A Martial's Query (Saint Seri...

By gereyzi

22.7K 1K 787

6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'mald... More

A Martial's Query
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 13

499 28 46
By gereyzi

Chapter 13
Enchanted

"Where are your socks?" tanong ko kay Chano habang isa-isang nilalagay ang mga damit niya sa kaniyang maleta.

"Nandyan sa ilalim ng kama ko, Pupa," he replied.

Napairap na lang ako at kinuha sa cabinet sa ilalim ng kanyang kama ang medyas. Hindi ko sya maabala dahil sa online conference nila ngayon. He'll be flying to Japan tomorrow for his one month company training matapos niyang maimbitahan sa UCLA nitong nakaraang linggo. Ang alam ko ay doon din sa Japan gaganapin ang Saints' leadership training kaya maraming saint student din ang pupunta doon. Inaaya pa ako ng Valdemor na sumama para daw hindi naman mangulila si Chano. Hindi ko naman mapagbigyan dahil sa dami ng gawain ko sa school, saka mawawalan din ng kasama ang dalawang bata.

"Pupa," tawag na naman sa akin ni Chano makalipas ang ilang sandali. Kaagad akong tumango at lumapit sa kaniya. "She's ny fiancee, guys," pakilala nya sa akin sa kanyang mga kalaban sa debates na naging kaibigan na.

"Oh, right! She's the famous Ameliah Zeich, right?" biglang sabi ng isa sa screen. Natawa si Chano at niyakap ako sa bewang.

"How was your book, so far? I've heard it reached other countries na, ah?" usisa naman ng isang babae. Tumango ako at ngumiti sa kanila.

"If I'm not mistaken, my publisher will do reprinting by next month," sagot ko.

"Might get one this time," sabi naman ni Aia. Reego's twin sister.

"Thanks, Aia," I smiled at her.

Nagpatuloy ang pag-uusap nila habang ako nama'y bumalik na sa pag-aasikaso sa bahay. Pinaliguan ko na rin ang dalawang bata na kanina pa nagmamaktol dahil aalis daw ang tatay nila. Wala naman akong magawa dahil laking tulong kay Chano ng pag-alis nya. I'm pretty sure na mas mataas na grade ang makukuha nya, idagdag pa ang company na malapit na rin nyang makuha dahil malapit na syang grumaduate. He's currently on his fourth year and graduating kaya naman masyado syang busy. May dissertation din siyang tinatapos kaya ayaw ko na rin bigyan ng sakit ng ulo.

"Pupa, alis lang ako saglit, ha? May idi-discuss lang daw yung prof namin para sa pag-alis namin bukas."

Natigilan ako sa pag-aayos ng kwarto niya nang pumasok ulit sya, ngayo'y bihis na bihis na at naka uniform kahit alas quatro na ng hapon at linggo.

"This late?" tanong ko. "We promised the twins that we'll go out for dinner!"

"Pupa..." tila nagmamakaawa nyang sabi. "I... I also have to go to Lolo."

Nang dahil sa sinabi niya ay muli akong natigilan. Kalauna'y bumuntong hininga ako at tumango. "Fine. Just be back here safely."

"Yes, ma'am!" magaan niyang sabi bago ako mabilis na hinalikan sa pisnge.

"Where's he going?" tanong ni North na kapapasok lang sa kwarto. Kagigising lang.

"School," tipid kong sagot at sinenyasan syang lumapit sa akin. "What do you want for dinner?"

"I thought we'll eat outside?" naguguluhan na tanong ng bata kaya binuhat ko na sya at inilabas sa kwarto.

"We'll save it for next time."

Kinuha ko si South sa kwarto dahil gising na rin naman sya. Napagpasyahan ko na isama ang dalawang bata sa pamimili ko ng groceries dahil wala rin naman kaming gagawin sa bahay kundi ang tumunganga.

"Nanay, when is your marriage with Tatay?" out of nowhere ay tanong ni South habang nakatulala kung saan.

Kasalukuyan kaming nasa milktea shop ng crossing dahil tapos naman na kaming mamili.

"I don't know," tahimik kong sagot. Kumuha ako ng tissue sa aking bag at pinunasan ang pisnge ni South, si North nama'y kunot-noong nakatitig sa akin kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"You don't know that's why he's still with her gir?"

