The Mafia Lord's Pet|āœ”

By AmorevolousEncres

2.6M 81.6K 19K

[BxB | MPREG | R18] š—£š˜‚š—Æš—¹š—¶š˜€š—µš—²š—± š—Øš—»š—±š—²š—æ š—˜š˜š—¹š˜‚š˜… š—¢š—– š—£š˜‚š—Æš—¹š—¶š˜€š—µš—¶š—»š—“ š—œš—»š—°. Cassidy: I lov... More

THE MAFIA LORD'S PET
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
EPILOGUE I
EPILOGUE II
EPILOGUE III
Thank you!
'The Mafia Lord's Pet' Physical Book

CHAPTER 25

50K 1.7K 410
By AmorevolousEncres

Chapter 25







Cassidy Pov

"Mga anak di muna sasama si Papadad ngayon sa paghatid sa inyo ng d-daddy ninyo sa school, huh?" sabi ko sa mga anak ko.

Naka-squat ako upang pantayan ang kanilang height. Sinukbit ko ang bag ni Zhuri sa balikat niya at saka ko pinasok isa-isa sa bag nila ang kani-kanilang baon. Ang panghuling baon na nasa center table ng mesa dito sala ay kinuha ni Tyson saka siya na ang naglagay noon sa bag ni Zenver.

Hindi gumalaw si Zenver kahit konti at hinintay na matapos si Tyson doon sa paglagay ng baon sa backpack niya. Nang matapos iyon saka lumapit si Zen sa akin. Si Tyson naman ay tumabi at lumabi.

Isang linggo na ang lumipas na ganito ang sitwasyon. Hatid at sundo sila ni Tyson. Ewan ko kung saan tumutuloy dito si Tyson dito sa Sagada at di ko na rin naman iyon tinatanong sa kanya. Basta dumadating na siya dito ng maaga at minsan nagreresto na rin ako na bigyan siya ng kape. Si Pike kasi bumalik na sa Manila tapos si Owell naman ayaw na ayaw nun kay Tyson.

Ako man ay ayaw din kay Tyson pero sinusubukan ko siyang pakisamahan kasi kung makikita ng mga anak ko na pati ako ay hindi maayos ang pakikitungo kay Tyson mas lalo naman sila. Baka gayahin nila ako. Di nga sila lumalapit kay Tyson kapag wala ako. Tinititigan lang nilang tatlo si Tyson sa kanilang harapan. Kailangan ko pa silang utusan na lumapit kay Tyson at magmano kapag dumadating ito.

"Baka kunin niya kami kapag wala ka, papadad." Iyan ang rason nila sa akin nang minsan na tinanong ko sila kung bakit ganoon ang pakikitungo nila kay Tyson kapag nasa bahay ito.

Akala ko madadala ang mga anak ko sa mga bagay na dinadala ni Tyson dito sa bahay. Bumibili kasi siya ng mga laruan na halatang mamahalin at di pa nakakahawak ang mga anak ko doon. Pati na libro at mga coloring books at coloring materials kaso di nila iyon ginagalaw.

Nakikita ko sa mata ni Tyson na nasasaktan siya kapag may binibigay siya sa mga anak ko tapos ayaw naman itong gamitin o laruin ng mga anak niya. Pero hanggang ngayon ay pursigido pa rin siya. Awa na lang ang kaya kong maibigay kay Tyson dahil talagang masakit na tratuhin ka ng anak mo na parang wala lang. At galit pa sayo. Pero anong magagawa ko? Niya? May kasalanan siya dapat pagdusahan niya iyon.

"But papadad." pagmumugtok ni Zhuri.

"Anak Zhu, don't worry ihahatid lang kayo ng daddy ninyo sa school then after uuwi din siya sa b-bahay niya." Tumingin ako kay Tyson. "Tyson, ihahatid mo lang naman sila sa school, diba?"

Mabilis ang pagtango ni Tyson at nagsalita, "Yes, ihahatid ko lang kayo sa school ninyo."

