My Alien Soulmate (boyxboy) [...

By Badorita

690K 20.5K 615

Si Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyan... More

My Alien Soulmate
Prologue
Chapter One (The Selected One)
Chapter Two (Unidentified Follower Of abby)
Chapter Three (The Encounter)
Chapter Four (Mission Accomplished)
Chapter Five (Dreams or Reality)
Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)
Chapter Seven (A Narrow Escape)
Chapter Eight (Mysterious Man in the Dark)
Chapter Nine (The Outrageous Alpha)
Chapter Ten (Same-sex Reproduction)
Chapter Eleven (A Mess Mind)
Chapter Twelve ( The Philetor and the Kleinos)
Chapter Thirteen (Unintentional Kiss)
Chapter Fourteen (The Beginning of Everything)
Chapter Fifteen (Romance begins in unexpected ways)
Chapter Sixteen (Two Old Friend)
Special Chapter (Valentine's Edition)
Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)
Chapter Eighteen (Back to Earth)
Chapter Nineteen (Best friends are the best)
Chapter Twenty (Despedida Part One)
Chapter Twenty-One (Despedida Part Two)
Chapter Twenty-Two (Complex Equation of Love)
Chapter Twenty-Three (Love in the time of cholera)
Chapter Twenty-Four (Love goes through a bit of a rough patch)
Chapter Twenty-Five (Wear your heart on your sleeve)
Chapter Twenty-Six (Absence make the heart grow fonder)
Chapter Twenty-Seven (Sweet Smile Sweet Kisses)
Chapter Twenty-Eight (The love of two destined soul)
Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)
Chapter Thirty (Something is coming)
Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)
Chapter Thirty-Two (First Trimester)
Chapter Thirty-Three (Vertigo of Love)
Chapter Thirty-Four (Congratulations)
Chapter Thirty-Five (Patrem Philcan's Confession)
Chapter Thirty-Six (Sometimes knowledge is disgusting)
Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)
Chapter Thirty-Eight (Secret Mission)
Chapter Thirty-Nine (Emergence of Clue)
Chapter Forty (The Battle of White and Red)
Special Chapter (A Tribute for the Graduates)
Chapter Forty-One (Abby versus Philcan)
Chapter Forty-Two (Serendipity of Love)
Chapter Forty-Three (First Move)
Chapter Forty-Four (Round One)
Chapter Forty-Five (Recrudescence)
Chapter Forty-Six (Old friend)
Chapter Forty-Eight (Xenica War II Part 1)
Chapter Fifty (Goodbye is not the end)
Epilogue
Author's Note

Chapter Forty-Seven (The Battle Plan)

7.1K 203 2
By Badorita

"Team work makes the dream work."

Sean, The Darkest Hour

_____

(Abby's Point of View)

"May ibong kakanta kanta sa sanga ng punong mangga. Ang awit kay tamis tamis, ang tunog kay saya saya. Sa himig na kabit kabit ang diwa ay mahalaga, ang buhay mo raw giginhawa rin kung masipag ka,"

Kinakantahan ni Abby ang kanyang tatlong malulusog na anak habang sila lang ang narito sa kanilang kwarto. Pinagpahinga niya muna sina Alala. Nakahiga ang tatlong mumunting anghel sa malaking kama nila ni Philcan.

"Wala si Patrem, sayang hindi niya maririnig ang maganda kong boses," tumawa siya. "Pero sainyo ko lang talaga pinaparinig iyon mga baby ko," pinaglalaruan ni Gilcan ang paa nito, nahahawakan nito ang paa ng dalawang kamay habang si Arccan naman ay nasa bibig ang kamay samantalang si Lorcan ay matamang tinititigan ang kamay nito.

"Ang ibong munti walang anu-ano'y lumipad. Ngunit nag-iwan ng aral na sadyang matapat, Kahit na dukha, madali kang uunlad. Kung masipag kang lagi, may sagana ang bukas."

Napansin niya sa kanyang peripheral vision na mukhang may nakatitig sa kanyang ginagawang pagkanta. Lumingon siya at nakita niya si Philcan na nakasandig sa may pintuan. Titig na titig ito sa kanila.

Nang mapansin niya ito ay mabagal itong naglakad palapit sa kama. Niyakap siya nito ng makarating sa harap niya.

"Ang bilis namang natapos ng meeting niyo," sa pagkakaalam niya um-attend ito ng meeting ng konseho.

"Oo," tipid na sagot nito. Ramdam niyang mabigat ang dinadala nito. Mukhang hindi maganda ang naging resulta ng meeting.

"May problema ba?" mahigpit pa rin itong nakayakap sa kanya.

"Wala, pagod lang ako," maiksing tugon na naman nito.

Hindi na siya nakatiis, pinaharap niya ito sa kanya at hinawakan ng dalawang kamay ang mukha nito para tumingin ito sa mga mata niya, "Alam kong may problema ka, nararamdam ko, ano bang bumabagabag sa'yo?"