Natigilan ako sa tanong ulit ni South. Nakatitig pa rin sya sa labas ng shop kaya tiningnan ko na rin ang tinitingnan nya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong magkakasama ang grupo nila Chano at ang grupo ni Chantal. Kasalukuyan silang nasa harapan ng limousine ng kotse ng Don na Lim— Chano's lolo. They're all laughing happily.

"They're his friends," sagot ko sa bata nang makabawi ako. Tahimik silang tumango at nagpatuloy na lang sa paghigop ng milktea.

"Hi! Can we sit here?"

Napabalik ako sa aking sarili nang may dalawang babae na naupo sa harapan naming tatlo. Margarita gave North a tissue quickly. Si Shawntell nama'y masayang ngumiti sa akin.

"H-hi," gulat kong sabi. Nilingon ko ang kaninang pwesto nila Chano pero wala na sila ro'n kaya muli na lang akong bumaling sa magpinsan.

"Why's he with his ex?" tanong ni Shawny. Napanganga ako dahil sa pagtataka.

"H-hindi ko alam—"

"Di ba at kasama mo sa PresSaint iyang si Chantal, M?" putol sa akin ni Shawny at nilingon ang pinsan na tahimik na tumango.

"But we're not close," MM replied. Tumango ako at hinayaan ang magpinsan na mag-usap.

"Pay's the one who'll drive his plane. He's with his friends."

Napabaling ako kay Shawny nang magsalita ulit sya, ngayo'y nakatingin ea TV sa loob ng shop. Sabay kami ni MM na nilingon ang sinasabi niya. Tumango na lang ako dahil wala naman akong makuha sa sinasabi nya.

"Mabuti at naiisingit pa nya ang pag-aartista sa course nya, ano?" mahinang sabi ni M. "He's still active in our church, too," she added.

"Best boy, indeed," sang-ayon ni Shawny. "He's never been into a relationship din. He's best boy but not good boy, though."

"By the way, bukas na pala ang alis nila Chano, ano?" pagkausap ulit sakin ni Shawntell nang mapansin na hindi ako nakikiimik.

"Ah, oo. Hindi ba kasama sila Pay?" sagot ko.

"Hindi, e. He's too busy."

Hindi na lang ako nakiimik sa usapan nila dahil wala naman akong maunawaan. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ay ang kambal. Kalaunan ay nagpaalam na rin kami sa magpinsan dahil nag-aya na ang dalawang bata. Bago kami umuwi ay dumaan kami sa bahay dahil tumawag si Daddy na doon na raw kami dumiretso for dinner.

"Bella," bati ko sa akinh kapatid nang siya ang sumalubong sa amin sa pintuan.

"Hi! Tuloy kayo," she said in her sweet voice. Tumango ako at humalik sa kaniyang pisnge bago tumuloy ng pasok kasama ang kambal.

"Kambal, dito kayo sa tabi ni Tito Pogi, dali!" tawag ni Serpent sa mga bata nang makarating kami sa dining hall ng bahay. Kaagad namang sumunod ang dalawa dahil gustong gusto nila si Pento. Ako nama'y humalik kay Daddy at ganoon din naman kay Mommy na masama na agad ang tingin sa akin.

"Mukhang pabaya kayo ng fiancee, mo?" Mommy started nang makaupo na ako.

"Po?" tanong ko. Nilingon ko si Daddy na ngayo'y seryoso na kumakain.

"Parang ilang beses na kayong hinahayaan umalis ng bahay na hindi kayo binabantayan," sagot ni Mommy. Tumango ako.

And so?

"Because she's old enough to handle her kids," si Daddy ang sumagot. Lantarang umirap si Mommy kay Dad kaya ako na ang kinabahan.

"And her boy isn't mature enough to be with them or not convinced enough to be with them?" Mommy fired again. Parehas kaming hindi nakaimik ni Dad. "Ni wala yatang plano na pakasalan ka, hija."

Dahil sa pangungutya ni Mom ay hindi na ako tuluyang umimik. Nanatili akong tahimik at kumain na lang. Napunta ang usapan nila kay Bella na hanggang ngayon ay hindi pa nila naiihanap ng papakasalan dahil ayaw pa ni Mommy... Dahil iba ang balak ni Mommy.

