TGIWS: Phoenix Ryler Velasque...

By whixley

397K 7.2K 2.6K

She's the girl that I want to spend my life with. She's the one who's making me damn crazy. She's Darlene Mic... More

Disclaimer
Prologue
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Final Part

Part 46

4K 70 11
By whixley

Part 46

Wala kaming masyadong magawa this past few days. All I can do is to spend my day with Darlene. I was inviting her to stay in my house but she refused, ayaw na matulog do'n, gusto niya lang mag-stay para makasama ang mga kapatid ko. She wants to stay in my condo.

Wala na rin kaming klase. Tinamad na siguro magturo ang mga Teachers.

While the weeks passed, I know she's still confused about Iris. Wala naman siyang dapat ika-curious... though may ibang mali na nangyayari. Because to be honest, something is happening between Iris and Darius.

"Alam mo ba kung saan pumupunta si Darius?"

Bakit ba tuwing umaalis ako laging nagpupunta 'to sa condo ko? Hindi naman nagpapakita kay Darlene.

I faced Lara before getting my keys. "I don't know where he's going but one thing is for sure, he's with Iris for some reason."

She stopped a bit. "Ah, 'yong babaeng siguro 'yon ang nakita ko sa resto no'n palagi..." she murmured.

"What?" I asked.

"Wala, wala," iling niya. "Uuwi na lang ako, busy pala siya do'n sa Iris niya," a forced smile formed on her lips.

"They don't have a relationship."

"Wala akong pakialam sa kaniya!" She rolled her eyes. She was about to leave but she faced me. "Pabigay nga kay Michelle, hindi ko kasi siya kayang harapin," she gave me a paper bag. "Alis na ako!" Nagmadali siyang dumiretso papunta sa elevator.

My eyes went down inside the paper bag and I saw a lot of crinkles, and also a chuckie and yakult drinks.

I feel bad for Lara, she saw Darius with Iris. Hindi ko naman alam ang rason kung bakit sila magkasama dalawa. Si Darlene naman halatang walang alam sa ginagawa ng kapatid niya.

Ang manhid niya talaga.

Pumasok ako sa unit ko at nakita ko siyang may ginagawa sa living room. Her hands were so dirty because of the paint, may hawak pa siyang paint brush.

"Ang ganda! Pero mas maganda pa rin ako," she murmured.

Pinatong ko ang binili ko para sa kaniya at ang bigay ni Lara. I stopped behind her while watching her doing something... oh she's doing some painting.

"Ay, putangina!" Nakahawak siya sa dibdib nang makita ako. "Ano ba naman 'yan, bal! Nakakagulat ka!"

"Wala naman akong ginagawa, nakatayo lang ako," I kissed her forehead then naupo ako sa sofa.

"Kaya nga ako nagulat, e! Akala ko naman kung sino na 'yong nakatayo sa likod ko." Nakahawak pa rin siya sa dibdib niya. She breathed heavily.

I chuckled. "Ang cute mong magulat."

Sinamaan niya ako ng tingin. "'Yon lang ang sinabi mo?"

"Uhm, aside from that. You're cute." I smiled at her.

Her cheeks flushed. "Ulol!" She rolled her eyes.

Ayaw niya pa?

I leaned on the back rest. "Come here, baby. Sit here." Tumayo siya at naupo sa tabi ko. "No, not on the sofa. Sit on my lap."

Nilingon niya ako. "At bakit?" Nagtanong pa siya, e, naupo na siya. "Gago, baka madumihan ang shirt mo, may paint ang kamay ko." She showed me her hands.

"Edi hubarin mo kapag nadumihan," I suggested pero nakatanggap ako ng batok mula sa kaniya. "Baby, you're so brutal on me. You always hurt me using your hands."

She stopped a bit. "Edi sorry na."

"'Yon lang? You won't kiss me, my love?" I hugged her using both of my arms. I put my chin on her shoulder, giving her a kiss on her cheeks. "Kiss."

"Kinikiss mo na ako, e, pero sige," she gave me a kiss on my lips.

Damn, why is it so sweet, Darlene?

"Anyways, what are you painting, my love?" I asked. Tumingin ako sa mga ginagawa niya.

"Iyong picture natin noong nasa Tagaytay tayo, ito o. Iyong picture nating dalawa," she gave me a copy of our picture and she was right, it was really our picture.

It was taken by the water. She was holding the flower that I gave her, my arms were around her waist, staring at her lovely face.

"Ang galing ko ba?" She smirked.

"Yes, love." I agreed, her paintings are so beautiful like her.

She smiled sweetly. I can see the happiness in her eyes. Hinaplos ko ang buhok niya bago siya ulit niyakap.

"I have something for you, I mean... someone gave it and I don't know who that person is."

Napalingon siya sa akin. "E, bakit mo ibibigay sa akin kung hindi mo kilala ang nagbigay?"

"It's food, baby."

