Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

Od donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... Více

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 31:

595 28 3
Od donnionsxx04

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Lady Beth, wake up! Wake up!"

Nagising na lamang ako dahil kay Ros. Antok na antok na bumangon ako sa pagkakahiga at tinanong siya.

"What time is it?" Tanong ko sabay hikab.

"It's 6 o'clock! Hurry! Take a bath." Nagmamadaling sabi nito.

"Ah?" Bulalas ko. Nakita ko na lamang na nakaayos na siya at nakaligo. Sobrang excited naman siya sa lakad namin."Ang aga saka kanino galing yan na damit? Mukhang mamahalin yan ah?" Takang tanong ko.

"This?" Nakangiting tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa."Bought by Mandy'rigma." Nakangiting sagot nito.

"Mandirigma? Military?" Napataas isang kilay na saad ko.

"No." Umiling na sagot nito.

"Police?"

"No."

"Mandirigma? Wait!" Sabay clap."US Navy?!" Bulalas ko.

"No nga!"

"Sino ba yan?" Napakunot-noo nang tanong ko.

"Take a bath and we will leave." Pagmamadali nito at hinila na niya ako paalis sa kama.

"Wait! Ito na!"

Muntikan nang mahulog sa kama mabuti nakatayo kaagad ako.

*/////

"Wait lang, kukuha muna ako ng sahod ko." Sabi ko kay Ros na nasa dapat kami ng BDO ATM Machine. Ofcourse naman, sahod ko ngayon at bibili kami ng mga damit ni Ros.

Pumunta na nga ako sa ATM. Di nagtagal nakuha ko na rin. Pagtalikod ko nakita ko si🙄 Ros na parang hinaharangan yung mga taong kukuha rin ng pera sa ATM.

"Ops! You wait! Lady Beth is not done yet! You! Just be there, just behave there first." Sabi ni Ros sa mga dito halos nagagalit na yung mga tao sa pinaggagawa nito.

Sa kahihiyan, hinawakan ko ang manggas ni Ros at hinila na paalis. Humingi pa ko ng tawad sa mga tao at hindi ako makatingin sa nga dito dahil nahihiya ako sa ginawa ni Ros.

"Nakakahiya ka. Tara na nga." Natatawang sabi ko at hinawakan na ang kamay nito para sumakay ng jeep.

"Wow!" Manghang turan ni Ros habang dito kami sa mall at binili ng damit naming dalawa.

"Mamili kana." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Tumakbo naman siya patungo sa damitang panlalaki. Nang makahanap ay tinawag ako nito na busy na namimili ng damit.

"Lady Beth!" Tawag nito halos tinginan naman yung mga tao dito. Si Ros talaga. Huhuhu."Look!" Sabay angat ng damit na pinili niya.

Nakangiting tumango ako.

Nandito nga kami sa dressing room. Hinihintay sukatin ang damit na napili ni Ros. Di nagtagal ay lumabas ito at napatigil na lamang ako sa nakita. Ang guwapo niya sa damit at ang foreighner niyang tingnan. Ngayon ko lang realize na ang hunk ni Ros.

"Okay?" Tanong ni Ros halos nag-thumbs up pa siya.

Nakangiting tumango ako.

Ako naman nagsukat. Pagkalabas ko, nanlalaki mata na makita ako ni Ros. Napanganga na tumango-tango siya sabay thumbs up sa akin. Nag-pose naman ako ng bahagya at fini-flex ang dress na sinukat ko.

"You so beautiful." Parang nakakita ng anghel sabi ni Ros.

Habang suot namin Ros ang damit, nagpicture kami sa harap ng salamin. Di na namin ininda ang mga taong nakatingin sa amin. Basta alam namin na masaya kami ni Ros.

"Lady Beth!" Tawag ni Ros.

Napatingin naman ako dito.

"Look!" Sabi niya at nagposisyon siya na parang binabasbasan ng maniquin. Panay tawa naman ako. Sunod naman ay ang maniquin na parang nagpo-propose kaya kunyari si Ros yung babae na susuotan ng sing-sing. Grabe naman tawa ko sa pinaggagawa niya.

Nang mabili na namin ni Ros ang damit, napagtripan na naman namin na suotin ang naka-display na shades. Ang kulit namin ni Ros habang nagkukulitan kami sa harapan ng salamin suot ang shades. Tinawag naman ako ni Ros at nakita ko siyang naka-shades pambabae at kinuha ang wig ng isang maniquin at sinuot. Natawa naman ako sa itsura paya. Para nga siyang babae. Kinuha pa niya ang scarf ng maniquin at nilagay sa leeg niya. Grabe naman ng tawa ko sa pinaggagawa niya.

