ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

159K 1.9K 29

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB BOOK AVAILABLE ON SHOPEE
AGTCB BOOK

KABANATA 17

2K 24 0
By iirxsh

Kabanata 17

BUONG akala ni Kelly hindi siya matatanggap ng pamilya ni Adam. Hindi naman kasi nito masisisi ang magulang ni Adam kung ganoon ang maging desisyon nila. Wala namang magulang na gustong masaktan ang anak nila, tulad na lang nang ginawa ng kanyang ama.

Kaya kung ganoon man ang kahahantungan nila tulad nang unang nangyari sa kanila ni Adam, maiintindihan niya 'yon. Pinalaki siya ng magulang niya na puno ng pagmamahal, isang pagmamahal na kahit anong mangyari alam mong kahit masaktan ang damdamin mo. Maaari kang bumalik at malugod ka nilang tatanggapin.

*Flashback*

"Welcome to our family."

Nang marinig ni Kelly ang katagang iyon hindi maipaliwanag ang kasiyahan sa kanyang puso. Sa wakas, hindi man ganoon katagal silang naghiwalay ni Adam. Naging mahirap din naman para sa kanilang dalawa ang sitwasyon. Iba pa rin talaga ang pagmamahal na tanggap ng parehong pamilya at nakatanggap ka ng suporta mula sa kanila.

"T-Thank you po!" Hindi napigilan ni Kelly ang sariling maluha.

Mabilis naman na niyakap ni Adam si Kelly at inalo ito. Si Mr. Dela Fuente at Mrs. Dela Fuente naman ay ganoon din ang nararamdaman, na hindi nila lubos maisip na darating ang araw na 'to para sa anak nila na si Adam.

"We prepared food... Let's eat." Pagbasag naman ni Mr. Dela Fuente sa yakapan ng dalawa.

"Dad!" Protesta naman ni Adam, masama ang tingin na ipinupukol sa ama.

Napahalaklak lang si Mr. Dela Fuente. "What?" Inosente pa nitong sabi.

Alam na alam ni Adam kapag tinutudyo siya ng ama Tulad na lang nang ginagawa nito ngayon. Alam kasi ni Mr. Dela Fuente na sobrang gusto ng anak ang ideyang kayakap nito si Kelly. Hindi naman kasi iyon maipagkakaila, masyadong halata si Adam.

"You just ruined the moment!" Giit ni Adam.

"Of course not!" Natatawa naman na depensa ni Mr. Dela Fuente. Akmang hihirit pa si Adam, nang nauna nang pumunta sa kusina si Mr. Dela Fuente. Kaya walang nagawa si Adam kung hindi sumunod na lang silang dalawa ni Kelly sa kusina.

*End of Flashback*

Halos tinanghali nang gising si Adam at Kelly. Paano ba naman, hindi kasi maiwan ni Adam si Kelly sa guest room nang hindi iyon makatulog agad. Gustuhin man na sa kwarto sana ni Adam na si Kelly patulugin kaso pinigilan ni Adam ang sarili, dahil tuwing susubukan man nito, naaalala niya ang sinabi ni Mr. Tolentino.

"Huwag na huwag kang matutulog sa tabi ng anak ko!"

Hindi iyon ginawa ni Adam dahil sa puno ng pagbabanta nang sabihin iyon ni Mr. Tolentino. Kung hindi dahil sobrang laki ng respeto nito at ayaw nitong masira iyon dahil lang sa isang bagay na hindi nito kayang sundin.

"Good morning."

Nakatayo si Adam sa baba ng napakahaba nilang hagdan. Mula sa itaas tanaw ni Kelly na walang pinagbago ang itsura nito. Sa simula nang magkita silang dalawa, ang maputi nitong kutis, naglalakihang braso, ang perpektong hugis ng kanyang mukha, makapal na kilay, kayumangging kulay ng mata, matangos na ilong at... ang mapula nitong labi.

