Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 30

36.6K 1.2K 150
By RinkakuMayo


Aria's POV

Nako naman! Ano ba naman kasi ang iniisip ko para yayain si Tyrone na mag-date?! Sira ulo ka talaga, Aria! Anyare sa'yo?! Nababaliw ka na ba?!

Kasalukuyan akong pagulong-gulong dito sa kama ko dahil naloloka ako sa mga pinagsasabi ko kanina kay Tyrone. Okay, para makarelate kayo sa akin ngayon, sasabihin ko na kung ano ang sinabi ni Tyrone.

Sabi niya ayaw niya. Omygod! Seryoso?! Tinanggihan din ako ni Ty?! Dinedma niya rin ang beauty ko?! Grabe na talaga ito! Bakit parang laging rejected ang role ko?!

Pero instead na masaktan ako sa sinabi niya, natuwa pa ako. Buti na lang hindi siya pumayag. Nadala lang naman ako ng selos ko noong mga oras na 'yon. Siguro ay naisip niya rin na hindi naman talaga ako seryoso sa pagyaya ko sa kaniya. At kung sakali, saan naman kami magdedate?! Sa black forest? Aba matindi!

"Aria, kakain na tayo." It's Thea. Wow ha. Akala siguro ng mga ito, hindi ko napapansin ang ginagawa nila na pagsuporta sa namumuong pag-iibigan nina Fire at Nuraya. Tse! Wala akong pake kaya dapat kalma lang. Hindi dapat ako nagrereact ng ganito. Tama! Sa ngalan ng buwan, parurusahan kita! Ay teka sandali! Elemental person ka, Aria! Hindi ka si Sailor moon! Umayos ka!

"Sige Thea. Lalabas na ako." Inayos ko muna ang sarili ko na kani-kanina lang ay nagwawala baka kasi bumira na naman sa pag-aalala sina Kai kapag nakita na naman nila ang itsura ko.

"In fairness naman sa'yo, Aria. Maganda ka pa rin kahit bangag ka na. Ayos 'yan. Talagang pinatutunayan mo na element of beauty ang mga tulad mong Air person. Ipush mo lang 'yan. Pasasaan ba't maaakit mo rin si Fire." Ay putspa! Saan mo naman hinugot 'yong aakitin mo si Fire? Kalandian overload ka na naman, Aria! Hindi ka na lang kasi mag-move on! Kalimutan mo na ang ungas na 'yon. Hayaan mo na siya kay Maruyang Nuraya. Ang taray ko manlait. Sorry na po.

"Inhale, exhale. Then smile and smile pa. At isa pang smile. Labas ngipin at---"

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Ay ngipin!" Jusko! Napatalon na lang ako bigla noong sumulpot na naman si Fire sa kwarto ko. Ano ka ba naman, Fire?! Paano naman daw ako makakamove on niyan kung ganyan ka. Sa bawat pagsabi ko na magmomove on ako ay bigla ka na lang susulpot!

"Bakit ka nandito?" Kalma lang Aria. 'Wag kang magpapa-apekto sa apoy na 'yan. Nakita ko na pinaningkitan niya ako at talagang titig na titig siya sa akin. Nakasandal siya sa pinto ng kwarto ko. Ano na naman ang problema ng bwisit na 'to?

"Kakain na tayo. Ang tagal mo kasing lumabas." Ay jusme! Ang tagal ko ba? Ilang minuto pa lang ang lumipas noong tinawag ako ni Thea ah. Ano'ng pinaglalaban ng isang 'to?

"Lalabas na ako. Nag-abala ka pa talagang magteleport e 'no? Tara na." Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko kung saan siya nakasandal.

"Aria," Nako naman, Fire! 'Wag ka namang ganyan. Mahabag ka naman sa nagdadrama kong puso! Kaya mo 'yan Aria. Kunwari okay ka!

"Yes?" I said then I faced him and I smiled at him. Hinihintay ko siyang magsalita habang nakatitig ako sa mukha niya. Nakakamiss kang talipandas ka.

