Vivid Memories

Por AllasReon

18 4 0

Memories Trilogy: Book 2 Abandonment. Revelations. Heartaches. Sorrow. Xenon hasn't recovered from what he d... Más

Synopsis
Chapter 2

Chapter 1

3 1 0
Por AllasReon

Third person's POV

Iyan dapat ang mga napapala ng isang traydor na kaibigan. Masarap sa pakiramdam, hindi ba?

At kinakampihan mo pa talaga ang taong 'yan, Nic? 'Yan ang napapala sa mga katulad niya!

Sana hindi ka na namin kinaibigan pa.

F*ck you!! Liar!!

"Drew!" Humahangos na napabangon si Xenon mula sa pagkakahiga niya sa kama ngunit napahinga uli sa kaniyang kinahihigaan dahil naramdaman niya ang sakit sa kaniyang tiyan.

Napatitig siya sa kisame ng kuwartong kinabibilangan. Napanghap niya rin ang pamilyar na amoy na bumabalot sa silid at kalauna'y napagtanto niyang bumalik ulit siya sa ospital.

Unti-unting bumabalik ang kaniyang alaala ang mga nangyari sa Airport, kasunod ang pamumuo ng mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata. Liban sa pisikal na sakit na nararamdaman niya ngayon, walang ibang maramdaman si Xenon kundi pagkawalay, pagkalito, at matinding hinagpis sa mga oras na 'yon.

"Mi hijo..."

Bumaling si Xenon sa gawing kanan niya at dumoble ang kalungkutan na nararamdaman niya nang nakita niya ang kaniyang Mama na luhaan at nakaluhod sa gilid niya.

"Nurse! Nurse, my son is awake! Get the doctor immediately!" Bulalas naman ng kaniyang Ama.

Agad namang tumalima ang nurse sa utos ng kaniyang ama at dali-daling lumabas sa silid. Lumapit sa kaniya ang Ama niya sa kabilang gilid.

"Anak... k-kumusta ang lagay mo? May kailangan ka ba? N-nauuhaw ka ba? Anong masakit sa 'yo?" Aligagang tanong ng Papa niya.

Tila'y masisiraan ng bait ang Papa niyang si Simon sa sinapit ng kaniyang anak. Salamtala, lugmok na lugmok ang puso ng Mama niyang si Lyra dahil nakikita niya ulit na nakahiga ang anak niya sa kama ng ospital sa pangatlong pagkakataon.

"M-ma... Pa... I need to see them. I-I need to apologize to them," luhaang sambit ni Xenon.

"Xenon, makinig ka sa 'kin," aniya ng Mama niya saka hinawakan ang kaniyang kamay, "magpagaling ka muna, ha? Pakiusap, magpalakas ka mu—"

"No!" Marahas na binawi ni Xenon ang kamay niya. "Gusto ko silang makita. I want know what happened to them after I was comatose for a year!"

"Anak—" hinawakan ng Papa niya ang kaniyang magkabipang balikat "—huminga ka muna ng malalim at tumahan. Ayaw namin ng Mama mo na nakikita kang ganya—"

Hindi matapos-tapos ang mga sasabihin sana ni Simon nang makita niya ang hinagpis at pagdurusa sa mga luhaang mata ng kaniyang anak.

"P-pa... pakiusap naman, oh. N-nagsusumamo ako sa inyo. Puntahan natin sina Drew..."

Napabitaw si Simon sa pagkakahawak ng balikat ng kaniyang anak at umiwas ng tingin dahil hindi niya kayang titigan ng matagal si Xenon na sukdulan nang lumuluha dala ng pagdurusa.

Tumigil ang lahat nang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor kasama ang dalawang nurse na nakasunod sa likod nito.

"Good morning po, Sir. I'm hear to check up your son."

Marahang tumango lamang si Simon at hinayaang lapitan ang kaniyang anak. Ilang sandali ang lumipas ay natapos na ang doktor pag-check up ng anak niya at agad na lumapit sa kaniya.