"G-Good morning din." Nakangiting bati ni Kelly. Nagpasalamat si Kelly nang ilahad ni Adam ang kamay at iginaya siya nito papunta ng kusina.

Hindi maiwasang mapangiwi ni Kelly sa dami ng nakahanda sa hapag. Mayroong bacon, hotdogs, egg, dalawang klase pa nakahiwalay ang sunny-side up, iba rin ang scramble egg, may bread, juice at syempre fried rice.

Mabuti na lang may fried rice dahil hindi kumakain si Kelly ng bread lang sa agahan. Gusto kasi nito laging mabigat ang pang-umagahan niya. Kahit pa na tinanghali sila ni Adam nang gising, ganoon pa rin dahil wala pa naman laman ang kanyang tiyan.

"Nasaan sila tita?" Tanong ni Kelly nang nakaupo na ito. "Salamat." Pinaghila kasi siya ni Adam ng upuan.

Nagkibit-balikat si Adam. "Maybe they left already."

"Hindi man lang sila kumain?"

Ang dami nang nakahanda tapos sila lang pala ni Adam ang kakain. Paano na lang iyong matitira? Sobrang dami ng hindi kumakain, tapos kung maghanda ng agahan lang. Parang sa isang barangay ihahain.

"Baby, they're done. They got up early, for sure they're already in the office."

Napatango na lang si Kelly sa sinabi ni Adam. "What do you want?"

"Ako na. Kumain ka na lang diyan." Tanggi ni Kelly nang akmang pagsisilbihan siya ni Adam.

"I insist."

Kapag talaga sinabi ni Adam, wala nang magagawa pa si Kelly. Sinabi na lang nito ang gusto niyang kainin, para matapos na silang dalawa.

KASALUKUYANG nakasakay sa sasakyan sina Adam at Kelly. Balak kasi munang ilibot ni Adam si Kelly dahil ito ang unang beses niya sa Manila.

"Where do you want to go?" Baling ni Adam at agad ding binalik ang tingin sa daan.

"Church."

Iyon kasi ang pinakaunang gustong puntahan ni Kelly kapag nagkaroon ito ng pagkakataon na makalabas ng Pangasinan. Naniniwala kasi ito sa paniniwala ng ibang tao na kapag unang beses mo sa isang simbahan, ang tatlong kahilingan mo ay matutupad.

Pagkaraan ng ilang minuto nakarating din silang dalawa sa piniling destinasyon ni Kelly. Sa Manila Cathedral siya dinala ni Adam.

Magkahawak-kamay silang dalawa na pumasok ng simbahan. Sobra ang paghanga ni Kelly sa disenyo ng simbahan, sobra rin itong malawak. Simula kasi noong bata siya, tatlong simbahan pa lang ang napasukan niya. Hindi nito inaasahan na darating ang punto sa buhay niya na magkakaroon siya nang pagkakataon na makatapak sa isang napakagandang simbahan na katulad nang kinatatayuan nito ngayon.

Pinili ni Kelly na pumunta sa pinaka-harap. Nag-genuflect muna ito at lumuhod para makapagdasal. Sumunod lang si Adam sa kanya at ginaya kung ano ang ginawa ni Kelly.

ILANG araw ang lumipas sa pananatili nila Adam at Kelly sa Manila. Ngunit, sa pananatili nilang 'yon dumating din ang araw kung kailan sila uuwi. Halos hindi rin naman sila nakalibot na dalawa, dahil mas pinili na lang ni Kelly na manatili sa mansion.

"Nasaan sila tito at tita?" Tanong ni Kelly at nilibot ang tingin nito sa paligid. Kaso halos walang tao, kahit ang mga katulong nila ay wala.

Ganito ba talaga rito? Hindi mo mahagilap ang mga tao. Ang lawak naman kasi ng mansyon!

"Why?"

"Magpapaalam tayo sa kanila bago umalis." Normal na iyon kay Kelly. Iyon ang isa sa turo ng magulang nito, na kailanman ay hindi dapat niya makakalimutan.

