Another Lu? (EXO's LuHan)

By Yeseulica

3.2K 96 24

®ⓔⓥⓘⓢⓔⓓ ⓥⓔⓡⓢⓘⓞⓝ "Let's see if she can still hate me,now that I have the face that she was dreaming of...And f... More

Author's Note
▶Prologue◀
▶Chapter 1◀
▶Chapter 2◀
▶Chapter 3◀
▶Chapter 4◀
▶Chapter 5◀
▶Chapter 6◀
▶Chapter 7◀
▶Chapter 8◀
▶Chapter 9◀
▶Chapter 10◀
▶Chapter 11◀
▶Chapter 12◀
▶Chapter 13◀
▶Chapter 14◀
▶Chapter 15◀
▶Chapter 16◀
▶Chapter 17◀
▶Chapter 18◀
▶Chapter 19◀
▶Chapter 20◀
▶Chapter 21◀
▶Chapter 22◀
▶Chapter 24◀
▶Chapter 25◀
▶Chapter 26◀
▶Chapter 27◀
▶Chapter 28◀
▶Chapter 29◀
▶Chapter 30◀
▶Chapter 31◀
▶Chapter 32◀
▶Chapter 33◀
▶Chapter 34◀
▶Chapter 35◀
▶Chapter 36◀
▶Chapter 37◀
▶Chapter 38◀
▶Chapter 39◀
▶Chapter 40◀
▶Chapter 41◀
▶Chapter 42◀
▶Chapter 43◀
▶Chapter 44◀
▶Chapter 46◀
▶Epilogue◀
▶Special Chapter◀

▶Chapter 23◀

47 4 1
By Yeseulica

(ⓐ/ⓝmahaba-haba ito,kaya kapit lang nang mabuti.Tutukan ang bawat detalye.LoL.XD.)

.

.

Muli,nakabalik ako ng camp site,ngunit ano itong naabutan ko?Naglalaro na sila sa mga obstacle coarse?by teams?Sandali nakita na ba si Lucio?

Tinititigan ko ang mga mukha ng bawat grupo,sa yellow team na may 10 tao ay wala akong Lucio na nakita...

Sa red team na may 9 na myembro ay wala pa rin akong Lucio na nakita...

Huli na to,ang blue team na may 9 din na myembro,ay...WALA pa ring Lucio na tumambad...

Grabe,nagsimula na sila na kulang kulang ang tao,wala si Lucio,at wala pa ako.Saan ako Lulugar nito?Sasali pa ba ako?eh mukhang okay naman na ang lahat.

"Miss Sallinel,mabuti naman at nandito ka na..akala namin katulad ni Mr.Hanover kailangan ka na ring ipahanap.Saang lupalop ka ba kasi nagpunta?"nagulat ako kay Sir Michael na talagang dinikit pa sa tenga ko ang bibig nya para rinig na rinig ko ang pinagsasabi nya,grabe...nakakatakot talaga.

"Ah..sir,nagmuni-muni lang po ako sa tabi-tabi"

"Saang tabi-tabi naman yan?kailangan ba talagang lumabas ng kampo?"iniinterrogate talaga nya ako!JONGINA.

"Syempre sir,kailangan yung walang istorbo at tahimik na lugar kung saan ako maaaring makapag-isip"

"Bakit?ano ba ang iniisip mo?"iniikutan pa ako ni sir na para bang isa akong suspek sa krimen at sya ang pulis para hulihin ako...ANOBANAMANYAN.

"Sir,sikreto na lang yun...ako na lang ang dapat makaalam.Syanga pala sir,nahanap na po ba si Lucio?"

"Nakikita mo bang may Lucio Hanover dito?"

"Wala po"( .__. )

"Oh ano sa tingin mo?"LESHE.NAGTATANONG PO AKO NG MAAYOS.

"Opo na sir.Wala nga,hindi pa nga nahahanap sige lang..okay po"

"Hay nako Miss Sallinel,pumili ka na nga lang ng team mo,it's either blue or red team"

Hmm...syempre kung nasaan si Jung,dun na lang din ako.Eh kaso mukhang kanina pa sila nagsimula eh.

