Save to Heart (Student Series...

By maysique

77.7K 3.4K 3.3K

Student Series 2: "Bahala Na" Attitude 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 Manifesting a fatalistic attitude is nearly a norm... More

Save to Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 16

1.3K 72 55
By maysique

Chapter 16

"Sinaktan ka na naman ng kuya mo?" galit na tanong ni Papa nang makita niya kinabukasan ang mukha ko.

Kinagat ko ang aking labi at yumuko na lang. I couldn't hide the bruise on my cheekbone caused by my brother's slap. 

"Putang ina niyang Kuya mo. Humanda sa akin 'yan mamaya..."

"Pa..."

Hinampas niya ang mesa at umigting ang panga. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kamao niyang halos maglabasan na ang ugat sa diin ng pagkakatikom.

"Sumusobra na 'yang mga kapatid mo, Asia! Hinahayaan ko lang sila sa gusto nilang gawin sa mga buhay nila pero 'yang paulit-ulit kang sinasaktan? Malilintikan na 'yang kapatid mo!"

Ngayon lang ako nagdalawang isip kung papasok ba ng school o hindi muna nang hindi dahil sa kahit anong sakit. Ayokong maiwan dito sina Papa at Kuya dahil baka kung anong mangyari sa dalawa. Ngayon ko lang harap-harapang nakitang magalit at magmura si Papa dahil sa galit.

"Tapusin mo na 'yang almusal mo at ihahatid kita sa school mo." 

Tumayo siya pagkatapos habang ako, tiningala naman siya. 

"Pa, huwag mo na pong saktan si Kuya," pakiusap ko. "Lasing lang—"

"Lasing? Ang sarap ng buhay niyang Kuya mo, e. Painom-inom na lang? Wala na talagang pakialam sa buhay? Ni hindi marunong maghanap ng trabaho! Tapos pag-uwi, pag-iinitan ka?!"

Natahimik ako. Hindi na ako nagsalita dahil baka lalong sumabog sa galit si Papa. Tinapos ko ang pagkain at nagbihis na ng damit. Hinatid niya rin ako sa school pero hanggang sa may entrance gate lang ako sa loob 

I waited for more than fifteen minutes before I went outside the school again, telling the guard that I forgot something. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag habang nag-aabang ng jeep na dadaan sa direksyon ng bahay namin. Itinaas ko ang kamay para parahin ang parating na jeep at napasulyap sa gate ng aming school.

Bahala na... ngayon lang naman. Isang absent lang naman kung sakali...

Hindi ako bumaba sa tapat mismo ng bahay namin. Mula sa pinakamalapit na kanto sa amin, naglakad ako pabalik sa bahay. Naabutan kong nakabukas ang gate at pinto namin. Nanginig ang balikat ko nang marinig ang kalabog sa loob. Tumakbo ako agad papasok ng gate at narinig ang sigaw ni Papa.

"Tarantado kang bata ka! Wala ka na ngang kwenta rito sa bahay, sinasaktan mo pa ang ading mo! Anong klaseng kapatid ka?!"

Saktong pagbukas ko nang pinto ay nasuntok ni Papa si Kuya Rey na nakahandusay na sa sahig at hawak ang bibig. Tumili ako at agad naiyak sa nakita.

"Putang ina ka! Wala kang kwenta!" sigaw ni Papa habang dinuduro si Kuya.

Tumakbo ako habang umiiyak papunta sa harap niya nang umamba siyang lalapit at sasapakin ulit si Kuya. Niyakap ko siya sa baywang habang humahagulgol.

"P-Papa! Tama na po, please! P-Pa, please... tama na po! T-tama na po! Hindi na lumalaban si Kuya, Papa. Tama na po..."  

Parehong nanginginig ang katawan namin. Ako dahil sa pag-iyak at siya dahil sa galit.

"Anak ng... Asia?! Hindi ba't kahahatid ko lang sa 'yo sa eskuwela!" 

Nilingon ko si Kuya na putok na ang kilay at labi na may kasama pang dugo.

"Kuya... umalis ka na muna, please. Umalis ka na po muna!"

