Jace
Forgiving people who have hurt you is your gift to them. Forgetting people who have hurt you is your gift to YOU.
IYON ang palaging sinasabi at ibinibilin ni mommy noon sa akin kapag binibisita niya ako sa Canada, where I chose to exile myself just to prove that I am worthy of Summer Saavedra.
Iniwan ko siya, dahil iyon ang kagustuhan ng ama niya. Rason na kahit kailan hindi ko kayang intindihin.
"Mom, I made it!" humahangos ako papasok sa bahay, "Mom!" muli kong sigaw.
Isang linggo na mula ng dumating sila mommy at Alistair dito sa Canada. It's my fourth year taking business management. Pinag-paguran ko iyon ng sobra. Wala akong sinayang na kahit isang araw sa pag-aaral ko dahil ayokong humaba pa ang pag tigil ko rito.
I want to go home. I want to see Summer. I want to fulfill what I had promise to her.
"Jace? Bakit ka sumisigaw?" nag tataka na tanong ni mommy. Huminto ako sa harapan niya while I was still catching my breathe. Naka plaster na agad ang malaking ngiti ko sa labi.
"It's official, mom. Ga-graduate na ako! Whoah! And that's not it, I top the class mom! Magna cum laude ako!" nanlalaki ang mga mata ni mommy sa ibinalita ko at tila naumid na ang dila niya dahil hindi na siya nakapagsalita pa.
"Mom, are you not listening to me? Ga-graduate na ako, cum laude pa ako! This is what he wants, isn't it? I proved now that I am worthy for anybody. After this I can come home with you." masaya kong sabi. Umid pa rin ang dila ni mommy.
"Mom, say something, please!" siguro masiyado ding na-shock si mommy sa ibinalita ko.
"Co-congrats, hijo! I'm...I'm so proud of you." niyakap ako ng mahigpit ni mommy saka ko naman ginulo ang buhok ni Kai sa tabi ko.
"When will be daddy's arrival? I want to tell the news mom. I want him to tell Tito Jairus about my achievement." Iyon naman talaga ang purpose kung bakit ako nandito diba? It's because of that damn truce. Dahil kagustuhan ni Tito Jairus na patunayan ko sa kanya na kaya kong maging karapat-dapat kay Sam.
"Your dad will be here soon Jace, alam niya naman kung kailan ang graduation mo." nakangiting anas ni mommy.
Excited na ako. Hindi dahil sa graduation or dahil sa nakuha kong mataas na karangalan. Mas excited ako dahil alam kong matutupad na ang ipinangako ko kay Sam. Makaka uwi na ako. Babalik na ako para tuparin ang pangakong iyon at hindi na ako ulit aalis sa tabi niya kahit kailan.
"ARE you sure you wants to go?"
Walang-buhay ko lang na tinignan si dad saka trinabahong muli ang pag aayos sa cuff links ng polo ko.
"Jace, hindi mo kailangang gawin ito. Why don't you take a rest first, ilang araw ka pa lang dito pero parang hindi ka na nag papahinga." I saw my mom soft face. Everytime na nakikita ko iyon hindi ko maiwasang hindi malungkot. Nararamdaman ko kung gaano siya kalungkot para sa akin.
"I'm okay, mom. Ilang taon na din bang hindi ako naka-attend sa wedding anniversary nila? Don't tell me nakalimutan na nilang ako ang panganay na dela Vega?" I chuckled para pagtakpan ang sarili kong kaba. Tae. Kinakabahan ako dahil makikita ko ulit si Sam. Everytime I see her she always took my breathe away. "Uma-attend ba palagi si Dean?" kay Kai ako nakatingin. He is my youngest brother. He grown just like me and my father. He is now the President of his own business. Balita ko kasosyo niya ang kambal na Saavedra.
"Kuya, Dean's been missing since five years already." Pag babalita sa akin ni Alistair.
Kahit na. Hindi ko parin makalimutan ang ginawa sa akin ng pinsan ko na iyon. May kasunduan, and it implied to both of us. Nag sakripisiyo ako tapos siya hindi? Life is suck!
"Sigurado ka bang wala kayong relasyon ni Jazsmine?" Dad is being snoopy again.
"I told you dad, me and Jazsmine were friends pero hanggang doon lang iyon. She just helped me, nakausap ko na din si Tito Marco and I cleared everything out with him." paninigurado ko sa kanya. Abot-abot ang galit ni Tito Marco sa akin ng kinausap ko siya pero naintindihan din naman niya sa tulong na din ni Jazs.
