Filming Love

By pink_opal_27

7.9K 446 1.1K

Can you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with... More

Cam 001: Shine
Cam 002: Pony
Cam 003: Five Years
Cam 004: Miracle
Cam 005: Stars
Cam 006: Betrayal
Cam 007: Background
Cam 008: Waiting
Cam 009: Caldereta
Cam 010: Onscreen
Cam 011: Lovechild
Cam 012: Tears
Cam 013: Surface
Cam 014: Surprise
Cam 015: Eggs
Cam 016: Game
Cam 017: Care
Cam 018: Again
Cam 019: Crossover
Cam 020: Dad
Cam 021: Mission
Cam 022: Back
Cam 023: Shadow
Cam 024: Author
Cam 025: Bestfriend
Cam 027: Give
Cam 028: Sorry
Cam 029: Station
Cam 030: Bettina
Cam 031: Villain
Cam 032: Merge
Cam 033: Drowned
Cam 034: Reunited
Cam 035: Happy
Cam 036: Family
Cam 037: Alarm
Cam 038: Opportunity
Cam 039: Big Night
Cam 040: Tired
Cam 041: Post
Cam 042: Wrath
Cam 043: Scope
Cam 044: Exercise
Cam 045: Fifth
Cam 046: Two
Cam 047: Bond
Cam 048: End
Cam 049: Ate
Cam 050: Final
Filming Love: A Love that is Yet to be Filmed

Cam 026: Start

147 12 5
By pink_opal_27

Rita's POV



"Lianna Joy Dizon, saan ka na ba ha?"



Halos isang oras na rin akong naghihintay dito sa resto malapit sa bahay nila.



Maghahangout kami tonight with Bianca sa BGC kaya hinihintay ko itong mars kong laging late.



"Teka mars. Parating na. Nagpapaganda pa kasi"



"Ay taray. Nahiya naman ako sa day cream at lip gloss ko mars. Halika na kasi dito sa resto oh"



"Sus masyado mo lang akong miss kaya ganyan ka. Sige na bibilisan ko na, text na lang ako. K bye" sabay baba ng telepono.



"Tingnan mo nga ito, binabaan pa nga ako ng telepono"



Napapailing ako.







Maya-maya ay may nakita akong pumasok sa resto. Nagtago ako sa likod ng partition papuntang CR nang makita ko kung sino yung mga pumasok.



Late ko na narealize at napagtakhan kung bakit kailangan kong magtago eh wala naman akong ginagawa. Tssss.



But minabuti kong to stay where I am now.



"Aba itong Ken Chan na 'to, nalingat lang ako, bumalik agad kay Bettina. Hoyy yung deal natin, aba"



Binulong-bulong ko sa sarili ko. Maingat kong isinisiksik ang sarili ko dito.








Ken's POV



"So Bettina, next week pala may press con ka ulit?"



"Yes. Pero mas maganda sana kung kasama kita. Nagtatampo pa rin ako sayo" pag-iinarte ni Bettina sa harapan ko.





Maya-maya pa ay lumapit ang waiter sa akin at inabot ang "menu".



Luminga-linga ako and there I found the restroom. I smiled.



"Yes, my loves? Bakit ka ngumingiti diyan?"



Agad ko namang ibinalik ang tingin ko sa kanya, "Ah wala naman. Naisip ko lang na namimiss ko rin pala yung tandem natin. Balik na kaya ako sayo?"



Ang lapad ng ngiti ng babaeng nasa harapan ko.



"Sabi ko sayo. Walang makahihigit sa isang Bettina San Roque."



I smiled. But not because sa sinabi niya but because I saw Rita na pilit na nagtatago sa may papuntang CR. Ang cute lang. Buti sinabihan ako ni Lianne. Gumanda ang araw ko na kanina pang sira dahil kasama ko si Bettina.



"What do you want to eat?" pagbaling ko kay Bettina.



"You?"



Nanlaki ang mga mata ko.



"No, I mean. Ikaw, ano ba oorderin mo?" pagbawi niya. Kinabahan naman ako, "ikaw kung anu-ano pinag-iisip-isip mo dyan my Kennie ha" pagpapatuloy niya pa.



"Steak na lang for two" pagsabi ko sa waiter.



