Mr. Billionaire, Don't Englis...

By donnionsxx04

95.3K 3.1K 496

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Pasilip:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119:
Chapter 120:
Chapter 121:

Mr. Stranger 32:

586 25 1
By donnionsxx04

Pagpapatuloy...

JOHNSER SY POV:)

Pagkapasok ko sa office, wala si Tito Andrew at si Elizabeth lang naabutan ko. May pinupunas ito sa sahig na tila may natapon na tubig. Lumapit naman ako dito.

"Okay kana---" di ko napatuloy sasabihin ko nang  may pumasok nalang sa office ko.

"Johnser, we need to talk." Turan ni Tito Andrew. Tumungo naman ito sa office ko at naupo.

Sumunod naman ako dito."Bakit, Tito? Is there a problem?" Tanong ko nang maupo sa upuan ko.

"Kailangan mo nang mapapayag si Mr. Kailes. Pag hindi pa, magpo-protesta na ang mga miyembro ng Uphone Company para palitan ka." Babala nito."Here! Nandito ang mga listahan na tiwalag sa pamumuno mo." May binigay itong folder at kinuha ko naman.

Nakita ng side ng aking mata ng paglabas ni Elizabeth. Gusto ko sana siya kausapan, siguro mamaya nalang.

"Sino raw ipapalit sa akin baka sakali?" Tanong ko habang binabasa ang nga nakasulat.

"Si Dylan."

Natigilan naman ako. Kunot-noo na bumaling ako kay Tito Andrew. Bakas sa mukha nito na totoo ang sinasabi niya.

"Pag si Dylan ang magiging tagapagmana, kailangan natin malampaso siya tulad ng ginawa natin sa kapatid mo." Pahayag nito.

Mas lalo naman ako natigilan sa sinabi ni Tito.

Oo, masama ang ugali ko pero parang ayaw ko na maulit ang ginawa namin tulad sa kapatid ko. Nako-konsensya ako---

"Para sa huli, ikaw at ikaw pa rin pipiliin nila magmamana ng Uphone Company." Dugtong pa nito at tiningnan ako nito ng seryoso.

Wala akong maisip na matino ngayon. Pero alam ko lang ay dapat makisakay na lang ako sa plano nito.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkapasok ko ng locker room, naabutan ko naman si Rose na palihim na kumakain. Nang makita ko ito, nagulat pa ito.

"Anak ng teteng! Akala ko si Aling Doya. Ginulat mo naman ako." Bulalas nito halos napahawak pa siya sa dibdib niya habang sa kabilang kamay niya ang isang pandesal.

Working hour pa namin kasi pero siya kumakain ng palihim dito. Patay talaga siya pag mahuli siyang nandito ni Aling Doya. Pakain-kain lang na dapat nasa labas siya, naglilinis.

Malungkot na naupo ako. Takang lumapit naman si Rose sakin pagkatapos ubusin ang tinapay sa kamay niya.

"May problema ba? Okay ka lang?" Tanong nito sa akin pagkaupo katabi ko."Anyare diyan? Sino may gawa nito sayo?" Tanong nito nang hawakan ang baba ko at tiningnan ang kabilang pisngi ko na namumula."Kagagawan ba 'to ni Sir Johnser? Naku! Sabi ko na sayo na demonyo talaga yun---"

"Hindi. Hindi si Sir Johnser gumawa nito sa akin." Malungkot na sakot ko. Umayos ako ng upo at tumingin sa ibaba."Ganun ba tingin sa atin ng mga mayayaman, basura?"

"Sino ba gumawa nyan sayo?" Tanong pa rin nito.

"Si Sir Andrew." Sagot ko.

"Naku! Isa rin yan, utak ipis din! Makapanglait sa mga katulad natin, e mas mukha pa nga syang janitor kaysa satin." React kaagad ni Rose. Hinawakan niya ang balikat ko."Wag kang mag-alala. Kakarmahin din yun." Pagpapagaan ng loob sa akin.

Malungkot na binalingan ko siya. Nagulat na lamang ito na niyakap ko siya. Umiyak na umiyak ako sa dibdib niya. Hinawakan din niya ang likod ko at hinagod. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Ako rin kasi yung tao pag sinabihan ng masasakit na salita, nalulungkot ako.

"Nandito lang ako. Iiyak mo lang yan." Sabi ni Rose sakin.

THIRD PERSON POV:)

"Uuwi na kami ah? Sure kang di ka sasama sa amin?" Tanong ni Anthony kay Ros habang nandito sila sa sakayan ng Bus pauwi sa kanila.

