Mr. Billionaire, Don't Englis...

By donnionsxx04

95.3K 3.1K 496

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Pasilip:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119:
Chapter 120:
Chapter 121:
Chapter 122:

Mr. Stranger 29:

704 27 2
By donnionsxx04

Pagpapatuloy...

MANDY YU POV:)

"Alam mo may time na ang tino mong kausap. May time na isip bata ka saka may time na ang sungit-sungit mo tulad ngayon. Mas babae kapa nga sakin ngayon kung mag-sungit diyan. Tinutuyo ka din ba?" Sabi ko kay Ros nang sinasabayan ko siya sa paglakad.

Nandito kami sa Mall, naglalakad habang sinusundan siya. Sa Mall kasi naka-pwesto ang David Salon kaya nandito kami ngayon. Hindi ito umimik bagkus nanatiling naglakad lang ito na walang ingay.

"Nireregla ka ba o sadyang inaabutan ka lang ng kashungahan mo?" Napataas nang kilay na sabi ko pa sa kanya.

Di pa rin siya sumagot kaya sa inis ko nakaisip ako ng paraan. Bahala siya, pag ako talaga nainis, kung ano naisip ko gagawin ko talaga. Huminto ako sa paglalakad at bumwelo. Nang ready na ko, matulin na tumakbo ako at tumalon. Sumabit naman ako sa likod ni Ros at sinabunutan siya.

"Ouch! My hair!!!" Ani ni Ros.

"Ikaw..." Sabi ko at pinagsasabunot lang siya. Bahala na kung dami na nakakakita sa amin, wala akong paki."Ayaw ko sa lahat iniinis ako!" Inis na sabi ko sa kanya.

Pumaikot-ikot pa si Ros habang nakasabit pa rin ako sa likuran niya dahil nasasaktan na siya sa ginagawa ko. Halos pinagtitinginan na kami ng mga tao sa Mall. Ako tuwang-tuwa sa ginagawa ko kasi sanay na ko sa ganito.

"Ouch!" Sambit nito halos napa-tagalog na ito.

*/////

Nasa kotse na kaming dalawa. Nakaupo kami pareho sa backseat na may ngiti akong nakakaloko habang naka-cross arms habang si Ros ay gulo-gulo ang buhok at may yelo sa ulo. Di mo maintindihan ang mukha ni Ros na para bang nanakawan ito ng pagkain dahil sa nakasimangot ito.

Galit na tiningnan ako nito at nginitian ko lang siya ng nakaka-insulto. Nagpipigil nalang siya sa galit. Gusto man niya bumawi sakin pero pinili nalang niyang pabayaan nalang ako.

"Hmp!" Irap nito sakin.

Tumawa lang ako dahil nakabawi rin ako sa kanya. Buti nga yun sa kanya. Ngayon, alam na nya paano magsabunot ang isang Mandy Yu.

"Ma'am, nagtext si Sir Johnser." Sabi ng driver ko.

"Ano sabi, Manong?" Tanong ko habang naka-cross arms pa rin.

"Sabi po niya, 4:30 raw meeting kay Mr. K." Sagot ng driver ko.

Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong 3:48 na ng hapon. Kailangan ko na ata mag-ready para mamaya.

"Okay." Turan ko bilang sagot dito. Binalingan ko si Ros."Ano nga gusto mo ipabili sakin? Ibibigay mo kanino nga yun? Your? Hmmm, Lady Lizabeth---"

"Lady Beth." Halatang galit pa rin na pag-correct nito. Pinaglalagyan pa rin niya ng yelo yung ulo niya kung saan masakit.

"Ow, okay. Lady Beth. So, what do you want to buy from Lady Beth?" Tanong ko dito. Nag-request kasi ito na bilhan ko raw siya pambili ng regalo kay Lady Beth. Syempre, pumayag naman ako kasi malakas siya sa akin. Ewan ko pero komportable ako sa kanya saka parang pagkakatiwalaan naman siya.

"I want T.V." Mabilis na baling nito sakin na may malapad na ngiti.

"T.V?"

