Reincarnated as a Stupid Daug...

By DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... More

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 47

63.7K 3.3K 2.3K
By DemLux_Pain


Dahan-dahan akong humarap kay Vile atsaka siya nginitian. Hehe! This is awkward!




"What are you looking at?"




Nang makitang balak nitong maglakad papalapit sa glass door ay agad ko na siyang hinarangan. Hindi niya pwedeng makita ang ginagawa ni Lady Venom at baka mapagkamalan niya akong manyak na nanonood kanina.




'Teka? Ano nga bang ginagawa ni Lady Venom sa lalaki kanina? Hindi ko kasi nakita dahil bigla na lang sumulpot si Vile! Tsk!'




Basta ang naaninag ko lang ay nakatali ang lalaki sa upuan tapos humihingal siya na parang bang may kung anong kababalaghan na ginagawa.




"I'm just looking at the view." Kalmado kong sabi habang pinipilit na hinaan ang boses ko dahil baka marinig kami sa labas at mahuli ni Lady Venom.




"What view?" seryoso niyang tanong na kinalunok ko.




Geez! Ang hirap magsinungaling kapag ang animal na 'to ang kaharap ko. Alam mo yung feeling na lahat ng sasabihin mo ay alam niya kung totoo ba o kasinungalingan, kasi ganon yung feeling ng mga titig niya ngayon!




"The view outside is beautif––" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mas lalong lumakas ang ingay sa labas.




"M--my lady, s--slow down!"




O_O




'F--fuck!'




"You mean that? Beautiful?"




Napayuko ako sa kahihiyan nang makita ang itsura ni Vile. Geez! Bakit yung tingin niya sa'kin para namang may nagawa akong mali? Kasalanan ko bang may live show na nangyayari sa pool area?!




"N--no, I--I just said that because I don't want you to look outside!" Inis kong sabi dahil sa kahihiyan habang nakayuko pa rin.




"I'm used to that so you don't have to worry." Nang marinig ang sinabi niya ay napataas ang kilay ko. Ano raw? He's used to it?!




"Y--you mean, you––"




"Stop what you're thinking, stupid. My sister is just torturing her subject." seryoso niyang sabi bago nagsimula ng maglakad. 




Ako naman na lutang ay tahimik siyang sinundan habang pinoproseso ang mga sinabi niya. Torturing? What kind of torture is that?!




"Torturing? In pleasure?" wala sa sarili kong sabi na kinatigil ko at kinahinto rin ni Vile.




'Ge--geez! I'm so dead!'




"Your mouth is unclean, young lady."




"Can you clean it for me?" Pigil hininga kong tanong na agad ko ring pinagsisihan.




"Tsk! You better watch your words if you don't want to die." malamig na banta nito na kinatahimik ko na agad. 




'Gosh! Masiyado ng seryoso ang male lead kaya mas maigi na itiklop ko na ang bibig ko. Ayoko pa talagang mamatay, kaya lang bored na bored na ako sa buhay ko!'




Puro problema lang kasi ang nangyayari sa'kin at wala manlang kahit konting saya, kaya naman ang lakas kong pagtripan itong male lead kahit na nakakatakot. Hehe! Nag-eenjoy kasi akong landiin ang animal na 'to kahit wala siyang reaksyon sa mga sinasabi ko. Ehem! Behave, Carnelia!




Nang makarating sa loob ng kotse niya ay pinanindigan ko na ang pagiging pipi sa gabing 'to. Pagpapahingahin ko muna si Vile sa mga banat na natutunan ko sa mga mahaharot kong kasamahan sa military camp.




Puro kasi lalaki ang kasama ko sa kampo at kokonti lang din ang babae. Ang iba pa sa kanila ay tomboy kaya ang ending yung mga sundalo doon ay uhaw sa mga babae. Hindi lang talaga nila ako magalaw dahil sabog ang mukha nila sa'kin kapag hinawakan nila miski kamay ko.