Hanggang sinita kami ng Saleslady kaya dali-dali binalik namin ang gamit at tumakbo paalis. Sobrang enjoy ako ngayong araw. Puro kulitan at kalokohan kami ni Ax. Halos di na namin namalayan ang oras.

Dahil ramdam ang gutom, kumain muna kami ni Ros sa Jolibee. Panay kain lamang siya ng fries at mukhang paborito na paborito niya. Inorderan ko pa siya ng Jumbo fries. Parang bata na tuwang-tuwa naman siya. Nakangiti lamang ako  habang pinagmamasdan siya kumain. Ngayon lang ako na-enjoy ng ganito. Buong buhay ko, pagtatrabaho sa bukid ang inaatupag ko noon. Na-realize ko na kailangan rin pala ilibang at i-enjoy ang sarili. Ngayon ko lang nalaman ang halaga, ganda at kulay ng buhay. Dahil iyon kay Ros.

*/////

Pagkatapos namin mag-bonding ni Ros, naglalakad na kami pauwi. Sinubukan namin hanapin kanina si Papa sa pamamagitan ng pagtatanong sa tao kung kilala nila si Mama. Sinasabi namin ang buong pangalan pero wala talaga. Di namin alam saan namin hahanapin dahil sa laki ng Maynila, hindi namin alam saang lupalit nakatira si Papa.

"Ros, thank you sa araw na ito." Pasalamat ko sa kanya.

Nakapamulsa na bumaling siya sa akin."Always welcome." Nakangiting sabi niya at nagulat na lamang ako nang hawakan nito ang kamay ko.

Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

Holding hands na naglakad kami pauwi sa apartment. Kahit bigo sa paghahanap namin kay Papa ay sinabi sa akin ni Ros na wag akong mawalan ng pag-asa. Dahil sa buhay natural ang malungkot at mabigo pero pag hahaluhan mo ng tiwala at lakas ng loob, makukuha at mahahanap mo ang kasagutan sa lahat.

Ginagawa lahat ni Ros para matulungan rin niya ako. Dapat matulungan ko rin siya na maalala ang nakaraan niya. Pero paano?


LEANDRO YU POV:)

Abala ako sa pagbabasa ng mga papel na pumasok na lamang ang hinire kong Private Investigator sa aking office. Nag-bow pa ito nang makita ko siya.

"Have a seat." Naupo naman siya sa harapan ko."Nahanap mo ba siya? Kamusta na siya?" Tanong ko kaagad dito.

May nilabas naman itong isang folder at binigay sa akin.

"Yan po ang mga nakuha ko sa bahay ng pinapahanap nyo. Malungkot na binabalita ko po sainyo, patay na po siya." Nahinto nalang ang sa binalita nito halos natigil ako sa pagbukas ng folder."Namatay palang po siya maghihigit isang buwan." Dagdag pa nito.

Sari-saring emosyon nararamdaman ko pero nanaig ang lungkot na nadarama ko ngayon. Sa tagal kong paghihintay, kung kailan kaya ko nang ipaglaban siya saka naman nawala siya. Hindi ko alam ano na mangyayari sa buhay ko ngayon. Siya lang ang dahilan kaya lumalaban pa rin ako ngayon.

"Anong kinamatay niya?" Tanong ko nang nilabas ko na ang lamang ng envelop. Isang mga papel na sulat ng taong mahal at mga listahan ng kanyang pinag-utangan. Nasasaktan ako dahil sa akin, nawala ang lahat sa kanya.

"Hindi po natukoy dahil walang pera sila ng anak niya pampagamot." Sagot nito.

"Anak?" Takang tanong ko halos napatingin dito.

"Sila po ng anak niya."

"Ah? Anak?" Bulalas ko sa gulat.

"Nagkaroon po siya ng anak na babae."

"Sino? Sinong ama? Ilan taon na? May kinasama ba siyang lalaki?" Sunod-sunod na tanong ko. Umaasa ako na sana tama ang hinahala ko.