"See?" ako naman at tumingin sa kanila.

Zyrho look at Tyson at sinundan naman iyon ni Zenver. Gumalaw ang panga ni Tyson.

"I promise. I promise, I'll just drop you off to your school. I... I still have a work, too."

"Let's go, baby sister. He had already made a promise." si Zenver at kinuha ang kamay ni Zhuri.

Ngumuso naman ang anak kong babae.

"You promised." seryosong anang ni Zyrho na di pa pala tinatanggal ang mata kay Tyson.

Tyson blinked. "Y-yes. I promise."

Hinatid ko sila hanggang sa may kalsada kung saan naka-park ang sasakyan ni Tyson na Sedan na naman sa pagkakataong ito at kulay itim. Napailing na lang ako.

Isa-isa kung hinalikan ang mga anak ko.

"Wag pasaway sa school, wag maghahanap ng away at makinig sa teacher, okay?" paalala ko sa kanilang tatlo.

"Yes, papadad." sila at binigyan ako ng halik at yakap.

Pinagbuksan sila ng pintuan sa sasakyan ni Tyson at silang tatlo ay nagsiksikan sa backseat. Walang umupo sa harap. Nang masara ni Tyson ang pintuan ng backseat at paikot na siya sa driver's seat lumapit ako sa kanya.

"Ibalik mo ang mga anak ko, Tyson." saad ko sa kanya.

Naningkit ang mata niya. "I will Cass. I can keep a promise." saad niya na para bang pinapatamaan niya ako.

Napakuyom ako sa kamao ko. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na ihahatid ni Tyson ang mga anak ko sa school nila na hindi ako kasama. Sa mga nagdaang araw na hinahataid niya ang mga anak ko. Sumasama ako kasi syempre takot din ako na baka itakbo niya ang mga anak ko at saka mas kampante rin kasi ang mga bata kapag kasama ako sa paghatid sa kanila.

Nakikita ko naman na sinsero si Tyson sa pagkuha ng loob sa mga anak ko, namin. Kaso nangangamba pa rin ako na baka isang araw o isang minuto lang magbago ang takbo ng utak niya at itakbo ang mga anak ko. Hanggang ngayon kahit na lagi ko nang nakikita si Tyson wala pa rin akong tiwala sa kanya. Masyado kasing bipolar kumbaga ang takbo ng utak niya kaya hanggang ngayon ang hirap pa rin pagtiwalaan ang mga pinagsasabi niya. Ang hirap paniwalaan ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. At mamamatay ako ng maaga kapag nangyari iyon.

"Nagpapaalala lang ako." natigas kong saad sa kanya.

Napabuntonghininga si Tyson."Don't worry, Cass. Dahil ayaw ko na kamuhian pa ako ng mga anak ko ng husto. Kaya makakaasa ka na hindi ko sila ilalayo sayo." si Tyson na parang ngayon ko lang ata siya narinig na nagsalita ng tagalog at mabaha pa.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo dito, Tyson."

"Aalis na kami."

"Mag..." napatigil ako at umubo. "Ingatan mo ang mga anak ko."

"I will, and they're my children, too, Cass. What do you take me for?"

Nang makaalis sila ako naman ay bumalik sa loob at naghanda dahil pinapaaga kasi kami ngayon dahil may isang wedding event sa hotel na pinagtatrabahuan ko. Pagkatapos ng paghahanda ko ay binitbit ko na ang tote bag ko at aalis na sana nang lumabas si Owell galing sa kusina na may dalang tasa at tinapay.

"Aalis na ak-"

"Nagkakamabutihan kayo ni Maranzano?" putol niyang tanong sa akin na kinakunot ng noo ko.

"Anong pinagsasabi mo dyan, Owell? Akala ko tulog ka pa?"

Inirapan niya ako. "Nakita kong nag-uusap na kayo ng masinsinan sa labas, huh. Wag mong sabihin sa akin sa susunod n'yan Cass na nahulog ka na naman doon sa lalaking iyon? At napapatawad mo na siya sa mga nagawa niya sayo noon?"

Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. "Owell, saksi ka sa mga paghihirap ko dito. Saksi ka kung paano ako, naghirap, kung gaano ako nasaktan, saksi ka sa mga luhang lumabas sa mata ko sa panahon na sinabi ko sayo ang nakaraan ko. Hindi ako ganun kadaling madadala ni Tyson ngayon Owell. Saka, ang mga anak ko lang ang kailangan niya. Malinaw iyon at kita mo naman ang kaplastikan noon sa akin, diba?"

Bumuga siya ng isang hinga. "Alam ko Cass. Alam na alam ko ang pinagdaanan mo. Pero sigurado ka ba dyan? What if one day kapag nagkasundo na ang mga inaanak ko kay Maranzano at ikaw naman ang suyuin niya?"

Napatawa ako doon. Walang nakakatwa doon kaso natatawa ako. Ang labo lang kasing mangyari na ako susuyuin ni Tyson. Parang sinabi na rin ni Owell na ang tubig na ang aakyat sa bundok. Napakalabong mangyari ang bagay na sinabi niya.

"Anong tinatawa mo, Cass?" mas sumeryoso si Owell kaya napatigil ako sa pagtawa.

"Owell naman. Si Tyson? Si Tyson Greg Maranzano? Susuyuin ako? Paano 'yan pumasok sa isip mo, Owell?"

"Hypothetical question iyan, Cass. Kaya sagutin mo. Wag mo akong sasagutin na hindi mangyayari. Dahil what if. What if dumating ang panahon na 'yan."

"Hindi mang-"

"Wag mo nga ako sagutin sa ganyan. I'm not being a bitch here Cass pero sa nakikita ko kasi sayo ngayon di mo iyon naiisip. Alam ko na laman ng isip mo ngayon ay ang pangamba, takot, pagkabalisa, pag-aalala, at ang galit mo kay Maranzano. Pero Cass naisip mo na ba na maaaring gawin iyon ni Tyson? Paano kung gawin niya iyan? Paano mo siya pakikiharapan? Ano ang sasabihin mo sa kanya? Ano ang magiging sagot mo?"

Doon ako natigilan. Totoo lahat ng sinabi ni Owell sa akin. Totoo lahat ng nakikita niya sa akin. Lahat ng iyon ay nararamdaman ko ngunit ni minsan di sumagi sa isip ko ang tanong niyang iyon. Kailanman. Saka bat ko naman iisipin ang mga bagay na ganoon sa galit na nararamdaman ko kay Tyson?

Kung magkakaroon man kami ng ugnayan ni Tyson siguro iyon ay ang magulang siya ng mga anak ko at magulang din nila ako. Ang inisip ko kasi ngayon ay ang kapakanan ng mga anak ko. Kung ano ang nakakabuti para sa mga anak ko. Kung ano ang nakakabuti sa sitwasyon ko—namin ngayon. Hindi ko na inisip ang ganoon. Hindi ko na iniisip na hihigit pa doon o lalagpas pa doon ang relasyon namin ni Tyson. Mga magulang na lang kami sa mga anak namin.

"Huwag na nating pag-usapan iyan, Owell." mahinang ani ko.

"Natatakot ka rin Cass. Natatakot ka rin na baka iyang ginawa mong panangga ay masira rin ni Tyson. Natatakot ka rin na baka papasukin mo na naman si Tyson d'yan sa puso mo. Natatakot ka na baka bumigay ka na naman."

"Owell-"

"Tingin mo ba noon n'ong nasa puder ka pa ni Tyson wala talaga siyang feelings sayo? Ni katiting? I'm sure meron 'yan. At paano kung ngayon sasabihin niya na mahal ka niya at gusto niya magsama ka ulit. Hindi lang para sa anak ninyo kung hindi para rin sa inyo?"

Pinatigil ko si Owell sa kanyang pagsasalita sa pamamagitan ng pagwasiwas ko sa kamay ko.