"Kahit na, what if may lason 'yon?" Hindi ka naman lalasunin ng kaibigan mo. "Edi namatay ako. Wala ka ng girlfriend, kawawa naman ang buong mundo kapag namatay ako. Kawawa ka kasi wala ng magandang girlfriend, wala ka ng-" Pinutol ko siya sa isang halik. She stopped talking with her eyes widened.

"It's really for you, baby. So, don't worry, and it has no lason."

"Ang conyo mo naman po." Tumayo na siya. "Sige na nga, basta kapag ako nalason. Mumultuhin kita."

"It's an honor to me, baby. Because at least nagpaparamdam ka." I said.

She stopped. "E, bakit parang payag ka na mawala ako?" She crossed her arms, faking a smile.

Napaangat ako ng tingin. "What?"

"Anong what? Bakit parang masaya ka pa na mumultuhin kita, ibig sabihin no'n payag ka na mawala ako?"

What did she just say?

"Darlene, I didn't get you. Bakit napunta sa ganyan ang usapan natin?"

"Masaya ka, e. So masaya ka nga?"

"Baby, what?" I was confused!

"Ngayon nagwa-what ka?" Tinaasan niya ako ng kilay.

I scratched my forehead, understanding what she's up to right now. I already get it. "I won't be happy, okay? Anyways, before this conversation got long. Wash your hands, crinkles ang pagkain na 'yon."

"Okay na nga." She put down the painting.

Sinundan ko siya para maghugas ng kamay. She saw the paper bag. Kinuha niya 'yon para makita ang nasa loob. Her eyes twinkled as she saw the food, especially the crinkles.

Niyaya ko siya sa sala para doon kumain. I played a movie while she's eating.

Nasa tabi ko siya at kumakain.

"Yakap na yakap ka naman sa akin, Phoenix. Kumakain lang ako, 'di ako aalis."

Yeah, I was hugging her from behind. Nakahilig ang ulo ko sa balikat niya habang yakap siya.

"I want to hug you," I kissed her shoulder. "Hindi ka pa naliligo 'no?"

Tumigil siya sa pagkain at bahagyang natawa. "Bakit? Amoy pawis na ba ako?"

"Of course not, you smell like a baby." I sniffed her neck. "Amoy baby johnson powder ka, Darlene."

Tumigil siya at hinarap ako. I shut my mouth when I saw her eyes pero nagsalita rin ako agad dahil totoo naman.

"Promise, you smelled like that." I nodded repeatedly. "Kumain ka na." I changed the topic before she talked. Sinubuan ko pa siya ng crinkles at binigyan ng water.

She smelled like a baby! I'm so addicted to her smell! Gusto ko na siyang amuyin 'lagi.

Tinuon ko ang paningin sa screen ng tv. I leaned my chin on her shoulder, getting bored. Ayoko ng pinapanood niya pero wala naman akong choice kundi ang pumayag sa gusto niya panoorin.

After almost an hour of watching a movie. She decided to cleaned up the whole condo kahit wala naman siyang lilinisin but she's saying na madumi raw ang condo ko kahit hindi naman.

"Baby, patapon po," I raised a can of coke.

May hawak siyang vacuum cleaner. "Hindi mo ako utusan. Wala kang katulong. Tumayo ka d'yan at ikaw ang magtapon." Nilagpasan niya ako para dumiretso sa kwarto namin.

Napakamot ako sa noo bago tumayo. Tinapon ko ang hawak ko. Sa kwarto ako dumiretso para doon naman mahiga dahil doon na siya maglilinis.

I sat on the sofa while eating gummy bears. Actually, sa kanya 'to, kinuha ko lang sa ref. I was watching her moves. Kung saan siya pumupunta sinundan ko lang siya ng tingin.

"Ano ba naman 'yan, doon ka na sa sala. Naglilinis ako rito, eh." Nilingon niya ako. "Kung nasaan ako kailangan nandoon ka rin, eh."

"Baby, I want to see you, okay? At saka, pinapanood lang naman kita. What's wrong with that?"

"Eh, nakakailang," Umiwas siya ng tingin. "Huwag mo na kasi akong tingnan."

I chuckled. "'Wag ka na mailang, hindi ka pa ba sanay sa tingin ko? Look, we've been in a relationship for a month now."

"Oo nga pero iba 'yon, hindi mo kasi naiintindihan. Kahit na... boyfriend na kita, hindi ko pa rin kaya dahil nakakailang nga..." her cheeks flushed a bit.

I laughed a bit. Tumayo ako at nilapitan siya.

"We are having the same feeling, Darlene," I shook my head, chuckling. "Your stares make me weak."

"Miranda ba naman tumingin sa 'yo? Tunaw ka talaga," ngumisi siya, nagyayabang.

Wow, parang kanina lang nahihiya siya, ha?

"Ang yabang mo, love," sumimangot ako.

She just laughed. Tinulak na niya ako palabas ng kwarto. Sumimangot na lang ako at nag-stay sa pinto. I was waiting for her to finish, nakailang minuto na, hindi pa rin tapos.

