Until Our Path Cross Again

By wimpearl

1.7K 66 0

completed September 28- December 10 More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65

Kabanata 55

6 1 0
By wimpearl

Pagkalito ang iniwang pakiramdam ng pag uusap naming iyon ni Paul. Ang bawat salitang binanggit niya noong mga sumunod na minuto ay mas lalong nakapagpalito sa akin.

He's with me when I am in my lowest of my life. He's the one that's been my wall when I am trying to hide from the world.

"I don't want to hear anything from you at this moment. I want you to rest and think about what I've said. Ayaw kong mag desisyon ka agad ngayon, Daph."

Ayan ang huling salitang binanggit niya sa akin dahil pag tapos niyan, hintid na niya ako sa condo ko. Tahimik kami sa byahe at kahit na pinipilit ko siyang kausapin ako ay hindi siya sumasagot.

There's a part in me that want him to stay but I want that part to be a friendship and nothing more. Alam kong masasaktan ko siya pero mas mabuti na iyon kaysa paniwalain ko siyang gano'n din ang nararamdaman  ko para sa kaniya pero hindi naman talaga.

BAR PLANS:
Louisa: Baka naman mga maluluwag na kayo ngayon 'no? Bar House tayo later.

BAR PLANS:
Anthony: Sasama ako. Iniwan na ako no'ng bebeng nabingwit ko no'ng nakaraan, e.

BAR PLANS:
Paul: Pass

BAR PLANS:
Anthony: Pre hindi mo madadala sa kabilang buhay 'yang mga papel.

Hindi kasama si Paul sa lakad namin mamaya.

Hindi iyon nangyari noon pa man. Kapag may mga labas kaming pinupuntahan, sumasama siya kahit na late na kapag alam niyang kasama ako. At hindi naman kapag alam niyang hindi ako kasama. Umiiwas ba siya sa akin?

BAR PLANS:
Daphne: Okey. What time?

BAR PLANS:
Anthony: Kasama naman pala si Daphne pare @Paul. Bakit hindi ka sasama? New chicks ba?

Mabilis akong nag ayos para sa lakad naming iyon. Gusto ko ring makausap sila dahil gusto kong mahingi iyong payo nila sa mga nangyari. Pero, hindi ko lang alam kung may makukuha ba akong matinong sagot sa kanila. Minsan ko lang makausap ng matino ang mga 'yon, e.

I arrived at the bar 5 minutes late. Andon na silang lahat pati si Mitch maliban lang kay Paul na nag pass.

"Dinaig ka pa ni Mitch, Daphne!" Si Louisa nang makarating na ako.

Tumawa ako ng mahina dahil doon. Maaga kasi si Mitch ngayon, iba sa dating tapos na kami tsaka pa nakarating.

"Pero, understandable. Ang ganda ng suot mo today." Dagdag niya.

Naka tube top and maong skirt ako ngayon. Ito nalang kasi ang natitirang outfit ko. Siguro'y kapag dunating ang weekend ay mamimili nalang ako.

"Bakit ang aga mo." Pag tapik ko kay Mitch nang makaupo ako sa tabi niya.

"Magaan kasi ngayon ang trabaho ko." Masaya niyang sabi. "Kaya inagahan ko talaga, para makapag celebrate ako sa maikli kong kalayaan."

Louisa chuckled. "Para kang kakalaya lang sa prisinto sa part na 'yan."

"Magandang kriminal naman ako kung gano'n."

"Uwi na tayo?"

Sabay sabay kaming tumawa. Minsan nakakatanggal talaga ng isipin itong mga kaibigan ko.

Nag kuwentuhan pa kami sa iba pang mga bagay habang nakaupo at nakatingin sa mga taong nag sasaya sa paligid. Si Anthony ay nasa iba ibang mga lamesa gaya ng palagi niyang ginagawa.

"Daph.." pag tawag sa akin ni Louisa.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Laro tayo?"

"Game! Anong laro?" Agad na sagot ni Mitch. Game na game talaga ang isang 'to. Para kasing pinagkaitan ng kasiyahan nitong mga nakaraang buwan, e.

"Truth or Dare."

Sabay kaming kumunot sa sinabi niyang iyon.

"Ang baduy. Wala na bang bago?" Pag rereak ni Mitch.

"Huwag na mag inarte, ayon lang ang alam natin. Anong gusto niyo mag tagu taguan tayo rito?"

I rolled my eyes. Bored lang kami kaya namin 'to ginagawa. Nauubusan na kasi kami ng pag uusapan sa dalas ba naman naming mag kita kita.

"Oo na sige na." Walang choice kong sabi. Kapag hindi ako sumali baka silang dalawa lang ang mag laro.

"Sali kaya natin sila Zeo?" Suggest ni Mitch.

"Huwag na. Hindi natin 'yon friend." Hind pag sasang ayon ni Louisa.

Grabe talaga ang isang 'to. Walang pinipiling lugar ang bibig.