Nakangiting tumango-tango na para bang bata na humihingi na bilhan siya ng bagay na gusto niya. Ang mata niyang kumikinang na nagpapahiwatig na pagbigyan siya sa kagustuhan niya.

Dahil sa mayaman ako siguro kailangan ko tulungan yung nangangailangan. Saka tutal, malakas nga siya sa akin. Kaibigan ko na din ituring siya.

Bumuntong-hininga muna ako bago sabihin ang final decision ko.

"Okay." Payag ko. Tuwang-tuwa naman ang bata."Manong, punta tayo sa store namin. Bibili tayo ng T.V." utos ko kay Manong.

"Sige, Ma'am."

DYLAN LORENZO POV:)

Nagulat na lamang ako nang may kumuha ng cellphone ko. Nanlaki mata ako nang makita ang taong nasa harapan ko. Nawala na lamang ang kaba ng puso ko nang makita si...

"Nandito ka pala, di mo man lang ako niyaya." Naupo ito sa tapat ko at tinawag ang waiter. Sino pa ba siya e di si Kuya Ramon, assistant ni Johnser. Akala ko sila Mandy at Clive, mabuti nalang ibang tao.

Nilagay nito sa mesa ang cellphone ko.

"Kausapin mo na ulit yung ka-call mo." Nakangiting sabi nito pagkabigay ng cellphone ko."Baka magtampo si Mandy." Ngiting malisya na dagdag nito.

"Hindi. Iba kausap ko." Tanggi ko kaagad.

"Halata naman sayo na ini-expect mo kanina si Mandy na nasa harapan mo." Kantiyaw ni Kuya Ramon.

"Di ah. Di kami talo non." Tanggi ko pa rin. Hiniwa ang beefsteak na nasa plato at kumain.

MANDY YU POV:)

"Wow?" Parang bata saad ni Ros at isa-isa pinagtitingnan ang mga T.V na naka-display.

Nandito na kami sa Store namin at madami ring namimili na nandito para bumili ng mga kagamitan nila. Sikat kasi ang negosyo namin ni Papa at kilala na ito sa ibang bansa. Maganda ang quality at pang matagalang gamit talaga. Kaya nahihirapan si Ros mamili ng T.V na gusto niya.

"Good morning, Ma'am." Bati ng mga nagtatrabaho kay Papa.

"Ano maitutulong namin sainyo, Ma'am?" Tanong sakin ng Manager na hinire namin dito sa store. Bumalik ulit kami sa Mall dahil may pwesto kami dito.

"Bibili ako ng T.V." tipid na sagot ko.

Bakas sa mukha nila ang gulat at pagtataka. Di ata nila maintindihan ang tinutukoy ko.

"Para sa kanya." Dugtong ko sa sinabi ko at tinuro si Ros at isa-isa pinaghahawak yung mga 32' na T.V at 42' na T.V dahil minamasid ito.

Napatango-tango naman ang mga ito. Mabuti na-gets na nila ang tinutukoy ko.

Lumapit ako kay Ros."Did you find anything?" Tanong ko.

Lumingin-lingon pa ito at nang may makita sa malayo tinuro niya kaagad iyon.

"I like this." Deretsyahang sabi nito.

Wow? Ibang taste nito ah? Kakalabas lang namin yan na Model. Sabagay, pag nahagip mo lang ng mata mo, babalikan mo ng tingin. Saka nakaka-attract naman talaga iyon kaya di na ko magtataka kung nagustuhan iyan ni Ros.

"That one," sabay turo sa T.V na napili ni Ros."Pag okay, kukunin namin." Utos ko sa mga nagwo-work kay Daddy.

"Okay, Ma'am." Sabi ng Manager at nag-bow pa sila. Dali-dali naman itong gumalaw kasama ang mga sales demo.

"Ros, wait nalang natin yung---" paglingon ko wala na si Ros.

"Mandy'rigma!" Boses ni Ros na tinatawag ako.

Nakita ko naman siya na nasa Refrigerator. Ano ginagawa niya doon?

"I want this too. Please?" Pagmamakaawa nito halos itiklop pa niya ang mga palad na parang nagdadasal lang. Nagpa-awa effect pa siya.

Aba! Abusado? Hmp.

