Behind the Mask [ ✓ ]

By oyaoyaoyassilem

1K 99 32

Ang Behind the Mask ay isang bandang binubuo ng limang miyembro. Dahil sa kanilang pagiging misteryoso, maram... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Wakas

Kabanata 10

66 8 0
By oyaoyaoyassilem

•°• ✾ •°•

Bago mahuli ang lahat
Sa bilang ng tatlo o apat
Sundan mo, sundan mo
Puntahan mo na siya
Bago mahuli ang lahat

𝘽𝙖𝙜𝙤 𝙈𝙖𝙝𝙪𝙡𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩 // Never the Strangers

•°• ✾ •°•


Ikasampung Kabanata:
Laban

Dahil sa pagiging abala ko sa pag-e-ensayo kasama ang banda, hindi ko na namalayan pa ang mabilis na paglipas ng oras at bawat araw.

Ilang minuto na lamang bago kami mag-perform. Hindi pa nakatulong na kami rin ang mauunang sumalang sa entablado. Mula sa tatlumpung banda, bumaba na lamang ito sa sampu ngayon. Kasama kasi sa criteria ang popularity ng mga kalahok at iyon ang ginamit upang malaman kung sino ang mga tutuloy sa stage. Nakakagulat nga na Behind the Mask ang nanguna.

Ngayong live performance, mga judge na mismo ang manghuhusga kung sino ang tatanghalin nilang panalo. Dalawang buong banda, isang bokalista ng banda, isang songwriter, at isang soloist ang kanilang judges.

Binigyan naman nila kami ng listahan ng mga gagamitin nila sa paghuhusga. Impact sa mga manood, stage presence, performance, at lyrics ng kanta ang kanilang pagbabasehan upang malaman kung sino ang mananalo.

"Behind the Mask, you're up!"

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon.

"Good luck sa atin!" pagpapagaan ni Timaeus ng aming pakiramdam. "Erato, huwag kang kabahan. Okay lang mag-crack boses."

"Hoy, huwag mo ngang ganiyanin, baka magkatotoo," ani Knuckles sabay katok sa kaniyang tambol.

Isang tunog dahil sa notipikasyon ang nagpatunog sa aking cellphone. Tiningnan ko ito at nakitang galing kay Timothy.

Larawan niya ito kasama ang entablado. Hindi siya ganoong kalayo sa stage, mabuti na lamang. Binasa ko ang mensahe niya na kasunod niyang sinend.

"Wala si Ash tapos ayaw mo naman. Okay lang nandito naman ang Behind the Mask," bigkas ko rito.

"Timothy?" Tumango ako kay Timaeus. "Eh 'di samahan mo mamaya pagkatapos natin. Pang-una naman tayo, eh."

"Bobo! Baka mahuli 'yang si Erato," puna ni Knuckles.

Noon isang beses ay nadulas ang dila ni Timaeus at nabanggit sa kanila ang tungkol sa mga ginawa kong kanta sa pagiging olats ko sa aking kaibigan.

"Hala, oo nga pala. Sorry, bobo," ani Timaeus.

"Tara na, mga FRIEND!" Sinamaan ko ng tingin si Mizori nang pinagdiinan pa talaga niya 'yung huling salita. "Joke lang, ito naman. Tara na kasi, baka ma-disqualify pa tayo kasi ang tagal nating lumabas."

Nasa backstage na kami. Sumilip ako kaunti. Napapikit na lamang ako dahil nahilo ako nang makita ko ang dami ng mga nanonood, nakakalula. Mabilis akong humawak sa pader nang naramdaman ko ang unti-unting pangangatog ng aking tuhod.

"Okay ka lang?" tanong ni Timaeus. "Huwag mong masiyadong isipin ang mga manonood o kaya mga hurado. Ang mahalaga, ma-enjoy mo ang performance ngayon. Your songs are not for them, right?"

Muli akong sumilip sa labas at kusang nilibot ng aking mga mata ang buong venue upang hanapin ang taong inaasahan kong magpapakalma sa akin.

Hindi pa ganoong kadilim ang paligid kaya naman ay madali ko rin siyang nahanap. Abala siyang nagtitipa sa kaniyang cell phone. Maya't maya ay inis niyang tinanggal ang atensyon niya rito.

Napakunot ako ng aking noo. Nag-away na naman ba sila ni Ash? Iba ang timpla ng kaniyang mukha ngayon. Hindi maipinta dahil sa sobrang pagkainis.

Iniangat niya na naman ang kaniyang cell phone at nagkalikot doon. Maya-maya lamang ay binaba niya ulit ito. Pagkababa niya ay saktong tumunog ang cell phone ko.

Binuksan ko ito at tama nga ang aking hinala, nag-away na naman sila. Kinuwento niya sa akin na kasama na naman pala ni Ash 'yung pinagseselosan niya. Alam naman niyang magkikita-kita silang mga magkakaklase ngunit hindi raw nabanggit ng isa na kasama nga 'yung kinaiinisan ni Tim.

May sinend din siya na larawan kung saan kita ang closeness ng dalawa-mukhang My Day yata ng isa sa mga kaibigan ni Ash.

