U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Tril...

By frappiness

800K 15.3K 1.2K

Nang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at wal... More

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Konklusyon
Story Guide

Kabanata 13

16.5K 365 36
By frappiness

Kabanata 13

But I'm not really fine.

"Tuloy tayo mamaya," ani ko habang inaayos ang neck tie niya. Napansin kong nakahanda na ang Chevy na sasakyan niya kasama ang driver. Tumingala ako nang matapos kong ayusin ito. Bumungad ang isang Gideon na pinipigilan ang pagngiti. "Don't be late." I wiggle my brows. 

Umatras ako sa kanya. Gideon is wearing black business suit.

"Text mo 'ko kapag papunta ka na. Plus, gamitin mo 'yong tinuro kong emoticon sa'yo. Colon, maraming dash tapos letter D," biro ko.

"C'mon, we're still on the emoticon, ha, baby?" Napailing siya at tumawa.

Napapikit ako sa kilos na ginawa niya. Ba't ba hanggang ngayon hindi nagbabago 'yong epekto niya sa akin? Kahit ano kilos nakaka-intimidate na mapapapikit na lang para hindi ka madala? Hanggang ngayon, madadala ka nito kung saan hanggang sa mawala ka na.

"Basta, 6 pm. Huwag kang ma-late!" Winagayway ko na ang aking kamay. "Bye! Ingat ka!" Nginitian ko siya ng malaki kaya nahawa siya. Pero natuwa ako sa ngiting binigay niya sa akin. Grabe, wala pang salita 'to. Paano pa kung mayroon?

"Okay. 6 pm. I'll text you if I'm on my way. 6 pm. Noted," aniya.

I nod. "6 pm. Ba-bye! Ingat ka. Diretso na ako sa 5 star hotel," I said, giggling. "I love you," habol ko.

Napapikit ng mariin si Gideon sa tatlong salitang sinabi ko. Nakita ko na nahirapan siya sa paglunok dahil sa galaw ng Adam's apple niya. Madali niyang idinalat ang mata at ako'y nawalan ng hangin sa sinabi niya. "O, baby, come here." Kusang naglakad ang paa ko sa pwesto niya. "I love you. Always," anito.

"Always." I breathed.

And he kissed me.

**

"Mas maganyang 'yang dark blue, nak." Ani Manang.

Hindi ko napansing nasa kwarto pala namin siya habang tinitignan ko ang aking salamin kasama ang ilang dresses sa aking kamay. Pumunta si manang sa malaking cabinet at nilagay ang ilang polo ni Gideon doon. Lumapit siya sa akin at kinuha 'yong dalawang dress at iniwan 'yong dark blue sa aking kamay.

Simple lang ang disenyo ng dark blue na dress. Hanggang tuhod ko ito at pabilog ang disenyo ng backless. Teternuhan lang ito ng wedges okay na.

"Thank you, manang."

"Anong oras ka ba aalis? Para ipahanda ko na ang kotse."

"Mga 5:15 po siguro."

Napatingin si manang sa orasan. "4:30 na. Teka papahanda ko na ang kotse."

"Salamat, manang! Love you."

Nawala sa pagmamadali si manang at lumingon sa akin. "Walang anuman! Kahit kailan talaga ang sweet mong bata. Mahal din kita," Manang said.

Napatawa ako at umalis naman si Manang ng kwarto. Naghubad na ako at sinuot ang dark blue na dress. Inayos ko ito at tumingin sa salamin. Pagkatapos, inayos ko sa isang bun ang buhok ko. Naglagay ng simpleng make-up. My lips are pink. Tinignan ko pa ng sandali ang aking sarili sa salamin bago kuhanin ang pouch. Nang maayos naman ang aking pagkakatingin ay dali-dali kong sinuot ang wedge at lumabas ng kwarto. Habang naglalakad ay kinuha ko ang phone sa pouch dahil baka may text na si Gideon. Pero wala pa akong natatanggap mula sa kanya.

Baka papunta na, Aly. 'Wag kang masyadong excited.

"Okay na 'yong sasakyan. Ingat ka. Ingat kayo," ani manang sa harap ng pinto.

"Salamat, manang! Una na po 'ko."

Nang nandyan na ang kotse ay nagmamadali akong pumasok roon. Sumilip ako ng isa para makita si manang at nakangiti pa ako bago umandar ang kotse ng mabilis.

