My Everything In His Past (2n...

By VR_Athena

61K 5.7K 2.2K

"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything." More

Mood Board
Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Author's Note
Chapter 19
Artwork
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Author's Note
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
Chapter 57
Chapter 58
Author's Note
Chapter 59
Chapter 60
Wattpad Filipino Block Party: 2022
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Past Life (WarLyn's Special Chapter)
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Teaser for "My Sin In His Past" (Pedro)
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Author's Note
Chapter 74
Teaser for "My Sin In His Past" (Victoria)
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Author's Note
Author's Note
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Update Question
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Character Inspiration
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
ON-HOLD
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Epilogue
Special Chapter 1: WarLyn's Teaser
Special Chapter 2
Story Playlist

Chapter 14

539 73 32
By VR_Athena

Nagtataka at the same time ay kinakabahan na lumabas si Apple Pie sa kaniyang boarding house. Pasalamat na lamang siya at nasa 1st floor ang kwarto niya kaya naman hindi na masyadong mahirap sa kaniya ang paglabas. If nasa 2nd floor siya ay tiyak na gagawa ng ingay ang kada hakbang niya sa hagdanan. Ang tanda na kasi ng kahoy na gamit doon. 

Nagmamadali siyang naglakad papunta sa gate ng boarding house nila at binuksan iyon. Tahimik siyang lumabas bago ingat na sinarado iyong muli. Nang masiguradong hindi na gagawa ng ingay ang gate ay agad siyang lumingon sa may kalsada at nakita ang pamilyar na sasakyan ng lalake. Yohan was leaning back to his car, arms and legs crossed, while looking like a Greek God despite wearing a simple white cotton t-shirt, gray jersey pants, white shoes and black cap.

Pisteng yawa, ang gwapo!

Nakadungo ang lalake ngunit nang marinig ang mahinang ingay na ginawa ng gate kanina ay mabilis itong napatingin sa direksyon niya. Bigla na lang siyang tinubuuan ng hiya. Gulong-gulo na nga ang buhok niya, ang mukha pa niya ay puno ng pawis dahil ang hina ng electric fan niya sa boarding house. Idagdag pa na tanging white t-shirt na may butas sa likod at basketball shorts na masyadong malaki sa kaniya ang suot niya ngayon. 

Para ata akong basahan tingnan ngayon . . .

Agad naman siyang kinabahan nang makita ang paglalakad papalapit ni Yohan sa kaniya. His face was void of emotion except for pure seriousness. It was like screaming that he was here for business and he wouldn't take a joke lightly.

Patay! Naa ba koy sala niya?!

Tumigil si Yohan sa harapan niya at seryoso lamang na nakatingin sa kaniya bago biglang nilapit ang mukha nito sa mukha niya. Napaigtad siya nang maingat ngunit mariing hinawakan ng lalake ang kaniyang magkabilaang balikat bago siya tinanong, "Do you like me too or not?" Napaka-seryoso ng titig nito sa kaniya na para ba siyang matutunaw. Ni hindi nga niya kayang ibuka ang bibig dahil sa biglang ginawa ng lalake. Ang utak niya ay tila naging malaking loading screen dahil sa hindi nito ma-comprehend ang tanong ng lalake sa kaniya.

"Ha?" parang timang niyang tanong dito.

Napapikit naman ang mga mata ni Yohan dahil siguro sa frustration na nararamdaman. Malakas itong bumuntung-hininga na para bang kumukuha ng lakas ng loob bago siya muling tiningnan ng diretso. "Isang tanong, isang sagot Apple Pie. Gusto mo rin ba ako? Just please answer me. Mababaliw na ata ako kakaisip kung ano ang nasa isip mo. You first acted like you don't care about me and my feelings, but then you suddenly called me out of nowhere and drop the call. I don't know if sinasadya mo ba iyon para pangbawi sa ilang taon na hindi ko pamamansin sa iyo. I don't even care anymore if sigaw-sigawan mo ako basta please . . . pansinin mo ako." At first ay ang bilis-bilis ng pagsasalita nito na para bang nais nitong ipalabas ang lahat ng nararamdaman ngunit biglang naging mahina ang boses nito na para bang nanlalambing sa pinakahuli.

She just stood there frozen in shock. Hindi kaya ng utak niya na i-process ang lahat ng sinabi sa kaniya ng lalake. She opened her mouth to say something but eventually closed it upon realizing that she can't find the proper words to say to him. Napadungo na lamang siya dahil sa nararamdaman. Mukhang inakala ni Yohan na ang katahimikan niya ay equivalent sa "no" dahil pait itong napatawa bago siya binitawan.

"Don't worry. Hindi na kita aabalahin bukas," pait nitong saad bago akmang maglalakad pabalik sa sasakyan nito. Ang utak naman niya ay biglang nag-panic at mabilis na hinila ang laylayan ng t-shirt nito. Napatigil si Yohan dahil sa ginawa niya at malamig siyang tiningnan. "Bakit?"

Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi bago mahinang nagwika, "Sabi kasi ni Gwyneth hindi ka daw seryoso sa akin." Nanginginig ang kaniyang kamay habang nakahawak pa rin sa damit ng lalake. Doon lamang siya nakatingin dahil hindi niya alam kung kakayanin pa ng puso niya kung ang mukha ni Yohan ang titigan niya.

Narinig niya ang malakas na pagbuntung-hininga ni Yohan bago maingat na tinanggal ang pagkakahawak niya dito. She really thought that he would leave her, but he placed both of his hands in her cheek and directed her face to look at him directly. "Please, stop questioning my feelings to you because I wouldn't waste my time if it's not true, you understand? Hindi ako magtitiis na magpagawa ng cabinet para sa napaka-cringy mong pink piggy tupperware na kada Friday kong inaabangan. Hindi ako maglalakad mula soccer field papunta sa HRM laboratory upang manghingi lang ng tang-inang tubig kahit na may isang cooler ng tubig kami na available. Hindi ako intentionally na maghahanap ng away para lang makakuha ng punishment na tumulong sa HRM lab. Hindi ako magpapakatanga na aaktong nag-aayos ng sintas para lang mabigyan ka ng pagkain kahit na black shoes naman ang suot ko. Putang-ina Apple Pie, kung sa tingin mo ay pinaglalaruan lang kita then consider my effort over a useless game!"

Her eyes started watering and she felt like she was gonna cry any moment now. "Galit ka?" hikbi niyang tanong sa lalake na agad namang nagpakalma dito. 

He wiped her tears and pulled her in a hug. "Hindi." Para bang hindi nito alam ang gagawin at mukhang nagpa-panic na rin.

"Sumisigaw ka eh!" iyak niyang ani sabay palo sa braso nito.

"Hindi nga!" defensive nitong sagot.

"Ayan oh! Sumisigaw ka ulit!" hikbi niyang sabi habang lumalayo sa lalake.

"For fuck's sake, Apple Pie! I'm not angry! I just wanted to know whether you like me too or not!" frustrated na sigaw ng lalake na para bang hirap na hirap na ito.

Agad naman siyang napatigil sa pag-iyak at tinaas ang kaniyang kanang palad at pinahinto ang lalake. "Wait lang ha! Diyan ka muna! Pag-iisipan ko muna kahit isang minuto lang." Nagtataka siyang pinanood ng lalake habang parang nagmu-moon walk siya na naglakad pabalik sa may gate. Binuksan niya iyon kahit na nahihirapan at mabilis na pumasok. 

Nang masiguradong sarado na iyon ay tinakpan niya ang bibig at impit na tumili. Pinagpapalo-palo pa nga niya ang hangin at parang kinukuryente na nangisay doon.

Pucha! Pucha! Pucha! Lord! Kukunin mo na ata ako eh!

Kulang na lang ay humiga siya sa semento at magpagulong-gulong doon dahil sa kilig na nararamdaman. Sinigurado niyang walang ni isang ingay ang lalabas sa bibig niya dahil alam niyang maririnig siya ng lalake. 

Dalawang minuto ata siyang nangingisay lang sa kilig hanggang sa malakas niyang sinampal ang sarili upang matigil sa kabaliwan. "Kalma, Apple Pie. Kalma." mahina niyang utos sa sarili habang kinukurot ang sariling balikat upang tumigil na.

She slapped her face one more time before finally deciding to come out again. Sinuklay-suklay pa niya ang buhok gamit ang daliri para naman kahit papaano ay hindi siya mukhang bruha sa harapan ng lalake. Mahina niyang binuksan ang gate at lumabas. Gaya kanina ay sinigurado niyang hindi masyadong maingay ang pagkakasarado niya dito.

She held her head up high and acted as if she wasn't jumping up and down behind the gates earlier. "Oo. Gusto rin kita," tila walang pakialam niyang sabi. Tumingin siya sa ibang direksyon habang naka-cross arms pa. She wanted to look cool and distant. Ayaw niyang isipin ng lalake na atat na atat siya para dito.

Lumipas ang ilang segundo na katahimikan kaya naman nagtataka na siyang napalingon sa lalake. Yohan was just standing there, void of any emotion. Katulad ng ginawa niya kanina ay tinaas rin nito ang kamay. "Can you please wait for a minute?" seryoso nitong tanong na naguguluhan niyang tinanguhan. 

She watched him walk towards his car. Akala niya ay papasok ito doon ngunit umikot si Yohan sa may kabilang gilid kung saan hindi niya ito makikita. Napakunot ang noo niya dahil sa pagtataka ngunit bigla siyang napaigtad sa gulat nang marinig ang sigaw nito. "Fuck! Yes!" She could hear the pure happiness in his voice, and that made her heart palpitate even more. 

Maya-maya ay naglakad na pabalik sa kaniya si Yohan habang nahihiyang umiiwas ng tingin. He cleared his throat and tried to stop his smiles to no avail. "Uhmm . . . did you hear anything?" nag-aalangan nitong tanong sa kaniya. 

"Ahh . . . wala!" pag-assure niya dito kahit pa man rinig na rinig niya iyon kanina. 

