Devil's GAME

By MaybelAbutar

46.3K 2.4K 299

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... More

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 2

1.1K 60 4
By MaybelAbutar

"We're on a ship?" Gulat na tanong ni Hurricane.

Hindi siya makapaniwala kaya muli siyang sumilip. 

Totoo ang nakikita niya.

Isang napakalaking barko ang sinakyan nila. Sa sobrang laki noon, hindi na niya nararamdaman ang paggalaw ng sasakyan. Pakiramdam niya'y isa siyang insekto sa laki nito. Bahagya lang niyang natatanaw ang alon sa gilid ng barko mula sa kinaroroonang upper deck. Kaya pala kalangitan lang ang nakikita niya sa paligid maging ang kasiyahan ng ibang kasamahan kanina, ito pala ang dahilan. 

"My God! I didn't expect this." muli niyang sabi.

Bumalik siya sa kumpulan ng mga kalahok habang na sa isip pa rin ang kinaroroonang lugar.

"Players..." Isang boses naman ng lalaki ang narinig nila sa speaker, "... This is Captain Jack, please go to your respective groups and proceed to your quarters. The quarter is located in the middle of this place, the round platform. Same colors in one group." Paliwanag nito.

Natuwa naman ang iba dahil kasama na nila ang kapareho ng kulay na papel.

Tiningnan naman ni Hurricane ang mga round platform pero wala roon ang kulay ng papel na nakuha niya.

"For those who got the rainbow colors, please remain in your place." Hindi umalis sa kanyang pwesto si Hurricane tulad ng instruction mula sa speaker.

"May rainbow color pala? Hindi ko nakita 'yon," Panghihinayang ng isa habang naglalakad patungo sa mga round platform sa gitna.

"Girl, na sa rainbow color ang ROOM mates pati si Casseus. Sayang hindi ko nakita ang rainbow papers,"

"Ang swerte naman ng kasama nilang girls, konti lang sila."

Hindi na pinansin ni Hurricane ang komento ng ibang kalahok. Wala rin siyang planong tingnan kung sino ang kanyang makakasama. Ang kailangan lang niya ay pansamantalang magtago kaya hindi ito dapat seryosohin. Simula pa lang, alam niyang pambatang laro ang mangyayari rito.

"Go to your quarters now!"

Pagkasabi n'on ng lalaki ay biglang bumaba ang platform pailalim ng deck. May mga nagtilian dahil sa hindi inaasahang paggalaw.

Biglang tumahimik ang paligid, pero ngayon mas ramdam ni Hurricane ang kakaibang atmosphere mula sa mga kasama. 

"Special players..."

'Special player?' sambit niya sa isip.

"... Because you are special, please come forward to the red wall."

Nakiramdam si Hurricane at hindi kumilos sa kanyang pwesto. Tumaas ang naramdaman niyang tensyon sa paligid.

Tumawa ang lalaking nagsasalita.

"Don't worry, it's just a simple identification record."

Sa sinabing iyon ng lalaki, may unang lumapit sa pulang pader hanggang sunod-sunod na silang nagtungo roon. Nakahilera sila habang nakaharap sa pader at walang nagtatangkang magtanong o kumilos. Pawang pakiramdam ang pinapairal ng lahat.

"Prepare yourselves," Ani ng lalaki. 

Lumabas ang isang light scanner mula sa pader at naglakbay sa kanilang katawan mula ibaba paitaas.

"Done." Muli nitong sabi, "Players... press the red button in front of you."

Hinanap ni Hurricane ang button sa harapan. Wala siyang nakita hanggang lumabas ang sinasabing button ng lalaki.

Pagpindot niya ng button ay bumukas ang pader. Nakita niya ang animo'y isang elevator.

"Go inside and that lift will bring you to your own quarter. Good luck, players."

Walang pagdadalawang isip na pumasok sa loob si Hurricane. If anything is going to happen, she's ready. Ngunit wala namang nangyari hanggang makarating siya sa isang magarbong silid na pangkaraniwan na lang sa kanya dahil sa kinalakihang buhay na meron ang kanyang pamilya. Her parents are head of their own country that's why she's living her life to the fullest. 

Kaagad siyang nagtungo sa closet na naroon upang kumuha ng bihisan para makapaglinis na rin siya ng katawan. 

"What the...?"

Kulang na lang sirain niya ang closet ng makitang wala iyong laman maliban sa isang papel. Nanggigil niyang kinuha ang papel at binasa ang nakasulat.

'Follow the way where the lights are on.' 

Kahit nag-wawala ang kanyang kalooban sa inis, sumunod pa rin siya sa instruction sa papel. Wala siyang ideya sa pakulo ng taong nag-iwan ng sulat sa closet. Isa lang ang sigurado niya, huwag lang silang magkakaharap dahil hindi lang bangas ang gagawin niya rito! 