Naalala ko pa noon na kapag oras na ng labas namin sa kampo ay agad silang magyayaya na mag-bar para makahanap kuno ng chicks. Ewan ko nga kung anong utak meron sila at parang hindi sundalo kung umasta. Tsk! Tsk!




Mabuti pa ako, matino hehe! Wala kasi akong oras sa mga lalaki dahil una sa lahat ay kailangan kong mag-aral ng mabuti dahil pagagalitan ako ni mom. Masyado kasi silang mahigpit sa'kin kaya naging ganito tuloy ang nangyari sa'kin. Naipon lahat ng kabaliwan ko kaya nang mabuhay ulit ako ay bigla na silang naglabasan!




"Hayys!" Naiiling ko na lang na buntong hininga habang nakatingin sa labas ng bintana.




Bigla kong naalala ang mga nakita sa pool area at tinanong ang sarili kung ano talaga ang nangyari kanina? Lalo pa't mukhang normal lang ang reaksyon ni Vile na parang sanay na sanay na nga talaga siya sa eksenang 'yon.




Sa nobela kasi ay hindi sinabi kung anong 'special hobby' ang ginagawa nitong si Venom. Hindi naman din ako nagtaka dahil point of view ni Lilian ang nababasa ng lahat, kaya kung ano lang ang nalalaman ng female lead ay 'yon lang din ang nalalaman ng mga readers.




Isa pang katangian ni Lilian ay napakatalino niya pero hindi niya nagagamit ng maayos dahil sa mga interruption na binibigay ng mga male characters. They think Lilian is a flower vase that is needed to be protected. My reaction at that time when I read this is priceless!




'Like duh? Lilian is a fucking assassin, okay? She is not a normal girl out there so what's the use of being so overprotective?!'




Geez! Ngayong nandito na ako sa mundo nila ay ngayon ko lang din nalaman na mahirap pa lang maging female lead kaysa sa role ko na villain. At least ako pwede ko pang mabago ang kapalaran ko, pero ang kapalaran ni Lilian ay hindi na.




'Siya na ang pagod at wasak kapag natapos na ang istorya na 'to! As in pagod at wasak emotionally at physically! Pfft ehem!'




Napailing na lang ako sa naiisip na kalokohan. Siguro kung may makakabasa ng laman ng isip ko ay malamang magmumukha na akong baliw sa kaniya. Sa dami ba naman ng iniisip ko ay baka pati siya mabaliw.




"Get down."




Napatingin ako kay Vile nang marinig na magsalita siya. Wait, nandito na ba kami?! Bakit hindi ko man lang namamalayan? Nilibot ko ang paningin at nakita na nasa isa kaming hotel.




'Okay? What are we doing here? Don't tell me he's going to do something to me?!'




Agad kong nayakap ang sariling katawan sa naisip. Oh my god! This is so scary because I'm not ready!




"Tsk! Stop thinking nonsensical thoughts, young lady. We're just going to stay here for a night." malamig na sabi niya na agad na nagpatigil sa imagination ko. 




"Why?" mahina kong tanong dahil nakakapanghina ang mga nangyayari.




Ang gusto ko lang naman ay makauwi na! Bakit ang daming mga extrang scenes sa nobelang 'to? Sigurado ako na balak lang akong pahirapan ng tadhana dahil sa isa akong villain. Tsk!




"The weather forecast said that there's a storm coming tonight and your Andrin City is going to be deeply affected by it." Pagtapos niyang sabihin yan ay agad na siyang lumabas ng kotse at hindi na ako hinintay mag-react. 




'That's it?! Iiwan niya na lang ako bigla?'




Napailing na lang ako atsaka bumaba ng kotse. Tinignan ko ang buong paligid at nakitang sobrang dilim na ng langit. Bukod kasi sa alas diyes na ay wala ka ring makikitang bituin at buwan sa kalangitan. In short, mukha ngang babagyo na talaga!




