SIMPER

By shesmellslikecoffee

68 13 6

Florissa Contreras, a woman who's just trying to live a normal life. She has the ability to see the past in h... More

SIMPER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3

Chapter 4

6 1 2
By shesmellslikecoffee

------

It's already 12 am yet I'm still awake. I can't get Theo out of my mind, nakakainis. Yung mga ngiti niya kasi, that's something that I want to capture. Ewan ko ba kung bakit ganoon. Siya naman kasi eh!

He's being nice to me and everything. He even let me witnessed that kind of view na meron sa taas. I'm still in shock that the brother of the owner did tour me to the house of president.

"May Facebook kaya siya?" I asked out loud.

Theo patulugin mo naman ako. Bumangon ako at umupo sa harap ng salamin. Tingnan ko ang sarili ko, something was off. Parang iba ang naramdaman ko nung humarap ako sa salamin.

This mirror lived for longer years. Galing pa ito sa ninuno ko. Sabi ni mama noon, nasunod daw ang bahay ng ninuno ko but this mirror stayed. I don't know how, pero makikita pa rin ang bakas sa mga corners nito.

"Gusto kong makalaya..." I unconsciously said.

Napatakip ako sa along bibig. Why would I say such thing? I didn't even think about it. Sadyang lumabas lang ito sa along bibig. This past few days seems odd to me.

Hindi ko alam kung bakit minsan na lang ay may nasasabi ako kahit hindi ko naman inisip na sabihin. Plus, it's out of the topic. Epekto ba ito ng mga drinks sa star café? Maybe yun nga.

---

Sa dami ng inisip ko kagabi ay inabot ako ng 4 am para dalawin ng antok. Nung tingnan ko ang sarili ko sa salamin ay agad kong napansin ang dark circles sa mata ko. Ano ba yan? Kagabi lang naman ako hindi nakatulog nang maaga eh tapos magkakadark circles agad?

Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Mila? Oh, iniwan ko pala sila kahapon. Geez, baka papaulanan na naman ako non ng mga tanong. I nearly forgot that Ella's already part of us too. I smiled at the thought of us being trio.

At yun nga, sa gate pa lang ay nakasimangot nang nag aantay sakin si Mila at Ella. Para bang inaantay akong mag explain sa kanila. Mila crossed her arms while Ella's just waiting there.

"Explain." Saad ni Mila trying her hard to sound authoritative.

"Ano? Pakiulit nga Mila, it's so not you ah. Pakiulit please." Nanunudyong saad ko kaya tinampal niya ako sa braso pero natawa rin.

"Ano ba, I'm being serious don't make me laugh!" Inis na saad niya.

"But you know you can't be serious right? Matatawa ka lang sa sarili mo kapag tinuloy mo yan." Saad ko at bumaling kay Ella.

"Hi Ella, good morning. Ayos ka lang ba?" Tanong ko naman.

"I'm fine. Hinanap ka namin ni Mila kahapon, where did you go?" Tanong niya sa akin.

"So should I be jealous? Binati mo siya ng good morning and asked her if she's okay. Ba't ako, hindi mo man lang tinanong?" Pagreklamo ni Mila at ngumuso.

Niyakap ko siya at pinisil ang magkabilang pisngi.

"Naku, nagseselos ang kaibigan ko. Tatanongin din naman kita eh, pinangunahan mo lang ako. 'wag ka nang magselos. Titreat ko kayo mamayang lunch, ayos ba?" Saad ko.

"Sige na nga! Oo ayos 'yun." Saad nya habang naka krus ang mga braso.

Napailing na lang ako bago kami sabay na naglakad papasok sa campus.

Hindi pa man kami nakakalapit sa room, isang pamilyar na lalaki ang nakatayo sa labas at mataman na nakatitig sa akin. Matutuwa pa sana ako kung si Theo 'yun kaso hindi, si Simper ang nakita ko.

"Si Simper 'yun ah! Ikaw ba ang inaantay niya Issa?" Tanong ni Mila.

"ha? Hindi! Hindi naman kami magkakilala." Sagot ko.

"Pero bakit ganiyan siya makatitig sayo?" Tanong naman ni Ella.