"Don't worry,nagpapractice pa lang ang mga yan...bilisan mo,pumili ka na ng team"sabi ulit ni sir,eh ano pa nga bang magagawa ko?

"Sa blue team po"

"O..kay..dahil sa nandun si Jung ano?landi"pabiro nyang saad pero...parang di nakakatawa.

Nilagyan nya na lang ako ng blue badge sa damit ko at pinapunta na ako sa team ko.

At eto si Jung,sinalubong ako ng yakap pagkalapit na pagkalapit ko...

"Miss you babe...saan ka galing?"OMG.Kinilabutan ako sa sinabi nya.Babe?

"Babe talaga?"sabi ko naman sabay tiwalag sa yakap nya...

"Ayaw mo ba?anong gusto mo?honeybunch?munchies?cutiepie?"

Napangiwi ako sa sinabi nyang mga CS...baduy.

"Sige babe na nga lang"

"Yun naman pala eh...oh wait,saan ka nga galing?"SHETE. ANONG ISASAGOT KO?

Pero sandali... diba nakita ko rin naman sya sa ospital?so...

"Eh..ikaw,saan ka rin galing?"Tanong ko,syempre hindi pwedeng sya lang...

"Ako?nandito lang ako.Hindi ako umalish...bakit?"

"Talaga?hindi ka nagpunta sa kung saan?"parang imposible yung sinasabi nya...nakita ko sya eh,sya talaga yun.Yang damit nya...P.E. uniform namin at naka-jacket na gray,sya talaga walang duda.

Huwag nyong sabihin na si Jungkook yung nakita ko sa ospital!

"Hindi nga,bakit ba kashi?"sabay hawak nya sa magkabila kong balikat

"W-wala..wala naman"

"Psh..iniiba mo lang yung ushapan eh,saan ka nga galing?Remember...may UNBREAKABLE RULES tayo"Oo nga pala,pero isa na sya sa nagbreak ng isang rule!nagsisinungaling sya,Feeling ko tuloy may nililihim sya.

Ano naman kaya yun?

"May sinisikreto ka ba sa'kin?"ayan,di ko na napigilang tanungin.

"Ako?w-wala!ano namang isishikreto ko sa'yo?na mahal na talaga kita?"

"ANO?!"

"WALA.Shagutin mo na lang kashi yung tanong ko,saan ka nanggaling?"Ok po,edi sasagutin ko na po.

"Sa..ospital"

"Ha?!bakit?anong nangyari sha'yo?naakshidente ka ba?may sumakit sha'yo?"tapos ay kinapa-kapa nya ang mga braso ko na tila kinikilatis kung may nangyari ngang masama sa'kin.

"Ano ka ba naman Jung...wala.Hindi ako naaksidente,tiningnan ko lang kung nandoon si Lucio"okay,nagsinungaling na rin ako.Sya rin naman kasi eh.

"Psh...Lucio na naman.Diba RULE #5 ALWAYS THINK OF ME?"

"Well,RULE #1 NO SECRETS BETWEEN US"sagot ko naman.Pero kahit ako natatamaan dun,haha.

"What do you mean by that babe?"

"Nagsisinungaling ka sa'kin"yeah...lumabas na sa bibig ko.

"Me?No!I'm not lying.Wala ka bang tiwala?"

"Oh,so...sino yung nakita ko kanina sa St.Pierre hospital?dopple ganger mo?si Jungkook mismo?ano?sino?"yes mamen!girlfriend na girlfriend ang asta ko ah!

Kasi naman eh.Ayoko ng niloloko ako, pero sa case namin ni Lucio...or Jae,iba yun.Ako ang unang nagsinungaling,ako ang unang nanakit.Kaya sya ngayon gumaganti.Dahil akala nya hindi ko sya gusto,na talagang nagbigay lang ako ng motibo para lang paasahin sya.Masyado ko syang nasaktan.

"Nakita mo ako dun?"

"Ay hindi!hindi ba halata?Nakita kita,may kausap ka sa phone mo"

"Pinaghihinalaan mo ba akong nambababae?"WOW AH.NAMBABABAE AGAD?!HINDI NGA YUN SUMAGI SA ISIP KO EH.