Nang makita na malayo na sa puwesto ko si Vile ay agad akong tumakbo para makahabol sa kaniya. Nakakahiya kasi sa male lead at baka mainip kapag hindi ko siya sinabayan sa paglalakad.




"Ma--magandang gabi, second young master!" Kinakabahang bati ng mga guards na para bang kaharap na nila si kamatayan sa itsura nila. Sino ba naman ang hindi matatakot kung may black aura na nakapaligid kay Vile diba? Para ngang anytime ay may balak siyang patayin lahat ng nakakasalubong niya eh!




Nilibot ko ang itsura ng buong hotel at katulad ng mga nakikita ko sa modern world ay hindi na rin nalalayo ang disenyo nito sa five star hotel sa na meron sa Earth.




Marami rin akong nakikitang mga chandelier at mga palamuti na talaga namang mukhang mamahalin. Kumbaga kung may mababasag ang mga tauhan ay siguradong lagpas isang taong sahod na nila ang katumbas ng mga gamit dito. 




Napatingin ako sa mga guards nang makita na tumingin sila sa gawi ko kaya nginitian ko na lang sila para makahinga naman sila kahit papaano. Baka isipin nila na kagaya ko si Vile na demonyo edi nabuking ako. Hehe!




May lumapit sa'min na lalaki na mukhang manager pa yata ng hotel. Syempre kapag Lucretius na ang mga makikita ng kahit sino sa Atlante ay kusang maglalabasan ang mga manager ng kahit anong store na papasukan nila.




Minsan nga ay owner na mismo ang sumasalubong sa pamilyang 'to. Well, this is the power of being the number one royal family in Atlante. Hayys! Iba talaga kapag male lead ka dahil siguradong overpowered ang character mo!




"M--magandang gabi, second young master. May maitutulong ba ako sa inyo?" magalang din nitong bati kay Vile at hindi ako pinansin.




Actually, para nga akong hangin na nakasunod sa male lead dahil hindi ako napapansi ng mga tao. Lahat kasi sila ay nakatutok lang kay Vile na para bang 'once in a lifetime moment' lang nilang makita ang animal. 




Napatigil ako sa pag-iisip nang makita na nakatingin sa'kin ang manager. Okay? What's the matter?




"What is it?" nakangiti kong tanong. Kailangan magmukha akong harmless para hindi nila mahalata na may masama akong naiisip gawin. 




"Ah--ahmm... Young miss, pwede mo bang sabihin kung anong nais niyong maitulong ko sa inyo?" awkward na tanong ng manager. 




Hmm... Sa itsura nito ay para bang gustong-gusto niya ng umalis pero hindi niya magawa dahil isang Lucretius ang kaharap niya. Isa pa sa ugali ni Vile ay hula ko na hindi niya sinagot ang tinanong ng manager kanina kaya wala itong choice kung hindi ang tanungin ako. 




"Please prepare one room and a portion of food, please." sabi ko na lang. 




"Alright, young miss! Girl come here and check the best room we have here." utos nito sa isang babaeng staff na kadaraan lang.




Wait! Kailangan ba talaga na magandang kwarto pa ang ihanda nila? Isang gabi lang naman akong mananatili sa hotel no! 


*Sigh* Napapansin ko na habang tumatagal ako sa mundong 'to ay mas lalong kong nalalaman kung gaano talaga kalakas ang impact ng male lead sa istorya. Kaya ngayon pa lang rin ay alam ko na kung anong magiging kahahantungan ko kapag hinadlangan ko ang pagmamahal kuno nila ni Lilian. 




"Young miss, the room is ready and this is the key card. The food will be send after a few minutes. Please, enjoy your stay." makahulugang sabi pa ng manager.




Hindi rin nakatakas sa'kin ang mga tinginan ng mga staff ng hotel na para bang may kung ano silang naiisip habang nakatingin sa'min ni Vile. Okay, they are so weird!




