'Til Our Next Eclipse

By thatpaintedmind

37.9K 2.5K 437

In a battle between beings of the sun and the moon... who would conquer? If the playful universe decided to... More

Preview
Dedication
Prologue
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII

XII

802 78 6
By thatpaintedmind

⚜ CHAPTER 12 ⚜

AFTER the so called welcome greetings for me, professor Helia ushered me to the headmaster's office.

Pinagmamasdan ko ang paligid habang tinatahak namin ang daan. This school is indeed huge, walang-wala ang mga ibang paaralan dito. There are trees with purple leaves almost everywhere. Ang iba ay may bunga pa na prutas na kulay ginto. I wonder what those taste like.

May mga ilan ding insektong lumilipad na mahahalintulad sa mga alitaptap, they are called lightflies here. Ngunit iba-iba ang kulay nila, hindi lamang dilaw. May mga luntian, may kahel, may rosas, at may asul.

Bumalik lang ang tingin ko sa harap nang maagaw ng isang malaking gusali ang atensyon ko. It's made of bricks and glass, an absolute combination of ancient and modern.

In front of the building are six tall pillars, similar to those in Greek history and architecture. I remember admiring those in books nung nasa Earth pa ako. The difference is, the pillars I'm admiring right now are all made of gold.

Sa bawat pagitan ng haligi (pillar) na iyon ay may malalaking pinto. Dahil may anim na haligi, ay may limang pinto sumatutal. Pumasok kami sa isa ro'n.

A fancy and dramatic lobby welcomed us. Kung gaano ka-simple sa labas, ganoon naman ka-komplikado sa loob. There are a lot of statues and paintings of the sun, para akong pumasok sa isang museo.

Tumigil sa paglalakad si professor Helia kaya ganoon din ako. Nakatingala ito sa chandelier. Dahil doon ay napatingala din ako.

Bakit? Anong meron doon?

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang unti-unting bumaba ang chandelier. It went down towards our direction. Soon after, the round crystals from its sides floated and formed a stair that goes up the top of the chandelier.

Doon ko napagtanto na hindi lang ito basta-basta chandelier. Sa pinakatuktok no'n na hindi nakikita kapag nasa itaas ito, ay patag na pwedeng tuntungan. Umakyat doon si professor Helia sa tulong ng mga kristal na nagpormang hagdan.

She then, offered me a hand which I took. Pagtapak na pagtapak ko sa tuktok ay pinadyak niya ang kanyang paa ng tatlong beses. And just like that, the chandelier started floating.

"You know what, sa lahat ng mga studyanteng unang beses nakasakay dito sa aranya (chandelier), ikaw lamang ang hindi pinanginigan ng tuhod." Panimula ng propesor. Diretso lamang ang tingin nito habang nagsasalita. "At maging kanina, karamihan sa mga studyanteng unang beses pumasok ng portal ay kinakailangan pang sambutin gamit ang kapangyarihan para hindi sumalampak. Karamihan nga'y hindi talaga nasasanay sa portal at hindi talaga nakakalapag nang maayos sa lupa. But you," humarap na ito sa akin na may takang tingin. "How did you manage to land so easily?"

Pinanatili ko ang tingin sa harap.

"I love adventures. Hindi na bago sa akin ang lahat ng iyon." Not to mention that I've experienced worse. Climbing a floating mountain with no flying tamed beast is a perfect example.

"Oh." Bumalik na ang tingin nito sa harap.

Sakto namang naabot na namin ang pinakatuktok. Meron palang pinto roon na kulay ginto. Kumatok ang propesor ng tatlong beses at kusang nagbukas ang pinto.

Maingat kaming humakbang, mula sa aranya, papasok sa loob ng opisina.

The headmaster's office is filled with glowing yellow linings on every corner and ceilings. Pero ang pinakakapansin-pansin sa akin ay ang isang napakalaking goblet. Hanggang bewang ko iyon, at sa tuktok no'n, ay mayroong puti na apoy na malayang bumubuga. Wala iyong nililikhang usok, and by the looks of it, I know that white fire can do something special.