Pumasok ako sa loob at nakita kong wala na siya do'n. I heard her inside the bathroom so I assumed that she's taking a shower now.

I decided to have a quick shower too pagkatapos niya kaya naghintay ako sa tapat ng pinto kaso nakakabagot mag-hintay dahil isang oras na ang lumipas hindi pa rin siya tapos.

I knocked at the door. "Faster, I need to get shower now." Ang tagal talaga maligo ng mga babae.

"Tapos na ako!" Narinig kong sigaw niya.

"Babe!" I knocked again.

"Tapos na nga ako." Bumukas ang pinto. "Nagmamadali ka ba?" I gulped when I saw her only wearing a towel.

"I'm not..." Bumaba ang tingin ko.

Inalis ko ang tingin sa kaniya. I looked inside the bathroom just to avoid her eyes.

"Gusto mong alisin ko?" She smirked.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. I don't know what to answer! "H-Hey, don't." Why the fuck am I stuttering.

"Okay lang 'yan." Halos magulat ako nang alisin niya kaso mas nagulat pa yata ako nang makitang may damit na pala siya. "Gagi, bihis na ako."

"I thought you didn't have c-clothes." Nag-iwas ako ng tingin.

"Well, thought mo lang 'yon." Iniwan niya akong mag-isa.

I went inside the bathroom. I removed my clothes to have a shower. I was about to go inside but I saw a damn fucking snake.

Halos sumigaw na ako dahil sa tanginang ahas na 'to ngayon. Fuck it! Kailan siya nagkaroon ng ahas dito sa condo?! Wala akong nakita na may hawak siya!

Napaatras ako nang gumalaw 'yon at lumapit sa akin.

"Shit! He's coming near me! Miranda! I'm not joking! I don't like snakes. Love! Ayoko ng ahas!" I yelled. Tanginang ahas 'to!

Tangina! I don't like snakes! Aside sa palaka, ayoko rin ng ahas! Tangina! I don't want this! Bakit ba ang lakas ng tama ng girlfriend ko?

The door opened, hinarap ko siya para makita. "Bal-." She stopped talking as she looked at me. "Bal, ilang inches ka?" She suddenly asked which made me realized that she fucking saw the... the fuck!

"Oh, fuck!" Mabilis kong kinuha ang towel ko. I felt my whole fucking system heat while processing that she saw my... she saw my fucking general!

Napahilamos ako sa mukha bago tumalikod. Fuck! Fuck! Shit!

"Joke lang! Wala naman akong nakita!" She laughed so hard. Kinuha niya ang snake habang panay pa rin ang tawa niya. "Biro lang 'yon!" She turned her back to leave but she stopped. "Pero ilan nga, Bal?" She faced me. "Eight or nine inches?"

"Darlene!" I shouted her name because honestly, this isn't good! Tangina, she just saw it! Fuck it!

Narinig ko ang tawa niya na papalayo sa bathroom. Fuck it! She just fucking saw my fucking... tangina naman! Hindi ako handa!

"Oh, fucking damn relax for fuck sake," I whispered.

I started to take a shower even if the scene earlier is still inside my fucking head.

After taking a shower, I went outside. Sa closet ako dumiretso para kumuha ng shirt. Kinuha ko ang phone ko sa table at hihiga na sana kaso nasa kama ang ahas!

"Babe, alisin mo si Ginger sa kama!" Kinuha ko ang pillow para itulak dahil malalaglag siya sa kama. "Damn, lahat talaga ng trip ni Darlene." Napailing ako.

Nakatingin lang ako sa snake. I felt that this was looking at me either.

"Saan ka ba niya nakuha?" I asked. "As if you're answering me." I'm look like a crazy here, kinakausap ko ang snake na 'to.

Iniwan ko na lang 'yon at lumabas ng kwarto. Saktong kakababa lang ni Darlene sa phone dahil may kausap. Lumapit ako sa kaniya.

"Bal, may tanong ako."

"Stop asking questions." Pinangunahan ko na siya.

"Hindi mo nga sinagot ang tanong ko kanina. Hindi mo sinagot kung ilang inch ba 'yan."

What the fuck? Bakit ba gusto niyang malaman?

"Stop."

"Pero sa tingin ko... mga eight inche-biro lang." Humalakhak siya na parang nang-aasar. "Iba na kasi ang tanong ko ngayon."

Hindi maipinta ang mukha ko habang diretso ang mata sa kaniya. She really wants to know? Well, malalaman naman niya sa future kapag mag-asawa na kaming dalawa.

We cooked food for our lunch. We just made a simple adobo for lunch. That's the basic food we know kaya 'yon na lang. After cooking I prepared the utensils so we could eat.

Our conversation went to the orphanage that Laureen started. We want those kids to be happy on Christmas though hindi namin sila makikita during Christmas because we're celebrating on our own, we make sure that they are happy on that day and that's what also Darlene wants.