Hindi ko na pinansin ang kakaiba nilang tinginan at naglakad na papunta sa elevator. Nasa tenth floor kasi ang kwarto ko kaya nagmadali na akong pumunta nang makapagpahinga na ang aking utak.




Kailangan ko kasing i-review ang mga kababalaghang nangyari sa'kin nitong mga nakaraang araw lang. Feeling ko kasi kapag nagpatuloy pa ako sa paglabas-labas ng mansion ay mas dadami pa lalo ang kahaharapin kong problema. 




Sana lang talaga ay nalulusutan ni Pira ang mga taong naghahanap sa'kin kung meron man. Hindi ko pa naman dinala ang cellphone ko dahil baka may makaalam ng gagawin ko sa slave market. Geez! Sino ba naman kasi ang mag-aakala na makikidnap ako at mapupunta sa teritoryo ng mga Eckheart diba? 




'*Sigh*Pinapangako ko na once na makauwi na ako ay hindi talaga ako lalabas ng mansion hanggang sa matapos ang bakasyon ko sa school.'




Alright! Magagawa ko yan kung walang animal na sisira ng plano ko sa buong buwan! Ipagpapaliban ko muna ang pagbili ng mga slave sa market tutal ay marami pa naman akong oras para maghanda bago ang pagdating ng female lead. 




'Think positive, Carnelia! I'm sure that you can overcome these coming hurdles in your extraordinary second life!'




"What are you doing?" 




Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng male lead sa likod ko. Wait, kanina ko pa ba siya kasama sa elevator? Bakit parang hindi ko feel?! 




"Don't mind me, young master." Sabi ko na lang sa kaniya at pinipilit ang sarili na maging matino. 



Ewan ko kasi kung anong sumasapi sa'kin at kapag kaharap ko 'tong male lead na 'to ay may bumubulong sa'kin na landiin siya kahit pa nakakatakot. Kaya naman mas maigi talaga na hindi kami naglalapit ni Vile at sinasapian ako ng malanding demonyo. 




'Sige, Carnelia! Isisi mo lang ang kalandian mo sa demonyo at nang gumaan ang pakiramdam mo!'




Hayys! Kasalanan talaga 'to ng pagiging matanda nang walang experience sa kahit anong relationship chuchu na 'yan eh! Ayan tuloy ay kung ano-anong kalokohan ang ginagawa ko sa katawan ni Heavenhell. Kung nandito lang siya siguradong mahihiya yon sa sarili niya. Hehe!




Nang huminto na ang elevator sa tenth floor ay agad akong lumabas at tumungo sa room number ko na nakalagay sa key card. So my room number is--- 6666, damn! Do I really look like a demon for assigning this room to me? Geez! Nahiya pa sila at dinagdagan pa ng isang '6' para hindi masiyadong halata.




Napailing na lang ako at binuksan ang kwarto. Nang  papasok na ako sa loob ay tsaka ko lang napansin na nasa likod ko pa rin pala si Vile. Hindi naman niya sinobrahan ang pagiging gentleman niya at hanggang sa kwarto ay hinatid niya pa ako. Hindi niya ba alam na siya lang ang pinaka kinatatakutan ko sa mundong 'to?




"Thank you for sending me here to my room, young master. Please be safe on your way back home. " nakangiti kong sabi with matching kaway pa yan para magmukha akong friendly. Heh!




"Stupid. Do you expect me to go home knowing that there's a storm coming tonight? "he asked solemnly. 




"Oh! So you're saying that you'll stay h— wait, what?!" Gulat na gulat akong tumingin sa kaniya habang inisa-isa ang ibig-sabihin ng sinabi niya kanina. 




'O--Oh my gosh! This is not true, right? Kung mananatali siya dito edi sana ay agad niyang tinama ang sinagot ko sa manager nang magtanong siya kung anong kailangan namin.' 