...

Maingat na binaybay ni Hurricane ang daan pero alerto ang kanyang pakiramdam. Napakatahimik ng lugar at tila pinagmamasdan ang kanyang bawat galaw. Sigurado siyang, may kakaiba sa lugar na ito. Hindi pa lang niya matukoy kung ano iyon, pero malakas ang pakiramdam niyang may lihim sa bawat sulok ng pader. 

Isang pulang pintuan ang nakita niya pagkarating sa dulo. Marahan niya iyong tinulak para buksan. Tumambad sa kanya ang tila isang malawak na swimming pool. 

No. 

This is not a pool, it's the sea water. Nagmistula lang iyong swimming pool dahil napapalibutan iyon ng pulang pader ng barko. 

Bahagyang lumapit si Hurricane sa tabi ng tubig ngunit bigla rin siyang napaatras sa gulat.

"My Gracious!" Sambit niya habang nakahawak sa dibdib, "Is that a shark?" Hindi makapaniwala niyang tanong habang tinatanaw ang isang mabangis na isdang lumitaw kanina.

"Yes, it is!"

Napalingon si Hurricane sa nagsalita. Nakita niyang nakatayo ang isang lalaki. May distansya rin ito sa gilid ng tubig tulad niya. Kapansin-pansin ang mahabang buhok nito na nakatali sa likuran maging ang malaki nitong tattoo na halos sakupin ang buong braso.

"Who are you?" tanong niya 

"Call me Drevon," Sagot nito. 

"Why are we here?" Naguguluhan pa rin niyang tanong.

Kunot-noo naman itong nakatingin sa kanya na tila ito ang naguguluhan sa tanong niya.

"The game starts now," Sagot pa rin nito kahit halatang naguguluhan sa kanyang tanong.

"How?" Muli niyang tanong.

Nagtataka pa rin itong nakatingin sa kanya. Naghintay siya ng ilang segundo pero hindi ito sumagot hanggang marinig nila ang boses ni Captain Jack.

"Players, welcome to the sea of cuteness..."

Cuteness? The f'ck! Sinong matino ang tatawag ng cute sa isang mabangis na pating?

"... As you can see, lahat ng pangangailangan niyo ay kailangan niyong paghirapan para makuha. This is the challenge to get your personal things. The things you need is under the water. Good luck players!"

Nang mawala ang boses ni Captain Jack saka pa lang napansin ni Hurricane ang ibang kasama na nakapalibot din sa gilid ng tubig. Sa sobrang lawak ng lugar hindi na niya mamukhaan ang na sa kabilang dulo. Hindi niya sigurado kung lahat ay narito o by quarter lang ito. Ngunit sa tingin niya'y narito ang lahat lalo pa't halos mapuno ng hilera nila ang lugar. 

Lumiwanag din ang ilalim ng tubig kaya't kitang-kita niya ang napakaraming pating na naglalangoy sa ilalim. Na sa pinaka-ilalim naman ang sa tingin niya'y mga bags ng gamit. 

"This is not the real ocean. It's just a wide pool where their pets are living." Sambit ng lalaking nagpakilalang Drevon sa kanya.

Pets huh? Bullsh't talaga! Plano yata silang ipakain sa mga ito. 

Paulit-ulit na huminga ng malalim si Hurricane para pakalmahin ang sarili. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para makakuha ng gamit.

"Guys, sa tingin ko kailangan natin ng teamwork ngayon!" Napunta sa babaeng may malaking salamin ang atensyon ng lahat. Halata ang takot sa itsura nito pero naroon pa rin ang determinasyon. 

"Sang-ayon ako sa kanya," Segunda ng isa pang babae. "Sa ngayon magtulungan muna tayo para makakuha ng gamit."

"Kung magtutulungan tayo, anong paraan naman ang naiisip niyo?" Tanong ng matabang lalaki.

Nakatingin lang si Hurricane sa mga lumalangoy na pating. Sa tantya niya na sa mahigit sampu ang bilang niyon at bawat isa ay pwedeng makalunok ng isang tao. Nagtataka tuloy siya kung paano napalaking gano'n ang mga pating na 'yon.

"Kailangan natin ng armas!" Suhestiyon ng isa na sinang-ayunan ng karamihan.

"Simple weapon is no use," sambit ng isa pang lalaki, "Masyado silang malaki."

Namukhaan iyon ni Hurricane, isa sa tinatawag na ROOM mates ng kababaihan kanina.

"Ang gwapo talaga ng boses ni Manzo, nakaka-inlove."