"Hindi na. Lady Beth and I will go home together." Sabi naman ni Ros dito.

"Sige. Ingat ka ah?" Paalam ni Ros.

"Bye, Ros." Sabay paalam ng tatlo.

Nag-wave na lamang siya dito. Sumakay na nga ang apat sa bus at umalis na nga dahil sila nalang hinihintay. Saka naman naglakad na si Ros para tumungo na sa pinagtatrabahuan ni Elizabeth. Alas singko palang ng hapon at mamaya pang alas 7 ang labas ni Lady Beth. Kahit ganun ay maghihintay siya sa labas ng pinagtatrabahuan nito.

THIRD PERSON POV:)

Nakaupo si Mr. Kailes sa swivel habang nakatingin sa labas. Tanaw na tanaw niya ang ka-maynilaan. Tulala lamang siya habang nakatingin sa labas na saka naman pumasok sa office ang assistant niya.

"Mr. Kailes, andito po si Mr. Monte." Sabi nito.

Pumasok nga sa office niya si Mr. Monte, ang hinire niyang private imvestigator.

Pinaikot naman ni Mr. Kailes ang kanyang upuan para harapin ito. Nang makalapit sa kanyang desk, nag-bow ito bilang pagkita ng galang.

"Good morning, Mr. Kailes." Bati ni Mr. Monte sa kanya.

"Have a seat."

Naupo naman ito. May nilapag nito sa kanyang mesa ng isang envelop. Kinuha naman niya iyon at binuksan.

"Nakatira po sila sa ***** Street. May kasama po siyang babae na nangangalang Elizabeth Villatorte." Panimula ng pagbabalita nito.

Nakita naman niya ang litrato ng babae kasama si Ros.

"Ano pangalan niya?" Tanong ni Mr. Kailes at isa-isa tiningnan ang mga kinuhanan nito.

"Tinatawag siyang 'Ros'. Ayon sa nasagap kong balita, inampon lamang ni Elizabeth si Ros. May amnesia raw ito at hindi maalala kung saan siya galing o sino siya."

Natigilan naman siya sa narinig.

"Amnesia?" Saad niya sa sinabi nito.

"Yes." Sagot ni Mr. Monte sa kanya."Saka si Elizabeth ay nagtatrabaho sa Uphone bilang Jannitress. Hinahatid at sundo ito ni Ros at sabay sila umuuwi sa kanila."

"Thank you." Pasalamat niya dito.

Nagpaalam na nga ito na aalis. Pinagbuksan pa ng pinto ng sekretarya niya ito palabas ng office. Nang makalabas, tinawag niya ang kanyang assistant.

"Come here." Tawag niya dito.

Lumapit naman ito.

"Bumili ka ng mga grocery. Pupunta tayo sa kanila." Sabi ni Mr. Kailes dito.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Wala sa sarili, tulala lamang ako habang naglalakad. Halos nababangga na ko ng iba pero binabayaan ko lang sila. Napakalumbay ko at nalulungkot ako dahil sa nangyari kanina. Ganito talaga ako, pag nasaktan ako, nawawalan ako ng gana sa buhay ko.

Paglabas ko ng Uphone Building, tinawag naman ako ni Ros na naghihintay na sakin sa labas.

"Lady Beth!" Tuwang-tuwa tawag nito halos kumaway-kaway pa ito ng kamay.

Nang makita ko siya bigla nalang sumigla ako. Yung tipong nakita ko siyang ngumiti at napa-isip ako na ang sarap umuwi kung siya sasalubong m sa iyo. Nakangiting kumaway rin ako sa kanya.

Tumakbo ako papalapit nito."Kumain ka ng tanghalian mo?" Tanong ko.

"Yes." Sagot nito na may matamis na ngiti.

"Meryenda?"

Tumango-tango muna ito bago sumagot."Yes."

"So, let's go? Street foods?" Yaya ko na sa kanya na may ngiti sa mga labi.

"Street foods?" Nanlalaking mata na bulalas nito.

Nakangiting tumango ako sa kanya.

"Yehey! Street foods!" Parang bata na turan nito.

Naglakad na nga kami habang siya naglalakad na parang nagtatalon-talon. Di nawala ang ngiti ko nung kasama ko siya paalis.

JOHNSER SY POV:)

Tumakbo ako palabas ng building para maabutan siya. Paglabas ko hinanap siya ng paningin ko. Panay lingon-lingon ako sa paligid. Doon ko napagtanto na nakaalis na ito at nahuli ako.