Tumawa ng malakas si Mitch dahil do'n.

Hindi nag tagal, nag simula na kami sa pag babato bato pick. Alam kong para kaming tanga at mukha kaming bata sa posisyon naming ito pero.. masaya rin naman.

"O ikaw ang talo." Pag turo ni mitch kay Louisa. "Palaro mo 'to, ah."

"Truth or dare?" Tanong ko sa kaniya.

"Dare."

Inutusan ni Mitch si Louisa na inumin ang tatlong tungga ng tequila sa harap namin at sa inaasahan, walang wala lang iyon sa kaniya. Parang alak na nga yata ang dumadaloy sa katawan na isang 'to at hindi na dugo.

"Easy!" Sigaw niya pag tapos tumungga.

Sa paulit ulit naming pag babato bato pick, sa kanilang dalawa lang ni Mitch umiikot ang talo. Inaakusahan na nga nila akong madaya dahil hindi man lang ako natatalo. Pero... Malas lang talaga siguro sila ngayon.

"Ayon! For the first time in forever. Akala ko kailangan ko pang mandaya para lang matalo ka, e." Dire diretsong sabi ni Louisa ng ako na ang matalo.

"Truth or Dare?" Pa sigaw na tanong ni Mitch.

"Wala ka namang galit niyan 'no?" Sabi ko ng mabingi dahil sa sigaw niyang iyon. "Truth!"

Nag unahan silang dalawa kung sino ang mag tatanong. Hindi ba nila ako kilala? Bakit parang ang dami nilang gustong malaman?

"Bakit hindi sumama si Paul ngayon?" Tanong ni Mitch ng tuluyan na niyang makumbinsi si Louisa na siya muna ang magbibigay ng tanong sa ngayon.

Pero nang narinig ni Louisa ang tanong ni Mitch, agad siyang nag taas ng kilay at matalim na tumingin kay Mitch. "Malamang may ginagawa siya sa kumpaniya nila. Jusko! Walang trill ang tanong mo Mitch. Ako na."

Hindi ko alam kung bakit gano'n din ang tinanong ni Mitch. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot sa tanong na 'yon dahil wala namang sinabing rason si Paul. Pero kung babasihan no'n ang nararamdaman ko, sa tingin ko'y umiiwas siya.

Bago pa makapagbigay ng panibagong tanong si Louisa, tinakpan na ni Mitch ang bibig nito. "Okey.. iibahin ko nalang!" Pagpigil niya kay Louisa. "Anong pinagusapan niyo ni Paul noong nagkita kayo sa isang korean restaurant noong nakaraang araw? Bakit hindi kami kasama? Tsaka.. mukha kasi kayong may masamang timpla no'ng makita ko 'yong mga mukha niyong problemado, e."

Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman 'yon? Nando'n ba siya?

Ang reakasyon ni Louisa ay katulad lang din sa reaksyon ko pero alam kong hindi halata ang akin dahil ayaw kong ipakita 'yon sa kanila.

"May problema ba, daph? Bakit hindi kami kasali?" Agad na tanong ni Louisa. Tinapik niya ang braso ko at inalog alog ako.

I chuckled. Ang OA.

"Ano bang tanong? Nalilito na ako sa rami, ah. 'di ba may rules tayo na isang tanong lang. Bakit parang dihado ako?" Natatawa kong biro sa kanila. I don't wanted them to feel na malaking problema ang mayro'n ako ngayon. May plano naman akong sabihin ito sa kanila pero hindi ko akalain na sa ganitong paraan pa nila malalaman.

Tsaka, bakit alam ni Mitch ang mga 'yon? Nando'n siya?

Akala ko'y matatawa o gagaan ang itsura nila dahil sa sinabi ko pero hindi.

They looked at me seriously. I saw the concern in their eyes.

I sigh. "Okey. Chill. There is nothing wrong happening. We're just having a misunderstanding."

"W-what kind of misunderstanding?" Kuryosong tanong ni Louisa.

Pigilan man sila'y alam kong kukulitin pa rin nila ako kaya naman kinuwento ko na sa kanila ang lahat ng nangyari. Sinabi rin sa'kin ni Mitch na kaya siya nando'n nung araw na iyon ay dahil mayro'n siyang urgent meeting na doon ginanap.

"So... What will happen? Lalayo na siya?" Si Louisa.

Nagkibit balikat ako. "I don't know. I hope not."

"No. He'll not." Madiing sabi ni Louisa. "He is asking you to give him a chance and he said that he want you to think about your response to his statement. He's just giving you time to think, Daph."

"But Daphne doesn't has a same feelings for him. Kahit na bigyan niya pa si Daphne ng ilang taon, hindi na mag babago 'yon." Hindi pag sang ayon ni Mitch.

I know that this is hard to admit but Mitch is right. I don't know if I can force myself to feel the same for him. We've been together as a friend for a lot of years and If I am going to have a feelings for him, siguro'y nangyari na 'yon noon pa man, pero hindi.

