Jude's POV
"Captain. You want to see me?" Tanong niya ng makapasok ako sa bahay nila. Andito ako sa Standhandinger Mansion.
"Doon tayo sa kwarto" sabi niya.
Naglakad kami patungo sa kuwarto niya at andito kami sa parang secret room niya sa loob ng kuwarto niya mismo. Umupo kami sa sofa.
"Here" sabay bigay sa akin ng folder.
"Captain sobra naman ito " sabi ko.
"I know pero naniniguro lang ako Marco. Batas at publiko ang kalaban ni Vedaclee ngayon. Panigurado ang Mom ni Trixie nagtatrabaho yun para makulong o madiin si Vedaclee. And that, incase lang." Sabi niya.
"Sino ba 'to Captain?"
"He's Mr. Jose De Jesus. He's a judge and also a loyal friend of Tito. Dad ni Insan. I talk to him and convince him to help Vedaclee if the case is going to lose."
Grabe, paano kinumbinsi ni Captain ang isang judge na kumampi kay Vedaclee. Incase if the case will might be lose. Lahit ako di ko kaya. Iba talaga si Captain.
"Pero Captain, alam ko na hindi si Veatrice ang pumatay."
"I know and I'm not doing this dahil hindi ako nagtitiwala kay Vedaclee. I know she is innocent . I know na kahit na ano pang sabihin ng tao. We don't care dahil kilala natin si Vedaclee." Tumango ako.
"Marco, Vea told me. Si Vedaclee, kaya niyang pumatay but that is her Father and she can't change that and she can't kill him. Why I'm giving you that as a backup? Ang akin lang, kung madiin si Vedaclee. May kapit tayo. I know it's not the right thing pero for now ito muna. Lalo pa kung ayaw natin na makulong si Vedaclee. Then after pagtulungan natin eh solve itong gulo na ito."
Tumango naman ako. "I get what you mean Captain."
"Don't worry, may nahire akong magaling na abogado para hawakan ang kaso ni Vedaclee. Ako na bahala sa lahat ng gastos and also I have to do some work para na rin mapalabas natin ang kung anong baho ng Ina ni Trixie."
"Thanks a lot Captain." Salamat dahil andito si Captain. Di naman sa hindi ko kaya pero yung lugmok na lugmok ka. Mabuti at may nakakapitan ka pa at yun ang kaibigan mo.
"No worries, kaysa naman makita ko lang kayong problemado diyan at ako walang pakialam."
"No, Captain, may problema ka rin" mas malaki nga ang problema nito eh.
Tumango siya at bumuntong hininga. "Yeah! But I'm doing this as much I can. It's for your own good." Sabay takip sa balikat ko. Di lang namin siya Captain sa basketball team. Kuya rin namin siya.
"Thanks Captain. I'll talk to Charles. May location siyang na trace. I should have to go there and search and try to find Vedaclee on my own and protect her."
"Well, you should but first talk to the lawyer that I hire and to that judge. Then go after Vedaclee. While you're there searching for her. Ako muna ang bahala dito sa mga kailangan pa."
"Thanks a lot Captain. As in maraming salamat talaga." Tumayo kami at walang malisya. I hug Captain.
-----
Trixie's POV
Maraming media na andito sa labas ng bahay namin.
"Excuse me! Excuse me!" Sigaw ko at nakikipagsiksikan. Mabilis namang binuksan ng mga maids ang gate at sinara rin ito ng makapasok na ako.
"MISS TRIXIE! MAY ALAM NA BA KAYO KUNG SAAN NGAYON NAGTATAGO SI VEDACLEE FUENTES NA SIYANG PUMATAY SA AMA NIYO?!" sigaw na tanong nung isang reporter. Di ko sila tinignan at sinagot man lang. Naglakad lang ako patungo papasok sa loob ng bahay.
"Si Mom?" Tanong ko sa isang maid.
"Nasa itaas ho Ma'am." Sabi niya. Umakyat ako ng hagdan. Naglalakad ako patungo sa kuwarto ko ng may marinig akong ingay sa labas. Ingay ng isang branch na naputol. Naglakad ako patungo sa may malaking bintana at tumingin roon sa labas.
Nakita ko si Mom nasa ibaba sa may garden. Akala ko ba andito siya sa itaas, yun ang sabi ng maid. May kausap siyang lalaki kaso nakatalikod ito sa gawi ko. Binuksan ko ng konti ang bintana.
"What now?"
"Don't stress me out. Nag iisip pa ako kung papaano ko siya mawawala sa buhay namin ng anak ko."