Hindi ko alam bakit ganito ako ngayon. Gusto ko siyang makausap at gusto ko malaman kung okay na ba siya. Di ko siya nakausap buong araw. Madami ang ginawa ko ngayon. Wala ako kaninang umaga dahil pumunta ako sa kanila at dinalhan siya ng pagkain at gamot niya.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Po? Para sa akin?" Bulalas ko hawak ang isang plastic na naglalaman ng grocery at gamot.

"Oo, ibigay ko raw sayo." Sagot ng Landlady sa akin.

"Tingnan ko nga." Kinuha sa akin ni Ros ang grocery. Palihim na may nakita siyang notes. Nang makita niyang di ako nakatingin ay palihim na ginusot niya iyon at tinapon kahit saan.

"Sino raw po?" Tanong ko pa rin dito.

"Poging lalaki, matangkad saka mayaman." Pagbigay ng description ni Landlady.

"S-sige po, salamat." Pasalamat ko nalang.

Pumasok na nga ito sa kanyang kuwarto. Ako itong gulong-gulo at takang-taka na binalingan ko si Ros na abala sa kakahalungkat ng grocery.

"Wow! Oreo!" Bulalas ni Ros nang makita ang biscuit na favorite niya na kasabay sa grocery.

"Wag mo muna yan buksan. Di natin alam kung kanino yan galing. Baka may lason pa yan." Sabi ko kay Ros na tangkang bubuksan na sana ang Oreo.

Napa-pout naman si Ros.

Naglakad na nga kami para pumunta na sa kwarto namin. Di nagtagal nasa kuwarto na kami. Pagkasara ko ng pinto, saktong may kumatok. Binuksan ko ulit at tumambad sa akin si Landlady at may kasama siyang lalaking nakasuot na pang-mayaman na nagtatrabaho SA office.

"Hinahanap ka nila." Sabi ni Landlady sabay turo lamang gamit ang bibig.

Dalawang lalaki na medyo may edad na. Ngumiti ito ng natural sakin. Sino sila at ano kailangan niya samin?

"Lady Beth, who is that?" Tanong ni Ros at lumapit para makita ang panauhin."Oh?" Nagulat na sambit nito nang makita ang mga ito."Mr. Kailes. What are you doing here and how did you find out that my house is here?" Bulalas ni Ros dito.

"K-kilala mo siya?" Takang tanong ko sa alaga ko halos naituro ko pa ang bisita. Tumingin ulit ako dito at nakita kong nakangiti ang isang lalaki kay Ros.

"Yap." Nakangiting sagot ni Ros.

Di lang madaming kilala si Ros dito, pati mga bigating tao din, kilala din niya.

"Hi, I'm Mr. Kailes. I'm here for Ros." Pagpapakilala ng lalaki sabay inilapat ang kamay para makipagkamayan.

Nalilito pa ring tinanggap ko ng pakikipagkamayan nito.

Nakatayo ako sa harap ng lamesa habang tulala sa mga grocery na nakapatong doon. May nagbigay na nga ng misteryosong grocery namin, may bagong hulog na naman ang langit. May dala si Mr. Kailes ng madaming grocery kaya tambak sa lamesa ang mga grocery.

Pang-isang buwan na 'to para samin ni Ros.

Narinig kong tumawa si Ros ng malakas sa sala. Nagtatawanan sila ng bisita niya at maganda ang pagkukwentuhan nila. Di ko alam paano nakakilala si Ros na big time na big time na negosyante. Si Mr. Kailes lang naman ang may-ari ng isang apps na online shop. Kilala ito sa ibang bansa at malawakan ang import at export ng mga produktong ino-order ng customer at nagpapadala ng order.

Kinuha ko na nga ang isang tray na naglalaman ng baso at  juice na nasa pitchel at pinagbuksan ko sila ng cookies at nilagay sa malalim na mangkok. Pagkalabas ko ng kusina, naabutan ko silang nagtatawanan.

"So, do you want to work with me?" Tanong ni Mr. Kailes kay Ros habang nakaupo sila sa bagong sofa na dala ni Ros dito isang araw.

"Like what?" Tanong ni Ros.

"As my messenger." Sagot nito.

Nilapag ko na sa harap nila ang iinumin nila.

"Messenger?" Nalitong sambit ni Ros.

"Ikaw taga bigay ng ano ipapadala ko sa mga bigating negosyante." Paliwanag nito.

"Hmm." Sambit lamang ni Ros. Tiningnan naman ako nito na abala sa paglagay ng baso sa mesa.

Tiningnan naman ako ni Mr. Kailes nang makitang sakin nakatingin si Ros. Napatingin na lamang ako sa kanila at takang-taka naman ako dahil nakatingin sakin silang dalawa.