Saglit lang naman 'yong byahe papuntang 5 star hotel. Mga kalahating oras lang. Baka nga wala pang 6 pm nandoon na ako sa lugar. Nagpareserve naman na si Gideon ng table sa amin doon. Mayroon kasi don na resto na makikita mo 'yong kabuuan ng Quezon City at ma-amaze ka sa mga ilaw na mayroon 'yong matataas na building. Tapos medyo nakakatakot din sa mga may fear sa height dahil 'yong floor nila glass which is makikita 'yong baba. Pero wala naman sa akin 'yon.

Nang medyo malapit na kami sa hotel ay tumingin ako sandali sa salamin kung maayos ba ang mukha 'ko. Pagkatapos ay tinignan ang wrist watch 'ko. Nanlalaki ang aking mata nang tumama ang malaking kamay ng orasan sa sa 12 habang 'yong maliit ay nasa 6. Oh my God! 6 pm na! Nang makapark si kuya ay dali-dali akong lumabas ng kotse ng walang paalam sa kanya. Nagmamadali akong pumunta sa hotel at pumunta sa elevator.

Mabuti na lang ako lang ang tao sa elevator at pinindot ko agad ang 5th button floor. Tinapik-tapik ko ang  aking paa sa pag-aalala. Ako pa yata ang late sa aming dalawa. Ako pa ang nagsabi na h'wag ma-late pero ito ako, late. Tumingin muli ako sa wrist watch ko at 6:10 na.

Huminto ang elevator at nagmamadali akong lumabas. Agad na may nag-assist sa akin nang makarating ako sa restaurant na 'yon.

"Your name, ma'am?" aniya at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"Alysson Jimenez." Napakagat ako ng labi pagkabanggit ko sa pangalan ko.

"Mrs. Jimenez, this way please." Tinuro nung nag-assist sa akin 'yong way. Sinundan ko lang ito hanggang sa huminto kami sa isang table na dikit sa glass window. Kapag tumitingin ako sa baba ay nakikita ko 'yong mga taong dumadaan sa 4th floor. "Ma'am." Napatingin ako sa kanya. May inabot siya sa aking menu.

"Thank you," I said.

Halatang may inaantay pa ito mula sa akin. Pero wala pa si Gideon. Hihintayin ko pa siya.

"My husband is on his way," ani ko. Though, wala pa rin si Gideon. Ilang beses akong luminga kung saan pero wala siya. Siguro nga papunta na. Nakalimutan na niyang magtext dahil na rin papunta na nga siya.

Mahigpit kong hinawakan ang phone ko. Tumunog ka naman.

"Okay, ma'am. Tell me if you need something, all right?" The woman said, humbly.

"Thank you."

"You're welcome, Ma'am. Excuse me." Yumuko ito bilang paggalang at napangiti na lang ako. Pinagmasdan kong umalis 'yong babae at napabaling na lang ako ng tingin sa labas. Mula sa glass window, makikita ko ang paglubog ng araw. May iilang building na bukas ang ilaw ng buong palapag.

Napabuga ako ng hininga. Tinignan ulit ang phone ko. Pero wala pa rin. Wala pa rin text na galing sa kanya. 6:20 na pero wala pa rin siya.

Late lang 'yon Aly pero papunta na 'yon. Baka traffic. Di ba? Traffic lang.

Kaya ako na ang nagtext.

To Gideon:

Saan ka na? </3

Tinitigan ko lang ang text message ko sa kanya hanggang sa lumipas ang kalahating oras. Noong tumingin ako sa orasan ay 7:00 na kaya biglang ina-approach muli ako nung babae.

"Ma'am, do you want me to serve the food?" she said.

Mabilis akong umiling, "Ay hindi pa. Parating na 'yong asawa ko."

"Okay, ma'am." The woman bowed her head. At saka umalis na 'to sa kinalalagyan ko. Tinanaw ko muli 'yong mga building sa labas. Tuluyang ng dumilim at lumitaw ang buwan. Maganda na ang view dahil halos lahat ng building bukas ang kanilang ilaw. Mula rito sa pwesto ko parang kita ko ang kabuuan ng Quezon City.

Nasaan ka na Gideon?

Lumipas ang isa pang oras ay wala pa rin siya. Kagat-kagat ko na ang labi ko para lang hindi makawala ang emosyong mayroon ako. Marami ng posibilidad ang pumapasok sa aking isipan. Maybe, he forgot about this date. Or maybe, mayroon namang unexpected meeting or what? Or maybe he doesn't want this. O damn, what am I thinking right now?