"Wala po pero mag-isa pong tinaguyod niya ang anak niya sa pagbubukid. Ang sabi ng iba na buntis na raw po ito bago paman tumira sa barangay nila." Patuloy na pagbibigay na balita nito."Labing siyam na raw ang edad ng anak niyang babae---"

"Labing siyam?" Putol ko sa sinabi nito. Nineteen years na rin nakakaraan nang umalis at hindi na nagpakita sa akin. Ibig sabihin...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Nakatingin lamang ako sa litrato at ramdam ko ang pagka-miss ko sa aking ina. Hindi ko namamalayan na sobrang minuto na kong pinagmamasdan ang litrato ni Mama. Pinaginipan ko siya kagabi kaya dahilan nangungulila na naman ako sa pagkawala ni Mama. Akala ko kaya ko na na wala siya pero parang hindi pa.

Hindi pa sana babalik ang sistema ko hindi dahil kay Ros na kakapasok lang ng kwarto.

"What happened?" Tanong nito sa akin.

Napatingin naman ako dito."Wala." Sagot ko sabay punas ng luha sa mga mata ko. Dali-dali naman nilagay ko sa bag ang picture ni Mama. Tumayo na ako sa pagkakaupo para pumasok na sa trabaho.

Nagulat na lamang akong niyakap ako ni Ros na dahilan napahinto ako sa kinagagalawan.

"I know your mom is very proud of you today. Because despite everything you went through before, you still fight even if you are alone." Pahayag ni Ros na mas lalong nagpaiyak sa akin.

Hindi napigilan, niyakap ko na rin siya at umiyak sa kanya.


ANTHONY DURAN POV:)

Maingay na lumabas kami ng computer shop. Di maipinta ang duwa sa aming mga mata dahil nanalo na naman si Ros at hakot-hakot na naman ng pera ang napanalunan namin. Habang tumatagal at habang nakikilala si Ros sa paglalaro, mga big time na tao na nakakalaban namin. Kahit sikat na streamer, nalampaso pa rin ni Ros.

Kakaiba ang galing ni Ros sa paglalaro ng ROS.

"Oh! Tig 7k tayo dyan ah?" Sabi ko sa kanila habang hinahati na nila ang pera.

Habang hinahati na nila John ang pera saka naman lumabas ng computer sila Korto, ang nakalaban namin sa laro.

"Hey, Anthony." Tawag nito sa akin at kasama ang mga kaibigan nito.

Napalingon naman kami dito."Oh?"

"Taga saan ba itong kaibigan nyo at mukhang napaka-professional niya maglaro." Tanong na lamang nito."Kung maglaro siya parang sa sampu siya sa sikat na manlalaro ng Ros, sobrang galing." Dagdag pa nito.

"Taga sa amin lang siya. Baguhan siya sa barangay namin." Sagot ko.

"Anyway, kinagagalak kong nakalaro kita." Sabay nakipagkamay kay Ros.

Tinanggap naman ni Ros ang pakikipagkamayan ito.

"Oh sya! Alis na kami. Next time ulit." Paalam nito.

"Sige." Sabi lang namin dito.

Umalis na nga ito kasama ang grupo niya.

"Bossbrad, bili na tayo ng cellphone natin."

Napalingon na lamang ako na magsalita si Jero.

"Oh sya! Tara!" Yaya ko na sa kanila.

Masayang-masaya na naglakad na kami para pumunta ng Mall.

"May kanya-kanya na tayong cellphone. Dati-rati nagtitipid tayo sa de keypad lang." Turan ni Jake habang naglalakad kami sa loob ng mall at kumakain ng shawarma. Kakatapos lang namin bumili ng tig iisa naming cp maliban kay Ros, meron na siya.

"Oo nga e. Inggit na inggit pa tayo sa mga kaibigan nating naka tatskrin." Sulpot naman ni Jero habang may laman ang bunganga halos namali na siya sa pag-pronounce ng touchscreen.

"Di tayo makakabili ng mga pangangailangan natin hindi dahil kay Ros." Sabi ni John kaya lahat kami napatingin kay Ros na busy na busy mag-type sa cp halos di na niya kinakain yung shawarma na hinili namin.

"Pabayaan nyo na muna. Ka-text niya ngayon yung Lady Beth niya." Sabi ko sa kanila.

"Sus! Deep inside, nasasaktan yan." Kantiyaw ni Jero at tumawa naman silang tatlo.

"Tsk!" Yan lang tanging nasabi ko.