Hindi ito tumugon, "Philcan,"

Hinawakan siya nito sa balikat, "Okay lang ako my kleinos, lagi mong tatandaan, hinding hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo at sa mga parvulus natin," tumingin ito sa tatlong anak bago tumingin ulit sa kanya, "ngayon lang nagkaroon ng saysay ang buhay ko at ngayon lang ako naging masaya ng ganito, hindi ko hahayaang mawala ang kaisa-isang dahilan kung bakit ako nabubuhay, poprotektahan ko kayo kahit buhay ko pa ang maging kapalit," mahigpit siyang niyakap ulit nito.

"Hindi kami mawawala sa'yo, lagi lang kaming nasa tabi mo, kung ano man 'yang dinadala mo, alam kung makakaya nating lagpasan lahat ng pagsubok basta't magkasama tayo," niyakap niya rin ito. Hindi niya na ito pipiliting magsalita sa ngayon, hahayaan niyang ito ang magsabi sa kanya. Sa ngayon ang kailangan lang nito ay ang kanyang supporta at pang-unawa.

Nang mahimasmasan ito. Humiga rin ito sa kama kahelera ng mga anak. Nilaro-laro nito ang katabing mga anak. Minsan na rin siyang muntik sumuko noon sa bigat ng problema ng mawala ang kanyang mga magulang subalit nalagpasan niya ang lahat ng iyon. Ngayon pa ba siya susuko eh mayroon siyang katuwang noon nga mag-isa lang siya. Alam niyang makakaya nilang lagpasan ito. Afterall siya ang bida sa istoryang ito.

"Kantahan mo na ulit kami, ng ibong kakanta kanta sa sanga ng punong mangga, anong kanta 'yon love? Ibang genre ba 'yon?" ngumingiti ito.

"Ayoko! Nilalait mo na naman ang boses ko!"

"Of course not! You're a good singer, kaya nga in love na in love ako sa'yo," bumabalik na ang sigla nito.

"Nambola ka pa!"

"Pap!"

Bigla silang natigilan ni Philcan. Isa sa mga anak nila ang nagsalita.

"Pap!"

Nagkatinginan sila ni Philcan. Si Arccan ang nagsasalita.

"Is that his first word?" tanong sa kanya ni Philcan.

"I dunno, is it?" tanong din niya.

"I think so..say it again buddy, say pap!"

"Pap!"

"Wooh! Very good!" tuwang tuwa si Philcan sa naririnig na salita sa anak.

Napangiti siya, ito ang mga bagay na hinding hindi niya ipagpapalit sa kahit na ano rito sa mundo...i mean dito sa xenica. Kaya anuman ang mangyari ipaglalaban niya ang kanyang pamilya.

*****

(Multiple POVs)

* - symbol for changed of POV

LUMIPAS ang isang araw, naging abala ang lahat sa paghahanda hindi para sa isang malaking piging kundi paghahanda sa ikalawang digmaang panXenica. Juice colored kaya pala gan'on na lang ang pag-aalala ni Philcan para sa kanya dahil ang digmaang magaganap ay para protektahan siya sa isang Gamma na nais siyang kunin. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kanya?

Tumingala siya, "Tay! Nay! Sure ba kayong nandiyan kayo? Baka naman nasa baba kayo eh mali ako ng tingin pero joke lang po alam ko namang nandiyan kayo! Anyways! Alam niyo mukhang tama ang manghuhula tungkol sa sinabi niyang may mahalaga nga akong gagampanan. Una nagi akong queen bee sa planetang ito tapos ngayon naman hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin ng Gammang iyon, ayaw ko ng maging queen bee ulit. Masaya na ako sa buhay ko ngayon, kasi naman Nay! Tay! bakit nagpahula pa kayo, eh alam niyo namang nagjojoke lang 'yong manghuhula, hindi ba kayo nainformed kaagad, naku naman! pero nalalayo tayo sa usapan Nay! Tay! pakisabi naman kay Lord na h'wag hahayaan na madamay ang mga cute niyong apo. Oo Nay! Tay! may mga apo na kayo, gulat kayo noh? Oh well hindi naman sa maharot ang anak niyo! kasi alam niyo 'yon na inlove ako Nay! ehem! sorry Tay! nadissapoint ba kayo? Huwag na kayong madissapoint Tay! Ang gwapo kaya ng kalaguyo ko, alien nga lang," Ngumiti siya,"Pero seryoso na nga! Kung dumating man po ang lahat sa hindi magandang kaganapan sana naman po protektahan niyo 'yong pamilya ko. Si Philcan po saka mga anak ko! Pakisabi po 'yon kay Lord ha? Salamat."

*****

Sa loob ng tanggapan ni Orion.