Umuwi na rin si Darlene sa bahay nila. We had our communication using phone calls and messages. I got busy also because of my business.

I had to talk with my business partners the whole week, and also I had a conference meeting. Sinulit ko na ang araw na 'yon para sa mga gagawin ko. Ang mga business works ko lang ang tinapos ko.

Kahit na three days palang kami hindi nagkikita, feeling ko mababaliw ako kapag hindi ko nakikita si Darlene. We are having a video call as always every night.

"[Punta ako, mall, bal.]" She was eating when I called her. May hawak pa siyang gatas at crinkles.

"When?" I turned on my lights before going to bed. Nahiga ako habang pinapanood siya.

"[Ewan, bukas? Hindi ako sigurado.]" She shrugged.

"I'm free tomorrow, love."

She stopped eating. Ngumuya siyang muli bago may kunin sa sa side table. Nakapatong ang phone niya sa bed table kaya nakikita ko ang ginagawa niya.

"[Sure ka ba? Wala ka ng gagawin? Meetings? Or something?]" She asked, nilingon niya ang ako. Inayos niya ang buhok niyang naka-messy bun. Naka silk pajama pa siya at halatang matutulog na kaso kumakain pa siya.

"Nothing, love. I'm so free, wanna date tomorrow? It's a yes, love."

"['Di pa nga ako nasagot.]" She laughed. "[Pero sige, bukas, ah. 1 pm tayo alis, okie?]"

I smiled. "Yes, love."

She wanted to end the call but I was refusing. I want to see her kahit hindi siya magsalita basta makita siya, okay na ako.

"[Sige, sige.]" I saw her smiled.

That was my plan.

Kinabukasan, pagbaba ko nakita kong nag-aayos sina Tita sa baba, they were cleaning the whole sala. Dumiretso ako sa kitchen para kumuha ng tubig. Bumalik rin ako sa sala para makita ang mga ginagawa nila.

"What's that?" I asked. Naupo ako sa sofa, nakatingin pa rin sa mga ginagawa nila.

"Look, Kuya, o, our pictures," Phoebe sat beside me, holding a photo album.

Binigay niya sa akin ang mga pictures. Bumungad sa akin ang mga family pictures namin. You could see on the first pic that it was me when I was a baby then on the next pic was Phoebe and Preston's baby picture.

Nakatingin ako sa lahat ng larawan but I stopped when I saw picture with Darlene's Mom and her. Kasama ako at ang Mommy ko sa picture. My Mom was carrying me while Tita Serine was carrying Darlene. I was holding a pacifier habang umiiyak si Darlene, nakaturo sa kung saan.

Fuck, I didn't know this. May ganito pala kaming pictures.

Binuklat ko ulit ang isang page at ang mga kapatid ko ang nandoon. My brother was running, hawak ko sa dalawang kamay si Phoebe habang hinahabol ang kapatid namin.

In the other picture, I was shocked to see me and Darlene in the one picture. We were one year old here if I am not mistaken. I'm holding milk there.

Bakit kaya siya laging umiiyak sa picture?

"Kuya, this baby is familiar," Phoebe pointed at Darlene's picture.

"That's Darlene," I smiled.

Her eyes widened. "Wow, so pretty!"

I know.

We were all busy buying gifts. Tita Grace suggested that we should buy everyone's gift. Hindi ako tumanggi, siya rin naman ang bibili, eh.

"I want a trip to New York as my gift," Lala smirked.

"New York... Cubao, ate Lala?" Preston smirked, nang-aasar.

"Tse!" Napikon kaagad si Lala.

Kumuha nalang ako ng paper para ibigay kay Tita since siya ang bibili. I helped to clean, saglit lang naman ang ginawa ki dahil... ayaw ko na. I felt tired already.

Kinuha ko ang cellphone ko sa center table.

From: love
(⁠θ⁠‿⁠θ⁠)

Nantitrip na naman siya.

From: love
Hi, tito (⁠.⁠ ⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠)

My brows furrowed, confused why-wait, is this Amir?

To: love
Hey, is this Amir?

I received a reply immediately.

From: love
Yessssss tito ʘ⁠‿⁠ʘ tita lin isn't here po.(⁠≧⁠▽⁠≦⁠)

I made a reply.

To: love
Oh, where'd she go?

Gamit niya ang phone ni Darlene. Saan naman kaya siya pumunta?

From: love
She is baking po with daddy and Tito Darius.

Bago pa ako maka-reply I received a picture. I clicked it and I saw a photo. It was Darlene, Drake, and Darius. She was putting an icing on the cupcake while Drake was eating the other one with Anya, while Darius was putting flour on his sister's cheeks kaya natatakpan ng kaunti ang mukha ni Darlene.

Cute. Si Darlene lang, ah. Well, at least they have a bond.

Tulad ng usapan namin, nagkita kami.

"I missed you, love." I softly said, hinila ko siya para yakapin. I hugged her tightly. I smelled her perfume. Damn. Ang bango niya. "I missed you so much." Hinalik-halikan ko ang cheeks niya.

