Accidentally In Love with my...

De SAHN-DRAH

3.9K 234 6

Marileigh Gonzales, the only child and only grand daugther of the Chairman Gonzales. One of the richest famil... Mais

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Chapter 1

637 18 0
De SAHN-DRAH

Marileigh pov


Nagising ako ng isang umaga na nasisilawan sa sinag ng araw mula sa bintana ng aking kwarto. Ito ang unang araw ko sa Mindoro.

Nagpahatid ako kay mommy and daddy kahapon, dito sa bahay ng kaibigan ko na si Samira. Tutal lagi naman sila wala, mas mabuti ng dito muna ako sa kaibigan ko, which is, kaibigan din naman ng parents ko ang family nila.

Dating nakatira sila Samira sa cebu, kung saan sabay kaming pumapasok sa school nung elementary kami, pero dahil sa negosyo na naiwan ng namayapa nyang lola dito sa Mindoro ay dito na rin sila tumira.

Nakakainggit lang dahil si Samira may kapatid at meron pang kambal na lalaki. Pero ako, ni isa wala. Parang pakiramdam ko, lagi akong nag iisa sa Cebu, kahit kasama ko sina lola at lolo duon pero, tulad din ng parents ko, madalas din wala.

Masarap mabuhay na may normal na buhay at normal na pamilya.

Bumangon ako at dali-daling naligo at nag ayos ng sarili. Wala naman pasok ngayon dahil bakasyon na.

Narinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko kaya, agad ko iyon binuksan.

"Good morning. Tara sabay na tayo kumain." nakangiting sabi ni Samira sakin.

"Okay." Tugon ko.

Agad kaming nagtungo sa dinning area. Nanduon na ang lahat. Pwera lang kay Samraz. Na kuya ni Samira. Matanda lang sa amin ng dalawang taon. Pero mukhang isip bata pa rin. Dahil nung nasa Cebu pa kami, madalas nya akong asarin at tawaging pigtail.

Madalas ko kasing itirintas ang buhok ko dahil sa pagkakulot ng buhok ko, hindi pwedeng ilugay dahil sasabog ang buhok ko.

"Maupo ka na hija." sabi ni Tita. "Wag kang mahiya, ituring mong bahay mo na rin ito." sabi pa nya. 

Mabait talaga si Tita Samara. Kahit si Tito Steven na asawa nya mabait din. Wala na ako masasabi sa kanila kundi, mababait silang mag asawa.

"Nakakatuwa hon. Parang nadagdagan ang anak natin." sabi pa ni Tito. At parang namula ang pisngi ko. "Teka, bakit wala pa si Raz? Sya na lang ang hinihintay." sabi pa uli ni tito. Pero hindi naman sya galit.

"Nandito na po." sagot ni Samraz na parang inaantok pa dahil sa pag hikab nito.

"Maupo ka na anak. Para sabay sabay na tayong kumain." sabi pa ni tita kaya umupo na sya sa tabi ng upuan ni Samir.

Nang mag umpisa ng kumain, tumusok ako ng isang hotdog gamit ang tinidor, nang syang tinusok din ni Samraz. Kaya tinanggal ko ang tinidor sa pagkakatusok at pinaubaya ko sa kanya at kumuha na lang ng iba.

Kung tutuusin pwede naman nyang gawin yun ang kumuha na lang ng iba hindi yung parang nag aagawan kami.

Nang kumuha naman ako ng bacon, at natusok ko na gamit uli ng tinidor na hawak ko, sya namang tusok nya uli kaya muling nagpaubaya ako.

Napabuntong hininga na lang ako dahil pakiramdam ko sinasadya na nya, kaya ng tinignan ko sya. Sya namang talim ng tingin nya sakin.

Katakot... 

"Kumain ka pa hija. Para tumaba ka." sabi ni Tita at nilagyan ng ulam ang plato ko.

"Salamat po." nahihiyang sabi ko.

Nang matapos kaming mag agahan, nagpaalam sila tita at tito na pupunta ng hotel. Kung saan naroon ang opisina nilang mag asawa, at sila ang may ari nun.

"Magpakabait, habang wala kami." sabi ni tita at hinalikan sa pisngi ang kambal. Pero si Samraz hindi nag pahalik dahil bigboy na raw sya. Nakakagulat ng halikan din ako ni tita sa pisngi.

Ang sarap naman na maramdaman na may ganong ina. 

"Tara Mari. Samahan mo ko maglaro." sabi ni Samira.

"Maglalaro? Ng ano? Wag mong sabihin dollhouse yan o barbie. Naku. Sa pasukan highschool na tayo."

"Hindi ah. Ano ka ba. Video game lalaruin natin." sabi pa nya.

Nagpunta kami sa kwarto nya at duon maglalaro.

"Sa ngayon. Girls vs. Boys tayo sa bahay na to."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Itong kwarto ko, for girls only lang, bawal ang boys."

"Kahit si Samir?"

"Oo.  Kaya nga for girls diba. Saka kasama nun si Samraz. Malamang nag lalaro din yun sila o nanunuod."

"Anong pinapanuod nila? Baka something alam mo na."

"Ui. Hindi no. Ang dumi ng isip mo. Siguro something scary, mga ganon. Like horror, serial killer o mga paranormal."

"Grabe.. Nakakatakot naman nun. Hindi ko kaya manuod ng ganon."

"Pero yung isang yun. Sanay na sanay na. Siguro, buong bakasyon, yun lang gagawin nya."

"Hindi ba sya binabangungot kakanuod ng ganon?"

"Hindi, saka di mo ba napapansin? Mukha na nga yun dracula eh." natatawang sabi pa ni Sam.