"Hoy Fire, anyare sa'yo diyan? Gutom na ako. Kung trip mo pa ang mag-space out ay sige lang. Hindi kita pipigilan pero pwede ba na umalis ka muna diyan sa pinto kasi lalabas na ako?" I muttered habang nakataas ang mga kilay ko para naman mafeel niya na seryoso ako sa pagpapalayas ko sa kaniya sa pintuan ng kwarto ko. Napabuntong-hininga pa siya bago siya umalis sa pinto ng kwarto ko.

"Sorry," he said. Bigla na namang gumana ang assuming gland ko. Anong sorry? Bakit? Para saan?! Sorry para sa pananakit niya sa akin? Sorry para sa pagpapaasa niya?! Sorry kasi nililigawan na niya si Nuraya habang ako ay heto at iyak nang iyak na pinaplastic ko pa ang sarili ko para lang gawin ang gusto niya?! Sorry kasi napakaselfish niya?!

"'Wag kang umiyak, Aria. Sorry na." Ay leche! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Bigla-bigla na lang akong umiiyak. Papansin naman masyado ang mga luha ko. Talagang tinaon pa na nandito si Fire sa harap ko.

"Hindi ako umiiyak. Trip lang ng mata ko ang lumuha." Ay ang taray ng mga mata ko! Trip lang lumuha?!

Hahawakan na sana ni Fire ang kamay ko pero iniiwas ko agad 'yon.

"Fire, tama na 'to." Humarap ako sa kaniya at talagang nakipagtitigan ako sa pula niyang mga mata.

"Napaka-makasarili mo, alam mo ba 'yon? Sinabi ko noon na kahit nasaktan mo ako, hindi ko magawang magalit sa'yo pero dahil dito sa ginagawa mo, nag-uumpisa na akong makaramdam ng galit sa'yo. Hindi mo ba talaga napapansin kung gaano ako nahihirapan? Kung gaano ako nasasaktan? Tanggap ko na, Fire. Tanggap ko na. Hindi tayo pwede kaya tama na. Tumigil ka na. 'Di ba sabi mo, bumalik tayo sa pagiging strangers? Ginagawa ko 'yon, Fire. Sana gawin mo rin." Lalabas na sana ako sa kwarto ko pero may gusto pa akong sabihin sa kaniya kaya naman humarap ulit ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit parang nakikita ko na nasasaktan siya sa mga sinasabi ko. Halata sa mata niya 'yong lungkot pero 'di ba, ito naman ang gusto niya?

"Ganyan ka ba talaga? Hobby mo ba ang manakit at magpaasa? Ituloy mo na lang ang ginagawa mong pagdedma sa akin. Kung sakali man na lapitan kita, ikaw na lang ang lumayo. Kung sakali man na kausapin kita, ikaw na lang ang umiwas. Kung sakali man na biglang magbago ang isip ko at kalimutan ko lahat ng mga sinabi ko sa'yo ngayon, dedmahin mo na lang ako. Tutal, doon ka naman magaling. Ayaw ko na Fire kaya sana, tumigil ka na. Iisipin ko nalang na nagsisinungaling ka noong sinabi mong mahal mo ako kaya sana, ipakita mo rin sa kilos mo na hindi mo ako gusto. Uulitin ko," I look intently into his red eyes and I gathered all my strength before I said, "ayoko na." I opened the door of my room and left him.

Fire's POV

Paglabas ni Aria, bigla na lang nag-unahan ang mga luha ko sa pag-agos. Ganito ba talaga 'to kasakit? Ganito ba talaga kahirap?

Ilang araw na akong nagpapanggap na masaya at okay lang. Ilang araw kong pinigilan ang sarili ko na lapitan si Aria. Akala ko makokontento na ako na tuwing gabi, habang natutulog si Aria ay pinupuntahan ko siya dito sa kwarto niya para titigan lang ang mukha niya. Akala ko sapat na 'yon para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko pero hindi. Lalo ko lang siyang namimiss. Lalo ko lang ginugusto na hawakan siya at yakapin.

Pero ngayon, ayaw na niya. Kanina, kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya nasasaktan and I am sure na nakikita niya rin sa mga mata ko na doble ang sakit na nararamdaman ko. Kanina, gustong-gusto ko siyang yakapin pero tama naman siya. Dapat ipakita ko sa kilos ko na hindi ko siya gusto para hindi na rin siya umasa. Pero hindi ko kaya. Parang may ibang pag-iisip ang mga kilos ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapakita sa kaniya na hindi ko siya gusto.