"If Chano won't marry Liah, baka itong si Bella ang matipuhan," sabi ni Mom kay Dad.

Bumuntong hininga si Dad. "Ameliah and Chano are in a relationship for real."

"What?" halos pasigaw na sabi ni Mommy. Nang mapansin niyang nakatitig na sa kanya si Daddy ay napaayos sya ng pwesto.

"Sir..."

Natigil ang diskusyon sa aming lamesa nang dumating si Brazen— kanang kamay ni Dad. May ibinulong sya kay Daddy kaya tumayo ito at sumama sa kanya palabas ng kusina. Kinabahan na ako dahil doon. Sinipa ko ang paa ni Serpent kaya nakuha kaagad nya ang sinasabi ko. Mabilis niyang inaya palabas ng kusina ang dalawang bata.

"So... break up with Chano na," biglang lingon sa akin ni Bella. Nangalumbaba pa siya na akala mo ay anghel na lumingon sa akin.

Nagiging demonyo talaga ang mga tao pag di nakukuha ang gusto, ano?

"Why... why would I?" tanong ko. Bahagya akong kinabahan lalo nang tumayo si Mommy.

"You have reputations, right?" she said. Kumunot ang noo ko. "You made everyone believe that you're this perfect Liah. That you're the one being adored and envied by everyone..." she added.

Naglakad palapit sa akin si Mommy. Lumapit sya sa aking tainga para bumulong. "You'll let everyone judge you just for a boy, Ameliah? You'll let them make you feel like a trash?"

"Why would I?" tanong ko lang ulit. Nagtiim bagang ako at pilit na nagpigil na sumagot pa.

"If you continue your marriage and relationship with Chano, I'll let someone ruin you, then," banta ni Mommy. Tumaas ang kilay ko at nilingon si Bella na ngayo'y nakangisi sa akin.

"Why are you both so obsessed with things I have?" tanong ko na. Natigilan sila dahil doon. "Am I really the standard, Bella?" baling ko sa aking kapatid. She was taken aback.

Mom was about to slap me when we heard Dad's voice as if he's entering the dining hall again. Umayos kaming lahat ng upo dahil doon. Masasamang tingin ang itinatapon sa akin ni Mommy sa twing mapapatingin ako sa kanya kaya umiwas na lang ako.

Nang matapos ang dinner ay umuwi na rin kaming tatlo ng mga bata dahil may dala naman akong sasakyan. Naabutan namin si Chano sa sala ng bahay na tulog na at tila hinihintay kami. Inihatid ko na ang mga bata sa kwarto nila matapos ko silang linisan bago ako dumiretso sa aking kwarto. Hindi ko na inabala pang gisingin sa Chano. Ayaw ko syang makita, sa totoo lang.

He... he just lied. Idagdag pa ang mga sinabi kanina ni Mommy na on point naman.

Dahil sa bigat ng pakiramdam ko ay mabilis akong nakatulog. Nagising lang ako nang maalimpungatan ako dahil sa ingay sa aking harapan. Hindi aki nagmulat ng mga mata, hinayaan ko lang si Chano na panoorin ako at haplusin ang aking buhok.

"I waited for you downstairs. I can't wait to tell you that Chantal was there, naiwan ko kasi phone ko dito. Ayaw ko na mag-isip ka ng kung ano," aniya. Mukhang alam na gising ako. "She was there because the meeting was general pala. Lahat ng kasali sa training ay naroon."

"You're also with her when your lolo picked you up. Mukhang kasama nyo rin sila sa dinner," sabi ko na. Hindi ko na inabala ang sarili ko na magmulat ng mata.

"I know. I am sorry —"

"Ayos lang kung ako lang sana ang nakakita na kasama mo ang ex mo. Kaso yung dalawang bata ang mas nakakita pa kaysa sa'kin," putol ko sa kaniya. Kinuha ko ang aking kumot at binalot sa aking sarili. Tinalikuran ko sya.

"Kaya nga nandito ako para sabihin sayo yon..."

"Yeah, no need," agap ko. "Matulog ka na sa kwarto mo. Maaga ka pa bukas aalis."

Hindi nagsalita sa ilang sandali na natili si Chano sa aking kwarto. Nang maramdaman kong tumayo siya ay kasunod na kaagad noon ay ang halik niya sa aking noo bago siya pumunta sa pintuan.

