Behind the Mask [ ✓ ]

By oyaoyaoyassilem

1K 99 32

Ang Behind the Mask ay isang bandang binubuo ng limang miyembro. Dahil sa kanilang pagiging misteryoso, maram... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Wakas

Kabanata 8

65 7 5
By oyaoyaoyassilem

•°• ✾ •°•

Panalangin, mapasa'kin
Ang iyong ngiti, ang iyong halik
Panalangin, mapasa'kin
Ako'y sabik sa iyong lambing
Aking sinta, nabihag mo itong puso ko

𝙋𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 // Magnus Haven

•°• ✾ •°•

Ikawalong Kabanata:
Unang Pagtatanghal

Pagkapasok namin sa loob ay tinanggal na nilang apat ang kanilang mga maskara. Itinagilid ko ang aking ulo at taka silang tiningnan. Naguguluhan kasi ako kung bakit nila tinanggal ang kanilang mga maskara.

"Kami-kami lang naman 'yung nandito kaya okay lang na tanggalin namin 'to." Mukhang napansin ni Timaeus ang nagpapagulo sa aking isip. "May kakatok naman sa atin kung sakaling malapit na tayo mag-perform."

Tumango-tango na lamang ako sa kaniya.

"We'll start in two minutes," anunsiyo ni Ryo. Umupo siya sa pinakamalapit na upuan kung saan ang katabi nito ay may nakapatong na bag. Binuksan niya ito at kumuha ng tubig na nilagok niya.

Napalunok ako ng aking sariling laway.

Bahagyang nakatingala ang kaniyang ulo habang umiinom ng tubig kaya naman kitang-kita ang paggalaw ng kaniyang panga, kasama na rin ang pagtaas-baba ng kaniyang Adam's apple.

Pagkatapos uminom ay dumako ang tingin niya sa akin.

Sandali akong natigilan dahil hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko kasi maialis ang tingin ko sa kaniya, lalo na't mas lalo kong nasulyapan ang kabuoan ng kaniyang mukha.

Mukha siyang may lahi dahil sa kasingkitan ng kaniyang mga mata na nabigyang diin ng kaniyang makapal na kilay. Maganda sana ang kaniyang mga mata ngunit blangko lamang ang tingin nito, walang kahit na anong kulay ng emosyon ang nakapinta rito.

May katangusan din ang kaniyang ilong na siyang pinaresan ng maninipis ngunit mapupulang mga labi na bumagay sa kaniyang puting balat. Mukha ring siya ang pinakamatangkad sa kanilang apat. Mukha siyang iyong tipo ng playboy na hindi mo aasahang palikero pala, o kaya naman 'yung mala-Mafia ang datingan.

Tumikhim siya kaya naman ay nawala ako sa pag-usisa ng kaniyang hitsura.

Saktong paglipat ko ng tingin ay natapat ito roon sa isa pa nilang miyembro. Kung tama ang pagkakaalala ko, siya si Mizori.

Katulad ni Ryo, singkit din ang kaniyang mga mata ngunit may kabilugan ito. Cute siya, sa totoo lamang. Mas lalo rin siyang naging cute dahil sa kaniyang buhok na nakaayos na tila naka-bowl cut. Parang permanente na ring nakadikit sa kaniyang mukha ang ngiti sa kaniyang mga labi dahil kanina pa ito hindi nawawala.

Pareho sila ni Ryo na mukhang may lahi. Iyon lamang, si Mizori ay mukhang purong Hapon, samantalang 'yung isa naman ay nahaluan ng pagka-Korean at Hapon.

Sunod ko namang tiningnan si Knuckles. Kung 'yung naunang dalawa ay mga mukhang East Asian, si Knucles naman ay mukhang galing sa kanlurang bahagi ng mundo.

Matangos na matangas ang kaniyang ilong na pinalamutian ng kulay bughaw na mga matang matapang at makapal na kilay. May kakapalan ang kaniyang labi na siyang sumakto sa kalakihan at katulisan niyang panga. Nakataas din ang kaniyang kulay tsokolateng buhok.

Kulang na lamang ay bandana at magmumukha na siyang gangster.

