Serene's pov
Today is the day of Luke and I's fifth monthsary. In five months I can say that I have learned to love him.
Susurpresahin ko siya sa condo niya nagging umaga. 6am.
Agad among nagpamaneho sa driver namin para bumili ng cakes and some ballons. Pagbaba ko sa harap ng building ay pinaalis ko na agad ang driver ko.
"Good morning, miss. Who are you going to?" the receptionist asked me.
"Lucas SanFord-"
"Wait, miss. Tatawagan-"
"Oh, no. I'm his girlfriend. I am going to surprise him." Sabi ko at tinanggal ang mask ko.
Yeah, kilala nila ako rito. Ilang beses na kaming nakapunta ni Tanya rito.
"Ohh, okay ma'am."
Agad naman akong pumunta sa elevator at pinindot ang 8th floor.
Pagdating ko sa palabag ay dumeretcho agad ako sa pinto ng condo ni Lucas. Kinuha ko ang susi at binuksan yun.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto niya.
I know he will be surprised kasi ngayon lang ako pupunta dito na mag-isa at hindi niya ako pinilit.
Ngumiti ako at binuksan ang kwarto.
Bumungad sa akin ang ilang damit na nakakalat pati ang bra ng babae.
May divider na nakaharang sa kama kaya wala pa akong makita.
Gusto kong tumakbo at iwasan ang kung ano mang makikita ko rito. Pero hindi ako Si Serene kung tatakbo lang ako.
Pinipigilan ko ang luha ko habang nakatingin sa dalawang taong magkayakap sa kama. Dalawang taong kilalang kilala ko.
Ang kapal nila para lokohin ako.
Hinulog ko ang cake na dala ko at binitawan ang lobo na hawak ko. Hindi sila nagising. Pagod eh.
Umupo ako sa tapat ng kama.
Nakatingin ako sa dalawang taong gusto kong saktan ngayon din.
Kalahating oras ang dumaan ng magising ang kambal ko.
Oo, si Serenity ang katabi ng boyfriend ko.
"Hi, twinny. Goodmorning!" nakangising bati nito sa akin bago sinuot ang damit ni Lucas na nasa lampshade pa.
"Goodmorning too, Serenity. How's your sleep?" seryosong sabi ko sa kanya.
Nakatingin ito sa mukha ko.
"What? Oh, are you expecting me to cry just because I saw both of you naked on one bed?" Tanong ko sakanya.
"Yes, pero nakalimutan ko. Magaling ka palang magtago ng nararamdaman. Masakit bang makita na may ibang katabi ang boyfriend mo?" Nang iinsultong sabi nito sa akin.
"Masakit? Actually, no. I'll even thank you because now i know he doesn't deserve someone like me. I will no longer waste my time in our relationship and...." Tinignan ko siya ng matiim, "Akala ko attention seeker ka lang, kaladkarin din pala."
Galit itong tumingin sa akin.
" Tanggapin mo na lang na naagaw ko siya!!!"
Duon nagising si Lucas at gulat na nakatingin sa akin. Agad itong tumayo at nagpalipat lioat ng tingin sa akin at kay Serenity.
"What happened?" Naguguluhang tanong nito. Humarap ito sa kin," baby, hindi ko alam na-"
"Shut up, Lucas. "
"Baby, I'm drunk. I didn't mean what happened, that means nothing." nagmamakaawang sabi nito at lumapit sa akin pero tumayo ako at umatras.
"Distance, Lucas. I might hurt you," sabi ko.
"Baby-"
"Kailan niyo pa ako niloloko?"
"Hindi- baby, hindi. Lasing ako kagabi-"
Tinignan ko siya.
"No more excuses, Lucas. Happy 5th monthsary and let's break up!" Mariing sabi ko.
Lumuhod siya sa harap ko pero tiinulak ko lang siya.
"Baby, please. Let me explain," pagmamakaawa nito.
Hindi ko siya pinansin at hinarap si Serenity.
"Naagaw mo siya? You can have him, at wag kang mag-alala hindi ko siya kukunin sayo. Hindi ako namumulot ng nilawayan na ng iba." Sabi ko at agad umalis.
Sinubukan pa akong pigilan ni Lucas pero agad ko itong sinipa sa pagkalalaki niya.
"Serves you right,"
Sinigaw niya pa ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin.
Pagpasok ko sa elevator ay nagbagsakan na ang mata ko.
"Damn them!"
Agad akong dumeretcho sa condo ni Tanya. Nakita ko siya na nag aalmusal na.
"Good morning si- wait, umiyak ka ba?" Tanong nito at agad tumayo. Niyakap ko agad siya. " ok ka lang?"
"They betrayed me," mahinang sabi ko.
"Anong nangyari? Sino ang nanloko sayo? Serene," sabi nito at pinaupo ako.
"I saw Serenity and lucas naked in his condo," sabi ko rito.
"Ay gago ampt. Yung kambal mo! Bwesit, tara sasampali-"
"Enough, we broke up-"
"Aba dapat lang. Malanding Lucas yun, nakuha pang makijugjugan sa kambal mo pa. At ang kambal mo hindi lang pala artista sa galing umarte, bold star pa." inis na sabi nito.
"Am i not enough?" I asked.
"Syempre enough ka. Sobra pa nga, ikaw kaya si Serene. Sadyang tanga lang si Lucas na lulokohin ka. Idagdag mo pa na may kambal kang ahas," sagot nito. " okay lang umiyak."
"No, tama na ang pag-iyak ko kanina. Hindi dahil kay Lucas. Kundi dahil sa kambal ko, hindi ko na alam kung bakit niya gustong agawin lahat sa akin." Bulong ko.
"Inggitera kasi siya, sana sinabi mo kay Tito at Tita Shannie ang ginawa ng kambal mo."
"I did, sinend ko ang picture ni Serenity at lucas na magkatabi sa kama. Mom is calling me multiple times." Sabi ko bago tumayo. " I need to go."
Nagpumilit pa siyang ipagdrive ako peri tinanggihan ko na.
Pag-uwi ko ay nakita ko si Mommy na umiiyak habang nakayakap kay Daddy.
Pagkakita sa akin ni Mommy ay agad akong niyakap.
"Baby, are you okay?" tanong nito sa akin.
"Should I be okay, mom? Serenity betrayed me, she slept with my ex-boyfriend." Mahinang sabi ko.
Naramdaman ko rin ang pagyakap ni Daddy.
Parehas silang tahimik ng dumating si Serene.
Agad humiwalay si Mommy sa akin at nilapitan si Serenity.
Nagulat ako ng Sinampal niya ng malakas si Serenity.
Kita ko ang gulat sa mata ni Serenity, dahil ngayon lang nagalit ng ganito si mommy sa kanya.
"Mom-"
"Really, Serenity? Lahat binigay ko sayo, everything!!kahit ang oras na para sana sa kambal mo ay binigay ko sayo, bakit?" Galit na umiiyak si Mommy.
"Mommy-"
"Kulang pa ba? Saan ako nagkamali ng pagpapalaki sayo? Bakit nagawa mong ahasin ang boyfriend ng kambal mo?"
"M-mommy, mahal ko siya. A-ako ang unang nakakita sa kanya, mahal ko siya- inagaw lang siya sa akin ni Serene." umiiyak na paliwanag nito.
Umiiling si mommy na tumingin kay Serenity.
"You gave yourself to Serene's boyfriend because you love him? Serenity, you are pathetic. I am very disappointed, from now on you are grounded. Sa lahat ng oras may guard na magbabantay sayo."
Nakita ko pa ang pagpatak ng luha ni Mommy bago ito umalis.
"Hindi na kita kilala Serenity. Gusto kong magalit at sumbatan ka. Pero hindi ko gagawin yun, iintindihin kita kasi anak kita. Alam mo ang nararamdaman ko ngayon?-"
"Daddy, I'm sorry." umiiyak na sabi nito.
"Kwenekwestiyon ko ang sarili ko bilang ama. Hindi kita nagabayan," sabi ni Daddy.
Hinarap ako ni Daddy.
"I'm sorry, Anak. Alam ko masakit pero sana patawarin mo ang kambal mo." Malungkot na sabi nito. Inakay ako nito at nilapasan si Serenity na umiiyak.
Dinala ako ni Daddy sa room ko.
"Okay lang umiyak, Anak." Sabi nito sa akin.
"Don't woworry to much, Daddy. I'm not Serene Evans kung dahil lang duon panghihinaan na ako ng loob." Mapait na sabi ko bago niyakap si Daddy.
It hurts me more dahil kambal ko na pinipilit kong intindihin sa ilang taon ang manggagagi sa akin.