Magre-reply na sana ako kaso narinig kong binanggit na ng host ang pangalan namin. Mabuti na lamang at may bulsa ang aking dress kaya naisuksok ko roon ang aking cell phone.

Naglakad na kami papunta sa gitna ng entablado. Sobrang buhay ang mga manonood at grabe kung makapag-cheer. Paulit-ulit nilang binabanggit ang aming pangalan.

Isa-isa naming tinest ang iba't ibang instrumento.

Tinapik ko ang mic na nag-ingay naman. Nag-thumbs up ako kina Timaeus. Sumunod naman siya sa pag-check na sinundan din ng iba pang miyembro.

Habang tinitingnan nila at inaayos ang tunog ng kanilang instrumento, nakapokus lamang ako sa tibok ng puso ko. Tila nakikipagkarerahan ito sa bilis. Ilang beses akong nag-inhale at exhale ngunit hindi talaga ito kumakalma.

Iisang paraan na lamang ang aking maaaring gawin.

Agad na dumapo ang aking tingin kay Timothy.

Sa isang iglap, nawala lahat ng antisipasyon sa aking katawan. Ang pangangatog ng aking tuhod ay huminto at bumalik sa normal ang pagtibok ng aking puso.

Isang ngiti ang pinakita ng kaniyang labi bago sumigaw.

"Behind the Mask, salamat kasi kayo ang nagsasalba sa akin sa kalungkutan!"

Pagkasabi niyang iyon ay nagsimula nang tugtogin ni Timaeus ang kaniyang gitara. Ang nasa simula ng aming set ay ang unang orihinal na kantang aawitin namin sa gabing ito.

"Hello, everyone!" bati ko sa kanila. Mabuti na lamang at hindi ako nag-crack kahit kabado akong nakatayo sa harap ng napakaraming tao. "Again, we're Behind the Mask at handa na ba kayong pakinggan ang mga kantang inihanda namin para sa inyo?!"

Naghiyawan ang bawat tao. Inalala ko na nakamaskara ako ngayon. Hindi nila ako makikilala kaya dapat ay maging kampante ako. Unti-unti, parang nasanay na ang aking katawan sa dami nila at nagiging komportable na rin ako.

"Hindi ko na patatagalin pa. Ang aming unang kanta ay tungkol sa pag-ibig, malamang, pero hindi mawari-wari ng nagsasalita kung ano ito kahit na may natatanging tao talaga na dumadapo sa kaniyang isipan," panimula ko.

"Ito ay nakasulat sa perspective ng lalaki at... Matalino siya, kaya niyang mag-solve ng problems pero problema sa babae, hindi. Everyone, this is... "Uada.""

Sa hindi kalayuan, natanaw ko ang isang babae na halos kaedaran ko lamang. Halata ang gulat sa kaniyang mga mata at alam ko ang dahilan. Sa kaniya ko ipinangalan ang una naming kanta at ang katabi niya ay ang lalaking tinutukoy ko.

Nagsimula ako sa pagkanta at pinagbalik-balik ang tingin sa kanila hanggang sa matapos ang kanta. Napabuntong-hininga na lamang ako sapagkat walang nangyari. Pumalakpak lamang 'yung babae samantalang 'yung lalaki naman ay diretso lamang ang ayos ng mukha.

Magkapatid talaga sila ni Ryo. Naikuwento kasi sa akin ni Ryo na narinig niya raw nag-aaway 'yung kapatid niya at pinsan nila tungkol sa babae. Nagalit daw 'yung kapatid niya kasi masiyadong close 'yung babae at pinsan niya pero nang tanungin siya kung bakit, wala naman siyang maisagot. Hindi niya naman daw gusto, sabi niya, pero hindi naniniwala sina Ryo at ang pinsan niya.

Kaya naman, inimbitahan ni Ryo ang kuya niya ngayon para marinig ang kantang ito. Baka sakaling mapagtanto na ng kapatid niya bago pa man mahuli ang lahat.

Ngunit base sa nakikita ko ngayon, mukhang wala namang pinagbago. 'Yung lalaki na mismo ang ayaw tumanggap sa sarili niyang nararamdaman.

Ang sunod sa aming set ay ang cover namin. Alam naman nito ng lahat kaya naman may mga parte na ang mga manonood ang pinakanta namin.

Narito na kami ngayon sa huling kanta.

Napatingin ako kay Tim. Mukha namang nag-e-enjoy siya. Basta makita ko lamang siyang masaya, ayos na ako roon.

"Para sa huling kanta ng aming live performance, gumawa kami ng isang kanta para sa mga taong nahulog na sa mga kaibigan nila," pagsasalita ko. "Sa tingin ko kung mayroon mang pinakaimposibleng abutin na minamahal natin, ito ay ang mga kaibigan natin."

"Kahit na sobrang lapit nila, parang ang layo-layo nila. Masaklap pa na kahit kailan ay hindi ka nila lilingunin."

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
434 92 93
❝ Magkakagusto na nga lang,sa artista pa ❞ » NCT Series # 5 » Narration x Epistolary » Yuta x Sana ❀
171K 3.3K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...