"Hindi naman sa ganon...ang punto ko dun,bakit ka nagsisinungaling sa'kin.Ano ba kasing ginagawa mo dun?"

"Hindi nga kashi ako yun.Nandito nga lang ako sa loob ng site simula pa kanina,baka kahawig ko lang yung nakita mo"

Sige.Bahala ka.Matutuklasan ko rin ang lihim mo.Hahayaan muna kita ngayon,malay ko ba kung mali rin talaga ako diba.

Pero walang sikreto ang hindi nabubunyag.Kung talagang may tinatago sya,malalama't malalaman ko rin kung ano yun.

"Uy babe...huwag ka nang magtampo,huwag ka nang ganyan..di ako sanay eh"sabi naman nya sabay hawak sa mga kamay ko at hinalikan ito...

Ganon?ganon?ganon?sa tingin mo madadala mo ako sa paganyan-ganyan mo Jung?

"Babe...magsalita ka naman oh,uy...ngingiti na yan"LESHE.Tigilan mo ako Jung.

Hindi ko sya sinagot,tinitigan ko lang sya.OHA.Best fake girlfriend na ako!EVER!Nagtatampururot na girlfriend.hahaha.

"Kapag di mo binuka yang bibig mo para magsalita..(nilapit nyang bigla ang mukha nya sa mukha ko na halos damang-dama ko na ang kanyang paghinga(O///O)hahalikan ko yan"

"Ah-eh..sabi ko nga diba?galing ko umacting no?nadala ka"

"Acting lang yun?hindi ka talaga nagtatampo sa'kin?"Actually medyo.Kasi ngayon ka lang nagsinungaling.Pero mawawala rin to,kapag napatunayan kong hindi talaga ikaw yung nandun sa ospital kanina.

"Oo naman!ikaw talaga...masyado mong sineseryoso"yeah,once again...I lied.Sorry.

"Halika na nga,magpractice na lang tayo"anong problema nya?bigla na lang dumilim ang mukha nya..nalungkot?diba dapat masaya sya kasi hindi ako nagtatampo?bakit parang ayaw nya pa?

JUNG'S POV

.

.

.

Naloko nya ako dun.Akala ko talaga nagtatampo na sya sa'kin, kung makaasta sya parang tunay ko nang girlfriend...NAIINIS AKO!NAIINIS AKO KASI HINDI KO MAIWASANG MAGUSTUHAN SYA .

Habang tumatagal,mas napapamahal na sya sa'kin.Pero sya?para sa kanya pagkukunwari pa rin ang lahat!ugh.yung totoo,nahulog na ako sa kanya...

Ang bilis ko ma-fall...Ganon ba talaga ako o sadyang madali lang sya mahalin?Kaya ba ganon sya kamahal ni Lucio?o tawagin na nating...Jae?

Oo,alam ko ang lahat...alam ko ang buong pagkatao ni Lucio.Pero hindi ko ito sinasabi kay Xenia.Alam kong una pa lang,sila nang dalawa sa isa't isa pero nakigulo ako sa mga plano ng half-brother ko.

Yeah,

Isa akong anak sa labas...ginagamit ko ang apelyido ng aking namayapang ina,si Sarang Kim.Namatay sya dahil sa kagagawan ni Jae,sya at ng kanyang nanay.Tandang tanda ko ang bawat detalye ng pangyayari noon...hinding hindi ko iyon malilimutan.

Sampung taon pa lamang ako nang magkaroon ako ng di malamang karamdaman,pabalik-balik ang mataas kong lagnat at walang pampagamot si eomma sa'kin...kaya napagdesisyunan nyang humingi ng tulong kay appa.Umuulan noon,sabado ng gabi pero tumuloy pa rin kami kahit walang sasakyan...

Basang-basa kaming pumasok sa mansyon ni appa,ni Jaegeuk Lee dito sa Pilipinas.Ngunit hindi na namin sya naabutan,bumalik na pala sya sa Korea dahil nandoon ang kanyang trabaho.

Kaya ang ina ni Jae ang sumalubong sa'min.

Nanggagalaiti nyang sinabunutan ang aking ina at pinagsasampal wala pa man din kaming sinasabi at ginagawa...

