sa akin?" she asked. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain, as if wala akong alak na naamoy sa damit ko. They spill some to me para mapagalitan ako ng teachers.

"Ayaw ko sayo mula una," sagot ko. Tumayo na ako at dinala na ang tray ng pagkain ko sa basurahan.

I was wrong, akala ko nung una ay hindi ko kailangan si Dad. Nagsisisi ako ngayon na hindi agad ako humingi ng tulong. Nakalipad na sya papuntang Mindanao dahil sa may binabantayan na mga kalaban. Pilit ko namang iniiwasan ang mga kaibigan ko dahil ayaw kong madamay sila.

"Not so fast, aba!" biglang may humigit sa damit ko.

"So, paano kayo ng step bros mo?" tanong ng lalake. Ang lahat ay nakatingin na naman sa amin. "You do sex? Siguro pasa-pasahan ka nila kaya gustong-gusto mo sa pamilya na 'yon?" he asked.

Nag-init ang gilid ng aking mga mata dahil doon pero pinilit kong magpakatapang. Nanatili akong nakatingin sa kanila habang ang ilan ay rinig na rinig ko na ang tawanan.

"Masarap ba, Liah?" tanong pa ng isang puta. Nagtindigan ang balahibo ko nang maramdaman kong may humawak sa hita ko. "Ganto ba ang alaga nila-"

"Putang ina mo!"

Natigil ang lahat nang humandusay ang lalake. Kitang kita ko kung gaano kagalit ngayon si Romulo habang nakatingin sa lahat. Bago pa niya ako lingunin ay naglakad na ako palayo.

"Isa pang bully, Agnes! Putang ina lang talaga!" banta ni Rom sa lahat bago ko siya naramdaman na sumunod sa akin.

Nang nasa labas na kami ng cafeteria ay hinawakan niya ako sa kamay. Kaagad kong iwinaksi iyon at nagpatuloy sa paglakad. Palagi na lang ako tulala. Tsk!

"Liah, ano ba?" habol ni Rom. Akma nya ulit akong pipigilan nang harapin ko na sya at duruin.

"Isa pang lapit ng kung sino sa akin, ako na tatapos ng lahat ng putanginang problema ko!" banta ko sa kanya. Lumapit ako at itinulak sya palayo. "Hindi kita kaylangan! Wala akong kaylangan ni isa sa inyo. Paalis ka na rin, di ba?"

"Liah!" it was Drake this time. Akma syang lalapit nang umatras kaagad ako.

"Isa ka pa. Huwag nyo akong lapitan. Kaya ko sarili ko!"

Nang matahimik sila ay nagpatuloy na ako sa paglakad. Ramdam na ramdam ko ang tingin sa akin ng bawat nadaraanan ko. Rinig na rinig ko rin ang bulungan at tawanan ng lahat. Ang dating payapa at paborito kong kapaligiran ay unti-unti ko nang kinagagalitan. Ayaw ko ng ganitong feeling.

"Uh, Liah? Why don't you change your clothes, first?" tanong ng prof sa akin nang magsimula ang panibagong klase sa araw na ito.

"What's wrong with it?" tanong ko.

"It looks like a fake daw," sagot ng blockmate ko. Matapos iyon ay nagtawanan sila.

"Class!" saway ng prof. "I don't tolerate that here, ha! Huwag nyong idamay ang klase ko!"

Wag idamay ang klase nya. Klase nya lang.

"I'll change," paalam ko at tumayo na kaagad.

"You smell like shit!" paranig sa akin ng mga nadaraanan ko. Hindi ko na lang pinansin at tuluyan na rin akong umalis ng school.

Pero kahit saan naman kasi... may manggugulo sa akin. Pinili ko na lang na maupo sa waiting shed ng crossing. Sa harapan noon ay may napakalaking screen para sa ads at news flash. Syempre hindi ako ligtas. Kitang kita doon kung paano ako pagtawanan ng tao sa balita. Ang dati ring seven million na subscriber ko sa YouTube ay bumaba na sa five hundred thousand. Okay lang.

Sa ilang poste sa paligid ay may mga pangbubully rin na nakadikit tungkol sa akin.

I just don't get this shit. Kung bakit ba napaka-big deal ng pagtatago ko ng totoong pagkatao. Wala naman akong inapi. Kahit anong pag-unawa ko wala akong maunawaan. Biglang naglalabasan din ang mga scandal na walang katotohanan. Day by day mas lumalala ang ginagawa nila sa'kin.

It's just... unfair. Pakiramdam ko pati ang pagkagalit ay bawal na. Feeling ko pati yon ay makakadagdag sa kasalanan ko.