Napairap na lang sa hangin si Hurricane sa narinig. Nakuha pang kiligin ng babae gayong maaaring ito na ang huli nilang hininga. Halatang hindi palaro ang sadya nito kundi ibang bagay at sa tingin niya'y fan girling ang sadya ng karamihan sa babae rito. 

"Mas lalo siyang ma-appeal kapag seryoso," Komento naman ng katabi nito 

"Sana mapansin niya ako. Siya talaga ang sinadya ko rito. Bonus na 'yung makasakay sa Cruise ship na ito. Ang saya ko sobra!" Sagot ng babaeng unang nagsalita kanina. 

"Pwede na akong mamatay. Nasilayan ko na ang pinakamamahal kong si Onix," Nangangarap na sabi ng isa. 

"Sige tumalon ka na," Biro ng kasama nito at bahagyang tinulak ang kasama. 

Ngunit ganoon na lang ang gulat ng lahat ng biglang tumalon ang pating at nahagip ang braso ng babae.

"Ahh!!!" Sigaw nito. 

"Oh my God, Mei!" Nataranta ang kasama nito na kababakasan ng takot sa itsura.

"Help!!!" Sigaw ng babaeng dumudugo ang braso.

Dahil sa dugo ng babae, lumapit sa direksyon nito ang mga pating. May sinamantala ang pagkakataon na malayo ang direksyon ng pating at tumalon sa tubig. Ngunit bago pa ito makarating sa ilalim, sinugod na ito ng isa. Tanging dugo nito ang nakita nila na humalo sa tubig.

Napuno ng mga takot na sigaw ang buong lugar. May nagtangkang bumalik sa pinanggalingan pero hindi sila nagtagumpay. Sa halip, umabante ang pader palapit sa tubig.

"Ngayon alam na nila kung ano ang kanilang pinasok," Sambit ni Drevon habang pinagmamasdan ang nagkakagulong mga tao.

Balewala lang dito ang pag-abante ng pader. Samantalang 'yung iba ay nahuhulog na sa tubig at pinagpipyestahan ng mga pating. 

She's sorry for them. 

"You're not ordinary," Muli siyang bumaling sa lalaki.

Nakatingin ito sa kanya habang may kakaibang ngisi sa labi.

"I am ordinary," sagot niya.

"If you are, you'll be screaming in horror right now. Like them," Itinuturo nito ang mga umiiyak sa paligid, babae man o lalaki. "The ordinary will become a bait."

Huminto ang pader eksaktong na sa gilid sila ng tubig. Hindi naman sila sinalakay ng pating dahil abala ang mga ito sa nahulog sa tubig. 

"What do you mean?"

"They think it is a children's play,"

Noong una, iyon din ang na sa isip niya. Isa lang itong larong pambata kaya't hindi kailangan ng sobrang effort para manalo. Kahit mahinang tao kayang makakuha ng premyo sa larong ito, pero sa nasaksihan niya ngayon malayo ito sa kanyang inaasahan.

"I want to go home! Please let me out!"

"Mommy, help me!"

"I don't want to die, please help us!"

"Let us out!"

Samo't-saring daing ang narinig ni Hurricane mula sa mga tao.

What kind of game is this? Bakit pinahintulutan ang ganitong klase ng laro? 

"You don't have any idea what kind of place is this, right?" Kahit hindi lumingon, alam ni Hurricane na siya ang kinakausap ng lalaki. "This place is hell, where devils are residing."

Hindi niya ito pinansin. Nanatiling nakatuon ang kanyang atensyon sa nagkulay pulang tubig. Lumipat naman ang kanyang paningin sa nagkakagulong mga tao. Nagtutulakan na rin ang mga ito kaya't marami ang nahuhulog sa tubig. Sa kabilang parte naman ay mahinahong nakatayo ang iba habang pinagmamasdan ang nangyayari. Walang emosyong makikita sa mga ito, kung mayroon man iyon ay kasiyahan. Parang naghihintay lang ang mga itong mabusog ang hayop bago kumilos. 

Kuyom ang kamaong inilibot niya ang paningin sa itaas. Nakita niya ang mga naka-install na camera sa iba't-ibang parte ng lugar.

They're enjoying this huh!

Tumalim ang kanyang tingin sa isang camera. Pakiramdam niya sa kanya talaga iyon nakatuon at siya lang ang pinapanood.

Bahagya siyang ngumisi habang nakatitig doon. 

I'll give you a good show.

...

...

...

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
1.9K 61 22
Naatasan sa isang mapanganib na misyon, mapanganib man ngunit balewala ito kay Nikki basta't makapaglingkod lamang sa inang bayan. Buhay ang nakataya...
16.2K 756 19
Magnus Anticlair is a freaking hot model and a celebrity. He is famous when it comes to girls. Everyone was drown by his flirty seductive smile not u...
6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...