"Y—you, yo--you're not planning to stay with the same room with me, right?" kinakabahan kong tanong. Wala sa sarili akong napaatras nang makita ang pag-abante ni Vile sa pwesto ko.  




"Your reaction is weird. Aren't you supposed to be happy being with me?" malamig na tanong nito habang nakatitig sa mata ko. 




'O--oh my! Kalma, Carnelia at baka makita niyang kinakabahan ka! Basta tandaan mo na ikaw si Heavenhell at patay na patay ka kuno sa kaniya! B--but how am I supposed to react at a time like this?! I feel like I'm going to die because of a heart attack!'




"O-of course, I'm glad about this! I--It's just that you're so handsome that I'm concerned about what will happen to you. Y--you know what I mean, right?" kunwari ko pang sabi habang hinaharangan ang pinto. 




Mahirap na at baka bigla talaga siyang pumasok at wala akong magawa sa huli. Atsaka hindi naman ako nagbibiro sa sinabi ko dahil baka may magawa ang aking demon self sa gwapong tulad niya. A--aish!




"Hmm... I can protect myself. How about you?" seryoso nitong tanong na kinalunok ko.




"W--what about me?" utal-utal kong tanong nang makitang nilapit nito ang mukha sa aking tainga. T--this...




"Can you protect yourself from me?"




(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄




*tud dug tud dug tud dug tud dug*




'E--ehh?! W--what's wrong with this heart? Kyahh!! Calm down, Carnelia!'




"E--ehem! L--let me call for the manager to get me a new room." 




Tatalikod na sana ako para pumunta ng elevator nang hawakan ni Vile ang braso ko. 




"W--what?" 




Natikom ko ang bibig ko nang makita ang nandidilim na mata ng male lead na talaga namang nakakatakot. D--damn!




"When I say you're going to stay with me, it means you're going to stay with me. Don't you get that?"




"I get it! I definitely get it! Hehe! L--let's get inside and wait for the food, young master." nakangiti kong sabi atsaka nagmadaling pumasok sa kwarto. 




'Oh my God! W--what should I do? This is the moment that I never thought that it would happen to me!'




Pagkapasok ko ng kwarto ay agad na bumungad sa paningin ko ang malaking kama at mini living room sa kabilang part. Actually, malaki ang buong kwarto kaya may malaking sofa rin na nandidito. Pwede naman akong matulog doon mamaya kaya magiging ayos ka rin, Carnelia... 




Pumunta agad ako sa sofa at maayos na umupo dito. Syempre kailangan kong mag-behave sa panahon na 'to dahil buong gabi ay may kasama akong demonyo. Makapal man ang mukha ko ay hindi ko yata kakayanin ang male lead's charm ni Vile, lalo na't kakaiba siyang bumanat yung tipong may halong pagbabanta.      




Napatigil ako sa pag-iisip nang umupo sa kaharap kong sofa ang animal at elegante na pumangalumbaba doon. Geez! Sana lahat ay kayang kumalma ngayon! Iba talaga kapag wala kang feelings dahil balewala lang sa kaniya ang mga nangyayari. 




Tahimik akong nagbibilang ng oras habang iniisip na ako lang mag-isa ang tao sa kwarto, pero kahit anong gawin ko ay napapalingon ako sa itsura ni Vile. Paano ba naman kung makatingin parang balak niya na akong patayin. 




"Young Miss, the food is here." Dinig kong sabi ng manager sa labas ng pinto kaya wala pa sa limang segundo ay tumayo na ako para buksan ang pinto.




"Thank you," nakangiti kong sabi atsaka hinila papasok sa loob ang trolley na dala-dala nila. 




"Let's eat, young master." 




Nilagay ko isa-isa sa lamesa ang mga pagkain na mukha namang masarap. Nang maihanda ko na lahat ay tsaka lang ako nagsimula sa pagsubo at hindi na hinintay pa si Vile. Bahala siya kung gusto niyang kumain dahil ngayon ay ikakain ko na muna ang pagiging stress ko. 