"Mr. Evankhelle, your son's physical status is normal and can be treated right away. However, he has been diagnosed to depression. Based on his current status, his mentality had been severely damaged due to what happened to him two days ago, but I'll give you some medicines and things that you have to do for his fast recovery. Excuse me." Agad na lumabas ng silid ang doktor matapos ang mahabang pagsalaysay niya sa ama ng pasyente.

Napahilamos na lang ng itsura si Simon at napaupo sa sofa dala ng labis na panghihinayang sa narinig kanina, habang walang tigil na umiiyak si Lyra sa gilid at hinaplos ang buhok ng anak nila na ngayo'y tumahan na sa kaiiyak at nakatulala. Napatingin ang lahat sa pintuan nang bumukas ito at niluwa nito ang bagong dating na si Cipher.

"Cipher..." bulong ni Xenon sa hangin.

Todo ang pag-iwas ng tingin ni Cipher sa kanila, lalo na kay Xenon. Hiyang-hiya siya sa sarili dahil hindi niya nagawang protektahan ang kaniyang kaibigan na siyang bilin sa kaniya ni Simon.

"You..." nanlilisik ang mga matang tumayo mula sa pagkakaupo at tinungo ni Simon ang kinatatayuan ni Cipher at kinuwelyuhan saka binitin paitaas. "I told you to keep my son safe and you didn't!"

"Simon, pakiusap!" Agarang bulalas naman ni Lyra.

Pilit na inaalis ni Cipher ang kamay ng ama ng kaibigan para makawala mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniyang damit pero lalong hinihigpitan ni Simon ang pagkakasakal sa kaniya.

Dali-daling lumapit sa kanila si Lyra at hinawakan ang kamay ng kaniyang mister. "Hon, tumigil ka na! Walang magagawa ang galit mo kung ibaling mo ito sa bata!"

Madilim na tinitigan muna ni Simon si Cipher at sinunod ang sabi ng kaniyang asawa saka nagpakawala ito ng mga malalalim na paghinga. "You still have the goddamn nerve to bring your face hear?"

"I-I came hear to see Xenon... and I want say sorry to you and him, Mr. And Mrs. Evankhelle."

"Sorry? You came hear just by saying sorry to us and my son?!" Hindi mapigilang sigaw ni Simon sa sinabi ni Cipher na agad namang dinaluhan ni Lyra.

Ni isang salita ay wala nang lumabas sa bibig ni Cipher dulot ng kahihiyang nararamdaman niya, kung kaya't napayuko na lang siya.

"Hon, let's go outside. It's best if we leave them two alone, and for you to ease your mind a bit," suhestiyon ni Lyra sa asawa.

"Lyra, I cannot trust this young man anymore. Ano na lang ang mangyayari kung iniwan natin siya dito kasama ang anak natin?" Giit naman ni Simon sa misis niya.

Napabuntong-hininga si Lyra. "Let me remind you... Cipher is not the one who hurt our son. Have some faith in him please?"

"But Lyra—"

Hinalikan ni Lyra si Simon sa labi dahilan para mabitin ang mga sasabihin sa kaniya ng asawa. Napaiwas naman ng tingin sina Cipher, samantala tila'y wala sa sarili si Xenon at nakatitig lang sa kawalan.

Kumalas agad si Simon sa kanilang halikan. "Hon, bakit mo ginawa 'yon?! Nakita mo naman na may mga bata dito, oh," pasigaw na bulong ni Simon.

"Nahiya ka pa. I did what I have to do in order for you to shut up." Lyra intertwined her hands on Simon. "Let's go outside para lumamig ang ulo mo, 'kay?"

Nahihiyang tumango naman si Simon sa kaniya. Hinila siya ni Lyra patungo sa pintuan at nagpatianod na lamang siya. Nang tuluyan na silang lumabas, naiwan na lang si Cipher sa silid kasama ang kaibigan niyang si Xenon na hanggang ngayo'y nakatulala pa rin sa ere.








