Loved Behind the Sun

Oleh PecheaL

625 24 1

A girl with a simple dream. Who has been living with a chronic illness. Her life was changed when she entered... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 04

27 2 1
Oleh PecheaL


Abala ako ngayon sa pamimili ng damit na susuotin para sa pagpasok ko sa trabaho. Am I really bothered on what I'm wearing because its my first day at work or dahil makakaharap ko si Nolan ngayong araw? No way, I just really need to look decent as the CEO of our company of course.

I decided to wear a skirt na hanggang taas ng tuhod ko ang haba and sleeveless white blouse at pinatungan 'yon ng blazer na match sa skirt na suot ko which is color beige. I partnered it with red heels at ang red kong hermes handbag.

I just curled my hair a bit at naglagay ng light make up and wore some of my jewelries. I checked myself at the mirror at na-satisfy naman na ko sa itsura ko kaya lumabas na ko ng kwarto.

"Looking stunning on your first day of work anak ah. Oh halika at kumain ka muna," Mom complimented me while I was walking towards the dining. Umupo ako at kumuha ng isang tinapay at kaagad kinagatan yun, I also got scrambled egg on my plate.

"Thanks Mom, I'm actually nervous pero I know I can do it," I said and she smiled at me and caressed my hair. 

"I know you will, but I know why your feeling nervous... Its because of Nolan right?" Mom said at kaagad ako napaiwas ng tingin at uminom ng juice sa sinabi niya. Mom knows about me and Nolan's past, sakanya ko lang nasabi ang tungkol sa amin noon dahil ayoko rin ipaalam pa kay Dad.

"Matagal naman na po kaming tapos ni Nolan Mom, I think we both already moved on. Maybe I was just expecting for us to be atleast civil towards each other for both of our work, hanggang doon nalang po talaga kami..." I assured her and she just nodded as a response.

"Hindi ko naman pwede paki-usapan ang Dad mo na maghanap ng ibang company para mag provide ng equipments natin sa factory, Colleymore is already the best dahil nga sa sila ang top distributor ng equipments sa Asia, your dad can never pull back the offer," She explained at napatango naman ako.

"I know that, tsaka parang hindi naman po tama na tanggihan ni Dad ang offer dahil lang po sa nakaraan namin ni Nolan. I know Nolan Mom, when it comes to work his serious and focus on his job and nothing else,"

"I'm glad you can handle this situation of yours professionally anak. Just call me if you need anything sa office okay? Don't over fatigue yourself, makasasama 'yon sa kondisyon mo," Paalala ni Mom and I slightly smiled at her while nodding my head. Tinapos ko na ang pagkain ng agahan at nagpaalam na kay Mom para makapasok na ko sa opisina.

Sumakay na ko sa kotse ko, wala akong driver dahil ayoko talaga ng may personal driver. I want to live independently as much as I can. Well, noong senior high ako ay madalas akong hatid sundo ni Nolan, but of course that was before we broke up a long time ago. Nagsuot nalang ako ng shades dahil masakit sa mata ang sinag ng araw dahil maaga pa.

Napatingin naman ako bigla sa sikat ng araw habang nakatigil ang sasakyan ko sa kalsada dahil naka red light. I just realize na habang buhay na pala talaga ako iiwas sa sinag ng araw, it will shorten my life kung pipilitin ko. I thought bampira lang ang naiwas sa araw, looks like I was wrong after all.

Nag green light na kaya pinaandar ko na ulit ang kotse ko, I arrived at our company at pagbaba ko ng sasakyan ay may isang lalaking valet ang bumati sakin para ipark sa parking ang kotse ko.

Bawat empleyado na nadadaanan ko ay binabati ako kaya nginingitian ko naman silang lahat, I have to be approachable towards our employees like my Dad. Sumakay na ko ng elevator paakyat sa top floor kung nasaan ang opisina ni Dad, which is opisina ko na ngayon.

The elevator doors opened and I resumed walking straight to my office, medyo nagulat pa ko ng may isang babaeng akong nakita sa loob na inaayos ang mga gamit ko sa lamesa.

"Ay nandito na po pala kayo Ms. Zole! Good morning po! Ako po si Valentina, your secretary and private nurse po," Pagpapakilala niya at naglakad siya palapit sakin and offered her hands. I smiled at her and took her hand.

Naka formal attire din siya at may suot siyang specs, malabo siguro mata niya.

"It's nice to meet you Valentina, ano anong mga schedule ko for today?" Tanong ko at naglakad na papuntang lamesa ko at umupo sa swivel chair. Tinignan naman niya ang hawak niyang tablet and scroll down to its screen with her fingers.

"Your first schedule po is yung meeting niyo with the CEO of Colleymore Trading Company, kay Mr. Nolan Gianni Colleymore po at 10:30am. After po non may meeting naman po kayo with a client who wants to invest in the company, his from Demanuca Corporation daw po," She discussed at tumango naman ako.

Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong 10:00 na pala. Papunta na siguro siya dito.

"Thank you Valentina, call me if nandito na si Mr. Colleymore," I reminded her at tumango naman siya. Tinignan ko muna at binasa ang ilang dokumento na nakalagay sa lamesa ko. Kailangan ko daw ito pag aralan dahil puro tungkol siya sa kompanya.

Pabalik balik ang tingin ko sa dokumento na binabasa ko at sa orasan, kada minutong lumilipas ay nadadagdagan ang kaba na nararamdaman ko. Relax Zole, hindi ka naman kakainin ng buhay ni Nolan pag nakita ka niya. Napamasahe nalang ako sa sentido ko at napahinga ng malalim.

May kumatok naman bigla sa glass door ng opisina ko at nakita kong si Valentina 'yon.

"Ms. Zole, nandiyan na daw po si Mr. Colleymore. You'll meet him downstairs sa may factory na po mismo," Anunsiyo niya sakin at doon na nagsimulang patuloy na pumintig ng mabilis ang puso ko. Tumikhim ako at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"Lets go then," I said at sabay na kami lumabas ng opisina ko. Sumakay na kami ng elevator pababa sa basement kung nasaan ang factory.

"Ms. Zole, ang gwapo po pala ni Mr. Colleymore noh? Balita ko po single parin po siya hanggang ngayon, masyado po atang choosy sa babae," Pag usisa sakin ni Valentina at napataas naman ang kilay ko. So his still single huh?

"Baka naman hindi talaga babae ang tipo kaya wala parin girlfriend hanggang ngayon?" Pagbibiro ko at natawa naman siya.

"Nako Ms. Zole parang imposible naman po ata 'yon. Ang pogi naman po niya masyado para maging bakla hindi po ba? Pero ang alam ko po nag ka girlfriend na siya dati, ang ganda din daw po ng ex niya kaso hindi nga po sila nagtagal," Pagkwento niya at hindi ko maiwasang hindi tamaan sa sinabi niya, I'm sure ako ang ex na tinutukoy niya.

Bumukas na ang elevator at kaagad kami naglakad palabas para dumaretso na sa loob ng factory. Kaagad naman kami binati ng mga empleyado namin sa loob ng factory.

"Nasaan po si Mr. Colleymore?" Tanong ni Valentina sa isang trabahador.

"Nandoon po siya sa mga makina kung saan sinasalin na po sa bote yung mga wines. Dahan dahan lang po kayo sa paglalakad Maam madulas po kasi ang sahig sa parteng 'yon," Paalala niya samin kaya tumango naman kami. Dapat pala nagbaon ako ng bota, sa susunod siguro magdadala na ko.

Kagaya ng sabi ng trabahador ay basa nga ang sahig kaya dahan dahan lang kami maglakad ni Valentina dahil parehas kami nakatakong at posible talaga kami madulas. Medyo natatanaw nanamin ang isang grupo ng kalalakihan na nag uusap habang nakatingin sa isang makina.

Naagaw ng pansin ko ang isang lalaking matangkad na maganda ang postura, ang matikas na hubog ng kanyang katawan ay kita rin sa suot niyang long sleeves na polo na nakabukas ang iilang butones dahilan para makita ang kaunting bahagi ng dibdib niya. Pantalon lamang ang suot niyang pambaba at naka bota siya, siguro sanay na talaga siya pumunta dito. Nakatalikod siya habang kinakausap ang ibang empleyado namin at ang iba ay hindi ako pamilyar sa itsura at iba din ang suot nilang uniform, mga empleyado siguro sila ng Colleymore.

Napatingin naman ang isang lalaki sa kumpulan ng mga kalalakihan at kaagad niya tinapik ang lalaking nakapolo at tinuro kaming dalawa ni Valentina. Nginitian naman namin siya pareho at kumaway habang dahan dahan ng naglalakad palapit sa pwesto nila. Bago pa man kami tuluyang makalapit ay lumingon na ang lalaking naka polo dahilan para kaagad magtama agad ang mata naming dalawa. Napawi ang ngiti sa labi ko sa sobrang kabang nararamdaman ko ng makita ko siya.

It's him, the one and only man that I fell inlove with five years ago. His facial features became more attractive after those years without seeing him. His serious stare is giving me shivers throughout my spine, iba parin talaga ang epekto sakin ng titig niya.