Strategic and Tactics Management Council.

"Philcan, pamumunuan mo ang hukbo ng mga beta na may special ability, kayo ang front line na pipigil sa mga Akkorokamui," nakikinig siya kay Orion sa lahat ng detalye na gagawin sa paglusob sa Purva. Ito ang nagsisilbing head ng command center na magmomonitor sa estado ng labanan.

Napag-alaman nga nila na ang Gammang nais makuha si Abby ay nasa Purva, sa kanilang ginawang pag-iimbestiga ang sarcina ngayon ng Purva ay naging pugad na ng napakaraming monstrum, lahat ng monstrum na naroon ay fully grown at hindi basta-basta napapabagsak ng isang tira lang ng kanilang mga highly advanced weapon. Kakailanganin ng mga special ability users katulad niya para mamatay ang mga naturang monstrum. Napag-alaman din nilang walang data ang Xygus na iyon, malamang nadelete niya na lahat ng data tungkol sa kanyang pagkatao bago pa siya nagdeklara ng guerra. Subalit hindi siya magpapasindak dito kahit ilang libong monstrum pa ay haharapin niya para protektahan lang si Abby, hindi pa nila batid kung ano nga ba ang tunay na motibo nito kung bakit gusto nitong makuha si Abby. Wala na siyang pakialam sa bagay na iyon, ang nais niya lang ay patayin ito dahil sa kalapastanganan nito.

"Kapag masawata niyo ang pwersa ng kalaban, mabilis lang nating mapapasok ang kuta ng Gamma,"

"Vulcan, si Cronus ang aalalay sa'yo sa pamumunuan mong hukbo sa paglusob sa kabilang bahagi ng Purva kung saan naroon ang pamugaran ng iba pang monstrum, we will launch a surprise attack at the back," ang kanyang Patrem naman ang magsisilbing general ground force commander. Dito mangagaling ang hudyat ng lahat ng taktika na mangagaling sa command center. Kakailanganin nila ang lakas ng kanyang Patrem para mabilis malipol ang mga monstrum.

"Pamumunuan naman ni Zion ang pagbabantay sa paligid ng Uttara at sa headquarter habang wala ang kalahati ng pwersa, kailangan nating maging handa sa possibleng gawin din ng kalaban,"

"Si Alican ang magbabantay sa Apolectus Unum, mabilis niyang maililipat si Abby at ang mga Parvulus kapag nasa malapit na ang kalaban, nagtalaga na kami ng iba't ibang hideouts,"

Buo na ang plano ito na ang simula ng guerra.

*****

Sa hallway ng headquarter.

"Vlex, saan ba tayo pupunta?" nakasunod lang sa kanyang si Farria.

Papunta siya kay Cerus. Nalaman niyang buo na ang plano sa paglusob sa Purva. Pamumunuan nito ang hukbo ng mga special unit, ang aalalay sa lahat ng unit na nakatalaga sa front line. Commander din ito ng ambush unit, ang special force na binuo para alamin kung may panganib na kakaharapin ang mga nasa frontline. Ito ang napili sa naturang posisyon dahil pangalawa ito kay Zion sa galing pagdating sa pag-aanalisa. Napaka-risky ng magiging papel nito sa naturang guerra.

Gaano man kahanda ang hukbo ng Uttara sa laban hindi pa rin siya mapakali parang may mali sa lahat ng mga nangyayari. Lahat umaayon sa kanila, nakakabahala ang ganito, hindi niya alam sa sarili niya kung ano bang nakakapagpabagabag sa kanya, basta parang may mali.

"Vlex, kung ano man 'yang iniisip mo, huwag mo ng ituloy," pinigilan na siya ni Farria. "Hayaan na lang natin sila, alam na nila ang gagawin, pumunta na tayo sa secured evacuation facility na nakatalaga sa atin," alam niyang natatakot ito, kung tutuusin ito ang unang guerra na mararanasan nila.

"Mauna ka na r'on, kailangan ko munang makita ang kapatid ko," pagsisinungaling niya. Nakausap na niya ang kanyang kakambal, nakatalaga itong magbantay sa Apolectus Unum. Alam niyang nasa ligtas na lugar na ito kahit na nga hindi pa rin mawala ang kanyang pangamba sa gagawin nitong pagbabantay.

Matamang siyang tinitigan ni Farria, inaalam nito kung nagsasabi nga siya ng totoo. Nang hindi nito maaninag ang kasinungalingan niya, sumuko na rin ito, "Mag-iingat ka, hihintayin kita sa evacuation facility,"

Tumango siya at niyakap ito, "Mag-iingat ka rin," 'yon lang at mabilis na itong umalis.

Mabilis niyang tinungo ang tanggapan ni Cerus. Sana naman maabutan niya ito roon, sobrang abala na kasi ito, ni hindi na nga ito tumatawag sa kanya.