Cipher's POV

My whole body petrified in my place the moment I heard Xenon howled in so much pain. I ran as fast as I could towards him and my heart shattered into pieces when I saw him lying on the floor as he took every punches and kick from the people he once considered as his second home. He was weak to the point that he threw out blood from his mouth, and I didn't do anything.

I want to stop what they were doing to Xenon, but I couldn't move a muscle or even lift my leg to walk towards him. I was rooted on my place, and I just stood there and looked from a distance... doing nothing.

I came back to my reverie when I heard a siren coming from where we were. That was the only time where my body could move freely. I ran towards him and knelt down on his side. I saw him coughing with blood, holding his stomach as if he was hugging himself and the only thing that was inside my mind was the horrifying idea of not protecting him as I have promised to his father.

Wala talaga akong mukhang ihaharap sa kaniya, but now I'm hear... alone with the person I failed to protect from the bad things that happened to him.

I couldn't even lay my eyes on him because of the guilt and shame that I feel right now. Not only I failed him, but I also disappointed his parents who trusted me wholeheartedly. I'm not a good friend to him. I don't deserve that kind of label we have right now.

"Cipher..."

Napatingin ako sa kaniya nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Wala pa rin siya sa sarili't nakatingin lang sa kawalan.

"Ano 'yon, Frost?" tanong ko sa mahinang boses.

"Let's go to the airport. Baka nandoon pa rin sina Drew at Reese..."

Naguguluhang napatitig ako sa kaniya, "Frost, they are now—"

"I-I wanna go back to the way we were... gusto kong maayos ang pinagsamahan namin..."

"Xenon, listen to me. They are all go—"

"Maybe they were just joking around, right? Baka gino-good time lang nila ako gaya ng ginagawa namin sa isa't isa—"

"They're gone now, okay?!"

Silence instantly filled the whole room after I shouted at him.

"They flew away to the place they want to go to live there peacefully. Did you hear me?! They turned their backs from you, left you, abandoned you, and disowned you as their best friend!" Napatakip agad ako ng bibig at unti-unting napayuko nang mapagtanto ang lahat ng mga sinabi ko.

"T-they... disowned me?"

Parang tinakasan ako ng maraming dugo nang marinig ko siyang magsalita. Unti-unti akong umangat ng tingin at parang tinarak ng libo-libong kutsilyo ang dibdib ko nang makita ko ang takot, sakit, at matinding kalungkutan na bumalatay sa kaniyang mukha.

"Xenon... I-I didn't mean to—"

"T-they left me b-because they don't w-want me anymore? They aban..doned m-me because of w-what I did t-to them? I-Is that it, C-Cipher?"

Lumakad agad ako palapit sa kaniyang kama nang magsimulang magbagsakan ang mga luha niya.

"No, no, no, no. Don't believe on what I have said to you. Hindi 'yon totoo. Pakiusap, huwag kang maniwala sa 'kin." Natatarantang bulalas ko saka dinaluhan siya.

"I shouldn't be here right now. I need to go to them right now!" Marahas na iniwaksi niya ang mga kamay ko at nagulat ako nang binunot niya ang IV mula sa pagkakatusok sa kaniya.

"Xenon, what do you think you're doing?!" Dali-daling ipinulupot ko ang mga braso ko sa katawan niya nang tumangka siyang tumakas.

"Let go of me!"

"You're not going anywhere! You're still not fully healed yet!" Hinigpitan ko lalo ang pagkakagapos sa kaniya nang pumapalag siya lalo.

"I wanna see them! I wanna see my best friends! You're just a nobody, so get your hands off me!"

Tila'y isang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang sinabi niya sa 'kin, kasunod ang pagkaramdam na parang piniga ang puso ko. Naramdaman ko na lang na unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ko sa kaniya.

He didn't mean what he said to me, right? Nasabi niya lang 'yon dala ng sobrang galit at lungkot na nararamdaman niya ngayon, tama?

Naulinigan ko na lang ang malakas na palahaw na bumalot sa buong silid dahilan para mapatingin ako sa harapan ko. Hawak-hawak ngayon ng doktor at nurse ang mga braso ni Xenon na pilit nagpupumiglas mula sa pagkakagapos habang walang tigil ito sa kakasigaw.

