Embracing Her Lies (THREE KIN...

By LegendArie

5.5M 150K 132K

Three Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler) More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 18

89.2K 2.7K 2K
By LegendArie

Cinnamoan

"Vanny!" Napatalon ako sa gulat nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

Napahawak pa ako sa sariling puso bago lingunin si Joji na ngayon ay nakabaon ang buong katawan sa buhangin, ulo lang niya ang nakikita.

Nilapitan ko siya. "Ano'ng ginagawa mo r'yan?" I asked.

Nalukot ang mukha niya. "Ibinaon ako nung dalawang tanga," aniya at inginuso pa si Russ at Bricks na parang mga batang naghahabulan sa dalampasigan.

"Tulungan mo naman ako, Van, nangangalay na buong katawan ko," nagmamakaawang aniya.

Naawa naman ako kaya mabilis ko siyang hinukay mula sa pinaglibingan sa kanya. Napangiwi ako nang makaahon si Joji, hindi na kasi pantay ang kulay ng katawan at mukha niyang nasunog na sa araw.

"Thank you, Van!" Akmang yayakapin niya ako pero natigilan siya. "Off limits nga pala, baka magaya ako kay Evren," bulong niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ano'ng nangyari kay Evren?" I asked him, brows creased.

Joji scratched his nape and tried to avoid answering my question. "Oo nga pala, nilalapitan ka pa ba nung Rika ba 'yon? Yung mukhang tarsier."

Gusto kong matawa sa description ni Joji kay Rika dahil may kalakihan naman talaga ang mata ng babae.

"Hindi na, bakit mo tinatanong?" Sabay kaming naglakad patungo sa yate na pinadala ng Papa ni Bricks.

Solong anak si Bricks ng CEO ng yatch company, si Russ naman ay anak ng CEO ng Telecom Company at itong si Joji ay anak sa labas ng CEO ng may-ari sa isang cellphone company.

Everyone in the frat were all born with gold spoon-- privilege children indeed.

"Buti naman, takot na lang nila kay Blare," ngumisi siya, natigilan naman ako.

Huminto ako sa paglalakad at nilingon si Joji. "Bakit naman sila matatakot kay Blare?"

Muli niyang kinamot ang batok at mukhang gustong sampalin ang sarili dahil may sinasabi siyang hindi naman niya dapat sabihin.

"Ano kasi..." naglikot ang mga mata ni Joji.

"Ano'ng ginawa niya?" I crossed my arms and waited for his answer.

I don't even know that Blare is aware of how Rika and her friends used to treat me.

Bago pa makasagot si Joji ay may tumikhim na sa likuran namin. Amoy pa lang ay alam ko na kung sino ito kaya kahit hindi ako lumingon ay sigurado akong si Blare 'yon.

"Joj, tawag ka ni Blake," si Joji ang kinakausap niya pero ang mga mata ay sa akin naman nakatingin.

"Oki doki.. coming, papi!" bulalas ni Joji bago tuluyang umalis at iwanan kaming dalawa.

Sinalubong ako ng magkasalubong niyang mga kilay nang tumingin ako sa kanya, ano bang problema niya?

"Why are you with him?" mahina ngunit halatang naiinis ang boses niya.

I shrugged. "Tinulungan ko lang, kanina pa kasi siya nakabaon."

"Uy ano 'yang nakabaon na 'yan ha?" Dumaan sa gilid namin si Russ na naniningkit ang mga mata sa amin.

Hindi ko gets ang sinabi niya pero agad din niya kaming nilagpasan nang samaan siya ng tingin ni Blare.

"Why are you walking alone? Bakit wala kang kasama? Nasaan ba si Margaux at Donna? Baka biglang may humila sa 'yo d'yan. Tsk," iritado niyang saad at hinila ako papunta sa malaking yate.

Napanguso ako, siya nga itong nanghihila sa 'kin eh. Come to think of it, kanina noong naglalangoy kami ay nakita ko si Margaux na pumasok sa kuweba pero hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik, si Donna naman ay kasama si Blade.

Noong makaakyat kami sa yate ay sinalubong kami ng nakasimangot na si Bricks. Pabiro siyang sinikmuraan ni Blare nang madaanan namin siya.

"Oh, bakit ganyan mukha mo?" puna niya rito.

Lumabi si Bricks. "Si Captain kasi kumain ng tahong hindi naman namimigay, favorite ko kaya 'yon."