"Liah, mahal kita. I may look like a fool, but I do really love you," he said lastly before going out. Hindi ko na lang masyadong inisip iyon at pumikit na lang ulit.

Love does not confuse us. Sana alam nya yon. Sana lang ay hindi sya magmahal ng iba.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para ipaghanda si Chano ng umagahan. Sobrang lamig dahil sa lakas ng ulan. At dahil ayaw ko rin naman palakihin masyado ang problema namin, gumawa na lang ako ng breakfast para naman hindi kami magkaaway sa pag-alis nya. Ihahatid ko rin sya sa airport mamaya.

"Ang bango naman nyan."

My freezing body was filled with Chano's warm hug from my back. Ipinagpatuloy ko ang pagluluto ng umagahan habang nasa likuran ko siya at nakayakap.

"Are your things ready?" mahinahon kong tanong. Dinampian ko ng halik ang kanyang pisnge bago ko ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

"Yep. You prepared them yesterday kaya sigurado akong ayos na yon."

"Prepare the table," utos ko sa kanya makalipas ang sandali. Kaagad din naman siyang tumalima dahil baka maya-maya ay gising na rin ang dalawang bata.

"Sure kang ihahatid mo 'ko, Pupa? Masyadong maulan," aniya nang mag-umpisa na kaming kumain.

"Yeah. I also have to buy things for my project," tumatango kong sabi.

"Edi bili na muna tayo bago mo ako ihatid. Date na rin natin," he replied. Napaisip ako sa sinabi nya. Tumango ako nang maisip na magandang idea yon.

Wearing my red cardigan, white pants, and black sneakers, lumabas ako ng bahay para pumunta sa garahe ng bahay habang si Chano nama'y namamaalam sa mga bata.

Nang ilang saglit pa ay kinuha ko ang aking cellphone at kinuhaan ng video clip ang paglabas niya sa bahay dala ang kanyang maleta. 

He's currently wearing a black beanie, black long coat with white long sleeves inside, and gray slacks. He's with his Louis Vuitton shoulder bag and one attache case. Paniguradong paglapag nito sa airport mamaya ay lampas isang libo ang dagdag sa followers nya sa IG dahil sa makakakita sa kanya at ipo-post na naman sya.

He's good at choosing clothes. Or talagang everything about him is just really good? Idagdag pa na nakakaganda tingnan sa lalake ang mahahabang legs.

"Aww, hindi tayo makakapaggala sa gabi, Pupa," aniya nang umandar na ang kotse na minamaneho ko.

"Ayaw ko rin naman. Laging motor ang gusto mo pang midnight drive," matabang kong sabi.

"Ayaw ko ng kotse pang-rides, Pupa. Ang langkal," he pouted. Tumango naman ako dahil totoo yon.

Pero gusto ko pa rin ng midnight drive gamit ang kotse habang nakababa ang bintana. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y ang refreshing non. I'll try that some other times. Huwag lang ngayon dahil parang may bagyo sa lakas ng hangin at ulan.

Nang makarating kami sa mall ay kaagad kaming pumunta sa isang bookstore na nagtitinda ng art materials. Dahil lunes ngayon at halos lunch na, maraming estudyante ang nakatambay doon at namimili ng gamit. Nasa labas pa lang kami kanina ay nililingon na kaagad kami.

"Ang dami mo pa lang bibilhin, Pupa. Mabuti na lang at sumama ako," Chano said while holding our cart. Tanging tango lang ang isinagot ko dahil baka mawala pa sa utak ko ang aking mga bibilhin.

Nang matapos kaming mamili ay kaagad kaming lumabas ng store. Saktong labas pa namin ay saka dumagsa ang notification sa cellphone namin. Saglit ko lang na tiningnan iyon at napag alaman na puro tags at mentions iyon mula sa IG at twitter galing sa mga tao sa store.

"It's almost lunch, Pupa. What do you want?" tanong ni Chano habang buhat niya ang aking pinamili at ang isang kamay nama'y nakaakbay sa akin.

Kitang-kita mula rito sa loob na malakas pa rin ang ulan sa labas.

"I just want a pizza and coffee. It's too cold," sagot ko. Tumango siya at hinigit na ako papunta kung saan kaya naman sumama na lang ako.