Ibinalik ko ang menu sa kanya sabay pasimpleng tingin na naman si CR. Di ko talaga maiwasang matawa sa itsura ni Rita doon. Napapailing na lang ako para itago kay Bettina yung ngiti ko.



Maya-maya pa ay dumating na ang orders namin.



"Heyy wag mo munang islice yan" pagpigil ni Bettina sa kamay ko nung aktong hihiwain ko na sana yung steak ko.



I looked at her and said, "Why?"



"IG story ko pa kasi eh. Saglit"



Kinuha naman niya ang phone and started capturing.



Napalingon ako nang nagbukas ang pintuan. It was Lianne.



Of course, di pwedeng pahalatang close kami.



"Oh you. You are Rita's bestfriend right?" sabay turo ni Bettina sa kanya.



"Oh hi. Dating?"





Yes, I like it. Galing talagang artista.





"H-hi Lianne" alanganin kong banggit.



"Seems like enjoying ha. Sige have fun!"



Papunta na sana siya sa counter nang biglang nagsalita muli si Bettina, "You're not with that crap?"





Sinong crap?!





"Ano?"



"I said you're not with that crap, that Rita"



"Hey, sinong sinasabihan mong crap? Yung bestfriend ko? Hello baka sa pagitan ninyong dalawa, ikaw pa yung mas mukhang crap"



Nanlaki ang mga mata ni Rita. Nakikita ko siya sa peripheral vision ko.



"Lianne, tama na" pinigilan ko kasi it's not yet time para awayin si Bettina. Not yet.



"C'mon my baby Kennie. Ipagtanggol mo ako diyan sa girl na yan" maarte niyang banggit sabay hawak sa kaliwang kamay ko.



"I'll protect you from now on ha" sabay pagbaling kay Lianne, "Stop it now please"



"Fine. Tandaan mo itong araw na 'to Bettina. Pagsisisihan mo ring si Rita ang kinalaban mo"



"Wow" Bettina clapped, "Pang-FAMAS award ba yan? Takot ako sobra eh. Tandaan mo rin ang araw na ito, wag kang magpakampante. Baka ang dagang gusto mong hulihin, kinagatan na pala yung mga damit mo sa cabinet"



Nagkatinginan kami ni Lianne nang humaglpak si Bettina sa kakatawa.



What does she mean by that?



"Whatever. Hoyy Ken Chan, ayusin mo yang girlfriend mo ha"



Sabay labas ng pintuan. Hindi naman nakalagpas sa tingin ko ang kinaroroonan ni Rita.



Gulat na gulat pa rin ito sa mga narinig sa kaibigan. In fairness naman kasi, yung acting ni Lianne, iba nga.



"Kennie ko, balita ko may new project na ulit kayo ni Rita ah? Parang 2 months pa lang mula nung finale ng last niyo ah"



"Oo eh. Ang lakas kasi ng mga fans kaya tuloy yung network natin naggi-give up na sa kanila"



"Ang sabihin mo ginusto mo rin" she said.



"Actually namiss ko na ikaw kaloveteam ko ulit. Nakakamiss ka rin pala"



Yuck, author! Yuck talaga!



"Siya nga pala Bettina. Yung about pala dun sa kailangan ko pang bayaran...."



"Don't mind it too much. I told you na it's okay kahit ilang years mo pa ako bayaran diba?"



"No I mean, I'm ready to pay you in full. Gusto ko lang magpasalamat sa laki ng tulong na binigay mo sa akin at sa pamilya ko"



"Babayaran mo na ako ng full? As in meron ka na?" halatang gulat na gulat siya nang marinig ito mula sa akin.



"Oo naman. Nakakahiya na rin kasi, ilang taon na" pero ang totoo gusto ko nang kumawala sa responsibilidad ko sayo.








2020 when my dad was diagnosed with liver cancer. Dahil nga hindi na kami laging visible ni Rita on screen, bumaba nang bumaba ang engagements ko. Humina ang showbiz career ko.



That's when Bettina entered.



She talked to our admins, telling them na she would save my career.



I was so helpless that time. Nagkakalabuan na nga kami ni Rita, financially unstable pa yung family ko dahil sa sakit ni Daddy, at humihina na yung career ko.



Without me knowing kung anong pinlano ni Bettina with the admins, todo akong nagpasalamat kay Bettina for paying all my Dad's hospital bills.