Nagteleport na muna ako sa kwarto ko bago ako lumabas. Ayaw kong malaman nina Kai na galing ako sa kwarto ni Aria. Alam ko na gusto lang nilang makatulong sa amin ni Aria kaya napakasupportive nila sa desisyon ko na ligawan si Nuraya.

"Fire, kain na. Kanina pa ako kumakatok sa kwarto mo," Thea said pero kay Aria ako nakatingin. I miss you, Aria.

"Lalabas na muna ako," sabi ko. Natigil sa pagkain sina Kai at Thea pero parang walang pakielam si Aria sa sinabi ko kasi patuloy pa rin siya sa pagkain na para bang wala ako dito. I can feel the breaking of my heart the way she ignores me.

"Bakit ka pa lalabas?" tanong ni Kai.

"Hindi pa ako nagugutom kaya lalabas na muna ako para magpahangin." Hindi ko na hinintay na sumagot sina Kai. Agad akong lumabas sa silid namin nang hindi alam kung saan ba ako pupunta. Gusto ko lang talagang ilabas 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon. Konti na lang ang nakikita kong estudyante na nandito sa labas. Nag-umpisa na ring magsilabasan ang mga water bubbles ng water people na may firefly sa loob para magsilbing ilaw sa palibot ng Yoso. Pumunta ako sa green forest at umakyat ako sa isang puno. Pagdating ko sa isang sanga ay tumalon pa ako sa isa pang sanga. Nagpatuloy ako sa pagtalon hanggang sa makarating ako sa tuktok nito. Doon ko naisipan na magpahinga sa huling sanga na tinutungtungan ko. Humiga ako dito at kitang-kita ko ang langit na punong-puno ng bituin.

"Stars. You are just like my Aria. So beautiful to look at and just like her, I can't have you. Parang ang lapit niyo lang pero ang totoo, ang layo niyo." Itinaas ko ang kamay ko as if I am reaching for a star. Bigla ko na lang naramdaman ang pagpatak ng luha ko. Aria.

"Namimiss na kita. Sobrang miss na kita, Aria," I said. Hinayaan ko lang ang mga luha ko. Hindi ko naman kayang sabihin kay Aria ang mga ito kaya dito ko na lang sasabihin. Dito ko na lang ilalabas lahat ng nararamdaman ko.

"Sorry for hurting you, Aria. Sorry for making you feel that I don't love you. Sorry if I am ignoring you. Sorry." Pakiramdam ko, nadudurog ang puso ko. Ganito pala talaga kasakit ang magmahal ng isang tao na hindi mo dapat mahalin. Sana noon pa lang, hindi ko na hinayaan na mahulog ako sa kaniya.

"Hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit kita mahal, Aria. Hanggang ngayon nagtataka ako kung bakit at paano kita minahal. Ayaw ko sa babaeng madaldal, lampa at may talent na mang-inis. Ayaw ko sa mga babaeng hindi seryoso sa lahat ng bagay. Pero bakit mahal kita, Aria?"

"Dahil iba si Aria." Bigla akong napalingon sa nagsalita na 'yon. Tyrone?

"Ano'ng ginagawa mo dito?" I asked. Nasa ibabang sanga siya. Tatlong sanga ang pagitan naming dalawa.Kanina pa kaya siya nandito? Narinig niya kaya ang lahat nang sinabi ko?

"Katulad mo, mahal ko rin si Aria. Alam ko na mas nauna ko siyang minahal kumpara sayo. Noon, nagtatanong din ako kung bakit ko siya mahal pero nito ko lang nalaman ang sagot. Alam mo ba na sa mundo ng mga tao, they keep on saying that when love is true, it doesn't look for any reason?" he said while smiling na akala mo ay nasa harapan niya si Aria at nagtatapat siya ng nararamdaman niya. Tsk! Bumalik ako sa pagkakahiga ko sa sanga at tiningnan ko na lang ulit ang mga bituin.

"Fire," he called my name. Ano ba'ng trip ng isang 'to?

"Bakit?" Kanina ko pa siya gustong paalisin dito. Gusto kong mapag-isa tapos bigla naman siyang dadating dito.

"Si Aria, nasasaktan siya." Alam ko at ramdam ko. Hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan sa akin.

"At hindi ko kayang makita na patuloy siyang nasasaktan dahil sayo," he added. Ano ba'ng gustong iparating ng isang 'to? Hindi ko naman ginusto na saktan si Aria kaya 'wag siyang magsalita ng ganyan.

"Kanina, nakita namin kayo dito ni Nuraya." Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay nandito sila kanina ni Aria?!

"O tapos?" I muttered.

"Umiyak siya." Umiyak si Aria? Bakit? Wala naman akong ginawa kanina para umiyak siya ah. Loko ka Fire! You held Nuraya's hand!

"Ang totoo niyan, pagka-alis niyo kanina, may sinabi sa akin si Aria." Ayaw kong malaman kung ano ba ang sinabi sa kaniya ni Aria. Ayaw ko siyang pakinggan kaya naman nag-umpisa ka akong tumalon pababa mula sa tuktok ng puno.

"Ayaw mo bang malaman kung ano ang sinabi niya?" Nakakainis ang lalaking 'to. Ano naman ang pakielam ko sa sinabi sa kaniya ni Aria?!

"Hindi ako intere---"

"Aria asked me for a date." Nagulat ako sa sinabi ni Tyrone. Seryoso ba 'yon? Niyaya siya ni Aria?!

"But I declined." This time, napalingon na ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin. Aba gago din pala 'to! Tinanggihan niya si Aria?!

"Gago ka! Bakit mo siya tinanggihan?!" I said before I gave him a punch. Sinuntok ko ang mukha niya at nakita ko na pumutok agad ang labi niya but instead of seeing him in pain, he managed to smirk.

"Bakit ka nagagalit?" he asked. Sinuntok ko ulit siya and this time, napaupo na siya.

"Wala kang karapatan na tanggihan si Aria!" Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya pero bigla ko rin 'yong nabitawan noong sinuntok niya ako.

"Para 'yan sa pananakit mo kay Aria," he said at sinuntok niya ulit ako.

"Para 'yan sa pagpapa-iyak mo sa babaeng mahal ko!" Isa pang suntok ang ginawa niya sa akin at nalasahan ko na ang dugo sa labi ko.

"Para 'yan sa pagpapaasa mo sa kaniya! Gago! Hindi mo ako katulad, Fire. Kahit minsan, hindi ko gugustuhin na saktan si Aria. 'Wag kang mag-alala, tumanggi ako sa kaniya dahil ang gusto ko, ako ang magyayaya sa kaniya. I'll do everything for her to forget about you, Fire. Tandaan mo 'yan," he said before he started to walk away. Damn that guy!

Aria's POV

Hala. Bakit hindi pa rin ako inaantok?! Dapat tulog na ako sa mga oras na 'to. Lagot ako nito bukas kay Shebah kapag nakita niya na mukha akong bangag. Ang gusto pa naman no'n, laging well groomed ang mga estudyante niya. Naknangpusa naman oh!

"Ano ba! Nasaan na ba kasi 'yong antok ko?!" I said to myself. Dumapa na ako sa kama ko, binaluktot ko na ang katawan ko, nagpa-ikot ikot na ako sa kama ko pero wala pa rin. Ugh! Ano ba naman ito?

Nakauwi na kaya si Fire? Ano ba naman 'yong lalaki na 'yon? Niyaya niya akong kumain tapos siya naman pala ang hindi kakain. Baliw din ang mokong na 'yon e.

Nandoon na kaya siya sa kwarto niya? E bakit mo ba kasi iniisip 'yon?! 'Di ba nga, wala ka nang pake doon?! 'Di ba?!

"Oo nga naman. Wala naman talaga akong pake doon. Hindi nga ako nag-aalala sa kaniya kung nakauwi na ba siya o hindi e. Wala talaga akong pake." Tsk! Anyare na ba kasi do'n?! Nag-eemote ba siya dahil doon sa mga sinabi ko kanina? Diba dapat magalak siya kasi decided na akong magmove on?!

"Kumalma ka, Aria. Hindi nakakatulong 'yang pag-iisip mo nang kung ano-ano. Hayaan mo siyang mag-emote kung 'yon ang trip niya. Okay? Basta ikaw, dapat wala kang pakielam. Oo, dapat talaga wala." Nakakaloka naman ito. Hindi ako mapakali.