"I already did."

Tumango naman si Kelly. "Okay... tara na!"

Sobrang bilis nang naging byahe nilang dalawa at nasa bukana na agad sila ng Pangasinan. Paminsan-minsan na sinusulyapan ni Adam si Kelly, na simula pagkagising nito ay malalim na ang iniisip. Naiinis si Adam dahil hindi nito mabasa kung ano man ang nasa utak ni Kelly.

"Do you want to share something with me?"

Binasag ni Adam ang katahimikan dahil aminado itong hindi mapakali, gusto nitong malaman kung ano ang gumugulo sa isipan ni Kelly.

Kaso mukhang wala sa mood si Kelly dahil umiling lang ito, at sabay na nag-iwas ng tingin.

"Hey," Medyo alanganin pang tawag ni Adam.

Ngunit nagmatigas pa rin si Kelly. Pinili pa nito na ipikit na lang ang mata, animoy walang naririnig.

Paano naman niya malalaman na birthday ko? Hindi ko naman nabanggit sa kanya!

HINDI namalayan ni Kelly na nakatulog na pala siya sa byahe. Nagising na lang siya nang marinig nitong tumigil ang makina ng kotse ni Adam.

Napabalikwas siya nang makitang wala na sa driver seat si Adam. Naranta naman siya at agaran na bumaba ng kotse pero ang laking gulat nito, wala sila sa bahay kung saan dapat uuwian nilang dalawa.

Nasa Star Monica Hotel sila, isang kilalang resort dito sa Pangasinan.

Bakit dito initigil? Bakit kami nandito?

Nang makakita si Kelly ng Security Guard, agad niya itong nilapitan para makapagtanong siya.

"Good evening, sir. Nakita ninyo bang bumaba iyong kasama ko sa kotse na iyon?" Itinuro ni Kelly ang kotse ni Adam na nakapark sa hindi kalayuan.

"Magandang gabi rin po, ma'am." Bati pa ng Security Guard. "Matangkad po ba na maputi?" Tumango naman si Kelly. "Siya nga po."

"Ah, pumasok po si sir sa loob ma'am."

"Thank you, sir." Sumaludo lang ang Security Guard sa kanya, na ginantihan naman ni Kelly ng ngiti.

Anong naman ang gagawin ni Adam dito?

"Good evening, ma'am." Abot langit ang ngiti ng isang babae na naka-assign sa front desk nang makapasok si Kelly sa loob.

"Good evening." Tugon naman ni Kelly. "I'm looking for someone."

"I'll assist you, ma'am."

"Yes, please."

Iginaya si Kelly ng isang staff ng resort papasok sa mismong pool area. Ganoon na lang ang pagtataka nito dahil nakapatay lahat ng ilaw.

Hindi tuloy nito maiwasan na kabahan.

"S-Sure ka bang n-nandito 'yong h-hinahanap ko?"

"Yes ma'am." Parang balewala lang sa staff ang dilim ng paligid. Hindi na nagtataka si Kelly kung matagal na iyong nagtatrabaho rito at kabisado na nito ang daan, kahit pa madilim.

"Iwan ko na po kayo, ma'am."

"H-Huh? B-Bakit?" Mas nadagdagan ang takot na naramdaman ni Kelly.

"Nasa harap ninyo na po ang hinahanap ninyo, ma'am."

Paano na nasa harap ko? Ang dilim kaya!

Nang mapagtanto ni Kelly ang ibig sabihin ng staff. Mabilis itong tumalikod para sana sumigaw pero hindi nito natuloy pa dahil bigla na lang sumindi ang ilaw sa paligid.

Dahan-dahan itong humarap, at ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang magulang niya na sobrang lawak ng ngiti, katabi nila ang tita at ang pinsan ni Adam, nandoon din si Alex kasama ang pamilya niya. Mas dumoble ang gulat ni Kelly nang makita roon ang magulang ni Adam.