He was too stunned to react for a couple of seconds. Tumingala siya at kita ang sakit sa mga mata nang tingnan ako. Parang dinaganan ang dibdib ko at mas lalong naiyak.

Umalis din naman siya tulad ng sinabi ko. Si Papa naman ay hinawakan ako sa braso at yumuko para harapin ako.

"Papa..." I cried.

"Shh..." pagpapatahan niya at pinunasan ang pisngi ko. "Anak, sorry... tahan na.. sorry..."

Niyakap niya ako habang umiiyak ako sa kanyang dibdib. Halos hirap na akong huminga dahil sa sobrang hagulgol. Sa takot... sa pangamba... sa awa kay Kuya Rey. 

Paano pala kung hindi ako bumalik ng bahay? Sa galit ni Papa kanina, baka mapatay niya pa si Kuya. Hindi ko inakalang aabot sa ganoong punto ang mangyayari dahil sa pagsampal ng kapatid ko sa akin.

"I'm sorry, anak."

Panay ang sorry ni Papa kahit medyo tumatahan na ako. Pinaupo niya ako sa aming sofa at kumuha siya ng tubig para sa akin. Pinupunasan niya pa rin ang pisngi ko at sinusuklay ang aking buhok habang sinusubukan kong uminom.

Humihikbi pa rin ako nang mapatingin sa kanyang kamay. Nagdudugo ang kamao niya. Hindi ko na alam... ano bang nangyayari sa pamilya namin at nagsasakitan na?

Mahal ko silang tatlo pero... hindi ganito ang gusto kong pamilya.

"Bakit ka pa bumalik?" mahinang tanong ni Papa nang kumalma na ako. "May pasok ka pa, anak. Ihahatid na lang kita ulit."

Nakatulala lang ako sa hawak kong baso. Umiling din ako pagkatapos ng ilang sandali.

"Hindi na po muna ako papasok," sabi ko sa maliit na boses bago tumayo. "Kukuha lang po ako ng first aid para sa sugat mo po..."

"Anak, pasensya na kung nakita mo iyon. Hindi—"

"Pa..." tawag ko at nanubig na naman ang mga mata nang lingunin siya. "Tama na po, please?"

Wala naman na siyang sinabi pero namumula na ang mata niya sa nagbabadyang luha habang nakatingin sa akin. Kinuha ko na lang ang mga gamot para sa kamao niya at pagkatapos gamutin, hinayaan ko na siyang matulog.

Binantayan ko lang ang bahay at baka sakaling dumating si Kuya. His wounds should be treated, too, or it might get infected. I hope he comes home while Papa's sleeping and I'm awake. 

Nagbasa muna ako ng libro para hindi antukin, kaso lang ay nakatulog din ako at nagising na lang nang mag-isa na. May hinandang pagkain si Papa na kinain ko naman agad dahil sa sobrang gutom.

I opened my phone to text my brother.

Asia:

kuya, wla n c papa. uwi k p0 muna pra gmutin k sugat m. 

Wala akong natanggap na reply sa kanya pero bandang alas otso ng gabi, umuwi na rin siya. Hindi pa nagagamot ang sugat.

"M-may pagkaing hinanda si Papa, Kuya. Kain ka po muna tapos gamutin natin 'yang sugat mo."

Tiningnan niya lang ako at nilagpasan. Napayuko ako at naghintay na lang sa sala hanggang sa matapos siya. Nagulat pa nga ako nang marinig ko siyang naghuhugas ng pinggan.

"Asia."

Napatunghay ako. "Kuya?"

Pinagmasdan niya ako. Hindi ko makayanang titigan ang sirang mukha niya sa pasa at sugat kaya ibinaling ko rin ang mata sa aming TV.

"Kung hindi ka ipinanganak... buhay sana si Mama ngayon."

Nanikip ang dibdib ko sa narinig. Parang ayaw ko nang marinig ang susunod niyang sasabihin. Dudurugin niya na naman ang puso ko. Alam ko... dahil ilang beses ko na ring narinig iyon kay Ate.