"Three days lang tayong hindi nagkita, Nix." She chuckles. She stroked my hair using her fingers before kissing me on the lips.

"I missed your lips, three days rin akong nangulila sa halik mo." Binitawan ko na siya para maisuot ko ang seatbelt niya sa katawan.

"Ano ba naman 'yan!" Ang pikon naman, iyon lang naman ang sinabi ko, ah?

I chuckled. "Kidding, love. Anyway, let's go to the mall so we can have our date."

We dropped by the mall to eat lunch first. Hindi pa pala siya nagla-lunch kaya dumiretso kami sa fast food. 'Yon kasi ang gusto niya. We went to Mcdo place.

After we eat, dumiretso na kami sa isang store dahil may bibilhin ata siyang damit, and I was right, bumili nga siya. Ako na ang nagpresintang magdala ng binili niya dahil namimili pa siya.

Nakita kong puro pang-kids 'yon at may listahan pa siya. Nahihirapan na siya kaya tumawag ako ng sales lady para tulungan siya.

"Pagod na ako," humawak siya sa braso ko. She leaned her head on my shoulder. "Pero oks lang," she smiled. "Tara na," hinila niya ako papunta sa kung saan.

Akala ko may bibilhin pa siya 'yon pala tapos na kaya pumunta na kami sa cashier. Ang bigat na ng cart na tinutulak ko. Ang dami niyang nabili.

While waiting, I saw baby stuff in the middle section. May mga pang baby boy at baby girl, so cute. I saw a cute pink headband and fairy clothes. It's really cute. I also saw a picture of a little baby wearing it.

Mahal ang gatas, Nix. Mahirap rin magpalaki ng anak, right?

I almost laughed at that thought.

Naalala ko lang si Ellice, iyong baby na hiniram ni Darlene before. I suddenly remembered that cute baby. I remembered how she cried when Darlene left her.

Bumili kami ng gifts for Ellice. Babalik kami kung saan namin siya iniwan noon. Marami rin nabili si Darlene na para bang anak na niya ang binibili niya. But part of me was amazed at her dahil sa kaniya nakilala namin si Ellice, and those kids inside the orphanage.

Bumili rin kami ng toys for the kids after. I even bought Amir a toy. His favorite was a play station and fake gun.

Actually, fake gun is too boring... regaluhan ko kaya si Amir ng totoong baril? But on second thought, huwag nalang, baka ako ang barilin ni Darlene kapag 'yon ang niregalo ko sa pamangkin niya.

Days had passed, we all became busy. We had to be prepared for those kids at the orphan. It was really tiring since maraming gagawin, we had different works para mas madaling matapos.

My family and I also donated for those kids. Actually, hindi lang siya sa isang orphan. I guess it's three orphanage and Tita Grace suggest the mag-donate na rin sa mga 'yon since Christmas is coming and para may panghanda sila.

Aside from that, even in the elderly home. We will give them a special occasion that they deserve. And we will visit them soon.

On the other hand, we also give food to those homeless people, and it's my girlfriend's suggestion.

How kind my baby is, huh. I really love this woman.

Nasa labas kami ng mansion ni Darlene, preparing to leave. Today is the day that we're going to the Orphanage home. Naglalagay lang sila ng boxes sa likod ng kotse.

I was standing beside Darlene but she moved away. Saglit ko siyang nilingon. She was tying her hair. Ang ganda niya kahit naka simpleng suot, she's only wearing a white v-neck shirt partner ripped jeans, naka-tuck in 'yon. While she's wearing a white sneakers. Also, she's always wearing my gold necklace which has my name initial.

While her bracelet is on my wrist, 'wag ko raw alisin and palagi ko raw isuot so I did.

Nawala siya bigla sa paningin ko 'yon pala ay doon siya sa monobloc chair naupo.

I was carrying those boxes! Ang bigat kaya no'n but hell kailangan kong kumilos dahil siya ang nag-utos.

"This is so tiring..." I mumbled.

"It is," Harris said, nasa tabi ko pala siya. He looked at me. "Nix, about our problem. Iyong ginawa nating lahat-." I cut him off.

Alam ko na ang tinutukoy niya. I told him yesterday that I'll try to tell Darlene about the bet... but she looked so happy, at masisira lang 'yon dahil sa sasabihin ko.

"Just stop that first, Harris. We will tell her as soon as but not today... it was too occasional." Iniwan ko siyang mag-isa.

Hindi naman 'yon nawawala sa isip ko. I still have secrets to her... at lahat ng 'yon 'lagi kong dala habang kasama siya. But not today, masyadong masaya ang araw na 'to para masira lang dahil sa sasabihin ko.

Napalingon ako sa kinaroroonan niya, Reid was talking to her. May inabot pa siya at bahagya pang natawa si Darlene.

Nilapitan ko siya matapos kumuha ng pagkain. Siopao 'yon na binili ni Dash.