"I saw Astrid and Reegs," sabi ko kay Chano nang makaupo kami sa isang restaurant. Tumango naman siya at binigyan na ako ng menu.

"Pupa, may tanong ako," said Chano. Para siyang bata na kumakain ng pizza ngayon.

"Hmm?"

"How many kids do you want?" tanong nya. Napaisip ako dahil doon.

"None," diretso kong sagot. Halatang nagulat sya dahil sa sagot ko.

"Bakit?" tanong nya. "You don't like our twins?"

"I love the twins, Chano," agap ko. "It's just that... I don't see myself bearing a child in my belly," paliwanag ko. Kumunot ng bahagya ang noo niya, kalaunan ay tumango sya.

"Okay then," sang-ayon nya. "Pupa, may tanong ulit ako," he added.

"Hmm?" nai-stress ko nang tanong.

"Gusto mo minsan maranasan yung mambulabog ng kapitbahay?" magulo nyang tanong.

"Ha?" takang-taka kong tanong. Kumuha ako ng tissue at pinunsan ang gilid ng labi nya na may sauce.

"Alam mo na yon," he smiled. "Yung mangpipindot tayo ng doorbell nila," maloko nyang dagdag kaya napailing na ako.

"Ayaw ko. That's weird."

"Ganon?" parang bata nyang tanong. I nodded. "But you like to travel? Yun bang parang we'll travel the world?" tila nagningning ang mata nya bigla.

Muli akong napaisip dahil doon. Naisip ko kaagad ang mga bagay na dapat kong gawin sa free time ko.

I shook my head and said, "I prefer to work than travel."

Bahagyang natigilan si Chano dahil sa mga sagot ko. Kalaunan ay malamlam syang ngumiti at tumango.

"But I'm pretty sure you'll do everything I say right now," aniya at nagpatuloy na sa pagkain. "Maybe with me... maybe with someone you'll do everything for," he added silently.

Hindi ko na masyado narinig iyon kaya nanahimik na lang din ako at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko alam pero naging tahimik na si Chano dahil doon pero nang palabas na kami ng restaurant ay bumalik siya sa pagiging madaldal. Lahat yata ng funny moments nila ng kanyang mga kaklase ay naikwento na nya sa akin. Bago pa kami makalabas ng mall ay nakasalubong pa namin si Gallad at si Ron.

"Gal!" masaya kong sabi at nakipagbeso sa kanya. Nilingon ko si Chano na ngayo'y kunot noong nakatingin kay Gallad.

"You two are also here!" awkward na sabi sa akin ni Gal at bahagya akong inilayo sa kanya. Natawa ako dahil doon at humawak na sa braso ni Chano.

"By the way, he's Ron Bermudez, Chano," pakilala ko. "He's Gal's... uhmm...friend," dugtong ko.

"Chano, pare," Chano offered his hand. Kaagad tinanggap ni Ron iyon. "I'm her husband."

Mabilis kong pinalo sa braso si Chano dahil doon. Narinig ko naman ang tawa ni Gallad kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"We have to go. May flight pa sya today," paalam ko sa dalawa.

"Oh, really? Good luck nga pala, pare!" masayang sabi ni Gallad. Akma syamg makikipag-apir kay Chano pero hindi sya pinansin nito. Ako na ang nakipag-apir.

"Ah, sige, una na kami, ha?" paalam ko sa dalawa at inis na hinigit si Chano paalis.

"You're so rude!" pagalit ko sakanya nang nasa sasakyan na kami.

"What do you want me to do? He's your ex! Ka-close mo pa!" tila galit nyang sabi.

"And so?" taas kilay kong tanong habang minamaneho na ang sasakyan. Mas nagalit si Chano dahil sa sinabi ko.

"Anong and so ka dyan? Kaltukan kaya kita dyan?" pikon nyang sagot kaya napasimangot na ako. "Kita mo ba kung pano sya maging komportable sayo? Dalawa pa sila—"

"They're in a relationship, Chano," pigil ko na sa kanya. Bahagya syang natigilan at napanganga dahil doon.  Natawa na ako at ipinagpatuloy ang pagtingin sa daan.

"Seryoso ka? Si Gal?" gulat na gulat nyang tanong.

"Yep," I nodded. "Nalaman ko na kaya pala di kami magka-spark dati ay dahil nga he's gay," dagdag ko.