Nang tuluyan na kami makalapit sakanila ay hindi parin namin tinatanggal ang tingin sa mata ng isa't isa kaya ako na mismo ang nag iwas ng tingin at binati ang ibang empleyado na kasama niya.

"Ang ganda niyo po pala lalo sa personal Ms. Zole! May boyfriend na po ba kayo?" Tanong ng isang empleyado at medyo natawa naman ako sa tanong niya.

"No, but I had a boyfriend... before," I said shyly at napasulyap sa pwesto ni Nolan but gladly he doesn't show any expression towards what I said.

"Mr. Colleymore why don't you formally greet the CEO of Avondaléi?" Said by one of the Colleymore employee at tumaas naman ang kilay ni Nolan sa sinabi ng kanyang empleyado at tinignan ako ng seryoso. Would you stop it with the cold stares please? Humugot ako ng malalim na hininga and gave him my most beautiful smile at inalok ang kamay niya to formally greet him.

"It's a pleasure working with you Mr. Colleymore," I formally said while looking at him. Mabuti naman at tinanggap niya ang kamay ko dahil akala ko ay mapapahiya ako sa lahat ng empleyadong nakatingin sa amin ngayon, but the moment he held my hand ay kaagad nanaman tumibok ng mabilis ang puso ko. Damn it, bakit ba ganito parin kalakas ang epekto niya sakin? It's been five freaking years Zole.

"It's nice to see you again, Ms. Avondal..." He replied at kaagad nanlaki ang mata ko sa sinagot niya. Nakita ko rin pagkagulat ng ibang empleyado.

"Magkakilala na kayo?" Tanong ng isang empleyado, bibitawan ko na sana ang kamay niya pero mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko at hinila pa ko palapit sakanya na mas lalo ko ikinagulat.

"Yes, she was my girlfriend five years ago..." He said casually dahilan para mamilog na ng malaki ang mata ko sa kahihiyan.

Why would he even mentioned our past infront of our employees!? Napuno ng panunuksong tinig ang mga empleyado ng marinig nila ang sinabi ni Nolan, kahit si Valentina ay nakisama na sa pang aasar sa aming dalawa. Wala akong magawa kung hindi ngitian nalang sila at si Nolan naman ay nanatiling seryoso lang ang mukha, may pakiramdam pa ba 'tong lalaking 'to? Kanina pa siya walang reaksyon eh.

"Mag ex pala kayong dalawa, pero sayang mukhang hindi na kayo pwede mag come back, your arrange marriage to someone else am I right Mr. Colleymore?" Puna ng isang empleyado kaya napaiwas ako ng tingin sakanila at binitawan na ng tuluyan ang kamay ni Nolan, mabuti naman at pinakawalan na niya ang kamay ko sa pagkakataon na 'yon.

Mukhang fake news pala ang balitang nakalap ni Valentina na single parin siya, well ano naman ba paki alam ko kung single siya o hindi? I know that we should both treat each other as co-workers, wala ng iba.

"Yes, the wedding will be held before the year ends..." Anunsiyo niya at ngayon siya na ang binibiro ng mga empleyado na kesyo mag ready na daw sa honeymoon, tsk.

"Can we start talking about the equipments now? I have another meeting to attend after this," Pag iiba ko ng usapan at kaagad naman sila sumunod.

Pinaliwanag sakin ni Nolan kung paano nila na me-maintain ang magandang pagpapatakbo ng mga makina nila at kung paano nila ito nililinis. May tinuturo din siyang ibang parts ng makina para mas maintindihan ko kung ano ang purpose ng parteng 'yon sa makina. His tone is serious while explaining every detail, kagaya ng pagkakakilala ko sakanya noon pa ay seryoso talaga siya pagdating sa trabaho.

"Do you have any questions?" Tanong niya at kaagad naman ako umiling at tumango na lamang siya bilang sagot.

"Ms. Zole tumabi po kayo may babagsak po na bote!" Sigaw bigla ng isang empleyado mula sa itaas ng isang makina kaya napatingin ako sa taas at nanlaki ang mata ko ng may mga bote ngang babagsak kung saan ako nakatayo ngayon.

Nagtakip ako agad ng ulo gamit ang dalawang kamay ko at may isang mabilis na kamay ang hinila ako palapit sakanya para mailayo ako sa mga boteng babagsak.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

90.7K 1.3K 36
Si Lycarmeli ang isang babaeng lake sa marangyang pamilya pero ipinagkait ang tunay na pagmamahal. Sa mundong puno ng kalungkutan at kahirapan marara...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1.7K 108 100
Epistolaryo: Pana-Panahon (Unang Serye) Ren loves to sketch special subjects isa na roon ang; mga kaibigan niyang walang ginawa kundi pestehin siya...
1M 33.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...