Do You Believe in Magic?

By HirayaPaula

7.6K 335 106

Someone said that it was magic when two people fall in love. Toni fell in love with Lorenz in the right plac... More

-- Prologue --
-- 1 --
-- 2 --
--3--
-- 5 --
-- 6 --
-- 7 --
-- 8 --
-- 9 --
-- 10 --
-- 11 --
-- 12 --
-- 13 --
-- 14 --
-- 15 --
-- 16 --
-- 17 --
-- 18 --
-- 19 --
-- 20 --
-- 21 --
-- 22 --
-- 23 --
-- 24 --
-- 25 --
-- 26 --
-- 27 --
-- 28 --
-- 29 --
-- 30 --
-- 31 --
EPILOGUE

-- 4 --

179 7 4
By HirayaPaula

After that 'asaran incident' , tuwing may pagkakataong makasalamuha niya si Lorenz ay umiiwas siya. Ayaw niyang pag-isipan siya ng mga tao sa paligid niya na may gusto siya rito. Ayaw rin niyang isipin nito na nagpapansin siya. At sa totoo lang, ayaw niyang maasar siya rito dahil ayaw niyang makaramdam ng kilig at baka siya pa ang tumotohanan sa pang-aasar sa kanila. Hindi iyon mahirap alam niya. He was every girl's dream. 

Malayo pa lang ay alam na niya na kung sino ang makakasalubong niya sa corridor. Iiwasan niya sana ito, tulad ng ginagawa niya ng mga nagdaang araw pero mas nakakahiya kung gagawin niya ito. She really didn't want for their paths to cross because she couldn't help but blush. 

Nagkunwari na lamang siyang may hinahanap sa bag niya. "Good morning, Ms. Toni." the voice that can make girls kilig. Kunwari ay nagulat siyang napatingin rito kahit alam naman niyang makakasalubong niya ito -- oa ang pag-angat niya ng ulo.

She smiled. Like a highschool girl. "G-good morning." tumuloy na siya sa paglalakad. Naiinis siya sa sarili dahil nabulol pa siya sa harapan nito. 

Lorenz looked back at Toni. She really was cute and shy. He wanted to be friends with her. Alam niyang nahihiya ito sa kanya dahil sa pang-aasar ng mga katrabaho. He also knew na mas matanda siya rito ng apat na taon. Though sa work ay mas senior ito sa kanya dahil nauna itong pumasok sa eskwelahan nila, wala siyang nararamdamang ere sa dalaga. He found her mysterious. 

Ilang araw niya nang napapansing umiiwas si Toni sa kanya. Kapag nasa faculty room sila, ramdam niyang pinipigilan nitong mapadako ang tingin sa kanya kahit siya pa ang nagkukuwento. He knew because he was looking at all of them. He was always like that, he wanted everyone to feel that they belong to the group. He never wanted anyone to feel alienated. Kaya nabobother siya na iniiwasan ni Toni na makisali sa usapan kapag nandun siya. Although some of their colleagues told him that Toni was really kinda shy.

He cleared his throat first before talking, "Ahm, Toni…" nagulat man ay nagawa pa rin ni Toni na magmukhang kalmado nang lumingon siya sa tumawag. She raised her eyebrows signaling him to continue talking. "About Ma'am Pilar's despedida. Nag-usap kaming mga nasa faculty room kanina, may mga magsasayaw daw, kakanta. Partners , grupo, like that. Since ayoko sumayaw, they told me na ayaw mo rin daw nun. So, they suggested we should sing together. Ahh…" 

Hindi malaman ni Toni ang sasabihin. "Talaga ba? Loko talaga yung mga yun. E-ewan ko. Hindi ko pa sure. Baka tagapalakpak na lang ako." tumawa siya pakunwari. 

"I told you lang. Pero if you're uncomfortable, it's fine with me." Lorenz's voice got a bit unfriendly in an instant. 

Tipid siyang ngumiti. Ramdam niyang naiba ang mood ng kanyang kausap. "Thank you."

"Yah. Sige, go ahead." nauna nang tumalikod at naglakad si Lorenz. 

Inirapan ni Toni si Lorenz bago tuluyang pumunta sa susunod niyang klase. "Problema nun?" mahina niyang naiusal. He was friendly earlier, tapos biglang nag-iba ang tono nito. Hindi na lang niya pinag-isipan pang mabuti. Nakangiti siyang pumasok sa loob ng silid-aralan.