Reid also donated pero hindi sa kaniya. Doon 'ata sa girlfriend niya, hindi ko naman kilala 'yon kaya hindi ko na lang inalam kung sino.

I gave Darlene a food. Nilagyan ko siya sa bibig ng food dahil nagrereklamo na siya.

Umalis rin kami to start our agenda. We started at the orphan since 'yon ang gusto namin gawin lahat. We are happy to see the kids again especially if we are seeing them happy also.

"Kuya, girlfriend mo po?" A little girl asked, pointing at Darlene.

Nasa orphanage home pa rin kami, binibigyan namin ng foods ang mga kids

"Yeah, ang ganda 'no?" I smiled, looking at Darlene's direction.

She's holding a camera to take a picture of those kids. Ilalagay niya raw kasi 'yon sa photo album, part of her best year.

"Opo, ang ganda niya pero bakit kayo po ang boyfriend niya? Hindi po kayo bagay." She asked innocently.

Suminghap ako. Nakarinig ako ng tawanan mula kina Harvey. Naghampasan pa sila habang tumatawa.

"Well, just ask her why, okay? Here, eat," I smiled and she nodded.

Umalis na siya kaya isa-isa kong pinagbabato sina Harvey. Nakakabwisit 'tong mga 'to, at saka hindi ko naman kasalanan na ako ang boyfriend ni Darlene, ah? She loves me that's why, and I felt the same.

"Awit p're, hindi daw kayo bagay," Gael said, still laughing.

"Fuck-." I shut my mouth when Darlene glanced at me. She glared before continuing what she's doing.

Hindi ko na pinansin ang mga bwisit na 'to.

It was a tiring day for all of us. Halos makatulog na kami nang makarating sa condo, but it was fun! We helped those kids, and it was really fun!

Naging abala ulit kami. Sakto ang pagbili ng gifts ni Tita dahil nagkaroon ng simple party sa mansion ng Lolo ni Darlene, and everyone was invited.

We had an exchange gifts and si Darlene ang nakuha ko. Ay, hindi pala. Nakipagpalit lang ako.

Sa bahay na ulit ako nanatili, and of course, my job isn't done. Marami rin akong tinapos at nagkaroon pa ako ng virtual meeting dahil nasa Spain pa ang ka-meeting ko. It was four or five hours? Hindi ko na nabilang dahil naging abala ako sa meeting na 'yon.

After that, I took a shower, eat dinner. I was so tired. I made a message for Darlene that I will just gain energy. Nagising ako twelve na ng tanghali.

Damn, my sleep isn't enough. Kakatapos ko lang mag-shower at mag-ayos para makababa pero may makakuha ng atensyon ko.

I saw the part of Scythe. Umalis ako sa kwarto ko para puntahan siya. Nagtataka pa si Tita kung saan ako pupunta.

"What are you doing here?" I was confused... Why is he here? At saka bakit siya nakatingin sa loob ng bahay ko?

Spencer didn't speak instead of shaking his head.

"Answer me," I said in a serious tone. "Why are you fucking here? What? Inutusan ka ba na manmanan ang bahay ko? At kung wala kaming bodyguards, saka kayo susugod?"

He laughed. Irritation hitted me the way he laughed.

"Relax, Velasquez. I'm not here for that, I'm here because someone said so. I had to watch you and your little sibs."

Mas lalong nadagdagan ang isipin ko dahil sa sinabi niya. And why does he need to do that?

"What do you mean?" Unti-unti na akong kinakain ng irita sa sinasabi niya. Bakit hindi niya ako diretsuhin?! "Can't you just tell me the whole specific word?! You're messing with my head!"

But fuck, umiling lang siya. "I'm sorry, Velasquez. Ayokong masira ang pinag-usapan namin ng kakilala ko. And, the plan... ayaw niyang masira 'yon so please just cooperate. You will know that soon but not today, it's part of the plan." Then he went inside of his car and drove away while I was left dumbfounded, thinking about what he said.

Plan? What kind of plan was that? At saka, sino ang tinutukoy niya na kakilala niya? What the fuck? Ayoko sa lahat 'yong pinag-iisip ako.

I was so fucking confused! Gulong-gulo ako na bumalik sa loob ng bahay. Tita Grace was confused why am I acting different, well it's because of that fucking man!

Tangina, ano ba kasing mga pinagsasabi niya?

Sinamahan ko nalang si Darlene na pumunta sa Hospital hindi ko alam kung para saan, iyon pala para kay Anya. I was with them dahil ako ang nag-drive para sa kanila.

God knows how much I want to go home pero hindi ko ipinakita. Minsan lang naman humingi ng favor si Darlene kaya pagbibigyan ko na. At bumili pa sila ng gift.

We celebrated a Christmas party in her grandfather's mansion. Kasama ko na ang lahat pero ang pamilya nila wala pa. Nandito na rin ang mga Miranda at alam nila na boyfriend ako ni Darlene.