"That's not gonna happen, Owell." ako.



Pumikit siya at tumango.



"Hmm. Pasensya na concern lang ako Cass dahil para na kitang kapatid at ayaw ko na uuwi ka na naman dito na luhaan at may pagsisi."

Inilingan ko siya. "Alam ko Owell at salamat."



"Sige na umalis ka na inabala pa talaga kita ngayon," tumigil siya kaya tumango ako sa kanya. "Saka iyong tanong ko pag-isipin mo rin iyon, Cass. Mangyari man o hindi mas mabuti nang handa ka."

Kaya ayon sa buong trabaho ko naging lutang ako dahil sa tanong ni Owell. Paano nga ba kung mangyari iyon? Paano kung ganoon nga? Paano kung sabihin ni Tyson na mahal niya ako? Tatanggapin ko ba siya ulit? Hahayaan ko na naman ba siyang pagharian ako?

Of course, I will not. Tama na siguro ang isang beses. Tama na iyong nangyari noon. Saka kung may feelings si Tyson, kung mahal niya ako sana di niya ginawa iyon ginawa niya sakin six years ago. Kung may nararamdaman siya dapat nag-isip siya bago nagsalita ng mga ganoon. Obviously, wala siyang paki. Wala siyang feelings.

Gabi na nang makauwi ako sa bahay at pagkarating ko sa bahay ay nanduduon si Tyson sa sala at naghahalungkat sa mga photo album ng mga anak ko noon. Ilang beses ko na naman siyang nakikita na tumitingin doon pero hanggang ngayon aliw na aliw pa rin siya doon.

Hindi niya namalayan ang pgadating ko at nang maisara ko ang pintuan saka lang siya nag-angat ng tingin sa akin.

"Cass," kaswal na wika niya sabay baba sa lumang photo album.

"Umuwi ka na ako nang bahala sa mga bata." wika ko.

"I have something to tell you."

"Oh  ano iyon?" Pormal lang ang boses ko sa kanya. Binaba ko ang bag ko sa isang upuan na gawa sa kuwayan at umupo ako doon. Naghubad ako sa sapatos ko at itinabi.

"May mini bazaar display pala sila sa thursday." Napakagat labi ako nang muntik ko nang makalimutan iyon. "Na moved daw sabi ng teacher nila dahil sa friday opening ng nutrition month."

"July na na pala so malapit na rin ang birthday nila." napabulong ako sa hangin.

"Their birthday? When is it?"

Napakurap-kurap ako sa tanong ni Tyson. Oo nga pala hindi ko nababanggit sa kanya ang birthday ng triplets.

"J-July 20, mags-six na sila."

"Then what's the plan on their birthday?" excited niyang tanong.

"M-Magsisimba lang kasi kami tuwing birthday nila minsan ay pinpakain namin sila sa Jollibee since gusto nila ang fried chicken at sundae doon."

"No party?" napailing-iling na tanong niya.

Muntik ko nang abutin ang sapatos na hinubad ko kanina at ibato sa kanya.

"Wala akong sapat na pera para magparty kami sa birthday nila. Maliit ang sahod ko at tatlo sila mahirap pagkasyahin ang ilang libo lang na suweldo kaya paano kami makakaparty? Basta masaya ang anak ko sa kaarawan nila. At may cake sila na sabay nilang bino-blow, ayos na iyon sa kanila."



"You have me now."

"Ano?"

"I mean, they have me now. Let's make a party that they won't forget. Let's bring them to Manila, and I will provide everything."



Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 58.2K 44
RESERVED Mafia Underboss Series 1 [BxB, R-18] A province boy, Ady Vera Cruz meets noble man Laszlo Mcgregor, the mafia and runaway prince of House...
768K 44.5K 83
Sophia D. Ark, an ordinary college student that loves reading fiction as its only way to escape her not-so-good reality. After dying in an unfortunat...
70.9K 207 2
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either th...
1.4M 57.4K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...