"Ulol, akin lang 'yon," singit ni Blake na nasa unahan lang pala namin katabi ang namumulang si Margaux.

Malaki ang yate na pinadala ng Papa ni Bricks, kasyang-kasya ang buong frat. Ang iba ay umiinom sa taas, ang iba ay nagsusugal sa cabin, si Blare at ang mga kapatid niya ay nasa cockpit kasama sila Joji habang kaming tatlo naman nila Donna at Margaux ay nasa deck.

Para na naman kaming Powerpuff girls dahil noong nagpalit kami ng bikini ay kulay red one piece ang sinuot ni Margaux, green two piece sa akin at blue ang rash guard ni Donna.

"Talon tayo, sabay-sabay ah?" ani Margaux, nasa gitna nila ako ni Donna at pareho silang nakahawak sa kamay ko.

Magda-dive kaming tatlo habang magkakahawak ang kamay dahil trip nila. For memories daw.

"Blade!" Sigaw ni Donna sa boyfriend niyang nasa pit sa taas namin, nilingon siya agad nito at itinaas ang suot na shades.

"Po?" May kalakasan na sigaw ni Blade upang marinig siya ni Donna.

"Get my DSLR! Take a video of us, tatalon kaming tatlo!" aniya, tumango lang si Blade at sinunod ang utos niya.

Maging si Blake at Blare ay nakatitig na rin ngayon sa amin habang sumisimsim sila ng alak.

"Lovey! Ingat!" Blake shouted, concern is evidence in his voice.

Hindi ko mapigilan ang mapadako ang mga mata kay Blare, wala man siyang sinabi pero mabigat naman ang laman ng titig niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

May kataasan ang deck dahil mataas ang yate kaya napatili ako nang tumalon kaming tatlo, tamang-tama lang ang tubig kumpara kanina na medyo mainit dahil umaga, ngayon ay medyo hapon na kaya warm water.

Ilang minuto din kaming naglangoy at nagtampisaw bago mapagdesisyunan na umakyat na muli. Nagulat pa ako nang may mag-abot ng kamay sa akin, nang tumingala ako ay si Blare 'yon.

"Thanks," bulong ko nang tanggapin ang kamay niya, inabutan niya rin ako ng towel at siya na mismo ang magbalot noon sa katawan ko.

"Cover up, bago ako makadukot ng mata," bulong niya na hindi ko naman naintindihan. Ako ba ang kausap niya?

Dumaong ang yate pabalik sa dalampasigan dahil kakain kami, nang bumaba kami ay naabutan naming nagkakagulo ang mga tao malapit sa dagat.

Naunang maglakad papunta sa restaurant na malapit ang iba at ako ang nahuli dahil ninanamnam ko ang buhangin sa paa ko, minsan lang akong makapagbakasyon kaya sulitin na.

"Hindi ka pa ba gutom? Tara na," nagulat ako nang sabayan ako ni Blare sa paglalakad, mukhang kanina pa niya ako sinusundan.

"Tulong! May nalulunod!" Pagkarinig noon ay kumaripas agad ng takbo si Blare at walang pag-aalinlangan na tumalon sa dagat upang sagipin ang babaeng nalulunod.

Nang makaahon ay hiniga niya ang babae sa buhanginan, tumakbo ako sa gawi nila at pinalibutan kami ng ilang mga tao, maging ang frat ay bumalik papunta sa kinaroroonan namin.

"She needs CPR, damn!" Blare hissed. Akmang ilalapit na niya ang mukha sa babae para bigyan ito ng rescue breath pero inunahan ko siya.

"Tabi, ako ang nursing dito," saad ko at ako na ang nag-revive sa babae. I gave her chest compressions followed by mouth to mouth breaths.

Ilang sandali lang ay nagkamalay na ang babae kaya nakahinga ako ng maluwag, nagulat pa ako nang palakpakan ako ng mga tao sa paligid. Ang ilang bullets ay sumipol pa at nag-cheer sa 'kin.

"Baka Doctora Vanessa namin 'yan!" Sigaw ng three ids, napailing na lang ako, mga siraulo.

Dumiretso kami sa restaurant sa hindi kalayuan para sana kumain, hindi pa naman ako nakakasubo ay mayroon nang sumisigaw sa loob ng resto.

"Nasaan yung magandang nursing?" Sigaw ng isang lalaki, naglilikot pa ang mga mata nito.

"Ayun, pre!" saad ng kasama niya at tinuro ako. Sabay pa nila akong nilapitan.