Kanina pa ako ginigisa ng tanong ng magpipinsan na 'to. Bwisit! Nasaan na ba si Darlene? I need her! Kanina pa ako tinatanong ng mga pinsan niya habang nasa garden kami.

Napapalibutan ako nina Kael. Parang may ginawa akong krimen sa tingin nila sa akin. I gulped and looked away.

"Phoenix, I have a question," Axel suddenly said.

I nodded. "Go on," Para matapos na!

"Are you still a virgin?"

"What the fuck?!" Bulaslas ko dahil hindi ko inaasahan ang tanong niya.

He really asked that, huh?!

Masama ang tingin ko kay Axel nang tumawa siya.

"Cut that already. No need to answer, alam ko naman na birhen ka pa-aw!" May bunatok sa kaniya kaya humawak sa ulo. "Who the fuc-." Tumigil siya sa pagsasalita nang makita niya ang Lolo nila.

"Are you really asking him that kind of question, Axel? He's a kid."

Tangina! Hindi ko kinakaya ang mga salitaan ng magpipinsan na 'to. Kung si Darlene, inosente. Ito namang mga 'to, mga berde. Iniiwasan ko nalang ang mga tanong nila dahil ayokong ma-involve.

"Phoenix, I have a ques-."

"Tangina, ayoko na! Bahala kayo sa buhay niyo!" Irita akong tumayo para doon sa sala hintayin si Darlene.

Ayoko nang marinig ang mga tanong nilang lahat. Kumuha muna ako ng chocolate sa jar bago dumiretso sa sofa. Nang dumating si Darlene, napunta sa kaniya ang atensyon ko. Inakbayan ko siya ng maupo sa tabi ko.

The party began and everyone was very happy. Naupo ako kung nasaan si Darlene. Pinaulanan ko ng halik ang pisngi niya nang makaupo sa tabi niya.

Siya ang pasimuno para mabigyan ng pera ang iba. I don't need to get money or iyong mamasko, I have a lot of money. Ako pa nga nagbibigay sa mga hayop na 'to, akala yata Ninong nila ako.

Lumayo ako ng bahagya nang maramdaman ang mga tingin ng mga pinsan niya. Hindi 'yon napapansin ni Darlene, pwes ako, oo! I didn't do anything! Parang may ginawa akong krimen!

"Bal, wala ba akong pamasko diyan?" She asked.

"Am I not enough to be your Christmas gift?" I smirked.

"Sige na nga, sapat naman na lalo na 'yong nakita ko sa bath-." Kumuha kaagad ako ng brownies para ilagay sa bibig niya.

"Kumain ka na lang, and stop mentioning that." Ako dapat ang mang-aasar pero ang galing niya talaga na mang-asar.

Bakit ba niya kasi nakita? She saw my full general for fuck sake! Nakakahiya!

She laughed. Tumigil naman siya kaya timigil na rin ako. Hinigit ko siya lalo palapit sa akin. Kahit na tinitingnan ako ng buong angkan niya. Wala naman kasi akong ginagawa na masama.

Para naman akong nililitis sa mga tingin nila. From her grandfather, father, Tito's, and cousins! Ano ba 'yan, parang gusto ko nalang umalis kami ni Darlene. Ang talim ba naman ng tingin sa akin?

The party continued so the game is. Nanonood lang ako dahil sapat na si Darlene para maglaro. Nakakailang panalo na siya pero hindi pa rin siya unaayaw. Napailing ako, natatawa dahil daig niya pa ang mga bata.

Some of them gave it to each other. Nakatingin ako kay Darlene, I know she's expecting a gift pero nasa kotse ang regalo ko. She deserves a beautiful gift, I know she likes beauty and a beast kaya iyong glass dome flower ang binili ko.

Hindi lang siya ang bibigyan ko ng gift, syempre pati ang mga kaibigan namin. Pati sina Tito Dylan at Tita Serine, I also bought Amir a gift.

"I have a gift for your son, Drake," I said.

Kakaalam niya lang na buntis si Anya. Nakita ko ang pagtawa nina Darius at Darlene habang may pinapanood. Kakatapos lang na magbigayan ng nga gifts, at kakabigay ko lang ng regalo ko kina Tita Serine. At ngayon, kay Amir naman.

I showed him a car key. "Did you see the McLaren 720s coupe black outside?"

"Yeah, that's yours?" He raised an eyebrow.

"No, it's not. It's my gift for your son." Nagkibit-balikat ako. "Here. Don't worry, maayos na ang mga papel no'n."

His jaw dropped. "Let me fucking remind you, Phoenix. My son is only a kid, tapos magreregalo ka ng kotse?" He couldn't believe it.

"What's wrong? Iyon ang gusto kong regalo. You better accept it." Nilagay ko na mismo sa kamay niya ang susi ng kotse.

That's really my gift. Since marami ng toys si Amir, iyon nalang ang regalo ko. Magagamit naman niya 'yon, soon. And since, wala pa ang second baby niya. I bought a girl and boy thing. Wala pa raw gender, sabi ni Darlene.