"Slow down, stupid."




Napangiti na lang ako ng pilit sa animal at kinalma ang sarili. Napapansin ko na kanina niya pa ako tinatawag na 'stupid' na talaga namang nakakapikon. Pwede niya naman kasi akong bigyan ng nickname ehh. Pero bakit sa dinami-dami ng pupwede ay 'stupid' pa ang naisipan niya?! Geez! 




"Don't you want to eat, young master?" tanong ko sa kaniya habang ngumunguya pa. Nakakahiya naman kasi at baka sabihin ay hindi ko siya inaalala. Tsk! Tsk!




"No."




"Why? Are you not hungry?" kunwaring nag-aalala kong tanong para kunwari 'concerned' kuno.




"No, it's trash." seryoso niyang sabi na kinatigil ko sa pagkain, parang bigla kasi akong na-offend sa sinabi niya ehh! Kung trash 'tong kinakain ko, ano ako basurera?




"What do you like to eat, though?" tanong ko na lang habang mabilis na tinatapos ang pagkain.




"You."




'W--what the?!'




"*Coughs* E--ehem! What do you mean by that, sir?" Kalmado kong sabi habang tinutungga ang isang baso ng wine na nakalagay sa baso ko.




"What I mean is, I like what you cook, silly." Seryoso nitong sabi habang umiinom din ng wine. 




"Ahh, I see!" nakangiti kong sabi at niligpit na ang pinagkainan ko.




Nang matapon na ang dapat itapon ay tsaka lang ako tumungo sa banyo para maligo. Hindi kasi ako sanay nang hindi naliligo sa gabi, lalo na't kung galing ako sa labas. Mabuti nga ay may mga towel, bathrobe at extra toothbrush dito sa kwarto kaya hindi ko na kailangan pang lumabas para bumili.




~ After 30 minutes




Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto nang nakasuot ng bathrobe. Syempre bago lumabas ay siniguro ko muna na mahigpit ang tali nito kung sakaling mang mapapalaban ako.




Nang masilip na mukhang walang tao sa dinaraanan ko ay tsaka ako nagmadali sa paglalakad papunta sa living room. Kailangan ko ng maayos ang higaan ko para hindi na ako makita ni Vile na ganito ang itsura. Teka? Nasaan na nga ba ang animal na 'yon?




Inayos ko na ang hihigaan ko sa mahabang sofa atsaka nilagyan ng unan. Kumuha rin ako ng comforter na nakatago sa cabinet bago humiga para matulog, kaya lang kahit anong gawin kong puwesto sa paghiga ay hindi pa rin ako mapakali. Idagdag mo pa na sobrang lamig ngayon dahil nag-uumpisa nang umulan ng malakas sa labas.




"Why are you sleeping there?"




"Oh sh-- ehem! I--I'm okay here, so you can sleep on the bed, young master." nakangiti kong sabi habang nakatakip ng comforter sa mukha at tanging mata lang ang nakikita.




'P--please lang, lumayas ka na sa harap ko dahil isa kang malaking tukso sa malamig na gabi. Hehe! Stop what you're thinking, Carnelia! You're not helping!'




"Stand up."




"E--ehh? W--why?"




"You sleep on the bed." seryoso nitong sabi. Nang marinig ang sinabi niya ay agad na nagdiwang ang kaluluwa ko.




'O--oh my gosh! Hindi ko akalain na magiging gentleman ang character ni Vile dahil sa nobela ay hindi 'to nangyari kailanman. Hehe!'




Tumingin ako kay Vile at pinigilan ang mapangiti. Syempre kailangan kong magkunwaring 'concerned' kuno sa kaniya. Ehem! Kalmahan mo lang, Carnelia!




"Okay? B--but where are you going to sleep?"




"Beside you."




(☉_☉)




_____________________________________

Dem's note: May mga errors pa kaya paki-intindi na lang. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...