Hindi na ito ang dating Xenon na nakilala ko. Hindi na 'to ang taong unang naging kaibigan ko.

Ngayon, ang taong nasa harapan ko ay nagwawala, sumisigaw at nagpupumiglas sa sobrang desperasyon na makawala't mapuntahan ang mga taong bumasag sa kaniyang mentalidad at pagkatao.

What have you all done? Bakit niyo dinurog at winasak ang puso't isipan ng kaibigan ko?








Third person's POV

SADNESS was the only emotion that overwhelmed the whole being of Cipher and Xenon's parents. They were all engulfed with despair as they witnessed how broken Xenon was. They tried to hide it from him, but no one can stop fate from telling to Xenon. And now, they were all suffering because of his condition.

Sitting on a chair, Lyra was waiting for her husband to come out of her son's room. Until now, her eyes were swollen and unshed tears were still visible. She couldn't believe what is happening to her son. Her heart was sinking out of misery for knowing that Xenon has now a depression.

Pinauwi muna ni Lyra si Cipher para makapagpahinga. Aangal sana si Cipher ngunit pinakiusapan siya nito, kaya sinunod niya ang sinabi ng Ina ng kaniyang kaibigan.

Lyra snapped out of her mind when she heard the door opened and her husband came out.

"How's our son? Is he now asleep?" She then stood up and walk towards Simon.

Simon tiredly sighed, "for now. Nang maibalik siya ng mga doctor at nurse sa kaniyang higaam, agad siyang tinurukan ng fentanyl. Isang uri ng pampakalma. He's at peace right now, but not for long."

Magsasalita sana si Lyra nang may namataan siyang pamilyar na bulto na papunta sa kanilang direksyon kung kaya't napatingin din si Simon sa kaniyang likod.

"Papa..." Ang naisantig lamang ni Lyra nang tumigil sa kanilang harap ang ama ng kaniyang asawa na siyang lolo ng anak nila.

"Pagpasensyahan niyo na ako, nagkaproblema kasi sa Akademiya kaya ngayon lang ako nakadalaw," ani Lazarus saka bumaling ng tingin sa anak niya. "Kumusta na ang apo ko? Ano na naman ba ang nangyari sa kaniya at bumalik ulit siya dito sa ospital?

"Xenon got a depression," umiwas ng tingin si Simon, "he's now mentally broke because of what happened a few days ago."

"C-Come again, son?"

Napatingala si Simon sa kisame nang maramdaman niyang nagbabadya ulit ang kaniyang mga luha. "Pa, may depresiyon na ang apo ninyo. Alam na niya ang isyung pilit nating itago. Alam kong mawawasak siya sa oras na malaman niya ang mga paratang hindi naman niya ginawa, pero 'di ko akalain na aabot sa ganito ang kalagayan niya."

Marahang sinusuntok-suntok ni Simon ang kaniyang dibdib. "Ang sakit... napuruhan talaga ang utak niya dahil sa nangyari sa kaniya.  Nabigo ako bilang ama... nabigo akong protektahan ang anak ko." Hindi niya maitago ang pagkakabasag ng kaniyang boses dahil sa emosyong unti-unting bumabalot sa kaniya.

Agad naman siyang inalo at niyakap ni Lyra, samantala mutik nang matumba si Lazarus sa kinatatayuan niya kung hindi dahil sa alalay ng kaniyang baston.

Sa pangalawang pagkakataon, labis na nasaktan ulit si Lazarus sa kaniyang narinig, kasunod ang pagtulo ng ilang butil ng luha mula sa mga mata niya. Hindi niya maatim na hahantong sa ganitong kalagayan ang kaniyang apo. Muli ay wala siyang nagawa para hindi mangyari ang kinatatakutan nilang lahat.








Lyra's POV

My heart once experienced a gruesome lost, and now this? I cannot lose my son again. Hindi ko kakayanin. I couldn't take anymore pain inside my family.