Maging ako ay nagtataka rin kung bakit niya ako tinititigan. At mukhang inaantay na makalapit. Parang gusto ko na lang tumakbo palayo.

Nang tuluyan na kaming makalapit ay bigla siyang tumayo ng maayos at lumapit sa aming tatlo. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Mila sa braso ko.

"Can I talk to you, Florissa?" Bungad niya na ikinagulat ko.

Papaano niya nalaman ang pangalan ko?

"Issa, kakausapin ka raw." Marahan akong siniko ni Mila sa tagiliran.

"A-ano... bakit?" Taka kong tanong.

"Basta. Girls, can I have her for a minute? Hindi pa naman nagsisimula ang klase." Saad niya at ibinalik sa amin ang tingin pagkatapos niyang tingnan ang kaniyang relo.

"Sure, kung gusto naman ni Issa." Sagot naman ni Ella at tumango si Mila.

"Sige at sana ay hindi masayang ang oras ko." Seryoso kong saad.

Pumasok na muna si Ella sa loob ng room, si Mila naman ay pumunta na sa kaniyang klase. Hinayaan na muna akong kausapin nitong si Simper. Kumunot ang noo ko nung nagsimula siyang maglakad patungo sa dulo ng hallway.

Ganoon na ba ka-private ang pag uusapan namin at kailangan pang lumayo sa classroom?

Medyo kinabahan din ako dahil ang weird niya. Ayoko ng presensya niya masyadong mabigat at malamig sa pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit.

"I'm sorry." Napaangat ako ng tingin.

"Para saan naman?" Tanong ko.

"For that day, siguro ay nagkamali ako ng hinala." Saad niya.

"Siguro? Nagkamali ka talaga." Seryoso kong saad.

"No, hindi pa ako sigurado don." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Kung 'yun lang ang pag uusapan natin, siguro ay pwede na akong bumalik." Wika ko.

"Can I ask you a favor then?" Tanong niya.

"Ano 'yon?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Tingnan mo ako sa mga mata." Ang lamig ng pagkakasabi niya non.

My heart suddenly beat so fast. Not romantically. Kaba ang nararamdaman ko ngayon. Ayokong tumingin sa kaniya.

May alam ba siya tungkol sa akin? Gusto niya bang subukan kung totoo ang abilidad ko?

Yumuko ako. Parang hindi ko yata kayang tingnan siya sa Mata.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" Tanong ko.

"Tingnan mo lang ako sa mga mata." Ang lamig ng boses niya. It chills me, I don't like the way it feels.

"Kapag ginawa ko ba, lalayuan mo na ako?"

"It depends." Sumama naman ang timpla ng mukha ko nang sabihin niya 'yon.

"It's not fair. Ayokong gawin ang pinapagawa mo." Saad ko at umiwas ng tingin.

"Why? Dahil ba alam mong tama ang hinala ko?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I don't know you. Hindi ko rin alam kung anong pinagsasabi mo. I'm lost." Wika ko.

"You're lost because you don't know anything." Saad niya.

"Hindi ako ang hinahanap mo. I don't even know you, I don't know what you want." Konti na lang ay makakasapak na ako ng tao eh.

"Simply just do what I said." Maawtoridad ang pagkakasabi niya non kaya tumaas ang kabilang kilay ko.

"Sino ka ba para utusan ako?" Tanong ko.

"I'm Simper." Sagot niya.

"Oh tapos? Tingin mo makakatulong 'yan?" Pagtataray ko.

"Malapit nang magsimula ang klase, do it. I'll stay away from you, if this won't work." Saad niya na ipinagtaka ko.

Ano bang dapat mag work?

"Baka pagsisihan mo." Saad ko.

Ayokong makita ang nakaraan ng kahit na sino. Ayokong makita ang mapait na nakaraan. Sabi nga nila hindi na dapat inuungkat ang nakaraan pero bakit ganito ang ipinamalas na kakayahan sa akin.

"Wala akong pagsisisihan." Seryoso niyang saad kaya huminga ako nang malalim bago tingnan siya sa mga mata.

Natuod ako sa kinatatayuan ko nang magtama na ang tingin namin. Napahawak ako sa ulo ko at ibinaba ang tingin. Naramdaman ko na lang na nasa bisig niya na ako bago pa man ako mawalan ng malay.