Lorenz got irritated at himself. Hindi niya napigilan ang sarili na maging arogante. Hindi naman siya nasaktan na parang ayaw ni Toni na maging partner sila sa kantahan pero nainis siya na parang hindi nito nafefeel na sinusubukan niyang makipagkaibigan dito. Hindi niya maintindihan ang sarili. Was he offended because this was the first time a girl resisted her charm? He couldn't answer himself. Pero naiinis siya. Naiinis siya talaga. Kay Toni? Sa sarili niya? 

"Hey!" si Michael, nakatingin pala ito sa kanya nang pumasok siya sa loob ng faculty room.

"Vacant time mo?" naitanong na lang niya rito.

Tumango ito. "Badtrip?" nakangiti itong nagtanong. "Makulit ba mga bata?"

Napailing siya. "No." 

"Ah… nakakunot ka kasi pagpasok mo. For the first time bro, I saw you like that." parang nang-aasar pa ito. "Lagi ka kasing nakangiti eh."

Kunwari ay ngumiti siya kahit hindi pa rin niya maintindihan kung bakit hindi maalis ang inis niya. "Really? Haha. No. Baka may iniisip lang ako." 

Maya-maya ay sunod-sunod na ring nagsidatingan sa loob ng faculty room ang mga kasama nilang guro. Breaktime. 

"Let's eat." magkakasunod na alok ng mga ito.

Napuno na ng masayang kwentuhan ang loob ng silid kasabay ng ingay ng pagnguya ng ibang sabik hindi lamang sa kinakain kundi dahil sa nalalapit na party para sa napamahal ng kaguro nila. 

Nagtaas ng tingin si Lorenz nang may pumasok sa pinto. Sa pag-oobserba niya, ito lagi ang pinakahuling dumarating sa loob ng silid -- mapa-breaktime man o uwian. Dedicated he could say. Hindi niya ring maiwasang humanga sa ganda ng mukha nito. Toni.

She looked shy nang halos lahat ng mata ay napadako sa pinto kung nasaan siya. Lahat kasi ng mesa ay nakaharap sa pintuan. 

"Kain na, Toni." alok ni Michael.

"Day, lika na. Pahingi ako baon mo." si Chinchin. Maririnig ang mahinang tawanan sa sinabi nito sa kaibigan.

Masayang nagkukwentuhan at nagpapahinga ang mga guro habang hinihintay ang susunod nilang mga klase.

"Guys, ayusin natin ang presentation para kay Mommy Pilar ha." ika ni Bary. Ang gay teacher nila na maituturing na kaibigan ng lahat. Isa ito sa mga naunang guro sa kanilang paaralan. He was also loved by all of the teachers. He was known not only for his teaching but also for his wisdom and life advices na ibinibigay niya sa mga estudyante at kapwa niya guro. Toni considered him as her 'mama' in school.

"Of course." sang-ayon naman ng iba.

"Basta kami nagpapraktis na." pagmamalaki ng isa pa.

"Balita ko, bongga raw ang pa-party ng school ha." saad ni Eman. Bago-bago pa lang ito sa serbisyo. Mag-iisang taon pa lamang. Pero halo na ito sa mga kasama. Ngunit hindi kasing warm ang welcome ng iba rito dahil sa hangin nito sa katawan at gawi ng pagsasalita.

"Totoo. Saka bongga talaga sa mga party ang school natin. Mabait ang admin pati ang may-ari nito." sabi naman ng isa.

"Uy, Lorenz. Nasabi mo na ba kay Toni ang napag-usapan natin kanina?" usisa ni Bary. 

Tahimik na noon ang paligid dahil nakikinig ang bawat isa sa sasabihin tungkol sa okasyong pinagpaplanuhan. 

"I did po." hindi man lang tumingin si Lorenz kay Toni. Toni looked at him. Tumingin din siya sa mga kasamahan pagkatapos na hindi siya lingunin nito. 

"Opo. Ano po bang magandang kantahin? Medyo nahihiya po ako." pabiro niyang sabi.

"Okay lang yan, dear. It's for fun lang. Tribute natin kay Mama Pilar mo saka pagwelcome na rin sa mga bagong teachers."

"Saka walang gong dun." si Chinchin. Nagtawanan na naman ang mga kasamahan. "Ako nga, parehas kaliwa paa pero laging kinakaladkad nina Sir Michael para magpractice ng sayaw." tawanan muli.

"If you want you can dance na lang din." Lorenz suggested. Napatahimik ang lahat. "Suggestion lang naman ang pagkanta. Saka marami pa rin po atang kakanta kahit na iba ang gawin nating intermission." pilit ang ngiti nitong sabi.