Pero tama nga. Hindi dahil kay Ros hindi namin mabibili ang mga bagay na hindi pa namin nabibili buong buhay. Sobrang pasasalamat namin na dumating si Ros sa buhay namin. Bukod sa magaling siya sa Ros, isa siyang mabuting kaibigan. Hindi rin dahil sa kanya, nakakapagbigay na rin ako kay Mama at nakaipon na rin ako para hanapin si Kuya Roer.


MANDY YU POV:)

Bakit ganun? Bakit di maalis sa isip ko ang kahapon. Dahil sa ginawa ng ermitanyong iyon, hindi ako nakatulog kagabi. Huhuhu! Nakakainis siya! Nakakahiya tuloy dahil ang laki ng eyebag ko ngayon.

Lintik talagang Dylan na yun! Bakit hinalikan niya ako? Hinalikan ako dahil sa maganda ako? Di na ko magtataka bakit ginawa niya iyon.

Papunta ako sa office ni Papa nang napatigil ako sa paglalakad nang makita ang lalaking dahilan bakit hanggang ngayon, gumugulo pa rin siya sa isipan ko. Di ko maiwasang mapatingin sa mapupula niyang mga labi---damn!

Stop, Mandy! Hindi mo siya gusto, okay? Remember, hinalikan ka niya dahil nakakaakit ang kagandahan mo.

Imbea hinirapan ko siya. Naglakad na ako halos dinaanan ko lang siya. Dapat di ipahalata na nagustuhan ko ang halik niya. Sige.

"Ba't ang laki ng eyebag mo. Di ka ba nakatulog kagabi?" Napahinto na lamang ako sa paghakbang nang marinig na nagsalita siya."Ako ba dahilan niyan?"

Gulat na napatingin naman ako sa sinabi niya."Wow! Di yung halik mo dahilan ng eyebag mo saka akala mo naman matamis ang halik mo! Pwe!" React ko kaagad halos minalditahan looks ko pa siya.

"Wala naman akong sinabi dahil sa halik ko." Natatawang sabi nito.

Damn! Ba't ang feeling mo, Mandy!

"Wala ba? Hehehe." Medyo nahiya na sabi ko.

"Bakit? Ang matamis ko bang halik ang dahilan ng pagkabaliw ng isip mo?" Napaka-manly na sabi nito at lumapit ito bahagya sa akin.

"A-ah? H-hindi ah! Asa ka naman!" Deny ko. Napakagat labi na lamang ako. Bakit parang gusto ko pa ng halik niya? Sa buong buhay ko, siya ang first kiss ko at talaga namang hinahanap ko iyon. Damn! Mandy, back to your senses!

"Talaga ba?" Pilyong sabi nito habang seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya pero kahit ganun  ang pogi pa rin niya---pogi?! Kailan pa siya naging pogi sa paningin ko? Ba't Ang guwapo niya ngayon?

"Lumayo ka!" Sabay tulak sa kanya. Tumakbo na ko paalis dahil sa lakas ng puso kalabog ng ko. Hindi ko na gusto itong nararamdaman. Nakakabaliw!

Pagkarating sa cubicle sa, napahawak nalang ako pintuan at nakahinga ng maluwag. Pero ramdam ko pa rin ang kalabog ng puso ko. Napahawak rin ako sa mukha ko at naramdaman kong ang init ng pisngi ko.

Natigilan na lamang ako. Sign ito ng...

"No!"


ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Napangiti naman ako sa mga chat namin ni Ros. Halos naubos yung break time ko dahil dito. Nang oras na ulit ng trabaho ko ay tinago ko na ang cp ko sa locker ko. Papunta na ulit ako sa office ni Sir Johnser para maglinis.

Wala siya buong araw sa office niya. Siguro absent ngayon o baka sa bahay nila siya gumagawa ng trabaho niya. Pagkapasok ko sa office, nagulat na lamang akong makita ang pamilyar sa akin. Nakaupo ito sa sofa habang kausap nito si Sir Dylan

"On the way na po si Sir Johnser. May pinuntahan po kasi siya ngayon." Sabi ni Dylan habang nakatayo siya sa gilid nito habang nakaupo naman ito.

"Hihintayin ko nalang siya dito." Nakakatakot na boses sabi nito."Anyway, pakuha mo kay Ramon ang mga papeles. Padala mo na rin dito." Utos pa nito.

"Masusunod po." Sagot nito sabay bow.

Umalis na nga ito halos nagtama pa ang aming nga mata. Gumilid pa ako para padaanin siya. Nang makalabas na ito, saka naman ako mapansin ni Sir Andrew. Dali naman ako yumuko dito at binati.