"Mabuti na yung malinaw, Jace. Ayoko ng may inililihim ka sa akin. We will fight a battle tonight, I want to know that I'm siding to the good ones." Napangisi na lang ako. Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang daddy ko sa lahat ng tulong niya sa akin. Kahit na matigas siya sa paningin ng lahat, he was still my father. "Puwede ka pang mag back-out anak." matigas ang boses ni dad. Nagkatinginan lang kami pero binigyan ko lang siya ng isang pormal na ngiti, ngiti na sinanay ko ng ilang taon.
"I will never missed this day, dad. I know how to handle myself. Nakalimutan mo na ba, he made me to be like this. He will be proud of what I have become." I said demonically na ikina pasinghap ng nanay ko at ikina-iling lang ng kapatid ko at ama ko.
Umibis ako sa sasakyan saka inayos muli ang suot ko. Tanaw ko ang malaking mansion ng mga Saavedra mula dito sa labas.
I hate parties, but I am much more excited to see her. The kissed we share a while ago makes me remember the girl I used to love over and over the years. Kundi ko lang siya mahal hindi ko susundin ang matandang iyon. Hindi ko nanaising tikisin ang pamilya ko na malayo sa piling nila. Ipinagpalit ko ang mga taon na sana nalalasap ko ang isang buong pamilya para lang pag bigyan ang ka-pricho ng matandang iyon.
Dahil alam niya kung gaano ko kamahal ang batang babae na iyon.
Kinakabahan ako. Three days ng andito si daddy pero wala pa rin siyang nababanggit tungkol sa pag uwi namin ng Pilipinas after ng graduation ko. I want to talk to him pero parati pa rin siyang busy. Kahit saan atang lugar may ka-business deal siya, ganon na kalaki ang kumpanya namin.
Marami na akong plano pagka dating na pagka dating ko ng Pilipinas. I want to settle there and put up my own business para hindi na ako lalayo pa kay Summer. Gusto kong makita niya na ang lahat ng ginawa ko, para sa kanya. Ganon ko siya kamahal.
Nag taka ako ng biglang dumating si Tito Jairus dito. Is he here para makita kung ano na ang mga pinag gaga-gawa ko rito? Utos kaya iyon ni Sam? Nakaka-kaba, he is the father of the girl I love at ang approval niya ang pinaka-aasam kong makuha.
"Maayos na ang anak ko Jake, she moved on. She is happy now."
Masama ang makinig sa usapan ng nakakatanda pero hindi ko maialis lalo na kung tungkol iyon sa akin, at sa babaeng sinamba ko ng buong buhay.
"Jairus, hindi sa binubuhat ko ang bangko ng anak ko. Pero nakita mo namang may isang salita si Jace. Sinunod niya ang lahat ng kagustuhan mo, nilayuan niya si Sam dahil iyon ang inutos mong gawin niya. Pero malaki na ang anak ko. Hindi ko na kaya pang pangunahan kung ano ang gusto niya sa buhay. He is a well taught man now Saavedra. He knows what he wants."
Napakuyom ako ng kamao habang naririnig ko ang pagtatanggol sa akin ng daddy ko. My heart swelled in so much love for my father. Na kahit mahigpit siya sa akin, he still put his trust on me.
"Alam ko yon. Malayo na ang narating ng batang iyon, pero hindi ang anak ko Jake, nag uumpisa pa lang si Sam na abutin ang mga pangarap niya at kung darating na naman si Jace sa buhay niya ano na lang ang mangyayari sa kanila?"
Did I heard it right? Parang ako ang gusto niyang sisihin sa pagiging dependent ni Sam sa akin noon?
Bumangon ang kakaibang galit sa dibdib ko na hindi ko akalaing mararamdaman ko at biglang nagka-kusa ang mga paa kong gumalaw papasok sa study room.
"Jace! Bakit ka nandito?" gulat na tanong ni daddy sa akin samantalang walang reaksyon si Tito Jairus.
"Can I talk to you?" diretsyo lang ang tingin ko kay Tito Jairus na ganon din ang ginawa sa akin.
"Mamaya na tayo mag usap, nag uusap pa kami ng Tito Jairus mo."
"No dad, it's Mr. Saavedra who I want to talk with." pormal kong pahayag. Hindi ko na magawang matawag siyang Tito. Pakiramdam ko isang business deal ang gagawin ko sa kanya.
"Bakit ba ayaw niyo sa akin?" diretso kong tanong.
"Jace Kristofer!" sigaw ni daddy sa pangalan ko pero hindi ako natinag.
"I'm the best! Hindi dahil sa apelyidong taglay ko kundi sa kung ano ang alam kong kayang kong gawin para sa sarili ko, Sir." Diniinan ko talaga ang salitang Sir sa kanya.
"No, young man. You're still not the best." mahina niyang tugon sa akin.