"Pakikuha rin niyan." Sabi ko sa mga dito at dali-dali rin gumalaw.

"Ano? Okay n-na..." Di ko napatuloy ulit ang sasabihin ko nang makita si Ros nasa Rice Cooker area na naman. Nakangiting tinuturo-turo niya yung napili niyang Rice Cooker."Pasabay na rin iyon." Utos ko sa mga nagwo-work dito.

Pumunta naman si Ros sa mga stove."This one too. Please?" Sabi nito at ngumisi pa siya at labas ang mapuputi niyang mga ngipin.

Okay, pagbigyan ang bata. Ito gusto mo, Mandy. Tumulong sa nangangailangan. Uubusin talaga niya pera mo. Hayyy.

Walang nagawa, napailing-iling nalang ako.

*/////

"Oh ano? Okay na? Ipapadala nalang ng empleyado ni Papa yung mga gamit mo sainyo." Sabi ko sa kanya habang naka-cross arms at isa-isa na nilalabas yung pinagbili namin ni Ros ng mga gamit niya.

Nakangiting tumango lang ito. Bakas sa mukha nito ang kasayahan. Natuwa naman ako dahil ang laki ng ngiti niya sa kanyang mga labi. Ang liwanag ng kanyang mukha kaysa kanina kala mo nawalan siya ng pera dahil nakabusangot siya.

Lumabas na nga kami ng mall at nag-aabang na nga sa labas si Manong. Sumakay na nga kami doon at sa backseat pa rin kami naka-pwesto. Maya-maya pa nagsalita si Ros.

"Thank you."

Natigilan ako sa kanyang tinuran. Wait? Tama ba pagkakarinig ko?

"Ah?" Tanong ko.

"Never mind." Sabi nito at tumanaw sa labas. Kahit kailan talaga ang demonyo nito. Tss.

"Ewan ko sayo." Sabi ko sabay irap halos napa-ikot pa ko ng eyeballs.

Iyon na nga, hinatid na namin si Ros sa kanila pagkatapos deretsyo na sa Uphone Company.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Dali-dali akong bumaba ng bus. Sa sobrang excited na makauwi kaagad, di pa rin ako matunawan sa 'Can I court you' na yan ni Ros. Di ko alam bakit ganito ako ka-excited. Gusto ko may higit pang mangyari doon.

Alam kong tulog na si Ros. Hating-gabi na kasi ako nakauwi dahil sa daming inutos sakin ni Aling Doya. Ako lang kasi pinalinis sa CR ng 6th floor sa kadahilanang madaming di pumasok sa mga ka-trabaho namin. Uso kasi ngayon ang trangkaso kaya madami sa amin nasalanta na nung sakit na yun. Na dapat nga sa office lang ako ni Sir Johnser maglilinis, napalinis ako sa CR wala sa oras.

Di ko nga alam kung naglalakad pa ba ako. Sobrang bilis na kasi ng hakbang ko. Natagpuan ko nalang sarili ko nasa tapat na ko ng apartment namin. Dali-dali akong pumasok ng gate na may ngiti sa mga labi.

Pagpasok ko ng kwarto ko, nawala nalang ang mga ngiti ko sa mga labi. Napalitan iyon ng pagtataka at panlalaki ng mga mata. Nakita ko ang mga kagamitan sa kwarto ko na nagpasikip dito.

"Jusko! Saan galing ang mga 'to?" Bulalas ko.

May bagong ref, stove, paintings na nakadikit sa dingding, sofa saka T.V na open pa. Nakita kong nakahiga doon si Ros sa sofa habang mahimbing na natutulog. Hawak pa nito ang remote na nagpapahinga sa kanyang dibdib. Natutulog siyang buka pa ang bibig at humihilik pa. Ang amo ng mukha niya habang natutulog. Nakakaakit na akala mo isa syang artista na natutulog na napapanood ko sa T.V.

"Bakit sobrang guwapo ng ampon ko? Argh." Sa isip kong turan halos napakagat labi.

Lumapit ako sa kinahihigaan nito. Daan-daan lumuhod at pinagmasdan ang natutulog na Ros.