"Magandang hapon po, Sir Andrew."

"Ikaw ba ang personal na taga-linis na ni Johnser?" Seryosong tanong nito.

"Opo." Nakayuko pa rin na sabi ko.

"Timplahan mo ko ng kape. Saktong kape lang, wag mong lalagyan ng asukal. Gusto ko plain lang. Ayaw ko masyasong mapait. Maliwanag ba?" Utos nito sa akin.

"Opo."

Dali-dali naman ako lumabas. Di ko alam saan kumukuha o nagtitimpla ng kape. Ang alam ko kasi si Kuya Ramon ang taga timpla ni Sir pero di ko alam sana siya kumukuha. Dahil sa walang alam, nagtanong na ko kay Aling Doya.

"Aling Doya!" Tawag ko.

Napatigil naman ito sa pagpupunas ng bintana.

"Bakit?"

"Saan po yung kuhanan ng mga kape?" Tanong ko.

"Para kay Sir Johnser ba?"

"O-opo." Sabi ko nalang.

"Punta ka doon, lumiko ka saka may makikita kang kuwarto kung saan doon nagkakape ang mga employee." Turo naman nito ng direksyon.

"Salamat po."

Naglakad na nga ako para mapuntahan na yung hinahanap ko. Walang kahirap-hirap nakarating kaagad ako. Nagtimpla na kaagad ako ng kape. Sabi nun walang asukal, tama lang sa kape. Pagkatapos ay bumalik na ako sa office ni Sir Johnser dala ang pinapatimpla ni Sir Andrew sa akin.

"Sir, ito na po." Sabi ko nang makalapit dito na abala sa tablet nito.

Kinuha naman nito ang kape at humigop."Ano 'to?! Bakit malabnaw saka hindi masyadong mainit!" Galit na sabi nito."Palitan mo. Bilis!"

"O-opo!" Taranta sabi ko dali-dali kinuha ang baso at tumakbo para gumawa ulit. Di nagtagal, nakabalik ulit ako dala ang bagong kape."Ito po." Sabay lapag sa babasaging mesa.

Kinuha naman nito at humigop."Ano ba yan! Sobrang init at ang pait! Balitan mo ulit!" Pa-singhal na sabi nito na nataranta ako lalo.

"O-okay po." Kinakabahan na sabi ko. Pagkakuha ko ng baso, nabitawan ko naman dahil sa Kaba at m taranta. Ang nangyari ay...

"What the fuck!" Bulalas nito sa gulat halos napatayo sa kinauupua nang natapunan ng kape ang damit niya.

"Sorry, Sir. Di ko po sinasadya----"

Nagulat na lamang ako ng sinampal ako nito ng napakalakas. Ramdam ko ang sakit ng pisngi ko at parang nayugyog ang ulo ko sa ginawa nito. Feeling kong maiiyak na ako pero pinigilan kong hindi matuloy iyon.

"Ang tanga mo! Bakit pa kumuha si Johnser na tulad mo na tatanga-tanga. Tanga kana nga, basura pa trabaho mo. Get out! Nandidilim paningin ko sayo! Damn it!" Singhal nito at galit na galit na pinunasan nito ng panyo ang natapunan kong kape.

"Sige po." Sabi ko habang nakayuko.

Nakayuko pa rin na naglakad na ako paalis. Pagkalabas ng office saka naman nagsilabasan ang luhang pinipigil ko kanina. Ang sakit! Ang sakit ng mga sinabi niya pati na ang pagsapak niya sa akin. Bakit ganun ang mundo? Bakit may mga taong may kaya na kayang apakan ang mga taong walang kaya na katulad ko? Ganun na ba kalupit ang mundo sa mga tulad namin na mababa lang?

To be continued...

Yan muna guys.
Busy ako sa pag apply ko for contract sa dreame.
Lablab😘💖

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

8K 357 52
Isang lalaking halimaw ang pinag experimentuhan ng isang baliw na scientist.What if this monster turned into a goodlooking person what will you do?
45.6K 1.2K 30
Dahil sa isang misyon na kailangan mong gawin ay doon mo rin pala makikilala ang taong magpapatibok ng iyong puso. Aria Bailey at Creed Nicholson ay...
29K 720 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...
824K 16.9K 77
COMPLETED I'm Living with the arrogant and cold blooded king. --- Most impressive ranking; Rank 1 in maid category Rank 1 in exo category Rank 1 in...