Buong akala nito may trabaho ang mga magulang ni Adam. Kaya hindi na siya nakapagpaalam pa kaninang umalis sila pero ang katotohanan pala, nauna na silang umuwi sa Pangasinan.

Ang ipinagtataka pa ni Kelly, eh, bakit wala si Adam?

Isinawalangbahala iyon ni Kelly nang makitang nagsikalat silang lahat, kasabay ng naggagandahang fireworks sa kalangitan ng langit ang pagreveal ng isang backdrop kung saan nakapwesto sa kinatatayuan ng mga magulang at kaibigan nila ni Adam.

Doon nakalagay ang Happy 26th Birthday, Kirsten Kelly!

Napatakbo si Kelly sa mga magulang nito at mahigpit silang niyakap.

"Happy birthday, anak ko. Mahal kita." Madamdaming bati ni Mr. Tolentino kay Kelly. Hindi tuloy napigilan ni Kelly ang sarili na maluha. Noon pa man kasi, wala ng pinagbago ang kanyang ama. Ito pa rin ang pinaka-malambing sa kanila.

"H-Happy birthday, a-anak..." Hindi napigilan ni Mrs. Tolentino na maging emosyonal. Gumanti sa yakap ng ina si Kelly. "H-Happy b-birthday din po, mama."

Bumitaw si Kelly sa yakap at nabaling naman ang tingin niya sa mga bisita nilang naluluha na rin. Nilapitan niya ang mga ito, inisa-isang nakipagyakap sa kanila at paulit-ulit na nagpasalamat sa kanilang pagbati at pagpunta sa isang espesyal na araw nito sa kanyang buhay.

Puno ng kasiyahan ang puso ni Kelly, hindi nito lubos maisip na matutupad kaagad ang isa sa mga kahilingan niya.

Ang isang kaarawan na hindi ko kailanman makakalimutan.

Ang surpresa na inihanda nila sa kanya ay hindi niya inaasahan talaga. Parang noong nakaraan lang, siya pa ang nagpaplano para sa kanyang ina. Kaya hindi man lang pumasok sa isipan ni Kelly na may madadatnan siyang ganito pag-uwi nila ni Adam. Iniwan kasi nito lahat ng iyon sa kanyang ama para kung matagalan pa sila ng uwi ni Adam si Mr. Tolentino na ang mag-aayos, hiningi na rin niya iyon ng pabor kay Alex.

"Sino po ang may pakana nito?" Hindi maiwasang tanungin ni Kelly, nang makarecover siya sa pag-iyak.

Nakita niyang nakaturo sa isang direksyon ang lahat ng kamay ng mga kaharap niya. Umikot siya at doon niya napagtanto na wala rin pa lang kwenta ang itinampo niya. Dahil sa maling akala niya, bigla na lang niya itong hindi pinansin.

Ang may pakana ay si Adam, na ngayon ay naglalakad papalapit sa kanya dala ang isang bouquet.

"Happy birthday, baby..." Nakangiting bati ni Adam.

Hindi napigilan ni Kelly ang sarili na yakapin si Adam. Natatawa naman na tinutugunan ni Adam ang yakap nito.

"A-Akala k-ko..."

"Hey, why are you crying?" Nataranta si Adam nang marinig na humihikbi si Kelly. "Don't you like it?"

Pinunasan ni Kelly ang luha gamit ang likod nitong palad. "A-Akala k-ko hindi mo a-alam." Napanguso siya.

"It's your special day. How can I not know?"

Ngumiti siya kay Adam. "T-Thank you."

Hinalikan siya ni Adam sa noo. "You're always welcome, baby... but I have something to ask you."

Naiilang na ngumiti si Kelly. Parang iba kasi ang pakiramdam niya sa tanong na iyon. "Ano 'yon?" Pinakalma niya ang sarili.

Nanlaki ang mata niya nang lumuhod si Adam.

Hindi alam ni Kelly ang gagawin. Handa na ba ito sa ganitong bagay?