"Oh, the great winner is here."

Bumaling ang tingin ko sa lalakeng bigla na lamang sumulpot sa isang gilid. Matanda na ito at kulay puti na ang mga buhok. Hindi na ito diretso maglakad dala marahil ng katandaan pero ramdam mo pa rin ang kalakasang taglay nito.

"The celestial stone is already being delivered to the Emperor." Professor Helia stated. Oo, naabot ko na sa kanya iyon kanina.

"Very well," tumango ang headmaster at bumaling muli sa akin. "Alora, right?" Tumango ako. "Welcome to our--"

"I'm sorry to interrupt your sentence but I have something to clarify." Napatingin silang pareho sa akin. "I have no plans to stay in this academy."

Kaagad lumarawan ang pagkabigla sa kanilang mukha.

There. I said it.

"What? Why?" Napaharap sa akin si propesor Helia. She, too, looked very much surprised.

"I only joined the search to save an innocent child. Wala sa plano ko ang mapabilang sa paaralang ito. I already found and gave you the stone, I hope that's enough."

Hindi sila nakapagsalita. Napatingin si propesor Helia sa headmaster pero nanatiling nakatingin sa akin ang huli.

Hindi kalaunan ay tumalikod sa akin ang headmaster at tahimik na nagtungo sa puting apoy.

Nakatitig ito roon habang bahagyang nakakunot ang noo, halatang malalim ang iniisip.

"Headmaster?" Tawag dito ng propesor. Napahinga ito nang malalim.

"If I were to decide, Alora, I'd let you do as you wish." Humarap ito sa akin na may kalmadong ekspresyon. "But the emperor... I do not think he'd let you go that easily."

Ako naman ang nangunot ang noo.

"What do you mean?"

"You see, you were able to find a celestial stone in an hour. That's very remarkable, that even the emperor himself would be very impressed." He started slowly walking towards me. "I am sure you'll be interrogated by him by how you found the stone, and where you found the stone."

He stopped infront of me with concern on his face.

"So I'm very sorry, but leaving will be a very complicated matter."

Telling them where I found the stone is not a big worry for me. But telling them how? That's a big problem! I cannot tell them that a Sharktopus helped me out, that a Sharktopus exists!

I fought the urge to release a sharp sigh in front of them. I shouldn't show them my frustration.

"Okay." Iyon na lamang ang sinagot ko. But inside my head, I'm already executing different plans to escape.

This should be easy.

"It's settled then." He smiled warmly and spread out his arms. "Welcome to Sun Latreía Academe!"

EVERY student here has their own room, that's what I found out when professor Helia handed me my key room.

The key is very ancient looking. Imbis na flat ang pinaka-katawan nito ay pabilog iyon. Kasing haba ito ng aking hinlalato at tanso ang kulay.

Mula sa mapang hawak ay umangat ang aking tingin sa gusaling nasa aking harapan.

I finally found my dormitory.

Sa ganitong kalaking eskwelahan ay nahihirapan akong sundin ang mapa. Nakakahilo sa dami ng mga lugar.

Pumasok na ako sa gusali. There are few students walking around. Napapalingon sila sa akin tuwing nadadaanan ko sila pero hindi ko na lamang iyon pinansin.

I went to the double wooden door just like what Professor Helia instructed me to do so. Iyon lang naman ang nag-iisang pinto rito.

Kusang nagbukas ang dalawang pinto at hindi ko inaasahan na ang bubungad sa akin ay isang maliit na espasyo. I was expecting that it was a doorway towards a hall full of doors. Pero isa lang iyong silid na walang anumang gamit, tanging limang tao lang ang kakasya sa loob.

Ilang beses akong napakurap. This is not what I'm expecting.

Pumasok na lang ako at kusa muling nagsara ang pinto.

Sa pagsara ng pinto ay namataan ko ang susian sa aking gilid. Tila katugma no'n ang susing binigay sa akin.

I took my key and gently insert it through the keyhole.

I heard a click. And after that...

nothing happened.