Days turned to weeks and there's no progress of my son's recovery of his mentality. Everytime he wakes up, he always shouts his best friends' names. He would lash out that he wanted to say sorry for what he did to them. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang inaako ang kasalanang hindi naman niya ginawa.

While Simon and Papa are talking together with the doctor that checked Xenon earlier, I glanced at the door of the room where my son is resting. Until now, I couldn't believe that he has a depression. He's still young to experience this kind of pain that he is dealing right now. He has so many dreams in life. From now on, I won't let anything bad will happen to him.

"Lyra?"

Bumaling ako kay Simon nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. "Yes, Hon?"

"Halika rito."

Sinunod ko ang sinabi niya saka lumakad palapit sa kanila. "What is it? May problema ba?"

"Misis," rinig kong tawag sa 'kin ng doctor kaya tiningnan ko ito, "we would like to suggest that we should move your son to the Mental Institute so that we can focus on him and for his fast reco—"

"What did you say? Mental Institute? Ililipat ninyo ang anak ko doon?" Sunod-sunod na mga tanong ko.

"Hon," lumapit sa aking gilid si Simon at inakbayan ako, "we have no choice. Our son needs immediate medical response. We should agree on what the doctor prescribed to us—"

"No," matigas na giit ko saka binaklas ang pagkaka-akbay niya sa 'kin, "my son's not going anywhere but here. He is not going to an institute where he doesn't belong."

"But Honey, think about it—"

"No, you should think about it." Napapailing kong saad, "how could you agree on something that will make our son's condition worse?"

"Lyra, intindihin mo muna ang asawa mo—"

Tumuon ang tingin ko kay Papa. "Stay away from this, Papa," binalik ko ang atensiyon kay Simon, "for God's sake, we are talking about our son, Simon! Yes, you may see him that he's not acting on his normal self, but it doesn't mean that we should put him in a Mental Hospital. Have you ever thought that he's not just mentally ill, but also emotionally broke?"

Tumahimik bigla ang buong paligid sa sunod-sunod kong paggigiit sa kanila.

"Ang kailangan niya ngayon ay mga taong masasandalan niya. I know he's stronger than the problem that he is facing at the moment. Alam kong kakayanin niya ang lahat. All we need to do is to be right by his side in times that he needs attention and assurance that everything will be okay. Please, Simon," hinawakan ko ang dalawng kamay niya, "let's not put him there... hmm?"

Napabuntong-hininga muna siya bago tingnan ako gamit ng kaniyang malamlam na mga mata. "No wonder my mother likes you," inangat niya ang mga kamay ko na nakahawak sa kaniya at hinalikan, "I'm sorry for agreeing on putting Xenon on the Mental Institute. I just wanna make him better as soon as possible. Ayokong makita siyang nahihirapan sa kalagayan niya. Please forgive me?"

Marahang tumango ako saka nginitian niya at niyakap. Bumaling ako ng tingin ay papa at humingi ng pasensya ng walang boses sa sinabi ko kanina. Tumango naman ito na parang nagsasabing ayos lang at naiintindihan niya kung bakit nasabi ko 'yon sa kaniya.

"T-Tita Lyra?"

Naudlot ang pagkakayakap ko kay Simon nang may pamilyar na boses na tumawag sa 'kin. Napatingin ako sa gawing likod at nakita ko ang pamilyar na bulto na nakatayo sa 'di kalayuan. Mugto ang mga mata nito na siyang nagpausbong ng awa sa katawan ko.

"Yiera."

>END CHAPTER<

Seguir leyendo

También te gustarán

49.4K 1.4K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
381K 9.2K 53
A story of a woman hiding her child to his ruthless ex-husband. A love, that end by letting her go just to protect her. Hiding the child for almost 6...
13.9K 591 37
Siya ay isang normal na babae, isang pulis na ang palaging nais ay hustisya at kapayapaan... Ngunit paano kung mapunta siya sa isang lugar na hindi...
1.8M 72.5K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...