"Yah, marami naman." malambing na tugon ni Sir Bary. "Pero kasi it would be different kung may parang loveteam na kakanta. Alam niyo yun?" sabi nito sa mga kasamahan.  Umugong na naman ang tuksuhan.

Hindi katulad ng dati, hindi naramdaman ni Toni ang pamumula. Naiinis siya dahil sa pakiramdam niya ay sa kanya lang inis si Lorenz. Nakukuha nitong ngumiti sa iba, ngunit hindi man lang makatingin sa kanya. 

"We can also sing, Toni." banat ni Eman. "We should sing…"

"Let her decide." seryosong saad ni Lorenz na ikinagulat higit ng mga nakatatandang guro.

The bell rang. Literally, saved by the bell. 

Nagsipag-ayos na ang mga guro na may klase na sa oras na iyon. Toni calmed herself. Wala naman siyang klase. Her next class was the last period. Bago pa tuluyang makaalis ang lahat ay pumasok ang secretary at sinabing may short meeting sila pagtapos ng huli nilang klase.

"Girl, nagselos kaya si pogi kay Eman kanina?" tanong ni Chinchin habang nagpapahid ng lipstick sa mga labi. 

"Tumahimik ka nga diyan. May klase ka na. Bilisan mo." pabirong sabi niya rito.

Pabiro pang hinawi ni Chinchin ang buhok bago umalis. "Usap tayo mamaya." 

Napailing siya. Loko talaga ang kaibigan. Napaisip siya sa sinabi nito. Pero mali ang iniisip nito. Hindi nagseselos si Lorenz. Why would he? Ramdam niyang inis ito. Sa kanya. Kay Eman. Hindi niya alam kung bakit. Pero naiinis din siya rito. Pinahahalata nito sa mga kasamahan na hindi siya nito gusto. 

Napasimangot siya sa naisip.

"Okay ka lang, Toni?" nagulat pa siya nang magsalita si Sir Bary. Silang dalawa lamang ang walang klase sa oras na iyon. Lumapit ito sa kanya at umupo sa pwesto ni Chinchin.

"Opo." 

"Nanliligaw pa ba sayo anak si Eman?" usisa nito Pero hindi gaya ng iba, hindi tonong chismis ang pagtatanong nito. Sa ilang taon niyang nakasama ang guro ay napalapit na talaga ang loob niya rito. Isa ito sa mga napagsasabihan niya ng hinanaing niya tungkol sa trabaho maging paminsan ay mga hinanaing niya sa bahay." 

"Naku, hindi po. Saka hindi nanligaw sa'kin yun 'Ma." Ma na ang naging tawag niya rito lalo kung silang dalawa lamang. 

"Akala ko kasi. Parang may narinig kasi ako dati saka diba, nung mga unang buwan niya rito parang…"

"Naku, papansin lang po yun. Dinamay pa ko." natatawang sabi niya.

"Pero nagbigay sayo ng flowers yun diba?" tumango siya dahil totoo naman pero hindi niya ramdam na nanligaw ito. Hindi niya rin masyadong inentertain hanggang sa tumigil na lang ito. "Tapos kanina nagpapalipad hangin pa… nasabihan tuloy siya ni Lorenz." 

Wala siyang masabi. "Pwede bang hindi mag-intermission Ma?" pagbabago niya sa usapan.

"Pwede naman." nakangiting sabi nito. "Pero mas maganda kung lahat tayo. Kasayahan lang naman yun." malambing na sabi nito.

"Mag-isa na lang po kaya ako." sabi niya.

"Kala ko nag-usap na kayo ni Lorenz. Baka kaya…" hindi na ito natuloy ang sasabihin dahil may pumasok na estudyante nito at may tinanong dito. Bumalik ito malapit sa kanya ngunit iba na ang napag-usapan nila. 





Continue Reading

You'll Also Like

72.9K 1.3K 73
《ON-GOING[ ] |||| COMPLETED[☆]》 Random drawings that I drew...I'm a beginner so it's not that good.. ••《{Drawings from the year 2016 - May 22 2020}...
385K 11.7K 91
Theresa Murphy, singer-songwriter and rising film star, best friends with Conan Gray and Olivia Rodrigo. Charles Leclerc, Formula 1 driver for Ferrar...
2.3M 119K 65
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
Fake Love By :)

Fanfiction

146K 3.4K 50
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...