"Miss, may nalulunod na naman!" saad nito kaya madali akong napatayo, pakiramdam ko ay responsibilidad ko silang tulungan kasi nga nursing ako at mas may alam ako tungkol doon.

Nataranta ako at nagtatakbo patungo sa sinasabi nilang nalunod, naabutan ko agad ang isang lalaking nakahiga sa buhanginan. Hindi ko pa naman siya nalalapitan ay may isa na namang lalaki ang nalunod din daw.

"Hala! ang dami namang nalunod," hindi mapakali kong saad dahil ilang lalaki na ang biglang nagsilunuran.

Ha? Bakit puro lalaki ang mga 'to?

Lalapit na sana ako ngunit may matigas na kamay ang pumigil sa braso ko, nang lingunin ko ito ay naabutan ko ang madilim na mukha ni Blare.

"Bitawan mo 'ko, I need to revive them," nagpumiglas ako.

"No!" matigas na tutol niya.

"Blare! Nalunod sila, I need to help them," I frustratedly said while looking at the drowned men, kawawa naman.

"May mga life guards naman, let them do their jobs," matalas ang binato niyang tingin sa mga kawawang lalaking nakahiga sa buhanginan.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, bakit ba ang laki yata ng galit niya sa mga nalulunod na 'to? Ano'ng kasalanan nila sa kanya?

Hindi ko pinansin si Blare at nilagpasan siya pero ilang saglit lang ay binuhat na niya agad ako na parang sako ng bigas! What's wrong with him?

"Ano ba? Paano kung mamatay ang mga 'yon" Singhal ko sa kanya nang makalayo na kami at binaba niya ako.

"Edi ipalibing," walang pakialam niyang saad kaya napataas ang kilay ko.

"Why don't you just let me help them?" naiirita kong turan.

"Why can't you see that those bastards are just pretending?" magkasalubong ang mga kilay niya at halatang naiinis pero ang boses niya ay nananatiling kalmado habang kausap ako.

"Bakit naman sila magpapanggap na nalulunod?" I crossed my arms and winged up my brows.

"Because they wanted to taste your lips! Damn!" he stared at my lips for a moment before frustratingly combed his hair using his fingers.

Natahimik ako sandali bago muling nagsalita. "And.. and why would they want to taste it?"

Kinagat niya ang sariling labi bago ako sagutin. "Because you have a lips that men would die and kill for... tangina, kahit ako makikipagpatayan para mahalikan ka."

"Ano?" Kumunot ang noo ko, hindi ko na kasi narinig ang huli niyang sinabi.

Bumusangot ang guwapo niyang mukha. "Wala."

"Ako nga nagtitiis na hindi ka halikan tapos sila makakahalik? Ano sila sinu-suwerte? Magpapatayan muna kami," para siyang bubuyog na bumubulong na naman.

"Ano na naman?" hindi ko na naitago ang iritasyon sa mukha ko. Paano kasi ay nagsasalita pero siya lang ang nakarinig.

Inirapan niya ako. "Wala."

Nalukot ang mukha ko at umiling na lang, hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Blare kaya bumalik ako sa dalampasigan at nakahinga ako ng maluwag dahil wala na doon ang mga lalaking nalunod kanina, siguro ay nasagip na o kaya ay may dumating na medical team para bigyan sila ng assistance.

Sinalubong ako ng panunukso ng bullets nang makabalik kami sa restaurant.

"Doc, hindi ka pala puwedeng isama sa beach, dumadami ang nalulunod para magpasagip sa 'yo."

"Vanny, ang daming lalaking handang malunod para lang mapansin mo."

"Nakakalunod naman talaga ang ganda ni Van."

Ngumuso ako at bahagya na lang silang tinawanan, bumalik ako sa puwesto ko kasama si Margaux at Donna na nakangisi sa akin.

"Ang hot mo naman kasi kanina, girl! Ngayon lang ako nakakita ng nagbigay ng CPR pero mukhang model ng bikini," puri ni Donna bago humagikgik sa gilid ko.

Namula ang mukha ko sa papuri niya lalo na nang dagdagan pa 'yon ni Margaux.

"Parang scene sa movie, Vanessa as the hot and sexy doctor," ani Margaux. I blushed upon hearing their compliments. Bakit ba mas kinikilig pa ako sa papuri ng mga babaeng 'to kaysa sa mga lalaki?

Pagkatapos kumain ay nagpahinga kaming tatlo, gumawa ng sandcastle na hugis initials namin na 'MVD' bago namin maisipan na sumakay sa speedboat.