Kahit anong pagmamakaawa na ang ginawa ko nun tigilan nya lang ang pananakit sa eomma ko pero hindi sya tuminag.Pinaalis nya kami ng bahay kahit alam nyang malakas ang ulan.

"Maawa ka na sa bata...kahit kunin mo na lang ang anak ko.May sakit sya at kailangan nya ng tulong...wala akong magawa,kaya parang awa mo na,kupkupin mo si Jung"yan ang mga katagang hinding hindi ko talaga malilimutan mula sa'king ina.Awang awa ako sa kalagayan namin.Iyak ako ng iyak nang kinuha ako ng nanay ni Jae.Naawa sa'kin.Pero pinabayaan nya ang eomma ko sa kalsada.

Nagkataon namang naglalaro si Jae ng baril,pitong taon sya nun...di nya inakalang iyon ay tunay at may bala.Sa pagkakaalam ko,pagmamay-ari iyon ng ama ko...ama namin.Pinuntahan nya ang ina ko sa labas,noong una'y akala ko kanya itong tutulungan pero itinutok nya ang baril kay eomma,kinalabit ang gatilyo at *BANG!* huli na ang lahat.Nahuli na ang kanyang nanay na pigilan ang ginawa nya.Nabaril na si eomma...nabaril nya sa dibdib ang aking mahal na eomma...

Namatay sya...ng walang kalaban-laban,nang dahil sa kanila.

Poot at galit ang nararamdaman ko...

Napakalaki ng galit ko sa pamilya Lee.Pero ikinikimkim ko lang iyon at pilit tinatago.

Pinagamot ako ng nanay ni Jae,pinag-aral,inalagaan kahit papano.Pero syempre hindi pa rin nawala ang galit ko.Pinilit kong bumangon.Ayokong mamalagi sa poder nila.

Tuwang tuwa ako nang mamatay ang nanay ni Jae dahil sa na-overdose sa gamot.Hahaha.Karma.Sa wakas,nakamit ko rin ang hustisya,pero para sa'kin hindi pa yun sapat.Gusto kong masaktan si Jae...

Pagkamatay nang kanyang ina,lumipat na rin ako ng tirahan,matagal ko ring tiniis na tumira don!

Noong nagdaan ang teenage days ni Jae,tapos na ako ng high-school,pero sya 11th grade pa lang...well,mas advance ako and mas matanda naman talaga ako sa kanya.Nag-stop muna ako at nagfocus sa negosyo ko...yung men & women's clothing shop ko,tanda nyo?Hinintay ko na lang sya makapagtapos para sabay kaming magkolehiyo...ngunit may nangyari.

May kinabaliwan syang babae,Xenia ang pangalan.Tila para sa kanya,sya ang babaeng gusto nyang mapakasalan...nagkataon namang may ipinagkakasundo sa kanya si appa,Sofia Park..kasosyo sa negosyo.Halata namang ayaw nya sa gusto ng appa,kaya nagrebelde sya at nagbalak itanan si Xenia,ayun nga lang tinanggihan sya nito...hindi daw sya gusto at ipinamukha sa kanyang walang kahit anong namamagitan sa kanilang dalawa.Sa sobrang sakit na kanyang nadama,naging sanhi ito ng kanyang kagimbal-gimbal na aksidente.Nahulog ang kanyang sinasakyang motor sa bangin. 

Syempre laking tuwa ko noon.Akala ko patay na sya,ngunit hindi pa pala.Aba,nabuhay ang loko!nakaligtas.Nagulat na lang ako ng pumunta sila ni tita Chunhae 3 linggo matapos ng aksidente sa tinitirhan kong bahay,sa tahanan ng aking lola.Nakabenda ang mukha ni Jae at papahilom pa lang ang kanyang mga sugat sa mga binti.Doon na ikinwento sa'kin ni tita ang lahat...lahat ng balak at plano nitong half-brother ko.Pansamantala silang tumira doon sa pamamahay namin habang hinihintay ang paghilom ng operasyon nya sa mukha.