Napakunot noo ako. Binawi ko ang susi at muli iyong binulsa habang pinapasadahan ng tingin ang paligid. Marahil ako ang magdidisenyo ng kwartong ito kaya walang kagamitan?

Oo, baka ganoon nga.

I guess this room will do. Hindi rin naman ako magtatagal dito. For now, I have to find the exit of this school. Maglilibot na muna ako.

Binuksan ko na ang pinto para muling lumabas. Pero napatigil ako nang ibang lugar na ang bumungad sa akin. Isang malaking kwarto na ang nasa aking harapan, malayo sa lobby na pinanggalingan ko kanina.

Napakurap ako.

Ohh... I get it now.

This is my room. The key served as my identification card that led me to this room. Interesting.

Pumasok na ako sa loob, kusang nagsara ang pinto sa aking likod.

I liked the cozy interior. The queen size bed is covered with thick comforter. There's also a fireplace at the side, and a study table in front of the curtained windows.

Nausisa ako sa kung ano ang nasa labas ng bintana kaya kaagad akong nagtungo roon para hawiin ang kurtina. Ngunit ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang salubungin ako ng malamig na simoy ng hangin!

Nanlaki ang mata ko nang makita ang tanawin ng bulubundukin na napupuno ng nyebe! It was snowing!

Nilabas ko ang aking kamay para sumalo ng nyebe, pero muli lamang akong nagulumihan nang tumagos lang sa aking kamay ang nyebe.

That's when I realized it isn't real... It's just an illusion, perhaps a hologram.

Bumaba ang aking tingin sa bandang ibaba ng bintana nang may mapansin doon. May nakausling handle doon, similar to the handle of a slot machine.

Marahil ay may konekta o kaya ay kontrol iyon sa ilusyon ng bintana. Sa kuryosidad ay kaagad ko iyong hinawakan at pwersahang binaba. Sa isang iglap ay nag-iba ang tanawin ng bintana.

Hindi ko napigilang mamangha nang mula sa nyebe, ay naging ulan ang tanawin sa labas. Naging mapuno ang lugar, para akong nasa gubat. Dinig ko pa ang bawat pagbagsak ng ulan sa malalaking dahon. Amoy ko rin ang aromang dala ng ulan.

Muli kong inangat at binaba ang handle. At sa isang iglap, naging langit naman ang labas! Para akong nasa himpapawid! Nalula ako kaya kaagad ko ring binaba ang handle. Ngayon naman ay nasa karagatan na ako.

Namamangha ako sa pangyayari kaya hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inangat-baba ang handle. Until I was mesmerized with a certain view. My eyes immediately sparkled upon seeing the sky filled with stars and milky ways. Tanaw din ang bilog na bilog na buwan.

In an instant, my soul became at ease.

Finally, I've found the perfect view.

I enjoyed the scenery for a while. Sandali akong nakalimot sa mga kinahaharap kong problema.

But then again, I still have to face these problems.

Lumayo na ako sa bintana at naupo sa kama. Ngunit nang mamataan ko ang aparador ay kaagad din akong tumayo para tignan ang loob no'n. Bumungad sa akin ang iba't-ibang klase ng damit. Looks like even our clothes are provided by the academe.

Kanina ay napansin kong walang uniporme ang mga studyante rito. Ang tanging pinagkapare-pareha nila ay ang kanilang mga kapa, nagkakaiba nga lamang sa kulay. Kanina nang makita ko ang lahat ng estudyante sa arena ay nakabahagi sila ayon sa kulay ng kanilang kapa.

Sa pinakataas na upuan ng arena ay puro mga nakadilaw na kapa, sunod sa may ibaba ay mga nakakahel, sunod naman ay mga nakapula, at sa pinakababa na pansin kong pinakakaunti ay mga nakaginto.

I'm thinking that those color classification has something to do with one's grade year, or perhaps, with one's power.

Sinara ko na muli ang aparador at nagtungo sa pinto kung saan ako nanggaling kanina.

I need to familiarize every corner of this Academe to execute my plan of escape.