Nagitla ako nang naramdaman kong may biglang nagpatong ng braso sa aking balikat.

"Popogi ng mga kasama ko, 'no? What are you looking for pa? Sali ka na!" wika ni Timaeus na tila ba ay nag-e-endorse ng produkto.

Inalis ko ang pagkakalapat ng kaniyang palad sa akin at hinarap siya. Ngayon ko lamang nabigyang-pansin ang kaniyang pisikal na katangian.

Pogi rin naman ang isang 'to. Hindi man akma sa kaniyang mukha ang tunog ng kaniyang pangalan, masasabi ko pa rin namang may hitsura siya at kayang-kaya niyang makipagsabayan sa visual ng kaniyang mga kasama.

Iyon lamang, hindi siya ang tipo ko kaya hindi ko agad napansin ito.

Moreno siya, hindi tulad ng tatlo. Mapungay rin ang kaniyang mga mata. Nakangiti siya kaya naman ay nangingibabaw ang biloy sa magkabilaang gilid ng kaniyang mga labi. May katangkaran at kalakihan ang kaniyang katawan. Bagay nga sa kaniya ang maging bokalista dahil parehong guwapo ang kaniyang boses at mukha.

Sayang lamang at natatakpan ang kanilang mukha ng mga maskara kaya hindi masisilayan ang kakisigan nilang taglay. Bakit kaya sila nagsusuot nito?

"Oh, before I forgot. Erato, right?" Napatingin ako kay Ryo. "I'm pretty sure Timaeus already told you about our temporary vocalist na hindi makakapunta ngayon? Dala namin 'yung dress at mask niya. Okay lang ba sa'yo na suotin iyon?"

Lumapit si Timaeus sa isang bag at may kinuha roon. Inilabas niya ang isang kulay itim na bouffant dress. Ang mga manggas nito ay see-through at may kulay pulang lasong nakasabit sa gitna ng kuwelyo.

"Here's the mask," ani Timaeus at inabot sa akin ang kulay itim na masquerade mask.

Nanlaki ang aking mga mata dahil ito rin ang maskarang nakita ko sa website nila nang nakaraan. Ipinagtagpo ko ang aking mga kilay.

"I really think na bagay sa'yo, 'to. Too bad, ngayong araw mo lang susuotin," komento pa niya.

"Thank you." Inabot ko ang damit at maskara mula sa kaniya, pagkatapos ay nagpaalam akong magbibihis.

Pagkabalik ko, agad akong inabutan ni Timaeus ng pulang lip tint. Ibinaba niya ang kaniyang tingin at agad na dumapo sa kaniyang noo ang kaniyang kanang palad.

"Nakalimutan nating dalhin 'yung sapatos!" naiinis na sambit niya.

Iisipin na sana namin kung ano ang gagawin kaso may biglang kumatok sa pinto ng AVR.

"Twenty minutes," pagbibigay-alam nito.

"Mamaya na lang natin problemahin. Mas mahalagang mag-practice muna tayo," suhestiyon ni Mizori na sinang-ayonan ng iba.

Lumipas ang dalawampung minuto sa isang iglap lamang.

Dinig ko ang malakas at mabilis na pagkabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ang karagatan ng mga tao na nasa aking harapan. Nakatutok lamang ang kanilang tingin sa akin kaya mas lalo kong naramdaman ang kaba.

Sa paglibot ng aking mga mata, nakasalubong nito ang tingin na nakapagtatakang biglang nagpakalma sa akin.

Madalas, ramdam ko ang kaba kapag nagkakatagpo ang aming mga mata dahil natatakot ako na baka mapansin niyang gusto ko siya. Pero ngayong nakamaskara ako, panatag ang aking loob na hindi niya ako makikilala kaya naman ay malaya akong ipahayag ang aking nararamdaman.

Sinenyasan ko si Knuckles na maaari na siyang magsimula.

Unang hampas niya pa lang sa kaniyang instrumento ay narinig na agad ang hiyawan ng mga estudyante. Sunod namang tumugtog si Timaeus na nasa gitara at Ryo na nasa bass kaya mas lalong lumakas ang ingay. Mabuti na lamang at hindi nasasapawan ng kanilang sigaw ang ingay ng speaker kaya hindi kumpiyansa akong makakapasok ako sa tamag tiyempo.