"Gusto mo bang ako na bahala sa kanya?"
"Gusto mo, ikaw na rin ang tatapos sa kanya gaya ng pagtapos mo ama niya?"
"Your right Darling. For that wala ng sagabal."
"She is not been found until now. Walang nakakaalam kung saang lupalop ng mundo nagtago ang babaeng iyon."
"Chill Darling. My men will work that out. Ang dapat saiyo ay magpaganda ka pa lalo. Para sobra kang maganda habang nakaharap sa media."
"Wag mo nga akong yakapin. Baka may makakita sa atin."
"Walang mag rereact sa mga maids mo dahil hawak mo sila. Ang pag ingatan lang natin ay ang makita tayo ng anak mo. Wala naman rito ang anak mo ngayon. Why don't you give me kiss Darling."
"Kiss and why?"
"For reward"
"What reward?"
"Reward for killing Gibson. Your ex-husband or husband? hahah what's the real score ha."
"Hmmm.. well you did a great job there. Muwahhh!"
"That was so sweet kiss Darling "
"Now, ang isa ko pang gagawin ay ang makuha ang yaman niya. Ang alam niya at pinaniniwalaan ko naman siya na si Trixie lang ang totoong anak niya. Nag iisang anak niya. Siguro naman kay Trixie nakapangalan lahat ng yaman niya noh."
"And that's for sure Darling."
Nagtago ako sa gilid at naghahabol ng hininga. Naglakad ako ng mabilis patungo sa kuwarto ko. Nilock ko ang pinto at naglean sa wall.
"Mom" umiiling ako habang naghahabol ng hininga. Di ko kinaya ang narinig ko kanina. Naalala ko rin naman yung mga sinabi ni Veatrice sa akin kanina lang din.
The father that you know, is the father of Vedaclee. Vedaclee is his one and only REAL daughter. Ikaw at ang ina mo. Sampid lang kayo."
"Namatay ang ina ni Vedaclee ng maliit pa siya kaya nagkarelasyon ang ina mo sa Dad ni Vedaclee. Actually iyang ina mo ginagamit lang ang Dad ni Vedaclee. Nabuntis ang ina mo sa ibang lalaki at itinago niya ito dahil di siya papakasalan ng Dad ni Vedaclee if malaman na nabuntis siya ng iba. At ikaw ang pinagbubuntis non."
"I don't care if you believe me or not. Alam mo ba na gumawa pa ang ina mo ng kuwento tungkol sa ina ni Vedaclee."
" Ginawa niyang masamang babae ito. Nagpa DNA siya kay Vedaclee at sa Dad nito. Pinalabas na negative ang result para sabihin na matagal na itong niloloko ng ina ni Vedaclee ang asawa nito. Na si Vedaclee ay anak sa ibang lalaki. Tanga naman si Gibson dahil naniwala siya sa kasinungalingan ng ina mo."
"Tinakwil niya si Vedaclee at nagpakasal siya sa ina mo. Ikaw ang pinalaki at itinuring na tunay raw na anak niya kahit na hindi. Dahil ang totoo, ikaw! Ikaw Ang anak sa ibang lalaki ng ina mo. Hindi ka isang Ahn. Hindi ka ka-ano ano ni Gibson Ahn na siyang tunay ama ni Vedaclee na ang tunay na pangalan ay Irish Ahn."
"Ano Trixie? Pahiya ka?"
"Di ko ito sinasabi sa iyo para magalit ka sa ina mo o magalit sa mundo dahil ang pagkatao mo isang malaking kasinungalingan. Na ang mismong ina mo ang gumawa ng hindi mabuti. Sinabi ko lang ito sa iyo. To prove na hinding hindi magagawa ni Vedaclee iyong krimen na binibintang niyo sa kanya dahil oo galit at kinamumuhian niya ang amang iyon. Na tinakwil siya at pinabayaan lang siya. Oo gustong gusto niyang gantihan ang ama niya."
"Oo, Dahil mahal ka ng tinuturing mong ama. Prinsesa ka nga eh. Kaya kung nasasaktan ka, nasasaktan rin si Gibson."
"Gusto ko lang malaman mo na. Kahit ganun ang ugali ni Vedaclee. Kahit kinasusuklaman niya at galit na galit siya sa ama niya. Kadugo niya parin iyon. Di niya kayang bahiran ng dugo ang kamay niya sa kadugo rin niya."
"NO!!!!!! " sigaw ko at pumikit habang yumuko. Umiiling ako habang umiiyak. I can't take it. I can't absurb everything I heard and I know.