PAGKABABA ko sa lobby ay nagtungo ako palabas. Wala nang nagkalat na estudyante kaya panigurado ay nasa kani-kanilang klase na sila. As for me, Professor Helia told me that I should rest first before attending class tomorrow.

Unfortunately, I don't have time for that. I gotta get out of here as soon as possible. I don't wanna cross paths with the emperor.

I took a portal to get here, now I'm suffering. Hindi ko alam ang exit maging ang entrance ng paaralang ito. Nakakapagtaka na hindi iyon nakaindika sa mapa.

I just continued roaming around, finding the wall that is secluding the whole Academe.

Pero bakit parang walang dulo itong paaralang ito? Kahit na diretso lang naman ang lakad ko ay pansin kong bumabalik lang ako sa lugar na nadaanan ko naman na. Parang umiikot-ikot lang ako!

What the hell is this?

"Hey!" Napatigil ako nang may sumigaw. Kunot-noo akong napalingon. "Alora, right?"

Two person approached my direction, they're both wearing gold capes. Mula sa kanilang leeg ay kumislap ang sun pendant na nagsisilbing tali ng kanilang kapa.

"Ako nga," I looked at their faces and saw their formal expressions. They don't look mad, but they don't look so happy either. Instead, they look... curious?

"I'm Alexius, this is Suvy." The guy introduced. "We've been looking for you."

"Ano ang hanap niyo sa 'kin?"

"The emperor wishes to discuss a very important matter with you."

Bahagya akong natigilan. He's here already?

"Ngayon?" paninigurado ko. Alexius nodded.

"Come with us. We'll lead you the way."

Nilagpasan nila ako at nagsimulang tahakin ang daan. Napatitig lamang ako sa kanilang likod habang nakikipagtalo sa aking isipan.

I can't believe the emperor is already here! Ang bilis masyado!

Nonetheless, I can't just run, I shouldn't. Mahahalata nila.

Kaya naman kahit labag sa aking kalooban ay sinundan ko na lamang sila.

I'm thinking of an alibi. They shouldn't know the truth of how I got the stone. Hindi ko alam ang maaari nilang gawin kay Sylvester. Hinding-hindi ko siya ipapahamak.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may lumapag sa aking balikat.

I almost jolted upon seeing a vergoyl right above my shoulder!

A vergoyl, it is a kind of bird that is as big as a crow, but has an appearance of an eagle. They are great messengers, and having one at my shoulder means someone sent me a message.

Tumingin ako sa dalawa at nakitang patuloy lang sila sa paglalakad.

When I turned to look at the vergoyl again, it was already spreading its wide wings. Sa ilalim ng kanilang pakpak, doon nakasulat ang mensahe. Oo, hindi sa kung anong uri ng papel nakasulat, kundi sa mismong balat nila nakalagay ang mensahe. Kapag nabasa na ng tagatanggap ang mensahe, ay kusa iyong mabubura, leaving no trace of the message.

Muli akong sumulyap sa dalawa para makasigurong hindi sila nakatingin, bago ko binasa ang sulat na malaya nang nakalantad mula sa ilalim ng pakpak ng vergoyl.

Alora, tell them you found the celestial stone at the Spirit mountains. Never, ever, give them a right information.

- Yda

Ilang beses akong napakurap, hanggang sa unti-unting naglaho ang sulat at lumipad na paalis ang ibon.

It was tiya Yda. Hiro must have told her already. Pero nakakapagtaka.

She wants me to lie? Though that's also my plan—I have my reasons. But what could be her reason?

"Alora," napatingin ako kay Alexius. Nakatigil na pala sila sa isang pinto at muntik ko pa silang malampasan. "You seem occupied."

Lihim akong bumuga ng hangin. I just shook my head instead and went towards them.

"Dito na ba?" Pag-iiba ko ng usapan.

Tumigil kami muli sa gusaling may anim na haligi, pero kung kanina ay sa pang-unang pinto kami pumasok, ngayon ay sa pangalawang pinto.

They both nodded. "Don't forget to give respect to the emperor."

Lihim akong umismid. Whatever.