Sa korea sya pinlastic surgery,kaya ang naging resulta...natural.Tandaan nyo,iba ang mga doktor sa Korea,lalo na si Tita na eksperto sa mga ganyang bagay.Astig nitong half-brother ko!Korea-opera,Pilipinas-pahinga.Parang ginawa lang nilang lungga ang bahay namin ni lola para hindi sila mabuko ni appa.

Habang nagpapagaling,kumuha ako ng tutor o teacher nya para naman kahit papano,sa pasukan maaari na syang magkolehiyo...iadvance sya kung baga.At nakapasa naman sya.Magaling.

At dumating na ang takdang araw,tinanggal na ang kanyang benda sa mukha...

Lucio Hanover na sya.Iba na daw ang pagkatao nya,hindi ko na daw sya kapatid.Ipalabas ko na lang daw na magkaibigan kami.

Masasabi kong mas gumwapo sya kaysa dati,yun nga lang nagmukha syang babae...mas mukha pa syang babae kaysa kay Xenia,na ngayo'y balak ko nang agawin mula sa kanya.

Aagawin ko si Xenia sa half-brother kong demonyo *smirk*

Hinding hindi ako papayag na maging masaya sila.Ngayon pa nga lang natutuwa na ako sa mga nangyayari dahil nawawala si Lucio.Mas mapapalapit na ako kay Xenia nito.

Nang kalaunan naman,nagkasakit ang aking lola,

Nasa ospital sya at malubha na ang lagay...natatandaan nyo?totoo lahat ng sinabi ko dati tungkol kay lola,sadyang marami lang kayong hindi nalalaman.Magkaiba naman sila ng ospital ni Tita,si tita Chunhae,Nandito sya...dinalaw ko sya kanina sa St.Pierre hospital.Bigla na lang sya nag-ulyanin eh.,mas nauna pa kaysa sa lola ko.Tumatanda na rin kasi sya...kaya sa ospital ko sya ipinalagi.

Saan nanggagaling ang pera?Sustento mula kay appa at kita ng shop ko.So walang problema sa gastusan.

Marahil ako nga ang nakita ni Xenia kanina,pero hindi nya dapat ako mabuko.Kaya tinatanggi kong pumunta ako sa St.Pierre hospital.Mas okay kung wala syang alam sa mga nangyayari.Para at least,ako ang magmumukhang mabait sa kanya...papanig sya sa'kin.

"Aish!"

"Oh,babe...bakit?"

"Eh kasi Jung...nahulog sa putikan yung bracelet ko"Tapos tinuro nya ang kung ano..

"Anong bracelet yun?ayun ba?yung kulay dilaw?"

"Oo..eh...mahalaga yun"

"Oh shige kukunin ko,dyan ka lang sha tali"naglalakad kasi kami sa lubid ngayon,remember nagpapractice kami sa mga obstacles dito..at mukhang sa katangahan nya,nahulog sa putik yung bracelet nya.

Nang makuha ko na ito at makilatis...

(O . O) sandali alam ko tong bracelet na ito ah...X-E-N-I-A.

Ito ang naging dahilan ng una naming pag-aaway ni Jae,este Lucio.Yung nahalungkat ko sa bag nya dun sa school!eto yun!!!

Paano ito napunta kay Xenia?alam ko ayaw na ayaw ni Lucio na ipahawak ito sa iba...

Ano bang meron sa bracelet na ito?mukhang napakahalaga sa kanilang dalawa...

"Babe..shaan mo nakuha itong bracelet na ito?shinong nagbigay sa'yo?"tapos ay nilahad ko ito sa kanya...

"Ah...yan?naku,huwag mo nang intindihin yan.Friendship bracelet lang namin yan ng kaibigan ko dati."

"Eh..paano mo ito nakuha?"

"Anong paano ko ito nakuha?"bigla nyang kinuha sa mga kamay ko ang bracelet

"W-wala.."MUNTIKAN NA AKO!

To.Be.Continued.

_______________________________________

Woah guys.Di na nakakayanan ng maliit kong utak ang nangyayari.Lol.XD

☆ツ☆Yeseulica

♥Dedicated to LuHan

Continue Reading

You'll Also Like

63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
27.5M 700K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
174K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...