"Sana..." Tumigil siya nang ilang sandali. "Sana ay ipinalaglag ka na lang ni Mama. Sana ay ikaw na lang talaga ang nawala."

Napahawak ako sa dibdib nang halos hindi na makahinga dahil sa narinig. Suminghap ako at inilapag sa tabi ang lagayan ng gamot bago tumayo.

"S-sorry, K-Kuya. Baka... baka hindi mo na po kakailanganin ng t-tulong ko para gamutin ang sugat mo," sabi ko sa basag na boses bago nagtungo sa kuwarto.

Ang hirap namang maging parte ng pamilyang ito. 

Hinayaan kong saluhin ng unan ang bawat luha kong puno ng pait at sakit sa buong gabi. Iyon lang ang tanging karamay ko sa paglabas ng hinagpis at hinanakit na hindi ko kayang ipakita at sabihin sa kanila. Hindi ko na namalayan kung anong oras na akong nakatulog pero bago ko ipinikit ang mga mata, narinig ko na ang boses ni Papa mula sa labas.

Si Papa lang naman talaga ang may pakialam sa akin. Tanggap ko nang ayaw talaga sa akin nina Ate Coleen at Kuya Rey at alam kong mas matutuwa sila kung mawawala na lang ako. Gustuhin ko mang mawala sa buhay nila, ayokong iwanan si Papa.

"Asia... 'nak..."

Umungol ako nang maramdaman ang pag-alog sa aking braso. Boses ni Papa ang naririnig ko kaya kahit sobrang bigat ng talukap ng mata at tumitibok ang sentido, dumilat ako.

Sinubukan kong bumangon pero naibagsak ko rin ang katawan sa bigat nito. May towel na nalaglag mula sa noo ko patungo sa puson ko nang tinulungan ako ni Papa na bumangon.

"Inaapoy ka ng lagnat kanina pang umaga. Nagluto ako ng sopas, anak. Kumain ka muna kahit kaunti para makainom ka ng gamot."

"N-nilalag..." Umubo ako para ayusin ang napapaos na boses. "Anong oras na p-po? Late na po ako—"

"Shh. Ano ka ba? Nilalagnat ka nga, anak. Hayaan mo at gagawa na lang tayo ng excuse letter para sa teacher mo."

Tumango ako at hindi na nakipagtalo pa. Tinulungan niya akong sumandal sa pader sa uluhan ng kama ko at sinubuan ng mainit-init pang sopas. 

Natulog lang ako maghapon at gigising lang para kumain o 'di kaya'y magpalit ng damit dahil basa na ng pawis. Tatlong patong na ng kumot ang nilagay ni Papa sa akin dahil halos mangisay na ako sa panlalamig.

Humupa naman ang lagnat ko kinabukasan pero hindi pa ako masyadong nagpapasaway. Sabado naman kaya pinagpahinga ko na lang din ang sarili at si Papa na todo bantay sa akin buong magdamag. Hindi na nga siya pumasok sa trabaho dahil sa akin kaya medyo nakokonsensya ako.

Bumisita sa akin si Eden noong Linggo para ibigay sa akin ang mga notes na isinulat niya noong dalawang araw akong absent. Pumunta pala siya kahapon pero dahil medyo may binat pa ako, umuwi na lang daw muna siya at bumalik ngayong araw.

"Hindi ko sure kung tama ang mga sagot ko rito sa assignments, ah. Basta sinubukan ko lang sagutin para may guide ka. Kung mali, e 'di ako ang pakopyahin mo."

Humalakhak ako habang tinitingnan ang mga notebook niya. Bihira lang akong um-absent sa school dahil sa sakit kaya tuwing wala ako, doon lang sinisipag magsulat ng lesson at magsagot ng assignment si Eden para may mapakopya sa akin.

"Salamat, Eden. Mamaya ko na siguro gagawin 'to. Babasahin ko muna ang mga notes mo." Ngumiti ako. "Nagkaroon ba ng quiz?"

Tumulis ang nguso niya habang pinagmamasdan ako saka siya tumango.