"Wala sa usapan 'yan!" Sigaw ni Mr. Tolentino, himig sa boses nito ang pagtutol.

Sabi na nga ba! Alam na alam ni Kelly na ang kanyang ama ang unang magre-react pagdating sa ganitong bagay.

"Ano ka ba!" Narinig naman niyang saway ni Mrs. Tolentino.

"Kirsten Kelly..." Nanatili ang tingin ni Kelly kay Adam habang naghihintay ng susunod na sasabihin nito. "Be my girlfriend."

Hindi iyon tanong, isa iyong pahayag. Doon naman nakahinga ng maluwag si Kelly. Nakarinig din siya ng malutong na mura, at pagsinghap sa gilid niya. Ang inaakala siguro nila, ay kung ano ang nasa isip din niya.

"Ang bilis mo! Kakapayag ko lang noong isang araw... be my girlfriend na agad." Bulyaw ni Mr. Tolentino. Hindi mawari ni Kelly kung nagbibiro ba ang kanyang ama o talagang hindi iyon sang-ayon.

"Huwag kang makinig sa papa mo. Nasa sa iyo ang desisyon!" Pagkontra naman ni Mrs. Tolentino sa sinabing iyon ng kanyang asawa. Ang isa sa hindi inaasahan ni Kelly ay iyong mga kilos ng kanyang ina, inaakala kasi niyang baka ang ina pa ang mahigpit sa kanya pero mali siya dahil mukhang bumaliktad pa ang sitwasyon.

Kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa si Kelly. Total nakuha naman na niya ang suporta ng kanyang magulang. "Yes, girlfriend mo na ako!"

Nanlaki ang mata ni Adam. Bakas ang gulat at kasiyahan sa kanyang mata. "For real?"

Nakangiting tumango-tango si Kelly. "Wooh! Thank you, Lord!" Tsaka niya mahigpit na niyakap si Kelly. Ilang beses pa nitong hinalikan sa noo.

Narinig naman nila ang palakpakan sa gilid nilang dalawa. Hindi inaakala ni Kelly na ganito magiging masaya at ka-memorable ang kanyang birthday. Pangarap lang niya noon, natupad na ngayon.

Totoo nga pa lang kapag naghintay ka, at naniniwala ka sa pangarap na iyon. Darating at darating sa tamang oras at pagkakataon.

"Huwag mong subukan!" Napaiwas na lang ng tingin si Kelly sa kahihiyan. Si Adam naman ay napakamot na lang, muntik na kasi dapat nitong halikan si Kelly sa labi. Akala niya makakalusot na, hindi pa pala. Sobra naman kasing tutok si Mr. Tolentino. Masyado silang bantay sarado na dalawa.

Hindi naman maiwasan sa gilid ang halakhakan, lalo na ng sumigaw ang pinsan nitong si Jaylyn.

"Weak!" Tudyo niya kay Adam.

Masamang tingin naman ang ipinukol ni Adam sa pinsan. "Shut up!"

Itinuon muli ni Adam ang tingin sa babaeng kaharap niya ngayon.

Ang kanyang girlfriend... ang sarap pakinggan!

"Para saan 'yan?" Naglabas kasi ng singsing si Adam. Akala kasi nito girlfriend lang? Bakit may singsing na?

"It's a promise ring." Pinadausdos ni Adam ang singsing sa ring finger ni Kelly. Puno ng pagmamahal siyang tumingin sa mata ni Kelly. "December 18, it's your first time saying yes to me. I can't wait for more." Nakangiting bigkas ni Adam, makikita mo sa kanyang mata ang kinang. Ang pagmamahal na matagal na niyang inaasam. "I promise not to hurt you, never stop loving you, and to be faithful to you, baby."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

131K 9.3K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
3.3M 71.7K 55
|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazi...
5.3M 55.6K 57
(AIRED ON TV5: WATTPAD PRESENTS- Nov. 9, 2015) Isang amazonang out of this world kung magsalita na si Elle Gomez ay niligawan ng dalawang almost perf...