Si Margaux ang nagmamaneho ng speed boat habang kaming dalawa ni Donna ay chill lang na umiinom ng wine sa likuran.

Hindi ko namalayan na sinusundan pala ng bullets na nakasakay sa jet ski ang speed boat namin, pinapalibutan nila ito at inaangasan ang ibang lalaking nakatingin sa 'min.

Sa gilid ng kinaroroonan ko ay nandoon ang jet ski na pinapatakbo ni Blare, namumula na ang tungki ng ilong at dibdib niya dahil naiinitan kaya mas lalo siyang nagmukhang mestizo, sa likuran niya ay naka-puwesto si Evren katapat ni Kirby na nasa gilid ng kinaroroonan ni Donna.

"Nakasimangot na ngumuso si Donna."Etong mga lalaking 'to, hindi puwedeng hindi nakasunod."

Itinaas ni Margaux ang shades nang lumingon sa amin. "I know right? Para namang hindi tayo babalik kung makabantay."

Napailing na lang ako, they are all protective, no wonder lahat ng lumalapit sa amin ay napapaatras.

Dalawang ikot ang ginawa namin bago bumaba, naging abala si Donna dahil tinuturuan siyang mag-surf ni Blade, si Margaux naman ay hinila na ni Blake kung saan man.

"Where are you going?" tiningala ko si Blare na nasa gilid ko na naman, he's shirtless and towering over me.

"Shower lang," sagot ko, tumango naman siya at sumunod pa rin sa 'kin kaya napakunot ang noo ko.

Nilingon ko siya. "Sa shower po ako pupunta, bakit nakasunod ka pa rin?"

Napahinto siya at nagkamot ng batok nang ma-realize ang sinabi ko. "Oh, yes... baka kailangan mo ng tulong?"

Kinunutan ko lamang siya ng noo at nauna nang maglakad. Pambihira ang lalaking 'yon, simula noong maraming nalunod ay lagi na lang niya akong sinusundan, hindi ko alam kung bakit pero para siyang naging bodyguard.

"Kaya kong mag-isa, sumama ka na lang sa frat," tinuro ko pa ang frat na nasa pavilion hindi kalayuan.

"Just do your things, Vanessa. I'll wait for you," he said with conviction, tinaasan pa niya ng kilay ang ilang lalaking tumitingin sa amin.

Tumango na lang ako at maglalakad na sana pero may babae siyang nakabunggo, natapon ang hawak nitong cup sa mismong shorts ni Blare.

"Ow shit!" Nagtatalon siya dahil umuusok pa ang laman noon at tumapon mismo sa 'ano' niya.

"Sorry po! Sorry talaga! Hala! Mainit pa naman ang cinnamon coffee ko!"
Nataranta na saad ng babae at akma niyang pupunasan ang natapong cinnamon coffee sa ibabaw ng alaga ni Blare pero mabilis kong tinabig ang kamay niya.

"Ako na. You can go," saad ko sa babae bago ako mapangiwi nang makita kong nagtatatalon na si Blare hawak ang ano niya.

Napailing ako at kinuha ang yelo mula sa juice na iniinom ko kanina at ibinalot ko 'yon sa beach cover na suot ko.

"H'wag kang malikot, halika nga rito," hinila ko si Blare na hindi mapakali at pinahiga siya sa recliner malapit sa 'min.

Bago pa makapag-isip ay nailagay ko na agad ang yelo sa ibabaw ng alaga niya. Kapwa nanlaki ang mga mata namin nang mahina siyang umungol.

Agad kong inalis ang kamay ko roon at numumulang nag-iwas ng tingin. Siya naman ay namula ang tungki ng ilong at magkabilang tainga.

"S..sorry," nahihiya kong saad. Gusto kong matawa dahil sa lahat ng natapunan ng mainit na cinnamon, siya lang ang kaya pang mag-moan.

Nakangiwi siya habang niyeyelo ang nalutong alaga kaya hindi ko mapigilan ang matawa.

"Bakit ka natatawa?" tanong niya, namumula pa rin.

Bago pa ako makapag-isip ay nasabi ko na. "Cinnamoan."

LEGENDARIE

Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
3.9M 99.1K 47
No LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^
15.1K 131 26
Erotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx
1.7M 53.6K 83
Lucent Lotus Amourteirre has everything worth having. Beauty, character, wealth, and even a notorious mafia. But she lost everything when her mafia...