December 1, 2020
FACEBOOK MESSENGER
[Shariya Rosario]
Kuya mo na Pogi•
Active Now
[7:20 am]
Gunner:
Psst. Hoy.
Gunner:
Panget na kapatid na mukhang unggoy.
Seen.
Gunner:
Sumbong kita kay Mama. Bastos nito, sumagot ka naman kapag poging ako nagchat sa 'yo.
Shariya:
Ano ba 'yon, Gunner?
Gunner:
Walang galang ampota
Shariya:
Kagalang-galang ka ba?
Gunner:
Tsk! Hoy, huwag mo ibahin usapan!
Shariya:
Luh? Kailan ko iniba. Hitsura mo uyy. Ano ba kasi 'yon? Bilisan mo, may klase na ako mamaya (_ _")
Gunner:
Bakit may nagtatanong tungkol sa 'yo? Iyong MVP ng basketball team na Engineering Student, graduating. Kilala mo ba 'yon?
Shariya:
'di.
Gunner:
Sarap mo namang kausap.
Shariya:
Thanks.
Gunner:
Ito na nga. Tinatanong kung kilala ba kita, kung kaano-ano kita. Syempre dahil sa dakilang pogi ang Kuya mo, sinabi ko 'oo', pero nagpalibre muna ako sa Starbucks, um-oo agad.
Gunner:
Ang sarap pala ng libre.
Gunner:
With cake syempre.
Gunner:
Galante pala nagkakagusto sa 'yo. May BMW, bunso. Sagutin mo na agad! BWHAHA
Shariya:
Kadiri ka. Kapal talaga ng mukha mo.
Gunner:
Wow ha. Syempre kapatid kita, kaya kailangan kong utuin kung totoo ba, o kabag lang nila na nagustuhan ka.
Gunner:
Pero pogi siya, mas pogi nga lang Kuya mo hahahaha
Gunner:
Pasalamat ka na lang at nabahagian ka ng genes ng family, kundi, nako baka tinakwil ka na ng buong angkan :P
Seen.
Block messages and calls? ⛔
The conversation will stay in chats unless you archive it.
Cancel. Block
You blocked Messages and Calls from Gunner Rosario
Facebook Account
You can't message or call them in this chat, and you won't receive their messages or calls.
(UNBLOCK)
(SOMETHING'S WRONG)