"Sa English, Filipino, at Science may quiz noong Biyernes. Gusto mong sabihin ko kung anong mga tanong? Siyempre, ayaw mo." Umirap siya sa sariling sinabi. "Basta nandiyan sa notes 'yong lumabas sa quiz. Kaya mo na 'yan."

I nodded and browsed the pages of her notebooks.

"Nga pala, sa akin ka hinahanap ni Raghnall. HIndi ka raw niya makontak, e, ako nga rin. Hindi kasi uso sa 'yo mag-text kahit may phone na, 'no?"

"May sakit nga ako, gagamit pa ako ng phone?"

"Kahit ngayong araw, hindi ka nga nagre-reply, wala ka na ngang sakit!"

"Baka bumalik kapag gumamit ako ng telepono. Hindi ko naman kailangang gumamit no'n araw-araw."

"E 'di wow."

Umuwi lang si Eden noong bandang alas singko na. Sinundo siya ni Kuya Erson na kasama niyang nakatira ngayon sa bahay ng tita nila. Kinumusta lang din niya ako bago sila umalis. Sabi ni Eden, tumutulong naman daw silang dalawa roon sa grocery na pagmamay-ari ng kamag-anak nila para hindi maging pabigat.

"Siguradong kaya mo nang pumasok?" 

Tumango ako kay Papa at ngumiti. "Lunes na po. Magaling na magaling na ako! Galing po kaya ng nag-aalaga sa akin!"

Ngumiti si Papa at ginulo ang buhok ko. "Mabuti naman. Basta sabihin mo agad sa teacher mo kapag sumama ang pakiramdam mo, ha? Balita ko pa naman ay naka-aircon kayo. Baka mabinat ka."

"Kaya ko na po, Papa! Sure na sure!"

"Oh, siya. Dalhin mo ang jacket mo, ha. Para kapag nilamig ka..."

Mahigit isang oras akong mas maaga sa pagpasok ngayong araw. Humalik ako sa pisngi ni Papa bago ako pumasok sa loob ng school namin. Lumilipad sa likod ko ang aking buhok habang naglalakad dahil sa pang-umagang hangin. 

Winalis ko sa isipan ang dumi sa mga pangyayari nitong nakaraang araw sa bahay namin at ngumiti na lamang. Ayokong dalhin ang problema sa bahay rito sa school.

Hay, nakaka-miss naman pumasok. Apat na magkakasunod na araw tuloy akong hindi nakatungtong dito. Wala pa masyadong tao kaya parang ang sarap magsasayaw sa harap ng obelisk dito.

Umupo muna ako sa isang bench malapit sa building namin. Mamayang alas siete pa kasi binubuksan ng guard ang room namin. Sinandal ko ang ulo sa bench at napalingon sa isang estudyanteng lalaki na naupo mismo sa tabi ko.

"Good morning," bati ko kahit hindi siya kilala.

Medyo mahaba ang kanyang buhok na halos matabunan na ang mata sa harap. Naka-uniform siya ngunit iba ang kulay ng pants niya sa amin at wala ring suot na necktie. Wala nga rin siyang dalang bag nang sipatin ko ang kabilang gilid niya.

Medyo napaatras ang ulo ko nang humarap siya sa akin. Kinalaykay ng kamay niya ang buhok sa harap palikod kaya nakita ko nang mas maayos ang mukha niya. 

His eyes looked sleepy and haggard because of the darkening circles under his eyes. Nasa itaas banda ang itim ng kanyang mata dahil bahagya siyang nakayuko habang nakatingin saakin. With his thick brows and the way he gazed at me, he seemed asking for a fight.

"Sa laro, kapag ilang beses ka nang natalo, sunod-sunod... maglalaro ka pa ba ulit?" mababa ang boses niyang tanong.

Naguluhan ako noong una pero mukhang seryoso naman siya kaya sumagot ako. Nag-activate ang competitive mind ako. Aba, hindi puwedeng talo lagi.

"Depende kung anong klaseng laro. Hindi naman masamang bumawi para manalo pero siyempre, pahinga ka muna kung sunod-sunod na ang talo. Malay mo, swertehin na pagkatapos magpahinga?"

He snapped his fingers. "That's what I'm telling that loser. Lose streak na kami sa DOTA simula kagabi dahil sa mga kakampi pero ayaw pang tumigil ampota."

Nalaglag ang panga ko sa lutong ng mura niya. Lumipad sa ere ang isang kamay niya habang nagsasalita.

"You know Wilder? That's the loser's name, Miss. Remember that name, alright? Kung sakaling maging kakampi mo siya sa kahit anong laro, asahan mong matatalo ka na."

Hindi ko mapigilang tumawa. Loser daw pero sinasamahan naman. Although he looked dangerously handsome, I think he was younger than me. 

"Anong pangalan mo, bata?"

Nagtaas siya ng kilay at tumikom ang manipis na labi. "Rain."

Hindi nagreklamo noong tinawag kong bata, ah? Siguro'y totoo.

"Tatandaan ko ang pangalan niyong dalawa. Pareho kayong talo, hindi ba?" I smirked. "If I ever play DOTA, I wouldn't want to team up with losers. Thanks for informing me in advance."

His lips went ajar but there was a small curl on the sides. "What's your name?"

"Asia."

"Do you play DOTA? Or League of Legends?"

Umiling ako. 

"You wanna learn how to play?"

"Convince me by elaborating the skills I can acquire so far by playing that kind of game that I can practice in life?"

"Strategies, tactics, critical thinking, problem-solving, and coordination." Tumayo siya at binulsa ang kaliwang kamay. "Find me on Heart app if you want to learn and let's see if you can beat us down. We're sore losers, right?"

Ngumuso ako. "Anong Heart app?"

"Wala ka bang account doon? STH app. Secret Terminal of Hearts. We call it the Heart app. It is like Facebook... and kinda a dating app. Just a bit complicated, I guess?" He chuckled. "Puro mga estudyante lang ang gumagamit mula sa iba't ibang school. But it's not accessible and available for every student."

"Ah..." Tumango-tango ako. "Facebook at Messenger lang ang meron ako, e. Hindi rin ako masyadong gumagamit no'n. Saka ba't nagdi-dating app ka na agad, ha? Ilang taon ka na ba?"

"Eleven." Umupo siya ulit sa tabi ko habang may kinukuha sa kanyang pantalon. "What's your Facebook name? I'll send you the link to download the Heart app. It can't be found in the App Store nor in the Google Play Store."

Ha? Eleven pa lang siya tapos pa-dating app dating app na? Oh, baka naman hindi lang 'yon ang purpose ng app? 

"Naku, 'wag na! Kahit i-download ko 'yan, baka hindi ko rin magamit."

Tinitigan niya ako na para bang hindi makapaniwala. Kumunot naman ang noo ko at tiningnan siya pabalik. 

"Anong grade mo na?" tanong niya.

"Grade 8?"

"You know Axasiel Ferguson or Raghnall Asturias? Grade 8 din sila."

"Kaklase ko sila simula noong Grade 4 kami. Bakit?"

Suminghap siya at napatakip sa bibig, kumukurap-kurap pa. Tumayo siya ulit at napapailing na lang na ibinulsa ang telepono.

"Alis na 'ko, Asia."

Sinundan ko lang ng tingin ang paliit niyang pigura habang naglalakad. Pagpatak ng alas sais y media, tumayo na ako nang tuwid upang magbigay pugay sa pambansang awit ng Pilipinas. Nilagay ko ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at sumabay sa kanta na naririnig mula sa mga speaker na nakakabit sa bawat building.

Natapos ang kanta kaya ibinaba ko na muli ang kamay sa gilid. Paglingon ko sa kanan noong paupo na sana ay namataan ko si Raghnall na nakatayo ilang metro ang layo sa akin. 

He was looking at my direction. Nang makaupo na ak9 ay saka siya nagsimulang maglakad.

"Good morning," bati ko nang nakalapit na siya.

He placed his bag on the bench before he settled himself beside me. I smiled at him.

"Good... morning..." Dinilaan niya ang kanyang labi. "I heard you were sick. I'm glad you look better now."

"Siyempre. I get better each day!"