"Bakit?" Takang tanong ko. Mukhang hinihintay ni Ros kung papayag ba ako sa inaalok nito sa kanya."Pwede naman." Maya-maya sagot ko.

Mabuti na iyon para may pagkaabalahan si Ros, hindi puro computer lang.

"So, deal?" Baling ni Mr. Kailes dito sa alaga ko.

"Deal!"

"Bye!" Paalam namin ni Ros sabay wave ng hand.

Nang makaalis na ang kotse ni Mr. Kailes, nakangiting bumaling sakin si Ros.

"Lady Beth, let's eat oreo." Parang bata na sabi nito.

"Okay." Nakangiting payag ko.

"Yehey!"

Nauna na itong naglakad papasok sa apartment. Nakangiting sumunod ako dito.

THIRD PERSON POV:)

Pagkababa ni Ros ng taxi, tumambad sa kanya ang maganda at malaking building. Halos napanganga pa siya habang nakatingin sa pinakatuktok ng building. Nakita na lamang niya ang assistant ni Mr. Kailes na naghihintay na pala sa kanya sa pagdating niya.

"Good morning, Mr. Ros." Bati nito sa kanya."Hinihintay ka na ni Mr. Kailes sa office niya. Sasamahan kita sa kanya." Sabi nito.

Sumama na nga siya dito. Sumakay na sila ng elevator halos pinagtitinginan siya ng dalawang empleyado na nakasakay rin dito. Kinikilig pa sila nang nginitian niya ito.

Nang bumukas na ang elevator, lumabas na din siya ng lumabas din ang assistant ni Mr. Kailes. Di nagtagal, huminto sila sa magandang pintuan at dahan-dahan binuksan nito ang pinto.

Pumasok na nga sa loob si Ros at manghang-mangha siya sa ganda at lawag ng office ni Mr. Kailes.

"Andito kana pala." Nakangiting bungad nito at tumayo ito sa pagkakaupo sa desk niya.

Lumapit siya dito at nag-bow bilang galang.

"Ready kana ba sa bagong trabaho mo ngayon?" Nakangiting tanong nito nang maupo ulit.

Nakatayo lamang siya sa harapan nito ng tumango siya. May binigay sa kanya ang assistant nito ng paper bag at nanlaki mata siya sa nakita sa loob.

"Try it." Nakangiting sabi nito.

Di makapaniwala si Ros na nakasuot siya ng damit na sinusuot ng mga nagtatrabaho sa building. Di mawala sa labi niya ngiti nang makita niya ang sarili sa reflection sa babasaging ding-ding. Ang guwapo niya sa ayos niya ngayon.

"You like it?"

Nakangiting bumaling siya kay Mr. Kailes at tumango."It fits me." Sabi niya

"This is your first work." Panimula nito at may nilapag na folder sa mesa nito.

Kinuha naman iyon ni Ros.

CEDRIC SY POV:)

"May schedule ba ako bukas?" Tanong ko sa assistant ko.

"Meron po." Sagot nito habang hawak ang tablet at doon tiningnan kung may sced ako."May meeting po kayo kay Mr. Dela Costa." Sagot nito sa akin.

"Ano oras?" Tanong ko pa rin habang patuloy na naglalakad at nakasunod lamang ang assistant ko.

"Alas 9 ng umaga sa **** Restaurant. Oo nga pala, may pinapasabi si ggsjdjndjjf..."

Napahinto ako sa paglalakad nang makakita ng taong pamilyar sa akin. Lalaking huminto at tiningnan ang oras sa relo nito. Tila tumigil ang oras ang oras na makita siya. Kamukhang-kamukha niya ang taong iyon. Nagpatuloy ulit ito sa paglalakad habang may dalang folder.

Hindi ako nagkakamali. Si Clive ang nakita ko.

"Wait!" Tawag ko at tumakbo para pigilan ito.

"S-sir---"

Tumakbo lang ako para maabutan ito.

Si Clive. Buhay ang anak ko.

To be continued...

Sino may mga dreame account Dyan? Support nyo naman ako.😭
Username: Lovely Adeline
Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

93.5K 1.8K 72
Paano kung ang lahat ng sayo ay biglang mawala at ang tanging magagawa mo lamang ay hide myself and hide all my work for my safety. At kailangan kon...
179K 710 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
33.4K 974 22
Si Cassandra Marie Villafuente ay anak ng isang tanyagang businessman at apo ng isang bilyunaryo kaya naman mula bata ay marami nang nagtatangka sa b...