"Tayo na?" biglang tanong nito na nagpagulat sa kaniya.

"Ha?"

"Tayo na. Girlfriend na kita." This time ay hindi na ito nagtatanong. He was already declaring it.

"Teka! Teka! Ligawan mo muna kaya ako!" reklamo niya dito ngunit hinawakan lamang ni Yohan ang kamay niya at pinagsiklop iyon.

"Liligawan kita habang girlfriend kita," sagot nito sa protesta niya. 

"Sa tingin ko hindi mo alam kung ano ang tamang mechanics ng panliligaw, Yohan." hindi-makapaniwalang bulong niya dito ngunit mukhang kahit na anong sabihin o gawin niya ay hindi maiiba ang isip ng lalake.

Matapos sabihin iyon ay nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at tila ba nagpaparamdaman na lamang sila. Dahil sa naa-awkwardan na siya sa atmosphere sa pagitan nila ay mahina niya itong tinulak papunta sa kotse nito. "Uwi ka na. Anong oras na oh."

Nagpatangay naman si Yohan lalo na at nakahawak siya sa kamay nito at siya na mismo ang humihila dito palapit sa sasakyan. Nang umabot na sila sa pintuan kung saan ang driver's seat ay tuluyan na siyang bumitaw sa pagkaka-holding hands nila ng lalake. 

"Bye," nahihiya niyang ani habang papatalikod na naglalakad palayo dito. Hindi niya matanggal-tanggal ang ngiti sa kaniyang mukha na sigurado siyang dahilan kung bakit para siyang tangang tignan ngayon.

Yohan looked at him longingly as if he didn't want to go. She waved him goodbye and that was when he opened the car door. Akma na sana itong sasakay doon ngunit biglang bumaba muli at naglakad papalapit sa kaniya.

Bubungangaan na sana niya ito na 2 AM na at mukhang wala pa itong tulog at dapat na itong umuwi ngunit mabilis siyang hinapit ni Yohan at walang pasabing hinalikan sa labi. It was brief and his lips only felt like flutters of butterfly wings, but it sure did made her heart act like a circus inside.

Nang naghiwalay na ang kanilang mga labi ay nakangiting hinalikan naman ng lalake ang kaniyang noo bago nagpaalam. "Bye, langga."

Pinanood niya itong maglakad pabalik sa sasakyan nito at sumakay doon bago tuluyang umalis. Iisa lamang ang tanging nasa isip niya ngayon.

God, thank you po! May boyfriend na ako!





Yohan can't contain his happiness. Hindi niya matanggal ang ngiti sa kaniyang mga labi na mukhang permenenteng nakalagay na doon. Ni hindi na nga niya iniinda ang traffic sa daan dahil ang tanging nasa isip niya ay si Apple Pie.

Girlfriend ko na siya . . .

"Tang-ina kinikilig ako," nahihiya niyang anas sa sarili. "Fuck! Finally!" he said while leaning back to his seat. Hinihintay niya na mag-green light na para makausad na siya sa biyahe pauwi.

He kept on reminiscing about what happened earlier until, suddenly, Xavier called. Tila ba nawala ang good mood niya dahil sa nakita at naisip na huwag na lang sagutin ang tawag ng nakababatang kapatid. Pinindot niya ang reject button at tinuon ang mata sa daan ngunit biglang nag-pop up ang isang message notifications mula kay Xavier.

"Lagot ka kay Kuya Zynder."

Iyon ang nakalagay doon na pinagtaka niya. Gumilid muna siya at tinigil ang sasakyan bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang kapatid. It rang three times before the idiot answered it.

"What the hell are you talking about?" inis niyang tanong dito. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Xavier sa kabilang linya.

"Kuya found out that you went out. Alam rin niya kung saan ka pumunta. He told me na sabihan kang dumiretso sa office niya pagkarating na pagkarating mo. I think you need to go through "The Talk"," kwento nito sa kaniya.

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo dahil sa sinabi nito. "The hell is "The Talk"?"

"Sex talk," paliwanag nito sa kaniya. "Lagot ka Kuya Yohan. Akala ni Kuya Zynder na pumunta ka lang sa city para makipag-sex."

His jaw dropped upon hearing what Xavier said. "Ngayon pa nga niya lang ako sinagot!" protesta niya dahil mali ang inaakusa sa kaniya. 

"Aba't doon ka sa abogado magpaliwanag," reklamo ni Xavier. Kuya Zynder is a well-known attorney so he assumed that he was the one that Xavier was pertaining about. "One tip lang Kuya Yohan, remember the line that I'm gonna tell you and keep it in your heart and mind. Iyan magliligtas sa kaluluwa mo mamaya kapag tinanong ka ni Kuya Zynder kung ano ang pinaniniwalaan mong motto."

"Ano?"

"Dalhin muna sa altar bago sa langit."



Continue Reading

You'll Also Like

284 83 13
Arayathena Maffer, the girl whoever would think is just a simple teenager who lived in the kingdom of Celestia. But to the opposite of it, despite of...
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
213K 12.4K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
1.8M 7.5K 11
Anyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for...