"'Wag tahaking mag-isa," panimula ko. Ipinikit ko ang aking mga mata upang makapagpokus ako kahit na nagwawala na sa ingay ang mga estudyanteng nakapaligid sa amin. "Bulong mula ulo hanggang paa. Ang araw ay mag-aantay sa sinag ng buwan. 'Wag hayaan ang paa."

"Pinosas ang kamay ng bata upang ito'y maging isang sunod-sunuran," sabay na pagkanta ko at ng mga tagapakinig. Dito na rin sa parteng ito pumasok si Mizori sa kaniyang oboe.

"Akin ngang inaasahang," pakiramdam ko ay may problema sa mikropono dahil pawala-wala ang pagkakarinig ko sa aking boses. "Hindi mawawala ang kawalan sa iyong..."

"Kaluluwa!" Tuluyan na ngang nawala ang koneksyon ng aking mikropono dahil tanging boses na lamang ng crowd ang aking narinig.

Dali-dali kong tinanggal ang mikropono mula sa stand mic at tinutok ito sa mga manonood.

Wala ka nang magagawa
Patuloy mong sisirain
Basahin bawat kaluluwa
Bangungot ng panaginip ang magpapagising

Habang patuloy sila sa pagkanta ay tinapunan ko ng tingin ang tabi ng entablado kung nasaan nakatayo ang mga nag-aasikaso tungkol sa tunog at technical stuff.

Umabot ng isang buong chorus bago ako sinenyasan ng isa sa kanila na ayos na.

Hinintay kong matapos si Mizori sa kaniyang instrumental bago muling ipasok ang ikalawang verse.

Mabuti na lamang at hindi na nagkaroon pa ng kahit na anong anomalya pagkatapos. Maayos kong nairaos ang aking unang pagtatanghal.

Unang pagtatanghal... Ibig sabihin ba nito ay may kasunod pa?

Napatingin ako kay Timothy. Nakakahawa ang malawak na ngiti sa kaniyang mukha. Hindi ko namalayang unti-unti na rin palang umuunat ang aking mga labi.

"Once again, everyone, we're Behind the Mask. You may find us on our different social media accounts. Just search Behind the Mask, and poof! It will appear," salita ni Timaeus. "You may also listen to our music sa aming website, YouTube, and SoundCloud. Madali lang naman po kaming hanapin. Thank you for having us here!"

"Isa pa! Isa pa! Isa pa! Isa pa!" sigaw ng karamihan.

"As much as I'd love to, wala kasi kaming nai-prepare na second song. Utangin na lamang namin para sa next time."

Umalma ang mga manonood ngunit nagsalita naman na ang emcee at ipinagpatuloy na ang programa.

Sa huling pagkakataon, muli kong sinulyapan si Timothy. Laking-gulat ko na lamang dahil hindi niya pa rin pala tinatanggal ang kaniyang tingin sa akin.

Nakilala niya ba ako? Pero imposible naman dahil nakatakip ang halos kalahati ng aking mukha. Pinagsuot din nila ako ng wig kaya sigurado akong walang makakakilala na kahit sino sa akin. Sinigurado ko rin na iba ang boses ko roon sa pinarinig ko sa kaniya nang nakaraang araw sa tunay na boses ko.

Saka sa paraan ng tingin niya, parang namamangha siya at 'yung pagkamangha na 'yun ay hindi dahil sa narinig niyang kumanta ang kaniyang kaibigan.

Pasimple akong napangiti.

Kung sakali bang ipagpatuloy ko ang pagkanta para sa Behind the Mask, patuloy mo pa rin kaya akong titingnan ng ganiyan? Ayos na ako rito dahil kahit papaano, nararanasan ko rin na mabigyan mo ng pagtingin.

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
7.3K 258 22
"I'll walk you home." Mark x Haechan NCT Epistolary 2
92.6K 5.8K 69
❝Shoutout naman po dun kay kuyang pinagbintangan akong magnanakaw ng aso!❞ ↳ hwang hyunjin ✾ straight kids #1 ❅ #11 in short story (180526) ...