Ang masasakit kong paa ay hinilot ko. Hindi na ang ballet ang dahilan ng pananakit noon ngayon. I had to run kanina para lang makaabot sa bus na ayaw akong pasakayin papunta school. Hindi rin naman ako nakasakay kaya napilitan akong maglakad.

Hindi ko lang in-expect na ganto pala na hirap ang mararansanan ko. Bakit ako lang ang nakakaranas nito sa lahat ng sinungaling-

"Pare, patawagan naman ako kapag nakita mo, ha?"

Natigilan ako nang may marinig akong boses mula sa may di kalayuan. Parang may kausap sa cellphone. Bago pa siya makalapit ay naglakad na ako palayo dahil nakita kong si Chano iyon. Saglit pa akong nagtago sa poste para pagmasdan ang kagandahan nya bago ako tuluyang umalis.

I miss him so much.

Hindi na ako umuwi sa bahay nang araw na iyon. I decided to stay in my dorm. Mas payapa doon at sigurado akong hindi iisipin ni Chano na naroon ako.

"Hays!" I sighed for the nth time. Pagod na pagod akong tumingala sa kisame at dinama ang malambot na kama.

I don't have any gadgets with me. Pera na mga kinita ko mula sa vlogs at libro ang ginagamit ko ngayon. I have to spend less. Marami naman akong pera pero naghahanda rin ako sa possible na desisyon na gagawin ko.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. I wore my hoodie jakcket before storming out the dorm. Sinigurado ko muna na walang tao na nasa paligid bago ko nilakad at train station. Maaga pa kaya sure akong walang tao. Sa loob pa rin naman ako ng Saint Avenue. Gusto ko lang makaalis agad sa dorm bago pa ako simulan nila.

"You're here."

Mula sa pagkakasubsob ko sa aking dino-drawing ay kabang-kaba akong nag-angat tingin. Akma akong tatayo na nang kunot-noong naupo sa harapan ko si Shawntell Manzanilla.

"I have extra coffee with me. Have it," aniya. Parang wala siyang pake na naupo. Mabilis ko namang inilibot ang aking paningin sa loob ng library, walang tao kundi kami.

"I... I'm full-"

"I fucking said, have it!" mariin na sabi ni Shawny. Kinuha pa niya ang kamay ko at doon inilagay ang cup ng kape. "I am so damn mad at you for hidng and letting them hurt you," she added in her very cold voice.

I bit my lower lip and had no choice but to sip the coffee. Sakto, hindi pa ako nag-uumagahan.

"I don't deserve this but I can't fight them-"

"You Chano, Liah," she cuts me off. Natameme ako at tumango.

"I know," I replied. "Pero... ayaw ko syang madamay."

"Liah..." may banta nyang sabi.

"His father talked to me" umpisa ko. "Kapag hinayaan ko raw si Chano na lumapit sa akin ay hindi raw nya itutuloy ang pagbibigay ng company. I... I'm not selfish, Shawny."

"Of course, you're not selfish... but is coward enough to fight for your rights," ngumiti si Shawny. Hindi ako nakaimik dahil parang isang malakas na sampal iyon.

Ilang sandali pa na natili si Shawntell sa aking harapan. Wala siyang sinasabi pero naupo lang sya sa harapan ko. May ilang tao na rin ang nakakakita sa amin, ayaw pa rin nyang umalis.

"Umalis ka na," mariin kong sabi makalipas ang halos isang oras. Ang ilan ay masama na rin ang tingin sa kanya.

"Aalis ako kapag umalis ka na rin," aniya. Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy sa pagkain. "I'm gonna throw a hand anytime here, Liah."

"Shawntell, please," nanghihina ko nang pakiusap. Tinitigan nya ako saglit bago sya bumuntong hininga at tumango.

"Okay..." she replied. "Basta pagka tayo ko ay tatayo ka na rin dyan at lalabas... or kakaladkarin kita."

Naiinis akong tumango kay Shawny. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako kasi nakakramdam ng init ang puso ko dahil sa kabaitan nya. Dapat inaaway nya rin ako. Hindi dapat ganto.

Gaya ng gusto ni Shawntell ay sumabay ako sa paglabas nya. Ang mga kaninang nakaabang sa akin ay mga walang nagawa nang makita na kasabay ko siya. Nang makarating sa labas ay kaagad na akong humiwalay sakanya with her last words.

Too sharp but overwhelming.

"I never thought that the martial we all know is this coward. Endure everything if you don't want to fight. Leaving is all you need."

Leaving...

No.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 80.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
160K 1.6K 78
Lumaki sa isang mapang-abusong ina si Katrina, sa murang edad ay pinasok niya ang kung anong matinong trabaho na pwedeng pasukan upang makapagtapos l...
46.5K 976 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
280K 17.4K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...