Papayuko na sana ako ng ulo nang may nagsalita. "O, I'm sorry, Ms. Carreon. I am the representative of our company to meet you. I'm sorry because I know I am late. Apology." Tumingala ako para tignan kung sino 'yong kinakausap niya. Ngunit, napaawang ako ng bibig nang nasa tabi ko ito. Umupo siya sa kabilang upuan. "I should be on time. And I am really sorry." Ngumiti ito pagkatapos ay lumitaw ang hindi kalaliman niyang dimples sa taas ng kanyang pisngi. The man is wearing corporate attire. Ayos na ayos ang kanyang itim na buhok. Medyo bilugan ang kanyang mukha ngunit mataas ang kanyang cheekbones. Parang magkaedad lang kami.  At parang namumukhaan ko siya? O hindi naman? "Please to meet you, Ms. Sunshine Carreon. I am Blade Andrade, Recruitment Specialist of NG Group of Companies." The man named Blade grinned at me.

Pero hindi ako 'yong sinasabi niyang babae.

"I'm sorry but I'm not Sunshine Carreon." Umiling ako at ngumiti.

Blade lips part. Napapikit ito ng mariin dahil maaring sa hiyang nararamdaman. "I'm sorry, really, I'm sorry. Ito kasi 'yong table na pina-reserve din. O, maybe, my fault. Ms. Sunshine told me, she's wearing a dark blue dress like yours Miss. I'm sorry. Parehas din kasi kayo ng hulma ng ulo. Yumuko ka pa kaya akala ko si Ms. Sunshine ka. I'm sorry, Miss. Apology."

Ngumiti ako para mapalagay siya. "Okay lang."

He sighed, happily. "Thank you. Napahiya ako doon a." Napakamot siya ng kanyang batok at preskong sumandal sa upuan.

Nginitian ko na lang siya. Pero napatayo siya. "May kasama ka ba? I'm sorry. Darn it. How many times I will embarrass myself in front of this beautiful lady?"

Bigla kong naalala si Gideon. Mahigit magdadalawang oras na siyang wala. Ni text wala akong natatanggap sa kanya. So, maybe, it is time to make a move and go home.

"No, actually. Pauwi na rin ako," ani ko.

Tumayo na ako at kinuha ang pouch sa table. Umalis na ako sa kinalalagyan ko at naglakad papuntang elevator. Kagat-kagat ko ang aking labi para hindi malabas kung anong emosyon man ang sasabog sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pouch hanggang sa kunin ko ang phone dito at tinawagan si Manang.

"Manang, pasundo naman po ako rito."

"Aly? May nangyari ba?"

"Manang pasundo na lang po."

"O sige, sige. Papasundo na kita."

End call.

Pumasok ako sa elevator at hindi ko napansing may kasama pala ako.

"Your boyfriend is such an ass, ditching you here."

Tinignan ko 'yong nagsalita.

Blade.

Ngumiti ito ng tipid sa akin. "He's an ass, jerk, and, piece of shit. Okay now?" he said looking at me.

Umiling ako, "He's just busy." Napalunok ako na parang hindi ko tanggap kung ano man ang sinabi ko. Na parang isang kasinungalingan lang 'yong sinabi ko.

"O, come on, no one can be busy when it is about love," he said, dramatically. O boy, muntik na akong ngumiti sa sinabi niya. Ngunit nangingibabaw pa rin 'yong lungkot sa aking puso. Sana hindi na lang niya sinabi. He should text me or call me na hindi siya makakapunta.

May sasabihin pa sana si Blade ngunit bumukas na ang elevator. Tinanguan ko na lang siya at mabilis na naglakad papalabas ng hotel. Bumukas ang automatic glass window at pababa na sana ng hagdan na may humintong Chevy. Nilabas nito 'yong taong hinihintay ko. Bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Kahit na maliit na bagay 'to, hindi ko pa rin maiwasang maging emosyonal. OA na kung OA pero sana nagtext siya o ano pa man.

Sa porma niya, halatang nagmadali rin siya dahil gusot ang puti niyang polo. Tinignan ko ang kanyang mukhang puno ng pagsisi at kung ano pang emosyon. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang aking palad. Bumaba ako ng hagdan at inunahan siyang magsalita, "I'm fine. Actually, really, fine." I shrugged my shoulders. "You have your work, maybe, your main concern right now. Naiintindihan ko. I'm fine." Tumawa pa ako ngunit halatang peke. "Pero okay lang ako."

But I'm not really fine.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
201K 7K 22
When love broke the triplets code ... Robin was left in the dark, in rage, in fire. He become Ren Romualdez's prodigal son, hindi kagaya ng kanyang m...
623K 22.8K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
98.2K 3.4K 41
“Sabi nila, ang kalayaan daw ay katumbas ng kasiyahan. Ngunit paano kung matagpuan mo ang kasiyahan sa isang sitwasyong hindi ka malaya? Pipiliin mo...