----

"Kailangan mo akong tulungan."

Boses ng babae ang narinig ko. Pamilyar pero hindi ko alam kung kanino nanggaling 'yon.

"Kailangan mong makinig sa akin."

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Mukha ni Simper ang bumungad sa akin. Napaupo ako at bahagyang napaatras. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang mga nangyari.

"Ayos ka lang b-" hindi ko siya pinatapos magsalita.

"Huwag mo along kausapin. Hindi kita kilala. Huwag mo na akong guluhin pa." Saad ko at kinuha ang bag ko na nasa gilid.

Agad na akong umalis bago pa man niya ako pigilan. Sakto namang magsisimula na ang pangatlong klase namin ngayong araw kaya pumasok na ako. Agad naman akong sinalubong ng dalawa kong kaibigan sa hallway.

"Issa! Saan ka galing?" Tanong ni Mila.

"Clinic." Tipid kong sagot.

"Ha? Bakit? Anong nangyari?" Concerned na tanong ni Ella.

"Wala naman. Medyo nahilo lang kasi ako, pero ayos naman na ako ngayon." Saad ko at nginitian sila.

Laking pasalamat ko nang tumunog na ang bell. Ayoko na munang makipag usap. Masyado pa akong naguguluhan sa nangyari kanina.

Sino ka ba talaga Simper?

=Flashback=

Nang iangat ko ang mga mata at saktong nagtama ang among paningin.

Bigla kong nakita ang mga pangyayari. Sari saring pangyayari ang nakita ko at hindi ko makalap kahit isa sa mga pangyayaring 'yon. Masyadong marami ang nakikita ko.

Kung sa movie man ito, ay parang naka fast forward ang lahat ng pangyayari. Pinilit kong intindihin kung ano ang mga nangyari pero hindi ko makita at hindi ko makontrol.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglaang pagsakit nito. Dahil na rin sa pagpilit kong intindihin ang mga bagay na nakita ko sa mga mata ni Simper.

Nakaramdam ako ng takot dahil katulad ko, hindi pang karaniwan ang abilidad ni Simper.

===

"Okay class, dismissed."

Hindi ko namalayang tapos na pala ang klase namin. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin ang paligid ko.

Wala rin akong naintindihan sa klase. Nang lumabas si ma'am ay nilapitan ako ni Ella.

"Issa, ayos ka lang ba?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

"Ha? Oo, ayos lang ako." Saad ko.

"Kanina ka pa kasi nakatingin sa kawalan. Mabuti nga at hindi napansin ni ma'am 'yun. Nag aalala na ako sayo." Wika niya.

"Ano ka ba, sadyang marami lang akong iniisip. Lalo na at may long quiz tayo bukas, hindi ba?" Saad ko.

"Oo nga pala, bukas na 'yun. Pero Issa, may nangyari ba? Medyo namumutla ka kasi." Aniya.

"Wala 'to, Ella. Baka nagutom lang ako, hindi kasi ako nakapag agahan kanina kaya siguro ganito." Sagot ko naman at inaya na siyang lumabas para puntahan si Mila.

Nang papunta na kami sa canteen ay ganoon din ang mga tinanong ni Mila sa akin. Sinabi niya ring namumutla daw ako at tinanong kung may nangyari ba. Parehong sagot ang ibinigay ko sa kaniya.

Sa totoo lang ay hindi naman ako gutom. Siguro ay sa takot ko kanina kaya ako namumutla ngayon. Nababahala ako, hindi malabong lapitan niya ako ulit at kausapin.

Ayoko nang makita siya. Ayokong malapitan niya. At mas lalong ayokong magtama ang mga tingin namin. Hindi ko kayang intindihin ang nakita ko sa mga mata niya.

Pero...

Alam kong hindi maganda ang nangyari. Kahit pa gaano kabilis 'yon nakikita kong hindi maganda ang nangyayari. Puro gulo. Hindi ko maintindihan. Nakakasakit ng ulo.

I don't know your past, Simper. I don't even want to know it. I don't want to get involve with you. Masyadong magulo.

------

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

118K 3.1K 46
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
347K 18.2K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...