Ito na nga ang simula ng guerra.

*****

Sa labas ng tanggapan ni Cerus.

Special Operation Unit.

Nakahanda na siyang umalis para maging commander ng ambush unit. Nasa labas na siya ng kanyang tanggapan nang hindi niya inaasahan na magpapakita sa harap niya si Vlex.

"Anong ginagawa mo rito?" iyon ang naging bungad niya, bakit hindi pa ito pumunta sa secured evacuation facility.

Hindi ito nagsalita, nakayuko lang ito sa harap niya.

"Omega! Magsalita ka!" napalakas ata ang sabi niya. Sobrang dami niya ng iniisip ng mga oras na 'yon kaya hindi niya na napigilan ang tawagin ito sa lahi nito para sundin siya. Nag-aalala siya para sa kaligtasan nito.

"Sige, aalis na po ako, patawad po," nakita niya ang lungkot sa mata nito.

"Vlex! sandali!" pero hindi na siya nito nilingon patuloy ito sa pagtakbo. Maaabutan pa sana niya si Vlex pero bigla na lang nagsalita ang kanyang ama sa wireless communication earbuds niya.

"Cerus! Where the hollow are you? nakaready na ang unit mo!"

"I'm coming Patrem," sana naman pumunta na si Vlex sa evacuation facility.

Dahil ito na ang simula ng guerra.

*****

Sa loob ng Headquarter.

Command Center.

Hindi niya maiwan-iwan si Abby at ang mga anak nila, alam niyang kailangan niyang pumunta sa guerra pero kapag naiisip niyang iwan ito nagdadalawang isip siya. Kung kaya niya lang hatiin ang katawan niya para ang isa ay poprotekta sa tabi nito at ang isa naman ay makikipaglaban sa guerra. Bakas din ang pag-aalala sa mukha nito, hindi lang nito pinapahalata pero nararamdaman niya iyon.

Nang mga oras na 'yon ay nasa Strategic and Tactics Facility na sila, ang nagsisilbing command center ng lahat ng force unit na sasabak sa guerra. Iyon ang utak ng hukbo. Naghahanda na rin ang kanyang Avunculus para ihatid sila Abby at ang kanyang mga baby sa secured facility na magsisilbing hideout.

"Philcan, huwag kang mag-alala pinapangako kong poprotektahan ko si Abby," basag ng kanyang Avunculus sa malalim niyang pag-iisip.

Tumango siya, "Salamat," hinarap niya si Abby.

"Hoy siraulo! Huwag na huwag kang magpapaalam sa akin! Alam kong babalik ka! kaya huwag kang magpapaalam, babatukan kita!" pinipilit nitong maging pormal para hindi mahalata ang kaba nito.

Ngumiti siya, "Hindi naman ako magpapaalam, hihingi lang ako ng power kiss at power hug, kailangang fully charge ako ngayon," hindi na niya pinigil ang sarili at hinalikan ito ng buong puso at niyakap ng mahigpit.

Ayaw na sana niyang matapos iyon pero naramdaman niyang umiiyak si Abby, "Hey, what's wrong?"

"Hindi ka nga nagpapaalam sa pamamagitan ng salita pero naramdaman ko naman iyon sa mga halik mo, Philcan, mangako ka na babalik ka ng buong buo kung hindi iiwanan kita,"

Hinawakan niya ang dalawang kamay nito, "I promise, don't worry okay,"

"Okay," niyakap ulit siya nito. Sabay nilang hinarap ang kanilang mga anak habang nakaakbay siya kay Abby at ito naman ay nakayakap sa katawan niya.

"Hey buddies! Aalis muna ...,"

"Sinabi nang huwag magpapaalam," putol ni Abby sa sasabihin niya.

Tumawa siya, "Oh buddies, narinig niyo 'yon, bawal daw akong magpaalam, sige sabihin niyo na lang kung pogi si Patrem sa suot niya," kumalas si Abby sa pagkakayakap sa kanya at siya naman ay hinalikan isa isa ang mga anak. "Bantayan niyo si Daddy, habang wala ako, okay?! Good!"

Hinarap niya na ulit si Abby at niyakap ulit ito, "I love you," hinalikan niya ito sa temple.

"I love you too,"

Ito na ang simula ng guerra.


_____

Credits

Video

Song: May Ibong Kakanta-kanta

Performed by: Mabuhay Singers

Published by: Traditional Filipino Folk Songs

Continue Reading

You'll Also Like

56.6M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
7.4K 445 31
This is the second installment for our book entitled "The Alpha Series". "Ngayon, mas maraming pagsubok ang dapat naming harapin at dapat suungin per...
138K 3K 24
Are you a homophobic? You dont believe that true love can exist in same sex relationship? But what if I'll tell you that it can? can you believe me? ...
ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

253K 12.8K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...