Kapalit pala ng lahat ng pagtulong niya ay ang pagkakulong ko sa loveteam namin hanggang sa mabayaran ko nang buo ang itinulong niya sa amin.



Nagalit sa akin si Rita dahil akala niya pinagpalit ko na siya.



Pero mas nagalit ako nung inakala kong gumanti siya sa akin at ang paraan ng pagganti niya sa akin ay yung mabuntis siya ng Brent na yun.



Naging mahina ako.



No, pareho kaming naging mahina.



Mali ko, I did not clarify everything bago man lang ako nagalit. Mali ko rin na hindi ko naamin sa kanya agad ang problemang pinasok ko with Bettina.








Halos 10 pm na kami matapos kumain ni Bettina. Halata namang binagalan niya talaga ang pagkain niya.



Paglingon ko sa may CR ay hindi ko na nakita si Rita.



Nauna na siguro. Kanina pa siya doon eh.



"Kennie, nagtext pala yung Kuya ko. Magmeet pala kami daw tonight. Sorry di kita masamahan sa bar"



"No it's fine. Pero wait, sinong kuya mo?"



"Ha?" she looked at me. I think she's hesitant to speak now.



"I mean hindi ko narinig na may kuya ka pala. Baka pwede ko siyang makilala?"



I'm trying to dig it deeper. I need to know more of her... and of that kuya she's referring to.



"Ah wala. She's just my kuya from somewhere. You don't have to know pa. Sige na I need to go"



But I failed. Hindi na lahat ng details about her ay inoopen up niya sa akin. I think she's being careful.



She kissed me on the cheeks and bade me goodbye.



May something sa sinasabi niyang kuya na yun.



Wait, kuya niya ba si Brent? Ito na ba yung connection na hinahanap namin?



Bettina...Brent...Bettina...Brent



Pwedeeee! Pero ang pagkakaalam ko only child si Bettina eh.



Unless she did not disclose that to me.



Bago ako umalis sa resto ay napagdesisyunan kong magCR muna. Para na rin silipin si Rita kung talagang nakaalis na siya.



Palapit pa lang ako sa kinaroroonan niya ay may naririnig na ako.











Humihilik?











Paglapit ko ay nakita ko ang isang Rita na nakasandal sa pader habang....natutulog?



Bahagya ko siyang tinapik-tapik para magising ito and yes, unti-unti nga niyang iginalaw ang ulo niya.



Bumaba ako mula sa pagkakatayo para maging kalebel ko siya.



Minulat niya ang mga mata niya at kinusot.



Pagmulat niya ay biglang, "Ken??"



I smiled, "Mommy Choi, anong ginagawa mo dito? Bakit dito ka natutulog?"



"Wag mo akong matawag-tawag na Mommy Choi ha. Hindi tayo bati"



"Oh bakit naman? Kanina ka pa dito?"



"Oo kanina pa. At nakita ko yung paglalandian ninyo ng Bettina na yun."








Rita's POV



Nakakainis tumatawa pa itong mokong na ito sa harap ko. Akala ba niya nakakatawa yung ginagawa nila kanina.



Teka, nagseselos ba ako? Hindi no. Hindi dapat.



"Tatawa-tawa mo dyan?"



"So kanina ka pa dito? Inistalk mo ba ako?" tanong niya habang feeling ko mas nilalapit niya ang mukha niya sa akin.



Napatayo ako bigla. Muntik na tuloy kaming magkauntugan ng ulo.



"Hindi no. In your dreams. Gusto ko lang kasi sana ipaalala sayo yung deal natin na maging daddy ni Dani, remember?"



"Tell me nga, Rita. Bakit mo ba gusto akong mag-act as if daddy ako ng anak mo?"



I smirked. Naglakad na ako papalabas ng restaurant.



I looked back at him just to say, "You're the dumbest person I ever met. Goodbye!"









Ken's POV



"Little did she know, I knew it already. Dani's the most precious gift God gave to me"





----------

Continue Reading

You'll Also Like

44.6K 193 6
Smuts for You horny animals
3.6K 83 8
So here's taglish version..
19.5K 896 68
Quotes about inspiration, sad quotes, happy quotes, birthday quotes, anniversary quotes motivational quotes.
336K 19.4K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong