Kundiman

By IndefiniteNiah

61 6 0

Ang mga nobelang isinulat patungkol sa pag-ibig ay kalimitang nauuwi sa kasal. Ang iba sa kanila'y nagmula pa... More

Prologue:
02
03
04
05
06
07
08
09
10

01

14 1 0
By IndefiniteNiah

Jonathan Castillo’s POV


July 03, 2006



Mag-aalas ocho na ng umaga at heto ako ngayon tumatakbo pa rin papuntang classroom.




“Hala ka Jonathan! Yari ka na naman kay Abby!” sigaw sa akin ni Enzo nang makasulubong ko siya sa hallway.




Sa halip na sumagot ay tinanguan ko na lamang ito at mas binilisan pa ang takbo habang nagbubutones ng polo.




Si Abby.



Siya lang naman iyong masungit na babae na halos taon-taon ko nalang kaklase. Hindi ko nga rin alam kung bakit mula kinder hanggang ngayong highschool ay hindi nawawala sa landas ko.



Hindi naman kami nagkikibuan pero madalas ay magkatabi kami ng upuan. G-15 kasi siya at palaging B-15 naman ako.




Siya lang naman ang nag-iisang masungit na monitor namin na tapat na tapat kung magbigay ng report sa adviser namin patungkol sa attendance!




Ewan ko ba! Mukhang hindi siya napapagod sungitan kaming mga madalas ma-late at umabsent sa klase. Maganda naman siya, matalino, pero wala ata sa bokabularyo  niya ang ngumiti, kaya walang sinuman ang nangangahas na lumapit sa kaniya.




“Mr. Castillo, you’re late again! Halos napapansin ko araw-araw ka ng late ha!” unang bungad sa’kin ni Mrs. Agoncillo, ang Filipino Teacher namin.




Hapong-hapo akong humakbang papasok at yumuko. Halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. At syempre hindi ako makakatakas sa tingin ng monitor naming nakataas ang kaliwang kilay habang hawak-hawak ang ballpen at attendance sheet saka isusulat ang pangalan ko roon.




Ganito palagi ang eksena ‘pag umaga sa tuwing dumarating ako ng late. Dapat daw ay masanay na ako ikanga nila dahil halos wala naman na raw bago, pero ‘di ko alam. Hindi ko maiwasang manginig sa tuwing nagiging sentro ako ng atraksyon. Bigla-bigla na lang lalakas ang kabog ng dibdib ko at maya-maya lang ay mangangailangan na ako ng enhaler  upang makahinga nang maayos. Dahil kung hindi, maaaring bumulagta na lang ako ng kusa.



“Take your seat, Mr. Castillo,” muling tugon ni Ma’am.



Mas iniyuko ko pa ang ulo ko saka naglakad papunta sa upuan. “Makikiraan,” tugon ko. Nakaharang kasi iyong bag ni Abby sa dadaanan ko. Nakasabit ito sa upuan ng kaklase naming nakaupo sa harap niya.



“Siguro walang orasan sainyo ‘no? Mapupudpod na ang ballpen ko kakasulat ng pangalan mo rito!” Umusog siya nang kaonti at saka ako dumaan at umupo.




Ngayon ang ikatlong araw ng Foundation Day sa eskwelahan namin. Ngunit kagaya dati, bago kami palalabasin para lumahok sa iba’t ibang activities ay tinitipon muna kami ni Ma’am Agoncillo rito sa loob ng classroom para sa attendance at para na rin bumili muna sa kaniya ng mga tinda niyang polvoron.



“Since you’re all here, pwede na kayong lumabas. This is the 3rd and last day of our school’s foundation day, and I want you to enjoy it! Maraming booths at mga tinda sa labas na pwe-pwede niyong bilhin pero bago iyan, walang lalabas sa classroom na ito nang hindi bumibili ng special manggulay polvoron ni Ma’am ha?”


Sabay-sabay na nagsipagkamutan ng ulo ang mga kaklase ko. Hindi naman kasi gaano masarap ang polvoron ni Ma’am pero ‘gaya ng sinabi niya, lahat kami ay obligadong bumili, kaya wala kaming magagawa kahit na hindi namin ito gusto.


At isa-isa na nga ang nagsisipagtayuan papunta sa unahan at kaniya-kaniyang dukot ng dalawang piso sa bulsa kapalit ng isang polvoron ni Ma’am.



“Oh Mr. Castillo, ‘wag mong sabihing pati sa pagbili ng polvoron ko ay late ka pa rin?”  Nakita kong napahalukipkip sila Abby at ang mga kaibigan niya sa naging tugon ni Ma’am.



Dalawa na lang kasi kami ni Eduardo ang nananatiling nakaupo rito.




Bago ako dumiretso sa unahan ay sinenyasan ko muna ito saka deritso na ring tumayo.



“Dalawa po, Ma’am. Tag-isa po kami ni Eduardo,” magalang na tugon ko.



Bahagyang kumunot ang noo ni Mrs. Agoncillo at sa isang saglit lang ay binigyan niya na kami ng tag-isa bago kami tuluyang lumabas ng pinto.



“Salamat Jonathan ha!” Tinapik ako ni Eduardo sa balikat at nginitian ko naman ito.


Tinugon ko ang pagtapik sa balikat niya saka tinahak ang daan papuntang basketball court. Maganda ang laban ngayon 1st year vs 4th year, championship pati! Siguradong bakbakan ‘to!



Siya nga pala, si Eduardo. Siya lang iyong nag-iisang kaibigan ko rito. Katulad ni Abby ay kaklase ko rin siya mula kinder hanggang ngayon. Kaya nagmistulang magkapatid na kaming dalawa. Salo ko siya at salo niya naman ako. Kahit sa ranking pinagsasaluhan namin ang pagiging Rank 1.



“Velazques for three!” panggagaya niya sa nagsasalita sa unahan.




“Ayon!” sigaw ko. Naipasok nga ni Velazques ang bola!



Si James Franco Velazques ang Team Leader at Captain Ball ng Varsity Team. Ahead lang kami ng dalawang taon sa kaniya dahil 1st year highschool pa lang siya samantalang graduating na kami next year.



Isa siya sa mga kinagigiliwan at pinagtitilian ng mga babae dito sa campus. Sa unang tingin palang kasi sa kaniya ay hindi mo masasabing 1st year pa lang siya. Matangkad, maputi at nanggaling sa mayamang pamilya.



Ultimo ang matigas at masungit na Abby ay patay na patay sa kaniya.


“Kita mo ‘yon Jonathan? Last 3seconds tapos nai-shoot niya pa!” hangang-hangang sambit ni Eduardo saka tumayo pa sa sobrang tuwa. Panalo kasi siya sa pusta panigurado dahil panalo ang Varsity Team.


“Oo nakita ko, balato naman d’yan!” pagbibiro ko. “Jingle muna ‘ko!”


“Sige! Fishball tayo sa plasa mamayang gabi!”

Kinuha ko na iyong bag ko at muling ngumiti kay Eduardo saka sumenyas na papuntang CR.





Grabe! Ihing-ihi na talaga ako kanina pa! Kaya lang sobrang intense ng laban, ultimo kaonting segundo na lang talaga, pwedeng matalo na ang Varsity Team pero dahil sa liksi ni Franco, ayon! Naipanalo pa naman!

Napangisi ako sa aking sarili nang mapagtantong para na akong isa sa mga baliw sa lalaking 1st year na ‘yon!



“Tulong! Tulongan niyo kami! Na-lock ang pinto! Tulong!” sigaw ng babae sa ‘di kalayuan.


Kumalat-kalat ako at hinanap kung saan nanggaling ang sigaw.


Nasa dulo na ako ng campus ngayon kung saan tanging ang CR na lang ng pambabae at panlalaki ang naririto.


Maya-maya pa ay naisip ko marahil sa CR ng babae nagmula ang sigaw! Tumakbo ako at sa abot ng aking makakaya ay pinilit kong h’wag munang palabasin ang tubig ng katawan ko.

Nakita kong gumagalaw ang door knob ng CR pambabae na para bang pilit binubuksan, kaya’t dagli ko itong nilapitan.


“Tulong! Nandito kami sa loob!” muling sigaw nito.


Sa halip na sumagot ay tumakbo ako palabas at kumuha ng malaking bato.


Hindi naman siguro ako mapapagalitan kung sisirain ko ‘to lalo na’t may nangangailangan ng tulong sa loob.


Sinimulan ko ng pukpokin ang door knob nang buong lakas ko para mabuksan ang pinto.



Imbes na sigaw muli ang marinig ko, ay tila mga hagikhik ng mga babae ang nauulinigan ko.


‘Di ko na iyon masyadong pinansin, at nagpatuloy na lamang sa pagsisira ng door knob.



Ihing-ihi na talaga ako, walang halong biro! Pero pinalaki ako ng Mama kong mas unahin ang iba kaysa ang sarili kahit na halos mangiyak-ngiyak na ako!


“Sandali ito na!” hapong-hapo kong tugon saka itinulak ang pinto.


Sa hindi inaasa-asahan ay biglang naging bilugan ang mga mata ko! Hindi ko alam kung bakit pero hindi pagkatakot ang nakikita ko sa mukha niya!




“Teka.....Ikaw?!” kunot-noo niyang sambit habang nakaturo pa sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...