"Alam mo, sobrang naga-gwapuhan ako sayo. Sino ba mama at papa mo at kanino ka kaya nagmana ng ka-cute-an mo. Sarap mo titigan, di nakakasawa." Sabi ko sa mahinang boses habang pinagmamasdan siyang tulog. Humugot muna ako ng hininga at nagsalita ulit."Siguro hinahanap kana ng totoong pamilya mo. Sana di kana hanapin. Sana kasama na kita habang buhay. Ayaw na kita umalis sa pamamahay na ito lalo na ayaw kong lumayo kana sa akin. Di ko alam gagawin ko kung pati ikaw iwan rin ako tulad ni mama." malungkot na pahayag ko

Nandito ako sa Manila para hanapin ang papa ko pero bakit nung dumating ka, nag-iba na ang plano ko?

DYLAN LORENZO POV:)

Pinagbuksan ko ng pinto si Johnser. Bago paman ito pumasok, bumaling pa siya sa akin.

"Try mong contact-in si Mr. Kailes at alamin mo bakit pina-cancel ulit niya ang meeting." Sabi nito sa akin.

"Opo." Cold na sagot ko halos nag-bow akong bahagya.

"Saka nga pala," Humara ulit ito sa akin."Find out where Elizabeth Villatorte is from and where her house is.  Bukas na bukas i-text mo sa akin ang address niya. Maliwanag ba?" Sabi pa nito.

May balak siyang puntahan ang jannitress? Ang umampon kay Clive? Paano kung...

Naiangat ko naman ang ulo ko at bahagyang di pinahalata na gulat ako.

"S-sige po." Nautal na sabi ko at nag-bow ulit.

Sumakay na nga ito ng kotse. Nag-bow pa ako bago ito umalis. Nang malayo na siya doon ako biglang kinabahan. Posibleng masira ang plano ko.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"You have no job?" Tanong na lamang ni Ros habang abala akong nagluluto ng almusal. Nagto-tortang talong lang naman ako at nag-prito ng tinapa. Paboritong-paborito ni Ros ang mga niluluto ko.

"Day off ko ngayon." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"I thought it was Sunday?" Nalitong tanong ni Ros habang nakaupo na ito sa mesa at tinitingnan akong nagluluto.

"Oo, day off ko rin sa sunday. Sir is taking me off today so I can rest." Sagot ko. Hirap iexplain basta yun na yun. Sana di na siya magtanong pa. Nano-nosebleed ako. Huhuhu!

"You mean, we can date?" Tuwang turan nito.

Napakunot-noo na binalingan ko ito ng tingin."Date?"

"Yap. Watch T.V together, clean the house, eat and play." Nakangiting sabi nito.

Dahil sa sinabi ni Ros, biglang sumagi sa isip ko na hindi pa namin ginagawa ang mga sinabi niya. Sabagay, palagi kasi akong wala sa bahay para magtrabaho? Bakit kaya di namin gawin lahat iyon? Tutal, mamaya pang gabi kami lalabas ni Sir Johnser.

"Sure." Nakangiting payag ko.

"Yehey!" Parang bata na bunyi nito halos itinaas na nito ang mga kamay sa tuwa.

"Ros!" Tawag ko dito.

"Lady Beth, I have found it!" Sabi nito sabay takbo papunta sakin habang dala ang walis tambo.

"Take it and put it down." Sabi ko sa kanya habang nakaapak ako sa upuan at nililinisan ang stock-an namin ng mga plato, baso, etc...

Nilapag nga muna ni Ros sa ibaba ang walis tambo saka kinuha sa akin ang mga plato at nilapag sa mesa. Isa-isa ko binigay kay Ros hanggang maubos ang lahat ng loob. Saka ko pinunasan ang loob ng medyo basang tela.

Pinunasan naman ni Ros ang baso gamit ang tela. Nang inihipan niya ang loob ng baso, nagsiliparan ang mga alikabok. Ang nangyari nag-aching siya.

"Aching!"

Tinawanan ko naman siya sa nangyari sa kanya. Pinunasan naman ni Ros ang ilong niya kaya nangyari may gumuhit na dumi sa kanyang mukha. Para siyang bata na dungisin ngayon. Mas lalo akong natawa.

"Why?" Takang tanong nito sa akin.

"Never mind." Sabi ko nalang at tawa-tawang nagpatuloy na sa ginagawa.

*////

Kumuha si Ros ng chocolate at nilagay sa cart. Tiningnan ko siya ng cold sabay umiling-iling sa kanya. Malungkot na binalik niya ang chocolate. Napatawa na lamang ako dahil sa naging reaksyon niya. Pinakuha ko sa kanya ulit ang chocolate na gusto niya.

Tuwang-tuwa naman ang bata.

Nandito kami sa grocery para bumili ng pagkain namin. May ref na kami at kailangan namin mag-stock ng pagkain. Di ko alam saan galing yung mga appliances sa bahay. Itatanong ko nalang sa kanya mamaya pag-uwi.

Marahan na binitawan ko cart at tumungo sa mga palaman. Kumuha ako ng dalawa at papipilian ko si Ros kung ano gusto niya sa dalawa. Pagtalikod ko, nagulat na lamang ako na biglang dumami ang laman ng cart. Nakita ko pang naglagay pa ng pagkain sa Cart si Ros. Naiwanan ko lang saglit, puno na agad. Para tuloy ako may kasamang bata dahil sa kanya.

Napakamot na lamang ako sa ulo sabay napatawa.

Nasa bahay na nga kami. Tinutulungan ako ni Ros ilagay sa ref ang mga pinagbili namin. Habang tinutulungan niya ako sinasabayan niya ng pagkakain ng chocolate. Di na kasi makapaghintay kaya nagbukas na siya ng pagkain niya.

Gumagawa ako ng popcorn habang nasa sala si Ros, nanonood ng TV. Panay tawa lang siya dahil sa pinapanood na palabas hanang sinasabayan niya ng pagkain Ng hocolate na binili namin sa grocery.

Nang tapos na ko, dumeretsyo na ko sa kanya at naupo sa tabi niya. Kumakain kami habang kumakain ng popcorn na nasa malaking mangkok. Tawa lang kami ng tawa habang nanonood.

"How is it, Ros?" Tanong ko sa kanya habang hawak ang cp. Di kasi ako marunong nito at pagsagot lang ng tawag marunong ako.

"Here..." Tinuruan naman niya ako. Paano maglagay ng password. Magtext ng message, tumawag, gumawa ng Facebook account, mag-youtube, mag download ng games at...

"Selfie!" Yaya nito sa akin.

Dali-dali naman akong lumapit sa kanya habang nakaupo pa rin kami sa sofa. Nag-selfie kami habang hawak ni Ros ang magkabilang pisngi ko. Ang nangyari tuloy para akong nakanguso na ang panget.

"Ros naman."

"Your look so cute here." Sabi nito sa akin nang tiningnan ang kinuhanan habang nakanguso.

"Weh?" Sabi ko lang dito.

"Look."

Pinakita nito sa akin ang picture at napangiti na lamang ako dahil ang cute nga namin.

"Nice capture." Sabi ko at kinuha sa kanya ang cellphone. Pinagmasdan pa lalo ang picture naming dalawa.

"I will change my wallpaper." Nakangiting sabi niya at agad pinalitan ang wallpaper sa kanyang cellphone."See? Looks so cute."

Napangiti na lamang ako sa ginawa niya. Di ko maiwasang kiligin dahil sa ginawa niya. Para tuloy kami mag jowa dahil sa wallpaper niy.

"I will change you too." Dali-dali naman kinuha nito ang cellphone sa kamay ko. Pinalitan din niya ang wallpaper at picture din namin ni Ros tulad din sa kanya."Here." Binigay na ulit nito sa akin ang cellphone ko.

Namumulang pinagmasdan ko ang picture namin ni Ax sa cp ko. Di ko maiwasang kiligin sa picture naming dalawa. Ramdam ko na rin namumula ang pisngi ko. Di ko tuloy alam kung sadyang mainit lang talaga o kinikilig.

Napatingin na lamang ako dahil sa flash ng cellphone. Nahuli ko naman si Ros na kinukuhanan ako ng picture. Dali-dali ko naman tinakpan ang mukha ko.

"Ros naman."

Tumawa na lamang si Ros kaya takang tiningnan ko ito. Nakita kong pinagtatawanan niya ang kinuhanan niya sa akin na picture. Dahil doon, nahiya tuloy ako kung ano ang itsura ko doon.

"Your face pffft!" Sabi nito at pinilit di matawa pero natawa pa rin siya.

"Ros naman. I-delete mo yan." Akmang kukunin ko na sana ang cellphone niya nang agad na nailayo niya iyon sa akin.

"No."

"Isa!" Aabutin ko sana ulit nang itinago niya sa kanyang likuran.

"Ros naman!"

"Look! You look like a pig here. Oink oink!" Pang-aasar niya sa akin halos ituro-turo pa niya yung nakuhanan niyang epic sa akin.

"Ikaw."

Naghabulan na nga kami dito sa kwarto halos binibelatan pa niya ako dahil hindi ko siya mahabol-habol. Nang maabot ko ang damit niya ay agad natumba siya sa sofa. Kaya ang ginawa ko kinuha ko kaagad sa kamay niya ang cellphone kasi sa kasamaang-palad kiniliti na lamang niya ako.

"Ros! Hahaha! Tama na! Uy! Hahaha!'

Maghapon kaming nagharutan dito.

ANDREW SY POV:)

Nandito ako sa office ng mga oras ngayon habang pinapakain ang alaga kong ibon na nasa hawla nito. Bumukas naman ang pinto at dumating na ang hinihintay ko.

"Andito na po siya." Sabi ng assistant ko pagkapasok.

"Papasukin mo siya." Sabi ko na hindi tumitingin dito.

Pinapasok naman nito. Nang makapasok ay lumapas na siya para bigyan kami ng privacy na dalawa.

Nag-bow naman ito sa akin bilang galang."Magandang hapon po sainyo, Sir Andrew." Magalang na bati nito.

"Ano sabi ni Mr. Kailes?" Tanong ko saka na ako naupo sa upuan ko.

"May hinahanap kasi itong tao na nadisgrasya niya kaya na-cancel yung meeting kahapon. Pero sa next week nalang raw niya ime-meet si Sir Johnser dahil busy siya ngayon this days." Paliwanag nito habang nakatingin sa ibaba.

"Kaya pinatawag kita kasi may ipapa-trabaho ako sayo." Sabi ko sa kanya sabay ayos ng upo. Takang napatingin naman ito sa akin kaya tiningnan ko siya ng seryoso."Hanapin mo si Tomas. Mula nang iligpit niya si Clive, hindi na siya nagpakita. Hanapin mo siya at baka bumaliktad siya sa atin." Pagbibigay ko ng trabaho dito.

"Paano po kung makita ko siya?"

"Patayin mo siya." Seryosong sagot ko kaya bahagyang gulat na napatingin ito sa akin. Sa huli ay pumayag naman siya.

"Masusunod po."

"Sige, makakaalis kana." Tumayo ako sa pagkakaupo at bumalik ulit sa alaga ko.

Nag-bow muna ito saka tumalikod para umalis sa office ko.

To be continued...

Yan Muna guys. Pag may comment na sobrang 20, mag uupdate na ako. Lablab😘💖

Continue Reading

You'll Also Like

158K 3.5K 35
Tyra Yuri Velasco, isang simpleng babae na nangangarap na makapasok sa Wilstone Academy. Isang paaralan kung saan lahat ng nag aaral ay mayayaman at...
25.4K 632 29
Mahirap talagang tanggapin na ang kaisa-isang lalaki sa buhay mo ay mawawala sa 'yo. Lalo na't matagal mo na siyang nakasama. Hindi mo nalang namalay...
140K 3K 34
[YMP book 2] =Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya, maybe it'll remind him what he did... Now that I'm back, sisiguraduhin kong matatapos...
38.6K 911 55
Si Boy ay isang Mafia Boss na nagkukunwaring Butler slash Bodyguard Suplado, Gwapo (sabi nila), pero Napaka-Seryoso kapag nasa kanyang mga plano at m...