I only see him as a friend of mine. Kahit pa bigyan niya ako ng panahon para makapagisip at alamin kung ano talaga ang nararamdaman ko, I think it would be the same.

Ang kailangan ko nalang isipin sa ngayon ay kung paano ko masasabi kay Paul kung ano talaga ang kaya kong ibigay sa kaniya. Kailangan kong ipaliwanag na hindi ibig sabihin na hindi ko nararamdaman ang parehas na nararamdaman niya, aya ko na siya sa buhay ko.

Maybe it will gonna be awkward but.. I don't want him to distance his self either. Parang ang sama ko naman kung gano'n ang mangyayari sa amin.

Ilang araw ang lumipas, nag reply na su Paul sa mga text ko na magkita kami.

Paul:
I'll go to your condo later 6pm.

Hindi ko alam kung bakit dito kami sa condo magkikita pero hindi ko na iyon inisip pa dahil nag focus ako sa pagiisip kung ano ang mga sasabihin ko sa kaniya mamaya.

Maganda rin siguro na rito kami sa condo dahil walang taong makakakita sa'min. Hindi katulad ng labas na nakakahiya kung may mapaguusapan kaming hindi angkop sa pandinig nila.

Nag linis ako ng kaunti sa condo ko dahil gusto kong presentable siya kapag papasok siya rito. Hindi naman ito ang unang beses na pupunta siya rito dahil madalas naman kaming dito nagsasalo salo ng mga kaibigan ko kapag sawa na kami sa bar.

Nag ayos din ako ng sarili ko kahit na andito lang naman kami sa loob pero simple lang iyon.

Ilang minuto bago ang alas sais, narinig ko na ang katok mula sa pinto.

Binuksan ko iyon at agad na tumambad sa akin ang mukha ni Paul at ang bouquet na hawak niya. Pero hindi gaya noon, hindi ko na kayang ngumiti ngayon. Noong binibigyan niya ako ng ganito'y iniisip kong ginagawa niya lang iyon dahil gusto niya. Per ngayon na may iba ng rason ang pumapasok sa isip ko, hindi ko na maiwasang hindi malungkot at masaktan.

I appreciate his efforts but I feel sorry at the same time. I can't do this to him. Hindi ko kayang ibigay sa kaniya pabalik iyong mga pagmamahal na binibigay niya.

"Upo ka." Tinuro ko ang sofa nang tuluyan na siyang makapasok.

Tahimik lang siya at walang ibang ginagawa kundi ang tumingin sa'kin.

Nag lakad siya papunta ro'n sabay nilapag niya ang bouquet na iyon sa lamesa.

"Sandali lang. Kukunin ko lang iyong niluto ko." Mabilis akong nag lakad papunta sa kusina para kunin ang kaninang niluto ko pero bago pa ako makalayo, narinig ko ang pag tayo ni Paul.

"Hindi ako mag tatagal, Daph." He said tersely. "I just want to talk to you and at the same time, say my goodbye."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin?

Bumalik ako sa sofa at hinarap siya. "What do you mean?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapait. "I know you can't love me back. I know that even before but... I still did my best to make you feel that I am worth it."

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Hindi alam ang mga sasabihin.

"You're the first one I loved like this, and maybe that's the reason why I'm also feeling hurt like this right now. I will go to Seattle for good. Dad gave me a work. He wants me to be the one to manage our business there. Matagal na niya iyong ibinibigay sa akin pero ikaw palagi ang nasa isip ko. Paano ka kapag wala ako? Paano kung malasing ka? Paano kung umuwi ka ng probinsya at walang naiwan dito para tumingin ng resto mo?"

Now that he's saying all of this, I feel my tears forming in my eyes, ready to fall any time.

"You've been my best friend and I'm sorry for feeling like this. Pasensya na at binigyan pa kita ng kumplikasyon lalo na noong araw na hindi ako nag paramdam. Iniisip ko lang noong mga araw na iyon kung tatanggapin ko na ba itong pag alis na ito o hindi. But, here I am, saying my good bye. I know that you also felt bewildered when I said I want you to give me a chance." He chuckled. "I'm also astonished about your question that night. I didn't expect you to ask me that. But, take care okey?"

Hinawakan ni Paul ang pisngi ko ng makita ang tuluyang pag bagsak ng luha.

"I know that you're strong. I'm sorry if I'll not going to be here anymore to rescue you anytime but just call me when you need me and I'll fly back here and help you. Okey?" Nakangiti niyang sabi. "Thank you, daph. I love you."

Continue Reading

You'll Also Like

44.2K 2.3K 30
Two best friends, a blue jay named Mordecai and a brown raccoon named Rigby, work as groundskeepers at a park, along side their vampire/demon best fr...
2M 56.5K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
216K 9K 50
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
7.5M 210K 21
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...