"Babe, she's looking at me." I pointed at the baby. Pinsan ni Darlene ang baby na hawak niya.

"'Wag mong takutin, bal. Allergic siya sa mga katulad mo kaya alis!"

Nakahilig si Kia sa chest niya at naka-hug. Nakatingin pa sa akin 'yong baby.

"I hope I can do that too." I whispered.

"Ang alin?" Darlene asked.

I shook my head. Inalis ko ang kamay ni Kia nang akbayan si Darlene, her brows furrowed while looking at me. Inaalis ko ang kamay niya tuwing yumayakap siya kay Darlene.

"She's my girlfriend," I whispered to Kia.

She rolled her eyes before hugging Darlene. Did the kid just roll her eyes on me? Mag-pinsan nga sila ni Darlene. Kuhang-kuha pa niya ang pag-irap ni Darlene.

Umusog na lang ako. Hinawakan ko siya sa kamay bago panoorin ang iba. Actually, may gift rin sina Harvey kay Darlene.

Nasa sofa lang ako habang pinapanood ang galaw niya. She looks like a kid, panay ang hingi niya, eh, kaya ko naman siyang bigyan ng maraming gano'n. Kahit ilan, ibibigay ko.

"Bal, may pang-tanan na tayo, 'gaya ng balak mo."

Nasamid ako sa iniinom ko. Halos mamatay ako sa tingin ng mga Miranda Family lalo na nila Kier at mga pinsang lalaki ni Darlene. Especially her grandfather.

Ang sama ng tingin sa akin. Hindi ko naman gagawin 'yon. Hindi ko naman itatanan si Darlene. Baka matuluyan ako kapag ginawa ko.

Shit, kundi pa binawi ni Darlene baka patay na ako.

"Stop joking." I said. "We are not doing that."

Tumawa lang siya habang nakatingin sa mga magulang niya. Napabuga ako ng hangin. Ang talim pa rin ng tingin nila sa akin. Napalunok ako bago iwasan ang mga tingin nila.

Lumayo si Darlene. May naupo naman kaagad sa magkabilang gilid ko.

"I thought... itatanan mo si Darlene," Reid looked in my direction, he smiled but obviously... fake.

"Yeah, nakahanda na ang lamay mo kung sakali."

I gulped.

"Huwag niyo nga na tinatakot si Phoenix," Devin tapped my shoulder. Naubo ako ng halos higpitan niya ang hawak. "Pero alam mo naman siguro ang mangyayari kapag ginawa mo 'yon 'di ba?"

Tangina.

"Of course, I know," I'm not scared. Tss, bakit ako matatakot sa kanila?

"Then good to hear that," matalim ang tingin sa akin ni Drake.

Napakamot ako sa noo. Wala naman akong gagawin na gano'n. Umiwas nalang ako ng tingin sa mga Miranda. Umiwas rin ako sa mga tanong nila.

When the party is over, we decided to leave. Umalis na rin kasi ang iba. Ang pamilya nalang ni Darlene ang naiwan. Nag-aya na rin si Tita kaya nagpaalam na rin kami kina Tita Serine.

Nasa labas na kami ng mansion. Nilalagay ko lang ang nga gifts sa compartment. Kinuha ko rin ang gift ko kay Darlene.

"Kiss." She pouted and I kissed her on her lips. "Babye! Ingat kayo, ha?"

"Are you leaving now? Ayaw mo ba ng regalo ko?" I gave her the black paper bag. Damn, wala akong mahanap na gano'n. Mabuti nalang may kilala si Lala na taga-ibang bansa para makabili.

"Ito 'yong sa beauty and the beast 'di ba?"

"It's a glass dome flower, I remembered you told me that you want a flower like in the Disney movie you've watched." Plus, she loves beauty and the beast.

Her eyes sparkled. "Ang ganda... thank you," she smiled sweetly. "Hindi ba 'to malalanta?"

I shook my head. "No." I kissed her on the forehead. "I know you like it."

"Syempre." She smiled more.

I kissed her on the forehead once again before letting her go. Hinatid ko siya sa car nila. I waited for them to leave before I went to my car.

Continue Reading

You'll Also Like

145K 5.6K 35
Why do these things always happen to Kagome? And where has the well sent her this time? Follow Kagome as she goes on a new adventure in a new world...
94.8K 1.8K 15
After leaving her hometown, Mystic Falls, Corinne Forbes travels to The French Quarter of New Orleans. While there, she explores the town and meets K...
Kidnapped By cherryssa

Mystery / Thriller

234K 3.5K 13
I walked another two more steps and before I could take another step,someone grabbed me vigorously by the shoulders and placed a cloth on my nose and...
13.7K 1.1K 12
"Thou shalt bow before me, for I, a celestial being, doth grace thy presence." "What the fuck is she saying?!" - Ν€Μ—β™‘ ✎ someone who have royal blood...