They opened the door and went inside first.

"She's here." I heard Alexius announced.

Pumasok na ako at hindi ko inaasahan na hindi lang pala ang emperor ang naroon. Lahat ng propesor ay naroon. May mga estudyante rin, at lahat sila ay may suot na gintong kapa.

I maintained my formality. Lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa akin.

"Ms. Alora, am I right?" A man spoke from the far end of the long table, with the sight of his mighty crown and royal cape, I already knew, he's the emperor.

And how could I forget? He never aged.

"Yes, your imperial majesty." I bowed to greet him.

"Please, have a seat." He motioned the seat beside. I had no choice.

Nasa dulo siya ng mahabang mesa habang ang pwesto ko ay sa kaliwang gilid niya. Umupo ako roon. Dumiretso ang aking tingin at hindi ko inaasahan ang taong kaharap ko.

It was his son. Archduke Zalestine. And he's bluntly staring at me.

Umiwas na lang ako ng tingin, kasabay naman no'n ang pagsalita ng emperor kaya sa kanya ko na lamang binaling ang aking tingin.

"Let's get this straight. Where did you find the stone?"

"In the Spirit Mountains." I don't know what tiya is up to but I trust her. I will ask her everything once I'm out of this school.

"The Spirit Mountains?" Giit ng isang babaeng hindi ko kilala. "But we already coordinated with the spirits there and they made clear that all celestial stones in their area have already been collected!"

"Have you coordinated with all the spirits?" I made sure.

"Masyadong maraming spirits ang naninirahan doon para makausap silang lahat." Sagot naman ni Alexius.

He's right, hindi lang spirits ng mga tao ang naroroon, may mga hayop din.

"Exactly, masyadong marami. Hindi na nakakapagtakang mayroon kayong nakaligtaang espirtung alam ang lokasyon ng batong nahanap ko."

"Who's the spirit you have talked to?" The emperor interfered.

"Just... some random animal spirit. I was in the mountain looking for a celestial stone when the spirit suddenly showed up and gave me the stone. Ni hindi ko naman sinabi na iyon ang pakay ko, basta niya na lang inabot sa akin ang bato." Mabuti na lang at medyo malawak ang kaalaman ko sa bundok na iyon. There's something I want the emperor to conclude.

"We all know the spirits from that mountain. Alam nila lahat ng kasalukuyang nangyayari. Kung basta na lamang binigay kay Alora ang bato, then that only means one thing, they want her to win." Suvy stated.

"But why?" Tanong ng isang babaeng halatang-halata ang pagkadisgusto sa boses.

"We also have no idea, Georgia. There might be something about her."

Their eyes all turned to me which I found so awkward. I just stayed still.

"The spirits want her to be in this Academe." Professor Helia suddenly butted in.

Umawang ang aking labi.

Oh, no. That's not what I want them to conclude!

"I agree—"

"Or maybe, the spirits just wanted to give the stone. Marahil ay kailan lamang nila natuklasan na mayroon palang ganoong batong sa kanilang tirahan. At nagkataong ako ang naroon kaya sa akin nila pinaabot ang bato para ibigay sa inyo." Mabilis kong paliwanag.

"You have a point." Professor Ikaros agreed.

The room fell into silence. Tila lahat ay malalim na nag-iisip. Habang ako ay lihim na nagdadasal na sana ay pakawalan na lang nila ako.

"I heard you wish to leave the academy." The emperor declared as he lean back unto his chair. Nakarinig ako ng pagsinghap mula sa iba. "Why is that?"

Napahinga ako nang malalim. "I have more important matters to deal with outside of this school."

Napatango ang emperor. I'm taking that as a good sign.

Humarap ito sa anak. "What can you say, son?"

Nabaling ang tingin ko sa kanyang lalakeng anak na ngayon ay matamang nakatingin sa akin.

"Well," he started, "We could use her participation for the upcoming future search." I mentally cursed. No! Hindi pwede! "So, I say," he paused for a moment and stared at me intently. I gritted my teeth as he dropped the line that crushed all my plans and wishes. "She's staying."


Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...