"And you think Dean's the best for your daughter at hindi ako?! Kaya ba pinilit niyo akong umalis? Kaya ba pinilit niyo akong lumayo sa anak niyo dahil mas gusto mo si Dean para sa kanya?!" matalim ang mga salitang ibinato ko sa kanya. Nagpupuyos ang damdamin ko sa sobrang sakit na marinig na hindi ako ang karapat-dapat kay Sam. Ginawa ko ang lahat para mapatunayan na seryoso ako sa anak niya. Halos dilaan ko na ang sapatos niya para lang makuha ko ang basbas niya. Tapos ito parin ang mapapala ko?
"No one's gonna be perfect for my daughter, Jace." mariin niyang sabi.
"W-what?" nanlalambot ako sa nangyayari. Para na rin niyang sinabi na ang tanga-tanga ko para paniwalaan na matapos ito may babalikan akong Summer Saavedra.
"I want my daughter to explore things. Things she can't beyond imagine. Nakita ko ang kakaibang Summer mag mula ng mawala kayo ni Dean sa paligid. Masaya siya, may mga kaibigan siya na hindi natatakot dahil sa inyong dalawa ni Dean. Nakikita ko ang pagtaas ng self confidence niya na hindi ko noon makita dahil kayong mag pinsan ang nagdidikta sa buhay niya. For God sake, SHE IS MY DAUGHTER but you're the one's controling her!" dumagundong ang boses niya sa apat na sulok ng study room.
"I want both you and Dean OUT from her system. For good."
TANGINA. Hindi ako makapaniwala na nakipag-deal ako sa demonyong katulad niya. How can I be so stupid! Ipinagkait niya sa akin ang kaisa-isang bagay na nagpapatibay sa akin sa kalungkutan ko dito sa Canada na mag isa.
At ngayon. Hindi na ako natatakot na muli kaming magkaharap.
Habang papasok kami ng pamilya ko sa maluwag na hardin ng mansion nila pakiramdam ko sinasakal ako. Pakiramdam ko anytime mag wawala ako kapag nakita ko ang mukha niya na nang uuyam sa akin.
Until I saw him.
"Jake! Mabuti at nakarating kayo. Amanda," masigla niyang bati sa mga magulang ko. Kai was never to be found, malamang hinanap niya ang mga kambal.
Bakit sa nakikita ko naman maayos ang pagkakaibigan ng pamilya namin. They were even the best business partners ayon sa source ko.
Pero bakit pag dating sa akin iba?
"J-Jace?" His stuttering sounds good to my ears. Napangiti ako ng di oras.
"Sounds like you're surprise to see me here old man," I mocked him in every possible way na mararamdaman niya ang galit ko sa kanya.
"Well, of course I know that you finally come home! Ang isang sikat na businessman na kagaya mo ay hindi itatago ng mga t.v." ani nito saka inabot ang kamay sa akin. Tinignan ko ng ilang sandali ang kamay na iyon saka napag pasyahang tanggapin.
Go Jako. You should know your enemy.
"Thanks for the compliment Sir, ang isang tulad mo rin ay hindi ko makakalimutan." makahulugan kong turan sa kanya na ikinatawa niya ng pagak. Nakita ko ang mahigpit na kapit ni Tita Freya sa braso ng asawa. "You looked lovely, Tita Freya." humalik ako sa pisngi niya. How I wish naging kamukha na lang ni Tita Freya si Sam, pero hindi ata patatalo ang matandang ito sa pag sasabog ng lahi niya.
"Daddy!"
I felt like I am in some kind of a trance when I heard her voice. Kanina ko lang siya nakita, nalasap ang malambot niyang mga labi and now I will see her again. Fuck. I am really a lovesick puppy when it comes to her.
"I think that's my daughter who's looking for me." he mockingly said to me. Alam ko ang tingin at timbre ng boses niyang iyon. Ginamit na niya sa akin iyan noon.
Lahat sila nakatingin sa gawi niya maliban lang sa akin na hindi magawang makagalaw. I know that if I will turn my head towards her, hindi ko na magagawang bumitiw pa.
Pero mas malakas ang naging puwersa ng puso ko kaysa sa inuutos ng utak ko. Dahan-dahan akong lumingon at literal na tumigil ang puso ko sa pagtibok.
She was wearing a wine-colored body hugging gown that shows every dephts of her curves perfectly and my mind was going mad seeing mostly all men eyeing her.
Damn. I think I can kill a man today more than I could count in my fingers.
This girl is mine. At kahit na makipag giyerahan ako sa ama niya wala na akong pakielam.
This time ako na ang masusunod. Not him, not that damn deal they made with my father.
This is my rules now.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Ms.Therapeutic*