Pero napansin ko nga. Dahil sa talim nyang tumingin sakin kanina. Parang mangangain ng buhay. Kaya nakakatakot talaga sya sobra.

Ilang bwan ang lumipas. Pare-parehas ang school na pinasukan namin ni Samira at Samir sa highschool, syempre duon din mag aaral si Samraz.

First year highschool student kami, at si Samraz ay third year highschool na. Parang feeling ko, binabantayan nya ang kambal dahil pumayag ito na iisang school na lang sila pumasok.

Kahit sa kanila ako nag stay ay hindi naman ako pinabayaan nila mommy and daddy na suportahan ako for financial ko. Sobrang pasasalamat ko dahil hindi din naman ako pinababayaan ng pamilyang Chavez.

Matagal tagal na rin akong nag stay dito sa bahay nila Samira pero yung kuya nya na si Samraz. Parang nagiging mailap.

Accually, sya lang ang hindi ko close. Mukha syang weirdo, ang mga mata nya ay natural na matalim kung tumingin. Na akala ko sakin lang sya ganon tumingin.

Tahimik, pero minsan ko ng narinig tumawa kapag nag kwewentuhan sila ni Samir. Nung nasa Cebu pa kasi kami nuon, ni hindi ko pa sya narinig tumawa kahit asarin ako. Ewan ko ba dun.

Kung sabagay, parehas silang lalaki. Kaya sila lang ang magkakaintindihan na dalawa. Kaya kami lagi ni Samira ang madalas magkasama dahil parehas kaming babae.

Dumaan pa ang ilang araw, linggo at ilang bwan. Ganon pa rin naman, walang pinagbago. Hindi naman ako naboboring dito sa bahay, dahil madalas kaming magpunta ni Samira sa tabig dagat kasama sila Samir at Samraz.

"Ui tara. Swimming tayo." yaya ni Samir.

"Game ako jan." sabi ko at hinubad ko ang suot kong maong na jacket kaya lumantad ang makinis at maputi kong braso dahil sa suot ko rin na fitted sando.

"Wow. Ang lakas ng loob magsuot ng fitted. Wala namang hinaharap." sabi ni Samraz habang nasa tabi ko pala ito.

Hindi man lang tumawa para maramdaman kong biro lang ang sinabi nya kahit totoong hindi gaano kalakihan ang hinaharap ko.

Fourth year highschool na kami nila Samira at Second year college na si Samraz.

Parehas na kaming dalaga ni Samira pero, nakakainggit lang na mas malaki ang hinharap nya kaysa sakin na di ko alam kung saan na ba napunta. Dahil ba sa payat ako. Hay naku.

Humarap ako sa kanya at nakapamewang pa. Nakaramdam kasi ko ng inis sa kanya.

"Hahaha. Bakit naiinggit ka ba?" inis kong tanong sa kanya.

"Hindi. Bakit naman ako mainngit, saka tignan mo nga yang buhok mo, lagi ka pa ring naka pigtail. Kung hindi isa. Ngayon naman dalawa. Baka sunod nyan tatlo na, hanggang maging apat pa o sampo." natatawang sabi nya at tumakbo papunta sa dagat.

King ina. Kahit pala tumawa sya nakakainis din pala.

First time kong marinig na pinagtatawanan nya ako kaya nainis lalo ako.

"Wala kang pake!!" sigaw ko.

"Sinong kaaway mo?" tanong ni Samira.

"Eh sino pa edi yung weirdo mong kapatid." inis kong sabi sa kanya.

"Naku. Malakas talaga mang asar yan. Pero, titigil din yan." sabi pa ni Samira.

Palaging sinasabi ni Samira sakin yan, kahit nung nasa Cebu pa kami, tumigil nga pero heto, mukhang mag uumpisa na ang world war 3..

Bahala na...

Tumakbo kaming sabay ni Samira papunta sa dagat. Ang saya sa pakiramdam na laging ganito. Kasama ko ang mga kaibigan ko

Wala naman akong ibang kaibigan kundi sila lang dalawa. At sana si Samraz, maging friend ko na rin. Kahit na malabong mangyari dahil pakiramdam ko hindi nya ako gusto dahil lagi itong masungit sakin. Hindi katulad ng kambal na parehas mabait sakin.

Unang araw pa lang nuong tumira ako sa kanila. Ramdam ko na ang pagiging cold nya. Feeling strangers tuloy ako sa teritoryo nila. Ganon kasi ang pinaparamdam nya.

Hindi naman ako manhid para hindi ko yun maramdaman, parang parents ko lang din na parang hindi ako gusto makasama dahil palaging wala. Pero, sanayan na lang.

Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko sa iba kung gusto ako o ayaw sakin. Ang mahalaga kahit papaano. Ramdam kong mahal pa rin ako ng mga taong nakapaligid sakin. Except Samraz Chavez. Alam ko naman.. He hate me so much...

To be continued.






Continue lendo

Você também vai gostar

11.1K 233 26
Everyone says a fangirl will always remain as a fangirl only. She has an ultimate crush, so she dared to give him a special present. Will Kit also fa...
30.1K 249 7
Thể loại : ngôn tình, trọng sinh, hiện đại, nữ cường, hoàn. Sơ lược : Đồ sứ vỡ? Đồ đồng đen thiếu một góc? Danh họa tổn hại? Đồ cổ thực hư khó phân b...
12.1K 454 17
After the battle between Ryan and Seth, Ryan starts to act weird. He starts being mean to his friends and brother, plus he keeps getting headache and...
1.4M 35.4K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...