"Hindi naman masama kung ichecheck ko kung nakauwi na siya, 'di ba? Wala namang mali doon kasi nga magkakapatid kami 'di ba? Haaay! Ano ba ito. Paano ko naman malalaman kung nakauwi na siya?! Teka, try ko kaya ang magteleport?" Wow! Ang taray! Gumagana na ang utak mo, Aria. You're so brilliant!

"Okay, titingnan ko lang naman kung nakauwi na siya at pagkatapos no'n ay aalis na ako. Tama. Kaya mo 'yan, Aria!" Ipinikit ko muna ang mga mata ko at nagconcentrate. Buong puso at balunbalunan kong itinuon ang isip ko kay Fire. Ilang minuto rin akong nakapikit at pagmulat ko, nagulat ako kasi sobrang lapit nang mukha ni Fire sa akin.

Teka, wala naman ako sa kwarto niya e! Kwarto ko pa rin 'to! Hindi ako nakapagteleport? Jusko! Ano ba 'yan. Pero teka ulit! Napatingin ako sa mukha na sobrang lapit sa mukha ko pero biglang nanlaki ang mga mata ko at agad kong hinawakan ang labi ni Fire na may sugat.

"Ano'ng nangyari diyan?! Bakit may sugat? At ano yang pasa sa mukha mo?!" Bigla akong nataranta. Nakipag-away ba siya? Pero kanino?! At bakit? Akala ko ba magpapahangin lang siya sa labas?! Ganito ba magpahangin ang mga elemental people?! Aba ang bongga naman yata!

"Fire, magsalita ka nga! Bakit ka nagkaganyan? Sino ang may gawa niyan sa'yo ha? Sino?!" Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay 'yon sa mukha niya.

"Aria," he said.

"Teka sandali, kukuha ako ng gamot. May betadine ba kayo dito? Uso ba dito 'yon?! Ano na? Sabihin mo sa'kin!" Habang natataranta ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko, ang ungas naman na 'to ay talagang nagawa pang ngumiti. Hambalusin kaya kita ng tubo, Fire?!

"Kumalma ka nga, Aria. Okay lang ako." Ay ang taray! Saan banda ang okay sa itsura niya?!

"Sira ulo ka ba?! Iba na ba ang ibig sabihin ng salitang okay ngayon? Ano ba kasing ginawa mo ha? Nakipag-away ka ba?! May mga gangster ka ba na nasalubong kanina tapos pinagtulungan ka nila ha? Uso ba dito 'yon? Sumagot ka kasi sa---" Bigla akong natigil sa pagsasalita noong hinalikan niya ako. Smack lang naman 'yon pero parang humiwalay 'yong kaluluwa ko sa katawan ko. Ano na naman ito Fire?! Ang daya mo naman e!

"Ang ingay mo talaga," he said before he burried his head on my shoulder.

"Teka, Fire..."

"Ganito muna tayo," he murmured. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin kaya naman niyakap ko na rin siya. Nako naman! 'Di ba nga iiwas na ako? 'Di ba nga ayaw ko na?!

"I missed you, Aria." Parang napako ako sa kama na kinauupuan namin ni Fire. Namiss niya ako? Hindi ako nagkamali ng pandinig, 'di ba? Talagang namiss niya ako?! Naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin. Jusko! Hindi ako makahinga!

"Bukas ko na lang gagawin ang mga sinabi mo kanina. Sa ngayon, ganito muna tayo. Mahal kita, Aria. Mahal na mahal." Bigla na lang akong umiyak. Bakit ba naman kasi ganito si Fire e! Ang hirap naman kasi.

"Pwede ba akong matulog dito ngayon? I want to sleep with you, Aria. This will be the first and last kaya sana, pagbigyan mo na ako," he said. First and last. Pucha! Ang sakit na naman.

"Sige pero bago ka matulog, gamutin muna natin 'yang sugat mo. Sino ba kasi ang may gawa niyan sa'yo, ha?!" Tiningnan niya muna ako bago siya sumagot.

"I deserve this. 'Yong lalaking magiging boyfriend mo ang may gawa nito." Ano raw? Ibig sabihin, sinuntok niya ang sarili niya?! Nahihibang na ba ang isang 'to?!