"Gagi ang rude ko pa naman sa kanya kanina!" napatakip sya sa kanyang bibig kaya mas natawa na ako, saktong dating namin sa airport. "Bakit sabi mo kanina friends lang sila? Tsk!"

"I can't say it loud. Hindi pa alam ng lahat ang katauhan ni Gal," I sighed.

"Sana ay magkaroon na sya ng lakas ng loob," bumuntong hininga rin sya. "He have you, anyway," dagdag nya kaya napangiti ako at tumango.

Bumaba na kami ni Chano sa sasakyan. Tinulungan ko sya sa iba nyang gamit dahil ilang maleta at bags ang dala nya dahil talagang matatagalan sya don. Ayaw naman nyang don na bumili ng gamit dahil sayang daw ang pera.

Nang makapasok kami sa airport ay nagtaka kami dahil sa dami ng tao. Karamihan ayga kabataan at may mga banner pa na dala. Naka-fold at roll pa ang mga yon pero sigurado akong banners yon.

"Kayo ni Chantal ay umayos, ha?" paalala ko kay Chano nang matanaw ko na ang mga makakasama sa training. Mahigit singkwenta sila.

"Pupa, wala na yon," nakangiti nyang sabi at mabilis akong hinalikan sa  pisnge kaya ngumiti at tumango ako. "She also admitted na nagalit sya sayo nung una. Ang alam ko ay gusto ka nyang kausapin pagbalik namin. Wag lang daw ngayon dahil nahihiya pa sya."

"Okay. I'm always open for that," nakangiti kong sagot. Tumigil na kami ng paglakad dahil bawal ko naman na siyang ihatid doon. Saktong paalis na kasi sila. "Contact me when you're there na, ha?" paalala ko bago iabot sakanya ang kanyang bag.

"Yes, Martial!" pabiro pa syang sumaludo kaya natawa ako. Tumawa rin sya at kalaunan ay niyakap na ako ng mahigpit. "I'll miss you! Mahal na mahal kita, Liah," he added.

Tumango ako at niyakap siya pabalik. "I'll miss and love you always, Chano," I said as I kiss him gently. "Sige na," sabi ko matapos ko syang bitawan.

Tumango si Chano at hinawakan ako sa pisnge bago muling binitawan. "Bye!" aniya bago magsimulang maglakad palayo.

Tumalikod na ako nang makita kong nakalayo na si Chano. Muli lang akong humarap nang makailang hakbang ako. Nakita kong sinalubong sya ni Zoe ay inabutan ng papel. Dahil doon ay tuluyan na akong naglakad palayo.

Kinuha ko ang aking cellphone hababg naglalakad at nagpaka-abala sa pagtetext kay Bianca dahil gusto raw nyang makipagkita sa akin. Dahil magkaiba ang exit at entrance ng eroplano, sa may gate three ako napadaan, saktong sobrang daming tao doon dahil mukhang may kung sinong kilala silang inaabangan.

"May pagtawag ka pa dyan?" bungad ko nang tumawag si Bianca. Mas binilisan ko ng lkad dahil ang mga tao ay hindi na magkaintindihan sa pagsigaw at paglapit sa pinuntahan nila.

"Saan ka? Tara dito sa Giga!" Bianca replied.

Dahil sa curiosity ko ay nilingon ko saglit ang pinagkakaguluhan ng mga tao, saktong lapat ng mga mata sakin ng lalakeng napapalibutan ng mga tao ngayon. Hindi ko alam ang nangyari pero saglit akong natigilan dahil sa biglang pag-iiba ng mabigat na pakiramdam ko kanina, pakiramdam ko'y nakalutang ako. Nagpatuloy ako sa paglakad kahit nakatingin pa ako sa lalake, pakiramdam ko ay bumagal ang lahat ng mga oras na iyon. Natauhan lang ako nang bulabugin na ulit ako ni Bianca kaya nagpatuloy na ako sa paglabas.

"Oo, papunta na. Bye," sagot ko sa aking kaibigan at binaba ang tawag.

Nang papasok sa kotse ay napailing ako dahil naiisip ko pa rin ang nangyari kanina.

"Was I enchanted or something?" I asked myself. "Weird."

He's Konon, right? Okay that was weird, Liah.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...