Ngumiti siya at ipinatong ang kamay sa ulo kaya natigilan ako. Hinimas niya iyon na para bang isa akong aso. Nagtagal ang tingin niya sa aking mga mata hanggang sa nawala ang maliit na ngiti sa labi niya.

"Bakit mo hinihimas ang buhok ko?"

Nagsara ang labi niya at umalon ang kanyang lalamunan kasabay ng pagtanggal ng kamay sa ulo ko. Lumipat ang kamay niya sa paghimas sa kanyang panga at leeg.

"Tinitingnan ko lang kung oily. Basa lang pala," sabi niya na hindi nakatingin sa akin.

Sinapak ko nang mahina ang braso niya. Sinapo niya iyon at humarap ulit sa akin.

"Grabe ka naman! Hindi naman nag-o-oily ang buhok ko kahit naglalaktaw ako ng isang beses bago shampoo-han 'to!"

He chuckled while I was pouting and glaring at him. Hinimas ko ang buhok at sinuklayan iyon gamit ang daliri. Bahagya akong lumayo sa kanya pero para siyang magnet na dumikit ulit sa akin. Pinahiga niya ang kanyang braso sa likuran ng sinasandalan ko habang nakaharap sa akin.

Napalunok ako at naiatras ang ulo nang lumapit pa siya. Gamit ang isang kamay, hinawi niya ang buhok sa gilid ng mukha ako at inipit ito sa likod ng aking tainga. Ang malalim niyang mga mata ay pinagmasdan ang mukha ko, naniningkit at tila inaanalisa ang bawat parteng madaanan nito.

"B-bakit?" 

Kinagat niya ang labi at bumuntong hininga. Sandali... halata pa kaya 'yong pasa sa pisngi ko? Hindi ko naman napansin iyon habang nagsusuklay ako kanina sa tapat ng salamin namin, e. Kaya ba siya ganiyan makatingin?

"Tinitingnan ko lang," he replied softly. 

"Alin?"

"Mukha mo. Akala ko naging bilog."

"Weh! Miss mo lang ako, e!" tawa ko. 

"I don't."

Nagkibit ako ng balikat. "Ayos lang. Hindi rin naman kita na-miss."

He glowered at me. My eyebrow reached the sky. He then rolled his eyes and got up from his seat. 

"Asia was dancing on her bed at bedtime with loud music on, waking her father up and got scolded severely."

"Pinagsasabi mo diyan?" naguguluhan kong tanong.

Umangat-baba lang ang kanyang balikat. "Just giving you some tips."

Hindi ko pa rin naintindihan ang gusto niyang sabihin. Nagpasa ako ng excuse letter sa teacher namin para payagan akong mag-quiz pero sinabihan ako na sa susunod, kailangan daw ng medical certificate. Hindi naman ako ganoon kalala kapag nagkakalagnat kaya hindi na kailangang magpa-check sa doctor, e. 

Habang nagkaklase sila sa English, mag-isa lang ako sa labas ng room namin na nakaupo para magsagot ng quiz. Identification ito at mabuti na lang ay nabasa ko na ang notes na ipinahiram sa akin ni Eden kahapon. 

Patapos na ako at dino-double check ko na lang ang mga sagot nang may napansin ako. I tried to recall Raghnall's words earlier this morning as I reviewed my answers for the third time. Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ang ibinigay niya sa akin.

Did he just give me the initials of the correct answers for this quiz by using a mnemonic device?

Continue Reading

You'll Also Like

52.8K 1.1K 70
G3 series #3 - an epistolary 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 good morning! tae ka ba?
24.3K 1.2K 52
Student Series 3: Filipino Time Punctuality seems less important in a society where being late is viewed as a negative yet normal culture. Some stude...
83K 1.5K 85
May mga pagkakataon pala talaga na 'pag tinanong ka kung bakit mo nagawa ang isang bagay, ang maisasagot mo lang ay, "kasi gusto ko, kasi mahal ko."
102K 4.9K 32
Most people claim that high school memories are the best. Sa High School mo raw mararanasan lahat. Mula sa samu't saring kahihiyan at 'di mabilang na...