"It's Tyrone," he said and my jaw has dropped. Si Tyrone?! Paano ko naging future boyfriend si Ty?!

"Pero ngayong gabi, ako lang dapat muna ang isipin mo, Aria. 'Wag mo munang isipin si Tyrone." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na batukan si Fire. Langya na lalaki 'to!

"Kupal ka! Sino'ng nagsabi sa'yo na future boyfriend ko si Tyrone?! Langya ka talaga! Umalis ka na nga dito!" Bwisit! Ang galing manira ng mood itong talipandas na 'to!

"'Wag ka nang mainis. Halika dito." Hindi ako lumapit sa kaniya. Aba, ano ako? Tuta?!

"Aria, dali dito sa tabi ko," he said pero inirapan ko lang siya. This time siya na ang lumapit sa akin.

"Ang tigas talaga ng ulo mo," he mumbled while looking intently into my eyes.

"E kasi nama--" Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko kasi hinalikan na naman niya ako.

"Bakit ka ba nanghaha--" Ay putspa! Inulit niya na naman!

"Bwisit ka Fire! Nakakatat--" Shemay! Bakit ba trip nito ang manghalik ngayon?! This time, hindi na lang smack kiss ang ginawa niya. Talagang hinahalikan niya ako! I can feel his lips that's slowly moving. Pakiramdam ko nalulunod ako. He held both of my hands and wrapped them around his neck. Medyo hindi pa nagsisink in sa akin ang eksena namin ngayon. Ni hindi ako makagalaw. Naramdaman ko na ngumiti siya in between of our kiss.

"This is not the first time that I kiss you, Aria kaya kung hindi mo naman mamasamain, will you please kiss me back?" he said before he claimed my lips again and like what he said, I kissed him back.

I don't know if how long did it take that we are just kissing each other. We just parted when we both run out of air.

"Best kiss, isn't it?" he said before he hugged me.

"Sana lagi na lang tayong ganito, Aria pero pareho naman nating alam na hindi pwede." Oo nga. Hindi talaga pwede.

"Matulog na tayo?" he asked and I nodded my head before we laid down on my bed. Hinila niya ako palapit sa kaniya saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"This is what I always want to do, Aria. Gusto ko laging yakap kita. Pakiramdam ko kasi, akin ka at hindi ka makukuha ng iba." Ay leche! Nasaan na ang puso ko?! Mukhang tumalon na yata!

"Piliin mo si Tyrone. Mahal ka niya at sigurado ako doon. 'Wag kang magpapaloko kay Zep." Teka, bakit biglang nasingit sina Ty at Zep?!

"Mas magiging panatag ako kapag si Tyrone ang pipiliin mo. Simula bukas, subukan mo siyang mahalin. Lahat ng atensyon mo, ituon mo sa kaniya. He's a good guy and I know that he won't hurt you the way I did to you." Bakit gano'n? Pakiramdam ko, piniga ang puso ko sa sinabi niya.

"Ito na ang huling pagkakataon na magiging makasarili ako, Aria. After this, kahit gaano pa kasakit at kahirap, titigil na ako," he said and I started to cry when I have felt that he tighten his embrace to me.

"Matulog ka na, Aria. For the last time, let me tell you that I love you. Mahal na mahal kita Aria." Hindi ko na napigilan na yakapin siya nang mahigpit habang umiiyak ako. Tama ka, Fire. This will be the last time of being selfish. After this night, let's stop this craziness.

"Mahal din kita, Fire," I said while I am crying. Jusko! Ganito pala ang feeling nina Romeo at Juliet noon o kaya naman nina Angelo at Ina sa pangako sayo. Ang sakit at ang bigat sa dibdib.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog despite of the pain that I'm feeling but one thing is for sure, malaking bagay 'yong nasa tabi ko si Fire at yakap niya ako.

Pero wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak noong iminulat ko ang mga mata ko at wala na si Fire sa tabi ko.



Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 76.3K 68
This story is created by my dream. So, every page is worth telling and special. I came to this world and played with dragons when I was a kid. Enter...
9.5M 292K 64
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the...
1.4M 95K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
3M 76.4K 62
"Maitatama ba ang kasalanan pagtinago ang katotohanan?" Lucy is just a typical young adult, she's fierce, bold, smart, pretty, curious, easy going pe...